Casa Inferno (The heart's hom...

By JFstories

6.1M 267K 181K

"...and the devil fell in love with you, the way he loves hell." This novel is inspired by real events. High... More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
ALWAYS
Hello Again (Update 2.1)
Hello Again (Update 2.2.)
Hello Again (Update 2.3.)
Hello Again (Update 2.4.)
Hello Again (Last Wattpad Update)
The book

Chapter 12

169K 8.1K 4.3K
By JFstories

Chapter 12

NAKATITIG sa akin ang tirik na mga mata ni Lolo Saul. Sa pag-iwas ko ng paningin ay bumaba ang mga mata ko sa leeg ng matanda na mahigpit na nakatali ng lubid. Parang nababanat na ang kanyang lalamunan dahil sa pagkakabigti niya.

"L-Lolo..." naluluhang sambit ko. Nangingitim na ang kanyang mga labi at mga kuko. Ngunit nakikita kong gumagalaw pa ang kanyang mga daliri.

Sumulpot si Lola Soler sa aking likuran. Ganoon pa rin ang suot niya. Mahabang baro na kulay itim. Nakalugay ang mahabang buhaghag at namumuting buhok niya na gaya nang palagi.

"Tabi, Ember!" Utos niya sa akin. May hawak siyang kutsilyo. Hinila niya ang mesa at maliksi siyang sumampa doon. Tinaga niya ang tali sanhi para maputol ito.

Bagsak si Lolo Saul sa sahig. Agad na nilapitan ni Lola Soler ang matanda at kinalag ang tali sa leeg nito. Nangisay ang matandang lalaki. Pagkatapos ay para itong natanggalan ng malaking bara sa lalamunan nang huminga. Umubo ito at sunud-sunod na bumuga.

Buhay si Lolo Saul!

Lalapitan ko sana sila nang awatin ako ni Lola Soler. "Umakyat ka na sa kwarto mo."

"P-pero–"

"Umakyat ka na sa kwarto mo!" Sigaw niya.

Hindi na ako sumagot. Sinigurado ko na lang na maayos na ulit si Lola Saul sa pamamagitan ng pagsulyap ko dito. He looks fine.

Umakyat na ako ng hagdan. Dumeretso ako kay Klay. Nilapitan ko siya habang nakaupo siya sa gilid ng kanyang kama. "Klay... si Lola Saul nagtangkang magpakamatay...!" Hinihingal na balita ko sa kanya.

Hindi siya kumibo. Ni walang reaksyon ang maamo niyang mukha.

"N-nagbigti siya pero naagapan..."

Nanatili lang siyang nakatanaw sa malayo.

"Klay, nakikinig ka ba?"

Wala pa rin siyang imik.

"Klay, naman!" Tumaas na ang tinig ko. "Kamuntik ng mamatay ang lolo mo!"

Ni hindi niya ako napagkaabalahang tingnan.

"Ano ba?! Hindi mo ba naiintindihan?! Muntik ng mamatay ang—" napatigil ako at napahingal sa galit. Walang emosyon ang mukha ni Klay. Meaning: Wala siyang pake!

Sa asar ko ay nasabunutan ko siya. Pero wala pa rin siyang reaksyon!

Napamura pa ako bago ako lumabas ng kwarto. What's wrong with these people? Mababaliw talaga ako kapag nagtagal pa ako sa bahay na 'to!

...

"SURPRISE, my baby Ember! Tomorrow I will be with you again." Sabi ni Green sa kabilang linya. "Flight ko na later."

"Really?" Nagulat ako sa sinabi niya.

"Yes. I'm sure. Miss na kita, e."

"Oh, thank God!" Napapikit ako sa sobrang tuwa.

"I miss you so much, my Ember..."

Pero bat di ko masabi na miss ko na rin siya? Siguro dahil stressed ako.

Stressed dito sa casa.

Stressed kay Klay!

"Maybe mga hapon na ako makakarating dyan, baby."

"Okay. Hihintayin kita. Marami akong gustong itanong sa'yo in person."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Ano na naman yan?"

