Ruthless Desire

By Kass-iopeia

1.4M 21.7K 832

WARNING: R18!! Callum was against his father's marriage to Katharina, who was nearly his age, or worse, much... More

Prologue
001: How much is your rate?
002: Never seen a sunflower before?
003: Useless Mouth
004: Manila
005
007
008
009
010
011
012
013
014
015
016
017
018
019
020
021
022
023
024
025
026
027
028
029
030
031
032
033
034
035
036
037
038
039
040
041
042
043
044
045
046
047
048
Epilogue

006

28.6K 495 8
By Kass-iopeia

Kabanata 6

Unti unting nadadala na din ang babae sa kakaibang tensyong namamagitan sa kanila ng binata. Hindi niya maintindihan kung anong nangyayari sa sarili at tila may kung anong nagtutulak sa kanya para halikan ang binata. Ganun pa man napigilan niyang labanan ang kakaibang nararamdaman. Marahan niyang itinulak ang katawan ng binata palayo sa kanya. Duon din lamang nataohan ang binata. Agad nitong tinanggal ang pagkakapulupot ng kanyang mga braso sa bewang ng babae. Agad na lumayo siya dito at wala sa sariling umalis ng kusina.

Naiwan ang dalagang gulong gulo sa mga ikinilos ng lalaki at maging sa kanyang sariling naramdaman ng sandaling iyon. Lahat ng iyon ay bago lamang sa kanya at hindi niya maunawaan kung anong ibig sabihin ng lahat ng yun. Bumalik lamang siya sa katinuan ng maamoy ang nasusunog na niluluto. Agad agad siyang humarap sa lutuan at pinatay ito. Napapailing na tinitigan niya ang sunog na bacon.

"Ano bang nangyayari sayo Katharina?"

Ibinalik na lamang niya ulit ang atensyon sa pagluluto at hindi na inisip pa ang nangyari sa pagitan nila ng binata kanina. Wala din namang rason para isipin niya iyon. Marahil ay binibiro lamang siya nito.

"I'm leaving."

Napapitlag siya ng marinig ang boses ng binata mula sa entrada ng kusina. Agad agad siyang napalingon dito. Gaya na ulit ng dati ang reaksyon ng mukha nito. Biglang nawala ang kaba sa kanyang dibdib dahil duon.

"Huh? Ah eh kumain ka muna." Aya niya sa binata. Tatanggi na sana si Callum ngunit ng maamoy ang nilutong pagkain ng dalaga ay bigla siyang nakaramdam ng pagkagutom.

Walang nagawang naupo ito at agad namang kumilos ang dalaga upang siya ay ipaghain. Nakangiti siya habang pinagmamasdan itong kumakain ng kanyang niluto. Natutuwa siya dahil hindi nito tinatanggihan ang anumang niluto niya. Isa na yun sa mga nakikita niyang daan upang matanggap siya ng binata. Baka makuha niya ang loob nito sa pamamagitan ng pagluluto at pag aasikaso dito.

"Kumain ka maigi para di ka magutom habang nag ttrabaho ka." Nakangiting sabi nito.

"Stop it will you?!"

"Huh?" Takang tanong ng dalaga sa biglang pag galit ng lalaki.

"Stop acting like you care about me." Sabi pa ng binata. Natahimik ang dalaga.

"You're not my mother so please drop the act!"

"Pasensya na.." Nakayukong tugon ni Katharina. Hindi niya maintindihan ang lalaki. Kung kailan pilit niya itong inaamo ay mas lalo lamang itong nagagalit sa kanya. Ngayon ay hindi niya na alam kung paano pa ito mapapaamo.

"Aalis na ako." Walang ganang sabi ni Callum at tuluyan ng nilisan ang kusina. Naiwang nakatulala ang babae sa inasal nito. Nag iisip ng panibagong paraan para makuha ang loob ng lalaki. Kahit mahirap at mukhang imposible gusto niyang mapalapit sa binata. Anak iyon ng taong pinagkakautangan niya ng loob kayat kailangan niya din itong paglingkuran gaya ng gianagawa niya sa ama nito.

