Will I Give up? [KathNiel Fan...

By khimkhimfssho

1.6K 22 13

More

Will I Give up? [KathNiel Fan Fiction]
Prologue
Chapter 1 : Memories supposed to FADE.
Chapter 3 : Great Time?
Chapter 4 : Past is Past.
Chapter 5 : Truth in their eyes. (<<,) (,>>)

Chapter 2 : Friends? :)

140 2 2
By khimkhimfssho

Daniel's POV :

It's been 4 years since nung iwan niya ko ng walang paalam. 4 years na yung nakalipas pero bakit siya pa rin ang hinahanap-hanap ko? Bakit andito pa rin yung sakit na nararamdaman ko simula nung umalis siya? Pero mahal ko pa rin siya kahit sinaktan ko siya ng ilang ulit. Aaminin ko naging g*go ako para saktan siya, pero no choice ako eh. Aish! Akala niya siya lang yung nasaktan, akala niya intensiyon kong gawin yon. May mga bagay kasi na mahirap sabihin sa kanya baka hindi rin niya maintindihan. Ang bading! Hahaha. Tama na nga. Basta, alam ko mahal ko siya.

Ngayon nakita ko ulit siya. Ano bang meron dun sa babaeng yun? Halatang iniiwasan niya ko eh. Pwede bang wag niyang ipamukha sakin na mali ako? Masakit kasi eh. =__________= Lutang ang isip ko ngayon. Pakshet! Yung mukha niya lang nasa isip ko ngayon. Potek! Bakit naman kasi lalo siyang gumanda?! Pagkarating sa bahay dumiretso ako sa kwarto sinabi ko sa kanilang matutulog na ko. Pero ang totoo hindi nanaman ako makakatulog neto. Psh. Tapos biglang sumigaw si Kats.

“Ano ba Lester!!!! Bakit kasi hindi ka bumili?!” Asar na sabi ni Katsumi.

“Ehh bat ikaw?! Bat hindi mo sinabing bibili ka?!” Pasigaw na tanong ni Lester

“Aish! Nagtanong ka ba?!” Asar na sagot ni Katsumi.

“Hoy! Anong nangyayari dito?” Tanong ko sa kanila.

“Papi Dj si Lester oh! Inagaw yung ice cream ko! Huhuhu!” Papi?! WTF?! Ice cream!? Ano na bang oras? 9pm. Pakshet! Ayos lang ba mga'to?!

“Bakla ka ba Katsumi?! At saang lupalop mo naman nakuha ang salitang PAPI?!” Tanong ko kay Katsumi. Nababakla nanaman 'to. Aish!

“Hindi ah! Sa gwapo kong 'to. Sikret! Hahaha!” Walanjo! Eto yung dahilan kung bakit hindi ko maiwan-iwan banda ko eh. Hahaha.

“WEEEEHHHHH??? Gwapo ka Kats????” Sabat bigla ni Seth. Parang mushroom din 'to e. Susulpot na lang bigla.

“Inggit ka nanaman ba? Hayaan niyo, bigyan ko na lang kayo ng kapogian.” Sabi ni Katsumi at nakanguso. Ibig sabihin iki-kiss ka niya.

“TAKBOOOOOOOOOOOOOOO!” Sigaw ni Seth at Lester. Kaya ayun, naghabulan silang tatlo.

“Hoy! Tumigil na nga kayo. Potek! Para kayong mga bata.” Sigaw ko sa kanila. Hindi naman siya talagang sigaw tinaasan ko lang ng boses. Kaya tumigil na sila.

Araw-araw ganito at ganito lang din ginagawa ng mga 'to. Isama mo pa aking kapatid. Kung hindi lang siguro ako sanay na kasama ang mga 'to siguro baliw na ko ngayon. Hahaha. Itutulog ko na 'to, yung eyebags ko kawawa eh.

--Kinabukasn...-

“DANIEL JOHN FORD! GISING NA!” Aray! Nyemas! Ang sakit sa tenga! Si mama.

“MAAGA PA MA!” Sigaw ko rin.

“TUMAYO NA NGA KAYO! KAPAG HINDI PA KAYO TUMAYO PAPAUWIIN KO NA SI KATHRYN!” Sigaw ulit ni mama... KATHHH... Si Kath andito? Napabangon ako sa kama ng wala sa oras. Dali dali akong pumunta sa kwarto para maghilamos at bumaba na. Nakita ko siya andun siya sa may sofa.

“Aga natin ah?” Tanong ko sa kanya. Napatingin naman siya.

“Ah. Eh. Papasama sana ako eh. Kung okay lang?” Sagot at tanong niya. Nagpapasama siya. Nuxx. Akala ko iniiwasan ako neto eh.

“Saan ba?” Tanong ko.

“Kina Julia. Hindi niya pa alam na nandito ako eh.” Sagot naman niya. Pagkakataon nga naman.

“Tara.” Sabi ko sakanya.

“Sina Kats? Asan? Saka hindi kapa kumakain.” Tanong at sabi niya. Concerned lang?

“Tulog pa. Hayaan muna natin. Ayos lang ako. Tara na.” Sabi ko sa kanya. Nag-nod lang siya.

“MA! ALIS PO MUNA KAMI NI KATH! SASAMAHAN KO LANG.” Sigaw ko. Nasa kusina eh. Tamad akong lumapit.

