Xynthia's Mission To Love (Ra...

By xoKALELxo

71.1K 1.4K 39

(This story contains suggestive language, with 'little' sexual dialogue/situations) *'Little' kasi I'm not s... More

CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN

CHAPTER SEVEN

5.5K 115 2
By xoKALELxo


DAHAN-DAHANG binalutan ni Xynthia ng comforter ang likod ni Denver. Nakatulog na ito sa kakatrabaho. Nakapatong ang ulo nito sa mesa habang nakaunan sa braso nito. Umalis lamang siya sandali kanina para magluto. Hindi pa sila nakakapag-hapunan, alas otso na ng gabi.

Napatingin siya sa monitor kung nasaan si Tomas. Natutulog na ito. Kanina lang ay may tinatrabaho ito sa harap ng computer nito. They had to get the files in his computer, na pwede nilang magawan ng paraan sa pangha-hack lang. Pero iyong mga dokumento ay sa mismong bahay nito nila dapat kunin. They still don't know where, kaya binabantayan nila ang kilos ng lalaki.

Ibinalik niya ang tingin sa binata. Parang gusto niya itong yakapin nang mga oras na iyon. Hulog na hulog na ang loob niya rito. Inaamin naman niya iyon sa sarili niya. She sighed.

Nakagat niya ang labi. Pwede bang halikan ko muna ang pisngi niya bago ko siya gisingin? Muli niyang tiningnan ang natutulog na binata. Pwede naman siguro.

Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha sa binata. Nanuot sa ilong niya ang natural na bango ng binata. Nang lumapat na sa pisngi nito ang mga labi niya ay napapikit siya.

Mahal ko na yata siya...

But damn, wala dapat ang 'yata' sa sinabi niya. Mahal na niya ang binata.

"Xynthia..."

Napadilat ang mga mata niya at mabilis pa sa alas kuwatrong lumayo rito.

What have I done?

Sumandal ang binata sa upuan at ngumiti sa kanya. Kumabog ng husto ang dibdib niya. Bad timing naman na kung kalian niya ito hinalikan ay saka naman ito nagising.

"Did you kiss me?" anito sa tonong nanunukso pa.

"Ha? Ano? H-Hindi... May kinuha lang ako sa tabi mo..." hindi malamang sagot niya rito. Kung pwede nga lang ba siyang lamunin ng lupa nang mga oras na iyon.

Nataranta siya nang tumayo ang binata. Lumapit ito sa kanya. She could feel the wild beating of her heart.

"You don't have to deny it..." anito sa kanya sabay haplos sa nag-iinit niyang pisngi.

"You can kiss and hug me anytime you want..."

Mas lalong nag-init ang dalawang pisngi niya sa sinabi ng binata. Baka akalain nito ay siya itong nagsasamantala.

Nakakahiya

"Hindi...hindi naman sa..." namimilipit niyang wika sa binata.

"I know..." putol nito sa iba pa niyang sasabihin na hindi niya alam kung paano. "And you know what, ako ang mas nababaliw sa 'yo..."

Napapikit siya nang sakupin ng binata ang mga labi niya. She had been longing for that to happen again. At ngayon... nakayakap sa kanya ang binata habang magkahinang ang mga labi nila. Pakiramdam niya ay nasa cloud nine siya nang mga oras na iyon.

He gently massaged her waist. Sa ginawa nito ay mas lalong nag-init ang buo niyang katawan. She responded to his hot kisses and even pulled herself closer to him.

He was teasing her lower lip, biting and nibbling it. Kumawala ang mahinang ungol mula sa lalamunan niya. She liked this guy... and she loved him. Kung maaari lamang na ganoon na lang sila hanggang bukas.

I'm crazy...

When he let go of her lips, he cupped her face and kissed the tip of her nose. Napangiti siya sa gawi ng binata. Kaharap niya ngayon ang isang guwapong lalaki... tinatrato siyang parang isang prinsesa sa mga simpleng ginagawa nito sa kanya.

"I can kiss you all night long if you'll let me..." puno ng kislap ang mga mata na wika ng binata sa kanya.

Napangiti siya kasabay ng kilig na bumaha sa dibdib niya. "Maghahapunan na tayo."

Idinikit ng binata ang noo nito sa noo niya. "If you say so..."

Magkahawak ang mga kamay na tinungo na nila ang mesa. Nagkakatinginan naman sila ng binata habang kumakain sila. It was as if they were husband and wife. Itinaboy niya ang naisip. Ang layo-layo na ng mga nasa isip niya. Pero ang mas importante naman ngayon sa kanya ay kasama niya ang binata. Denver was with her, and they were happy. Siguro kapag natapos na nila ang kanilang trabaho ay magkakaroon na sila ng mas maraming oras para sa nararamdaman nila. She could not wait for it.


