My Sweet Blackmailer

TuronTuwingTrigo

49K 680 236

Falling in love with someone isn't always going to be easy... Anger... tears... laughter.. It's when you want... Еще

Ch. 1: Sizzling Summer
Ch. 2: The Unexpected School Year
Ch. 3: Iris
Ch. 4: CHEEKY CHEATER & The TALENTED MONKEY
Ch. 5: You're the Thing that's Right
Ch. 6: An Underwater ____
Ch. 7: Picnic
Ch. 8: Last Friday Night!
Ch. 9: The Limit
Ch. 10: "I've been inlove with her for the past 18 yrs."
Ch. 11: Jrissy <3
CH. 12: Because tomorrow might be good for something
Ch. 13.1: LIKES
Ch. 13.2: LIKES
Ch. 14: **
Ch. 15: Still & Always
Bonus Chapter: A Christmas Special :*
Ch. 16: LOVE ME or MISS ME?
Ch. 17.1: MISSING
Ch. 17.2: MISSING
Ch. 18.1: Cupid is Blind!
Ch. 18.2: Cupid is Blind
Ch. 19 - Heartbreaks & Heartaches
Ch. 20: Hell Week T_T
Ch. 21: SUPERMAN
Ch. 22: The Most Precious Thing
Ch. 23: My Perfect MATCH!
Ch. 24.1: Twists and Turns
Ch. 24.2: Twist and Turns
Ch. 25: Gate 13
Ch. 26: Two Years Later </3
Ch. 27: Enchanted Kingdom
Ch. 28: Ang Bagong Buhay.... Jelo's Part
Ch. 29.1: Salisi
Ch. 29.2: Salisi
Ch. 30: Simsimi
Ch. 31: Ang Bagong Buhay... Ysabel's Part
Ch. 32.1 - Boarding
Ch. 32.2 - BE
CH. 32.3 - A
Ch. 32.4 - CH
Ch. 33: The Social Climber and The Pianist
Ch. 34 - Charm
Ch. 35: Bestfriends <3
Ch. 36 - Why did you have to go?
Ch. 37: "Di mo man lang ako inintay!"
Ch. 39: Mga Nakaw na Sandali
Ch. 40 - You're My Idea of Perfect
Ch. 41 - Marshmallow
Ch. 42: I Love You.
Ch. 43 - Don't Change
Ch. 44: L I A R
Ch. 45: OCTOBER 13th ♥
Ch. 46 - After Everything

Ch. 38 - I'd Lie

770 14 12
TuronTuwingTrigo

Chapter 38 - I'd Lie

Dedicated to: Caitlyn Bautista

Pinsan ng co-writer ko. Sya kasi ang nag-isip ng title ng chapter na 'to habang magkausap kami ni co-writer sa cellphone. :))

Enjoy reading! 

Don't forget to VOTE.COMMENT.LIKE.ADD TO READING LIST.BECOME A FAN.TWEET :D

~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.

-> Cafeteria <-

' YSABEL'S POV

Wala kasi kaming klase kaya dito muna kami nagpalipas oras sa cafeteria. Kasama ko si Lawrence, Yanx at Zeke. At hanggang ngayon ay nagmumukmok pa rin ako sa nangyari kahapon sa cultural festival. Ayun na kasi yun eh! Magkikita na kami ni Jelo. Pero wala. ISANG MALAKING FAIL!!! Bakit naman kasi ayaw kaming pagtagpuin ng tadhana eh. Please naman destiny, pagkitain nyo na kami. Alam mo namang araw araw kong hinihilig na magkita kami ni Jelo. Pagbigayan nyo na naman ako. Eto lang oh. Ang magkita lang kami ng monkey ko. T_____T

"Hoy, okay ka lang?" - umupo sa harapan ko si Lawrence. Kakabili nya lang ng pagkain eh, sya na rin bumili ng pagkain ko kasi hindi ko kayang gumalaw. Masyado akong matamlay ngayon araw. Hay. -.-

"I just can't believe all of this. Yun na yun eh. Moment na yon eh." - pagmumukmok ko

"Ano ka ba! Baka hindi pa lang talaga kahapon yung time." - iniabot saken ni Lawrence yung binili nya sa'kin na pasta

"Eh kasi." - yumuko ako at napaiyak na "Bakit naman kasi hindi pa *sniff* ako pinagbigyan eh. Ganun ko *sniff* na kagustong makita sya eh. *sniff*

"Uy, okay lang yan, Ysabel. Malay mo may mas magandang plan si God kaya hindi pa kayo pinagkita ni...Sino nga ba yon?" - comfort saken ni Yanx. Katabi ko kasi sya eh.

"*sniff* Yung monkey koooo." - lalo akong napaiyak. Kasi, gusto ko na talaga sana syang makita. Pero. Pero. T_____T

"Yon. Yung monkey mo. Ysabel, there's a time for everything. Magkikita din kayo ng monkey mo." - tuloy pa rin si Yanx sa paghimas sa likod ko

"Oo nga. Masyado kang iyakin dyan eh." - pagtataray na naman ng bestfriend ko. Wow, ang supportive nya talaga saken kahit kelan. Wow lang. Eto ko oh, emote ng emote. Tapos sya magtataray

"Sinong hindi maiiyak don?" - pinunasan ko yung mga luha ko

"Ewan ko sayo. Kumain ka na dyan." - sumubo sya nung pasta nya

"Hay nako. Para wala ng drama, bar tayo bukas!" - yaya ni Yanx

"Game. San naman?" - tanong ni Zeke

"May ka-banda kasi ako, sabi nya maganda daw dun sa Republiq, sa Resortsworld. Dun nalang tayo, para maiba." 

"Sige. Anong oras ba yan?" - tanong ni Lawrence kay Yanx

"Mga 7 siguro. Tatawag ako later para makapagpa-reserve sa VIP don, tsaka para may seat rin tayo." - sambit ni Yanx

"Alright. Hoy sasama ka ha." - napatingin ako kay Lawrence at nakaturo saken yung tinidor nya

"Bahala na." - kumain na rin ako nung binili ni Lawrence na pasta

"Anong bahala na. Ano ka ba! Nagmumukmok ka dahil sa lalaking yon. Besides, ex mo na yon diba. I just don't know why you're affected that much." - okay. Ang taray talaga ng bestfriend ko saken

"Ano bang pakeelam mo." - plain kong sagot

"Ysabel. Sige na. Sumama ka na. Sasama ko yung barkada ng boyfriend ko. Tsaka para ma-meet nyo na rin yung boyfriend ko." - pilit saken ni Yanx

"Oo nga naman, Yanx. Sila nalang may hindi kilala sa boyfriend mo eh. Hahaha." - asar ni Zeke

"HAHAHA. Kaya nga eh. Sasama ko sya bukas, pati na din yung barkada nya. Nako Ysabel. Puro hottie yung mga yon. Kaya sumama ka na."

"Ganon. Sige Yanx, para sayo." - tumingin ako kay Yanx

"Oh, eh bakit kay Yanx pumayag ka?" - pagtataka ni Lawrence

"Eh kasi mahinahon sya. Ikaw, ang taray mo." - sagot ko "I have to go, guys. May klase pa ko. Bye." - nag-beso ako kay Yanx at umalis na. Hindi ko pa din pinansin yung bestfriend kong mataray

Tsk. Affected pa din ako sa mga nangyayari lately. Yun na yon eh. Moment na yun kahapon, kaso hindi pa din kami pinagtagpo ng tadhana. Hanggang boses lang yung narinig ko. Wala na pagkatapos nun. T____T Pinunasan ko yung luha ko at dumiretso na sa klase ko. 2 hours nalang naman yung klase ko. At Speech class ito, kaya magiging busy ang dalawang oras ko. Pagkatapos ng klase ko, ay uuwi na rin agad ako. Wala na naman akong gagawin, at ayoko munang kausapin ang bestfriend ko. Ang taray nya kasi eh. Ewan ko ba. Baka nagp-PMS yung lokong yon. 

-> SCHOOL'S PARKING LOT <-

' LAWRENCE'S POV

Pagkatapos ng lunch break ay wala na kong klase. Maluwag ang sched ko ngayon since it's Friday. Pupunta nalang akong mall. Gusto kong magpagupit dahil medyo mahaba na din yung buhok ko. And, I'll buy something for Ysabel. Mags-sorry na ko sa pagtataray ko sa kanya kanina. Eh kasi naman yung babaeng yon! Masyadong affected, hindi lang sila pinagkita ni Jelo. Thank you, destiny! Wag muna ngayon. Ako na bestfriend ni Ysabel, ay hindi ko pa kayang makitang kasama nung Jelo na yon si Ysabel. Ako yung laging palaging andito para kay Ysabel. Ako yung tumayong nanay, tatay, kuya, yaya, bestfriend at boyfriend dyan kay Ysabel noh. Tapos biglang mapupunta ulit sya kay Jelo ng ganon ganon nalang. Aba, eh hindi muna ko papayag. Dadaan muna sya saken.

