Un|Expected Family

By daintyvicerylle

194K 5.6K 1.5K

They Expected the Baby, but they did not expect that they'll live as a Happy Family. Well, Expect the Unexpec... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Holiday Special
Chapter 20
Valentine's Special
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
UNEXPECTED ENDING
UnExpected Special Chapter
UnExpected Special Chapter II

Chapter 13

6.5K 188 53
By daintyvicerylle

Hiwalay muli si Ryan ng seat sa dalawa na ngayon ay magkayakap. Arms wrapped to each other's body- Karylle is resting her head at Vice's Chest and her hands are wrapped around his waist, while Vice's arm is around her shoulder and the other one is cupping her face.

"Tulog ka?"

Malambing na tanong ni Vice sa dalaga. 30 minutes pa lamang kasi silang nasa ere at may mahaba pang oras bago lumapag.

"I want to, actually im trying now, kaso parang hindi ako makatulog"

Rinig niyang tugon nito.

"Gusto mo kantahan kita? Diba it helps you to sleep?"

Napa-ngiti naman si Karylle sa narinig na suggestion mula sa kaibigan.

"Sure. Baka gusto lang ni Baby marinig boses mo"

"Ni baby ba talaga o ikaw?"

Pinilit naman niyang itinago ang kanyang kilig by hugging him tighter.

"Alelelele, talande ka talaga, hahaha. Sige na kakantahan ko na kayo, what do you want me to sing?"

"Hmm… Ikaw ba? What do you want to sing for us?"

"Hindi pa ba halata na Thousand Years? Hahaha"

"Oo nga pala, you always sing that for me--I mean for us. Why Thousand Years?"

Natahimik naman si Vice dahil sa naging tanong sa kanya ng dalaga. He has his reason, pero he doesnt want her to know about it anymore. May mga bagay na sa sarili na lamang niya. Na mas maiging siya na lamang ang nakaka-alam.

"Ah… kasi ano… kasi--kasi bet ko yung Twilight, oo bet ko yung movie na 'yun, yung sina Edward and Bella, ganda kaya nun"

Panakip niyang sagot sa katotohanan. Naramdaman naman niya ang tila pag-tango ng dalaga as he started to whisper the song while caressing her hair.









Terrence is currently waiting at Vice's comfort zone. Kanina pa kasi niya kinakatok ang kwarto ni Vice pero walang nagbubukas. Ngunit sigurado naman siyang kagabi ang flight ng mga ito pauwi from Korea. Ayaw naman niyang  katukin ang kwarto ni Karylle dahil baka natutulog parin ito, nabanggit din kasi sa kanya ng Angels ni Vice na madaling araw na nga rin daw naka-uwi ang dalawa sa bahay. At hindi lang iyon ang dahilan… ayaw rin niyang makumpirma na baka nga nandoon natutulog si Vice sa kwarto ni Karylle kaya't walang nagbubukas sa kwarto nito.

Aaminin niya, hindi siya kumportable sa paninirahan ni Karylle sa bahay ni Vice. Katwiran niya- Hindi niyo naman siguro ako masisisi, lalo pa't kita ko ang ibang klaseng pag-aalaga ni Vice kay Ms. K. Naiintindihan ko naman na pinagbubuntis ni Ms. K ang magiging anak namin kaya ganon, pero lalaki ako, kaya pansin ko ang kakaibang pakiki-tungo ni Vice sa kanya. The way he cares for her. The way he holds her hand, her waist. The way he talks about her. How his eyes are smiling while sharing Ms. K's weirdness. How he cannot control his smile while telling me his day with Ms. K.

Natatakot siya. Alam niyang mahal siya ni Vice, ngunit minsan na siya nitong---

"Viceee!"

Nahinto sa malalim na pag-iisip si Terrence at agad na napa-lingon kung saan nang-gagaling ang tinig na iyon.