Suot ang isang simpleng bestida na hanggang tuhod lamang ang haba ay pumasok si Katharina sa loob ng isang kilalang bar sa manila. Inikot niya ang paningin sa buong lugar. Madilim at kakaunti lamang ang mga ilaw na may ibat ibang kulay. Malakas ang tugtog at maraming sumasayaw sa may gitna. Napaiwas siya ng tingin ng dumako ang paningin niya sa couple na halos gawin ng motel ang dance floor. Hindi siya sanay na makakita ng ganung eksena.    Balak na lang sana niyang lumabas ng bar dahil naisip niyang hindi pa pala niya kaya makipag halubilo sa mga ganung klaseng taong pwede niyang maencounter. Ngunit paghakbang niya ay siya namang may humila ng kamay niya dahilan upang siya ay mawalan ng balanse at mapasubsob sa katawan ng lalaking nanghila sa kanya.

Dumapo ang kanyang mukha sa matipunong dibdib ng isang lalaki. Agad siyang humiwalay sa pagkakasubsob sa katawan nito. Salubong ang kilay na hinarap ang lalaki.

"Sino ka?" May inis sa tonong sabi ni Katharina.

Bakas naman ang gulat sa mga mata ng kaharap.

"Kath?" Mahinang sambit nito. Kumunot ang nuo ni Katharina.

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?"

"Damn! Ikaw nga talaga yan! Fvck!" Bigla na lang yumakap sa kanya ang binatang estranghero pero mabilis niya din itong itinulak palayo.

"Bakit mo ko niyayakap? Magkakilala ba tayo?"

"Kath it's me, Calvin!" Pahayag ng binata na ngayon ay abot langit ang ngiti. Sandaling nangunot ang nuo ni Kath na wari'y nag iisip pero agad ding nagliwanag ang mukha nito ng maalala kung sino si Calvin. Si Calvin ay ang anak ng kapit bahay nilang si mang Celso. Ito ang matalik niyang kaibigan nuong mga bata pa lamang sila. Hindi palakaibigan na tao si Katharina kung kayat nag iisa lamang si Calvin na naging kaibigan niya mula nuon. Hanggang sa bigla na lang lumuwas pa maynila ang lalaki at hindi na muli niya itong nakita

Hindi makapaniwala si Katharina habang titig na titig sa binata. Hindi niya akalain na muling pagtatagpuin ang kanilang mga landas kahit maraming taon na ang bumilang mula ng malayo sila sa isat isa. Natutuwa din siyang malaman na nakikilala pa din siya ng dating kaibigan. Kung siya ay nakalimutan na ang mukha nito pero ito naman ay hindi pa din siya nalilimutan. Sobrang laki kasi ng ipinagbago ng lalaki kaya hindi niya ito namukhaan agad. Ibang iba na din ang klase ng pananamit nito. Sa tingin niya ay isang big time businessman na ang lalaki dahil sa attire nito ngayon. Ngumiti siya rito ng ubod ng laki.

"Calvin!" Agad din niya itong niyakap. Nang magbitiw ay sumilay naman ang isang matamis na ngiti mula sa kanyang mga labi. Ang ngiting kayang makapukaw ng damdamin ng mga kalalakihan.

Pansamantalang natigilan si Calvin dahil sa ngiting iyon ni Katharina. Pakiramdam niya ay may kung anong bagay ang humaplos sa dibdib niya ng masilayan ang matamis na ngiti na yun ng dalaga.

"Ikaw ah! Kamusta ka na? Mukhang big time na tayo ah?" Ngingiti ngiting sambit ng dalaga. Iiling iling na ngumiti naman ang lalaki.

"Sa tingin ko hindi ito ang tamang lugar para pag usapan yan. Let's go somewhere else?"