-> MALL <-

Nang makadating ako sa mall, ay nagpagupit muna ko. Pinatrim ko lang yung buhok ko at nagpa-cellophane ng brown. Para maiba rin. Then, I'll spend my time buying something for Ysabel.

Hmm. Ano kayang magandang bilhin dun sa babaeng yon? Art materials kaya? Ay, madami na pala sya non. Eh kung libro kaya? Nako for sure, makokornihan yon. 

Ah, bibilhan ko nalang sya ng isusuot para bukas. Gusto ko kasing maganda sya bukas kasi andon din yung barkada nung boyfriend ni Yanx. Sabi kasi saken ni Yanx may mga babae din don, kaya I want Ysabel to stand out tomorrow night.

Nagsimula na kong maghanap ng boutique na pwedeng bilhan ng dress si Ysabel. Marami na din naman akong nakita, pero none of the dresses stand out. Lawrence, patience. Makakahanap ka rin ng dress. Humanap pa ko ng humanap at hindi ko namalayang hapon na. And at last, may nakita na kong dress na bagay na bagay sa bestfriend ko. ^^

"Can I help you, sir?" - tanong sakin ni saleslady, hinahawakan ko kasi yung dress na nagustuhan ko para kay Ysabel

"Ah yes. May size 2 kayo nito?" - tanong ko. Oh diba, pang-model talaga ang bestfriend ko. Size 2 sya. ^____^

"Sige sir. Titignan ko po. For your girlfriend?" - aba, nang-intriga pa sya

"Actually, it's for my bestfriend." - I smirked

"oh, okay sir. Wait lang po." - umalis na yung saleslady at kumuha ng stock nung dress na size 2

Yung napili ko para kay Ysabel ay isang plain colored dress na beige. Off shoulders yung dress, at medyo maluwag yung taas (hanggang dun yung luwag sa may ibaba ng chest) tapos yung pababa na nun, ay tight. 

"Ah sir. Eto na po. Size 2." - inabot saken nung saleslady yung dress

"Thank you, miss!" - I smiled at her

"By the way sir. It's a nice choice." - ngumiti rin saken yung saleslady

"Ako pa! Haha. Salamat ulit!"

Binayaran ko na yung dress. at nag-decide ng umalis. Pupuntahan ko kasi ngayon si Ysabel sa unit nya para mag-sorry at ibigay 'tong dress nya. Hahaha. Magdadala pala ko ng Jollibee. Dadaan ako saglit. :))) 

Umalis na ko ng mall. On the way nalang ako bibili ng Jollibee. May madadaan naman akong gasoline station eh. Magd-drive thru nalang ako.

-> TAMBAYAN <-

' JELO'S POV

Nagmumukmok pa din ako dahil sa pagkasalisi naming dalawa ni Ysabel kahapon sa cultural festival. -__- Andito kaming barkada sa tambayan, kasi dito namin pinagkasunduang mag-stay. Wala lang, bonding. Si Jiyo lang ang wala, susunod daw sya. Kasama daw kasi si Yanx eh. 

"Jelo, okay lang yan." - comfort saken ni Mey. Nakadapa kasi ako sa sofa, tapos umupo si Mey dun sa may paanan ko

"Ayun na Mey eh. Andon na eh." - sinubsob ko yung mukha ko sa unan

"Eh baka hindi pa talaga kahapon yung time. Malay mo, bukas diba." - tuloy pa ring comfort ni Mey

"Ayan. Pinaasa mo na naman si Jelo." - narinig kong nagsalita si Kiel

"Malay nga lang eh. Nangengeelam ka." - sagot ni Mey kay Kiel

"Sya sorry. Hahaha." - asar ni Kiel

"Wag na nga kayong mag-away. Nagmumukmok ako oh!" - inangat ko yung ulo ko

"Sira ka talaga!" - si Rob naman ang nagsalita "Magkikita kayo nun kung magkikita. Hindi pa sya espirito noh."

Hindi na ko sumagot. Oo nga naman. Hindi pa naman sya multo. Kaya talagang makikita ko sya. Sana nga, sabi ni Mey. Bukas. SANA. 

Maya-maya ay dumating na si Jiyo. Wala nga pala ang mga girls dito sa tambayan maliban kay Mey. Wala kasi syang kasama sa kanila kaya dito nalang daw sya mags-stay. Which is ayos lang naman samen dahil parang little sister na yung turing namin dyan. Wala din pala si Alyssa. Dun daw sya sa condo ko mags-stay ngayon kasi late syang makakauwi galing school gawa nung lab activities.

"Oy. Bukas!" - simula ni Jiyo

"Anong meron?" - tanong ni Mark

Tumayo na rin ako at umupo ng ayos sa tabi ni Mey. Nagtipon tipon na din kaming lahat sa sala.

"Party tayo!" - Jiyo

"Saan?" - tanong ko

"Sa Republiq."

"Dun sa Resortsworld?" - Jasper

"Yap!" - tumango si Jiyo  "Nagyaya kasi si Yanx. Isasama nya daw yung mga kaibigan nya. 4 lang naman daw sila eh. 2 silang babae, tapos dalawang lalaki."

"Kasama ba si Zeke don?" - nag-cross arms si Kiel

"HAHAHA. Oo." - Jiyo

"Ano ba, Kiel. Wala na nga kasi yon. Tsaka hindi naman masamang maging magkaibigan pa din kami, diba?" - paliwanag ni Mey

Oo nga pala, readers. Pinaliwanag na ni Mey kay Zeke na hanggang friends nalang sila, kasi mahal pa nya si Kiel. Ayon. Ayos lang naman kay Zeke, at least magkaibigan pa din sila ni Mey. Si Kiel at Mey, hindi pa naman ulit sila, pero getting there. 

"Wala naman akong sinabi eh." - bara ni Kiel

"Mag-aaway na naman kayo eh. Teka, Jiyo. Anong oras ba yan?" - tanong ni Mark

"7 pm." - Jiyo "Oo nga pala. Pwede kayong magsama ng mga girlfriends nyo."

"Yun naman inaantay kong sabihin mo eh!" - biglang ang lakas ng boses ni Andrew

"Sira. Hahaha. Basta kumpleto barkada ah." - Jiyo

"Oo naman." - ako na ang sumagot

Tinawagan ko si Alyssa para sabihin sa kanya yung party bukas.

[Hello?]

"Love."

[Yes, love?]

"Nakauwi ka na ba?"

[Yup. Medyo kanina pa. Nakakain na din.]

"Good. Oo nga pala, bukas."

[Mm. Anong meron?]

"Bar daw tayo. Kasama barkada, pati mga kaibigan ni Yanx."

[Great. Osige!]

"Uuwi naman ako bukas dyan ng lunch eh. Sabay na tayong pupunta don. 7 pa naman eh."

[Ah osige, Jelo. Sige na. Nanonood akong movie eh.]

"Okay. Matulog ng maaga ah."

[Okay. I love you.]

"Bye."

Bye. Yun lang sinabi ko. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ko na sya masabihan ng I love you. Epekto ba 'to nung pagkasalisi namin ni Ysabel? Hmp.

' YSABEL's POV

After ng klase ko ay dumaan muna ng nail salon. I wanna pamper myself. Para rin kahit saglit makalimutan ko yung mga nangyari kahapon. 

"Hi mam Ysabel!" - bati saken nung receptionist. Kilala na kasi ako dito eh. Dito kasi ako lagi nagpapa-manicure at pedicure, pati na rin foot spa.

"Ah, hi!" - nginitian ko sya

"Bakit kayo lang po?" - yup! She's talking about Lawrence. Lagi ko kasing kasama yon 'pag napunta ko dito. Napapa-foot reflex sya. Oh diba, ang arte lang.

"Haha. May pinuntahan ata sya eh. After kasi ng klase ko, wala na sya." - oo nga. San kaya nagpunta yon? "By the way, man's at ped's papagawa ko."

"Okay mam. Dito nalang po." - tinuro saken nung receptionist yung upuan ko

After 2 hours, ay natapos na din. Matte color yung pinalagay kong nail polish. Para maiba naman, kasi diba common na yung glossy na nail polish. Kaya matte naman. Nude color yung pinalagay ko. I haven't tried it before eh.