"Boses ni Ms. K yun"

At mabilisan niyang tinungo ang Kitchen ng bahay… Doon ay nakita niya si Vice na naka-yakap mula sa likod ni Karylle at bahagya nitong sinu-sundot sundot ang bewang ng dalaga upang kilitiin.

"Vice, bitawan mo muna 'ko, maghahanda na 'ko ng breakfast natin, dali na. Tinanghali na nga tayo ng gising o"

Rinig niyang sambit ni Karylle. Naka-talikod kasi ang dalawa sa kanya kaya't hindi pa napapansin ang presensya niya.

"Edi maghanda ka. Gusto kong naka-yakap sayo eh. Hmmm"

Lalo pang hinigpitan ni Vice ang yakap niya Karylle. Napa-titig nalang naman siya sa harutan ng dalawa. Sanay naman siyang clingy ang mga ito sa isa't-isa. Pero on national  tv 'yun, at alam niyang parte ng trabaho 'yon.

Pero ngayon, wala namang camera ah? Pero bakit parang mas sweet at clingy pa ata sila?

Napa-buntong hininga nalang naman si Terrence. Ayaw niyang mag-selos, ayaw niyang bigyan ng kung ano ang mga kilos nila. Kaya upang kunin na ang atensyon ng dalawa, ay tinawag na niya si Vice.

-

Naalimpungatan si Karylle sa sunod-sunod na pag-tunog ng isang cellphone. She opened her eyes slowly and lightly rubbed it. Napa-ngiti naman siya ng makita ang mga braso ni Vice na naka-yakap sa kanya mula sa likuran. She caress his arms bago hinanap ng kanyang mata ang nag-pproduce ng sounds sa paligid.

Nakita naman niya ang naka-ilaw na screen ng kanyang cellphone beside Vice's phone. Dahan-dahan niya itong kinuha at nakita ang messages ni Garry, na tila hinahanap na ang presence niya dahil anong oras na at papasok din sila agad for showtime later. Kaya dahan-dahan naman siyang kumilos to turn at Vice.

"Vicey? Mag-9:30 na"

Panimula niya while cupping Vice's face.

"Vice, vicey. Wakey wakeyyy"

She slightly moves his face from side to side. At nag-succeed naman siya when she heared him groan.

"Ano baaa"

Napa-ngiti naman siya dahil tila lalaking-lalaki ang kaharap niya ngayon.

"Mag-9:30 na po kasi mahal na reyna, kaya tara na bumangon na tayo"

"5 minutes more"

"O sige, mag-aayos muna 'ko tapos balikan nalang kita, ha?"

At doon ay inalis na niya ang mga braso ni Vice sa kanya at tumayo na to do her morning rituals.

Hindi naman siya nag-tagal at natapos rin agad. She sat beside Vice and poke his cheek.

"Viceyyy. Lagpas 5 minutes na. Gising naaaa"

"Hmmm antok pa 'ko, naman eh"

"Sabi mo kanina 5 minutes, kaya gising naaa. Gutom na din ako eh, para sabay na tayong kumain"

"Oo na, oo na! Asa pa 'kong titigil ka sa pangungulit. Ito na po o, gising na"

Napa-laki naman ang ngiti niya kasabay ng pag-sandal ni Vice sa headboard habang naka-pikit pa.

"iee bat naka-pikit ka pa?"

Patuloy na pangungulit ni Karylle kaya't napa-kunot naman ang noo ni Vice kasabay ng pag-mulat na niya ng kanyang mga mata.

"Ayunnn! Goodmorning!"

Hyper na bati nito sa kanya kaya't napa-ngiti rin siya agad.

"Pasalamat ka cute ka. Kung hindi baka binigwasan na kita kanina pa. Antok na antok pa 'ko Girl, kaloka ka"

Pabakla niyang sambit while rubbing his eyes at nag-reready ng tumayo.

"We need to get up na kasi, kailangan maaga tayo later sa showtime kasi ilang araw tayong wala"

"Eh ito na nga. Dadakdak pa, Kurbae eh"

Naiiling niyang tugon habang sinusuot ang tsinelas niya.

