BACK OFF! LUKRECIA IS MINE!

By JoeyJMakathangIsip

70.2K 2.3K 495

Someoneone's lost could be someone's gain. Someone's shaking battle could be someone's game. This is the jour... More

P R O L O G U E
C H A P T E R 1
C H A P T E R 2
C H A P T E R 3
C H A P T E R 4
C H A P T E R 5
C H A P T E R 6
C H A P T E R 7
C H A P T E R 8
C H A P T E R 9
C H A P T E R 10
C H A P T E R 11
C H A P T E R 12
C H A P T E R 13
C H A P T E R 14
C H A P T E R 15
C H A P T E R 16
C H A P T E R 17
C H A P T E R 18
C H A P T E R 19
C H A P T E R 20
C H A P T E R 21
C H A P T E R 22
C H A P T E R 23
C H A P T E R 24
C H A P T E R 25
C H A P T E R 26
C H A P T E R 27
C H A P T E R 28
C H A P T E R 29
C H A P T E R 30
C H A P T E R 31
C H A P T E R 32
C H A P T E R 33
C H A P T E R 35
C H A P T E R 36
C H A P T E R 36.5
C H A P T E R 37
C H A P T E R 38
C H A P T E R 39
C H A P T E R 40
E P I C L O G U E
CAST
AUTHOR'S NOTE
Promotion

C H A P T E R 34

928 37 7
By JoeyJMakathangIsip

Let's Meet Tomorrow

L U K R E C I A

Kasabay ng paglakas ng katok sa pintuan ay lumakas din ang pagtibok ng puso ni Lukrecia. Thalia's standing beside her, weirdly and worriedly looking at her, hinihintay nito kung kailan bubuksan ni Lukrecia ang pinto.

"May problema ba?" Thalia asked her. Hindi makasagot si Lukrecia. She's afraid na baka si Mr. Lee ang nasa likod ng pintong nasa harap nila. Nagpapawis si Lukrecia. Panandalian niyang kinalkal ang magulong isipan para maghanap ng isasagot sa tanong ni Thalia.

"Kase---" Magpapaliwanag pa sana si Lukrecia kaso hindi niya naituloy nang biglang magsalita ang taong kumatok sa pintuan.

"Ma'am! Delivery po galing sa Shopee!"

Nakatitig pa rin si Lukrecia kay Thalia. Kanina lang ay kabadong-kabado siya pero bungad nang marinig ang boses ng delivery boy ay kumalma na siya.

"Ma'am?" patuloy na kumatok ang delivery boy. Maya-maya pa ay pinutol na ni Lukrecia ang mga titig niya kay Thalia at mabilis ng binuksan ang pinto.

"Ma'am, five-hundred pesos po ang---"

Hindi na natapos ng Delivery Boy ang pagsasalita nito nang parang natatarantang kinuha na ni Lukrecia ang package at mabilis na nagbayad dito.

"Aken na, itu bayad ko. Ales ka na!"

Natulala ang Delivery Boy. Isinarang muli ni Lukrecia ang pinto. Sumandal siya sa pader habang hawak-hawak ang package na may lamang high heels. Kumakabog ang kanyang puso ng malakas.

"Lukrecia, may problema ba? Ba't parang takot na takot ka?" tanong ni Thalia sa kanya.

Hindi na nagpaligoy-ligoy si Lukrecia. Kahit kinakabahan ay tinanong niya si Thalia nang diretsahan.

"Taleya? Sabehin mu sa ake, kelala mu ba si Mr. Piter Lee?" diretsong tanong ni Lukrecia.

Nakaramdam siya ng matinding pangamba nang panandalian itong natahimik at nag-iwas ng tingin sa kanya.

"Lukrecia, alis na ako..."

Akmang pipihitin na sana ni Thalia ang door knob nang magsalitang muli si Lukrecia.

"Taleya. Girlfriend ako ni Mr. Lee. Gostu kong malaman kung ekaw ba ang asawa niya."

Maya-maya pa, nangilid sa mga mata ni Lukrecia ang mga luhang papalabas na. She's waiting for Thalia's answer. Hirap na hirap na siya.

Nakita ni Lukrecia na nagulat din si Thalia sa sinabi niya. Umawang ang bibig nito na tila ba may narinig itong kakaiba.

In Thalia's silence, Lukrecia found the answer on her question. Ang babaeng nasa harap niya ay ang asawa ni Mr. Lee.

