Once And For Always (COMPLETE...

By YaneyChinita

143K 2.5K 118

Kahit ilang beses na habol-habulin niya ito, walang problema sa kanya. What was important was that they were... More

CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
Author's Note
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
FINAL CHAPTER

CHAPTER SIX

10.7K 189 3
By YaneyChinita


Tinotoo nga ni Jaeden ang sinabi nito na liligawan nito ni Louise. Sa loob ng tatlong linggo ay walang palya si Jaeden sa panliligaw sa kanya.

Madalas na pinupuntahan siya nito sa Yuan's Coffee upang bigyan siya ng mga iba't ibang klase ng bulaklak na madalas ay imported pa, mga paborito niyang tsokolate at kung ano-anong Hello Kitty stuffs—alam nitong collector siya niyon. Wala itong pinipiling oras, basta maisipan nito ay nandoon ito sa coffee shop maging hanggang sa pag-uwi niya sa apartment niya dahil hinahatid din siya nito. Madalas tuloy ay kinakantiyawan siya ng mga kasamahan niya sa trabaho. Masyado raw masugid ang manliligaw niya.

At ang araw na iyon ay hindi na kaiba sa mga nagdaang araw, pinuntahan siya ni Jaeden sa coffee shop sa gitna ng trabaho niya.

"Para sa pinaka-sexy at pinakamagandang dilag sa buo at lahat ng daigdig." Nakangiting iniabot nito sa kanya ang magandang bouquet ng pink roses. It's her favorite flower.

"Bolero ka na, ang baduy mo pa. Hindi bagay sa'yo." Huminto siya sa ginagawang paglalagay ng icing sa ibabaw ng cupcake na ginawa niya kanina. Tinanggap ang ibinigay ni Jaeden. Sinamyo niya ang bango ng bulaklak. "Kulang na lang magkaroon ako ng flower shop. Inaaraw-araw mo ba naman ang pagbibigay sa 'kin ng mga ito." inilapag niya ang bouquet sa bakanteng mesa na katabi ng working table niya.

"I won't get tired of giving you something that you like. At kung kabaduyan mang matatawag ang ginagawa ko para sa'yo, wala akong pakialam kung ako na ang pinakabaduy na lalaki sa mundo. Ang mahalaga lang naman sa akin ay ang mapasaya kita."

Hindi niya napigilan ang mapangiti sa sinabi nito. Mula nang manligaw ito sa kanya ay pa-corny ito nang pa-corny. Pero cute ito pag-umaasta ng ganoon. Hindi niya nakita ang side nito na ganoon no'ng sila pa. May binubuksan itong damdamin sa kanya na pamilyar na pamilyar sa kanya.

"Bakit nandito ka na naman? Hindi mo ba nakikitang busy ako?" tanong niya rito.

"Alam ko." Sumipol ito na parang bale-wala lang dito ang sinabi niya.

"Alam mo naman pala. Nakakagulo ka lang sa 'kin, eh. Hindi ka na nahiya kay Boss Yuan. Basta-basta ka na lang pumapasok dito kahit off-limits ka rito."

"Hayaan mo na si Yuan. Malakas naman ako sa boss mo." Mahinang pinisil nito ang pisngi niya.

"Hindi ka ba kailangan do'n sa restaurant mo? Araw-araw kang nandito. Hanggang sa bahay ko, sinusundan mo ako." sadyang napaka-kulit nito.

"Ano'ng silbi ng manager na binabayaran ko para sa restaurant ko? Hindi ko kasi matiis na wala ka sa paningin ko. Gusto kitang makita sa bawat oras, bawat minuto at bawat segundo ng buhay ko. Binabawi ko lang ang anim na taon na nawala sa akin." Madamdaming saad nito habang titig na titig sa kanya.

Ang lakas ng kabog ng dibdib niya dahil sa mga ipinahayag nito. Sa mga nakalipas na araw ay hindi niya mapigilan ang sariling kiligin sa panliligaw nito na parang noon lang siya naligawan. Ngayon lang ako niligawan ni Jaeden. Anang isip niya. Totoo iyon, sapagkat noong naging boyfriend niya ito ay wala namang ligawan na nangyari.

"Magsasawa ka rin sa ginagawa mo." Sabi niya rito.

"Who says?"