"Go on. I'll wait for you nalang sa baba"

"Hep hep!--"

"Hooray?"

Napa-blanko naman ang mukha niya dahil sa binitawang joke ng dalaga.

"Ayan ang sisira ng umaga ko, Karylle. Cute ka na kanina eh, nag-joke ka pa"

Kunwari'y walang gana niyang sabi kaya't natawa na lamang ito sa kanya kasabay ng pag-hampas sa kanyang legs dahil saktong nasa harap siya nito.

"Aray! Ang bigat din talaga ng kamay mong babae ka 'no? Humanda ka sakin mamaya, hintayin mo 'ko dito, walang bababa!"

At doon ay nilisan na niya ito. Napapa-ngiti na lamang naman siya sa pagtawa nito. At lalo pa siyang napa-ngiti ng lumabas siya galing sa cr at nandoon parin ang dalaga sa loob ng kwarto.

Masunurin ang bruha

"Ang tagal mo, gutom na 'ko"

Bungad sa kanya nito with a pout. At dahil sa pangungulit nito sa kanya kanina, ay pagigil niya itong itinayo at niyakap mula sa likuran.

"Ikawww nang-gigigil ako sayo alam mo ba yunnn? Agigil mo si ako!"

Napa-chuckle naman si Karylle ng ipitin ni Vice ang balat niya sa balikat in between his upper and lower lip.

"Tara na ngaaa"

Aya niya sa kaibigan at nagsimula ng maglakad palabas ng kwarto. Natatawa naman siya dahil hindi parin inaalis ni Vice ang pagkakayakp mula sa likuran niya kaya't pabukaka itong nausad.

"Para kang sira, Vice. Kapag tayo nahulog sa hagdanan nako"

At dahil bababa na nga sila ay bumitiw na muna si Vice at pormal silang bumaba. Ngunit agad din siya nitong niyakap muli mula sa likuran ng tuluyan na silang maka-baba, at sa pagkakataong ito ay may kasama nang pangingiliti, kaya't hindi niya maiwasang mapa-lakas ng pag-saway sa kaibigan.

"Viceee!"

Pilit siyang kumakawal rito ngunit puwersahan lamang siyang dinadala ni Vice sa kitchen area habang sinu-sundot sundot nito ang bewang niya.

"Vice, bitawan mo muna 'ko, maghahanda na 'ko ng breakfast natin, dali na. Tinanghali na nga tayo ng gising o"

Paki-usap niya dahil talagang nagugutom na rin siya.

"Edi maghanda ka. Gusto kong naka-yakap sayo eh. Hmmm"

At dahil nangungulit nga, ay mas lalo pang hinigpitan ni Vice ang yakap sa dalaga. Ngunit napa-tigil siya sa pag-higpit higpit ng yakap niya ng may tumawag sa kanyang pangalan.

"Ahm, Vice?"

Hindi na niya kailangang lumingon. Kilalang-kilala niya kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Naramdaman naman niya ang pag-tanggal ni Karylle sa kanyang mga braso.

"You're here pala… Romeo. Goodmorning. Kumain ka na?"

Magiliw na tanong ni Karylle kay Terrence as she faced him. Kabaliktaran ni Vice na hanggang ngayon ay naka-talikod parin.

"Goodmorning din, Ms. K. Opo, kumain na 'ko. Hinihintay ko lang po talaga si Vice, kasi ilang beses ko na siyang kinatok sa kwarto niya pero walang nagbubukas"

This time ay humarap naman na si Vice.

"Ah… Sorry, hindi kasi ako sa k---"

"Hindi kasi siya nakapag-alarm ng maaga. Nako, for sure naghihilik pa 'yan siya kaya hindi ka niya napag-buksan"

Pag-singit ni Karylle. Hindi na kasi niya nais pang ituloy ni Vice ang sasabihin nito. At dahil sa pag-singit niya rito, ay napa-tingin naman sa kanya si Vice.

