The Princess' Heart (Complete...

By loveorhatethisgurl

5.1M 48.4K 3.7K

Love story of Yumi and Kurt's daughter named Louise Princess Montefalcon.. More

Prologue
Chapter 1: Masquerade Ball
Chapter 2: Weekend Date
Chapter 3: The Noise
Chapter 4: Death Anniversary
Chapter 5: Man to Man
Chapter 6: The Suitor
Chapter 7: Bacon and Mushroom
Chapter 8: Birthday Party
Chapter 9: Cinderella's Shoe
Chapter 10: Cruise Trip
Chapter 11: Locked Up
Chapter 12: Mysterious Girl
Chapter 13: I'm no Cinderella
Chapter 14: Bad Day
Chapter 15: A Chance
Chapter 16: Double Date
Chapter 17: Heart vs Mind
Chapter 18: Bet
Chapter 19: Stormy Afternoon
Chapter 20: First Night
Chapter 21: Talk of the Town
Chapter 22: Misha
Chapter 23: Kaylee's Confessions
Chapter 24: Flashback
Chapter 25: Kurt's Plan
Chapter 26: Xander's Version
Chapter 27: A night to remember
Chapter 28: I'm Your Man
Chapter 30: What a Relief!
Chapter 31: Alexander's Secret
Chapter 32: A Favor to Ask
Chapter 33: Man in Black
Chapter 34: Blackmail
Chapter 35: Monthsary
Chapter 36: A Threat
Chapter 37: An Accident
Chapter 38: Not an Accident
Chapter 39: Untitled Feelings
Chapter 40: Missing Bacon
Chapter 41: Unanswered Questions
Chapter 42: Evil Witch
Chapter 43: Dreams vs Reality
Chapter 44: Night Life
Chapter 45: Revelation
Chapter 46: Coincidence
Chapter 47: Stood Up
Chapter 48: Prisoner
Chapter 49: Invitation
Chapter 50: The Plan
Chapter 51: He's here
Chapter 52: Note
Chapter 53: Unexpected Guest
Chapter 54: STOP!
Chapter 55: Untitled
Chapter 56: Double Celebration
Chapter 57: "I d....."
Chapter 58: Where?
FINALE
Author's Note:
Andrey's Love Story POLL
Codes
Announcement

Chapter 29: Roller Coaster Ride Feeling

82K 718 32
By loveorhatethisgurl

“Sigurado ka bang bukas na agad? Di ba pwedeng next week?”

Tanong ko kay Xander. Hindi ko kasi alam kung anong dapat kung gawin. Kung papayag ba ako o baka pwedeng sa susunod nalang para naman makapaghanda ako. Kinakabahan kasi ako ng bonggang bonnga. Parang sasabog na iyong puso ko dahil sa sobrang lakas ng tibok nito. Iyong tipong konting konti nalang talaga at lalabas na ang puso ko mula sa loob ng katawan ko dahil sa sobrang lakas ng tibok nito.

“Pumayag naman si Dad. Gusto ka din naman niyang makilala.”

Sabi ni Xander habang nakahawak siya sa manibela ng kotse.

“Pero kasi..Natatakot ako.. Paano pag hindi niya ako magustuhan at pag hiwalayin niya tayo?”

Diba naman kasi iyong sa mga napapanood nating telenovala, pag pinakilala ka sa parents ng lalaki minsan ayaw nila sa’yo tapos pinaghihiwalay kayo?

Katulad saMeteorGarden, pinakilala ni Dao ming Si si Sanchai tapos pinaghiwalay sila ng mama ni Dao ming si. Sa Boys over Flowers ganun din nangyari, ayaw din ng Mama ni Jun Pyo kay Jandi. Aissh! Sumasakit ulo ko. Hindi parin kasi mawala sa isipan ko iyong sinabi kanina ni Megan nong nagkita kami.

 

“Oh! Alright. Girlfriend mo siya hindi na ako kokontra don. Alam ko din namang sa’kin kadin mapupunta sa bandang huli! So bye for now and enjoy sa konting panahon na natitira sa inyo!”

Hindi ko maintindihan kung anong konting panahon ang ibig niyang sabihin. Hindi naman ako mamamatay dahil wala naman akong sakit. Baka si Xander? Pero hindi eh, ang lakas lakas nga niya. Tapos sabi pa niya mapapasakanya daw si Xander sa huli. Ehh? Hindi ko nalang sinabi kanina kay Xander na affected ako don sa sinabi ng Megan, ayoko kasing mag-alala pa siya.

“Bakit mo naman nasabing hindi ka magugustuhan ni Dad? Eh ang ganda mo, mabait pa. Nasa sa’yo na lahat. Wala kang dapat ipag-alala.”

