Ruthless Desire

Par Kass-iopeia

1.4M 21.7K 832

WARNING: R18!! Callum was against his father's marriage to Katharina, who was nearly his age, or worse, much... Plus

Prologue
001: How much is your rate?
002: Never seen a sunflower before?
003: Useless Mouth
005
006
007
008
009
010
011
012
013
014
015
016
017
018
019
020
021
022
023
024
025
026
027
028
029
030
031
032
033
034
035
036
037
038
039
040
041
042
043
044
045
046
047
048
Epilogue

004: Manila

30.1K 513 28
Par Kass-iopeia

Kabanata 4
Manila

Pagsapit ng hapon ay napagdesisyunan ni Callum na kausapin ang kanyang ama. Tumawag ang kanyang sekretarya at kailangang kailangan na siya ng kanyang kompanya. Hindi na niya muna siguro maisasagawa ang planong paghiwalayin ang ama at ang kasintahan nito dahil kailangan na niyang makabalik sa Manila para asikasuhin ang sariling kumpanya. Ayaw pa sana niyang bumalik sa Manila pero wala na siyang magagawa. Balak niyang umalis na kaagad kinabukasan.

"Dad, I need to speak with you."

"Go on, I’m listening.”

Tumingin sa direksyon ni Katharina ang binata. Naintindihan naman agad ni Katharina ang ibig sabihin ng tingin na iyon ni Callum sa knaya. Nais nitong umalis siya upang sarilihang makausap ang ama.

"Sige Chris maiwan ko na muna kayo para makapag-usap kayo ng maayos." Aalis na sana ang dalaga ngunit agad siyang pinigilan ni Chris.

"Stay here, sweety. Go ahead, son. Ano ba ang gusto mong pag-usapan natin?"

"Dad, I want to speak with you privately."

"Hindi naman siya ibang tao kaya mag sstay siya. Ano ba ang gustong mong sabihin?"

Hindi na siya nakipagtalo pa sa ama kahit na gustong gusto na niyang palayasin ang babae. Hindi siya komportable na naroroon iyon habang kausap niya ang kanyang ama.

"Wala naman, Dad. Magpapaalam lang sana ako. Hindi na ako magtatagal pa dito ng isang buwan. Kailangan ko na ding lumuwas pa Maynila, bukas na bukas din. Kailangan ako ng kompanya ko." Walang paligoy-ligoy na sabi ng binata. 

Dahil doon ay hindi napigilan ng ama ang malungkot. Ang buong akala niya pa naman ay muli ng bumalik ang kanyang panganay na anak. Matagal siyang nasasabik na muling makasama ang mga anak at ngayong kasama niya na ang isa sa mga ito ay agad din naman siyang iiwan muli. Oo nga pala at may sarili na itong buhay sa Manila.

Walang magawang tumango-tango na lamang ang ama sa sinabi ng anak. Naiintindihan niya kung bakit hindi ito pwedeng manitili doon ng matagal. Alam niyang may mabigat na tungkuling iniwan ang anak sa Manila.

"Kumusta ang iyong kumpanya? May problema ba at kailangan mo agad umuwi? Well, wala naman akong magagawa kung tungkol d’yan ang biglaang pagbalik mo ng Maynila. Alam ko naman na may sarili ka ng buhay sa Manila at hindi ko naman pwedeng pigilan kang umalis kahit na ayaw ko pang umalis ka at gusto ko sanang magtagal ka pa dito.”

Di maiwasang malungkot ni Callum sa pasaring ng kanyang ama. Batid din naman niya na nais pa siya nitong makasama ng matagal dahil matagal din siyang di nakabisita dito pero wala siyang magagawa kailangan niyang asikasuhin ang kompanyang naiwan niya.

"Dad, I'm really sorry. Don't worry I'll find a way para madala ko din dito sina Cassey at Veronica,” pag aalo nito sa ama. Ngumiti lamang ng tipid ang ama at tumango-tango.

"By the way, son, gusto kong isama mo sa'yo si Katharina." Parehong naguguluhang napatingin kay Chris ang dalawa ngunit unang nakapag-react si Katharina tungkol sa sinabi nito.

"Chris, anong ibig mong sabihin?" kinakabahang tanong ng dalaga sa Don. Hindi pa ito kailanman nakarating sa Maynila at nang marinig ang sinabi ng nakatatandang Montemayor ay agad siyang nakaramdam ng takot.

