Diary ng Maganda [Leia's Diar...

By Victoria_Amor

74.2K 1.6K 99

NOTE: UNEDITED version Sa Dear Beautiful, ako si Venusa. Kilala ng online readers bilang witty and sarcastic... More

He says...
She says...
Chapter Glimpse
-- 0--
One
Two
Three
Three Point One: Mga Alaala
Three Point Two
Four
Five
Five Point One: Mga Alaala
Six
Six Point One: Mga Alaala
Six Point Two
Eight
Nine
Nine Point One: Mga Alaala
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Prequel

Seven

1.1K 49 0
By Victoria_Amor

Nalilito ka na ngayon?

Hindi ko maintindihan.

O hindi mo gustong intindihin?

Apat na taong hindi ko siya nagawang abutin.

O ikaw ang lumayo?

Hindi ko na alam kung alin sa dalawa.

Bakit naguguluhan ka ngayon?

Hindi ko alam kung tama ang nararamdaman ko.

Nararamdamang ano?

Na ako ang bumitaw. Na hindi talaga siya nawala sa akin.



LAMPAS hatinggabi na nang dumating si B. Naka-set na ang isip ko na tapusin ang huling trabaho ko bago mag-umaga. Pumasok si B gamit ang susi niya sa bahay ni late Lolo Jose.

Tumingin lang ako sa pinto nang marinig ko ang warning knock. Hindi niya ako inabutang nakasalampak ng upo sa sahig sa sala kaya inaasahan ko nang tutuloy siya sa kuwarto ko.

Bumukas ang pinto. "Hey."

"Hey, B." tugon ko na hindi man lang tumingin sa pinto.

"Busy?"

"Lagi naman. Nag-dinner ka na?"

"Yeah."

"Snacks?"

"No, thanks."

Naramdaman kong pumasok siya. Hindi ko man siya sinundan ng tingin, alam kong umupo siya sa kama ko. Hindi iyon ang unang pagkakataong ginawa niya iyon. Alam ko na rin ang susunod na mangyayari, hindi na siya iimik pa. Paglingon ko pagkatapos ng trabaho ay makikita kong nakatulog na siya. Ako na lang ang matutulog sa guest room para hindi na maistorbo ang tulog niya—iyon ang routine ko sa mga ganoong pagkakataon.

Tahimik na nga siya nang mga sumunod na sandali. Itinuloy ko ang naudlot na trabaho...


DEAR Beautiful,

Once upon a time, a witchy-beautiful princess believed that somewhere in the universe, a knight in shining armor was meant for her, so she ditched him—a frog with a pure heart. Five years later, the frog has transformed himself to a real prince—a prince who's back to pursue someone else, her Cinderella sister.

What a tragic ending.

Cupid just released his cursed arrow...and it hit me real hard.

Cursed Princess


LUBID o blade?

Sa tanong na 'yan gusto kong simulan ang final draft ng huling article ko pero malalagot ako kay B. Limang ulit niyang ipapa-rewrite sa akin iyon sa iba't-ibang approach. Sing-lupit ni Hitler ang boss ko, hindi 'yon naawa sa akin kahit minsan. Hindi iisang beses na may kinuyumos siyang draft ng article sa harap ko dahil masyado raw akong malupit. Ang isang malupit galit sa kapwa malupit. Lagi kaming nagbabanggaan. Ako nga lang ang laging talo sa mga argumento. Boss siya eh, si Venusa lang ako.

Isa mga regrets nating MAGAGANDA ay ang pinakawalan—or worse, nilait, sinaktan, inapi at ni-humiliate nating frog NOON, na nagbabalik bilang isang prince na may gusto nang iba, worse scenario uli, may mahal nang iba NGAYON. Ang sakit lang, hindi ba? Lalo na kung si ambisyosong frog NOON na naghahangad ng ganda natin ay ang prince nang laman ng ating mga pangarap NGAYON.

Hindi ba mapapahanap ka ng blade o lubid sa sitwasyong ito?

