Ruthless Desire

By Kass-iopeia

1.4M 21.7K 832

WARNING: R18!! Callum was against his father's marriage to Katharina, who was nearly his age, or worse, much... More

Prologue
001: How much is your rate?
002: Never seen a sunflower before?
004: Manila
005
006
007
008
009
010
011
012
013
014
015
016
017
018
019
020
021
022
023
024
025
026
027
028
029
030
031
032
033
034
035
036
037
038
039
040
041
042
043
044
045
046
047
048
Epilogue

003: Useless Mouth

32.6K 526 10
By Kass-iopeia

Kabanata 3

Useless Mouth

Nakauwi naman ng ligtas ang dalawa mula sa kanilang pamamasyal. Talaga namang natuwa ang dalaga sa mga napasyalang lugar. Mula ng maulila ay hindi na kahit kailan niya nagawang mamasyal. Palagi na lamang siyang nagkukulong sa kwarto o sa loob ng bahay. Para kasi sa kanya ay wala ng rason para magpakasaya pa sya gayong ang kanyang ina lamang ang pinakamahalagang bagay sa buong buhay niya noong nabubuhay pa ito pero dahil wala na ito ngayon wala ng dahilan ang maging masaya pa siya.

Madalas pa din siyang pagsalitaan ng hindi maganda ng binata kapag nagkakatagpo ang landas nila nito sa mansyon pero may mga pagkakataong lumalambot naman ito bigla. Sa kabila ng pagsusuplado nito ay alam ni Katharina na may kalambutan din itong itinatago sa loob. Naiintindihan niya din naman kung bakit ganoon na lang ang turing sa kanya ng binata. Hindi pa naman kasi siya nito kilala at mahal lang nito ang kanyang ama kaya naiintindihan niya kung malaki ang pagdududa ng binata sa kanya.

Nakangiting sinalubong sila ng matandang Montemayor pagkatapos ng pamamasyal nila.

"Kumusta ang lakad niyo? Nakapamasyal ba kayo ng maayos?" Nakangiting bungad ni Don Montemayor.

"Oo, Chris. Alam mo sobrang ganda pala ng hardin dito. Ngayon lang ako nakakita ng ganun kagandang lugar sa buong buhay ko. Napakagaganda ng mga bulaklak." May kinang sa mga matang sabi ng dalaga.

Napakasimpleng bagay lang noon pero sobra-sobra ang pag appreciate niya rito.

"Sabi ko naman sayo madaming magagandang bagay sa labas. Hindi mo dapat iyon pinalalagpas hindi matutuwa ang nanay mo kung makikita ka niyang nagmumukmok lamang sa isang kwarto. Kailangan mong gumawa ng paraan para pasayahin mo ang sarili mo. Hindi ka dapat habang buhay nagmumukmok dahil lamang nawalan ka ng isang bagay na sobrang mahalaga sa'yo. Marami pang bagay sa mundo ang mahalagang makita mo. You should feel free to live your life. Remember that you owe nothing to the world. If you think you do not deserve to be happy because of your past, please think again. You deserve everything good in this world."

Naantig ang dalaga sa sinabing iyon ng Don. Agad niya itong niyakap at nangingilid ang mga luhang nginitian niya ito. Ito lamang talaga ang bukod tanging nagtiwala at naniniwala sa kanya.

"Susubukan ko Chris.."

Tahimik lamang na pinakikinggan at pinanonood ni Callum ang dalawa sa kanilang madramang eksena. Hindi niya napigilang mapangisi ng palihim. Naisip niyang napakagaling palang artista ng ipinalit ng kanyang ama sa kanyang ina. Gusto niya sanang sirain ang eksena ng dalawa ngunit pinigilan na lamang niya ang kanyang sarili. Ayaw niyang bastusin ang kanyang ama ng harap-harapan dahil malaki ang respeto niya dito.

Sandali pang nag-usap ang mga ito habang inip na inip naman ang binatang pinanonood pa din sila.

"Siya nga pala, Chris, kumain ka na ba?"

"Tapos na ako sweety. Ikaw kumain ka na din."

"Eh, ang gamot mo ininom mo na ba?"

"Oh that. I forgot about that." Natatawang sabi ng Don. Napasimangot ang dalaga pagkarinig noon.

"Alright, akyat na muna ako para mainom ko na ang gamot ko," sabi ng nakatatandang Montemayor at umalis na ito ng sala ng may ngiti sa mga labi.

Gusto sana itong pigilan ni Katharina dahil gusto niyang siya na lang sana ang kumuha ng gamot nito pero agad nang umalis ang Don.

Pumalakpak bigla si Callum pagkaalis ng ama. Agad namang nabaling ang atensyon sa kanya ni Katharina. Nagtataka ito sa biglang pagpalakpak na ginawa ng binata.

"Magaling ka palang umarte. Bakit hindi mo kaya subukang mag-artista. Malaki din ang kikitain mo doon pero kung sa bagay mas madali nga naman ang buhay mo dito," nakangising sabi nito.

"H-Huh?" Patakang tanong ng dalaga. Nahihimigan na niya ang nais nitong iparating pero nagdesisyon siyang magbingibingihan na lamang kaysa patulan pa ang binata.