I headed home pagkatapos ko sa nail salon. Gusto ko na din kasing magpahinga, it's been a long day. =.=

Pagkauwing pagkauwi ko ay humiga muna ko sa kama. Ang dami ko na namang iniisip. Hmm. Jelo. Sana magkita na tayo. Miss na miss na kita eh. 

*ding.dong*

Hmm. Sino kaya yon. 7pm na. Hindi naman ako nage-expect ng bisita. Tumayo na ko para tignan kung sino yon.

"Hi." - nakangiti sya

"Ginagawa mo dito?"

"Bestfriend, sorry na! Nagdala ko ng Jollibee!" - tinaas nya yung supot ng Jollibee

"Sira. Hahaha. Pasok!" - pagkasabi ko non, bigla syang nagmadaling pumasok. excited! "Kanina lang ang taray mo saken, ngayon may dala kang Jollibee."

"Ganon talaga." - dumiretso sya yung sa dining area at hinanda nya yung binili nya sa Jollibee. 

"Parang ang dami mong papakainin eh. Dalawang bucket ng chicken joy eh. Ang dami pang kanin!" - pangengeelam ko dun sa pasalubong nyang Jollibee

"Meron pang fries at yumburger dyan." - sigaw nya mula sa kitchen, kahit malapit lang naman ito sa dining room. 

"Naririnig kita, wag kang mag-alala." - kumuha ko ng fries

"Hindi lang ako nakabiling sundae. Tanda ko kasi may vanilla ice cream ka pa dyan eh." - bumalik na si Lawrence dito sa dining room dala dala yung mga plato 

"Meron pa nga. So balak mo ring kainin yon." 

"Syempre." - umupo na sya "Tara, kain na tayo."

Umupo na rin ako at sinabayan syang kumain. Grabe. Parang gutom na gutom si bestfriend. Sunod sunod yung subo nya eh.

"Hoy dahan dahan lang. Hahaha." - natawa talaga ko sa kanya

"Ang sarap eh. Tsaka napagod ako!" - hawak hawak nya yung chickenjoy

"saan naman?" - sumubo na rin ako. in fairness, ang sarap talaga ng Jollibee

"Kita mo 'to?" - turo nya sa buhok nya

"Nahiya naman ako sa brown mong buhok. HAHAHA. Oo nga noh. Nagpagupit ka." - hahawakan ko sana ang buhok nya, pero tinabig nya yung kamay ko "Haha. Bawal hawakan?"

"Bawal. Baka maging black ulit." - subo na naman sya nung kanin

"Sira. Hahaha." 

"Tsaka may binili ako." - namumualan na sya ng pagsasalita

"Don't tell me, damit na naman. Nako Lawrence. Mas adik ka pa sakin sa damit."

"Damit nga." - uminom sya ng coke "Teka, ang nabubulunan ako." - sino ba naman kasing may sabi sa kanya na sunod sunod 

"HAHAHAHA! Dahan dahan kasi. Hindi naman kita uubusan eh."

"Ikaw pa." - sumubo ulit sya ng kanin at chicken

"Yabang mo. Haha. Teka. Patingin nung bago mong biling damit."

"Eh hindi naman para saken yun eh." 

"Eh para kanino?"

"Para sayo. Ayon oh. Yung nasa paper bag." - turo nya dun sa may kama ko, dun nya kasi pinatong eh

"HA? Para san?" - nagtaka tuloy ako at napatigil kumain. Habang sya, lafang pa din ng lafang

"Para bukas." - kumuha sya ng chickenjoy dun sa bucket "Grabe, naubos mo yung isang bucket."

"Ako eh! Ikaw dyan yung kain ng kain!" - tinignan ko tuloy yung laman nung isang bucket at parang magic nga at wala ng laman "Teka. Sagutin mo yung tanong ko. Bakit para bukas? Eh sa bar lang naman tayo pupunta ah."

"Balita ko kasi eh may mga babae na kabarkada yung boyfriend ni Yanx." - ayaw pa din nyang tumigil kumain

"Oh so?" - namamapak nalang ako ng chicken, ayoko na kasing mag-kanin eh. Pero naka-tinidor ako, kasi nga kaka-manicure ko lang

"Para naman hindi ka mukang kahihiya hiya don. HAHAHAHAHAHAHAHA! Joke. Syempre, dapat mag-stand out ka." - tumayo pa sya at tumayong matipuno

"Baliw! Ang laki ng tyan mo, nags-stomach out ka pa dyan. Bakit kailangan ko pang mag-stand out?" 

Umupo ulit sya at tinuloy ang pagkain nya, "Dapat lang maganda ka. Isang gabi ka na nga lang magiging maganda, ayaw pa. Hahahaha!"

"Ang dami mong sinabing maganda tungkol saken. Grabe. Hahaha." - hinapas ko sya sa braso

"Aray naman! Syempre maganda ka! Dyosa nga eh." 

"Kaya naman labs kita eh." - ngumiti ako sa kanya

Tinignan nya ko, "Labs din naman kita, kaya pwede wag mo muna kong istorbohin pagkain. Hahaha." - kumuha na naman sya ng chicken, at this time, dun na sa pangalawang bucket. ADIK LANG? 6pcs lang naman kasi yung laman ng isang bucket. Dun sa unang bucket, dalawang chiceken lang yung nakuha ko. Isang chicken nung kumain akong may kanin, at isa itong pinapapak ko ngayon. So sa kanya yung apat na natira. At naubos na yon. Yung pangalawang bucket na tinitira ng bestfriend ko!!! 

"Gluttony." - bulong ko

"I heard that." - pero tuloy pa din sya sa pagkain

"HAHAHAHAHA! Kumain ka nalang."

After 12345678910 years, natapos na ding kumain ang bestfriend ko. May natira namang limang chicken. Hindi na daw nya kinaya eh. HAHAHA. Naubos din namin yung fries at yung yumburger. Tig-isa lang naman kami nung burger kaya naubos din. Hindi na nga kami nakakain nung vanilla ice cream sa kabusugan eh. Tsaka sabi ni Lawrence baka daw magtae pa sya, kaya next time nalang daw. Ayaw naman daw nyang abutin ng pag-excrete dito sa unit ko kasi baka daw mapasarap yung tulog ko dahil sa amoy. KADIRI sya eh! Kadiri forever 'tong bestfriend ko. Ewan ko lang. Hahahaha. At sya rin naman ang naghugas ng plato kasi nahiya rin daw sya sa nude kong nail polish. In fairness, kahit ang takaw takaw nya eh sya pa din ang nagligpit at naghugas. Nako! Kung total stranger sakin 'tong si Lawrence, maiisip ko na ideal boyfriend sya eh. 

"Peram IPAD!" - nagpunas sya ng kamay at nahiga katabi ko sa kama, kakatapos nya lang kasing magligpit at maghugas eh

"Oh!" - inabot ko sa kanya. Dun lang naman kasi nakapatong yung IPAD ko sa side table nung kama ko eh

"Yan! *burp*"

Napatingin ako sa kanya, "YUCK! Mag-toothbrush ka nga!" - tulak ko sa kanya papalayo pero hindi sya namansin

"Ysabel. Kelan pa naging solusyon ang pag-toothbrush kapag nag-burp? Bago yan ha." - hindi pa din sya natingin saken 

"Ewan ko sayo. Kadiri eh." - kinuha ko yung libro ko at nagbasa nalang

"Nga pala. Isukat mo yung nasa paper bag." - hampas nya sa braso ko

"ARAY!" - napahawak ako sa braso ko

"Haha. Sorry! Isukat mo na!" 

Tumayo ako at binuksan yung paper bag. "Ang ganda!"

"Syempre gwapo yung bumili." - hindi sya tumingin saken, busy na naglalaro ng Fruit Ninja eh "Sukat mo."

"Hahaha. Sige. Ang ganda talaga." - niyakap ko yung dress. Super nagandahan kasi talaga ko eh.

Pumunta ako ng CR para i-try yung dress. Nagdala rin ako ng shoes na pwede kong gamitin para don.

Ang napili kong shoes ay yung silver kong shoes. Matte na silver lang naman yung shoes ko. Open-toed, 4in. shoes. Tapos may ribbon na silver sa likod. Yon. Yung ribbon lang yung makinang na silver. Perfect for the dress.