"Sabi ko nga po eh, kaya naghintay nalang ako"

Magalang naman na tugon ni Terrence. At dahil ramdam ni Vice ang pagka-ilang ni Karylle sa nobyo, ay nag-excuse na muna siya dito at inaya ang lalaki malayo sa dalaga.

"Hindi ka naman nag-sabi na pupunta ka, edi sana hindi ka na naghintay"

Panimula ni Vice. Ngunit hindi siya naka-kuha ng sagot mula sa binata, kung 'di ang pag-kuha nito sa kanyang mga kamay.

"Im sorry"

Rinig niyang pag-hinging paumanhin nito. Kaya't hindi niya rin maiwasang titigan ito mata sa mata.

"No. Im sorry. Im sorry kasi sarado nga yung utak ko nun. Pero ngayon, naiintindihan na kita. Kaya… Kaya I decided na, sa Townhouse nalang itira si Karylle, with Kuya Babot at ng dalawa kong pamangkin"

Napa-tigil naman si Terrence sa narinig.

"Sa---sa Townhouse? Hindi naman na kailangan. Nabigla lang talaga 'ko, pero okay na. Okay na si Ms. K dito"

Hindi siya nakakapunta doon. Kaya't mas maigi nang manatili ang dalaga kung nasaan man sila ngayon, kahit papano ay aware siya sa mga nangyayari sa dalawa. Mas okay na yung ganito. Kahit hindi siya kumportable. Maka-sigurado lamang siya.

"No. Magkaka-ilangan lang kayo eh. At tsaka parang hindi naman magandang ideya pala na talagang binahay ko na si Karylle. Kaya doon nalang, atleast she's still in my home. Mababantayan parin naman siya doon, dont worry. And ofcourse… If you'll let me, bibisita-bisitahin ko din siya doon tulad nung naninirahan pa siya sa unit niya"

Nag-alangan naman si Terrence, ngunit tila hindi ito pansin ni Vice kahit pa magkatitigan sila. At doon ay nakaramdam na ng pangamba si Terrence.

"Sige"

Tanging naging tugon ni Terrence. Dahil tila No choice naman na siya dahil mukhang desidido na si Vice at nai-plano na ang gagawin.

Na-plano na niya. Nang mag-isa.

Nalungkot naman si Terrence at hindi malaman ang mararamdaman pa.

Parang nung kailan lang, dalawa pa silang nagdedesisyon sa bawat galaw ng isa't-isa. Parang kailan lang, kasama pa siya sa pagpaplano. Anong nangyari ngayon?

Vice smiled at his boyfriend and squeezed his hands.

"I missed you. Sayang hindi ka namin nakasama sa Korea"

May lambing niyang saad.

"Na-miss din kita. Pero for sure naman nag-enjoy ka parin dun kahit wala ako… Kasama mo si Ms. K eh"

"Ay sinabi mo pa! Nakakaloka 'yang babaeng 'yan, napaka-gala pero napaka-kuripot! Hahaha"

Napa-ngiting mapait nalang naman si Terrence. At dahil nanahimik lamang siya, ay muli naman siyang kinausap ni Vice.

"Oo nga pala, kamusta ka dito while im away? Baka nambabae ka na Terrence ha!"

"Babe naman. Loyal 'to 'no. Eh ikaw ba? Ikaw 'tong lumayo eh"

Nailang naman si Vice sa pagbalik tanong ng nobyo niya. Naalala niya tuloy ang mga nangyari sa Korea escaped nila. Ang pag-seselos niya sa pagiging clingy ni Karylle kay Ryan. Ang pag-tabi niya sa dalaga sa mga gabing nilagi nila roon. Ang pag-dala niya rito sa Love Trees. Ang pag-hawak niya sa kamay nito.

"Ah--ano ka ba? Parang sira 'to. Sayang nga talaga hindi ka naka-sama eh. I… I missed you… So much…"

Sayang ba talaga? Parang nag-enjoy ka naman Viceral. Tahka.