"Don't you get it? I don't like you for my father!"

Napayuko si Katharina sa sinabi ng binata. Alam naman niya na ayaw na sa kanya nito kahapon pa pero mas masakit pa din palang malaman iyon mula sa sarili nitong bibig. Wala naman siyang masamang intensyon sa ama nito ang gusto lamang niya ay ang mapasaya ang Don na minsang tumulong sa kanya mula sa pagkakadapa. Gusto lamang niya ibalik sa Don ang mga bagay na nagawa sa kanya nito.

"Pasensya na..." tanging nasabi ng dalaga.

"Kailan mo ba balak iwan ang ama ko? Let me guess, pagkatapos mong makuha ang lahat ng yaman niya?"

Parang gustong maiyak ni Katharina dahil sa pang huhusgang ibinabato sa kanya ng lalaki. Kahit kailan ay hindi pumasok sa isip nito ang iwan ang Don para sa pera. Hindi maaatim ng konsensya niya ang saktan ito sa kabila ng mga naitulong nito sa kanya.

"Tell me, Kath, how much is your rate?"

Natigilan ang babae at pansamantalang hindi nakapag salita. Hindi niya alam kung dapat niya bang sagutin ang lalaki o hayaan na lang ito. Sa huli ay mas pinili niyang tumahimik na lamang.

"Magkano ka?!" Nagulat siya ng biglang sumigaw ang kaharap. Mas lalo siyang nahirapang sumagot dito dahil sa nakikita niyang galit sa mga mata nito. Napapikit na lang siya ng mariin ng bigla uli itong sumigaw.

"Talk!"

Dumiin ang pagkakapikit ng mga mata ng dalaga.

"Tsk! Useless mouth," rinig niyang sabi ng binata.

Eksaktong pagdilat ng mga mata ni Katharina ay ang paglapit naman ng mukha ng binata sa kanya. Mabilis na naglapat ang kanilang mga labi. Hindi rin naman iyon nagtagal dahil agad ding humiwalay ang lalaki.

Nakangisi ang lalaki nang lumayo ito, tila nanunuya. Walang pasabing umalis ito sa harap niya at naglakad na papasok sa tinutuluyang kwarto nito. Hindi makapaniwala naman ang babae sa nangyari. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang kumalabog ang kanyang dibdib ng mga oras na 'yon. Hindi niya rin alam kung bakit ginawa ng lalaki iyon. Ang totoo niyan ay first kiss ng dalaga iyon at hindi siya makapaniwalang walang kahirap-hirap na nakuha lamang iyon ng binata.

Buong buhay ni Katharina ay ibinuhos lamang niya ang lahat ng pagmamahal sa kanyang ina. Hindi niya pa naranasang magmahal ng isang lalaki kahit kailan. Masaya na siya at sapat na sa kanya ang pagmamahal na nakukuha sa ina. Ang nararamdaman niya para kay Chris ay isang pagmamahal lamang para sa isang taong tumulong at pinagkakautangan niya ng buhay. Mahalaga para sa kanya ito pero hindi niya nararamdaman ang katulad na pagmamahal na nararamdaman nito para sa kanya. Mahal niya ito dahil ito ang taong nasa tabi niya noong mga panahong kailangan niya ng makakapitan. Handa siyang magpakasal dito dahil iyon lamang ang nakikita niyang paraan upang makabayad sa lahat ng nagawa nitong kabutihan sa kanya.

Natutulalang umakyat si Katharina sa kanyang kwarto at agad na nahiga sa kanyang kama. Ramdam na ramdam pa din niya sa kanyang mga labi ang halik ng binata. Sariwa pa din sa kanyang ala-ala ang biglang pagkabog ng kung anong bagay sa dibdib niya. Ngunit ng maalala ang mga binitawan nitong mga salita ay hindi niya maiwasang masaktan. Parang may kumukurot sa kanyang dibdib. Siguro ay paraan lamang ng lalaki ang ginawa nitong paghalik para bastosin siya.

Binuksan niya ang kanyang cabinet at may kinuha sa loob nito. Ang nag-iisang larawan ng kanyang ina na naitago niya. Niyakap niya ito ng mahigpit habang unti-unting nababasa ang kanyang magkabilang pisngi sanhi ng mga luha na pumapatak mula sa kanyang mata. Isa nanamang sandaling nasasabik siya sa kanyang ina. Mga sandaling nasasaktan siya dahil naaalala ang malagim na sinapit ng kanyang ina. Noon ay akala niya hindi na siya magiging masaya pa ulit pero unti-unti niyang nararamdamang maging masaya dahil kay Chris. Napakalaki ng tulong nito sa kanya.

"Katharina, ang aga mo namang bumangon?"

"Manang nakalimutan niyo na po bang ako ang naghahanda ng almusal para kay Chris?" nakangiting sabi ng dalaga sa matandang sumalubong sa kanya pag pasok niya ng kusina.