' LAWRENCE'S POV

Busy akong naglalaro nung Fruit Ninja sa IPAD ni Ysabel habang nakahiga. Busog na busog eh. Akala ko si Ysabel ang pinakamage-enjoy dun sa dala kong Jollibee, ako pala. HAHAHAHA! Ang sarap eh. Ngayon nalang ulit kasi kami nakakain ng Jollibee ni Ysabel. Palagi kasi kaming sa restaurants nakain pag nalabas eh.

"Oy!" - tawag nya saken

Ako -> (_._) (-__-) (-.-) (o.o) (O______O)

"Ayos ba?"- tanong nya ulit

Ang ganda ganda nya lang. Perfect fit yung dress tapos bagay na bagay pa yung shoes nyang silver dun sa damit. Perfect talaga! Ang ganda ganda ni Ysabel. 

"Ganda." - ngumiti ako

"Bagay pa yung shoes?" - tanong ulit nya. I looked down.

"Oo naman. Muka kang dyosa. Palit ka na." - I broke the ice at naglaro ulit

"Biglang ganon eh. Hahaha." - natawa sya

"Syempre. Amoy pawis ka na eh. Baka bukas amoy pawis na yang damit."

"Ang bango ko kaya!" - umalis na sya at nagpunta ng banyo

Pagkapunta nyang banyo at napatigil ako sa paglalalaro. Ang ganda ganda nya nung suot yung damit. Eh kahit naman anong suot nya ang ganda parin nya eh. Kahit naka-simpleng pambahay lang sya. Hay nako, Lawrence. Tama na ang kaka-ilusyon.

Mamaya maya ay bumalik na din si Ysabel. Nilagay nya sa hanger yung dress at pinasok sa loob ng cabinet nya. Humiga ulit sya sa kama.

"Huy! Salamat ah!" - nag-cling sya sa braso ko

"Asus. Wala yon." - anything for you, bestfriend "Sunduin kita bukas ng 6 ah."

"Yes." umalis na sya sa pagkaka-cling saken at nagbasa ulit ng libro

Tinignan ko yung relo ko at malapit na palang mag-10. Uuwi na ko. Ayoko ng masyadong gabihin sa daan. Kahit ayoko pa sanang umuwi.

"Bestfriend. Uwi na ko. Baka gabihin ako sa daan." - bumangon na ko at nilapag yung IPAD nya sa kama

'oo nga. Magt-10 na pala." - tumayo rin sya at hinatid ako

"Bukas ah. Magpaganda ka!" - ginulo ko yung buhok nya

"Hahaha. Oo. Ingat pauwi ah." 

"Yep! Bye." - niyakap ko sya

"Bye." - she hugged back

~.~.~.~.~.~.~.~.. KINABUKASAN (Saturday, ang araw na magb-BAR sila) ~.~.~.~.~.~.~.~

' YSABEL'S POV

It's 4pm, at nag-start na kong mag-ready. Naligo na ko, kasi kailangan ko pang magpatuyo ng buhok. Balak ko kasing kulutin yung buhok ko ngayon, para mas lalong umikli. Gusto ko kasing ma-emphasize yung dress ko eh. HAAHAHA!

*phone ringing*

Calling: Bestfriend gwapo

"Ya?"

[Nagr-ready ka na ba?]

"Yup. Nagpapatuyo na ko ng buhok."

[Good. Akala ko hindi ka pa naliligo eh.]

"Akala mo saken? Hahaha. Ikaw, naligo ka na?"

[Hindi pa.]

"Arte mo. Bakit hindi pa"

[Eh saglit lang naman yon eh. Osya, sige na. Mag-blower ka na dyan. See you later.]

"Alright! See you!"

Bestfriend ko talaga! Pagkababa ko nung phone, tinuloy ko na yung pagb-blower ko. And nung natuyo na yung buhok ko, nag-make up muna ko. Huli na yung kulot para matagal pa sya hanggang mamaya.

< 5:00 pm >

*knock.knock*

Oh sinong andyan? Hmm. Binuksan ko yung pinto, and to my surprise, andyan na si Lawrence. Okaaaay. So bakit ang aga nya? o.O

"Bakit ang aga mo? Hindi naman halatang excited ka eh." - pumasok na sya ng unit ko

"Eh wala kasing magawa sa bahay. Kaya pumunta nalang ako dito." - humiga sya sa kama ko

"Fine. Sige, pwede i-continue ko na yung pagpapaganda ko?" - nakapamewang ako

"Hahaha. Sure."

Wala pang 6pm eh natapos na din akong mag-ayos. Tinawagan namin si Yanx para itanong kung sasabay sya samen. Pero hindi daw kasi sabay na daw sila ng boyfriend nya. Si Zeke naman eh, alone daw pupunta. Kaya kami nalang talaga ni Lawrence.

"Ano, let's go? 6:10 na." - yaya saken ni Lawrence

"Let's go." - I smiled "Bestfriend, ayos ba itsura ko?"

Hinawakan nya yung pisngi ko, "Ngayon ko lang sasabihin sayo 'to. Pero ang ganda mo."

"Talaga?" - napangiti ako lalo

"Joke lang. Hahaha. Tara na!"

"Ang sama mo talaga eh." - hinampas ko sya sa braso

"Aray! Yung jacket ko, ano ba!" - pinitik nya ko sa noo

"HAHAHA. Eh wala namang pitikan."

-> REPUBLIQ <-

"Pasok na kaya tayo?" - yaya ko kay Lawrence. Nasa labas na kasi kami ng Republiq. Eh nagdadalawang isip kaming pumasok na kasi sabi ni Yanx ay nagkapagpa-reserve na sya ng VIP. Eh hindi naman namin alam kung anong sasabihin. wala pa kasi sila eh. Sumabay kasi si Yanx sa boyfriend nya at dun sa mga kabarkada nung boyfriend nya.

"Sandali, tatawagan ko muna si Yanx." - tinawagan na muna ni Lawrence si Yanx. Nag-sorry sya kasi mas nauna pa daw kami sa kanila. Pero on the way na din naman sila eh. Sabi lang ni Yanx na pumasok na kami, at sabihin na yung reservation. Pero sabi ni Lawrence ay papasok na kami pero dun muna kaming dalawa sa bar counter. Iinatayin nalang namin sila.

Pumasok na kami ni Lawrence sa loob. Ang dim nung ilaw. Ang daming tao. Restricted sa minors naman ang place so, 18 and above ang mga tao dito sa loob. Ang ganda ng sounds. Really a good place for partying. Dumiretso na kami ni Lawrence sa bar counter.

"Gusto mo na um-order ng drinks?" - tanong nya saken

"Mamaya na, pagdating nila. Order ka na kung gusto mo." 

"Sige. Kahit juice, sigurado ka?" 

"Yup."

"Osige. One Abbey Cocktail, please." - order ni Lawrence dun sa bartender

"Right away, sir." - nagsimula ng mag-flair yung bartender, at in fairness ang galing nya. 

"Ang tagal naman nila Yanx." - naiinip na ko

"Dadating na yon. Nung tinawagan ko kanina sabi on the way na sila eh." - he took a sip

' JELO'S POV

It's 7pm, at nasa condo pa rin ako. Shet. Hindi ako nakassabay kila Jiyo papuntang Republiq gawa ni Alyssa. Ang tagal tagal kumilos. Galing kasi sya sa parents nya eh, tapos 5pm na sya nakabalik sa condo, tapos tsaka palang sya nagp-prepare.

"Matagal ka pa ba?" - tanong ko sa kanya, nag-aayos pa kasi sya eh

"Malapit na. sasabay pa ba tayo kila Yanx?"

"Hindi na. 7 na oh." - tinignan ko yung relo ko, at oo. past 7pm na. -____-

"Sya tawagan mo sila, baka inaantay nila tayo."

Sinunod ko naman yung sinabi nya at tinawagan si Yanx.

[Hello?]

"Hello, Yanx. San na kayo?"

[Ah, nauna na kami Jelo. Papasok na kami ng Republiq. Naiinip na kasi sila Kiel kanina eh.]

"Ayos lang, tumawag rin ako dapat para sabihin yon. Pero susunod kami, nag-aayos lang si Alyssa."

[Good. Kala ko hindi tayo makukumpleto eh. Hehe. Kayo nalang pala ni Alyssa ang kulang.]

"Ganon. Haha. Teka, andyan na ba yung mga kaibigan mo?"

[Oo, nauna pa samen. HAHAHA. Osige, Jelo. Sunod na kayo ah.]

"Oo. Sige, bye."

"San na daw sila?" - tanong saken ni Alyssa

"Andon na. Bilisan mo kaya." - naaasar na ko kasi ang bagal nyang kumilos

"Eto na. Let's go."

At after 12345678910 years, we're on our way to Republiq.

