Tatta Hitotsu no Koi (COMPLET...

By YaneyChinita

60.8K 1.2K 53

"I've always thought that someday you're going to be mine." Erika was a frustrated romance writer. Lahat ng... More

CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
FINAL CHAPTER

CHAPTER FIVE

5.2K 108 0
By YaneyChinita


MAAGANG gumising si Erika kinabukasan. Pagkatapos maligo at magbihis ay lumabas na siya ng kanyang kuwarto. Balak niyang magsulat agad pagkatapos niyang mag-almusal. Kagabi ay may naisip na siyang panibagong plot. Naisulat na niya ang out-line niyon—at hindi niya hahayaang mawala sa kanya ang ideyang iyon.

Pagpasok niya sa kusina ay naabutan niya si Shinji na naghihiwa ng avocado at cucumber. Nag-angat ito ng tingin nang mapansin siya. "Ohayou Gozaimasu!" bati nito sa kanya. Sandaling hinagod siya nito nang tingin. Parang may kuryenteng nanulay sa buong katawan niya sa ginawa nitong iyon. Kapagkuwan ay ibinalik nito ang atensiyon sa hinihiwa.

"Good morning." Ganting-bati niya. Pinilit niyang maging kaswal ang kanyang tinig. Hayun, na naman kasi ang eratikong tibok ng puso niya sa tuwing nasisilayan ito. Alam ba ng mga fans nito kung gaano ito kaguwapo sa umaga?

"Take a seat. Malapit na akong matapos dito." Anito.

"Ano 'yang ginagawa mo?" curious na tanong niya nang maupo siya sa silya sa harap ng dining table. Somehow, kalmado na ang estado ng puso niya.

"Ah, 'eto? Sushi rolls." Inilagay nito ang nori sa ibabaw ng sushi rolling mat saka pinatungan ng Japanese rice ang nori.

"Hindi ba parang napakaaga pa para gumawa ka niyan?" Oras palang ng agahan pero sushi ang ginagawa nito.

"Walang pinipiling oras ang tiyan ko pag nagke-crave ako sa sushi," wika naman nito.

"Sushi for breakfast?" Ang weird naman nito. Napailing na lang siya. Aside from being a talented musician, magaling rin ito sa pangungusina. Nagmana ito sa tatay nitong magaling magluto at isang chef.

"Hindi ba, favorite mo rin 'to?" Mayamaya ay sabi nito.

"Huh?" hindi niya gaanong narinig ang sinabi nito dahil abala siya sa pagmamasid dito.

"Puro ka na lang 'huh'. Kagabi ka pa." Tumawa ito. "Nalimutan mo na bang madalas kitang gawan nito pag nalulungkot ka?"

"Of course not," siyempre hindi niya nakakalimutan ang bagay na iyon. "Kaya lang... nakakapanibago. Matagal na 'kong hindi nakakatikim niyan." Mula kasi nang iwasan niya ito noon ay iniwasan na rin niya ang pagkain ng sushi. Tanging ang sushi na ginagawa nito ang pasado sa panlasa niya.

Itinapat nito sa bibig niya ang chopsticks na may sushi. "Tikman mo kung puwede na."

Saglit na nag-alangan siya dahil naiilang siya sa ginawa nito—at as usual sa presensya nito—ngunit mas nanaig ang dikta ng isip at sikmura na isubo ang sushi. Sa tingin palang ay nakakatakam na iyon.

"Masarap!" aniya habang nginunguya ang sushi.

"Good." Ang lapad ng ngiti nito, showing his perfect set of straight pearly white teeth.

Bigla siyang nasamid sa ngiti nitong iyon. Naipukpok niya ang kamao sa kanyang dibdib.

Agad naman siyang dinulutan ng tubig ni Shinji. "'Kala ko ba masarap? Eh, bakit nahihirinan ka r'yan?" nakakunot-noong tanong nito, hinagod pa ang kanyang likod.

Kung makangiti ka naman kasi, eh! Nais sana niyang sabihin dito. Inubos niya ang laman ng basong ibinigay nito. "May nakaalala yata sa 'kin." Sa halip ay sabi niya nang mahimasmasan siya.

"Oh, okay." Inilapag nito sa harapan niya ang bamboo sushi tray na sa palagay niya ay may more than thirty pieces na sushi.

"Parang ang dami naman nito." Komento niya. Sa dami niyon, naisip niya kung anong oras pa ito gumising para gawin ang lahat ng iyon.

