Keith, The Heart Thief (Publi...

By margarette_ace

117K 2.4K 213

Unofficial Teaser. :) Sa mundong ginagalawan ni Keith dela Vega, lahat ay may katumbas na presyo. Kaya naman... More

Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Message from Nicollete...

Chapter 2

9.4K 233 5
By margarette_ace

At dahil may nagrequest na magpost agad ako, nandito na po ang chapter 2.

----------------

“HINIHINTAY MO siya 'no?”

Naalis sa pagtingin si Carla sa may entrance ng club ng may magsalita sa likuran niya. Ang nakangising mukha ni Sarah ang nalingunan niya. Nasa may kitchen siya para kunin ang mga orders ng customers.

“Hindi ko hinihintay si Keith.”

Hindi naalis ang pagkakangisi nito. “Masyado ka ng nagpaghahalata, girl, wala naman akong sinabing siya ang hinihintay mo.” Kinindatan pa siya nito bago bumalik sa mga customers dala ang tray nito. 

Pakiramdam niya ay namula ang mukha niya. Mahina niyang tinapik ang magkabilang pisngi at mas minabuting abalahin ang sarili sa trabaho imbes na isipin si Keith. Tatlong araw na mula noong huling beses itong nagpunta doon. Hindi dapat siya magpaapekto kung hindi man ito magpunta sa club pero kahit anong pagpipigil ang gawin niya ay nakita pa din niya ang sarili na laging sumusulyap sa gawi ng entrance. Umaasa na kahit paano ay makikita niya si Keith. Pero hanggang sa magsara ang Angels Wings ay hindi niya nakita ni anino ng binata.

Kalalabas lang nila ng Angels Wings nang maramdaman ang marahang pagsiko ni Sarah. “Girl, nandito ang Prince Charming mo.”

Sinundan niya ang tingin ni Sarah. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang bumilis ang tibok ng puso niya ng makita si Keith sa may parking lot. He looked sinfully gorgeous under the moonlight leaning on the side of his car.

Pinigilan niya ang sarili na lapitan ito pero hindi niya alam kung ano ang mayroon kay Keith at lagi na lang niyang nakikita ang sarili na nakakalimutan ang mga pagpipigil na ginagawa niya. Pero hindi pa man siya nakakadalawang hakbang ay nilampasan siya ng isang bulto at nagmamadaling lumapit kay Keith.

Nakaramdam siya ng lungkot nang makitang si Kristine ang lumapit kay Keith.

“Atribida talaga ang babaeng 'yon,” nakasimangot na sabi ni Sarah habang nakatingin kina Keith at Kristine. “

“Malay natin, siya siguro ang hinihintay ni Mr. dela Vega,” aniya. Napabuga siya ng hangin bago naglakad palayo.

Hanggang sa maghiwalay sila ni Sarah ay malalim pa din ang iniisip niya. Kailangan na niyang alisin sa isipan si Keith dahil nagsisimula na nitong guluhin ang sistema niya.

Napapitlag siya ng makarinig ng sunud-sunod na busina. Paglingon niya ay awtomatiko niyang naiharang ang palad nang masilaw sa liwanag na nagmumula sa headlights ng paparating na sasakyan.

Napanganga siya ng bumaba mula sa sasakyan si Keith. Paano nito nalaman kung nasaan siya? Sinubukan niya itong iwasan pero mahigpit nitong pinigilan ang braso niya.

“Ano ang kailangan mo sa akin, Mr. dela Vega?” hindi niya napigilan ang inis sa tinig.

“You.”

Parang nabingi siya sa sinabi nito. “A-anong sabi mo?”

Nagkibit-balikat ito. “Didn’t you ask me what I want? And my answer is you. I want you.”

Bakit mukhang ibang tao ang kaharap niya ngayon? Sinubukan niyang ipiksi ang brasong hawak nito pero para iyong bakal dahil hindi siya makawala. “Nababaliw ka na ba? Bitawan mo nga ako.”