Humarap si Christopher sa dalaga at matamang tinitigan ito sa mga mata.

"Sa tingin ko panahon na para subukan mo namang mabuhay sa labas ng lugar na ito. Explore the world; it will help you move on from everything you've been through. Kath, it's time to let go of the past. It's time to explore the world and be happy, and in order to do so, you must embrace your fear and step outside of your comfort zone. You deserve to be happy. Katharina subukan mo lang. Subukan mong gawin ang mga bagay na ginagawa ng mga kaisng edad mong babae. I want you to go out and have fun, go to bars, or do whatever you want. Katharina, I want you to live your life to the fullest. Iyan lang ang hinihiling ko sa’yo bago tayo maikasal." 

Nanghihinang napayuko si Katharina. Nanginginig ang kanyang mga tuhod. Hindi niya pa kayang mamuhay sa isang mundong hindi siya lubos na pamilyar. Sobra-sobra ang pangambang nararamdaman niya sa puntong iyon pero alam niya din na hindi niya kayang hindian ang kagustuhan ng Don.

Hindi siya komportable makihalubilo sa maraming tao. Nasanay siyang ang tanging kasama at kausap ay ang kanyang ina. Kahit noong mga panahong nag-aaral pa siya ay hindi siya masyadong nakikipag-usap. Marami ang nanliligaw sa kanya pero wala sa mga ito ang pinansin o kinausap man lang niya. Ilag siya sa mga tao. Ayaw niyang nakukuha ang atensyon ng karamihan. Nasanay na lang siyang ganoon hanggang ngayon kaya hindi niya alam kung kaya niya bang mamuhay ng maayos sa Maynila.

Isa pang dahilan kung bakit ilag siya sa mga tao ay ang masalimuot niyang nakaraan. Hindi siya kailan man nakawala sa bangungot ng kanyang nakaraan. Lagi niya pa ding naalala ang mga nangyari noon pati na din ang madalas na pananakit sa kanya ng kanyang sariling ama.

"Chris... hindi ko pa kaya." Nakayukong sabi niya.

"I know you can. Trust yourself… Subukan mo muna," pakiusap ng mas matandang Montemayor habang naguguluhang nagpalipat-lipat naman ang tingin ni Callum sa dalawang nag-uusap. Hindi niya maintindihan ang pinupunto ng ama kung bakit gusto nitong isama niya si Katharina sa Manila. At hindi niya rin maintindihan kung bakit ganoon na lang ang takot at pangambang nakikita niya sa mga mata ng dalaga nang malamang sasama siya dito sa Manila. Ano ang ikinatatakot nito sa pagluwas?

Kinukumbinsi pa din ni Chris ang dalaga na lumuwas ng Maynila hanggang sa hindi na nakatiis si Callum at nakisali na siya sa usapan ng dalawa.

"Why do I have to bring her with me, Dad? She can't stay in my condo." 

"And why not?"

"Dad, alam mo ang sagot d’yan. She can't stay there."

"Yes, she can."

“Mom will kill me kapag nalaman niya na sa puder ko titira ang babae mo.”

"Chris, ayos naman na sa akin na dito na lang ako. Ayoko-" pinutol ni Christopher ang dapat na sasabihin ng dalaga.

"Katharina, ito na lang ang kaisa-isang hihilingin ko sa’yo. Do it for me, sweety, please?" Pakiusap niya pa dito. Napipilitang tumango na lamang si Katharina dahil hindi niya talaga kayang tanggihan ito.

"Dad naman! May trabaho ako sa kompanya at wala akong panahong mag-alaga ng bisita. Isa pa, hindi ako mapapatawad ni Mom kapag nalaman niyang kinupkop ko ang babae mo."

"Hindi siya basta-basta babae ko lang, Nicholas. Magiging asawa ko siya and I want you to treat her nicely from now on.”

Nagtiim bagang na lamang ang binata at hindi na kinontra pa ang nais ng kanyang ama.

“Isa pa pala, I want you to hire her as one of your employee. She is a smart girl. I think she'll fit to any position in your company. Basta ikaw na ang bahala sa kanya. I'm sure hindi mo siya magiging problema at para na din may mag-aasikaso sa’yo. Isa pa, magiging step mom mo na din naman siya kaya hindi mo na siya kailangang tratuhin bilang ibang tao. Treat her as a family."