Pero huli na ang lahat, eh. Pinakawalan na. Isipin na lang na ang isang lobo sa langit na binitiwan natin ang tali ay patuloy nang lilipad paitaas, palayo sa atin at hindi na muli pang bababa.

Mas kilalanin natin si Cursed Princess sa diary entry niya...


Dear Diary,

Hindi ko tinapos ang JS Prom dahil kay Oca. Napilitan akong umuwi nang maaga kasi naman ayaw niya akong tantanan. Ayoko siyang maging first dance pero ang kulit niya. Ayaw niya akong hiwalayan. Nawalan tuloy ako ng chance na maisayaw ng crush ko!

Ang nakakainis pa, na-kiss niya ako nang hindi ko namalayan! Eeeeh. Hindi pa nga nahahawakan ni crush kahit kamay ko dahil ang higpit ni Dad kung makabantay, si Oca kiss agad?

Nasabihan ko tuloy siyang ayoko sa frog na gaya niya.

Totoo naman kasi. He's not my type! Eeehh. He's so malusog kaya. Hindi siya maputi. Hindi pa siya guwapo. Para siyang dark monster kasi ang tangkad na niya malusog pa! Lahat ng gusto ko sa guy, wala sa kanya. Gusto ko ng Knight in shining armor, ng prince—frog si Oca!

I hate this night. I hate him.

Wait. Kumakatok Ate, 'buti pa siya nag-enjoy sa Prom.

Oh, letter. May letter si Oca for me, ibinigay niya kay Ate. Aalis na raw ang family ni Oca after Graduation sabi ni Ate. Ano ngayon? Wala akong pakialam sa farewell letter na iyon. Sinabi ko kay Ate na itapon, sunugin, i-subject sa isang malupit na curse para makaganti man lang ako kay Oca. Hindi naman kami member ng Charmed sisters kaya walang alam si Ate sa curse at spell. Tinawanan lang ni Ate ang bad mood ko. Iniwan na niya ako sa room.

Iniwan akong sobrang frustrated.

 Wish  ko years from now, magkita ulit kami ni Oca para masampal ko siya ng beautiful hair ko!

Princess (Cursed Princess 2013)

March 15, 2009


YOUR wish has been granted, Cursed Princess. Hindi ka kasi dapat basta-basta nagwi-wish. Hayan tuloy, nag-krus uli ang landas n'yo ni former frog Oca at ikaw na ang may problema ngayon. Prince na ang frog, isang malinaw na good news. Hindi na nga lang ikaw ang prinsesa niya—'yon ang bad news.

Ouch, right?

Mas naintindihan kita sa short letter na kasama ng diary entry mo. Araw-araw na nasa Condo n'yo ng Ate mo si Oca kaya lagi mo nga siyang makikita. Naiintindihan ko rin na nakikita mo na ngayon ang mga bagay na hindi mo nakita noon. Ikaw ba naman ang araw-araw na maka-eye contact ang prince na laging nagdadala ng flowers para sa Ate mo, natural lang na ma-stress ka.

Gawin mo ang simpleng payo ko, invite mo siya sa Condo kapag wala ang Ate mo, magdala kamo siya ng food. Alam mo na ang susunod ng eksenang ito—na HUWAG mong gagawin, okay? Nagbibiro lang ako, Cursed Princess. (Bakit ang benta ng 'condo' story ngayon?)

Pag-usapan natin sa ibaba ang sitwasyon mo.

Sa isip ko, nakikita kitang nakasabunot sa beautiful long hair na ipang-sasampal mo sana kay Oca kapag nagkita kayo. Ano na ang plano mo ngayong kaharap mo na ang frog-turned-prince Oca na ito? Na-speechless ka ba? Bumilis ang heartbeat mo? Natukso ka bang sabihan siya ng: I deserved an explanation, Oca. (kung bakit ang Ate mo na ang gusto niya ngayon?) I deserved an acceptable reason! (para ma-convince ka na ang Ate mo na talaga ang nasa puso niya at hindi na ikaw. Why? Oh, why?) Naisip mo rin bang pasabugin sa mukha niya ang tanong na: Anyare, Dude?

