Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong...

By emmanoehl

358K 9.9K 545

Mr. Pilosopo meets Ms. Taong bundok Sabi nga nila simula nung nauso si vice ganda eh wala ng makausap ng ma... More

YouAndMeAreMeantToBe Book 1 (Ken and Jazz)
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
Chapter 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
Chapter 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
FINAL CHAPTER

CHAPTER 12

5.6K 180 1
By emmanoehl

Chapter 12

(wag ka nang matakot. Nandito na ko. Hinding hindi ka na maiiwan magisa. Hindi ako mawawala sayo. Kahit kailan.)

Mukha nang suman si TB sa ginawa ko. Balot na balot na s’ya ng kumot pero parang walang epekto. Nanginginig pa rin s’ya sa sobrang lamig. Kailangan kasing matanggal ang damit n’ya na basang basa dahil sa ulan. Pero hindi naman pwedeng ako ang mag alis ng damit n’ya baka naman mayari ako dito pag nalaman n’yang binihisan ko s’ya masakit pa naman itong manuntok.

“K-ken g-giniginaw ako.” Mahinang sabi n’ya.

“Oo malamang giginawin ka talaga. Maligo ka ba naman sa ulan. Minsan talaga tanga ka e.”

Pagkasabi ko non hindi naman s’ya sumagot.  Hays. Bakit ba kasi wala man lang akong kaibigang babae? Si Grace lang. pero sobrang galit s’ya sakin kaya malabong tulungan n’ya ako. Isip isip ken sino nga ba hindi naman pwede si Jane. Kung hindi pwede si Jane. Si Nathasia na lang. tama si Nathasia. Bahala na.

“TB aalis ako sandali a. mabilis lang ako pag balik ko magiging okay ka na.” bulong ko sa kanya dahan dahan naman s’yang tumango.

Tumakbo naman ako agad papunta sa sasakyan at halos paliparin ko na yun marating lang agad ang bahay nila nathasia.

*Ding dong.. ding dong…

Ang tagal naman magising ng mga tao dito. Asar.

Ding dong.. ding dong..

Anak naman n-.

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko biglang bumukas ang pinto at lumabas si Jane. Nagkukusot kusot pa ng mata.

“K-ken? Anong ginagawa mo dito? May nangyari ba kay Dennis?” tanong n’ya halatang gulat na gulat

O.O!

pag pinuntahan s’ya. si Dennis agad ang pakay?

“Pag pumunta dito may nangyari agad kay Dennis? Hindi ba pwedeng namatay muna si Jericho?” nasabi ko sa sobrang inis ko. Tapos bigla na lang pumatak ang mga luha sa mata n’ya.

“K-ken. Sabihin mong nagbibiro ka lang.” sabi n’ya habang hinahampas hampas ako sa dibdib.

“Wag ka ngang OA nagbibiro lang talaga ko. Mukha ka kasing Dennis.”

“Ewan ko sayo! Hindi maganda yung biro mo. Ano bang kailangan mo sakin ha?”

“Pag pumunta dito ikaw ka agad ang kailangan? Hindi ba pwedeng si Nathasia muna?” bigla naman s’yang ngumiti pagkasabi ko non.

“Uyyyyy. Hinahanap si Ate.”

“Pwede ba wala akong panahong makipagasaran sayo. Tawagin mo na si Nathasia!”

“Bakit? Anong kailangan mo?”

Napalingon ako sa nagsalita. Si Nathasia na pala.

“H-hi Nash, pinapagising kasi kita dito kay Jane. Ayaw sumunod.”

“Sa lakas ng boses mo hindi mo na ko kailangang ipagising.” Sagot n’ya.

Medyo suplada talaga ito. Hindi ko maintindihan bakit ang inet nang dugo n’ya sakin.

“M-may sasabihin ako sayo.” Sabi ko. Pag kasabi ko non tumingin s’ya kay Jane at sumenyas na umalis s’ya ron.

“Oh anong sasabihin mo? At hindi ka na naghintay na sumikat ang araw?” tanong niya.

“N-Nash. Sumama ka sakin.” Pagkasabi ko non biglang namula ang mukha n’ya at lumaki ang mata niya.

“W-what?!” hindi makapaniwalang tanong n’ya.

“Sumama ka sakin?”

“Are you out of your mind? Bakit naman ako sasama sayo?”