* * *
"NOONG kinasal kami, alam kong si Peter na talaga. Masaya ako noong kinasal kami kahit pa mas nauna iyong pagdadalang tao ko kay Kid. Masaya ako kasi lahat ng hinahanap ko sa isang lalaki ay naka'y Peter na. He has all the riches, the looks, the idealistic characteristics and attitudes na puwede mong hanapin sa isang lalaki yet noong nasa kalagitnaan na kami ng proseso ng pagbuo sa pamilyang pinapangarap naming dalawa, naramdaman kong may nawala sa pagkatao ko. Hinanap ko sa sarili ko kung ano ang bagay na iyon na nawala sa'kin at nalaman kong simula noong nagsama kami ni Peter, tinalikuran ko na rin pala ang pangarap kong maging modelo. It was my dream since I was a child na maging model and Peter met me the time that my dream was just starting. Umalis ako ng bahay. Iniwan ko si Peter at ang anak ko. Hindi ako nagpaalam kasi sa mga panahong 'yon, palagi kaming nag-aaway ni Peter. Alam kong hindi niya ako papayagang ituloy 'yong pangarap ko kaya napagdesisyunan kong umalis ng walang sabi. Binalikan ko ang agent ko. Nagpunta kami sa China. We do photoshoots there, a lot of photoshoots actually. Kaso, mabilis akong tinapik ng karma. Habang tinatamasa ko ang resulta ng mga photoshoots na 'yon, gamit ang isang magandang sasakyan ay may nabundol akong bata sa isa sa mga daan sa Taiwan. Nakulong ako. Iniwan ako ng agent ko. At 'yon, naubos lahat ng pera ko para sa panggamot ng batang nabundol ko. I was banned there. Naging illegal immigrant ako. Ginusto kong umuwi pero wala akong pera. Wala ring tumutulong sa'kin. Dahil sa kagustuhan kong makauwi, kumapit ako patalim. Binenta ko ang katawan ko sa mga Chinese na lalaki na uhaw na uhaw sa babae. Nakauwi ako ng Pilipinas ng wala ng mukhang maiharap sa mag-ama ko. Gusto kong pumasok sa bahay namin pero hiyang-hiya ako. I can still remember those countless times na sinubukan kong pumasok sa bahay namin pero nakokonsenya ako. Kaya kahit masakit, napagdesisyunan kong tuluyan na lang magpakalayo-layo. Bumalik ako sa Davao kung saan naroon ang Tita ko. She let me stay there in her house. Naging mabuti siya sa'kin kaya noong nagkasakit siya, ako ang nag-alaga sa kanya. Pati pagpapa-ospital niya y ako ang sumagot. Nalubog ako sa utang at habang naghahanapbuhay ako, hindi ko namalayan na ang mga araw ay naging taon na pala. Aminado akong nagkamali ako kaya nandito ako ngayon para itama ang lahat. Kaya kahit nakakahiya, gusto ko sanang humingi ng tulong sa'yo Lukrecia. Kung puwede lang naman sana."

Lukrecia was crying noong dumating na si Mr. Lee sa bahay niya. Thalia told her everything. Lahat-lahat.

"Naiyak lang aku kasi kenakabahan aku sa presscon. So pa'no ba 'to? Late na ba tayo?" she told Mr. Lee. Ngumiti lang si Mr. Lee bilang sagot sagot kay Lukrecia. Nasa may pintuan pa rin sila.

Mr. Lee held his hand towards Lukrecia. Walang pagdalawang isip naman iyong tinanggap ni Lukrecia. She grasped Mr. Lee's hand as tight as possible. She's afraid na baka iyon na ang huling beses na mahahawakan niya ang kamay ni Mr. Lee.

Habang binabaybay ni Mr. Lee at Lukrecia ang madilim na daan gamit ang Audi nito ay humahagulgol namang naiwan si Thalia sa loob bahay ni Lukrecia. Nagtago siya sa kusina noong dumating si Mr. Lee sa bahay nito. Takot na takot siya nang marinig ang boses ng ex-husband niya. Pero kahit ganoon, may parte pa rin sa pagkatao ni Thalia na gustong yakapin si Mr. Lee. She missed him so much. It has been ten years already matapos niya ito huling nayakap.

"By the way, you really look good with your new hair and with your new dress, kamuntikan na kitang hindi makilala," pagpupuri ni Mr. Lee bago sila bumaba ng kotse.

Lukrecia just smiled at Mr. Lee at napahampas na lang siya well chiseled na braso nito. "Sira!"

Nang makalabas ng kotse ay agad na naglakad si Mr. Lee at Lukrecia sa red carpet papasok sa hotel. A lot of photographers are taking pictures on Lukrecia. She was the lady of the night. Nag-outstand din ang ganda ni Lukrecia habang suot-suot niya ang fuchsia dress niya na kumikinang ang mga sequences kapag natatamaan ng ilaw.