"Share tayo. Pero para talaga sa'yo ang mga 'iyan." Tumalikod ito at naghugas ng mga kamay sa lababo.

"Para sa 'kin?" nagtatakang tanong niya, sumubo siya ng sushi. May sumagi sa isip niya ngunit agad niyang inawat ang sarili. Hindi tamang maging assuming siya. He's just being kind.

"Yep. Naisip ko kasi na baka depress ka parin dahil sa ginawa ng ex mo sa'yo." Humarap ito sa kanya nang makapag-punas na ito ng mga kamay sa dish cloth, saka naupo sa tapat niya. "Naaalala ko na comfort food mo ang sushi kaya naisip ko'ng gawan kita n'yan."

Alam nga pala nito ang nangyari sa kanila ng ex-boyfriend niya. Dito niya ibinuhos ang sama ng loob niya nang gabing magkatagpo sila sa isang bar sa Timog. Parang gusto niyang maiyak sa sinabi nito. Sweet and thoughtful parin ito. "Thank you." Nginitian niya ito. The first smile she had given him after seeing him again.

"It's nothing. I just hope favorite mo pa rin itong sushi na gawa ko." Kapagkuwan ay mataman siya nitong pinagmasdan. "Kimi ga inakute tottemo samishii yo."

"Walang nagbago sa panlasa ko," tumikhim siya. "Actually, isa ito sa mga nami-miss ko sa'yo." Pag-amin niya na hindi makatingin ng tuwid dito. Hindi lang ang sushi nito ang na-miss niya kundi pati narin ito mismo.

"You do?" tila hindi makapaniwalang saad nito.

Tumango siya. Lumipas ang ilang sandali na nanatili ang katahimikan sa pagitan nila.

"Is this supposed to mean you're not mad at me anymore because of what I... did before?"

"I... I was never mad at you. It's just that... well..." sumubo na lang siya uli ng sushi. Ayaw na niyang ungkatin pa ang bagay na naging rason kung bakit iniwasan niya ito noon at kinalimutan na matalik na magkaibigan sila.

"That happened along time ago..." he paused for awhile, and then he sighed, "I think we should forget about the past and—"

"You're right." Gagad niya bago pa nito matapos ang sasabihin nito. Tama ito. Matagal ng panahon iyon. Dapat nang ibaon sa limot. Move on, kumbaga.

Sa status nito bilang isang sikat na celebrity, kaliwa't kanan ang babaeng nadidikit dito. Napaka-feeling-era naman niya kung iisipin niya na hanggang ngayon ay may pagtingin parin ito sa kanya.

Ginagap nito ang kanyang kamay na nakapatong sa ibabaw ng mesa. "I'm really glad we're okay now." Kababakasan ng saya ang mukha nito. "We're friends again, right, Erika?" paniniyak nito.

"Yeah. Friends." Kung bakit madali para sa kanya na tanggaping muli ngayon ang pakikipagkaibigan nito sa kabila ng mga panahong nasayang sa pagitan nila ay hindi niya alam. Basta ang alam lang niya, it was really nice to be friends with him again. Pero hindi niya malaman kung paano babawiin ang kanyang kamay dito. Ginapangan na naman siya ng kakaibang kilabot na hatid ng mainit na palad nito.

Tila napansin nito ang pagkailang niya. Binitiwan nito ang kamay niya. "Sorry. I was just so happy." Hinging paumanhin nito.

"It's okay." Tanging nasabi niya. Okay-okay ka diyan, Erika?! Paano nga naman siya magiging okay? Kahit hindi na nito sakop ang kamay niya, pakiramdam niya nag-iinit naman ang magkabilang pisngi niya. "U-uhm, may gagawin pa nga pala ako." Paalam na niya rito, tumayo na siya.

"Are you going to do something important?" tanong nito. Tila ayaw pa nitong umalis siya.

Tumango siya. "Kailangan ko kasing simulang sulatin 'yong plot na naisip ko."

"You write? Anon'g genre?" interesadong tanong nito ngunit tila hindi naman ito nagulat sa kaalamang iyon. Sa pakiwari niya ay ibig lang nitong pahabain ang pag-uusap nila.

Muli ay tumango siya. "Yes. Tagalog romance."

"That's nice. I remember na mahilig kang magbasa ng ganyan dati."

"Pero wala pa akong naa-approve na manuscript but it has always been my passion to write romance novels."