Hindi siya nito pinakinggan. “Ilang araw na akong hindi makatulog sa  kakaisip sa iyo. Akala ko maalis ka sa isip ko kapag hindi kita nakita, pero nagkamali ako. Maybe after one night I can get you out of my mind.”

Hindi niya maipaliwanag kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso niya sa mga sinabi nito.  “At paano ka naman nakakasiguro na papayag ako sa gusto mong mangyari? Hindi por que ilang beses mo akong tinulungan, puwede mo ng gawin ang gusto mo.”

Natakot siya nang tumalim ang mata nito. “Ang lalaking 'yon ba ang dahilan kung bakit hindi mo tinatanggap ang alok ko?”

Ilang sandali din siyang naguluhan sa mga sinasabi nito. Nanlaki ang mata niya ng makilala na si Conrad ang tinutukoy nito.

Pagak siyang natawa. “Para sagutin ang tanong mo, walang kinalaman si Conrad dito, Mr. dela Vega. Bakit hindi ka na lang bumalik kay Kristine? Mukhang nagkakamabutihan naman kayong dalawa.”

“You’re jealous,” nakangising sabi ni Keith.

“Hindi ka lang pala bastos, mayabang ka din. Huwag mo akong isama sa mga babaeng halos maglumuhod sa harapan mo para lang mapansin mo, dahil para sabihin ko sa’yo, wala akong anumang interes sa iyo, kaya bitawan mo ako kung ayaw mong mageskandalo ako dito.”

Napasinghap siya nang hilahin siya nito at isandal sa gilid ng sasakyan nito. He was so close she can feel the heat coming from his body. Wala na siyang aatrasan pa. Nanatili siyang nakatingin sa mga mata nito. Hindi niya alam kung bakit hindi niya magawang iiwas ang mga mata niya dito.

Nakapagpalit na siya ng isang puting T-shirt na pinatungan niya ng itim na jacket at maong na pantalon. Pero sa paraan ng pagtingin nito sa kanya ay parang walang pinagkaiba ang suot niya sa uniporme niya.

She absentmindedly licked her lips in anticipation. Keith’s eyes turned darker and lower his head. She felt the fire spread on her body when she felt his hot breath on the side of her neck. Kusang pumikit ang mga mata niya sa sensasyong nararamdaman.

A moan escaped her lips when he gently bit her earlobe. “See, your body is betraying you. You want me as much as I want you. Don’t fight it, Angel,” bulong ni Keith sa tainga niya. “Just name your price.”

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nito. Inipon niya ang lahat ng lakas para itulak ito palayo sa kanya. Ilang sandali din siyang nanatiling nakatingin dito at hindi magawang makapagsalita. Gusto niyang tumakbo paalis sa lugar na iyon pero ayaw sumunod ng katawan niya. Sa edad niyang beinte kuwatro ay wala pa siyang nakilalang lalaki na kayang gisingin ang iba’t ibang emosyon na hindi pa niya nararanasan tulad ng ginagawa ni Keith.

“K-kahit kailan hindi ko magagawang ibenta ang sarili ko, Mr. dela Vega,” aniya sa nanginginig na boses.

Ilang sandali din siya nitong pinagmasdan na tila ba tinitimbang ang sinabi niya. Nakahinga siya ng maluwag nang bahagya itong lumayo sa kanya.

Pinara nito ang parating na taxi at binuksan ang pintuan ng backseat. Gusto niyang pagalitan at sigawan ang sarili dahil naging sunud-sunuran siya sa anumang sabihin nito. Naglabas ito ng isang papel sa wallet nito at inilagay sa loob ng bulsa ng jacket niya. Pagkatapos ay inalalayan siya nitong makaupo sa backseat. “Kapag nagbago ang isip mo, tawagan mo lang ako,” he whispered seductively before closing the door on her side.