"Good morning pala, manang!" Pag kuwa'y bati niya ng maalalang hindi pa siya nakakabati rito. Tumango at ngumiti ang matanda. Nagtulong silang dalawa na maghanda ng almusal para sa mag-ama. Eksakto naman ng matapos sila ay nagising na din ang mag-ama. Sabay itong dumating sa kusina. Agad namang inasikaso ni Katharina ang paghahain ng mga pagkain sa dalawa ng may ngiti sa mga labi.

Pilit niyang inaalis sa kanyang isipan ang pangbabastos na natamo sa binata kahapon.

"Good morning, Chris!" Bati nito kay Chris. Binati din siya pabalik nito na may ngiti din sa mga labi. Sunod na binati ng dalaga ang binatang walang imik.

"Good morning din, Callum," bati niya dito pilit sinisiglahan ang tono.

Sumagot lamang ng isang kiming tango ang binata at itunuon na ang atensyon sa pagkaing inihain ng dalaga.

"This is what I'm talking about; this girl knows how to make me smile every morning. Tingnan mo Callum, napakamaalaga ni Katharina, hindi ba? Hindi lang puro ganda. Maasahan mo din sa gawaing bahay. Ganyang babae ang gusto kong makatuluyan mo, anak. Iyong babaeng kaya kang pagsilbihan at pasiyahin araw-araw. Tingnan mo na lang kami ng mom mo, hindi naging maayos ang relasyon namin dahil ang iyong ina ay talaga namang mataas ang tingin sa sarili. Napakataas mangarap. Imbes na alagaan ako at ang mga anak niya mas piniling magtrabaho. Ano ba ang mahirap sa pag-aalaga sa sarili niyang pamilya?"

Hindi nagustuhan ni Callum ang sinabi ng ama kaya't nagpintig ng husto ang kanyang tainga.

"Mom is an excellent mother! She's better than any other girl. She's a woman you should be proud of. This girl is nothing compared to my mother, so never, ever compare my mother with this girl. My mother is way better than her!" Matigas na wika ng lalaki na ikinagulat ng ama at ng kasama pa nila sa kusina na si manang. Napatungo naman si Katharin dahil sa sinabi nito. Parang bigla siyang napahiya kahit wala naman siyang ginagawa.

"I'm not saying that—"

"Stop it, Dad! Ayoko ng marinig pa na kinukumpara mo si Mom sa babae mo. Walang-wala ang babaeng iyan kay Mom."

"How dare you talk to your father like that?"

"Because you insulted my mother!"

"Hindi ko iniinsulto ang iyong ina. Sinabi ko lang kung anong klaseng tao ang iyong ina. Wala akong sinabing—"

"Ang ikumpara ang isang kagaya ni Mom sa isang babaeng tulad niyan—" tumuro siya sa direksyon ni Katharina na ngayon ay nakatungo pa din.

"—ay isang malaking insulto!" Tuloy nito sa kanyang sinasabi.

"You bastard!"

"Chris..." Pinigilan ng babae ang dapat ay sasabihin pa ng kasintahan. Hindi niya maatim na makitang nagsasagutan ang mag-ama ng dahil lamang sa kanya.

Ilang sandaling natahimik ang lahat bago muling umimik si Callum.

"I'm sorry, Dad. Nabigla lang ako." Pagkuwa'y sabi nito. Bumuntong hininga at tumango naman ang ama kay Callum na ani mo'y nauunawaan siya nito.

"I'm sorry too, son. Alam ko na mahal na mahal ninyo ang inyong ina at medyo hindi nga naging maganda ang sinabi ko tungkol sa inyong ina. Ngunit hindi din tama na insultuhin mo ng ganoon si Katharina lalo na sa hapag," Pag hingi din ng paumanhin ng ama.

Tumango lamang din si Callum. Hindi na din naitago ni Katharina ang kanyang ngiti ng makitang mabilis lang din na nagkaayos ang mag-ama. Nasaktan siya ng sobra sa mga binitiwang salita ng binata pero nang makitang nag-ayos din ang dalawa ay hindi niya mapigilang sumaya. Ang akala niya ay masisira na ang magandang relasyon ng dalawa ng dahil lamang sa kanya. Hindi niya siguro mapapatawad ang sarili kapag nagkasira ang dalawang ito.

Sa isang banda ay may natatanaw siyang kalambutan sa puso ng binata. Matigas man ang emosyong pinapakita nito pero nakikita niyang may itinatago itong kalambutan sa loob at umaasa siya na mas maghahari sa puso nito ang kabutihan.

Nanatili ang tingin ni Katharina sa binata. Pilit niyang pinag-aaralan ang binata. Ngunit agad din siyang nag-iwas ng tingin mula sa binata nang bumaling ito sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

965K 16.7K 51
Oh boy, Zarrick is a forbidden one. Erriah knows that. At such a young age, she shall not think of any kind of obscene things pero masarap talaga ang...
474K 9.8K 23
Napaka-selfish at the same time selfless magmahal. Selfish, kasi ayaw mong may makapiling siyang iba. Selfless, kasi handa mong isuko at ibigay ang...
1.3M 23.6K 32
Pikit-matang tinanggap ni Nailah ang kanyang kapalaran dahil wala siyang pagpipilian...
1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...