"Just smile at the cameras," bilin ni Mr. Lee sa kanya. Awkward namang sinunod ni Lukrecia ang utos ni Mr. Lee. Nginigitian niya ang mga camera. Iyon nga lang, minsan ay nagwa-wacky siya at minsan naman ay nagpi-peace sign at nagfi-finger heart. Pinagtawanan lang siya ni Mr. Lee.

"Just relax. Just answer their question calmly," bulong ni Mr. Lee kay Lukrecia. Nakaupo na sila ngayon sa loob ng conference hall dito sa loob ng isang hotel na pagmamay-ari rin ni Mr. Lee. Cameras are flashing everywhere. Sobrang dami rin ng microphones na nakapatong sa mesa na nasa harap nila ni Mr. Lee. Sa table naman na iyon ay limang tao ang nakaupo. Si Lukrecia, si Mr. Lee at ang tatlong department heads nito. Mapapansin din na sa bawat sulok ng conference hall ay makikita ang naglalakihang screens kung saan ay mga mukha ni Lukrecia bilang endorser ang naroon.

The presscon was so successful that it aslo trended on the social media nationwide. Naging usapin bigla si Lukrecia sa mga status ng mga social media users. She is receiving good feedbacks and nice reviews for her debut endorsement. Nakakatawa raw ang endorsement na iyon at sobra ring unique.

"Congrats," Mr. Lee told Lukrecia habang sinasayaw niya ito rito sa rooftop ng hotel.

"Thank you rin Demunyo. Thank you dahil unang-una, noong magpapakamatay na sana ako sa tolay ay sinagip mo ako. Thank you dahil sa advertisements na 'to, nagkaroon ako ng pira." Nakatitig lang si Lukrecia kay Mr. Lee. She was like looking a galaxy full of stars. Ayaw niyang tigilan ang sarili niya titigan iyon.

"Thank you for also saving me Lukrecia. You just have saved me from the moments that loneliness is drowning me. You are my painkiller. My joy, and my happiness. You are a beautiful nightmare."

"Nosebliid," ani Lukrecia. Mr. Lee produced a genuine chuckle.

"My son already wants to meet you Lukrecia."

"Hmm. Kailan?"

"If possible, ngayon na."

"Puwedi kayang bukas nalang ng gabi Demunyo? Pagod na rin kaso ako e. Mag-dinner na lang tayo bukas ng gabi."

"Sige loves. No problem."

"Uhh, Demunyo?"

"Hmmm?"

"Pwedi ba na bokas sa dinner natin ay may isasama aku?"

"Sino?"

Ngumiti lang ng masakit si Lukrecia bilang sagot sa tanong ni Mr. Lee kung sino ang taong isasama niya bukas. The city lights still burn behind them as the cold breeze of the night is wrapping their bodies.

Maya-mapa pa, niyakap ni Lukrecia si Mr. Lee ng mahigpit na mahigpit. "I love you Demunyo. Mahal keta kahit saglit lang tayo nagsama."

"The way you tell it to me, pakiramdam ko, aalis ka." Hinawakan ni Mr. Lee ang mukha ni Lukrecia. Namugay ang mga mata nila nang magkatitigan silang dalawa.

Habang sinisisid nila ang parehong mga mata ay bigla namang nilapit ni Mr. Lee ang mukha niya sa mukha ni Lukrecia. And in a heartbeat, Mr. Lee planted a very deep kiss on Lukrecia's lips.

And while they are sharing that kiss, a thousands of meteor showers passed by up above the night sky. May dumaloy namang masaganang luha sa pisngi ni Lukrecia habang hinahalikan siya ni Mr. Lee. She needs to accept that some things that comes in here life are just temporary. Ipapahiram lang sa kanya saglit at babawiin na namang muli. Destiny is a b*tch, isn't it?

* * *

Continue Reading

You'll Also Like

802 57 32
Finn was diagnosed by having brain cancer stage 3, he is a introvert and the only child of the family. He thought that everything is dull and colorle...
28.5M 854K 79
Every embraces has its own journey. Written in Filipino #1 highest rank Book...
3M 130K 21
(Yours Series # 2) Julienne Salvacion definitely didn't think that she'd reach the age of 32 and still be unmarried. She was sure that she'd, at leas...
38.5K 849 157
She owning a pair of eyes na hindi daw sa kaniya? paano niya mapapaliwanag ang pagkakaiba niya sa lahat? matutulungan ba siyang matuklasan ang katot...