PARANG WALA sa sarili si Carla habang naglalakad papasok sa eskinita kung nasaan ang bahay nila. Iilan na lang ang mga tao sa daan dahil na din sa curfew. Nahinto siya sa may labas ng pinto nang marinig ang iyak ni Nicola.

Nanghihina siyang napaupo sa may sala set habang tinitingnan ang ilang nagkalat na gamit at ang tatay niya na may pasa ang kaliwang panga.

“A-anong nangyari?”

“Nagpunta dito sina Conrad at  pinipilit na singilin si Tatay, Ate.” Nanlamig siya ng marinig ang pangalang binanggit ni Nicola. “Buti na lang at dumating sina Kapitan, kung hindi baka kung ano na ang nagawa nila sa amin ni Tatay. Babalik daw sila sa makalawa. Kapag hindi daw natin nabayaran ang utang nating one hundred thousand, may mangyayaring masama sa atin. Ate, natatakot ako.”

Pakiramdam niya ay tumigil ang tibok ng puso niya sa narinig. “T-teka, anong sinabi mo? O-one hundred thousand?” Mukha yatang namali ang dinig niya. Sa pagkakatanda niya ay nasa limampung libo lang ang utang nila. “P-paano nangyari iyon?”

Nasagot ang mga tanong niya sa isip nang magsalita ang ama niya. “Kasalanan ko ang lahat ng ito. Nagbakasakali lang naman akong manalo para makabawi sa mga naipatalo ko. Hindi ko namalayang lubog na ako sa utang,” anang amang si Mario sa garalgal na tinig.

“Akala ko ba tumigil na kayo sa pagsusugal, 'Tay?” Pinipigilan niya ang sarili na maiyak sa sitwasyon nila.

Naisubsob nito ang mukha sa palad. “Sana mapatawad ninyo ako,” anang ama sa hirap na tinig.

“Wala ng magagawa ang paghingi n’yo ng tawad,” aniya sa malamig na boses. Gusto niyang sumigaw para mailabas ang hinanakit na nararamdaman pero alam niyang kahit gawin niya iyon ay hindi na niya mababago ang mga nangyari.

“Natatakot ako, Ate,” umiiyak na sabi ni Nicola.

Nilapitan niya ito at mahigpit na niyakap. “Huwag kang, mag-alala. Hindi ako papayag na may mangyari sa iyo. Gagawa ako ng paraan para mabayaran natin sila. Ang mabuti pa, magpahinga na tayong lahat.”

Siniguro muna ni Carla na maayos ng natutulog ang Tatay niya at si Nicola bago bumalik sa sala. Hinayaan niyang patay ang ilaw para hindi na maistorbo sa pagtulog ang mga ito. Nahahapong sinapo niya ang noo at tahimik na umiyak.

Malungkot na pinagmasdan niya ang mga litrato nilang mag-anak na nakasabit sa pader. Kuha ang mga iyon noong buo pa ang pamilya nila. Limang taon na ang nakalilipas mula noong mamatay ang nanay niya sa sakit  na breast cancer. Dahil doon, nagsimulang malulong sa sugal ang ama. Napilitan siyang huminto sa pag-aaral para magtrabaho. Mula noong mamatay ang nanay niya ay parang nawalan na din silang magkapatid ng ama.

Huli na ng malaman niya na huminto na ito sa pamamasada ng taxi at nalulong sa sugal. Inakala niyang tumigil na ito sa pagsusugal noong nalaman nilang malaki na ang pagkakautang nito. Nagkamali sila. Hindi siya makapaniwala na umabot ng isandaang libong piso ang naging utang ng Tatay niya. Kaya pala ganoon na lang sila singilin ni Conrad.

Ano na ngayon ang gagawin niya? Hindi siya makakapayag na mapahamak ang kapatid niya. Kailangan niyang makahanap ng paraan para mabayaran ang utang nila. Pero paano? Sino ang magpapautang sa kanya ng ganoon kalaking pera?