-

Sa kabilang banda naman, ay tahimik lang na nag-handa ng pagkain si Karylle para sa kanila ni Vice. His Angels insist na sila na ang maghahain, ngunit she refused dahil sanay talaga siyang siya ang nakilos.

Nang makapag-lagay na ng meal nila ay 'saka siya nag-patulong sa Angels ni Vice para ilabas ito sa Dinning Table. At pag-labas niya ay bumungad naman sa kanya sina Vice at Terrence sa may Sofa habang magka-hawak kamay. Napa-iwas naman siya ng tingin at napag-desisyunang mauna na lamang kumain. Ayaw naman niyang istorbohin ang mag-jowa.

She ate her meal alone dahil tila na-busy sa pag-catch up sa isa't-isa si Vice with his boyfriend. Niligpit niya ang pinagkainan niya at nagbilin na lamang sa Angels ni Vice na kung sakaling hanapin siya ng kaibigan, ay umakyat na siya sa sariling kwarto at tapos nang kumain.

Bago umakyat ay nagtake glance muna siya sa dalawa. Napa-ngiti na lamang ang labi niya sa nakikita. Kabaligtaran ng emosyon sa kanyang mga mata.

-

Nahinto sa pag-uusap si Vice at Terrence ng may mag-text sa huli.

"Nako, kailangan ko ng umalis"

Napa-tingin naman si Vice sa orasan.

"Ay hala! Napa-sarap tayo sa chika"

At doon ay sumilip siya sa may dining table. And he saw no one. Kaya't napa-kunot naman ang noo niya. Not knowing na nagpapaalam na pala ang nobyo niya.

"Uy, Babe? Una na 'ko ha? Basta ha, bati na tayo"

"Ah--ha? Yeah, yeah, oo naman. Sige na, go ahead baka ma-late ka pa sa lakad mo. Kain na rin ako, tomjones na eh"

At doon ay nag-beso sila bago maghiwalay ng landas. He went straightly sa may kitchen at nagbakasaling nandoon si Karylle, ngunit wala din ang dalaga doon.

"Where's K?"

Tanong niya sa mga Angels niya.

"Ah Kuya, tapos na po kumain si Ate K, pag hinanap mo daw po siya sabihin nalang namin na umakyat na siya"

Tumango naman siya bilang tugon at nagpasalamat. As he decided to go upstairs to check on her.

"K?… Kurba?"

Pag-tawag niya habang kumakatok sa kwarto ng dalaga. Nang walang makuhang response ay pinihit na niya ang doorknob.

And saw no one again.

Ngunit naka-agaw pansin naman sa kanya ang ingay na nagmunula sa shower room.

"Bruhang 'to hindi manlang ako inayang kumain kanina"

Bulong na lamang niya at sinarado muli ang kwarto.

-

Busy na bino-blower ni Karylle ang kanyang buhaghag na kulot, nang marinig niya ang pag-bukas ng pintuan ng kwarto niya.

"Oh, hi there. Hindi ka pa naka-ayos?"

Takang tanong niya when she saw Vice with the same get up before she left him kanina.

"Katatapos ko lang kumain, at nagtatampo 'ko sayo"

Kumunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ng binata. Kita niya rin ang pag-pout nito.

"Ha? Bakit naman? Anong ginawa namin ni Baby sayo?"

Inosenteng tanong niya kaya't hindi naman mapigilan ni Vice ang ma-cute-an sa kanya, but he controlled his smile to act.

"Hindi mo 'ko inaya kumain kanina! Kumain tuloy akong mag-isa. Kainis ka"

Nakita naman niya ang pag-taas ng kilay ng dalaga.

"Kumain din naman ako mag-isa ha"

"Eh kasi nga hindi mo 'ko inaya! Edi sana sabay tayong kumain"

"Ehh… you're busy catching up with your boyfriend eh. I dont want to interrupt your moments naman"

Napansin naman niya ang biglang pag-iwas ng tingin sa kanya ni Karylle. Kaya't nilapitan na niya ang dalaga at umupo sa tabi nito. He off the blower first bago kunin ang mga kamay ni Karylle. Na siyang napapasunod na lamang ang mga mata sa mga kilos niya ngayon.