“Nash. Kailangan kita.” Pagkasabi ko non namula nanaman s’ya. Hays bakit ba kasi ko nauutal pagkausap ko itong si Nash. Nagkakaron tuloy ng maling ibig sabihin.

“Kailangan mo ko? Bakit ang tagal naman bago mo naisip yan? Ako?! Hindi na kita kailangan. Tanggap ko na Ken wag mo nang bilugin ang ulo ko. Alam kong kahit kailan hindi na mawawala si Grace d’yan sa puso mo.”

0_0? –ken

“Ano bang sinasabi mo! Mali yang iniisip mo no. nagpunta ko dito para humingi ng tulong.  Si TB kasi baka magkasakit s’ya. Kailangang alisin yung damit n’ya nabasa kasi s’ya sa ulan. Pag hindi s’ya nabihisan baka magkasakit s’ya.”

“Hindi pwede! si Jane na lang ang isama mo kung gusto mo.”

Pagkasabi n’ya non tumalikod na s’ya at akmang maglalakad papasok sa loob ng bahay ng bigla ko s’yang hinawakan sa siko at pinigilan.

“Nash. Please. Nakikiusap ako sayo.” Huminto s’ya mukhang natigilan sa sinabi ko. Tapos pumihit paharap sakin.

“Na saan ang kotse mo?”

Pagkasabi n’ya non biglang nagliwanag ang mukha ko.parang nabuhayan ako.

“Dito.” Sagot ko habang inakay s’ya papunta sa kotse ko.

“Saan kayo pupunta? Tinatraydor mo ba ako, Ken?”

Nagulat ako hindi ko alam. Kung paano s’ya sumulpot. Si Vince at mukhang galit na galit s’ya. Hindi naman ako nakasagot agad dahil naunahan na ako ni Nash

“Bakit ka nandito? Ano ba? Hindi na ba ko lalabas nang bahay nang hindi kita nakikita!” sigaw ni Nash. Ibig sabihin pala araw araw nandito itong si Vince.

“Mahal ko. Wag ka naman magalit sakin. Natural lang na palagi akong nandito tuwing lalabas ka dahil kailangan kong makasiguro. NA WALANG GAGO NA DIDIKIT SAYO!” sagot ni Vince na diniin pa yung huling sinabi at tumingin sakin.

“Wag mo nga akong tawaging mahal mo!” -Nash

“HOY VINCE TANTANAN MO NGA AKO! Pumunta ko rito para humingi nang tulong kay Nash. Dahil kailangan mabihisan ni TB. Kung gusto mo sumama ka.” Sabi ko.

“Okay hindi mo naman kasi sinabi agad.” ^_^

“Pano ko sasabihin sayo e masmabilis ka pang sumulpot kesa sa paliwanag ko.”

“OO na sorry na. tara na naghihintay na si  Jazz.”

Sabay sabay na kaming sumakay sa sasakyan. Halos paliparin ko ulit ang sasakyan pabalik ng bahay.

“TB nandito na kami mabibihisan ka na.” bulong ko kay TB. Tapos lumabas na kami ni Vince para mabihisan na s’ya ni Nash.

-=NASH=-

Habang binibihisan ko si Jazz. Hindi ko maalis sa isip ko yung itsura ni Ken. Habang nakikiusap s’ya sakin. Ang swerte mo Jazz. Saglit ka pa lang n’yang nakikilala pero nakikitang kong mahalaga ka na sa kanya. Hindi kailanman nakiusap ang isang Ken Lee Montreal. Pero dahil sayo nagawa n’ya. Si Ken ang dahilan kung bakit ako tinatawag na suplada ngayon. Galit na galit ako lalo na sa mga lalaki. Hindi na ko nagtiwala ulit pagkatapos ng nangyari samin ni Ken…

Dahil matagal na ngang magbestfriend ang kapatid kong si Jane at Jericho. Pati ako e nakilala na ang mga barkada ni Jericho. Sa kanilang lahat si Ken ang palaging kasama ni Jericho. Dito sa bahay sila madalas tumambay dahil ayaw nga ni Jericho na hindi nakikita ang kapatid ko. At palagi nilang pinaguusapan ay si Grace o kaya si Jane. Nagkakaintindihan sila dahil pareho sila nang sitwasyon. Hanggang isang araw. Pumunta dito si Ken ngunit wala si Jericho. Nakita ko noon na lungkot na lungkot s’ya. Kaya pinatuloy ko s’ya sa bahay at nagusap kami. Pinagusapan namin si Grace. Hanggang sa naging madalas yun. Palagi na s’yang pumupunta sa bahay. Niyayaya akong kumain sa labas at mamasyal. At nagkagusto ko sa kanya. Sa sandaling panahong nagkakilala kami minahal ko s’ya. Tapos isang araw naglasing si Ken. Hindi na s’ya makatayo kaya hinatid ko s’ya sa bahay n’ya. Habang binibihisan ko s’ya. Bigla n’ya kong niyakap. At sinabing…

“Mahal na mahal kita.”