Natigilan siya ng may makapa sa bulsa ng jacket niya. Mula sa liwanag na nanggagaling sa labas ay malinaw niyang nabasa ang nakasulat sa calling card na ibinigay ni Keith. Nakalimutan na niya na inilagay iyon ng binata sa bulsa niya.

Mahigpit niya iyong hinawakan na parang nakadepende doon ang buhay niya. Umaasa siya na ang pangalan na nakasulat doon ang makatutulong sa problema niya.

Keith Anthony dela Vega.
DL Airlines
Vice President for Operations

Pansamantala niyang kakalimutan ang pangako niya sa ina. Sa ngayon, ang mahalaga ay ang kapakanan nilang mag-anak.

HINDI MAALIS ang kaba sa dibdib ni Carla habang hinihintay si Keith sa isang restaurant. Si Keith mismo ang nagpareserve ng isang private room kung saan sila magkikita. Hindi siya nakatulog nang nagdaang gabi sa pag-iisip kung tama nga bang kay Keith siya humingi ng tulong. Hindi pa niya ito masyadong kilala. Mahigpit niyang naikuyom ang palad na nakapatong sa hita.

Napapitlag siya ng bumukas ang pintuan at pumasok si Keith. Parang naging maliit ang silid mula noong pumasok ito. Ilang sandali ding umiral ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Pareho silang nagpapakiramdaman pa ang lumipas ay pumasok ang dalawang waiter dala ang ilang tray. Nagtatakang napatingin siya sa mga nakahaing pagkain.

Tila nabasa ni Keith ang nasa isip niya. “I took the liberty to order our food. I hope you don’t mind.”

Nagkibit balikat siya at nagsimulang kumain. Halos hindi niya malunok ang kinakain sa sobrang kaba na nararamdaman.

“Ano ang kailangan mo sa akin?” tanong ni Keith nang matapos sila sa pagkain.

Huminga muna siya ng malalim bago sagutin ang tanong nito. “Gusto ko sanang pag-usapan natin ang alok mo sa akin noong nakaraang gabi.”

Hindi na niya kailangan pang ipaliwanag ang ibig niyang sabihin dahil alam niyang naintindihan iyon ni Keith. Tumiim ang mata nito habang nakatingin sa kanya. Then his lips curved into a seductive smile. “Pumapayag ka na ba sa alok ko?”

Tumango siya. “One hundred thousand pesos.”

“Don’t you think it’s a very high price for sex?”

Pinigilan niya ang sarili na mapangiwi sa sinabi nito. “Kung tama ang pagkakatanda ko, ikaw ang nagsabi na ako ang magsabi kung magkano ang gusto ko. One hundred thousand pesos kapalit ng katawan ko.”

“I thought you will never sell your body?”

Inipon niya ang lahat ng lakas ng loob para tingnan ito sa mga mata. “Sabihin na lang natin na nagbago ang isip ko.”

“Hmmm…” Nahaplos nito ang baba habang nakatingin sa kanya. “One hundred thousand, huh? I have to think things over. I’ll just call you.”

“Kailangan ko ng sagot mo ngayon.” Pinipigilan niya ang panginginig ng boses.

Ilang sandali itong nanatiling nakatitig sa kanya na parang malalim na pinag-iisipan ang sinabi niya. Pigil niya ang hininga habang hinihintay ang sagot nito.

“I’m sorry, my answer is ‘No’.”

Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa sa sagot nito. Isang pilit na ngiti ang ibinigay niya dito. “Kung ganoon, mauuna na ako. Salamat sa oras mo, Mr. dela Vega.”

Pinilit niyang maglakad ang mga nanlalambot na paa palabas ng restaurant. Pinakawalan niya ang pinipigilang emosyon ng makasakay na siya ng taxi. Nakikita na niya ang unti-unting pagkasira ng buhay niya. Mapait siyang napangiti. Bakit kasi umasa pa siya na tutulungan siya ni Keith?

