"I Fall in Love Again, For th...

By itsmeagain04

388 40 0

What if ma in love ka ulit sa pangalawang pagkakataon? Magiging selfish ka ba ulit? O hahayaan mo na lang si... More

Prologue
Chapter 1 - Flashback
Chapter 2 - Bitternes
Chapter 3 - I'm Back
Chapter 4 - Game
Chapter 5 - I Know Her
Chapter 6 - Stalker
Chapter 7 - Friendship
Chapter 8 - Expect the unexpected
Chapter 9 - Rumors
Chapter 10 -The next day
Chapter 11: Last day
Chapter 12 - Final 4
Chapter 13 - "The other side of her"
Chapter 14 - First day of class
Capter 15 - Unexpected Visitor
Capter 16: Trouble
Chapter 18: Weird feeling
Chapter 19
Chapter 20: Wedding Day
Chapter 21: I remember
Chapter 22: Everyone is Shocked

Chapter 17 - "Box"

9 1 0
By itsmeagain04

Jay POV

Nandito kami ngayon sa kotse ko na kung saan si shaira ang nagmamaneho. Biruin mo yun kahit saksakan ng kasamaan ang ugali meron rin palang natatagong kabaitan kaso mga 3% nga lang. 

Papunta kami ngayon sa condo ko. Sabi ko kasi sa kanya ayos lang ako kaso saksakan ng katigasan ang ulo niya at sabi niya hindi ko daw siya utusan para sundin niya ako. sa pagkakaalam ko ang inuutos ko lang naman sa kanya ay ang umuwi. May saltik rin pala to sa ulo. 

May sugat kasi ako sa braso. Nagasgasan kasi to nung pinilit kong iliko yung kotse ko para hindi mabangga ang kotse niya kaso nagfailed ako, nabangga ko parin yun at ang malas ko pa dahil nagkasugat pa ako. Hindi naman siya malaki eh OA lang talaga si shaira pero aaminin ko natuwa ako sa ginawa niya. For the first time nakita ko siyang nag-alala kahit na itinanggi niya yun sa akin.

"Hoy! Saan na ako liliko?!" 

Natigil ako sa pag-iisip ng bigla siyang sumigaw. Pwede namang magtanong ng maayos bakit kailangan pang sumigaw. Hayy.

"Sa right then makikita mo na agad yung building."

Hindi na siya sumagot pa nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho.

Shaira POV

Nandito na kami ngayon sa condo niya. Infairness maganda tong condo niya saka malinis. Dinaig pa ako sa kalinisan. Siya kaya naglilinis nito? Wala naman kasi akong nakikitang maid eh.

"So tapos ka na bang mag daydream jan?"

Kahit kailan talaga ang yabang ng lalaking to. tss. kung wala ka lang sugat baka kanina pa kita nasapak eh. Pasalamat ka.

"Yabang! Nasan na yung first aid kit mo?" 

"Masyado ka kasing natutulala alam kong maganda yung place ko. Nasa CR ng kwarto ko. Wait lang kukuhain ko." Agad naman siyang naglakad papunta sa kwarto niya.

"Kahit kailan talaga!" Nanggigigil kong bulong sa sarili ko.

Sumunod naman ako sa kanya. Nang makapasok ako sa kwarto niya. Grabe ang laki well malaki rin naman yung kwarto ko sa bahay ko kaso iba kasi to. Masyadong maganda yung pagkakaayos at nakakatanggal ng stress yung kulay ng kwarto niya.

Agad naman akong napatingin sa may bedside table niya. May nakita akong box. Ang cute nga eh. Pumunta ako don tapos bubuksan ko na sana ng biglang may umagaw ng box.

"Wag mong papakealaman to. Eto na yung first aid kit. Tayo na sa labas."

Ramdam mo yung lamig ng boses niya. Parang napakaimportante nung laman. Nagnod na lang ako sa kanya at saka tuluyang lumbas ng kwarto niya.

Jay POV

 Nung nakalabas na siya ay agad kong binalik yung box sa drawer ng bedside table ko. Muntik niya na tong makitaa buti na lang at nakita ko siyang bubuksan palang ito. Alam niyo naman kung anong laman nito di ba? Yung bracelet niya. Ibabalik ko naman to sa kanya eh kaso hindi pa ngayon saka ko na ibabalik kapag naaalala niya na ako.

Pagkatapos kong ilagay ay lumabas na rin ako at agad ko siyang nakita na nakaupo sa couch. Halatang nagtataka parin siya sa kinilos ko kanina.

"Oh ano? Akala ko ba gagamutin mo yung sugat ko?"

"Nope! I Change my mind. Sugat mo yan kaya gamutin mo mag-isa mo. Tss. Bahala ka na sa buhay mo! Sige alis na ako."

Pagkatapos niyang sabihin yun ay agad niyang kinuha yung bag niya at tuluyang lumabas ng pad ko habang ako ay naiwang nakatulala sa kinatatayuan ko.

Hayyy.. Kahit kelan talaga hindi na magbabago yun.

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 95.4K 53
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, c...
Wattpad App - Unlock exclusive features