Pagkasabi n’ya non. Mangiyak ngiyak ako sa tuwa. Ang tagal kong hinintay na sabihin n’ya sakin na mahal n’ya ako. Tapos hinalikan ko s’ya.  Biglang bumukas ang pinto. Nakitang kong nagulat si Ken.

“G-grace magpapaliwanag ako. Akala ko lang ikaw s’ya kaya ko s’ya nahalikan.”

Pagkasabi n’ya non gulat na gulat ako sa narinig ko. Parang gusto ko na lang lumubog sa kinatatayuan ko.

“Hindi mo kailangang magpaliwanag sakin Ken. Hindi kita boyfriend. Nagpunta ko dito para magpaalam sayo. Aalis na ko.”

“Grace wag kang umalis wag mo kong iwan. Hindi kita pipilitin kung ayaw mo sakin. Wag ka nang umalis.”

“Ken. Kailangan kong umalis hindi mo ko mapipigilan.” Pagkasabi n’ya non. Umalis na s’ya. Nilapitan ako ni Ken.

“HOY! BAKIT MO KO HINALIKAN? NAKAKADIRI KA. ANG LANDI MO! INAKIT MO KO. UMALIS KA DITO SA BAHAY KO.” Sigaw n’ya sakin tapos tinulak n’ya ko palabas ng bahay n’ya.

Ilang araw akong iyak ng iyak natatakot ako pagnakakakita ako ng lalaki. Pakiramdam ko sasaktan din ako. Ang sakit sakit. Tapos sa ginawa n’ya. Ni hindi man lang s’ya humingi nang tawad sakin. Matagal tagal din bago ko nakabangon ulit. At ngayong nakabangon na ko. Hinding hindi na ko paluluhain pa ulit ng lalaki. Sinusumpa ko.

*End of flashback

Pumasok na kasi si Vince and Ken.

“Bakit ka umiiyak?” tanong ni Vince.

“Wag mong sabihing p-patay na si Jazz?” pagpapatuloy n’ya.

“Baliw! Wag mo kong kausapin.” Sagot ko. Lumapit ako kay Ken.

“Ken aalis na ko.”

“Salamat nash. Ihahat-.”

Hindi na n’ya natapos ang sasabihin n’ya dahil biglang nagsalita si Vince.

“Ako na maghahatid sa kanya. Papapel kapa e.”

Nandito na kami ni Vince sa loob nang kotse ni Ken. Hiniram n’ya muna para ihatid ako.

“Nash. Kung hindi mo ko gusto okay lang naman. hindi naman kita pinipilit e. pero pwede mo ko maging kaibigan, pwede mong sabihin sakin kung ano bang iniisip mo para mabawasan ang bigat d’yan sa dibdib mo. O kung ayaw mo rin mag kwento okay lang pwede mo rin naman akong gawing panyo. Pwede kang umiyak dito sakin.” Pagkasabi n’ya non hinawakan n’ya ang ulo ko at dinala n’ya papunta sa dibdib n’ya. Hindi naman ako tumutol nagiiyak ako. Kailangan ko kasi talaga nang maiiyakan.

-=KEN=-

“K-ken salamat ah.”

Nagulat naman ako nung nagsalita s’ya. Nagising pala s’ya

“Wag ka ngang mag pasalamat d’yan. Ginagawa ko lang to dahil hindi ako pwedeng mawalan nang katulong no.”

“Kunwari ka pa. ang sabihin mo mahal mo ko kaya nagaalala ka.”

Tignan mo tong babae na ito. Maysakit na nga. Ang kapal pa rin nang mukha.

“HOY! Kahit sa panaginip hinding hindi ako magkakagusto sayo.”

Pagkasabi ko non. Ngumiti lang s’ya.