At tuwing uuwi na siya, naiisip mo bang pigilan ang isang braso niya para itanong ang: Puwede bang ako na lang, Oca? Bakit hindi na puwedeng ako pa rin? Na sana ako na lang uli?

Paano naman kung galit siyang lumingon at sabihan ka ng: She loved me at my worst, you had me at my best but you chose to break my heart?

Ano'ng isasagot mo? Do you wanna build a snow man, Oca? O magda-drama ka ng kaunti, taas noo mo siyang haharapin para kantahan ng: Let it go, let it go. You'll never see me cry. Here I stand. And here I'll stay. Let the storm rage on, the cold never bothered me anyway!

Iinit ang ulo ni Oca, hahawakan ka sa balikat, may kasamang kaunting yugyog at sasabihin niyang: Ang sex appeal ko, hindi basta-basta mauubos, pero ang pasensiya ko sa 'yo, kaunting-kaunti na lang. Hindi mo ba makita? She-completes-me!

'Yon lang. Ouch with a big O!

Ikaw kasi, girl, eh. Inapi mo masyado si Oca. Sabihan mo ba namang 'frog' 'yong tao. Kahit frog may puso rin—iyon ang hindi mo nakita noon, ang pure heart ng frog na ngayon mo lang na-realize na mas dapat mong pinahalagahan more than his physical asset.

Ang mas mahirap pa, ininsulto mo ang frog—si Oca ng harap-harapan. Naisip mo ba kung gaano kasakit sa kanya ang sinabi mong hindi mo siya gugustuhin kahit kailan dahil frog siya? Ang sakit kaya no'n, girl, hindi lang sa puso kundi pati sa pride.

Try natin baliktarin ang sitwasyon—ikaw ngayon ang nasa harap ni Oca at sasabihin niya sa 'yong hindi niya na gugustuhin pa uli ang isang witchy-princess na gaya mo, because he has found his Cinderella already. Ano'ng mararamdaman mo? 'Di ba maghahanap ka ng lubid?

Pero ang Dear Beautiful page ay hindi ginawa para turuan ang mga magagandang babaeng gaya mo na magbigti o maglaslas ng pulso, okay?

Nandito ang Dear Beautiful para ipaunawa sa 'yo na kailangan mong maging maganda kahit brokenhearted ka. Bakit? Para hindi halata! Hindi, ang ibig kong sabihin, hindi nagtatapos ang buhay sa isang pagkabigong makuha ang isang bagay/tao/bahay/lupa/ o kung ano man 'yan na gusto mong makuha—sa kaso mo—tao, si Oca.

May dalawa kang pagpipilian: Ang ipaglaban siya o isuko. Itatanong mo sa akin kung alin sa dalawa ang dapat mong piliin? Hindi ko alam. Ikaw ang nakakaalam niyan. Bakit uli? Dahil ikaw ang nasa sitwasyon. Bumaliktad man ang mundo at bumait man ang Boss ko, hindi ko pa rin maiintindihan ng lubos ang eksaktong nararamdaman mo dahil wala ako sa sitwasyong 'yan. Bobolahin lang kita para maniwala ka sa pinagsasabi ko. Hindi iyon ang gusto kong mangyari. Ang role ko lang bilang magandang babaeng pinagkatiwalaan mo ng isang page ng diary mo ay ipakita sa 'yo ang mga posibilidad at bigyan ka ng options—na sa huli ay ikaw pa rin ang pipili ayon sa sarili mong pagpapasya.

Medyo napansin ko lang sa sulat mo na nahuhulog ka na kay Oca, tama? Ano'ng balak mo sa feelings na 'yan, Cursed Princess? Alalahanin mong Ate mo ang nasa pagitan n'yo. Gusto mo bang maging wicked sister sa ngalan ng pag-ibig?

Medyo kinakabahan ako, aminado ka pa naman na witchy-princess ka. Babawiin mo ba kay Ate si Oca? Gusto ba naman ni Oca? Anuman ang sagot mo sa mga tanong na 'yan, pakatandaan na ang pamilya ay hindi mapapalitan kahit kailan. Iisa lang 'yan. Hindi ka makakatagpo ng isa pang Ate pero maari ka pang makatagpo ng isang bagong Oca, o ng mas higit pa sa kanya.