' YSABEL'S POV

"Hoy okay ka lang?!" - tapik saken ni Lawrence sa balikat

"Ha... Ah eh, ayos lang naman. Bakit?" 

"Eh kanina ka pa nakatulala dyan eh."

"Ah. Wala. Naalala ko lang kahapon. Magkikita na dapat kami eh." - bigla na naman akong nalungkot. Ayun na eh, magkikita na kaming dalawa, kaso hindi kami pinagtagpo. Hay, buhay.

"Emo! Magkikita rin kayo noh." 

"Sana nga. *sigh*" 

"Ayon na pala sila eh!" - turo ni Lawrence sa may entrance at nakita ko na sila Yanx

"Jiyo?" - napabulong ako

"Ha?" - nagtaka saken si Lawrence

"Si Jiyo. Yung boyfriend ni Yanx." - naguguluhan ako. bakit?

"Oh eh ano?" - nagtataka pa rin si Lawrence. parang nanlamig ang buo kong katawan, nararamdaman kong ang bilis ng kabog ng dibdib ko

"Mga kabarkada yan ni Jelo."

"Ayaw pa? Malay mo kasama nila si Jelo."

' LAWRENCE'S POV

"Ayaw pa? Malay mo kasama nila si Jelo." - yun nalang ang nasabi ko kay Ysabel nang malaman kong kabarkada pala ng boyfriend ni Yanx si Jelo. sa totoo lang, hindi ko alam ang mararamdaman ko. Magiging masaya ba ko para sa bestfriend mo? Malulungkot ba ko, dahil pagkatapos ng gabing 'to, si Jelo na ang kasama nya? Hay, hindi ko alam. Bakit ngayon pa?

"Teka, CR lang ako." - paalam nya saken

"Sige, magayos ka ah. HAHA." - biro ko sa kanya, pero sa loob loob ko, hindi ko rin alam kung pano ako magr-react

"Uy, Lawrence!" - bati saken ni Yanx

"Oh!" - nginitian ko sya pati ang mga kasama nya

"Ah Jiyo, si Lawrence pala. Lawrence, si Jiyo, boyfriend ko." - pakilala samen ni Yanx, at nagkamayan kami.

Pinakilala rin ako ni Yanx dun sa iba nyang mga kasama. At dahil nag-memo plus gold ako ay tanda ko silang lahat. HAHA. ^^ 

"Asan si Ysabel?" - tanong sakin ni Yanx

"Ah nasa CR lang. Nagr-retouch ata. HAHAHA!" - biro ko

"Ysabel? Ano ba yan, destiny talaga oh. Kapangalan pa talaga. Sayang, wala pa si Jelo. Iyak na naman yon. HAHAHA." - biro ni Kiel, at nagtawanan kaming lahat

Kung alam nyo lang. Yung Ysabel na tinutukoy nyo, sya yung kasama ko ngayon.

"Ah, teka lang ah. Titignan ko sa CR, kanina pa kasi yon eh. Wala atang balak bumalik. HAHA." - paalam ko sa kanila at naglakad na ko papunta sa rest rooms

Nakita ko si Ysabel na nakatayo sa gilid at nag-iisip ng malalim. Hindi na rin ako nagdalawang isip na lapitan sya.

"Wag kang mag-inarte dyan. Wala si Jelo." - diretso kong sabi sa kanya

"Wala sya." - tanong nya

"Yun diba sabi ko? wala." 

"Oh sya, tara na." - yaya nya saken pabalik at talagang hinihila pa nya talaga ko

So kaya sya nagkakaganon kanina kasi akala nya andon si Jelo. Tongue in a lungs ah. Ganon pa talaga ang epekto ni Jelo dito sa bestfriend ko. Ganon ba syang ka-gwapo ha? 

' YSABEL'S POV

Nang malaman kong hindi nila kasama si Jelo ay parang nakahinga ako ng maluwag. Ewan ko ba. Parang hindi ko sya kayang harapin ngayon. Ugh! Hindi ko talaga alam. Ayoko kasi na dito kami sa ganitong lugar magkikitang muli eh. Kaya niyaya ko na si Lawrence pabalik, at nire-ready ko na yung sarili kong harapin ang barkada. Syempre, andon sila Alice. Kaya dapat maging ready ako sa kahit anong maging reaksyon nila, itanong or sabihin. AJA, YSABEL! KAYA MO 'TO! 

"Hi." - bati ko sa kanila, nakatalikod kasi sila eh, gawa pinapanood nila yung mga nasayaw eh. Nasa may bar counter lang naman sila.

"Ysabel?" - unang lumingon si Mark

"Um. Hi Mark." - ngumiti ako, pero gusto ko sanang itanong kung bakit hindi nila kasama si Jelo. hay

"Ysabel?! Ikaw na ba yan?" - lumapit sakin ang pinsan kong si Alice, at hinawakan ako sa magkabilang pisngi na maiiyak iyak pa sya

"HAHA. Oo, Alice! Wag ka ngang umiyak dyan. Ang make up mo oh." - pinunasan ko yung tumutulong luha ni Alice

"Gaga! Eh kelan ka pa kasi bumalik?"

"Actually, matagal tagal na. Nags-school na nga ako eh. Wala lang akong contact numbers nyo kaya hindi ko kayo matawagan pagbalik ko dito." - explain ko sa kanila. oo, sa kanila. lahat sila nakikinig eh.

Everyone's glad seeing me. Syempre sa una, talagang nagulat sila kasi sa tinagal tagal ko na dito sa Pilipinas, eh ngayon lang ako nagpakita sa kanila, kahit sila nakikita ko na rin paminsan minsan. Lumipas ang ilang minuto na puro kwentuhan lang. HAHAHA. Ang dami nilang na-kwento saken. Ngayon ko lang tuloy nalaman na nagkaron pala ng something kay Mey at Zeke. Hahaha. Pero sila na pala ulit ni Kiel ngayon. Syempre, yung mga dating loveteams, ay sila pa rin. Woah, going strong ah. Buti pa sila. Habang ako, shattered pa rin. At eto pa ang nakaka-hurt, never silang nag-mention or nagkwento ng kahit ano about kay Jelo. Bakit naman kaya? Yun nga yung inaantay kong ikwento nila saken eh. Yung mga nangyari sa buhay ni Jelo nung nawala ako. Pero fail eh. Wala. Wala silang kinwento. -____-

"HAHAHA. Oh kwento pa kayo!" - ang saya saya ko dahil ang h-hyper nila, lalo na sila Mark, Kiel at Andrew. ang mga hindi nauubusan ng energy sa barkada

"Alam mo ba..." - simula ni Mark

May pag-bitin si Mark? Nakaupo ako sa bar counter while drinking Lost Cherry. oh diba. nagc-cherry vodka na ko ngayon. i learned this nung nasa Italy pa ko. naging familiar ako sa bar drinks. Nag-excuse saken si Mark kasi tinawag sya ni Minji. Coincidence ata kasi andon din yung ibang Korean friends ni Minji, eh ipapakilala daw si Mark. Nag-stay lang ako sa bar counter together with the barkada, at syempre si Lawrence

"Sorry, na-late kami." - narinig ko ang isang pamilyar na boses mula sa likod ko

Familiar! Hindi ako pwedeng magkamali, si Jelo yung narinig ko! 

"Oh, Jelo! Andito ka na pala eh." - bati sa kanya ni Jasper

"Sorry talaga late. Na-traffic din kasi kami eh. Are we too late to party?" - sya. si Jelo yan. ang monkey ko

"Of course not. Syempre hindi naman kami magp-party kung hindi kumpleto eh." - sagot ni Yanx

"Yun naman eh! Oh asan mga kaibigan mo, Yanx?" 

Parang nabato ako sa kinakaupuan ko. Hindi ko alam ang gagawin. I mean, gusto ko namang makita si Jelo eh. Pero hindi sa lugar na ganito. Na kung kelan parang hindi ako ready. Hindi kami ready parehas. Hinawakan ko yung kamay ni Lawrence at agad syang napatingin saken.

"Chill. Like you always say, destiny." - nginitian nya ko at inalis ang kamay ko sa kamay nya. bestfriend ko talaga sya. alam nya yung ibig kong sabihin

"I can't, Lawrence. not now." - mahina kong sabi sa kanya

"Diba, gusto mo syang makita. Ayan na oh." - he glanced at Jelo

"*sigh* Bahala na."

"Andito na!" - narinig kong sabi ni Yanx. referring to us. kasi nga tinanong ni Jelo kung nasan yung mga kaibigan nya. 