"Me. We dated once, Jaeden. Alam ko ang history mo sa mga babae." He once broke her heart. Hindi niya maalis ang pagdu-duda sa intensiyon nito sa kanya. Ngunit may parte ng puso niya ang umaasa na sa pagkakataong iyon ay magiging seryoso na ito sa kanya.

"Then forget about my history. That's my past and I'm not proud of it. Nagbabagong buhay na 'ko para sa'yo."

Gusto niya ang narinig mula rito. "Paano kung may dine-date na akong iba?" panunubok niya. Hindi naman sila exclusive ni Max. Isang beses palang silang nag-date mula nang magkita ulit sila dito sa Pilipinas. Alam niyang busy ito ngayon sa pagtatayo ng photography business nito.

"You're dating that guy with the big ears?" tila shocked na shocked ito sa sinabi niya. Nanlalaki ang mga mata nito.

Natawa siya sa reaksiyon nito. She was right! Selos na selos ito kay Max. "His name's Max."

"Wala akong pakialam kung anuman ang pangalan niya! Hindi kayo bagay no'n, Louise!" protesta nito.

"'Tsura mo, ha. Mas matangakad kaya 'yon sa'yo."

"Matangkad lang siya ng kaunti sa akin. Pero mas bagay tayong dalawa. Maganda ka at saksakan naman ako ng guwapo. Kapag nagka-anak tayong dalawa, sigurado na maganda ang lahi natin." Ang lapad ng ngiti nito na tumaas-baba pa ang mga kilay.

She rolled her eyes heavenwards. "'Conceited mo talaga!"

"Nagsasabi lang naman ako ng totoo, ah." Kumudlit ito ng icing sa cupcake na ginagawa niya.

"'Wag mong galawin 'yan!" hinampas niya ang kamay nito.

"Tinikman ko lang naman." Tila batang sabi nito.

"Lumayas ka na nga rito! Istorbo ka." Itinulak na niya ito palabas ng kitchen niya.

Napabuntong-hininga ito. "'Sunduin kita mamaya, ha?" ngunit bago ito tuluyang umalis ay mabilis na ninakawan nito ng halik ang mga labi niya na ikinagulat niya.

"Jaeden!" tili niya.

Tatawa-tawa lang ito hanggang sa makalabas ito ng tuluyan sa kitchen niya. Naiwan naman siya na naiinis sapagkat naisahan siya nito. Napailing na lang siya nang makahuma siya sa ginawa nito at pinagpatuloy ang trabaho niya.

ALAS-SAIS pa lang ng gabi ay pinunantahan na ni Jaeden si Louise sa coffee shop at ipinagpaalam kay Yuan. Agad namang pumayag si Yuan kahit hindi pa oras ng out niya. Dinala siya nito sa Jae's Story. Pinapuwesto siya nito sa mesang malayo sa karamihan. Ipagluluto daw siya nito ng dinner. Kung tutuusin ay puwede nitong utusan ang isa sa mga chefs nito pero ang sabi nito ay gusto nitong may personal touch nito ang pagkaing ihahain nito sa kanya.

Inilapag ni Jaeden sa harap niya ang Kani salad, Gyudon, Okonomiyaki at Omurice na may mga nakasulat na letrang "I", hugis ng puso at ang pangalan niyang "Louise" sa ibabaw niyon. "Baka nakalimutan mo na kung gaano ako kasarap magluto. Now eat." Kumindat pa ito sa kanya, saka umupo sa tabi niya.

"Nakalimutan ko na nga." Biro niya. Siyempre hindi niya nakakalimutan kung gaano ito kasarap magluto. Kahit isang simpleng dish lang ay kaya nitong gawing katakam-takam iyon kahit sa tingin pa lang. He was an expert cook. Minsan na itong na-feature sa isang magazine as one of the best chefs in the Philippines.

"Argh," dinama nito ang dibdib nito na kunwa ay nasaktan sa sinabi niya. "Dapat pala araw-araw kitang ipagluto para hindi mo makalimutan." Inabutan siya nito ng kutsara at tinidor. Hindi kasi siya sanay gumamit ng chopsticks.

"'I heart Louise'." Bahagyang sinulyapan niya si JJ pagkatapos niyang bigkasin ang nakasulat sa ibabaw ng Omurice sa pamamagitan ng ketchup.

