Trmd 2 (My Own Version)

By wyldreamer

142K 4K 259

Its my own version of trmd's book 2 More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Part title
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48

Chapter 44

1.9K 77 3
By wyldreamer


Akala ni althea at jade after nilang mapagsabihan si miggy ay aayos na ito pero halos hindi na nila ito makasama sa bahay dahil laging gala ng gala kasama ang mga kaibigan..

Pumunta si althea at jade sa mall dahil may kailangan silang bilhin

Tumitingin sila ng dresses ng makita ni jade si margaret kasama ang mga friends..

Hi margaret.. Sabi ni jade

Tita jade.. Medyo surprise na nakita niya doon ang mommy ni miggy

Bumeso ito agad kay jade at tinuro naman ni jade si althea na namimili ng damit lumapit ito kay althea at bumati din

Hi tita..sabi niya

Oh hi margaret.. Kumusta ka? Who's with you si miggy ba? Tanong ni althea dito

Ahm.. No tita mga friends ko po sa school..sagot niya

Oh akala ko si miggy..

Lumapit naman si jade sa kanila

Marg.. Tagal mo na hindi pumupunta sa bahay ah.. Busy ba sa school?

Ahm.. Tita kasi ano po.. Nag aalangan niyang sagot..

Medyo nakahalata na din si althea at jade

Marg may problema ba kayo ni miggy? Tanong ni althea

Lab ahm siguro lets go somewhere else if kakausapin natin si margaret at kung ok lang sayo marg.. Sabi naman ni jade

Papaalam lang po muna ako sa mga kaibigan ko tita..

Ok sige..

Alam na ni althea at jade na parang may problema nga ang dalawa

Kinausap ni margaret ang mga friends niya at tumingin sila sa direction ng dalawa at kita sa mukha ng mga kaibigan nito ang hesitations na payagan siya na sumama

Lumapit ulit sa kanila si margaret at ok na siya na sumama sa kanila..

Pumunta sila sa isang restaurant at himingi si jade ng isang VIP room para doon sila mag usap..

Marg what do you want to eat here sabay abot ni jade sa kanya ng menu book

Si althea tumitingin na din ng anong oorderin..

Nag ring phone ni jade

Hello baby.. Si sofia pala tumatawag

Hi mom.. Nasa office ka ba?

No baby nandito kame sa UPtown ngayon.. Why baby?

Why are you there?

Ah kasi may bibilhin kame ng mama tapos nakasalubong namin si achie marg mo so sinabay na namin siya mag lunch..

Nandyan si achie.. Mom punta ako dyan ha.. Wait for me.. Malapit lang naman ako eh..

Natawa si jade..

Yah sobrang lapit mo nga eh.. Wag ka na mag car.. Maglakad ka na lang ha..

Mom... Sabi nito

Hinampas naman ni althea si jade ng mahina dahil narinig niya ang pagbibiro nito sa bunso nila..

Sige magpahatid ka na sa driver hintayin ka namin.. Order na kame for you?

Ok mom..

Nakapag order na sila ng food at hindi alam ni margaret paano sasabihin sa dalawa ang situation nila ni miggy

Marg bakit hindi mo tawagan si miggy para sumabay na din siya sa atin mag lunch nandyan lang din naman siya sa malapit..

Ah tita kasi ano po eh.. Hindi talaga alam ni margaret anong sasabihin

Nako nevermind baka busy din yun.. Tayo na lang.. Bonding time natin to pagputol ni jade sa usapan..

Mukhang gets na ni jade ang situation..

Maya maya pa nakarating na din si sofia sa resto at ang saya niya na makita ang achie margaret niya

Alam niyo kung maka i miss you kayong dalawa parang ang layo ng school niyo sa isa't isa eh magkadikit naman school niyo.. Natatawang sabi ni jade

Eh kasi si achie eh masyadong busy.. Everytime i text her may ginagawa daw siya.. Nakapout na sabi ni sofia

Wag ka na magtampo shobe eh kasi alam mo naman sa college hindi na same time tsaka madaming extra curriculars.. Babawi ako sayo next time ha..

Promise mo yan ha.. Sabi naman ni sofia

Promise.. Sagot ni margaret

Natutuwa si althea at jade sa closeness nitong dalawa at gustong gusto nila si margaret dahil good influence ito kay sofia at kay miggy..

Dumating na ang order nila at inumpisahan na nilang kumain..

Achie punta tayong hongkong sa sembreak mo.. Disneyland tayo..