"XYNTH, iwan mo na muna 'yan."

Lumingon siya sa binata at saka umiling. "Tatapusin ko lang 'to," aniya at muli nang hinarap ang kanyang laptop.

She was tracing Tomas's computer IP. Malapit na niya iyong makuha sa palagay niya. Nadaanan na kasi niya ang switch line ng computer nito. She just had to move as fast as his computer.

Napangiti siya nang tabihan siya ng binata at marahang pinunasan ang noo niya.

"Thank you," usal niya rito.

Ngumiti ito sa kanya. Kapag ganoon lagi ang nakikita niya araw-araw, sigurado siyang inspired siya buong buhay niya.

"I could just go in his house and look up to his computer," wika ng binata. "Kaninang umaga naman ay hindi ko siya nakita. Mukhang nagkukulong sa kuwarto."

"It's okay. Makukuha ko na 'to. Hindi mo na kailangan pa na pumunta roon," aniya sa binata habang nakatingin sa screen ng laptop niya. Ayaw niyang pumunta pa roon ang lalaki. Makukuha rin naman niya ang address ni Tomas, at ayaw niyang mag-aalala at baka kung ano pa ang mangyari sa binata kapag nagpunta ito roon.

Napatingin siya sa router nang umilaw iyon kasabay ng pag-function ng ikinabit niya sa kanyang laptop na flash drive.

Napangiti siya nang makita ang connection ni Tomas na nasa harap niya. "Look, nakita ko na."

Napatingin din sa screen si Denver. "Wow, nakuha mo na, Xynth!"

Nagulat pa siya nang bigla siyang yakapin ng binata. She smiled.

"Oh, I'm sorry... I overdid my happiness," anito sa kanya nang pakawalan siya nito.

Natawa siya. Naalala niya ang sinabi nito sa kanya kagabi: 'You can kiss ang hug me anytime you want'. Pwede rin naman siguro niya iyong ipahintulot sa binata. Ngayon na parang may intindihan na sila ng binata. It was making her happy.

"Kapag ngumingiti ka ng ganyan ay lumilipad ang isip ko."

Napatingin siya sa binata at mahinang tumawa. "Ewan ko sa 'yo. Halika na nga, let's start working."

Tumango ito at binuksan na rin ang laptop nito. She looked at the codes. Napatingin siya sa pulang marka sa mga data na nasa harap. It was a garbage file. A smile curved in her lips. Mukhang alam na niya kung nasaan.

Nang mabuksan niya iyon ay tama nga siya. She smiled triumphantly. Ipinasa na niya sa kanyang flash drive ang mga files. Mamaya ay ibu-burn na lamang niya iyon.

Nakita niyang naroon ang mga bank accounts ng mga miyembro. May milyong-milyong savings na ang mga ito. Naroon din ang mga records ng bank accounts at grocery stores na na-hack na ng mga ito. Kapag may ginawang transaction sa computer si Tomas ay makikita na nila iyon sa laptop niya.

"'Got it," aniya at nakangiting ipinakita kay Denver ang hawak niyang flash drive.

Ngumiti ito sa kanya. "You're fast."

Gusto ko ng matapos 'to para makapag-usap na tayo ng matino.

Kinuha na nito ang hawak niya at inilagay na sa naka-security code na attaché case nito.

"He's just keep on typing. Malamang ay 'yan na ang virus na ila-launch nila," wika ng binata sa kanya.

"Just wait. Baka may puntahan na iyan na makakapagturo sa 'tin kung nasaan ang mga dokumento nila," aniya. Importanteng makuha nila iyon. Kasali iyon sa magagamit nilang ebidensiya laban sa mga ito.

Napatingin siya sa binata. Seryoso lamang itong nakatingin kay Tomas na nakaupo at may ginagawa sa computer nito. She silently sighed. The man was too handsome to be paired to her. Baka pagdating nila sa Maynila ay habul-habulin na ito ng mga nagagandahang babae.

I'm sure that would happen.

Napabuntong-hininga siya. Binabagabag siya ng isiping iyon pero parang mas mahalaga sa kanya na kasama niya ang binata ngayon at siya lamang ang nakikita nito. That was enough for her... now.

Tumayo siya at pumwesto sa likuran ng binata. Niyakap niya ito mula sa likuran. He smelled wonderful. Hinawakan naman ng binata ang mga kamay niya na nakapalibot sa sikmura nito. Ngumiti siya at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap dito.

Ilang sandali pa ay tinanggal ng binata ang mga braso niyang nakayakap dito, saka ito humarap sa kanya. Nakatayo pa rin siya at nakaupo naman ito paharap sa kanya. He reached for her waist and stoop up. Tumingala siya sa binata. Nang ibaba nito ang mga labi nito patungo sa kanya ay ipinikit niya ang mga mata. He was kissing her gently and passionately. She could feel his warm and wet lips. Katulad noong mga naunang pagkakataon na nahalikan siya ng binata, ay nangatog na naman ang tuhod niya. He had that same effect on her.