Hindi niya ito masisisi. Sino ba naman ang maglalabas ng ganoon kalaking halaga para lang sa isang tulad niya? Marahas niyang pinahid ang mga luha. Kailangan niyang maging matatag para sa pamilya niya.

KATATAPOS LANG ng shift ni Carla at naghahanda na sa pag-uwi ng makatanggap ng tawag mula kay Nicola.

“Ate!”

“Nicola, anong nangyari?”

“Ate, umuwi ka na, nandito na sila. Sasaktan na naman nila si Tatay.” Binundol ng kaba ang dibdib niya nang marinig ang pag-iyak nito.

Dali-dali siyang lumabas ng Angels Wings at pinara ang namataang taxi. Laking pasasalamat niya na wala iyong pasahero. Sampung minuto ang lumipas bago huminto ang taxi sa labas ng eskinita.

Patakbong tinungo niya ang bahay. May ilang kapitbahay nila ang nagkukumpulan sa labas ng bahay nila. Alam niyang natatakot ang mga ito  na tulungan sila dahil natatakot ang mga ito kay Conrad.

Pakiramdam niya ay tinakasan ng kulay ang mukha niya ng makitang sira ang pintuan nila. Narinig din niya ang sigaw ng kapatid niya mula sa loob. Nakilala niya ang dalawang lalaki na nagbabantay sa labas ng bahay nila. Nakumpirma ang hinala niya nang makita ang lalaki na hawak ang kapatid niya. Ang tatay niya ay nakalugmok sa isang tabi at mukhang walang malay. Nagkalat din ang mga gamit nila.

“Bitiwan mo ang kapatid ko!” sigaw niya nang makitang hawak ni Conrad si Nicola.

Nakangisi itong bumaling sa kanya. “Ah, sa wakas nandito ka na din, babe.”

Dinaluhan niya ang kapatid na nakasalampak ng upo sa sahig. Mahigpit itong yumakap sa kanya. “Ate…”

Matalim niyang binalingan si Conrad at ang mga kasama nito. “Tigilan na ninyo ang panggugulo sa amin. Kahit baliktarin ninyo ang bahay namin, wala pa din kaming perang pambayad sa inyo.”

“Matagal na namin kayong binigyan ng palugit.”

“Wala kaming ganoon kalaking pera. Bigyan n’yo pa kami ng kaunting oras para makapag-ipon.”

“Tsk. Tsk. Pasensiyahan na lang tayo, Carla. Kung hindi ninyo kayang bayaran ang utang ninyo, kayo na lang ng kapatid mo ang magiging kabayaran sa utang ng Tatay mo.”

Kinilabutan siya sa pagkakangiti nito. Tumayo siya at iniharang ang katawan para maprotektahan ang kapatid. “Hindi kita papayagan na kunin mo kami ng kapatid ko. Kailangan n’yo munang dumaan sa bangkay ko bago n’yo kami madala.”

“Tumabi ka!”

Pakiramdam niya ay nabingi siya nang dumapo ang sampal nito sa kaliwang pisngi niya. Nawalan siya ng balanse at napaupo sa sahig.

“Magno, kunin na n’yo 'yong isa,” utos ni Conrad sa kasama nito.
Dali-dali siyang tumayo at muling iniharang ang katawan para hindi malapitan ng mga ito si Nicola. “Sinabi nang tumabi ka!” sigaw ni Conrad. Nang hindi siya natinag sa kinatatayuan ay sinuntok siya nito sa sikmura. Halos pangapusan siya ng hininga sa sakit na nararamdaman. Napaluhod siya habang sapo ang tiyan.

“Ate!” hindik na sigaw ni Nicola. Lalapitan sana siya nito nang pigilan ito ng mga kasama ni Conrad.