“Ikaw kasi ang tanga tanga mo! Hindi ka man lang sumilong. Sayang naman yung mga bubong sa university na yun kung hindi man lang masisilungan ng mga tangang katulad mo.”

“Ayaw ko kasing mahirapan ka pa sa paghahanap sakin. Baka hindi mo ko makita. Baka magalit ka nanaman kasi ang bilin mo sakin wag akong aalis don.”

Natigilan ako sa sinabi n’ya. Kasalanan ko talaga. Hindi ko dapat s’ya sinisisi. Wala talaga kong kwenta.

“Sa susunod wag mong i-intindihin ang sinabi ko. Isipin mo palagi muna ang sarili mo” tumango lang s’ya.

“Ken. Si Grace ba?”

“Ha?” tanong ko nagulat ako sa sinabi n’ya. Anong Grace.

“Kaya ba hindi mo ko napuntahan dahil kay Grace?”

“Pano mo naman nalaman yun?”

“Ako ba ang bobo o ikaw?di ba sinabi mo sakin susunduin mo s’ya.”

Langya saglit pa lang s’ya dito marunong na s’ya mambasag.

“Oo. Binalikan ko s’ya nung lumakas yung ulan.”

“Mayaman naman s’ya diba? Kahit hindi mo s’ya balikan pwede s’yang magpasundo sa Driver n’ya. O sa ibang kakilala n’ya. E ako? Wala akong kakilala ikaw lang. pero pinili mo pa rin s’ya.”

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Tama naman s’ya e. pero kasi si Grace yun.

“Si Grace yun e. kung kaya ko. Hindi ko i-aasa sa iba.”

“Kaya hindi  mo s’ya pinasundo sa iba kasi gusto mo ikaw ang sumundo?”

“Oo ganon na nga.”

“Bakit?”

“Kasi importante s’ya sakin. gusto ko sakin lang s’ya.”

Pagkasabi ko non. Bigla s’yang ngumiti. Maysira na ata sa ulo to.

“Importante ba ko sayo Ken?” nagulat ako sa tinanong n’ya.

“B-bakit mo naman natanong yan?”

“Kasi pwede mo kong ipasundo kay Dennis, Jericho o Jessie pero hindi mo ginawa. kasi gusto mo ikaw susundo sakin. Kasi importante ako sayo.” ^_____^

Ano ba yan ano ba ang pinagsasabi n’ya.

“Hindi kita pinasundo kasi nakalimutan kita. Nakatulog na nga ako dito sa bahay naalala lang kita nung nagutom ako.” Pagkasabi ko non sumimangot s’ya.

“Sige na matulog ka na nga d’yan. Tawagin mo na lang ako pag may kailangan ka.” Sabi ko nung hindi na s’ya nagsalita ulit.

Ta-tayo nasana ako para lumabas. Nang biglang kumidlat. At nakita kong natakot s’ya. Hinawakan n’ya ko sa braso.

“Ken. Wag mo kong iwan. Natatakot ako Ken. Takot ako sa kulog at kidlat. Kanina takot na takot ako. Pero hindi ako umalis sa pwesto ko kasi baka hindi mo ko mahanap. Natatakot ako ken. Natatakot akong magisa. Natatakot akong maiwan. akala ko hindi mo na ko babalikan.”

Sabi n’ya na takot na takot. Tapos umiiyak na.

“Pssshht.. wag ka nang matakot. Nandito na ko. Hinding hindi ka na maiiwan magisa. Hindi ako mawawala sayo. Kahit kailan.”

Hindi ko alam kung bakit nasabi ko ang ganong ka-kesong  bagay. Pero isa lang ang alam ko. Gusto kong mapanatag s’ya at mawala ang takot n’ya.

“Hindi mo na s’ya maririnig. Matulog ka na. babantayan kita. Hindi ako aalis dito.” Sabi ko tapos tinakpan ko na yung tenga n’ya.

Ang tagal namin sa ganong pwesto. Nakatingin lang s’ya sa mga mata ko. Tumigil na s’ya sa pag iyak. Sa tingin ko naman nawala na yung takot n’ya. Hindi ko alam pero parang dinudurog ang puso ko pagnakikita kong umiiyak s’ya.

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 172K 57
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
373M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
299K 16.2K 29
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
47.6K 321 103
Ito po ay mga paborito kong mga story at sana makakita din kayo ng mga magugustuhan nyong story😁😁😁