"Listen. I guess there something wrong sa lola mo. Seryoso."

Napahalakhak siya. "What do you mean?"

"I know, this may sound crazy. Pero may hinala akong sinasaktan niya ang lolo mo at si Klay."

"Okay, I'm listening." Sumeryoso si Green.

"Nahuli ko siyang kinakalmot ang lolo mo sa likod. Puro sugat na nga ang likod ni Lolo Saul–"

"Are you sure about this?"

"Oo. Kitang-kita ko. Besides, may ipinakitang mga drawing sa akin si Klay na mga demonyo. Ang sabi niya ay lola niyo raw yun."

Bigla ang paghalakhak niya. "All right. Ang mabuti pa ay hintayin mo nalang ako dyan bukas, okay? Dyan na tayo mag-usap. Mukhang sinobrahan na talaga ni Klay ang pangti-trip sa'yo."

Bumagsak ang balikat ko. I'm disappointed, hindi pa rin siya naniniwala sa mga pinagsasasabi ko.

"Now, you have to listen to me. Wag mong masyadong pinagkakausap si Klay, okay? Babaero ang isang yan."

"Ha?"

"Layuan mo siya. Bolero ang lalaking yan. Baka mamaya ay kung anu-ano ang mga kasinungalingang pinagsasabi sa'yo nyan. Ayokong maagaw ka sakin."

"Green, walang siyang sinasabi sa akin. Ni hindi nga siya nagsasalita mula ng dumating ako dito, eh."

"Ha? I can't hear you na naman, baby."

"Mahina ba?" Umiba ako ng pwesto.

"Hello, baby?"

"Si Lola Saul nga pala nagtangkang magpakamatay– hello, Green?"

"Ha? What—Ember? Baby?—" Bigla siyang nawala na sa linya.

Kailangang masabi ko sa kanya ang lahat-lahat. Kailangang maikwento ko sa kanya ang mga nangyari.

Bakit nagtangkang magpakamatay si Lolo Saul? Dahil ba sa pagod na siya sa ginagawa sa kanya ni Lola Soler?

Sino iyong taong nakita ko sa sumira sa pinto ng aking kwarto? Bakit siya walang saplot nang gabing iyon?

Saka tao ba talaga ang nilalang na iyon?

....

LUNES na ngayon. Ang sabi ni Aling Belen ay magdedeliver ulit siya dito nong Linggo. Pero inabangan ko siya sa basement, hindi naman siya dumating. Ano kayang nanyari sa kanya?

Hindi mawala sa isip ko ang kanyang mukha matapos niyang makita si Lola Soler. Binalewala ko na lang muna ang pag-iisip sa kanya. Ang importante ngayon ay darating si Green mamayang hapon.

"Hay, salamat magkikita na ulit kaming dalawa ni Green..." sinikap kong maging positibo.

Sinusubukan ko siyang kontakin para itanong kung onthe way na ba siya. Ang kaso wala na namang signal.

Lumabas ako ng kwarto. Pagbukas ko ng pinto ay kamuntik na akong mapatalon sa gulat.

Ano iyon?! Anong ginagawa niya?!

Nadatnan ko si Lola Soler na nakaharap sa saradong pinto ng kuwarto nila ni Lolo Saul.

Anong ginagawa niya? Bakit siya nakatayo don? Bakit hindi na lang siya pumasok sa kuwarto nila kung papasok man siya ron? Inabangan ko ang gagawin niya. Pero wala siyang ginawa. Nanatili lang siyang nakaharap sa pinto. Hindi ko makita ang mukha niya, hindi ko rin mahulaan ang plano niya.

Ano bang iniisip niya? May katagalan na siya sa ganoong posisyon kaya naglakas loob na akong tawagin siya.

"L-Lola?" Gusto ko siyang silipin pero may takot akong nadarama. Hindi ko yata kayang lapitan siya.

"Lola, bakit po?" Wala siyang kibo.

Parang wala siyang narinig.