"Dad, are you serious?" Hindi makapaniwalang tanong ng binata. Ngumiti lang naman ang ama.

Sa isip-isip ng binata ay nahihibang na ang kanyang ama at hindi na nito alam ang kanyang mga sinasabi.

"Dad, you know I can't do that. I'm loyal to Mom."

"Son, how many times do I have to tell you na hindi na kami magkakabalikan ng iyong ina? Tapos na ang lahat ng bagay na namamagitan sa amin maliban na lamang sa inyong mga anak namin."

"Mom still loves you.”

"Then why did she leave me?"

Doon natigilan ang binata. Maging siya ay hindi niya rin kayang maipaliwang kung bakit nagawang iwan ng kanyang ina ang kanyang ama gayong alam naman niyang mahal na mahal pa rin naman nito ang ama.

"Sasama si Katharina sa’yo sa pagluwas ng Maynila and that's final." 

Bumaling ang matanda sa kasintahan.

"Sweety, mag-empake ka na. Aalis na kayo bukas na bukas din. Kung kailangan mo ng tulong sa pag-iimpake tawagin mo lang si manang at huwag kang mahihiyang magsabi sa akin kung may kailangan ka. You can always call me."

Isang tango lamang ang naging tugon ng dalaga bago ito nagpaalam sa matanda para tumungo sa kwarto niya at mag-ayos ng mga gamit. Maging siya ay tutol sa gusto nitong mangyari pero ano pa nga bang magagawa niya? Utang niya ang lahat dito kaya wala siyang pamimilian kundi ang sundin ang lahat ng gusto nito. Sa ayaw man niya o sa gusto.

Alam niya din naman na walang ibang hangad para sa kanya ang Don kundi kabutihan, kaya sino siya para tanggihan ang kabutihang ino-offer nito sa kanya.

"Nay, luluwas po ako ng Maynila. Sa tingin niyo ba, ‘Nay, magiging maayos ang pamamalagi ko ng pansamantala sa lugar na ‘yon? Natatakot ako, Inay… Natatakot ako ho ako," anang dalaga habang pinagmamasdan ang litrato ng kanyang ina.

Napabuntong hininga ang dalaga at tuluyan ng nahiga sa kanyang kama. Nais na niyang magpahinga ng maaga dahil batid niyang malayo layo pa ang magiging byahe nila ng binata kinabukasan.

"Sandali lang, Callum. Pwede bang pakihinto muna ang sasakyan?"

Nasa kalagitnaan ng byahe sina Callum at Katharina nang pahintuin nito ang sasakyan. Pakiramdam niya kasi ay tataob ang sikmura niya kanina pa at sa tingin niya ay hindi na niya ito mapipigilan.

"Ano?" may inis na tanong ng binata habang itinatabi ang sasakyan.

"Parang nasusuka-" hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil nasuka na talaga siya habang hindi pa din nakakalabas ng sasakyan. Gulat na gulat na napalingon sa kanya ang binata.

"Fvck! What the hell! Anong ginawa mo? Bakit sa sasakyan ko pa ikaw sumuka?" iritadong-iritadong sabi ng binata bago buksan ang pinto mula sa side niya. Lumabas siya ng sasakyan at pagalit na binuksan ang pinto sa backseat kung saan naroroon ang babae. Agad na nagpunas ng panyo ang dalaga. Nagulat siya ng bigla na lang siyang hilahin ng binata palabas ng sasakyan bago ito nakapamaywang na humarap sa kanya. Napatungo si Katharina.

"P-Pasensya na, Callum."

"Look what you've done! Paano na ‘yan ngayon? Dinumihan mo ang sasakyan ko! Damn! Hindi pa nga tayo nakakarating ng manila sakit ka na agad sa ulo! Damn it!"

"Pasensya na talaga. Lilinisin ko na lang."

"Huwag na. Ipapalinis ko ‘yan at ikaw, maghahanap ka ng hotel na pwede nating pagpalipasan ng oras. Magdidilim na din nakikita mo ba? Kung hindi lang tayo pahinto-hinto eh di sana nasa Manila na tayo ngayon. What the hell my Dad saw in you? You're nothing but a pain in the ass!" Galit na galit na sabi ng binata. Wala ng nagawa ang dalaga kundi ang yumuko.

"Ano? Tutulala ka na lang ba d’yan? Find a damn place where we can fucking stay!" Mainit pa din ang ulo nitong sabi.

