Ang Lihim ng Lunangayin

By FilipinoFiction

74.9K 3.3K 719

Ito ay nobela tungkol sa sinaunang paniniwala na patuloy na ginagawa sa isang liblib na barrio sa Norte. Mist... More

Ang Lihim ng Lunangayin
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Epilogo 1.1
Epilogo 1.2

Chapter 33

1.4K 70 21
By FilipinoFiction

Pumasok ang dalawa sa loob ng maliit na inn. Bakas sa mukha ni Isko ang pag-aalinlangan habang dahan-dahan nilang nilalakad ang maikling pasilyo patungo sa tanggapan.

"Luna," bulong ni Isko sabay tigil sa paglakad. "Mabuti pa siguro kung –"

"Magandang gabi," bati ng maliit na kulot na lalaking sumalubong sa kanila. Ang kaniyang magkabilang tainga ay puno ng hikaw.

Bahagyang nginitian ni Luna ang lalaki. Bigla siyang nakaramdam ng hiya't hindi niya mabigkas ang nais sabihin.

"Nais n'yo bang kumuha ng kuwarto?" kaswal na tanong ng lalaking nasa edad trenta. Tila ba normal lamang na tanong ang sinabi nito't walang bahid ng malisya.

Tumango na lamang si Luna sabay tingin kay Isko'ng napakamot na lamang sa ulo.

"Halina kayo. Dito na lang tayo sa counter," pagyayaya ng lalaki.

Maliit lang ang silid nina Luna. Tulad ng tinuluyan nilang inn ng kaniyang kapatid, kaunti lang din ang gamit nito sa loob. Sa may gilid ng kama, isang bukas na pintuan ng banyo ang makikita.

"Sa lapag na lang ako hihiga," wika ni Isko at mabilis nitong kinuha ang isa sa dalawang unan sa kama.

"Pero malamig ang sementong sahig," pagtutol ni Luna. "Hindi naman natin pwedeng isapin itong kumot at manipis. Baka magkasakit ka lang pag d'yan ka natulog."

Natigilan si Isko, tila ba nag-iisip sa maaaring gawin habang hawak pa rin ang unan.

"Tabi na lang tayo," lakas loob na suhestiyon ni Luna, kahit na sa kalooban niya'y may natatagong kaba't hiya. Sapagkat ni minsan, hindi pa niya nagawang matulog na may katabing lalaki (bukod kina Lino at sa itay niya na katabi niyang matulog noong bata pa s'ya.) "'Wag kang mag-alala. Hindi kita pagsasamantalahan kung 'yan ang inaalala mo." Dinaan na lang niya sa biro ang kaba.

Biglang ngumiti si Isko. Tila ba hindi n'ya inaasahan ang pagbibirong iyon ni Luna. Dahil doon, naramdaman ni Luna ang unti-unting pagkalma ng kasama.

Matapos makapag-banyo't hilamos. Kinuha ni Luna ang kaniyang telepono sa bag, at saka humiga sa kabilang gilid ng kama – suot pa rin ang maong na pantalon at t-shirt na panlakad.

Habang si Isko naman ang nasa banyo, chineck ni Luna ang hawak na telepono at nakita ang mga bagong tawag at mensahe ng mga kaibigan, at sampung missed call ng kapatid na si Nina.

Hindi niya narinig ang tawag, sapagkat nang magkita sila ni Isko sa terminal ay agad na sinilent niya ang telepono upang hindi na siya magambala sa pagtunog nito. Dahil alam niyang mangungulit pa rin sa pagtawag at pagmemessage ang mga kaibigan.

Lowbat na ang telepono n'ya, kung kaya't hindi na niya magawang tawagan pa ang kapatid. Gumawa na lamang siya ng mensahe upang itext ang kaniyang ate't ipaalam ang pagsama n'ya kay Isko patungo sa Laguna upang puntahan ang ina. Alam niyang maiintindihan ni Nina ang ginawa niyang pagsama, dahil iyon naman ay para sa kanilang ina. Ngunit batid niyang ikagagalit ng kaniyang kapatid ang pagtigil nila sa inn upang magpahinga, kung kaya't hindi na niya iyon sinabi.

Matapos magsend ang text, biglang namatay ang telepono ni Luna. Agad siyang bumangon at kinuha mula sa kaniyang bag ang dalang pantablay (na iniwan sa kaniya ni Nina) upang makargahan ang baterya nito. Matapos maisaksak ang pantablay, ipinatong niya ang telepono sa maliit na lamesang nasa gilid ng kama.

Pagkahiga ni Luna, siya namang paglabas ni Isko sa banyo. Tulad ni Luna, suot rin ni Isko ang maong na pantalon at t-shirt niyang panlakad. Pinatay ni Isko ang ilaw sa kuwarto, ngunit hinayaang nakabukas ang mahinang ilaw sa nakabukas na banyo.

"Ayos lang ba sa'yong nakabukas ang ilaw sa banyo?" tanong ni Isko habang dahan-dahang pumupwesto sa kabilang gilid ng kama. "Naisip ko kasing maganda rin kung may kaunting liwanag dito sa kuwarto."