Sige ba.. Sabi naman ni margaret

Ma, mom pwede naman di ba?

Ask mama.. Sabi lang ni jade

Ma.. Sabi ni sofia

Ok lang naman kung kasama mo si achie marg mo..

Yes! Oh achie ha.. Set natin ha..

Ok shobe no problem..

Nako marg make sure lang ha na hindi nakakaabala itong si shobe sayo ha.. Sabi ni althea

Ok naman po tita basta sembreak lang..

Nang matapos na silag kumain

Marg baka gusto mo na sabihin sa amin ng tita mo kung ano nangyayari sa inyo ni miggy?

Napayuko si margaret na nalungkot

Tita kasi po ano eh.. Ahm.. Nakipag break na po siya sa akin.. Naluluhang sabi ni marg

Ano? Sabi ni althea

Kasi po last week pumunta po ako sa UP to surprise him kasi po monthsary namin.. Kaso nakita ko po may kasama siyang babae na nakayakap sa kanya, nung una po kasi ayaw kong maniwala sa mga friends ko nung sinabihan nila ako na nakita daw nila si miggy na may ka holding hands dito sa mall.. Sabi ko baka friend niya lang yun.. Kaso nung nakita ko po sila sa UP ang sakit po eh.. Naiiyak na ito..

Marg we are sorry kung nagawa yan ni miggy sayo, kahit kame we dont know na kung ano ba nangyayari sa kanya.. We try to talk to him pero he always reason out na ok lang siya.. Hindi na namin siya nakikita madalas sa bahay..

Tita lagi po siya with his new friends.. Nung una i join them pa pero kasi hindi ko po kaya yung ganoong environment.. Lagi silang naglalasing tapos nasisigarilyo pa ang iba.. I tried to talk to miggy na hindi ok yung laging ganoon kasama niya kaso nagalit siya eh natakot naman po ako na magalit siya sa akin ng matagal kaya hindi ko na po pinilit.. Nung nakita ko po sila nung girl agad niya po sinabi sa akin na break na kame.. Tita im sorry kung hindi ko po nagawa na ilayo si miggy sa ganoong environment..

Hindi alam ni althea anong gagawin niya sa anak.. Galit ang nararamdaman niya at naawa siya kay margaret..

Hayaan mo marg kakausapin namin si miggy.. Dont worry hindi namin sasabihin na nakausap ka namin..

Si sofia naman tahimik lang at nasasaktan din makita na nagkakaganun si margaret dahil sa ahya niya

After ng lunch at after nilang mag usap mabigat man ang naging pag uusap nila pinaramdam pa din nila jade na welcome si margaret sa family anytime..

Sumama na si margaret kay sofia sa car

Si althea naman at jade bumalik muna sa kanilang office..

Lab ano ba gagawin natin kay miggy? Tanong ni althea

Lab kausapin na lang natin ng mahinahon.. Try natin tanungin bakit ba siya nagkakaganyan.. Lab baka kasi may pinagdadaanan siya.. Sabi ni jade

Lab thank you at hindi mo sinasabayan ang galit ko kasi baka kung ganun ano na kaya magagawa ko kay miggy

Basta lang calm down lang ha.. Bawal ka ma stress lablab.. Sabi ni jade sa kanya

Ok lab..

Hinatid na muna ni jade si althea sa office then deretso na din siya sa office niya

Hindi naman sila masyadong  busy sa office kaya early din silang nakauwi

Papasok pa lang sila ng bahay ng makarinig sila ng mga tawanan sa may pool area..

Nagtataka naman si jade kung ano yun.. Sinalubong naman sila ni sofia

Baby sinong nasa pool? Tanong ni althea dito

Si ahya po and his friends.. Ang ingay nga po eh.. Reklamo ni sofia

Pinapasok na muna nila si sofia sa kwarto

Althea please calm down... Kausapin na lang natin siya ng maayos.. Sabi ni jade dahil alam niya sa expression pa lang ng mukha no althea ay galit na ito

Dumeretso na ito sa pool area

Nakita niya ang mga bote ng beer at ibang alcoholic drinks

Ehem! Sabi ni althea

Napatingin naman si miggy at ang mga barkada niya sa direksyon ni miggy

Hi ma, hi mom.. Im with my friends..

Totoo nga bro you have two moms.. Sabi ng isang kaibigan niya na mukhang lasing na

See di ba.. Sagot naman ni miggy

Miggy mag usap tayo sabi ni althea

Umahon naman si miggy sa pool at nag robe at sumunod sa mama niya sa office

Ano yan migs?! Hindi mo na kame nirerespeto ng mommy mo? Nagpapapasok ka ng kaibigan dito na hindi ka man lang nagpapaalam?! Hah?!

