Tatta Hitotsu no Koi (COMPLET...

By YaneyChinita

60.8K 1.2K 53

"I've always thought that someday you're going to be mine." Erika was a frustrated romance writer. Lahat ng... More

CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER NINE
FINAL CHAPTER

CHAPTER EIGHT

4.2K 85 0
By YaneyChinita


ILANG araw matapos ang bakasyon nila sa Japan ay nagbalik na sila ng Pilipinas. Bumalik na rin siya trabaho sa kompanya ng kanyang mommy at patuloy parin siyang nagsusulat ng nobela. Matapos ang trabaho niya ay sinundo siya ng binata sa opisina at dumaan muna sila sa studio ng Stellar Records na siyang opisina ni Danny Meneses dahil may rehearsal ang banda nito. Nakagawian na nila gabi-gabi, basta may pagkakataon ay sabay silang nagdi-dinner.

"Honey." Agad na sumugod kay Shinji ang babaeng nasalubong nila sa hallway at tumawag dito ng "honey". Walang sabi-sabing niyakap nito sa leeg ang lalaki at hinalikan sa mga labi.

Nanlaki ang mga mata ni Erika nang masaksihan niya iyon. Tila tuod naman si Shinji na hindi nakakilos.

"Aherm!" Malakas na tumikhim siya para kunin ang pansin ng kasintahan. Narinig iyon ng binata kaya kagyat itong umatras sa babaeng humalik dito at kinalas ang mga braso nitong nakapulupot sa leeg nito.

"I missed you, Shinji, honey. I have been looking for you." Napaka-cheerful ng tinig nito. The woman was tall; she could almost reach Shinji's height. She was skinny as a stick like a typical fashion model. She had a perfect tan skin, shiny long brown hair and almond eyes. The woman was beautiful she looked like she stepped out straight from Vogue magazine. Iniangkla nito ang isang braso nito sa braso ni Shinji. Touchy-touchy ito sa nobyo niya.

She smells trouble.

Sunud-sunod ang naging pagtikhim niya nang tila hindi parin siya napapansin ng babae. Kumunot ang noo nito nang sa wakas ay mapansin siya nito. Base sa rehistro ng ekspresyon ng mukha nito, hindi nito nagugustuhan ang nakikita sa kanya.

"Who is she?" nakataas ang mga kilay na tanong nito kay Shinji.

Inalis ni Shinji ang kamay ng babae dito nang pandilatan niya ito. "She's Erika, my girlfriend." Lumapit sa kanya si Shinji at inakbayan siya. "Erika, she's Alessandra Meneses."

Nakita niya pag-asim ng mukha ng mukha ni Alessandra nang sabihin ni Shinji na girlfriend siya nito.

Alessandra Meneses... Bakit tila narinig na niya ang pangalan nito kung saan? Mabilis na pinagana niya ang kanyang isip. Ang buong akala namin kathang isip lang niya iyon para itaboy si Alessandra. Ito ang nabanggit na pinsan ni Danny. Base sa mga kilos nito sa harap ni Shinji, natitiyak niyang higit pa sa isang common acquaintance ang dalawa.

"You already got yourself a new girl?" tila ayaw bumaba ng isang kilay nito sa katitingin sa kanya. "Or are you just trying to make me jealous, honey?"

"Alessandra, don't start, okay?" mahinahon ngunit may babala sa tinig ni Shinji.

"Shinji, start na ng practice." Ani Radley nang makita sila sa hallway. "Oh, hi Alessandra. Akala ko nasa New York ka pa para sa fashion week." Baling nito kay Alessandra.

Tinanguan ni Shinji si Radley. "Hindi naman kami magtatagal. Two hours tops." Sabi ni Shinji sa kanya.

"No need to worry." Nakangiting sagot niya. Sandaling nakalimutan ang presence ng sosyal at sopistikadang si Alessandra.

He smiled. Tiningnan nito si Alessandra. "We'll go ahead." Anito sa babae.

"I'm staying here. I have to talk to Kuya Danny." Animo ay prinsesa na sabi nito.

Naglakad sila papasok sa studio. Agad na pumuwesto si Shinji sa recording booth kasama ang mga kabanda nito. Pumuwesto naman siya sa isang gilid kasama ang manager ng mga ito na si Miss Loraine at pinanood ang mga ito.

Nang makaramdam ng tawag ng kalikasan ay nagtungo siya sa comfort room at naabutan niya roon si Alessandra na abala sa pagre-retouch ng make-up nito. Tiningnan siya nito mula sa salamin. Bahagyang ngumiti siya rito bago pumasok sa isa sa mga cubicle.

Paglabas niya sa cubicle ng comfort room ay naroon pa rin si Alessandra. She puckered her red lips. Tumabi siya rito at naghugas ng kamay. Hinahagod siya nito ng tingin. Sinalubong niya ang mga tingin nito sa salamin. Parang may mabigat na vibes sa loob ng comfort room.