Inipon niya ang lakas at halos pagapang siyang lumapit kay Conrad at niyakap ang kanang binti nito. Hindi niya hahayaan na makuha ng mga ito ang kapatid niya kahit na mamatay pa siya.

“Bitawan mo ako!” Ilang beses nitong isinipa ang binti pero hindi siya bumitaw. Mariin niyang nakagat ang ibabang labi nang hilahin nito ang buhok niya. “Alisin nga ninyo ang kamay niya sa binti ko,” utos nito sa mga kasama.

Naramdaman niya ang sakit sa pagpipilit ng mga ito na kalasin ang braso niya sa binti nito. Imbes na pakawalan ito ay lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa binti nito. “Inuubos mo ang pasensiya ko.”
Mariin siyang pumikit at naghahanda na sa susunod na pananakit ng mga ito pero ilang segundo pa ang lumipas na wala siyang naramdaman.

“Subukan mong hawakan kahit dulo ng daliri niya kung gusto mong hindi ka na sikatan ng araw.”

Marahas siyang nagmulat nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Akala niya ay nananaginip lang siya pero pagtingala niya ay naroon talaga si Keith. Hawak nito ang nakataas na kamay ni Conrad.

Lumapit sa kanya ang kasama ni Keith at maingat na kinalas ang kamay niya sa binti ni Conrad. Isa ito sa mga lalaking laging kasama ni Keith kapag nagpupunta ito sa Angels Wings. Hindi na niya nagawang tumutol nang alalayan siya nitong maupo sa sahig. Nanghihina pa din ang tuhod niya at sumasakit pa din ang sikmura at anit niya.

“Ikaw na naman?” inis na sabi ni Conrad. “Huwag kang makialam dito. Nandito kami para singilin ang mga utang nila.”

“Magkano ang utang nila?” kalmadong tanong ni Keith. May inabot dito ang isa pang lalaking kasama nito. Sa bilang niya ay nasa apat ang mga kasama ni Keith.

“One hundred thousand,” nakangising sagot nito na tila ba inaasahan na aalis si Keith kapag nalaman kung magkano ang utang nila.

Balewalang nagsulat si Keith at ibinigay kay Conrad ang cheke. “Iyan na ang kabayaran sa lahat ng utang nila. Siguraduhin mo lang na hinding-hindi na kayo magpapakita pa sa kanila o ang guluhin man sila. Dahil kapag hindi ka tumupad sa usapan natin, hindi mo magugustuhan kung ano ang gagawin ko sa inyo. Nagkakaintindihan ba tayo?” Napaigik si Conrad nang higpitan ni Keith ang pagkakahawak sa kamay nito.

“O-oo na. Pangako, hindi ko na sila guguluhin pa.” Nagmamadaling umalis ang mga ito.

“Ate!” Dali-dali siyang nilapitan ni Nicola at  mahigpit na niyakap.

“Okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong niya sa kapatid. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may masamang nangyari dito.

“Okay na ako, Ate. Hindi naman nila ako nasaktan.”

Nakahinga siya ng maluwag Naramdaman niya ang pagpatong ng mainit na bagay sa balikat niya. Tiningala niya si Keith. Ito ang nagpatong ng coat nito sa balikat niya.

Napasinghap siya nang buhatin siya nito. “T-teka lang. Ibaba mo ako, Mr. dela Vega.” Sinubukan niyang kumawala mula sa pagkakabuhat nito pero mas lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya.

“Huwag kang magulo. Kailangan nating gamutin ang sugat mo.”

“P-pero-“

“Sa sasakyan na tayo mag-usap,” anito sa pinal na tinig. Binalingan nito ang mga kasama. “You know what to do, Cole.” Kusa na siyang sumandal sa dibdib nito. Bigla siyang nakaramdam ng pagod.

Kusang nahawi ang mga usiserong kapitbahay nila para hayaan silang makadaan. Buhat-buhat siya nito na para bang napakagaan niya. Isang itim na sasakyan ang naghihintay sa kanila. Maingat siya nitong ipinasok sa back seat pagkatapos ay lumigid ito sa kabila at tumabi sa kanya.