Sorry.. Oh eto na ma im with my friends gagamitin namin yung pool.. Ok na ba ma? Halatang lasing na si miggy

Bastos ka.. Hindi na napigilan pa ni althea na masampal ang anak..

Hindi kita pinalaki at ng mommy mo para maging ganyan ka.. Hindi kame nagkulang sayo.. Bakit ka nagkakaganyan miggy ha... Dahil dyan sa mga barkada mo na hindi magandang impluwensya sayo.. Simula today bahay at eskwela ka lang kung nung una hinayaan ko ang mommy mo na isauli sayo ang kotse mo pwes ngayon hindi na.. Magpapahatid ka sa driver.! Give me your cards!

Seriously ma? Sabi ni miggy na mas nagpainit pa ng ulo ni althea

Sabihan mo yang mga kaibigan mo na umuwi na habang kaya ko pa magpigil at hindi ko sila nababastos!

If you will make them leave sasama ako sa kanila.. Mas mabuti pa na sumama ako sa kanila dahil feeling ko normal ako.. Sabi nga nila ang weird daw ng set up ng family natin.. Pareho kayong babae.. Wala daw akong tatay.. Meron naman akong tatay diba ma.. Si daddy.. Nasa australia siya di ba.. Sinusubukan ko siyang makausap.. Baka kasi maging normal buhay ko kapag kasama ko ang daddy ko.. Hindi katulad kung kayo ang kasama ko parehong babae.. Nag smirk pa ito..

Sasampalin na sana ni althea ulit si miggy pero humarang na si jade

Lab no! Hayaan mo na siya siguro yun yung matagal na gusto ni miggy, di ba migs? Humarap ito kay miggy

Alam ko naman na hindi ko mapupunan ang pagiging daddy sayo.. Alam ko babae din ako katulad ng mama mo.. Pero anak sana kahit konti naparamdam ko naman sayo na mahal kita at kahit hindi man tayo magkadugo itunuring kita na totoo kong anak.. If gusto mong makita ang daddy mo, sige ipapahatid kita sa australia.. Gamitin mo ang plane natin.. Kausapin mo daddy mo.. Kung sasaya ka sa kanya.. Desisyon mo yan pero sana maisip mo din ang mama mo.. Kahit ang mama mo na lang migs wag na ako.. Sabihin mo lang migs if hindi mo na kaya kasama ako sa isang bahay pwede naman ako umalis para gumaan kahit papaano pakiramdam mo.. Mahal na mahal kita anak.. Kahit ano kaya ko isacrifice para sayo at sa shobe mo.. Kahit buhay ko migs ibibigay ko sa inyo..

Kung hindi mo kaya na makasam kame ng mommy mo.. Mag empake ka hindi ko kailangan ng walang utang na loob dito.. Gusto mo doon sa daddy mo?! Sige umalis ka! Puntahan mo siya! Para malaman mo kung bakit kita nilayo sa kanya at kung bakit kailangan ka protektahan ng mommy jade mo.. Im so dissappointed in you, hindi na kita kilala.. Mas naniniwala ka dyan sa mga kaibigan mo? Then go sumama ka sa kanila!

Tahimik lang si miggy..

Ano pa hinihintay mo?! Umalis ka na! Sigaw na ni althea sa anak at napahampas na ito sa mesa..

Tumalikod na si miggy at umalis sa office.. Paglabas niya wala na din ang mga kaibigan niya.. Napaupo si miggy sa isang upuan sa may pool area.. Naiyak na din ito at nagsisi sa mga pinaggagagawa niya

Si althea sa sobrang galit napaupo na lang din sa swivel chair sa office.. Pinapakalma ito ni jade dahil nag aalala ito sa kondisyon ni althea, bawal kasi itong mastress..

Nakita ni jade na umiiyak si miggy na yakap yakap ni sofia

Ahya why do you have to say those things to mama and mommy? Dati di ba ikaw laging nagsasabi sa akin na we are lucky to have them.. Mommy loves us so much ahya.. Si mama she loves us both so much.. Siguro nasabi lang ng mama lahat ng yun kasi nasaktan siya sa mga sinabi mo.. Do you really wanna stay with your dad? Iiwan mo na ba kame? Iiwan mo na ako ahya? Naiiyak na din si sofia

Shobe.. Sorry talaga.. Ang gago ni ahya, nagpa impluwensya ako sa mga kaibigan ko.. Nasaktan ko na kayong lahat.. Lalo na si mommy.. Shobe im sorry..