"Shinji's girlfriend." Tila asido sa bibig nito ang sinabi.

"Alessandra." Tukoy niya rito.

"I can't believe you were the girl he was talking about," She made a 'tsk' sound. "But I can always have him back, you know. I always do. We have good times together for so many years." Nagmamalaking sabi nito. Humarap ito sa kanya, humalukipkip. "I know what he wants and I know how to please him. How about you?"

"Ano'ng ibig mong sabihin?" ano ba ang gustong mangyari ng babaeng ito? Mula pa kanina ay nahahalata niya na hindi siya nito gusto. Well, the feeling is mutual. Hindi aasta ito ng ganito sa kanya kung isang simpleng kaibigan o kakilala lang ito ni Shinji. She had a feeling she was more than that.

Umismid ito. "Don't act stupid. You know what I'm talking about! Shinji is a normal guy who loves to have a fun roll on the bed. Haven't you tried it with him?" malisyosang tumawa ito.

Hindi niya alam kung ano ang itutugon dito. Ramdam niya ang pamumula ng mukha niya sa sinabi ni Alessandra. Kahit kailan ay wala pang namagitang seksuwal sa kanila ni Shinji!

"I already knew the answer seeing how red your face is now." Hinawakan nito ang balikat niya. Mistula siyang si David na nakatingala kay Goliath habang nakayuko ito sa kanya. Bumulong ito sa tainga niya. "He always comes back to me when he's not satisfied with his partner. Sa tagal ng pinagsamahan naming dalawa kabisado ko na siya." Mas malamig pa sa snow tuwing winter ang boses nito na ikinatayo ng mga balahibo niya sa batok.

Hindi siya nakapag-react sa mga sinabi nito.

Alessandra flipped her hair gracefully. "It's nice to meet you!" sarcastic na sabi pa nito. She smiled at her but her eyes were devilish. Humakbang ito palabas ng comfort room.

Ilang segundo ang lumipas bago siya naka-recover sa pagkakatigagal sa mga sinabi ni Alessandra. Kapagkuwan ay bumalik na siya sa loob ng studio na dala sa kanyang isipan ang sinabi ng babae.

"BAKIT kailangang mas marami kang fangirls?" Ani Erika kay Shinji. Tinapunan niya ng tingin ang labas ng bintana. Ang mga fans nito ay nagmimiron sa labas ng recording studio. Lately ay naiinis siya sa tuwing lumalapit dito ang mga babaeng fans nito. Irasyonal man kung iisipin, pakiramdam niya, lumingat lang siya sandali ay mawawala na ito sa kanya.

Isang linggo na mula nang huling makatapak siya sa Stellar records. At mula nang araw na iyon ay naging hectic na ang schedule nito. But he always finds time to be with her, gaya na lang ngayon. Nasa loob sila ng isolation booth kung saan magre-record ito at mga ka-banda nito ng mga kanta. Gaya nang nakagawian ay sinundo siya nito sa opisina nila after office hours at isinama siya nito roon.

"Why are you suddenly being jealous?" naaaliw na tanong nito sa kanya.

Bumuntong-hininga siya bago ibinalik ang paningin dito. "The worst thing that you can do to me is to cheat on me." Sabi niya rito. There was fear that was slowly growing inside her. Nang makauwi siya sa kanilang bahay nang gabing makilala niya si Alessandra Meneses ay agad niyang g-in-oogle ang pangalan nito. Nalaman niyang isa itong international fashion model at matagal nang nali-link kay Shinji. Nakumpirma rin niya—ayon sa mga article na nabasa niya na matagal din na nag-date ang dalawa. Sa buong buhay niya ay no'n lang siya inatake ng insecurity sa katawan. Isang sikat na modelo at isang rockstar—isang tingin palang sa dalawa ay walang hindi magsasabi na "match made in heaven" ang dalawa. Ano ang laban niya?

"Sa tingin mo, magagawa ko na pagtaksilan ka?" nakataas ang mga kilay na tanong nito.

Naalala na naman niya ang banta ni Alessandra Meneses sa kanya. But I can always have him back, you know... "I'd do anything for you, just be faithful to me."

Ini-lock nito ang pinto at saka isinara ang venetian blinds sa glass window. Binuhat siya nito at inilapag sa ibabaw ng mesa roon. His fingers lightly crawled on her skin. "Anything?" Pilyong sabi nito. Alam niya kung ano ang naglalaro sa isip nito.

Kinabahan siya. "A-anything except that." Aniya na iniwas ang mga mata dito. Alam niyang sa panahon ngayon ay maraming nang magkakarelasyon ang may intimacy ngunit hindi pa siya handang gawin ang bagay na iyon.