"That reads, 'I love Louise'." Pagtatama nito.

There goes her heart thumping like crazy again! Tila may kumikiliti sa puso niya sa tinuran nito.

"Uhmm." Wala siyang masabi habang nakatingin sa Omurice na ginawa nito. Nagdadalawang-isip kung kakainin ba niya ang ginawa ni Jaeden o hindi. Nanghihinayang siya. Ang cute kasi ng pagkakagawa nito niyon.

"I know you love Italian food pero wala akong available na ingredients para do'n sa kitchen ko. Babawi na lang ako sa'yo next time." May bahid ng lungkot ang pagkakasabi ni Jaeden niyon. Inakala marahil nito na hindi niya na-appreciate ang effort nito.

Tinapik niya ang noo nito. "Silly. Hindi naman ako nag-iinarte, 'no." sumubo na siya ng Omurice. It was delicious. Naging sunod-sunod ang pagsubo niya.

"Ibig bang sabihin niyan pasado ang mga ito?" tumango siya. Nagliwanag ang mukha nito na nasiyahan sa reaksiyon niya. "Mabuti naman. Nagpapa-impress kasi ako sa'yo."

"'Dami mo pang satsat. Kumain ka na nga lang." Wala sa loob na sinubuan niya ito ng Omurice gamit ang sarili niyang kutsara. Tinanggap naman nito iyon. Natigilan siya nang ma-realize kung ano ang ginawa niya. Matagal na panahon na ang lumipas mula nang huling mag-share sila sa iisang kutsara. Noong magkasintahan pa sila ay normal para sa kanila ang gawin iyon. Pero hindi na niya boyfriend ito. Hindi dapat niya ginawa iyon.

Nagpatay-malisya na lang siya at nagpatuloy sa pagkain. Ilang sandali ang lumipas na hindi sila nag-imikan habang kumakain. Marahil ay nadama nitong bigla siyang nailang.

"Louise?" pukaw ni Jaeden sa kanya mayamaya.

"Hmm?" aniya na hindi tumitingin dito.

"Nilagyan ko ng gayuma 'yang kinakain mo." Pilyong-pilyo ang pagkakangiti nito.

Hayun na naman ito at binibiro na naman siya. Ngunit salamat doon dahil biglang naglaho ang awkward atmosphere na namagitan sa kanila kanina. "Sira ka talaga!" akmang tutuktukan niya ito ng kutsara sa ulo ngunit hinuli nito ang kamay niya.

"Bukas na bukas din, sasagutin mo na ako!" tatawa-tawang sabi nito. At dahil maingay sila may ilang customers at employees ni Jaeden ang napalingon sa gawi nila. Some of them were curious, some were amused and some were jealous.

"Asa ka pa!" inismiran niya ito. Binalingan niya this time, ang Okonomiyaki.

"Sige, kainin mo ang lahat ng iyan. Para bukas in love ka na ulit sa akin." Ngingisi-ngisi ito.

"Ewan ko sa'yo!" Pero parang gusto na niyang maniwala na may gayuma nga ang niluto nito.

"KUNG AKO SA'YO, Louise, sasagutin ko na si Jaeden. He seems so madly in love with you. Nakita mo naman at effort kung effort siya, mapaligaya ka lang. At biruin mo, ha, gumigising siya ng maaga para maihatid ka niya rito sa Yuan's kahit puyat siya dahil late na kung magsara ang bar niya. Araw-araw din na hinahatiran ka niya ng lunch at dinner mo. Tuwang-tuwa kaming lahat dito dahil nadadamay kami sa pagiging generous niya. Ang sarap kaya ng food sa Jae's Story." kinikilig na sabi ni Lissy kay Louise habang inilalagay niya sa display counter ang mga bagong cupcakes na ginawa niya.

"Ang OA na nga, eh. Daig mo pa ang artista sa Hollywood na may obsessed fan." Komento naman ni Miranda. Kababalik lang nito mula sa Bangkok para sa isang modeling job. Wala itong trabaho ng araw na iyon kaya bumisita ito sa kanila sa Yuan's Coffee.

Napapangiti lang siya sa sinasabi ng mga ito. Totoo ang lahat ng sinabi ng mga ito. Kulang na lang ay halikan at sambahin ni Jaeden ang daan na nilalakaran niya.