"Lawrence." - pakilala ng bestfriend ko. 

"Jelo, pare. Nice to meet you." - narinig ko na naman ang boses ni Jelo "Kala ko Yanx, may babae pa?"

Ysabel, tatagan mo ang loob mo. Diba, eto na yung matagal mong gustong mangyari. Ang makita si Jelo. Kaya eto na. I-grab mo na yung opportunity. Inikot ko na yung stool na kinauupuan ko. 

Nakaakbay si Jelo sa isang babae. Ang sakit! Seeing him with another girl. YSABEL, be strong. Tatagan mo ang sarili mo. Wag kang iiyak sa harapan nya.

"Hi." - I smiled, with a cold voice

Nawala ang pagkaakbay ni Jelo dun sa babae, at natulala sya sa pagkakakita saken. I was expecting this.

' JELO'S POV

"Hi." - ngumiti sya

Nawala ang pagkaakbay ko kay Alyssa at na-pin ang tingin ko kay Ysabel. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Sya yung babaeng maikli ang buhok sa panaginip ko, sya yung babaeng nakikita ng mga kabarkada ko. I can't believe this. Totoo na 'to. Nasa harapan ko ang babaeng minamahal at minamahal ko ng lubos. Cheeky...

"Ysabel." - agad akong lumapit sa kanya at hinawakan ang kamay nya, maluha luha na ko sa sobrang saya ko dahil nagkita na ulit kami. hindi matatawaran ang saya ko! 

"Um?" - napatingin ko sa kamay nya na hawak ko habang inaalis nya ito

"Bakit?" - nagtaka ako. hindi ba sya masaya na nagkita kami? 

"Have we met before?" - tanong nya saken. tinignan nya ako sa mata. yung mga mata nya, puno ng lungkot, puno ng mga tanong. pero bakit yan ang mga salitang binitawan nya? hindi ba nya ako maalala? ano 'to? bakit? naguguluhan ako. 

"Ano?" - yan nalang ang nasagot ko sa kanya sa sobrang pagkagulo ng isip ko sa tanong nya

Buong barkada ay narinig rin ang tanong saken ni Ysabel at kita sa mga mukha nila ang pagtataka kung bakit hindi ako kilala ni Ysabel. Ako mismo ay naguguluhan sa hindi nya pagkakakilala saken. Bakit ba kasi? Hindi ko maintindihan.

"Ah. Nagkaron kasi ako ng acute amnesia. Ang sabi ng parents ko, I had an accident before going to Italy. Eh yun yung hindi ko maalala. Sabi kasi ng doctor ko, yung mga initial, traumatic at painful happenings sa buhay ko yung hindi ko maalala. And in my case, sabi ng doctor, ay yung accident and yung nag-cause ng accident." - paliwanag nya

ACUTE AMNESIA? !@#$%^&*() HINDI PWEDENG MANGYARI 'TO. HINDI KO MATANGGAP. AKO YUNG KINALIMUTAN NYA. BAKIT AKO? GANON BA KITA NASAKTAN, YSABEL? ANG SAKIT SAKIT SAKEN, NA AKO YUNG KINALIMUTAN MO. T____________________T

' YSABEL'S POV

Gulat na gulat silang lahat sa sinabi kong acute amnesia. Pati ang bestfriend ko na alam na hindi totoo yung mga pinagsasabi ko don. Kahit ako, hindi ako makapaniwala na nasabi ko yon. Nasaktan lang kasi ako na hindi ako hinintay ni Jelo. Hindi nya ko naantay, at ngayon may bago na syang kinababaliwan.

"Alice, alam mo ba 'to?" - tanong ni Jelo kay Alice habang pinupunasan ang luha nya

"Hindi, Jelo. Ngayon lang ulit kami nagkita ni Ysabel. Ako rin ay nagulat. I didn't know." - sagot ni Alice, at alam kong naguguluhan rin sya sa mga sinabi ko

"Yes. Hindi alam ni Alice. Nung na-diagnose kasi ako, sa Italy na. Only my parents knew about it." - sabat ko

"Hindi mo ba ko natatandaan? Ako si Jelo. Yung monkey mo." - hinawakan nya ko sa mukha at naiyak sya. nakita ko sa mga mata nya na nasasaktan sya

"I really don't. But nice meeting you. Wag ka ng umiyak." - pinunasan ko nalang yung mga luha nya kasi yun nalang yung magagawa ko. at ayokong mapaiyak rin sa harapan nya.

Jelo, miss na miss na miss na miss na kita, akala mo. Sorry, kailangan kong gawin 'to. Hindi lang naman ikaw ang nasasaktan eh. Handa na sana akong harapin ka, pero nung nakita kong may kaakbay ka, at ang saya saya mo, ayoko ng sirain yon eh. Masaya ka na. Dumating ako. Ayokong maging miserable ka pa. Sobrang mahal na mahal kita, Jelo. Hindi nagbago at hindi nawala yon. Maghihintay ako ng kahit kelan, at aayusin ko 'to. Sasabihin ko rin sayo 'to lahat, pero hindi ngayon. Jelo. Hindi ngayon. I'm sorry, Monkey.

"Ysabel." - patuloy pa rin syang umiyak sa harapan ko "Mahal na mahal kita."

Magsasalita palang ako, pero umalis sya. Hindi ko alam kung saan sya pupunta, o kung anong gagawin nya. Hay, Jelo. Kung alam mo lang. Ayokong nakikita kang ganyan. na nasasaktan. pero you left me with no choice but to lie. I'm very sorry. ;(

"Anong probelema nya?" - patay malisya ako sa barkada

"Ysabel, ang tagal ka nyang inantay. at hanggang ngayon inaantay ka pa rin nya. Nasaktan lang siguro syang malaman na nagka-amnesia ka." - sabi saken ni Rob

"Eh hindi ko nga sya kilala eh. Hahaha." - sige. tawa lang Ysabel. Itago mo lahat ng sakit

"Hindi mo talaga sya kilala?" - tanong sakin ni Krissy

"Hindi eh." - umiling ako

"my god! what happened to you? hindi mo sya kilala? eh sya yung pinagaawayan natin dati eh. kaya umabot sa point na naaksidente ka." - paliwanag nya. alam ko, Krissy. alam ko

"sya ang dahilan kung bakit ako naaksidente?" - Ysabel, galingan mo ang acting

"Us, Ysabel. Kami ang dahilan." - seryoso ang muhka ni Krissy, at halatang naaawa sya saken "I didn't know that this would happen. Na umabot sa point na hindi mo na makilala si Jelo."

"What do you mean?" - sige Krissy, ilabas mo lahat...

"He once meant the world to you." 

"He did?" - kunwaring gulat na gulat ako sa narinig ko. tama ka naman Krissy eh. he once meant the world to me. at hanggang ngayon, sya pa rin ang mundo ko

"Oo. And you mean the world to him."

"Sorry, Krissy. Hindi ko talaga maalala eh. Ano ba! ANG DRAMA NATIN DITO! Diba, andito tayo para mag-party. Let's enjoy. Next time nalang natin pag-usapan ang pagbabalik ko, okay." - tumayo na ko sa stool at hinila ko si Lawrence papuntang dance floor "C'mon bestfriend. Let's dance. Excuse me, guys. Sayaw rin kayo! Ang ganda ng tugtog oh." - I smiled at them

Nung nasa dance floor kami ni Lawrence, sinayaw ko lahat ng naramdaman ko. I was dancing my heart out.

"Amnesia na pinagsasasabi mo don?" - puna ni Lawrence

"Hahaha. Alam mo?" - tinignan ko sya

"Sira ka ba! Alam kong wala kang amnesia noh. Nakita mo ba si Jelo don kanina. Umiiyak na."

"Mas masakit makitang may kasama syang iba." - plain kong sagot. totoo naman eh. mas masakit talaga para saken yon

"Ewan ko lang talaga, Ysabel ha."

"Sakyan mo nalang ako, bestfriend. Ikaw talaga." - I continued dancing

"Bestfriend, sayaw!" - I was dancing in front of my bestfriend, sya naman nakatayo lang don, parang timang "Huy, ano!"

"You're hurting him, Ysabel!" - malinaw yung pakakadinig ko sa sinabi ni Lawrence

"HA? Ano? Can't hear you, ang lakas ng tugtog. Sumayaw ka na lang." - nagkunwari ako, ayoko na kasi munang pagusapan si Jelo eh. give me a break!