"You're a smart girl. I believe you can do it, ang makapagpa-approve ng manuscript." Puno ng kumpiyansang wika nito.

Napangiti siya sa tinuran nito. "You have so much faith in me."

"I have never lost my faith in you."

It felt like there was an imaginary hand that touched the deeper part of her heart because of what he had said.

"YOU WANNA go out?" si Shinji. Katatapos lang nito—fifteen-minutes ago—mula sa pagko-compose ng mga kanta ng hapong iyon.

Napa-angat ng ulo si Erika mula sa pagkakayuko sa kanyang laptop nang marinig ang boses ng binata. He was garbed with a white v-neck shirt, tattered jeans and a pair of Converse sneakers. Gosh! How could he be so yummy? He looked delicious, sa kabila ng simple lang ang suot nitong damit. Nasasanay na uli siya sa presensiya nito ngunit marami pa ring pagkakataon na napapatunganga siya rito. Katulad na lang ng mga sandaling iyon.

"Erika?" pakli nito.

She cleared her mind. "Where to?"

"Kung okay lang sa'yo, yayayain sana kitang mag-dinner sa labas. Baka kasi nagsasawa ka na sa mga pagkain dito."

Ano raw? Dinner sa labas? Was that a date? Asa ka pa! 'Wag ka ngang feeling-era! Pinagalitan niya ang sarili. Simpleng dinner lang iyon. Hindi ba friends na ulit sila?

"Pero kung busy ka, okay lang naman. Kahit next time na lang." Tila ba nalungkot ito nang hindi siya sumagot.

Hindi niya gusto ang pakiramdam na lumukob sa kanya sa nakitang lungkot sa mga mata nito. "I'm not busy. Well, medyo lang naman. Hintayin mo ako. I'll just take a quick shower." Mabilis ang mga kilos na pinatay niya ang kanyang laptop at nagtungo sa kanyang kuwarto.

Record breaking ang ginawa niyang pagligo at pag-aayos. In less than twenty minutes ay binalikan niya si Shinji sa living room. Mukhang hindi naman ito nainip sa paghihintay sa kanya.

"You look lovely." Puri nito na puno ng paghanga nang hagurin siya ng tingin. White blouse, flowered skirt na hanggang mid-tigh ang haba at silver flat shoes ang kanyang getup. Hindi na siya naglagay ng kung anong makeup sa mukha maliban sa BB cream at lipgloss sa mga labi.

Nag-blush siya. "Thanks. Let's go?" yaya na niya rito.

"Sure." Nakangiting sabi nito at iginiya siya palabas ng beach house.

Ang akala niya ay dadalhin lang siya nito sa isang restaurant sa bayan ngunit dinala siya nito sa isang Italian restaurant sa Tagaytay. Wala namang kaso sa kanya dahil hindi naman sila na-traffic sa daan. Eight PM palang naman, makakahabol pa sila sa dinner.

"Would you like to order anything?" ani Shinji nang maupo na sila at hinihingi ng waiter ang order nila.

"Hmmm..." pinasadahan niya ng tingin ang menu. Nag-crave siya sa pasta. "Chicken Al Pesto and watermelon shake." Tugon niya sa binata.

Tumango si Shinji at binalingan ang waiter. "We'll have Chicken Al Pesto, Salisbury steak, fish n' chips, crab and mango salad, 9 inches Italian garlic pizza, watermelon shake and four season for drinks," Binanggit nito ang mga order nila sa waiter.

"Maubos kaya natin ang lahat ng in-order mo?" nakataas ang isang kilay na tanong niya rito nang makaalis ang waiter.

"You know I have a very big appetite."

That was true. Mahilig itong kumain ngunit hindi naman ito tumataba. "Hindi ka parin pala nagbabago. Kahit sikat ka na, matakaw ka parin." Natatawang sabi niya.

"Wala namang nagbago sa 'kin. I'm still the same old 'Shinji' you used to know."

Natigil siya sa pagtawa. Gaya ng madalas mangyari sa kanya lately tuwing tinitingnan siya nito ito ay nag-iinit ang mga pisngi niya. Kung makatingin naman kasi ito ay tila gusto siya nitong... tunawin. Noong mga teenager pa sila ay hindi naman ganoon ang epekto ng mga tingin nito sa kanya. Paanong sa mga nakalipas na taon na matagal na hindi sila nagkasama ay iba na ang epekto niyon sa kanya? Hindi niya maturol ang kasagutan.

