Keith, The Heart Thief (Publi...

Por margarette_ace

117K 2.4K 213

Unofficial Teaser. :) Sa mundong ginagalawan ni Keith dela Vega, lahat ay may katumbas na presyo. Kaya naman... Más

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Message from Nicollete...

Chapter 10

7.6K 181 3
Por margarette_ace


"SURPRISED TO see me?" nakangising tanong ni Eliza ng makita ang pagkagulat sa mukha ni Carla.

"Pero ang akala ko-"

"Na si Tito Keiran ang nag-utos na ipapatay ka?" Pagtatapos nito sa sasabihin niya. "Ang galing ko 'di ba? Napaniwala ko kayong lahat na siya ang may kagagawan ng lahat ng death threats na natatanggap mo at ang nag-utos na ipapatay ka."

"Bakit mo ginagawa ang lahat ng ito?"

Natawa ito sa sinabi niya. "Bakit ko ginagawa ang lahat ng ito? Dahil mang-aagaw ka! Simula noong unang beses na nakita ko siya, alam kong siya na ang lalaking pakakasalan ko. He is the perfect prince for a princess like me. Ang tagal kong naghintay na mapansin niya ako. Tiniis ko ang lahat ng pambababae niya dahil alam kong ako pa din ang pipiliin niya. Halos araw-araw ko din siyang sinusundan. Heck, hindi nabawasan ang pagmamahal ko sa kanya kahit nalaman kong member siya ng isang underground organization." Mariin siyang napapikit ng itutok nito sa sentido niya ang baril. "Kung hindi ka sana dumating sa buhay namin ni Keith at nilandi siya, ikakasal na sana kami ngayon. I've been loving him for so long. Ginawa ko ang lahat para sa kanya. Pero nabalewala ang lahat ng pinaghirapan ko ng dahil sa iyo. Hindi ko matanggap na ipinagpalit niya ako sa isang tulad mo."

Nagmulat siya at tiningnan ito sa mga mata. "Parang awa mo na, gagawin ko ang lahat ng gusto mo huwag mo lang akong saktan." Gagawin niya ang lahat para lang maging ligtas ang anak niya.

Natawa ito sa sinabi niya. "'Di ba sinabi ko sa iyo noon na sa susunod nating pagkikita ay magmamakaawa ka sa akin? Binalaan na kita na lumayo kay Keith pero hindi ka nakinig." Napasinghap siya nang hilahin nito ang buhok niya patalikod. Bahagya itong umuklo sa harap niya para magpantay ang mukha nila. "Ngayon makikita mo kung ano ang ginagawa ko sa mga tulad mong malandi."

Umalingawngaw ang sigaw niya sa loob ng kabahayan kasabay ng putok ng baril. Halos mawalan siya ng malay ng maramdaman ang sakit sa kaliwang balikat niya. Sa nanginginig na kamay ay sinubukan niyang pigilan ang pagdurugo ng sugat.

"What a lovely sight," Eliza said mockingly. Para itong baliw habang nakatingin sa kanya at iwinagayway pa ang baril sa harapan niya. "Ano naman kayang parte ng katawan mo ang isusunod ko?" Pinigilan niya ang pagtulo ng luha ng itutok nito ang baril sa may tapat ng puso niya. "Dito kaya?" Napangisi ito ng makita ang takot sa mata niya. "Nah, I want you to die slowly." Muli itong tumayo at itinutok ang baril sa mukha niya.

"Please, tama na. Nangangako ako na lalayuan ko na si Keith. Hindi na ako magpapakita sa kanya."

"Sa tingin mo ba ganoon ako katanga para maniwala sa mga sinasabi mo?" asik nito sa kanya.

Kailangan niyang makaisip ng paraan para makalayo dito at iligtas ang sarili dahil alam niyang wala itong balak na buhayin pa siya.