Nang lumalim pa ang halik nila ay naramdaman na niya ang paghaplos ng binata sa likod niya. Nakaramdam siya ng kakaibang init sa bawat haplos ng lalaki. Mula sa likod niya ay lumipat iyon sa balakang niya. At nang isandal siya ng binata sa dingding na nasa likuran lamang niya ay napaungol siya. Kakaibang ligaya ang ibinibigay nito sa kanya.

He hugged her tight and continued kissing her like there was no tomorrow. Gumanti siya ng yakap sa binata. Mahal na niya ito. That love hit her in an instant. At wala na siyang balak na pakawalan pa iyon.


SINULYAPAN ni Xynthia ang kalendaryong nasa loob ng kuwarto niya. May anim na araw na lang sila bago ang grand launching ng Goblin. They had been working all night. Kailangan pa nila ng mahaba-habang pasensiya bago nila makita ang virus na binubuo ng mga ito.

Inilipat niya ang tingin sa binatang natutulog sa kawayang upuan. Hinaplos ng awa ang puso niya. Alam niyang pagod na pagod ito dahil galing ito kina Tomas kanina at wala pa itong tulog mula kagabi.

Nilapitan niya ito at marahang hinaplos ang noo nito. Kumilos ang kamay niya upang abutin ang kamay ng binata. She wanted to hold it. Nakakapag-isip siya ng maayos kapag nasa tabi niya ang binata.

Nakarating na siya sa edad niyang iyon saka pa lamang niya naramdaman ang ganoong klaseng pagmamahal. To think that they only knew each other because of their work. But it was a blessing for her. Ang importante ay nakilala niya ang binata, ang lalaking magpaparanas sa kanya ng ganoong pagmamahal.

Ang corny ko na. Napangiti siya sa naisip.

Tinungo na niya ang kusina at naghanda ng makakain nila. Gusto niya palaging naghahanda para sa binata. Nakasanayan na nga niya iyon sa halos isang buwang pagsasama nila sa iisang bubong. But it was only because of work, hindi naman niya iyon nakakalimutan.

Matapos niyang magluto ay binalikan na niya ang binata. Gising na pala ito at nakaupo na sa upuan.

"Nakatulog ka ba ng maayos?" tanong niya sa binata at lumapit dito.

"Yep," nakangiting sagot nito sa kanya. May kaunting paos pa ang tunog ng boses nito na mas lalong nakapagpaganda sa boses ng binata.

Pagod na pagod pang tingnan ang mga mata nito pero hindi man lang iyon nakabawas sa taglay na kaguwapuhan ng binata. Masyado itong guwapo para maapektuhan lang sa isang gabing walang tulog.

"Come..." anito sa kanya at iminuwestrang maupo siya sa tabi nito.

Nakangiting tumalima siya. Inakabayan siya ng binata nang makaupo na siya sa tabi nito. Panaka-naka naman nitong pinipisil ang balikat niya na parang minamasahe siya. Sumandal siya sa binata.

"Mamaya pala, pupunta ako sa bayan. Bibili lang ako ng extension wire. Gagamitin natin para sa routers," wika ng binata.

"Sasamahan kita," aniya rito.

Umiling ito. "Huwag na. Babalik din naman ako agad. Hintayin mo na lang ako rito, wifey."

Napangiti siya sa sinabi ng binata. He gently held her hand. Parang musikang nagpabalik-balik sa teynga niya ang sinabi nito. He addressed her as wifey. Kung wala lang ang binata ay malamang na magtatatalon na siya sa kilig at saya. Kung alam lang nito na sa mga sinasabi nito sa kanya ay tumataba na ang puso niya.

Naramdaman niya ang pagdampi ng labi ng binata sa ulo niya. It made her feel so wonderful and secured. Napabuntong-hininga siya. She didn't want that moment to come to an end.


NAG-AALALANG nakadungaw sa bintana si Xynthia. Wala pa rin si Denver. Alas sais na ng gabi at kanina pa itong alas kuwatro nagpunta ng bayan. Dapat ay nakauwi na ito sa mga oras na iyon. Mas lalo siyang hindi mapakali dahil sa malakas ang ulan.

Napabuntong-hininga siya. Nasaan na ba ito at hindi pa nakakauwi? Kinakabahang nagpalakad-lakad siya sa loob ng bahay. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. She was worried. Wala naman siyang magamit na payong para lumabas. She groaned in frustration. Hihimatayin na siya sa sobrang pag-aalala para sa lalaki.

Muli niyang tiningnan ang oras. Alas sais y medya na at wala pa rin ito. Napabuntong-hininga siya. Pupuntahan niya ito keysa naman sa mamatay na siya rito sa loob ng bahay dahil sa pag-aalala. Maghihintay na lang siya sa labas ng masasakyan patungo sa bayan.