Iniwas niya ang tingin dito dahil ilang na ilang na naman siya. Maling move iyon dahil nang mapatingin siya sa entrance ng restaurant ay tumalim ang mga mata niya nang makitang pumasok roon ang talipandas na si Vince. At ang hudyo iba na naman ang kasamang babae! Ang kapal talaga ng mukha!

Nagtama ang mga paningin nila subalit agad itong umiwas ng tingin sa kanya at naglakad kasama ang date nito patungo sa isang bakanteng mesa. Marahil, nakaramdam ito ng hiya sa katawan sa pagkakakita niya rito na may kasama na namang ibang babae. Puwes dapat lang itong mahiya sa kanya sa pinaggagagawa nito.

Napuna ni Shinji ang pagkabalisa niya dahilan upang sundan din nito ng tingin ang tinitingnan niya. Nagsalubong ang mga kilay nito. "The jerk." Nahimigan niya ng pagkayamot ang tinig ni Shinji.

"Sa lahat naman ng Italian restaurant dito sa Pilipinas bakit dito pa sa Tagaytay napadpad ang ungas na 'yan?" himutok niya nang ibaling niya ang pansin sa binatang kasama. Nagngangalit siya sapagkat muli niyang napatunayan kung gaano ka-gago ang kanyang ex-boyfriend. Wala pang isang buwan mula nang mahuli niya ito sa pagtataksil nito ngunit heto ngayo't mayroon na naman itong ibang babae! Hindi matanggap ng pride niya na nabaliw siya sa lalaking iyon.

"I'm sorry that you have to see him here. Kung gusto mo, lumipat na lang tayo sa iba." Suhestiyon ni Shinji.

Umiling siya. "I'm fine. Saka nakakahiya naman kung aalis pa tayo. Nandiyan na ang pagkain natin," inilapag ng waiter sa table nila ang mga in-order nila.

"Sigurado ka?"

Tumangu-tango siya kahit taliwas iyon sa nais niyang gawin ng mga oras na iyon. Kung puwede lang ay kanina pa niya pinalipad ang kanyang baso patungo sa hayup na lalaki. Nagtimpi na lang siya kaysa ang masira nang tuluyan ang mood niya. At hindi rin naman siya ang tipo na eskandalosa sa public place.

"Siguradong-sigurado ka? Kasi baka hindi mo malulon ang pagkain mo kung nandito lang sa malapit ang mga 'yan." Hinayon nito ng tingin ang kinaroroonan ni Vince at ng babaeng kasama nito. "Kung gusto mo sapakin ko ang Vince na 'yon para maiganti kita?"

"Hayaan mo na s'ya. Okay lang ako."

"I'm really sorry, Erika." Tila konsensiyang-konsensiya ito.

"Hindi ka rin makulit, 'no? Ayos nga lang ako." Pang-a-assure niya rito. Nagsimula siyang sumubo ng pasta.

"Hindi lang ako mapakali pag alam kong may bumabagabag sa'yo. Alam mo iyan." Seryosong tugon nito.

Napa-angat siya ng tingin dito. His eyes were truly full of concern. Something touched her heart once again. "I really appreciate your kindness, Shinji." Nginitian niya ito. Naisip niya ng mga sandaling iyon, isang malaking pagkakamali na itinulak niya ito noon palayo sa kanya.

ITINAAS NI ERIKA ang tangan niyang bote ng San Mig Light at nakipag-toast kay Shinji. "Kanpai!" Nang matapos ang dinner nila ay agad silang bumalik sa beach house. Mag-a-alas-doce na ng gabi nang makauwi sila. Niyaya niya ang binata na uminom sila kahit kaunti sa may tabing-dagat. Nag-iinom siya hindi dahil nade-depress siya sa pagkikita nilang muli ni Vince kanina, kundi dahil masaya siya na may isang bagay siyang napagtanto na nakapagpagaan sa loob niya. Dahil hindi naman siya likas na tomadora, San Mig Light lang ang binili nilang alcoholic drink nang mapadaan sila sa isang convenience store.

Nakipag-toast sa kanya ang binata. "Hulaan ko, nagngingitngit ka parin hanggang ngayon du'n sa ex mo kaya niyaya mo akong mag-inom. Kasalanan ko kung bakit nakita mo ulit siya. I'm sorry."

Inilapag niya sa buhangin ang bote ng San Mig Light. "OA mo na, ha! Kanina ka pa r'yan sorry nang sorry. Wala kang kasalanan, okay? Forget it."