"Oo. Ayos naman," sagot ni Luna, hindi pinahahalata ang nararamdamang hiya. "Sige, Isko, matulog na tayo para maagang makaalis bukas."

"Sige, Luna. Goodnight."

"Goodnight," tugon ni Luna sabay talikod kay Isko.

Makalipas ang ilang sandali, muling nagsalita si Luna.

"Malikot ka ba matulog?" may halong kaunting biro na tanong ni Luna tungkol sa pabaling-baling na higa ng katabi. "Parang hindi ka kasi mapirmi sa iisang pwesto."

"Pasensiya na, Luna," nahihiyang sagot ni Isko. "Parang bigla kasing nawala ang antok ko kaya hindi ko maiwasang umikot-ikot sa kama. Minsan, ganito ako kahit pagod."

"Naghilamos ka kasi, kaya nagising ang diwa mo," natatawang sabi ni Luna habang bumabaling ng higa paharap sa kisame. Inilapat niya ang kaniyang likod sa kama.

Tumawa naman ng marahan si Isko sabay sabing, "Dapat pala hindi na ako naglinis ng mukha ano?"

"Oo. Ganun nga!" biro ni Luna. "Magkaiba pala kayo ni ate. Si ate naman basta pagod napakadaling makatulog, parang nakainom lang ng mintam. Dapat pala pinapainom ka ng mintam." Tumawa ng mahina si Luna. Sa kaniyang pagtigil, napansin niya ang katahimikan ng katabi. "Oh bakit bigla ka namang tumahimik? Kanina lang tumatawa ka din ah."

"Ah, kasi... bigla kong naalala yung nangyari sa amin ng kapatid ko nung araw na namatay ang mga magulang namin," pabulong na tugon ni Isko. "Hindi ko alam na pinainom pala kami noon ng mintam na nakahalo sa sago, kaya hindi ko man lang namalayan ang mga pangyayari."

Nabigla si Luna sa sinabi ni Isko. "Pasensiya na, Isko," nahihiyang sabi ni Luna. "Hindi ko alam na may hindi magandang alaala sa'yo ang mintam."

"Hindi ko rin alam 'yon nung una. Kaya naman pala wala kaming kamalay-malay noon sa nangyayari ay dahil sa mintam. Siguro kung gising lang ako noon, baka may nagawa pa ako para maisalba ang buhay ng mga magulang ko."

Nagtaka si Luna sa tinuran ng binata. Paano niya matutulungang mailigtas ang mga magulang sa isang aksidente?

"Hindi isang aksidente ang kinamatay ng mga magulang ko," pahayag ni Isko. Para bang nabasa niya ang isipan ni Luna. "Sinadya ang pagkamatay nila." May diin sa huli niyang salita.

"Paano mo naman nasabing sinadya? Hindi ba't wala kayong malay ng kapatid mo? At bakit mo nasabing pinainom kayo ng mintam noon?" pagdududa ni Luna.

"Isang malapit na tao ang nagsabi sa akin ng buong pangyayari. Makalipas ang mahabang taon, nagkaroon rin siya ng lakas ng loob upang sabihin sa akin ang matagal ng lihim," sagot ni Isko.

"Sino?"

"Hindi na importante kung sino s'ya. Ang mahalaga ay nalaman ko ang katotohanan. At dahil sa nakuha kong impormasyon, napilitang aminin sa'kin ni tatay Tonio ang buong nangyari." Bumuntong hininga si Isko, at matapos ang ilang saglit na katahimikan, muli siyang nagsalita.

"Isang linggo bago mamatay ang mga magulang ko, pinlano nilang tumakas sa barrio. Sa susunod na buwan noon ay tutuntong na sa ika-apatnapu ang edad ng inay, kung kaya't nag-isip si itay ng paraan upang hindi matuloy ang pag-aalay kay inay. May kinausap daw noon si inay sa barrio na tutulong sa kanilang pagtakas. Bagama't delikado ang planong iyon, pumayag ang kausap ni inay na tulungan sila kapalit ng malawak na lupaing sakahan ng aming pamilya. Noong araw ng pagtakas, matapos naming makapananghalian, nakatulog kaming magkapatid. Ang paliwanag ni tatay Tonio, maaaring ginawa raw iyon nina inay para mapigilan kaming lumabas ng bahay sa araw na iyon, at para maiwasan din ng mga magulang ko ang posible naming pagtatanong o pang-aabala o pagkakita namin sa kanila sa ginagawang paghahanda para sa pagtakas sa gabi."

Nanatiling walang imik si Luna. Intresado siyang malaman ang nangyari noon kung kaya't hinayaan lang niyang magkuwento ang binata.