"Naiilang ka kay Terrence"

Panimula ni Vice, kaya't sumagot naman siya agad.

"Nah. Hindi ah"

"I can feel it, Kurba. Yung kanina sa kitchen. Bakit pinigilan mo kong sabihin yung totoo?"

Napa-yuko naman siya sa narinig.

"He is starting to feel jealous, Vice. At ayoko namang isipan pa niya ng iba yung pag-tulog mo sa kwarto ko. That's what you called White Lies, okay. That's for good. Iwas away"

Narinig niya ang pag-buntong hininga ng kaibigan.

"Ito yung ayoko eh. Yung magka-ilangan na kayong dalawa. Lalo na ikaw"

"Im just respecting him. He's still your partner afterall"

"Oo nga, naiintindihan ko naman yun, Kurba. Pero ayoko namang tuwing nandidito siya, eh parang ingat na tayo sa kilos natin, magiging ingat ka na sa kilos mo"

Hindi naman na siya naka-sagot pa. Maging siya rin naman ay nahihirapan sa sitwasyon nila.

"Okay lang ba sayo kung sa Townhouse kita ititira?"

"Townhouse? Yung sa near ABS?"

"Yes. Dont worry, nandoon naman sina Kuya Babot pati dalawa kong pamangkin. Ofcourse I also have my Angels there. And doon, hindi ka pa mabo-bore, kasi makaka-chikahan mo sila Babot kapag wala ako, diba close kayo nun?"

"Yes. Pero Vicey… Wala ka doon"

Napa-ngiti naman si Vice sa narinig.

"Aysows ang Kurba ko! I promise, hindi lilipas ang isang araw na hindi kita dadalawin at kakamustahin. At tsaka I will fetch you and drop you off before and after showtime. Tapos kapag wala akong ibang lakad, I will stay with you. Yung parang set up natin for the past two months, nung nasa condo ka pa. Much better lang this time, kasi nasa pamamahay parin kita. Alam kong you'll be safe with my family's company"

Naka-ngiti niyang paliwanag. Ngunit pansin niya parin ang alinlangan ng dalaga.

"Uy. Ayaw mo ba?"

Malambing niyang tanong as he started to rub his thumb sa mga kamay nito.

"Hindi naman sa ayaw…"

"Alam mo, nahihiya na nga ako sayo eh. Nilagay-ligay kita sa sitwasyon na 'to nang hindi pa pala 'ko handa. Im sorry kung kinuha-kuha kita sa condo unit mo tapos ngayon ipapalipat-lipat kita ng bahay. But I promise, susubukan kong bumawi, Kurbae. Babawi ako sa inyo ni Baby after ma-settle ng mga bagay-bagay"

"It's okay. I understand the situation naman, Vicey. Kaso kasi…"

"Ano? Tell me what's bothering you, Kurba"

"The thing is… Nasanay na 'kong pinapatulog mo 'ko. Sounds childish, but I really cant sleep na without you by my side… Uh no pala. I can sleep naman, nahihirapan nga lang ako. Hehe"

Na-amaze naman si Vice sa narinig. Maging siya din naman ay nakakasanayan na ang pag-yakap sa dalaga bago matulog.

"Edi I'll sleep with you parin every night"

Nakita naman ni Vice ang pag-liwanag kahit papaano ng mukha ni Karylle.

"For real?"

"Yes. Pero pag may taping at shooting ako, baka I wont be with you kasi late na 'ko matatapos nun. At bawal ka namang mapuyat kung hihintayin mo pa 'ko umuwi. Kaya kapag ganon, try to relax yourself nalang, or inom ka ng milk, para makatulog ka rin agad. But dadaanan parin kita to check on you. Pwede po ba yun?"