"Kung hindi kita dinala ru'n, hindi sana natin nakita ang ungas na 'yon!"

"'Wag ka nang ma-bother du'n," kapagkuwan ay napabuntong-hininga siya, saka tumanaw sa dagat. "Pero siyempre inaamin ko, nasaktan ako sa ginawa sa'kin ng tarantadong 'yon. Sino ba ang matutuwa? Imagine, three years ang pinagsamahan namin," natawa siya sa katangahan niya. "Nakakainis lang, ang tagal kong naging tanga sa kanya!" ngayon ay nagpapasalamat siya na nagising na siya sa kabaliwan niya kay Vince. Tama si Rachel. Girlish crush lang ang naramdaman niya para kay Vince. Oo, may galit parin sa puso niya dahil sa ginawa nito ngunit hindi na iyon kasintindi gaya ng dati. Sigurado siya sa bagay na iyon.

"I'm sorry that had happened to you." He took hold of her hand. "I really don't like that guy, ever since."

Noon pa man ay hilig na nito ang hawakan ang mga kamay niya. Normal sa kanila ang physical contact ngunit hindi niya maintindihan kung bakit ngayon ay may kakaiba siyang nararamdam sa tuwing hahawakan siya nito. His warm hand sent a jolt of electricity through her entire body. It was as usual awkward—but she nevertheless liked it.

"You must have really hated him, huh?" she laughed. Hindi niya malilimutan kung gaano ito kainis kay Vince noon sa tuwing nababanggit niya ito dito.

"Uh-huh. But I'm really glad na break na kayo."

Napabaling siya rito na salubong ang mga kilay dahil sa sinabi nito.

"Well, I just thought you deserve someone better." Nahuli niya ang tila pag-ngiti nito bago nag-iwas ng tingin sa kanya, saka binitiwan ang kamay niya. Pakiramdam niya ay bigla siyang nilamig sa ginawa nitong iyon. Tumungga itong muli ng beer.

Someone like you, gano'n? Gusto niyang batukan ang sarili sa naisip. Asa pa talaga siya!

Nanaig ang katahimikan sa pagitan nila ng ilang saglit. Patuloy lang sila sa pagtungga ng light beer habang nakatingin sa magkaibang direksyon. Siya ay nakatingala sa langit, ito naman ay sa dagat.

"Marami ka na sigurong nagawang kanta." Mayamaya ay sabi niya upang magsimula ng panibagong usapan.

Sinulyapan siyang muli nito. "Yes. When I'm inspired, I can write countless songs. Ikaw, kumusta ang pagsusulat mo ng nobela?"

Uminom siya muli ng beer bago sinagot ang tanong nito. "May progress naman kahit pa'no. Nakakatulong na pumarito ako."

"So, the reason that you're here is to find your muses?"

She nodded. "That and to forget about that prick Vince."

"Mabuti iyan." Tumangu-tango ito. "Seriously though, ang inspirasyon ay madali lang mapulot sa kung saan. Try listening to music. Think of beautiful and positive things. Go out and experience things outside your comfort zone. Observe people around you. I know you can do it, Erika, the things you have always dreamed of." He said thoughtfully.

"Thanks for the words of encouragement, Shinji." Her heart was overflowing with gratitude for this man beside her. She was happy she had someone like him in her life.

"I guess I have to thank Vince. If it weren't for him, you wouldn't be here with me." He said softly without looking at her.

Hindi nakaligtas sa pandinig niya ang huling sinambit nito. Ano ang ibig sabihin ng mga salita nitong iyon? Some hope rose in her heart but she send it away immediately. Puwede ba, Erika, tantanan mo na 'yang ilusyon mo na patay na patay parin si Shinji, sa'yo.

yXy}

Continue Reading

You'll Also Like

1M 33.1K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
95.6K 1.8K 10
Plano ni Jeena na Huwag magtagal sa Quiñones Publishing Company. Kailangan lang niya ng work experience para makapag-apply siya sa mas malaking publi...
59.6K 869 13
Plain and ordinary, iyon si Gary para kay Ji Hyo. Weird but cute, iyon naman si Ji Hyo para kay Gary. Kapag pinagsama silang dalawa, Monday...
24.3K 486 11
"Ikaw raw ang babaeng magpapangiti sa akin araw-araw kahit na may mabigat na problema akong pinagdaraanan. Ikaw raw ang babaeng magpapatawa sa akin k...