Sinipa niya ang paa nito. Hindi nito inasahan ang ginawa niya kaya patalikod itong bumagsak sa sahig at humagis ang baril sa may 'di kalayuan. Pinilit niya ang sarili na tumayo at tumakbo palabas.

Malapit na siya sa may hagdan ng pumailanlang ulit ang isang putok. Naramdaman niya na may kung anong tumama sa likod ng hita niya kaya bumagsak siya sa sahig. Napasigaw siya sa sakit ng ang may sugat niyang balikat ang unang tumama sa sahig. May ilang sandali din siyang pinangapusan ng hininga. Mariin niyang ipinilig ang ulong magsimulang manlabo ang paningin niya.

Hindi siya dapat panghinaan ng loob. Pinilit niyang tumihaya at tumayo pero hindi kinaya ng paa niya at napaupo ulit siya sa sahig.

"You bitch!" narinig niyang sigaw ni Eliza. "Akala mo makakatakas ka sa akin? I'm going to fucking kill you!" Wala na siyang nagawa kundi ang panuorin ang paglapit nito sa kanya. She can smell her death. Mapait siyang napangiti. Mukhang hanggang dito na lang ang kapalaran niya.

Pumailanlang ang putok ng baril.

Gayon na lang ang gulat niya ng biglang bumagsak si Eliza sa harapan niya na may tama ng bala sa dibdib. Nalingunan niya si Benedict na hawak ang baril nito at bakas ang hirap sa mukha. Gusto niya itong puntahan pero hindi niya magawang makatayo sa mga tama na natamo.

Mariin niyang nakagat ang ibabang labi nang muling sumigid ang sakit sa balikat at hita. Hindi na niya alam kung paano niya pipigilan ang pagdaloy ng dugo sa mga sugat.

Kailangan niyang makausap si Keith. Like an answered prayer narinig niya ang pag-ring ng cellphone kay Eliza. Inipon niya ang lahat ng lakas para gumapang papunta kay Eliza. Gamit ang walang sugat na kamay ay kinapa niya sa bulsa nito ang cellphone.

Kahit paano ay nabawasan ang takot na nararamdaman niya ng makitang si Keith ang tumatawag kay Eliza.

Tuluyan na siyang napahiga sa sahig at nanginginig na kamay ay sinagot niya iyon.



KATATAPOS LANG ng meeting si Keith kasama ang ama at ilang Board of Directors ng DL Airlines ng sabihin sa kanya ni Cole na may tawag siya galing kay Nessie. Ayaw man niyang marinig ang pangungulit ng kapatid ay parang may kung anong puwersa ang nagsasabi sa kanya na kailangan niya iyong sagutin.

"Brat-"

Pinutol nito ang sasabihin niya. "Oh my God, Kuya. Mabuti at sinagot mo ang tawag ko." Napakunot-noo siya ng marinig ang pag-iyak nito sa kabilang linya.

"Nessie, what happened? Why are you crying?"

Nakuha niya ang atensiyon ng ama ng marinig nito ang pangalan ng kapatid. Maging siya ay nagsimula ng mag-alala.

"Kuya, si Carla. Kailangan mo siyang puntahan. Nasa panganib siya."

Napahigpit ang hawak niya sa cellphone ng marinig ang pangalang binanggit nito. "Linawin mo ang sinasabi mo, brat."

"Nagpunta ako sa bahay ni Eliza para sana yayain siyang lumabas. Then I overheard her talking to someone about getting ready and it's time. I thought she was just talking to one of our friends when I heard her mention Carla and about going to Cavite to kill her."

His heart almost skips its beat. "Ilang oras simula noong makaalis siya diyan?"

"Mag-iisang oras na. Ngayon ko lang nagawang tumawag dahil pinalo niya ako sa ulo ng makita niyang narinig ko siya."

"Damn. I will send someone to pick you up."

Narinig niya ang paghikbi nito sa kabilang linya. "Please save her, Kuya. And tell her I'm sorry for all the things that I did."

"I will."