Maya maya ay napabalik ko na rin sa mood ang bestfriend ko at sumayaw na rin sya. Hahaha. Halos lahat kami ay nasa dance floor. Si Rob kahit kelan babaero talaga. Wala lang si ate Gela, kung kani-kanino nakikipagsayaw. Hahaha. At yung mga couples sa barkada, nagsasayaw din. Obviously, everyone's having fun. Except for Jelo. Naka-sandal lang sya dun sa bar counter at nainom. Si Alyssa naman, aliw na aliw dun sa bartender na nagf-flair. Nakaupo lang sya sa stool sa bar counter, katabi ni Jelo, pero hindi sya pinapansin ni Jelo. Tuwing napapatingin ako kay Jelo, nakikita kong sakin lang sya nakatingin. Uh, nakaka-conscious tuloy. Masaya kong nagsasayaw dito, tapos nakatingin sya. ANO BA NAMAN!

 Ang sakit na hanggang tingin nalang muna ako kay Jelo. Hindi eto yung ine-expect kong mangyari. Eh 'di sana ngayon, nagkakamustahan kami? Eh 'di sana, nagk-kwentuhan kami sa mga nangyari sa buhay namin. Eh 'di sana, nayayakap ko na sya ngayon. Kaso hindi. Ang sakit sakit lang.

' JELO'S POV

She was dirty dancing in front of her so-called-bestfriend. Ewan ko pero naiinis ako. Ayokong makitang kasayaw nya yung lalaking yon. Malakas ang sense ko, nararamdaman kong may gusto yung lalaking yon kay Ysabel. 

"Halika." - hinila ko si Alyssa sa dance floor 

"Ha?"

"Sumayaw ka na lang." - hinawakan ko yung waist nya at sumayaw. Nung una ay nagulat sya, pero sumbay na din sya sa beat. Ang bilis nung kanta, pang-party talaga.

Lumingon ako kay Ysabel, nakita kong nakatingin sya saken, pero agad din syang umiwas ng tingin. May hindi ba tamang nangyayari?

"You didn't tell me that you're a good dancer." - bulong saken ni Alyssa, ang sexy ng boses nya at naramdaman ako ang hininga nya sa tenga ko

Hindi ako sumagot, instead hinalikan ko sya sa labi. We kissed intimately. Yung mga kamay ko nasa waist pa rin nya. Yung isa nya kamay nasa ulo ko at yung isa naman sa leeg. Nakita kong nakapikit sya habang naghahalikan kami. 

' YSABEL'S POV

Napatingin ako sa direksyon ni Jelo, pero hindi nya ko nahuli kasi busy syang nakikipagsayaw sa girlfriend nya. May binubulong ata yung girlfriend nya sa kanya. Nakita kong ngumiti sya, at hinalikan nya si Alyssa sa labi. Ang intimate nung halik nila, parang kung pano ko halikan ni Jelo dati. Kasi ngayon, sa iba na nya ginagawa. 

"Bestfriend, upo muna tayo. Hahaha." - yaya ko kay Lawrence at hinila ko sya paalis ng dancefloor at umupo ulit sa table namen

"Wag mo kong lokohin, bestfriend. Nakita ko din." - he read (basahin nyo ng past tense, hahaha) my mind

"NAKAKAINIS LANG!" - uminom ako

"Hahaha. Anong nakakainis don?" - pinagtawanan na naman ako nitong bestfriend ko

"Eh nakikipaghalikan sa iba eh!" 

"Sino ba kasing may sabi sayong magpanggap na may amnesia. De sana ikaw ang kahalikan nun ngayon." - may sense rin sya

"Teka. CR lang ako. Makapag-retouch." - tumayo ako, kinuha ang bag ko at nagpunta ng CR. I need to compose myself

' LAWRENCE'S POV

Umupo na kami ni Ysabel. Asus, kunwaring pagod sya, pero nakita nya lang na naghahalikan si Jelo at Alyssa eh. Hurt yon to the 999 999 999 level. 

"Teka. CR lang ako. Makapag-retouch." - paalam nya saken at nagtungo na sa CR

"K. Whatever you say. Hahaha." - tuloy pa rin ako sa pang-aasar

Umupo sa tabi ko si... teka... anong pangalan nito? Nakalimutan ko...

"Lawrence, tama?" - nag-smile sya saken, pero hindi ko matandaan yung pangalan nya

"Ah, oo. Ikaw? Ano nga ulit? Haha." - napakamot ako sa ulo

"Geoff. Hehe." - umupo sya sa tabi ko na may dalang dalawang drinks

"AH! Oo nga. Girlfriend mo yung si Krissy diba? Bagay kayo, pre." - compliment ko

"Haha. Salamat. Busy don eh, kasama si Alyssa. Nagd-drinks rin ata." - uminom sya "Oh, para sayo yan. Wag ka ng mahiya samen."

"Thanks." - I sipped the drink, tequilla 'to

"Kelan pa kayo naging bestfriends ni Ysabel?" - tanong nya

"Ah sa school na pinapasukan namen. Nakita ko kasi sya nun, tapos inasar asar ko. Simula non, naging close na kami. Para na nga kapatid ang turing ko sa kanya eh."

"Wow. Haha. Una ka pala sa mga bagong tao na friends nya ngayon. Alam mo ba yung sa kanila ni Jelo?"

Isip Lawrence. Tandaan mo, kunwaring may amnesia si Ysabel. "Ay hindi. Kaya nga naguguluhan ako kanina sa mga pinaguusapan nyo eh."

"Pero, wala ba syang nababanggit sayo about anything from the past?" - ano to, interview

"Nak-kwento nya kayo saken barkada. Pero she never mentioned Jelo. Siguro yun yung nawalang memory sa kanya." - ang galing at ang gwapo mo talaga, Lawrence! "Pero may na-mention sya saking aksidente. Yun lang."

"Yung aksidenteng yon, mahirap mang sabihin, pero sinisisi ni Jelo yung sarili nya kung bakit nangyari yon."

"Ganon. Eh bakit naman sinisisi ni Jelo yung sarili nya?"

May lalaking nagsalita sa likuran ko, "Kasi nakipaghiwalay ako sa kanya nung gabing yon. Hindi ko alam na ganon yung mangyayari. Eh 'di sana hindi nalang ako nakipag-break." - napalingon ako at nakita ko si Jelo. Lumakad sya at umupo sa tabi ni Geoff

"Hindi ko naman gustong makipaghiwalay sa kanya non eh. Naipit lang ako sa sitwasyon. Krissy's dying in the hospital then. Yung family ko at yung family ni Krissy, pilit akong ini-insist kay Krissy. I had no choice. Kaya naisip kong nakipaghiwalay kay Ysabel kasi masasaktan lang din sya, in the end." 

Nakita kong papadating na si Ysabel, pero lumihis sya ng daan. Nagpunta rin sya sa counter kung asan yung girls, siguro kasi nakita nyang magkakausap kami nila Jelo, kaya siguro na-gets nya rin.

"Eh bakit hindi mo pinaglaban si Ysabel?" - hindi ko napigilan yung sarili ko na tanungin si Jelo

"Yun talaga ang gusto kong gawin, Lawrence. Pero pamilya ko na kasi yung pinaguusapan eh. At nung handa na kong ipaglaban sya, dun naman sya nilayo ng parents nya saken. Ayaw nilang makita ko pa si Ysabel. Nung na-ospital sya, hindi ko na sya nalapitan. Pilit ko syang hinabol sa airport, umabot pa sa point na lumuhod ako sa mga magulang nya, pero sya na mismo ang lumayo saken. Yun pala, hindi na nya ko maalala non."

"Okay lang yan, Jelo." - yun nalang ang nasabi ko. ewan ko, pero ayoko ng marinig yung susunod nyang mga sasabihin. gusto ko syang sumbatan kung bakit nya ginawa kay Ysabel yon. Ysabel doesn't deserve him. Hindi nya kayang ipaglaban si Ysabel. Hindi ganyan ang tunay na lalaki. 

"Bestfriend ka lang talaga nya?" - natatawa si Jelo

"Oo naman." - nagpilit lang ako ng ngiti. Oo. Bestfriends lang. Hindi ka pa kasi nya makalimutan eh.

"Ingatan mo ah." - tinignan nya ako ng seryoso

"Oo naman." - talaga! iingatan ko talaga. kung hindi mo sya naingatan dati, ako iingatan ko sya ngayon. ayoko na ng nasasaktan sya.

"I'll try to win her back." - nakatingin pa din sya saken. yung tingin na parang gusto nyang kunin saken ulit si Ysabel. Hindi ako sumagot, at uminom nalang nung drink na bigay ni Geoff

"Guys, after pala nito. Tambay tayo sa clubhouse. Dun na din tayo magpaumaga." - yaya ni Geoff

"Sige." - yun lang ang sinabi ni Jelo at tumayo na "Excuse me."