"Sige!" Nakangiti pa ding sagot ni Katharina. Hinawakan ni Calvin ang kamay niya at hinila palabas sa maingay na lugar. Pinasakay siya nito sa sasakyan nito pagkalabas nila. Hindi pa din siya makapaniwala na talagang big time na ang dating kaibigan. Napaka ganda ng sasakyan nito hindi niya akalaing mag tatagumpay sa buhay ang kaibigan ng ganito. Mukhang sobrang yaman na nito ngayon.

"Where do you want to go?"

"Ikaw. Wala naman talaga akong alam dito." Nakangiting sabi ni Katharina. Tumango tango lang ang lalaki at pinaandar na ang sasakyan. Sa pinaka mahal at malapit na resto sila huminto.

Mabilis na lumabas si Calvin ng sasakyan para umikot sa side ng dalaga at pagbuksan ito ng pinto. Inalalayan din niya itong lumabas ng kotse bahagyang natawa pa si Kath dahil sa pagiging gentleman masyado ng lalaki. Naalala niya nuon ito pa mismo ang palaging nang aasar at nangiinis sa kanya pero ngayon mukhang hindi na yata nito kayang magpaiyak ng babae sa sobrang pagkamaginoo.

Pumasok sila sa loob na kapwa masaya.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na makikita duon sa bar kanina." Pahayag ni Calvin ng makaupo sila.

"Kahit ako eh."

"Paano ka napunta duon?" Tanong ng binata na takang taka pa din. Kilala niya ang kaharap at alam niyang hindi palakaibigan ang dalaga ni ayaw nga nitong nakikipaghalubilo sa madaming tao kahit nuong mga bata pa lamang sila tapos sa ganung uri ng lugar pa niya ito makikita.

"Ah w-wala sinubukan ko lang pumasok sa ganung klaseng lugar."

Pansamantalang natigil ang usapan nila ng may lumapit sa kanila upang kunin ang mga order nila. Dahil hindi sanay umorder ang dalaga ay pinaubaya na lamang niya sa binata ang pag order ng mga pagkain nila. Pagkaalis ng serbidora ay agad na pinag patuloy na nila ang kanilang paguusap.

"Ikaw ah big time ka na pala!" Nakangiting sabi ni Kath.

Tumawa ang lalaki at sandaling nahinto.

"Umuwi ako sa San Rafael kailan lang pero di kita naabutan sa inyo. Wala ng tao sa bahay niyo sabi sabi duon nag asawa ka na daw at ang mga magulang mo ay patay na pareho."

Lumungkot ang mukha ng dalaga at napayuko.

"I'm sorry hindi ko gustong ipaalala." Agad na bawi ng lalaki.

"Hindi. Ayos lang yun. Tama ka wala na nga sila pero hindi pa ako kasal."

Napangiti si Calvin ng marinig sa dating kaibigan na hindi pa ito tuluyang nagpatali.

"Okay lang ba kung tanongin ko kung bakit ka napunta dito sa maynila?" Muling tanong ng lalaki, sa totoo lang ay maraming tanong ang nag lalaro sa isipan nito. Mula ng magkalayo sila ng babae ay hindi na niya maialis ito sa isipan. Yuon ay dahil may malaking puwang ito sa kanyang puso. Ito ang kauna unahang babaeng nagpatibok ng kanyang puso at hindi pa rin iyon nag babago kahit na matagal na panahon na ang lumipas.

Nang makita nga niya ito kanina at makonpirmang ito nga ang dating kaibigan ay sobrang nagalak ang kanyang kalooban. Nang balikan niya kasi ito sa San Rafael ay nalaman niyang nagpakasal na ito sa isa sa pinaka mayaman sa lugar na yun kung kaya't hindi na niya ito hinanap pa. Duon niya na din sinimulang kalimutan ang nararamdaman para sa babae ngunit ng muli niya itong masulyapan kanina ay tila nagbalik ang ano mang nararamdaman niya para dito.