"Pagsapit ng dapit-hapon, dinampot ang aking mga magulang ng mahigit sa sampung taong pumunta sa aming bahay. Nalaman daw nila mula sa taong tutulong sana sa amin ang planong pagtakas ng aking mga magulang. Ang sabi ni tatay Tonio, ang motibo raw nung taong nagsumbong ay para hindi s'ya pagdudahan sa barrio kung bakit bigla-bigla ay aangkinin niya ang lupain namin. Sa tingin ni tatay Tonio, takot rin ang taong iyon na madamay sa gulo. Dahil kung bigla nga naman mapapa-sakan'ya ang mga ari-arian namin, siguradong iisipin ng lahat na may kinalaman s'ya sa pagtakas namin. Pero hindi pumayag si tatay Tonio na ibigay ang lupain namin sa taong iyon, kahit na isinusumbat nitong 'kung hindi dahil sa kaniya ay hindi mahuhuli ang mga magulang kong nais magtaksil sa barrio natin.' Ang sabi ni tatay Tonio, obligasyon ng bawat taga-barrio ang magsumbong sa mga bagay na alam nilang labag sa ating lugar. Dahil maaaring magdulot ito ng kapahamakan sa lahat.

"Nang dinala ang itay at inay kay tatay Tonio upang usigin, hindi niya sila hinatulan ng mabigat na kaparusahan. Ang pagiging malapit na kaibigan ni tatay Tonio sa ang aming pamilya ang dahilan nito. Ngunit hindi ito matanggap ng marami, kung kaya't walang nagawa si tatay Tonio kun'di ipaubaya na lamang sa nakararami ang hatol. Kamatayan ang nais ng marami, at hindi na ito natutulan pa ni tatay Tonio. Simula pa lamang, iyon daw talaga ang hatol sa mga taong gustong talikuran ang Lunangayin."

Kinapa ni Luna ang kamay ni Iskong nakalapag sa kaniyang tabi, saka ito hinawakan ng buong pagmamalasakit. Sinuklian naman ito ni Isko ng isang mahigpit na hawak.

"Sa mahabang panahon, pinalabas nila sa aming magkapatid na namatay sa isang aksidente ang aming mga magulang. Ang jeep daw namin na sinakyan nila noong gabing iyon ay tumama sa isang puno sa kalsada. Wasak daw ang sasakyan kung kaya't hinayaan na lang daw doon at hindi na kinuha pa. Sa matagal na panahon, pinaniwalaan ko ang kasinunghalingang iyon. Yun naman pala, walang katotohanan ang aksidente at ang wasak naming sasakyan. Kinuha daw ang jeep namin ng taong nagtraydor sa aking mga magulang at ito'y binenta. Hinayaan na lang daw 'yon ni tatay Tonio para hindi na raw manggulo pa ang taong 'yon." Humingang muli ng malalim si Isko. "Napakasama ng taong 'yon. Sinira niya ang pamilya ko. Pinatay niya ang mga magulang ko." Bagama't kalmado ang boses ni Isko, ramdam ni Luna ang natatagong poot sa bawat salita nito. "Napakasakit din isipin na ang mga taong itinuring mong pamilya sa ating barrio ang s'ya ring magiging dahilan ng pagkasira ng buhay mo. At ang tradisyon na niyakap natin sa mahabang panahon ang siya ring wawasak sa lahat ng pangarap mo."

Hindi napigilan ni Luna ang sarili na yakapin ang binata. Hindi lang dahil sa awa na kaniyang nadarama para rito, kung hindi dahil na rin sa nagkakaisa nilang galit laban sa tradisyon sa barrio.

Nais sana niyang malaman ang taong tinutukoy ni Isko na nagtraydor sa kaniyang pamilya, at kung paano pinarusahan at ano ang totoong kinamatay ng kaniyang mga magulang. Ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan, tila ba naumid ang kaniyang dila't hindi niya magawang magsalita. Inisip na lang niyang baka ito'y dala marahil ng kaniyang pangambang manariwang muli sa binata ang hinagpis sa mga nangyari, at manumbalik ang matinding poot sa taong naging dahilan ng pagkamatay ng kaniyang mga magulang.

Hinarap ni Isko si Luna at hinaplos nito ang malambot na pisngi ng dalaga. Sa mga sandaling iyon, ang nais lamang ni Luna ay maibsan ang hinanakit ng binata sa mga nangyari sa nakaraan.

Nang hinalikan ni Isko ang mga tuyong labi ni Luna, siya'y pumikit. Hinayaan ng dalagang mabalot siya ng init na nagsisimulang sumibol sa kanilang mga dibdib.

Bakit ko hinahayaang ibigay ang sarili ko sa taong ito? Dahil ba ito sa awa, o simpatya sa bigat ng pinagdaanan niya? O dahil... may pagtingin na rin ako sa kaniya? Hindi kaya... dahil lang ito sa pagtanaw ng malaking utang na loob? Sa pagligtas niya sa akin, sa aking mga kaibigan at kay inay?

Continue Reading

You'll Also Like

29.7M 988K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.
33.5K 987 14
Bata pa lamang siya, alam na niyang may mali sa kaniyang pamilya. Mas naging kahina-hinala pa nang matuklasan niyang konektado ang buhay niya sa isan...
692K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...
20.1K 690 49
Ngayong magkasama na ulit ang magkababatang si Kyouko Yukito at Ren Austort. Anong mangyayari? Manatili kaya ang galit nila sa isa't isa o magkapataw...