One big word for today—PAST—PSP, Past iS Past! *_^ Hindi lahat ng 'past' ay may nakalaang espasyo sa future natin. May mga 'past' na dapat ay manatiling nasa past na lang.

Gusto mo bang panoorin muna ang mga pelikulang may mga sikat na linyang nabasa mo? Go, girl, nang maaliw ka naman.

Venusa's watching you, beautiful!


NAPALINGON ako sa kama nang marinig ko ang pag-ungol ni B. Ang biglang pagbangon niya ang nasalubong ng mga mata ko. Mabilis kong s-in-aved ang ginawa ko. Pinaikot ko ang upuan ko para harapin si B.

"B?"

Nabasa ko ang pagkalito sa mga mata niya nang tumingin sa akin, hinahagod niya ang batok niya na para bang naguguluhan. Sa tingin ko ay pinaghihiwalay pa niya ang realidad mula sa panaginip.

Biglang kumilos si B, nakalapit na siya bago ko pa nahulaan na iyon ang intensiyon niya. Mahigpit niyang sinapo ang kaliwang bisig ko at sinipat na para bang may inaasahan siyang makita sa tapat ng pulso ko.

"Akala ko totoo..."

Napamaang na lang ako nang pasalampak siyang umupo sa sahig, magkahiwalay ang mga binti at paulit-ulit na hinahagod ang batok. Noon ko lang napansin hindi na naka-tucked-in ang long sleeves niya at bukas ang lahat ng butones!

Napapalunok na inilayo ko ang tingin. Hindi ko dapat pinag-aaksayahan ng oras ang magandang tanawing iyon o mawawala lang ang focus ko.

"Kitang-kita ko ang dugo...sa sahig...kumakalat...mas dumadarami pa at wala akong kahit ano'ng nagawa..."

"D-Dugo?"

"Nahuli ako ng dating. May sugat ka na...malalim—kitang-kita ko. Hawak mo pa ang matalim na kutsilyo..." tuloy-tuloy ang pagsasalita ni B, hindi pinansin ang tanong ko. "Naramdaman ko pa sa palad ko ang dugo mo..." nakita kong sinipat niya ang sariling palad na para bang hinahanap ang dugong nasa panaginip niya. "Oh, God..." sinubsob niya ang mukha sa dalawang palad. "I...I lost you. I've felt it. You...you died...in my arms."

Noon ko lang naintindihan ang kilos ni B. Inabot ko ang baso ng tubig na inihanda ko talaga tuwing inuumaga akong nagsusulat. Mabilis ko siyang nilapitan. Paglapat ng palad ko sa likod niya ay naramdaman kong basa siya ng pawis. "Hindi ka ba nagdala ng extra shirt? Basang-basa ka," lumuhod ako sa tabi niya, inilapit ko ang baso ng tubig. "Tubig, B. Uminom ka." Hinagod-hagod ko ang likod niya, lampas ang tingin ko sa hantad niyang dibdib. Pilit kong pinapangibabaw ang pag-aalala ko kaysa sa tensiyong pilit kong itinataboy.

Tahimik niyang kinuha ang baso at uminom. Inubos niya ang tubig. "May ibig sabihin ang panaginip mo. Mamamatay na daw ako sa mga susunod na araw sa dami ng assignments ko—"

"Damn it, M!" marahas na putol ni B, hindi ko na naituloy ang mahaba sanang biro ko para pagaanin ang sitwasyon. Bagsak talaga ako sa usapan ng humor. Imbes matawa ay nagalit pa siya. "We're talking about death here! Walang nakakatawa sa panaginip ko!"