"Gusto ko lang maranasan ang buhay dito." Tugon ng dalaga. Napansin ng binata ang tila lungkot sa mga mata nito. Hindi na tulad ng dati ang mga mata nito na punong puno ng sigla. Tila nabahiran na ng lungkot ang mga iyon.

"Sino ang kasama mo dito sa maynila?" Muling tanong ng lalaki.

"Si Callum.." Matipid na sagot ni Katharina. Kumunot ang nuo ni Calvin ng marinig ang pangalan ng isang lalaki.

"Callum? Sino naman si Callum?"

"A-anak siya ni Christopher, nang mapapangasawa ko.." Napayuko ang dalaga. Kinakabahan siya na baka tulad ng iba ay husgahan din siya ni Calvin. Masasaktan siguro siya ng sobra kung pati ang dating matalik na kaibigan ay huhusgahan siya.

"Anak ng mapapangasawa mo? Katharina..."

Tumango tango ang dalaga at hindi na hinayaang ituloy ng lalaki ang sasabihin pa sana nito.

"Oo Calvin. Doble ng edad ko ang edad ni Chris. Pero sa tingin ko wala namang masama duon di ba?"

Hindi malaman ni Calvin kung sasangayon ba siya sa dalaga. Hindi pa din siya makapaniwala sa mga naririnig dito. Nabalitaan niya nuon na nagpakasal na nga ito sa matandang mayaman pero ang makonpirmang totoo nga iyon ay hindi niya lubos matanggap. Bakit? Bakit hindi niya agad nabalikan ang dalaga? Kung sana mas maaga siyang bumalik sa probinsya ay sana siya ang kasama nito ngayon at ang papakasalan nito.

"Ikaw Calvin may asawa ka na ba?" Pag iiba ni Katharina sa usapan. Umiling iling ang kaharap. Gustong sabihin ni Calvin sa babae ang nararamdaman niya para dito gusto niyang angkinin na lang ang babae ngunit alam niyang baka pag ginawa niya iyon ay mas lalong hindi na niya muling makita ang dalaga.

"Wala pa." Simpleng sagot niya.

"Bakit naman wala pa? Ahhh! Siguro busy ka magpayaman kaya hindi ka pa makapag asawa ano?" Biro ng dalaga. Napangiti na lang si Calvin ng makitang nakangiti ito.

"Ganun na nga siguro."

"Mabuti ka pa."

"Bakit ka nga pala nasa ganung lugar kanina?" Di mapigilang tanong ni Calvin.

"Huh? Ah.. Sinubukan ko lang din."

"Bakit parang ang dami mo namang bagay na gustong subukan?"

"Uhm.." Nag isip si Katharina ng maaring ipangsagot sa tanong ng binata.

"Ah! Kasi naman wala namang mga ganito sa San Rafael kaya gusto ko sanang subukan." Nag kibit balikat si Calvin at dumating naman na ang mga inorder nilang pagkain. Habang kumakain ay tuloy parin sa pag tatanong si Calvin tungkol sa naging buhay ni Katharina simula ng umalis siya sa San Rafael. Nag kwento naman si Katharina ngunit hindi na niya sinama sa kwento ang tungkol sa pagkamatay ng kanyang mga magulang. Ayaw na sana niyang balikan itong muli.

"So san ka nga pala nakatira para maihatid na kita?" Tanong ng binata.

"Wag na. Kaya ko naman na mag taxi pauwi."

"Do you really think na hahayaan kitang umuwing mag isa? Iba ang maynila sa kinalakihan nating San Rafael, Kath. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko if something bad happened to you."

Ngumiti na lang si Kath at hindi na nakipag talo pa. Sa huli ay nag tagumpay ang binata na maihatid si Katharina sa eastwood kung saan ito pansamantalang nakatira ngayon. Gusto sanang imbitahan ni Kath ang lalaki papasok sa bahay ngunit naisip niyang baka hindi matuwa si Callum pag nakitang may ibang tao siyang pinapasok duon.