Para namang batang ngumiti at tumango si Karylle. Na siyang kinalawak ng ngiti ni Vice.

"Ang K-lingy talaga! Hahaha"

Natatawa niyang kumento at inihampas ang kulot na buhok ng dalaga sa mukha nito.

"Viceeee! Naman eh! Tsupe ka na nga! Go get yourself a bath na so you could prep up na. Tsk, kaya palagi kang late eh"

Sermon naman sa kanya ni Karylle.

"Ay wow. Sige Nay ito na po, maliligo na po ako Inay"

"Tse!"

"Hahaha. Pero Kurbae, sure ka bang payag ka na sa townhouse ka?"

Muli naman silang nag-seryoso.

"Yep. It would be great to be with Kuya Babot and Ate Emma"

"Okay, sige. Basta I'll make sure naman na hindi kita mapapabayaan. Ikaw pa ba? Just call me or text me if you need something while im not with you. And you're free to go anywhere just inform me your whereabouts. Hindi kita bilanggo. Ha? Kurba"

"Opo, opo. Copy po, Daddy Bays"

Muli namang sumilay ang ngiti sa labi ni Vice.

"Very good, Mommy K. So final na ha? You'll move there within this week din. Ipapaayos ko muna yung kwarto ko doon so you could stay there"

"Wait, what? Sa kwarto mo, ako?"

"Oo, bakit?"

"Sure ka?"

"Oo naman"

"You'll let me envade your room?"

"Kurba, hindi ka na others, okay? My room, could also be your room. Remember? We are in this together. And I meant it in all ways"

"Owwwkay. Thank you"

"No, thank you. Salamat sa pasensya mo. Nahihiya na talaga 'ko sayo eh"

"Para kang sira. There's no any reason for you to feel that way. I feel so special, Vicey. Just so you know, Im happy"

And with that, she flashed a one sweet and sincere smile.

"Im happy that you're happy"

His eyes are smiling while saying those words. He gave her a kiss on forehead before bidding to fix himself.


































"Kurbae? Bae naman nandito na 'ko o. Sorry na po"

"I dont need you anymore!"

"Yieee lalabas na 'yan. May dala 'kong Donuts and Chocolates for you, Bae o"

"…"

"Ashus Tsokolate lang talaga pala gusto mo. Yieee magbubukas na 'yan"

"… Just… Just leave it there then you go na!"

"Akala ko ba gusto mo 'kong makita?"

"NOT ANYMORE AFTER WHAT YOU DID!"

AN

Ah eh… Ano bang nagawa ni Vicey at ayaw siyang labasin ng Kurbae niya? 😕

Anw guys, sorry if nabbore na kayo. Just to clarify lang po, ito pong UnExpected Family ay hindi po siya totally iikot sa plot na ViceRylle with a Baby, hehe, more on sa pagbubuntis ni Kurba with Vicey. But ofcourse with Baby na soon. Actually this shouldve entitled only 'UnExpected' but kasi parang super iksi siya, lame, lol I hope you guys get me. But we dont know, maybe I can still re-plot the upcoming parts tho hahaha. Okay enough with the non-sense chika.

Any Idea bat aqiqil si Buntis? Hmmm…

P.S.
Dont worry... Pansamantalang mawawala si Terr😉😄

Continue Reading

You'll Also Like

38.3K 333 14
WARNING: (R-18) Read at your own risk.
79 21 22
Is it a dream or a reality? Expect the unexpected about this story, some plot may seem cliché, but this is your so not ordinary kind of cliché.
126K 3.6K 32
From The Start, Magiging 'NANAY' lang naman ng magiging anak niya ang hanap niya pero... WHAT IF, hindi lang yan ang mahanap niya? WHAT IF, makah...
68.2K 1.2K 67
This Story is Only A FanFic .. Dahil sa Pagkaadik ko sa VICERYLLE nagawa ako ng isang STORY na di ko inakala na magagawa ko.. Enjoy Readinggg!!!! :))
Wattpad App - Unlock exclusive features