Muntik pang mapatalon ang dalaga sa malakas na bulyaw nito. Dali-dali siyang naglakad palayo sa lalaki at ginawa ang iniuutos nito samantalang ang binata naman ay naghanap ng pinakamalapit na car wash kung saan pwede niyang ipalinis ang sasakyan.

Hindi mapigilan ni Katharina ang mapaiyak dahil sa mga sinabi ng binata. Hindi niya akalain na wala pa man sila sa Manila ay pasakit na ang tingin nito sa kanya. Hindi naman niya sinasadyang makaramdam ng pagkahilo habang nasa biyahe. Hindi lang kasi talaga siya sanay sa mahabang biyahe kaya ilang beses niyang sinubukang pahintuin ang sasakyan ng binata. 

Hindi pa nakakalayo si Katharina ay may natanaw na agad siyang isang hotel. Mukhang mumurahin ang hotel na nakita kaya nagdalawang isip siyang pumasok doon pero naisip niyang wala naman silang mapagpipilian dahil medyo malayo pa sila sa syudad at wala namang mamahaling hotel na malapit doon. Pumasok siya sa loob ng motel upang mag check-in ngunit natigilan siya ng maalalang hindi pa nga pala siya nakakapasok sa isang gaya noon kaya wala siyang kaalam-alam kung paano mag checheck-in doon. Sakto namang dating ni Callum. Iyon lang ang hotel na meron sa lugar na iyon kaya hindi iyon madaling hanapin pero dahil ilang metro lang ang layo nito sa pinagparadahan ng kotse niya kanina ay natunton niya din ito agad.

Sa kasamaang palad iisang kuwarto na lang ang available sa maliit na hotel na iyon. Gayon pa man ay hindi na nagreklamo pa ang binata. Gustong-gusto na din kasi nitong makapagpahinga na. Habang hinahanap ang kanilang kwarto ay biglang nagtanong si Katharina.

"Saan ang kwarto ko?"

Hindi pinansin ng binata ang tanong ng dalaga at huminto sa tapat ng isang kwarto. Inilusot niya ang susi sa pinto ng nasabing kwarto bago pumasok doon. Nanatili naman sa labas ng pinto ang dalagang nag-iintay pa din ng sagot mula sa binata. Muling lumabas ang binata mula sa kwartong pinasukan at walang pasabing hinila siya nito. Nagtatakang nagpahila naman si Katharina sa lalaki.

"Bakit tayo nasa iisang kwarto lang?" Tanong niya ng makapasok at matapos bitawan ng lalaki.

"Wala ng ibang kwarto kaya 'wag ka ng maarte."

"Ah, hindi naman. Ayos lang." Napatingin ang dalaga sa kabuuan ng kwarto. Hindi naman iyon ganoon kaliit ngunit iisa nga lang ang kama sa loob. Napasimangot siya.

"S-Sa lapag na lang ako," agad na prisinta niya.

"Sa kama ka na. Sa couch na lang ako." Walang ganang sabi naman ng binata.

"Pero baka hindi ka kumasya dyan mabuti pa ako na lang at least-"

"Ayoko ng makipagtalo pa sa'yo, Katharina. Pag sinabi kong sa kama ka, sa kama ka na."

"Ah o-osige…" Mahinang tugon niya sa biglang pag-iiba ng tono ng binata. Kung minsan talaga ay hindi niya matansya ang mood nito.

"Mag shower lang ako."

"You're free to do whatever you want. Hindi mo na kailangang ipagpaalam pa sa akin ang simpleng mga bagay. Damn it!"

Napapatungo na lamang siyang pumasok ng shower room upang maligo at hindi na pinansin pa ang iritasyon ng binata.

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

5.4K 248 44
Hindi sang-ayon si Kelsie sa idelohiyang karapatan ng lalaki ang maghanap ng babae na magbibigay ng kaligayahan bukod sa asawa. She was fascinating...
Chimed Par jazlykdat

Roman d'amour

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
474K 9.8K 23
Napaka-selfish at the same time selfless magmahal. Selfish, kasi ayaw mong may makapiling siyang iba. Selfless, kasi handa mong isuko at ibigay ang...
115K 4.3K 47
"In the hallowed institution of marriage, where love should bloom eternally, Denima Cris finds herself ensnared in a heart-wrenching tale. A forced u...