“Teka, sina Nicola at Tatay.”

Napatingin siya kay Keith ng gagapin nito ang palad niya. “Huwag kang mag-alala sa kanila. Hindi sila papabayaan ng mga kasama ko.”

Napanatag siya sa sinabi nito para lang muling mag-alala nang mapansin ang dinaraanan nila

“Hindi dito ang daan papuntang ospital.”

“Sinong nagsabing dadalhin kita sa ospital? Im taking you to my house.”

It took her four seconds to realize what he just said. “T-teka, bakit kailangan pa sa bahay mo?”

Bumalik ang mapang-akit nitong ngiti. “Bakit natatakot ka ba sa akin?” Ibang-iba na ito sa lalaking nagbanta kay Conrad kanina.

Nag-init ang pisngi niya sa panunukso nito. “H-hindi ah.” Mariin niyang ipinikit ang mata nang muling maramdaman ang sakit sa sikmura niya. Tsaka lang niya naalala na hawak-hawak pa din nito ang kamay niya. Pinilit niyang hilahin ang kamay pero mas lalong humigpit ang hawak ni Keith kaya hinayaan na lang niya ito. Wala na din naman siyang lakas pa para makipagtalo dito kaya hinayaan na lang niya ito.

Hindi mapigilang humanga ni Carla nang pumasok ang sinasakyan nila sa isang sikat na condominium unit sa may Makati. Inalalayan siya ni Keith pagbaba hanggang makasakay ng elevator.

Iginiya siya nito palabas ng elevator nang huminto iyon sa twentieth floor. Isang unipormadong lalaki ang bumati sa kanila.

Pinigilan niya ang sarili na mapanganga ng marealize na okupado ni Keith ang buong palapag na iyon. Iginiya siya nito papasok sa isang kuwarto. Inanalayan siya nitong umupo sa gilid ng king size bed.

“Ang mabuti pa, maligo ka para magamot na natin ang sugat mo.” Inabot nito sa kanya ang isang polo na kinuha nito sa tokador “You can wear this.”

Nanatili siyang nakatingin dito. Hindi siya sanay na mabait si Keith.

“Pero kung gusto mo naman, ako na lang ang magpapaligo sa iyo. Hindi naman ako mahirap kausap. All you have to do is ask.” Bumalik na naman ang kislap sa mata nito. Pakiramdam niya ay namula ng mukha niya. Dali-dali niyang kinuha mula dito ang polo at nagmamadaling pumasok sa banyo. Napasandal siya sa likod ng pinto at pinilit pakalmahin ang mabilis na tibok ng puso niya.

Napapikit siya ng maramdaman ang maligamgam ng tubig sa katawan niya. Tumagal din ng ilang minuto ang paliligo niya bago siya lumabas. Umabot hanggang kalahati ng tuhod niya ang polo ni Keith. Nahigit niya ang hininga ng lumingon ito sa gawi niya. Nanatili itong nakaupo sa gilid ng kama at nakatingin sa kanya. He looked at her hungrily.

Siguro ngayon na ang tamang pagkakataon para bayaran niya ang pagkakautang niya dito. Hindi nga ba at hayagan nitong sinabi ang intensiyon nito sa kanya? Tumigil siya sa harapan nito. Hindi niya inalis ang tingin sa mata nito habang isa-isang kinakalas ang pagkakabutones ng suot niya. His eyes turned darker, watching every move of her hands.

Nasa ikatlong butones na siya ng tumayo si Keith para pigilan ang kamay niya. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?”

“Nagbabayad ng utang.” Pinigilan niya ang panginginig ng boses. “Hindi ba iyon naman ang dahilan kung bakit tinulungan mo ako?”