Ang tahimik lang namin habang naglalakad. Sa totoo lang kahit humimik ako ngayon parang nakaka-ilang pa rin. Namiss ko yung ganito, yung naglalakad kami na magkasama kahit puro away lang ginagawa namin nun, atleast masasabi kong akin siya. Pero ngayon? Wala na. Mukhang wala na talaga. =/

-- Bahay nina Julia.. --

Kaibigan ko pa rin naman si Julia kahit na may hindi kami napagkaintindihan ni Kath. Pero lagi akong inaaway niyan simula nung umalis si Kath. Wala kasing pasabi na pupunta ng Korea si Kath.

Si Julia Montes ang bestfriend ni Kath since birth, di ko alam bakit eh. Yun ang sabi nila samin nung nakilala namin sila. Mabait naman siya, matalino, maganda pero brutal yan. Grabe kung manabunot at mangurot, ako madalas pagdiskitahan niyan eh. Nakakainis nga e, minsan kapag umuuwi ako may pasa ako dahil sa mga kurot niya. Nanggigil daw sakin eh. =_________=

“KAAAAAAAAAAAAAAATTTTTTTTTTTHHHHHHHHHH!” Aray! Si Julia na 'to panigurado. Sakit sa tenga. =___________=

“Bess!” Si Kath, buti hindi rin 'to sumigaw.

“Wag ka ngang sumigaw Juls! Masakit sa tenga, alam mo ba yun?” Singit ko, masakit naman kasi talaga eh.

“Heh! Bakit magkasama kayo? Hm. I smell something fishy.” Pang-asar niya, may toyo din 'to sa utak eh. Haha!

“Naligo kami ni Kath! Baka ikaw yung amoy fish.” Sagot ko sa kanya, uuwi nanaman akong may pasa neto. =/

“Ewan ko sa'yo.” Julia. Pikon eh.

Pinapasok naman kami, di man halatang excited 'tong si Julia kay Kath. =_________= Akala mo nasa kabilang kanto kami kung makasigaw. Basag na eardrums ko. Dapat pala sinama ko si Katsumi, para may panlaban ako kay Juls.

“Saan si Diego?” Tanong ni Julia/

“Malay ko. Tanungan ba kami ng nawawalang tao? ARRAAAAAAAAAYYYYYYYY!” Sagot ko, mangurot naman kasi oh.

“Bagay sa'yo. Kath oh! Nang-aasar si Dj!” Si Julia, nang-aasar? Anong pang-asar dun?

“Tumigil na nga kayo. Para kayong mga bata.” Si Kath sabay tawa, I miss that laughs. :DD

Si Juls naman panay kanta ng “Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig.” Pakshit. Kung pwede lang sana binalik ko na diba? Ulit ulit lang kinakanta niya. =_________=

Kathryn's POV

Kung tinatanong niyo kung bakit ako nagpasama kay Dj na pumunta kina Juls, wala lang. Haha! Namiss ko din naman siya eh.

Pero sana sinama ko rin si Diego. Kawawa kasi si Dj kay Juls eh. Si Diegs lang naman ang magpapahinto sa pangungurot niya.

May megaphone pa rin pala 'tong bestfriend ko. Kawawa naman yung mga taong lagi niyang kasama. Pero, this time. Ako na lagi niyang kasama. Bwahaha! Tingnan ko lang kung maging ganito pa 'to.

Kanina pa 'tong si Juls, kanta ng kanta. Nambubulabog ng mga kapitbahay nila. =__________=

“JULIAAAAAAAAA! WAG KANG MANGBULABOG NG MGA KAPITBAHAY NIYO! KAWAWA NAMAN SILA!” Si Dj, nakakabasag din ng eardrums 'to eh.

“Wag ka nga! Walang basagan ng trip!” Si Julia, naman eh. =__________=

“Pag tayo sinugod nilang may dalang pangsunog, ikaw una naming ipapasunog!” Si Dj, ano yun? Monster ba si bes? HAHAHA!

“HEH! MANAHIMIK KA DIYAN KUNG AYAW MONG MAUNANG MASUNOG!” Si Julia ulit, nakupo! Diegs! Asan ka na ba?! Punta ka na dito please! >___________<

This time hindi na kumakanta si Julia, sigaw lang siya ng sigaw. Naman eh! =_____________= wrong timing pala kami ni Dj, dapat mamaya pa kami pumunta. =______________=

“UUWI NA KO! MASAKIT NA TENGA KO! BAKA DUMUGO NA LANG BIGLA!” Si Dj, parehas lang kayo eh. TT_________TT

“Sama mo na si Kath.” Si Julia, paalisin daw ba ko?

“Pinagtatabuyan mo ba ako ah?!” Tanong ko kay Julia.

“Hindi ah! Alam ko naman na may something sa inyo.” Sagot niya.

*PAK!

“Ouch! Bes naman eh.” Reklamo niya.

“Aalis na kami bes! See you na lang.” Sabi ko with a smile.

Naglakad na kami pauwi ni Dj, alangan namang lumipad kami diba? Pfft. Tahimik niya ngayon. Namiss ko yung ganito, yung naglalakad kami pero nagaaway na kami nun. Pero ngayon heto tahimik lang kami. I miss the old us. =/

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Pasensha na po natagalan. :DD

Continue Reading