"Grabe talaga tama nyang si Jelo dyan kay Ysabel eh. Haha." - naiwan nalang kami ni Geoff

"Oo nga eh. Haha. Pero diba girlfriend nya yung si Alyssa?"

"Label lang yon. Halata namang wala lang eh."

"Haha. Pano mo naman nasigurado?"

"Bestfriend ako ni Jelo eh. Since birth. Hahaha."

"Kaya pala ang dami mong alam tungkol sa kanya. Para na kayong magkapatid."

"Oo naman. kaya alam ko lahat ng mga kilos at ugali nyan. mahal na mahal nya talaga yung si Ysabel."

PWEDE TAMA NA. AYOKO NG MARINIG NA MAHAL PA NYA SI YSABEL. NAKAKARINDI NA EH. PWEDE IBA NAMAN? YUNG MATUTUWA AKO, AT MAGKAKARON AKO NG INTERES PAGUSAPAN. PURO NALANG JELO EH.

' ALYSSA'S POV

I was drinking to death knowing na kasama namin ngayon sa bar na 'to ang ex ni Jelo. So sya pala yon. Sya si Ysabel. Bwset na babae. Bakit pa kasi kailangang bumalik dito sa Pilipinas eh. Nung wala naman sya, ayos kami ni Jelo eh. Pero ngayon... hay, hindi ko alam. Lalo na nung nakita ko yung reaksyon nya nung nakita nya yung Ysabel kanina. Hindi. Hindi pwedeng maagaw saken ni Ysabel saken si Jelo. After all, panalo pa rin ako. Hindi sya naaalala ni Ysabel. BUTI NALANG.

"Hinay hinay lang." - tumabi saken si Krissy

"Pano ko maghihinay hinay nito, eh andito si Ysabel."

"Wala naman syang kasalanan eh. Sa totoo lang, ako ang may kasalanan nito eh."

Naguluhan ako sa sinasabi ni Krissy. Pano naman nya naging kasalanan ang mga nangyayari at kung bakit nagka-amnesia si Ysabel... "Ha? Anong ibig sabihin mo?"

"Naglaslas kasi ako. Ayokong mawala saken si Jelo eh. Kaya yun nalang naisipan kong gawin. Pinilit nila mama at papa na ako yung samahan ni Jelo, kaya sya nakipag-break kay Ysabel. Hindi kinaya ni Ysabel. Kaya sya naaksidente. Alam kong labag sa loob ni Jelo yung ginawa nya. Kitang kita ko kung gano nya kamahal si Ysabel non. Sobra, Alyssa. Ganun din si Ysabel."

"Ginawa mo yon?" - yun nalang ang nasagot ko kay Krissy nang malaman ang kwento. 

"Oo. Pero in the end, ako na rin ang sumuko. Nakakapagod ring masaktan noh. Haha." - she smiled "At least ngayon, nakita ko na talaga ang para saken. At yon si Geoff. I'm happy. No hard feelings kay Jelo...lalong lalo na kay Ysabel."

"Hindi ko nga alam kung anong magiging reaksyon ko eh." - pagtatapat ko kay Krissy

"Chill lang. Ikaw pa rin ang girlfriend diba." - ngumiti sya saken

TAMA. Ako pa rin ang GIRLFRIEND. 

' YSABEL'S POV

Mga past 11pm ay nagkayayaan ng umalis ng Republiq. Pero hindi pa uuwi. May nabanggit silang clubhouse na pupuntahan kanina eh. So dun kami pupunta. Ayoko namang maging KJ kaya sumama na rin kami. Almost 10 minutes drive lang papunta dun sa clubhouse na sinasabi nila. Kaya mabilis rin kaming nakarating don. Syempre, kay Lawrence akong kotse nakasakay. Kanino pa ba? Wala akong kibo during the way kasi nga nalulungkot pa rin ako sa kinalabasan ng gabing 'to. -___-

Pagdating namin sa clubhouse ay nag-relax lang ang lahat. Bumili rin sila ng drinks para may mapaglibangan rin. Nakita ko si Jelo sa terrace doon. Maliit lang naman yung terrace eh. Hindi na ko nag-dalawang isip na lapitan sya. Chance ko na 'to eh. Pero hindi ko pa rin naman sasabihin na kunwarian lang 'tong amnesia ko. Gusto ko lang syang makausap. Tutal, busy naman ang lahat eh. Hindi nila mapapansin. Pero bago ko pumunta kay Jelo, kumuha rin ako ng vodka na binili ng barkada. Since, may tama na naman ako sa dami kong ring nainom kanina, itutuloy ko na 'to. Wala na kong pakeelam.

"Hi." - sabi ko kay Jelo habang papalapit sa terrace

Hindi sya sumagot at tinignan nya lang ako. Ysabel, stay cool.

"Ito naman! Ang taray. Just trying to be friends noh." - umupo ako sa rail nung terrace

"Hindi mo ba talaga ako naaalala?" - nakaupo sya sa floor at nakasandal sa isang corner nung terrace

"That's why I'm here. Kasi nga, sinasabi nila, sinasabi mo na kilala mo ko." 

"Nagka-boyfriend ka na ba?" - lumapit sya saken at tumingin sa malayo

"Sa Italy, fling fling lang. Pero sabi ng parents ko, nagka-boyfriend daw ako nung andito ko sa Pilipinas." - YSABEL, galingan mo ang adlib

"Wala ba silang napakita sayong picture nung boyfriend mo non?"

"Wala eh. Tsaka pinili ko na ring hindi ko makita, baka mapatay ko pa kung sino yon eh. Hahaha! Kasi naman, iniwan ako." - nakakaramdam na ko ng hilo

"Alam mo ba yung dahilan kung bakit ka nya iniwan?" - tumingin ako kay Jelo at nakita kong umiiyak na sya

"Hindi eh. Ayoko ng malaman. Para namang maibabalik pa sya saken. It's been two years na rin naman eh." - pinipigilan kong tumulo yung luha ko, kasi ang sakit sakit na. nasasaktan ako.

"Baka naman natakot lang sya. Naipit lang sya sa sitwasyon kasi pamilya na rin nya ang na-involve. Baka marami lang syang tanong sa isip nya non. Gulong gulo sya, kaya ganon yung nagawa nya." - patuloy na tumulo yung mga luha ni Jelo. gusto ko mang punasan ang mga ito, hindi ko magawa. 

"Hmp. Ganon. Para namang hindi ako talaga minahal non. Kung sino man yon. Hahaha." - shet, Ysabel. Ano ba 'tong pinagsasasabi mo.

"Minahal ka non. Sigurado ako, mahal na mahal na mahal ka pa rin non hanggang ngayon." - he smirked

"Eh kung mahal pa ko non, bakit wala sya dito ngayon? Bakit hindi nya ko pinupuntahan?" - hamon ko sa kanya. at talagang inantay ko ang sagot nya

"Hinanap ka nya. Intay nya ang pagbalik mo. Walang araw na nagdaan na hindi ka nya inisip."

"Wow. Single pa kaya sya ngayon?"

"..." - hindi na sya sumagot. oo, Jelo. Alam ko. Hindi ka na single ngayon. May girlfriend ka na eh. Tapos sasabihin mo saken na mahal mo ko? 

"Hay nako. Let's not talk about it na nga." - umalis na ko sa pagkakaupo ko since ubos na rin naman yung drink ko. Babalik na sana ako sa barkada ng bigla nyang hawakan ang braso ko

"Hindi ka ba naniniwala? Ysabel, it's me. Yung Monkey mo. Yung mga sinabi ko kanina, totoo lahat yon. Remember me, please."

"Hindi mo ba ko naiintindihan? Hindi nga kita maalala. Kaya tama na." - pinilit kong alisin yung braso ko, pero ang higpit ng pagkakahawak nya saken

"Ysabel." - hinila nya ako papalapit sa kanya at hinalikan nya ko

Sinubukan kong hindi mag-respond sa mga halik nya. Pero nadala rin ako since under ako ng espiritu ng alcohol. Hindi ko alam kung bakit, pero yung mga halik nya saken, puno ng pangungulila, puno ng pagmamahal, puno ng sakit...

Jelo, tama na siguro muna yung ganito. Kasi habang nagpapanggap akong may amnesia, nalalaman ko lahat ng saloobin mo, na kinakasaya ko dahil nalalaman kong mahal mo pa ko. So, I'd rather lie. 

Продолжить чтение