"Sige na Calvin. Salamat nga pala."

"Wait Kath! Kelan ulit tayo pwedeng magkita?" Tanong ng binata. Hindi na niya pwedeng palagpasin ang pagkakataong ito upang muling makita at mapalapit sa dalaga.

"Hindi ko pa alam eh. Ibigay mo na lang sa akin ang number mo para matawagan kita kapag pwede ako." Nakangiting sabi ni Katharina. Hindi pa din nag babago siya pa din ang dating kaibigan na mahilig ngumiti.

Nag labas ng calling card si Calvin mula sa kanyang wallet at ibinigay sa babae. Nakangiting tinanggap iyon ni Katharina at nag paalam na.

"Sige na pasok ka na."

Umiling ang dalaga.

"Mauna ka na umalis. Pagnakaalis ka na tyaka ako papasok." Wika nito.

Napangiti ang dalaga.

"Sige na Kath mauna na ako." Wika ng binata bago muling sunakay sa sasakyan ay nilingon pa nito ng sandali ang dalaga. Kumaway si Katharina ng makitang lumingon ang binata. Napapailing na pumasok si Calvin sa kanyang sasakyan.

Nang sa wakas ay umalis na ang lalaki sakay ng sasakyan nito ay tumalikod na din si Katharina upang pumasok sa loob ng building. Bago pa man siya makahakbang ay natanaw niya mula sa kanyang kinatatayuan si Callum na seryosong nakatitig sa kanya. Biglang kumalabog ang dibdib niya at tila kinabahan sa biglang pagsulpot ng binata. Tumalikod naman na agad si Callum at nag tungo sa elevator patakbong sumunod naman si Kath sa lalaki papasok ng elevator. Hinihingal na nasapo ng dalaga ang kanyang magkabilang tuhod.

"What do you think you're doing?" Masungit na tanong ni Callum sa dalagang nag hahabol ng hininga.

"Ah— pasensya na.." Tumuwid ng tayo si Katharina.

"Who's that guy?"

Agad na napabaling sa binata si Katharina.

"Sino?"

"Fvck! Stop acting like a dumb." Inis na anas ng lalaki. Nagulat si Katharina ng bigla na lang itong nagmura. Halos mapapikit siya sa pagkagulat dito.

"S-Si Calvin ba?"

"Calvin my ass! Ano bagong lalaking peperahan mo?" Ngumisi ang lalaki habang siya naman ay unti unting namumutla ang mukha dahil sa galit na nakikita sa kasama.

"Kung nakahanap ka na ng ipapalit kay Dad, pwedeng pwede ka ng umalis. Mabuti naman at mukhang nakahanap ka na ng ibang lalaking mahuhuthutan—" hindi na pinatapos ni Katharina si Callum at agad na siyang sumabat.

"Hindi ko iiwan si Chris at mas lalong hindi ko lalaki si Calvin. Kaibigan ko si Calvin kung yun ang gusto mong malaman at wala kaming relasyon ni Calvin. Isa pa malinis ang intensyon ko sa dad niyo ilang beses ko na sinabi yan pero ayaw mong maniwala. Wala akong balak huthutan si Chris gaya ng iniisip mo." Seryosong sabi ni Katharina. Mas lalong nainis si Callum dahil sa narinig na katwiran ng dalaga.

Continue Reading

You'll Also Like

22.2K 366 54
Si Heracyl ay lumaki na hindi nakasama ang kanyang ama, maaga kasi itong kinuha sa kanila, pero kahit gano'n ay ginawa lahat ng kanyang ina para hind...
628K 19.8K 50
When push comes to shove Seth is willing to do anything for the sake of money. Money has become his master for such a long time that he didnt even kn...
67.4K 3.1K 49
Unbreak the broken soul
143K 3.9K 32
[Complete | R-18 | Content Advisory | Taglish ] Island of Sin #1 Nang sabihin sa kanya ng kanyang matalik na kaibigan na gusto siya ni Darius L...