Pumagitna ito sa mga hita nya, hinapit siya at ninamnam ang mga labi niya. "You know what, babe? I could wait until we get married," he groaned under her mouth. "Your lips are sweet; I can go on kissing you forever." He said in between kisses.

Nang sandaling iyon ay nakalimutan niya ang lumiligalig sa kanya dahil sa mga halik nito.

"EEEHHH!!!!" napatili si Erika matapos niyang maibaba ang telepono sa katangan niyon. Para siyang nasa cloud nine ng mga sandaling iyon. Tumatalon-talon siya at nagsisigaw sa kanilang living room.

Her mother rushed to the living room. Hinampas siya nito ng throw pillow sa kanyang ulo. "What's happening to you?" nagugulumihanang tanong sa kanya nito.

Kay lapad ng ngiti niya matapos siyang huminga ng malalim at humarap sa kanyang ina. "Mommy, finally... I did it! Simula sa araw na ngayon, officially, writer na ako!" pagkasabi niyon ay muling tumili siya.

Matapos ang isang buwan na paghihintay sa resulta ng ipinasa niyang manuscript sa Hearts In Love, sa wakas malapit nang mai-publish ang nobela niya! Her two manuscripts were approved. Sobrang ligaya niya! After five rejections, heartache and a new found love, nagkaroon ng bunga ang lahat ng pagsusumikap at pagpupuyat niya!

"Congratualtions baby! I'm so happy for you!" niyakap siya ng kanyang ina na maligayang-maligaya rin para sa kanya.

"Thank you, mommy!"

"Alam na ba ni Shinji?" nakarating na rito na nobyo na niya si Shinji. At masaya ito para sa kanila. Sabi pa nito, tama ito na may bagong siyang mamahalin.

"I want to surprise him. Pupuntahan ko siya sa bahay niya. Pero malamang busy iyon ngayon. Kare-release lang ng bagong album nila. They're doing the promotions."

She was very thankful to Shinji. Kung hindi dahil dito ay malamang nag-give up na siya sa pagsusulat nang mga panahon na hindi gumagana ang utak niya. Dahil sa words of encouragement nito ay ginanahan siyang magsulat. Dahil dito ay nakagawa siya ng perfect hero para sa nobela niya.

Tinawagan niya ang numero ng cellphone ni Shinji. Nakatatlong ring muna bago nito sinagot iyon.

"Yes, babe?" anito sa kabilang linya.

"Nasaan ka?" naririnig niya ang ingay sa kinaroroonan nito.

"Victory party." Masayang sabi nito. Binanggit nito na sa loob lamang ng isang linggo after mai-release ang album ng banda nito ay malaki agad ang benta niyon at nag-number one sa album charts.

She was happy for him.

"May sasabihin ako sa'yo pero gusto ko kapag nagkita na ulit tayo." animated na sabi niya. Tatlong linggo silang hindi nagkikita dahil sa kawalan nila ng panahon. Matapos ang recording ng album ng Vampyres ay naging abala ito sa iba pang bagay na kaakibat ng pagiging musikero nito. Mas naging busy pa ito nang mailabas na ang album ng mga ito. Minsan lang silang magkausap sa telepono. Ayaw niya kasing gambalain ito. Siya naman ay naging abala rin sa pagsusulat ng manuscripts. Actually, sa loob ng tatlong linggo ay nakapag-produce siya ng dalawang manuscript.

"I can't wait to see you!"

"Shinji, honey..." malambing na sabi ng isang boses na sa palagay niya ay malapit lang sa tabi nito.

Kumunot ang noo niya nang marinig ang tinig ng isang babae sa background. Tila pamilyar iyon sa kanya.

"'Sorry babe, but I have to hang up the phone. May mga dumating na press people." Anito.

"Sino ang kasa—" naputol ang sasabihin pa sana niya nang mawala ito sa linya. Itatanong sana niya rito kung sino ang katabi nito sa mga sandaling iyon.

Pinalis niya ang inis na umahon sa dibdib niya sa kaisipang kasama nito si... kahit ang pangalan ng babae ay ayaw niyang isipin. Ibinalik niya ang masayang mood niya kanina.


Continue Reading

You'll Also Like

96.5K 1.7K 10
This is the second book. Please meet Nico and Cha-Cha and enjoy Japan! :) "Alam ko sa kaibuturan ng puso ko na darating din ang araw na magtatagpo an...
199K 3.4K 27
Dahil sa sakit na dulot ng unang pag-ibig ay pinili ni Katelyn na maging loner. Inabala niya ang sarili sa pagtatrabaho bilang interior designer kays...
1M 33.2K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
59.6K 869 13
Plain and ordinary, iyon si Gary para kay Ji Hyo. Weird but cute, iyon naman si Ji Hyo para kay Gary. Kapag pinagsama silang dalawa, Monday...