Inihinto ni Xander ang kotse dahil sa red light. Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan iyon.

Feeling ko tuloy, parang nawala lahat ng agam agam ko. Hindi naman siguro mangyayari sa amin ni Xander iyong mga iniisip ko. Over lang siguro ako kung mag-isip. Kaya naman hindi nagustuhan ng Mama ni Dao Ming si at ni Jun Pyo ang babaeng gusto nila kasi wala silang pera. Hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko pero wala kaming naging problema pagdating sa pinansyal. May magandang business naman si Daddy Kurt at si Mommy Yumi.

“Sige na nga..”

Pumayag nadin ako sa alok ni Xander.

“Pwedeng humingi ng isa pang favor?”

Tanong ni Xander sa’kin. Kumunot iyong noo ko dahil hihirit pa talaga siya ng isa pang favor, pero pinagbigyan ko parin.

“Buti nalang talaga at mahal kita..Anong favor naman iyon?”

Tanong ko sa kanya. May nakakalokong ngiti na nabuo sa kanyang mga labi habang tinitignan ko siya.

“Baka naman pwedeng humingi ng kiss?”

+_+ Sabi ko na nga ba at ito ang hihingin niya.

“Sige pero pikit ka muna.”

Sabi ko Xander. Ipinikit naman niya iyong mga mata niya. Inilapit ko na ang mukha ko sa mukha niya ng biglang…

*beep* *beep*

Pareho kaming bumalik ni Xander sa ulirat namin. Pareho naming nakalimutan na nasa gitna pala kami ng daan.

“Green na iyong light!”

Bulalas ko at inilayo ang mukha ko sa mukha niya.

“Tssk! Wrong timing naman oh”

Natawa nalang ako sa reaksyon ng mukha ni Xander. Hahaha.Parasiyang bata na inigawan ng lollipop.

Pagkatapos ng kalahating oras, nakarating nadin kami sa bahay. Inihinto na niya ang kotse sa tapat mismo ng gate namin pero parang ayoko pang umuwi. Ilang oras na kaming mgkasama ni Xander pero pakiramdam ko kulang padin ang oras namin. Bakit kasi ang bilis ng oras kapag kasama mo iyong taong mahal pero pag brown-out naman ang bagal bagal ng takbo ng oras.

“Sunduin nalang kita dito bukas ng 6:00 PM?”

Tanong ni Xander sa’kin.

“Cge.”

Sagot ko pero ang totoo nag-aalala parin ako. Hindi mawala sa isipan ko kung anong maaring pwedeng mangyari. Baka naman kasi.. +__+

Pero sabi nga nila think positive.

“Huwag kang mag-alala Louise, magugustuhan ka ni Dad. Kung ako nga nagustuhan ng Daddy mo, ikaw pa kaya. You’re perfect for me and makikita iyon ni Dad.”

Napagaan naman ni Xander ang loob ko. Hindi na ako dapat mag-isip pa ng masama.

“Gusto mong pumasok na muna?”

Alok ko kay Xander.

“Huwag na. May kailangan pa kasi akong asikasuhin. Magkita nalang tayo bukas.”

Pagtanggi ni Xander. Medyo nalungkot ako dahil hindi siya pumayag na pumasok na muna pero hindi naman sa lahat ng panahon pwede kaming magsama. May mga oras talaga na kailangan naming asikasuhin ang ilang bagay pero hindi naman ibig sabihin non na kakalimutan na niya ako. Ayoko naman siyang sakalin.

If there’s one thing I learned from Mom, iyon ay ang dapat tratuhin ang boyfriend mo na parang isang anak mo. Hayaan mo siyang maglaro, maging masaya dahil sa dulo naman eh ikaw rin ang iisipin niya at babalik parin siya sa’yo.

“Cge. Papasok na ako. Mag-iingat ka.”

Bubuksan ko nasanaang pinto ng kotse ko ng bigla nalang akong pinigilan ni Xander.

“Let me.”

Saka siya bumaba at umikot papunta sa labas ng pintuan ng passenger’s seat at binuksan iyon.

“Thank you.”

Sambit ko at lumabas na ng kotse.

“Wala man lang bang goodnight kiss?”

Tanong ni Xander. Akala ko nakalimutan na niya ang tungkol sa kiss kanina. Bigla tuloy humapdi ang mga pisngi ko.