"Tingnan mo 'to. Hindi nagsasalita pero obvious naman na in love pa rin sa ex niya. 'Wag ka nang maarte, girl. Sagutin mo na si Jaeden." ang sabi pa ni Lissy sa kanya. Sa dalawang kaibigan niya, mas ito ang vocal sa pagsasabing boto ito kay Jaeden para sa kanya.

"Paano ko sasagutin ang lalaking iyon, wala namang itinatanong sa akin na gusto niya akong maging girlfriend." Aniya na hindi tumitingin dito.

"Kung tatanungin na kita ngayon kung puwede ba kitang maging girlfriend ulit sasagutin mo na ako?"

Kumabog ang dibdib niya pagkarinig sa boses na iyon. Bigla siyang napatayo ng tuwid mula sa pagkakayuko niya sa display counter ng pastries. Nasorpresa siya na makitang nakatayo sa tapat niyon si Jaeden.

"K-kanina ka pa ba diyan?" Paanong hindi niya ito napansin na naroon pala ito?

"Sakto lang para marinig ko ang pinaguusapan n'yo ng mga kaibigan mo." Umabot hanggang sa mga mata nito ang ngiti nito.

"Lahat? As in lahat-lahat?" napapangiwing tanong niya.

Tumango ito. "Lahat. Gusto mong i-recite ko sa'yo?" nangisngislap ang mga mata nito sa kapilyuhan.

Hindi niya malaman kung paano magre-react. "Ahmm... m-may naiwan pala akong nakasalang na cake sa oven. Maiwan ko muna kayo diyan." Paalam niya sa mga ito at mabilis ang mga hakbang na tinungo niya ang kanyang kitchen upang itago ang kahihiyang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Napasandal siya sa nakasarang pinto.

"Ipinapaalala ko lang sa'yo na kahit magtago ka pa hindi mo ako matatakasan." Wika ni Jaeden sa kabilang panig ng pinto na sumunod pala sa kanya. Nahimigan niya ng pagka-aliw ang tinig nito. "Kailangan nating mag-usap. Babalik ako mamaya."

Nakahinga lang siya ng maluwag nang marinig ang papalayong mga yabag nito. Binuksan niya ang pinto at sumilip mula roon. Likod na lang ni Jaeden ang nahagip niya kaya lumabas na siya sa kitchen niya.

"Para kang gaga. Magtago daw ba? O, pinabibigay ni Jaeden sa'yo." iniabot sa kanya ni Miranda ang isang lunch box. Alam na niya kung ano iyon—ang lunch niya na ito mismo ang nagluto.

"Mga buwisit talaga kayo. Bakit hindi n'yo sinabi sa aking kanina pa pala siya nando'n? Napahiya tuloy ako." Nakasimangot na sita niya sa mga kaibigan pagkakuha sa iniabot ni Miranda.

"'Arte mo kasi. Gusto ko lang, magka-aminan na kayo ni JJ para magkaroon na ng conclusion ang love story n'yo. Tinanong ka na kanina kung puwede ka niyang maging girlfriend. Pero ano'ng ginawa mo? Kumaripas ka ng takbo at nagtago. Gaya nga ng sinabi ko na kanina, obvious na in love ka pa rin sa kanya. There's no point in hiding and resisting it. " wika ni Lissy sa kanya na tila nababanas na sa kaartehan niya.

Natigilan siya sa sinabi ng kaibigan. Sapol sa puso ang mga sinambit nito. Kailangan na nga niyang magpakatotoo sa kanyang sarili. 

Continue Reading

You'll Also Like

143K 2.5K 11
Kahit ilang beses na habol-habulin niya ito, walang problema sa kanya. What was important was that they were going to be together in the end. Louis...
The Doll Maker ✔ By SM

Mystery / Thriller

84.3K 2.2K 55
Don't judge them as if you know them well... Sometimes, the least person you think can't hurt you is the one who really wants to kill you. *** ...
206K 3.9K 66
Seven and Nine. These are both lucky numbers. But names cannot be an assurance that life will work effortlessly great to each one of them. Seven has...
162K 5.2K 93
Highest Rank Achieved in Science Fiction: #33 (12/25/16) #24 (02/02/17) #20 (02/05/17) #22 (02/11/17) This story will brings you to the other world o...