Ahya you dont have to say sorry to me.. Dapat kay mommy at kay mama kasi sila yung nasaktan ng sobra..

I dont know how to talk to them anymore shobe after what i have done.. Nahihiya na ako.. Siguro aalis na lang ako..

Anong aalis? Walang aalis..

Napalingon si miggy at sofia..

Si mommy jade pala nila

Lumapit ito kay miggy at sofia

Baby can i talk to ahya for awhile? Puntahan mo muna si mama..

Tumango lang si sofia at naglakad na papunta sa office kung nasaan ang mama niya

Migs, pwede tayong mag usap? Naupo si jade sa katabing upuan ni miggy

Hindi makasagot si miggy dahil hiyang hiya ito sa mommy niya tumango na lang ito

Anak if may nagawa kame ng mama mo sayo or may pagkukulang kame sayo please tell us anak.. Migs nagulat lang kasi kame ng mama bakit naging ganyan ang attitude mo.. Hindi namin maisip na you will let people control you, matalino ka anak.. Migs, hindi ko alam paano mapupunan ang pagiging daddy sayo, pero sana migs yung pagmamahal ng mommy sayo sana you felt it kahit papaano.. I cant replace your dad kahit kailan, nandito ako para suportahan ka sa kahit na anong gusto mo.. Mahal na mahal kita migs.. Sorry anak if hindi tayo perfect family, sorry if pareho kameng babae ng mama, pero sana kahit pareho kameng babae ng mama sana hindi magiging less yung pagtingin mo sa pagmamahal na meron ang pamilya natin para sayo, para kay sofia.. Mahal na mahal namin kayo anak.. Sobrang mahal.. Naiiyak na din si jade

Lumuhod si miggy sa harap ng mommy niya at nakayuko

Mom...im really... Sorry...humahagulgol na ito ng iyak sa harap ng mommy niya

Napakawalang kwenta ko mom.. Hinayaan ko na makain ako ng mga sinasabi sa akin ng mga kaibigan ko.. Hindi ko na kayo inisip, sarili ko lang inisip ko.. Sorry mommy.. Im really sorry.. Nahihiya ako sa nagawa ko.. Im really sorry.. Hindi ko po masisisi si mama kung papaalisin niya ako dito sa bahay.. I deserve that mommy..

Migs, umupo ka.. Sige na.. You dont have to kneel down there.. Umupo ka na..

Sumunod naman si miggy sa sinabi ng mommy niya..

Migs you dont have to leave, kausapin mo na lang ang mama, ask for forgiveness.. Maiintindihan ka niya, mahal na mahal ka ng mama.. Kung galit siya suyuin mo.. Kung hindi ka niya agad mapatawad ng mama then wait until kelan ka niya mapapatawad.. Mahal ka ng mama migs kahit galit sayo yun she will try to understand you..

Thank you mommy.. Im really sorry talaga mom.. Aayusin ko na po lahat ng pagkakamali ko..

So better start by cleaning this mess here and maligo ka na.. Amoy alak ka na migs.. Fix yourself ok.. Puntahan ko lang ang mama ha.. Mahal ka namin anak.. Magal na mahal.. Hinalikan ni jade si miggy sa pisngi nito

Continue Reading

You'll Also Like

173K 8.9K 200
I'm going to try to update this every morning everybody, unless I'm busy of course. Stay strong and true to yourself my fellow friends! Don't let any...
155K 17.2K 23
"๐™๐™ค๐™ช๐™˜๐™ ๐™ฎ๐™ค๐™ช๐™ง๐™จ๐™š๐™ก๐™›, ๐™œ๐™ž๐™ง๐™ก. ๐™„ ๐™ฌ๐™–๐™ฃ๐™ฃ๐™– ๐™จ๐™š๐™š ๐™ž๐™ฉ" Mr Jeon's word lingered on my skin and ignited me. The feeling that comes when yo...
23.1K 503 25
Hanggang kailan mo kayang itago ang nararamdaman mong pag ibig sa taong itinuring kang bestfriend at kapatid. Aamin ka ba kahit alam mong mababago an...
637K 32.2K 60
A Story of a cute naughty prince who called himself Mr Taetae got Married to a Handsome yet Cold King Jeon Jungkook. The Union of Two totally differe...