Pero bago paman ako nakasagot, hinawakan na ni xander ang mga balikat ko at hinalikan ako sa noo. Parang bumaliktad ang buong mundo ko. Hindi ko maintindihan kung ano ba talaga nag naramdaman ko. Masaya ako, kinakabahan, kinikilig, halo halong emosyon ikanga. Iyong pakiramdam na sumasakay ka sa roller coaster, kinakabahan ka na para bang naiihi ka, pero masaya ka, naeexcite pero pagkatapos ng roller coater ride, isa lang ang maalala mo, masarap sa pakiramdam at gusto mong ulit-ulitin.

“Goodnight Mushroom.”

Hindi parin ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

“Go-Good night din Bacon.”

Ayoko pa sanang matapos pa ang sandaling iyon kaso nga lang kailangan ko ng pumasok.

“Pumasok ka na. Bago pa magbago ang isip ko. hehe. Baka ibulsa na kita pag magtatagal ka pa dito.”

Pagbibiro ni Xander. Ngumiti lang ako sa kanya saka nagpaalam ulit.

“Bye. Ingat ka sa pagdidrive ha?”

Tumango naman siya at kumaway sa’kin. Pumasok na ako sa gate namin na abot hanggang tenga ang ngiti sa mga labi ko.

Sa araw-araw na magkasama kami ni Xander, hindi parin ako makapaniwala na kami na. Noon kasi, hanggang tingin lang ako sa kanya. Parasiyang mahal na baso na nakadisplay sa mga mall, for your eyes only. Hindi sapat ang pera mo para bilhin siya kaya hanggang tingin ka nalang.

“Oh Princess andito ka na pala. Si Xander? Hindi mo ba pinapasok?”

Tanong ni Mommy Yumi sa’kin pagpasok ko ng bahay. Nakaupo lang si Mama sa couch at may hawak hawak na newspaper.

“Hindi na siya pumasok ma may aasikasuhin pa daw siya at isa pa gabi na din.”

Tumabi ako kay Mama at niyakap siya.

“Oh? Masaya ka ata at naglalambing ka ngayon.”

Niyakap naman ako pabalik ni Mama.

Tama nga si Mama, sobrang saya ko ngayon. Halos abot langit ang saya ko dahil kay Xander.

“Ma, gusto po akong ipakilala ni Xander bukas sa Daddy niya.”

“That’s good. Mas mabuti iyon Princess. Ibig sabihin non seryoso talaga si Xander sa’yo.”

Tinanggal ko ang mga kamay ko sa mga braso ni Mommy.

“Pero ma, nagaalala lang ako na baka hindi ako magustuhan ng Daddy niya.”

Iniyuko ko ang ulo ko.

Hinawakan ni Mommy Yumi ang chin ko saka niya itinaas iyon at iniharap sa mukha niya.

“Princess, walang rason para hindi ka magustuhan ng Daddy ni Xander. Believe me, magkakasundo rin kayo. Huwag kang mag-isip ng mga hindi magagandang bagay. Hindi makakatulong iyan.”

Tama si Mama, hindi makakatulong ang pagaalala ko.

“Mas mabuti pa matulog ka na ng maaga para hindi ka magmukhang haggard bukas. Tapos ka na bang kumain?”

Tanong ni Mama sa’kin.

“Opo, nag dinner na po kami kanina ni Xander bago niya ako ihatid.”

“That’s good. Mauna ka na sa taas, hihintayin ko lang ang Daddy mo.”

Tumango lang ako at tumayo sa kinauupuan ko.

“Goodnight Ma.”

Hinalikan ko ang right cheek ni Mommy saka ako umakyat papunta sa kwarto ko. Pero dahil ramdam na ramdam ko parin ang halik na binigay sa’kin ni Xander, alam kong hindi ako makakatulog agad kaya binuksan ko iyong laptop ko at tinype ang google.

What does a kiss on the forehead mean?

 

Kinlick ko iyong pinakaunang lumabas sa google at binasa ang nakasulat.

A kiss on the forehead is a sweet, innocent way of saying he cares about you and you matter to him.

 

Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang mga kamay ko para pigilan ang sigaw na lalabas sa bibig ko. Baka kasi marinig ako ni Kuya sa kabilang kwarto.

*beep* *beep*

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at binasa ang message.

From Xander:

Matulog ka na mushroom. Huwag mo na akong isipin masyado. Hehe ♥

Tinap ko naman ang screen ng phone ko at nagreply sa kanya.

Hindi kita iniisip ahh. Feeling mo.Goodnight bacon. See you in dream land. ♥

..TPH..

 

Tinulungan ako ni Mommy na mag-ayos. Kalahating oras nalang ang natitira at pupunta na dito si Xander. Kinakabahan ako pero excited din. Sana nga lang magustuhan ako ng Daddy niya.

“Ma, ano po iyong mabibigay niyong tip?”

Mas may alam kasi si Mommy tungkol sa mga ganitong bagay kaya siya nalang iyong tatanungin ko.