Nayakap niya ang sarili nang makalabas na siya at mabasa ng ulan. She shivered in cold. Napatingin siya sa kalsada. Masyado nang tahimik at mukhang wala nang dadaan na sasakyan patungo sa bayan.

"Where the hell are you, Denver..." nag-aalalang wika niya.

Nagpasya na siyang maglakad na lamang nang may maaninag siyang ilaw ng sasakyan na mula sa bayan. She silently hoped it was Denver. Sana ay naroon ito sa sasakyan na paparating.

Kumunot ang noo niya nang makita ang owner type jeep. Sasakyan iyon ni Tomas. Sinalakay ng kaba ang dibdib niya.

Ngunit napanatag ang loob niya nang huminto iyon at nakitang nasa loob ng sasakyan si Denver. Si Tomas naman ang nagda-drive.

"Xynthia? Anong ginagawa mo d'yan sa ulan?" tanong ng binata at nagmamaling lumapit sa kanya.

Hindi siya nakasagot.

"Sir Tomas, asawa ko nga pala. Si Xynthia. Xynthia si Sir Tomas," wika ng binata.

Napatingin siya sa lalaki na noon ay nakangiti sa kanya. It creeped her out. "Magandang gabi po."

"Magandang gabi din, Xynthia. Hinihintay ka yata ng maganda mong asawa, Ivan."

Ngumiti ang binata rito. "Oo nga po. Salamat po sa libreng sakay."

"Walang anuman. Sige, aalis na 'ko," wika ng lalaki at pinaandar na ang kotse nito.

"What the hell are you doing? Bakit ka nagpapaulan?" sita ng binata sa kanya nang makaalis na ang sasakyan.

Hinawakan siya nito at iginiya papasok sa loob ng bahay. Hinarap naman niya ang binata.

"I was worried, okay! Nag-alala ako kung nasaan ka na at inabot ka ng dalawang oras sa bayan!" inis na wika niya rito.

Bumuntong-hininga naman ito at kumuha ng tuwalya at pinunasan siya. Nagpaubaya na lamang siya. Nagpapasalamat siya at okay naman pala ang binata. Pero naiinis pa rin siya.

"Sana man lang ay naisip mo na may asawa kang---," natigilan siya. "I mean, may kasama ka ritong naghihintay."

Napabuntong-hininga siya. Lumapit sa kanya ang binata at nginitian siya. "I know. 'Sorry, Xynth. Nakita kasi ako ni Tomas sa bayan. Niyaya akong uminom, pero kaunti lang naman. Hindi ko naman siya mahindian. Kaya hayun, but don't worry, I'm fine. Nakauwi na 'ko."

Marahan siyang tumango. "Oo na."

Pinisil pa ng binata ang pisngi niya bago ito lumayo at naghubad ng t-shirt. Nag-iwas siya ng tingin dito.

"Magbihis ka na rin. Basang-basa ka," wika nito sa kanya.

Tumalima na siya at nagmamadaling pumasok sa kuwarto at nagbihis. Pagkatapos niya ay nadatnan niyang nakaupo sa upuan si Denver. Wala pa rin itong suot na pang-itaas.

"Magbihis ka nga muna," hindi makatingin na wika niya rito.

Narinig niya ang mahina nitong pagtawa bago ito kumuha ng t-shirt at isinuot iyon. Lumapit na siya rito at tumabi sa binata.

"Ano namang pinag-usapan ninyo kanina ni Tomas?" tanong niya rito.

"Tungkol lang sa trabaho. Tungkol dito sa bayan," sagot ng binata.

"Wala ba siyang inaktong nakakabahala?"

Umiling ang binata at ngumiti sa kanya. "Wala naman."

Napaigtad siya nang hilahin siya ng binata palapit dito. Ganunpaman ay nakaramdam siya ng ginhawa sa pagkakalapit ng mga katawan nila. Nawala ang ginaw niya.

"I'm flattered that you were worried about me," anito sa kanya mayamaya.

She sighed. "Siyempre naman. Hindi naman iyon maiiwasan." Mahal kasi kita.

Inangat ng binata ang kamay niya at marahan iyong hinalikan. Mas lalo mo akong pinapa-in love, loko ka.

Continue Reading

You'll Also Like

396K 20.6K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
93.6K 1.9K 16
"Remind me that you love me always" Dinukot si Lara sa araw ng kanyang kasal. Lalo siyang nalito nang dalhin siya ng lalaking nagpakilalang Duke Seba...
44.5K 752 14
(RAW/UNEDITED) released in digital form by Precious Hearts Romances Bilang isang matagumpay na accessory designer sa bansa, wala nang mahihiling pa a...