Hindi niya inaasahan ang ginawa ni Keith. Sa panggigilalas niya ay ibinalik nito sa pagkakabutones ang suot niya. “Hindi ito ang panahon para magbayad ka ng utang.”

Pinaupo siya nitong sa gilid ng kama. Pinihit nito ang mukha niya paharap dito at nilagyan ng gamot ang sugat sa gilid ng labi niya. Napangiwi siya ng maramdaman ang hapdi.

Nanatili siyang nakatitig dito habang ginagamot nito ang sugat niya. Hindi siya makapaniwala sa napakaingat nitong paggamot sa kanya na parang isa siyang babasaging kristal.

“Magpahinga ka na muna. Bukas mag-uusap tayo,” anito ng matapos gamutin ang sugat niya.

Siniguro muna nitong maayos ang pagkakahiga niya bago ito lumabas.
“Mr. dela Vega,” tawag niya sa binata bago ito tuluyang makalabas ng pinto.

Nagtatanong ang mga matang lumingon ito sa kanya. “May kailangan ka pa ba?”

“Salamat.”

Hindi niya nabasa ang emosyong dumaan sa mga mata nito dahil kaagad naman itong tumalikod. “Huwag kang magpasalamat dahil maniningil ako.”

Wala siyang anumang takot na nakapa sa dibdib niya sa sinabi nito. Ipinikit niya ang mata at hinayaang tangayin ng antok.

NAHAHAPONG ISINANDAL ni Keith ang noo sa malamig na pader nang makalabas ng kuwartong inookupa ni Carla. Tiningnan niya ang nanginginig na kamay. Gusto niyang matawa sa sarili sa inaasal.

He wanted her. So much that it aches. Ganoon na lang ang pagpipigil niya sa sarili na huwag itong angkinin. She looked tempting wearing his clothes on the top his bed. It was the first time he let a woman wear his clothes and stay in his house especially on his bed without taking her.

He wanted her the first time he saw her. Habang kausap niya ang manager ng Angels Wings ay may naramdaman siyang nakatingin sa kanya. Paglingon niya ay nagtama ang tingin nila ng babaeng nakatayo 'di kalayuan sa kanila. Nakilala niya ang uniform na suot nito kaya alam niyang isa ito sa mga waitress doon. Ilang sandali ding nagtama ang mata nila at hindi niya maipaliwanag kung bakit nakaramdam siya ng panghihinayang nang mag-iwas ito ng tingin.

Alam niyang hindi inaasahan ng manager na si Robert nang i-request niya na ang babae ang maging private waitress nila sa gabing iyon. He had his fair share of women pero nang nasa harapan na niya si Carla ay hindi na niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin. So he always ended up acting like a jerk. Alam niyang nabastos niya ito kaya naman hindi nakapagtatakang hayagan ang disgusto nito sa kanya. Pero imbes na layuan ito ay lagi niya itong nilalapitan. Hindi niya alam kung ano ang mayroon sa dalaga at parang may magnet na humihila sa kanya palapit dito. Iyon ang unang pagkakataon na may isang babae ang gumulo sa isip niya. Iyon nga lang mukhang wala itong interes sa kanya. She caused him many sleepless nights. At mukhang madadagdagan iyon lalo na at nasa malapit lang ito.

He needed a drink. And maybe a cold shower. Mabibigat ang mga hakbang na nagtungo siya sa guest room.

Continue Reading

You'll Also Like

247K 5.7K 21
Published under PHR 2013 Marcus Silvestre: ▪successful businessman ▪the most elusive bachelor in town ▪womanizer ▪allergic to women with huge emotio...
197K 3.9K 22
"Whatever happens, even if my heart stops beating, it will not stop from loving you." Unang beses pa lamang na nagtama ang mga mata nila, alam na ni...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
56.2K 1.5K 31
When Aiden died, Joey thought she died with him. Until she saw him again...Pero ang kakambal pala iyon ni Aiden na si Aidan. Okay lang naman sana sa...