Ilang sandali din siyang nanatiling nakatingin sa cellphone. Kung si Eliza ang may pakana ng lahat ng ito, ang ibig sabihin nagsasabi ng totoo ang ama niya na wala itong kinalaman sa mga ibinibintang niya dito.

Naramdaman niya ang pagdantay ng palad sa balikat niya. He looked at his father miserably. "I think we have to do something to save her, son."

Then it snapped him out of his senses. Kailangang may gawin siya. Nagmamadali siyang lumabas at tinungo ang elevator. Ilang sandali lang ang nakalipas at huminto iyon sa rooftop ng DL Building kung nasaan ang chopper.

Sinubukan niyang tawagan ang cellphone ni Carla pero walang sumasagot. Ang number naman ni Eliza ang tinawagan niya. Napamura siya ng walang sumasagot sa unang attempt niyang tawagan ito. Hindi niya napigilan ang galit ng sagutin ni Eliza ang tawag niya.

"Eliza, damn it! Don't you dare hurt her or I swear I'm going to kill you."

"Keith."

Relief flooded him when he heard Carla's voice. "Carla, oh God, Angel. Nasaan si Eliza? Sinaktan ka ba niya?" sunod-sunod na tanong niya dito.

"M-may tama ako sa balikat at hita," sagot nito sa hirap na tinig.

Napahigpit ang hawak niya sa cellphone na tila sa ginawa ay mababawasan ang galit at pag-aalala na nararamdaman

"Keith?" mahinang tawag sa kanya ni Carla.

"Yes, Angel?" hindi niya napigilan ang panginginig sa boses.

Narinig niya ang paghugot nito ng malalim na hininga bago magsalita. "Will you marry me?"

Pinigilan ni Keith ang pagtulo ng mga luha sa narinig. Hindi siya puwedeng magpakita ng kahinaan.

"Yes, Angel, I will marry you. Huwag kang susuko, Angel. Kaunting tiis na lang. Malapit na kami."

"Mahal na mahal kita, Keith," she said softly.

"I love you more, Angel. Just please hang on." Binalingan niya si Cole. "Okay na ba ang lahat?" Nang tumango ito ay muli niyang binalikan si Carla. "Talk to me, Angel."

"Keith inaantok na ako," anito sa hirap na tinig.

Panic started to creep into his system. "H-huwag kang matutulog, Angel. Talk to me, please."

"Keith, may isa pa akong sasabihin sa iyo."

"What is it, Angel?"

"Buntis ako."

Hindi siya makapaniwala sa narinig. Magsasalita pa sana siya ng marinig ang pagdisconnect ng linya. Sinubukan ulit niyang i-dial ang number ni Eliza pero out of coverage area na iyon.

Just hang on there, Angel. I'm coming.



HINDI NA maalala ni Carla kung ilang minuto na siyang nakahiga sa sahig at hinihintay ang pagdating ni Keith. Naniniwala siyang darating ito para sa kanila ng anak nila.

Nag-uumpisa ng manghina ang katawan niya at unti-unti ng bumibigat ang talukap ng mata niya. Hindi siya puwedeng matulog hanggat hindi dumarating si Keith.

Napangiti siya ng maalala ang unang pagkikita nilang dalawa at ang mga panahong kasama niya ito. Isang luha ang kumawala sa mata niya ng maisip na baka hindi na siya nito abutan pa. Sinubukan niyang patatagin ang sarili pero pinahihirapan siya ng sakit na nanggagaling sa sugat niya sa balikat at hita.

Napakatahimik ng paligid na parang walang anumang nangyari. Ang paghugot niya ng malalim na hininga lang ang naririnig niya. Hindi na niya kaya pa ang nararamdamang antok at tuluyan ng ipinikit ang mga mata. Ang nakangiting mukha ni Keith ang baon niya sa pagtulog.


Seguir leyendo

También te gustarán

372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
326K 5.2K 33
This book was published back in 2014. Happy reading ",)
256K 14.1K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.