Nang biglang umuga ang mga balikat niya. Yumugyok ang katawan niya na tila siya humahagikhik ngunit walang tunog. Napalunok ako. Parang ganito rin iyong nakita ko siya sa kusina na kausap ang sarili niya.

"L-Lola?" Tawag ko ulit sa mahinang boses.

Hindi pa rin siya kumibo. Hind niya rin ako nililingon.

Naglakas loob pa ako. "L-Lola Soler, kumusta na po si Lola Saul?"

Bigla siyang yumuko na para bang nakatulog. Hindi ko naman makita ang kanyang mukha dahil nakatalikod siya sa gawi ko.

Saka ko napansin ang isa pang kakaiba sa kanya. Wala siyang suot na sapin sa talampakan!

Nakayapak ang ugatin at tila inaagnas niyang mga paa!

Napaatras ako. Napaatras ako nang tumingkayad siya habang nakayuko. Ang pag-uga ng kanyang balikat ay bumilis.

Hanggang sa buong katawan niya na ang umuuga kasama ang kanyang ulo. Para siyang matutumba na hindi maunawaan.

Sa takot ko ay mabilis akong napatakbo sa kuwarto ko. Isinara ko agad ang pinto ko.

Ano iyon?!

Anong nangyayari kay Lola Soler?!

Napasandal ako sa pinto ko habang humihingal. Ano bang nangyayari sa kanya? Inaatake na naman ba siya ng kung ano mang sakit niya?

Mayamaya ay may kumatok. Mabilis kong ni-lock ang pinto.

Sinilip ko ang bintana. Mataas naman ang sikat ng araw at mukhang malayo pang magdilim.

May kumatok ulit.

Napapikit ako nang mariin. Dahan-dahan ay tinanggal ko ang lock ng pinto. Maingat kong binuksan ang pinto.

Humugot ako nang malalim ng paghinga. Pinihit ko ang seradura at marahang hinila ang pinto.

Shit!

Iniluwa nito si Lola Soler. Salubong ang kanyang mga kilay habang nakatingin sa akin. "Kanina pa ako kumakatok." Pormal ang mukhang sabi niya.

"S-sorry po."

Parang walang nangyari nang talikuran niya ako. "Pakaiinin mo na iyong nasa ika-anim na kwarto."

"O-opo."

Nang mawala siya sa aking paningin ay napabuga ako ng hangin. Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko talaga ay may kakaiba na namang mangyayari.

Lumabas ako ng kwarto para magtungo sa ikaanim na kwarto. Bago yun ay pumunta muna ako sa kanang pasilyo para kumuha ng inaamag na tinapay sa lumang dirty kitchen sa second floor.

Sinalubong na naman ako ng mabahong amoy. Pagpasok ko dito ay natanaw ko agad ang cabinet sa ilalim ng lababo. May pumaosk sa isip ko. Ano kaya't kunin ko iyong palakol na nakita ko dito? Pang self-defense lang. Especially now na darating si Green mamayang hapon. Baka abutin siya ng dilim dito sa bahay.

Binuksan ko iyon kaya naglabasan ang bangaw. Napaatras ako nang makita iyong palakol.

Bakit puro dugo ito? Last time na nakita ko ito ay parang bago ito, ah!

Nilakasan ko ang aking loob. Natutop ko na lang aking bibig nang makita ko kung ano ang katabi nun.

Puting bota.

Isan pares ng puting bota na puro dugo.

Puting bota ni –

– Aling Belen!  

JAMILLE FUMAH
jfstories

Continue Reading

You'll Also Like

108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
49.8M 934K 93
Theirs is a story that started all wrong. In fact, it's started with an accidental kiss with a gangster. After so many tragedies, tila hindi kampi ki...
54.1K 3K 15
Constance Grace has been forced into hiding and is currently waging a battle to stay alive. She is resolute in her mission to locate Ludovic Luciano...
3.9M 133K 27
Isang misyon, isang hindi inaasahang pagtatagpo at isang pagkamamali na magiging dahilan ng pagbabago ng plano. Paano maitutuwid ang isang pagkakama...