"Relax," bawi ko, hindi ako huminto sa paghagod sa likod niya. "Trying hard na nga akong magbiro, nagagalit ka pa. Gusto ko lang pagaanin ang usapan. Upset ka, eh. Buhay ako. Hindi mawawala sa Love&Life si Venusa. Tatapusin natin ang diary project, ilalabas mo ang Voices Of Venus 2, hindi mawawala ang maganda mong assistant—tuloy ang lahat. Sa panaginip mo lang ako namatay. Gising ka na ngayon, B. Kasama mo ako at buhay na buhay. Hindi kita iiwan, alam mo 'yan. Kahit ghost na nga ako, babalikan pa rin kita, eh. Ako ang magiging guardian ghost na laging nasa likod mo para tulungan ka lagi. Okay na? Tumayo ka na diyan, pahihiramin na lang kita ng oversized t-shirt ko, magbihis ka. Pawis na pawis ka, o."

Iniwan ko na siya. Naghanap ako ng T-shirt na kakasya sa kanya at face towel. Hindi bago sa akin ang gawin iyon. Sanay na sanay ako.

Pagbalik ko ay nakaupo pa rin sa sahig si B pero nakahubad na ng pang-itaas. Sinadya kong pumuwesto sa likuran niya—na madalas ko ring ginagawa para hindi niya makita na apektado ako sa mga ganoong eksena sa pagitan namin.

Gamit ang face towel ay tinuyo ko ang pawis sa likod niya, hanggang sa mga balikat...hindi ko na kayang itawid sa dibdib niya, baka mapasinghap na ako kaya iniwasan ko na lang.

"O, 'bihis ka na." Isinampay ko sa balikat niya ang t-shirt ko. Binalikan ko na ang laptop ko sa desk. "Lumipat ka na sa kabila B, kailangan ko na ang kama ko."

Nagbihis si B nang tahimik. Suot na niya ang t-shirt ko nang tumayo siya mula sa sahig. Mahabang sandaling pinanood niya ako sa puwesto ko. Naramdaman ko ang titig niya. Hinagilap ko lahat ng naipon kong tatag—para magpanggap na walang anuman sa akin na naroon siya at nakatitig sa akin. Kung paano ko nagagawang maging relax sa paningin niya ay hindi ko sigurado.

Nilingon ko rin siya nang hindi ko na kaya ang titig niya. "Buhay ako, okay? Lumabas ka na, B."

Sa halip na humakbang patungo sa pintuan ay humakbang siya palapit sa akin. Nagrigodon ang puso ko. Pinigil kong hagurin ang dibdib ko.

"What—" sinalubong ng halik niya sa noo ko ang pagtingala ko para magtanong.

"Matulog ka na, M. Umaga na." sabi ni B habang humahakbang palayo. Tinangay ng hangin ang focus ko.

May nangyayari kay B na hindi ko maintindihan.

Hinagod ko nang paulit-ulit ang dibdib ko para patahimikin ang pintig ng puso ko.

Paano ako makakatulog kung ang hubad na waist-up ni B ang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko?

Pagkalabas niya ay tinakbo ko ang pinto at maingat kong ibinaba ang lock kasunod ang pagbuga ng hangin sa ere.

Pamilyar na pamilyar ang bilis ng pintig ng puso ko.

Saan ako dadalhin ng pintig na iyon, at nang hindi ko maintindihang pagbabago kay B?

Mas natatakot ako.


Continue Reading

You'll Also Like

40.5K 792 10
"Sa puso ko, ligtas ka." Perfect ang buhay ni Harmony-mula sa pamilya, trabaho, at pati love life. Pero nagbago iyon nang iwan siya ng kanyang boyfri...
123K 1.9K 11
Sa lahat nang naisulat ko, this is my favorite story. Sabi nila, sobrang nakakaiyak daw itong story. Well, sobrang dami ko ring iniyak habang sinusul...
32.2K 1.7K 39
"You've just made a record, Jenny. Ikaw ang taong kauna-unahang tumawag sa akin ng PJ. Thank you. Kapag close na tayo, saka mo malalaman kung bakit m...
69.9K 2.5K 60
Sabi nila: Love is Blind, Love is Unpredictable, Love is Tragic, Love is Mutual, Love is the Most Powerful form of Affection. etc... Pero paano ku...
Wattpad App - Unlock exclusive features