“Just be yourself. Huwag kang magpanggap and huwag kang mag-isip ng mga hindi magagandang bagay.”

Tama nga si Mommy. Be yourself.

Kaya mo iyan Louise.

 

“You’re done.”

Tinignan ko iyong repleksyon ko sa salamin. Nakalugay lang ang buhok ko, light make up at white dress ang suot ko.

“Thank you Mom. You’re amazing.”

Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko kung wala si Mommy.

“You’re welcome Princess. Baba ka na pagkatapos, parating na dito si Xander.”

Tumango lang ako kay Mommy.

Hinawakan ko ang kanang dibdib ko, ang lakas parin ng tibok ng puso ko. Hindi ko naman kasi inakala na ipakikilala niya ako agad sa Daddy niya. Hindi naman sa natatakot akong ipakilala sa ibang tao, ang pinag-aalala ko lang kasi eh naalala ko iyong sinabi sakin ni Xander non na hindi sila nagkakasundo ng Daddy niya. Pano pa kaya kami? +_+

Tinignan ko ulit ang sarili ko sa salamin bago ko kinuha ang bag ko at bumaba na.

Pagbaba ko, andun na si Xander at hinihintay ako.

“Tayo na?”

Tanong ko sa kanya habang lumapit ako sa kanya.

“Ang ganda mo.”

-____- Konting blush-on lang naman ang inilagay ni Mommy sa mukha ko pero pag ipagpapatuloy pa talaga ni Xander ang pambobola niya sa’kin, baka magmumukha na akong hinog na kamatis nito.

“Thank you.”

Mahinang sagot ko pero talagang kinikilig ako.

Nagpaalam na kami kay Daddy at Mommy pati nadin kay Kuya saka kami umalis ng bahay.

Pagkatapos ng isang oras, nakarating nadin kami sa harap ng bahay nila Xander. Ang laki ng bahay nila. It’s a 2-storey white house. Wala kang ibang makikitang kulay kundi puti lang talaga, pati gate nila puti din ang kulay ng pintura.

“Huwag kang mag-alala andito naman ako.”

Pagpapaalala sa’kin ni Xander.

“Okay lang ba iyong suot ko?”

Tanong ko sa kanya. Baka kasi isipin niya sobrang plain ko, ayoko din namang mag bongga talaga baka kasi isipin naman niyang pick-up girl ako. Gusto ko iyong tama lang.

“You’re perfect. Tayo na?”

Tumango ako saka naman binuksan ni Xander ang pinto ng kotse.

Woo!! Kaya ko ‘to. Ako pa.

Hinawakan ni Xander ang kamay ko habang papasok kami sa bahay nila.

“Good evening Sir. Andito na pala kayo. Kanina pa po kayo hinihintay ng Papa niyo.”

Sambit nong maid nila.

“Good evening din po Ma’am. Kayo po pala ang girlfriend ni Sir. Ang ganda niyo po. Hehe”

Pambobola naman niya sa’kin. Akala ko hindi na ako papansinin eh.

“Good evening din.”

Bati ko naman sa kanya at ngumiti.

Dumeretso na kami ni Xander sa dining room nila at bumungad sa harapan ko ang isang matangkad na lalaki na nasa mid 40’s na. Pero hindi parin maitatago ang pagiging gwapo nito.

“Good evening Dad. Si Louise po pala.”

Pagpapakilala ni Xander sa’kin sa Daddy niya. Kung kanina ang lakas ng tibok ng puso ko, mas lalo namang lumakas ito ngayon. Parang domoble iyong lakas ng tibok ng puso ko.

“Good evening ho.”

Iniyuko ko ang ulo ko para ipakita ang respeto ko sa kanya saka naman ako tumingin sa mukha niya para basahin ang reaksyon niya pero wala akong makita kahit isang reaksyon. Poker face! Hindi rin siya nagsasalita. Hindi ko tuloy alam kong gusto ba niya ako para sa anak niya o hindi.

Continue Reading

You'll Also Like

99.4K 5.4K 26
C O M P L E T E D --- Hindi naniniwala sa multo si Hazel pero hindi niya maikaila na baka totoo nga ang mga ito nang magsimula siyang makaramdam ng k...
2.5M 56.2K 47
PLEASE READ FIRST THE BOOK-1 BEFORE THIS. Thank you so much... Si Andy guwapo pa rin na hindi pa rin gago. At ngayon daddy na sa triplets niyang...
129K 1.1K 6
Kung nai-stress ang mga tao, nai-stress din pala ang ghosts, white lady, ligaw na kaluluwa, at kung ano pang pwedeng itawag kay Amethyst. Dead na...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.