Ang Lihim ng Lunangayin

By FilipinoFiction

74.9K 3.3K 719

Ito ay nobela tungkol sa sinaunang paniniwala na patuloy na ginagawa sa isang liblib na barrio sa Norte. Mist... More

Ang Lihim ng Lunangayin
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Epilogo 1.1
Epilogo 1.2

Chapter 29

1.3K 66 14
By FilipinoFiction

Tama na, Luna. Sabi ng kaniyang isipan. Tigilan mo na ang pangangarap.

Huminga ng malalim si Luna, at ibinaling ang tingin sa babaeng katabi ni Marvin.

"Pasensiya na, Tina, kung mahal ko rin ang taong mahal mo," malungkot na wika ni Luna sa mahinang boses.

Dinampot ni Luna sa kaniyang tabi ang plastic ng maruming damit at saka tumayo.

"Luna..."

Nabigla si Luna nang marinig ang mahinang tawag ni Marvin.

"Luna," wikang muli ni Marvin kasabay ng unti-unting pagmulat ng kaniyang mga mata.

Muling lumuhod si Luna sa tabi ni Marvin. Hinawakan niyang muli ang pisngi ng binata at ngumiti.

"Gising ka na," masayang bulong ni Luna.

Dahan-dahang inilibot ni Marvin ang mga mata.

"Nasaan tayo?" Bagama't sinuklian rin niya ng ngiti si Luna, batid ng dalaga ang kalituhan sa isip ng binata.

"Uhm," panimula ni Luna, iniisip kung paano sisimulan ang paliwanag. "Nasa isang lugar tayo dito sa Ilocos na may kalayuan na sa Lunangayin," bulong ni Luna habang hinahaplos ang pisngi ng binata. "Dinala namin kayo rito dahil... dahil may kaguluhang naganap kagabi sa barrio. Hindi na mahalaga kung anuman iyon. Ang importante ngayon ay ligtas kayo," bumuntong hininga si Luna at bumaling ng tingin sa kaibigang si Tina.

Nang sinubukan ni Marvin ang bumangon, muli siyang tumingin dito at pinigilan ito.

"Humiga ka lang," payo ni Luna. Inalalayan niya ang ulo ni Marvin pabalik sa unan. "Maaari kang sumuka kung pipilitin mong tumayo agad. Hayaan mo lang munang lumipas ang kalahating oras bago ka bumangon."

Bagama't ipinikit ni Marvin ang kaniyang mga mata at hindi na muling nagsalita, batid ni Luna'ng kailangan niyang magpaliwanag.

"Malakas ang epekto ng pampatulog na nainom n'yo kahapon," kusang sagot ni Luna sa maaaring katanungan ni Marvin. "Ito ang dahilan kung bakit ganoon na lang ang hilong nararamdaman mo. Pero lilipas din ang pakiramdam na 'yan. Maya-maya lang, giginhawa na rin ang pakiramdam mo."

Saglit na natahimik si Luna. Dahil nais niyang umiwas na pag-usapan pa ang mga bagay na hindi naman niya kayang ipaliwanag, minabuti na niyang magpaalam.

"Pasensiya na, Marvin, ngunit kailangan ko ng umalis. Nag-iwan nga pala ako ng note sa lamesa. Paki basa na lang pag maayos na ang pakiramdam mo."

Aktong tatayo na si Luna nang pigilan ito ni Marvin.

"Teka lang," pakiusap ni Marvin. Nang makapa niya ang kamay ni Luna, marahan niya itong hinila patungo sa kaniyang dibdib.

"Luna, mahal pa rin kita," sabi n'ya, at dahan dahan niyang minulat ang kaniyang mga mata.

Nabigla si Luna sa sinabi ng binata. Tila ba narinig ni Marvin ang mga katagang binitiwan niya nang ito'y kaniyang hinalikan.

"Marvin..."

"Ngayong alam ko na na mahal mo rin ako –"

Pinutol ni Luna ang nais sabihin ni Marvin nang bawiin niya ang kaniyang kamay sa pagkakahawak nito.

"Tama na, Marvin. Hindi ako nararapat para sa'yo –"

"Ngunit –"

"Shhh... makinig ka," mariing tugon ni Luna sa mahinang boses. "Maraming bagay ang hindi mo alam tungkol sa'kin at tungkol sa pamilya ko. Oo mahal kita, pero walang patutunguhan ang pagmamahal na iyon dahil magkaiba tayo, iba ang pinanggalingan ko. Mahirap ipaliwanag, Marvin. Pero mas mabuti ng kalimutan mo na ako. Hindi ako karapatdapat para sa'yo."

Agad na tumayo si Luna tangan ang plastic na dala. Hindi niya nais na makita ni Marvin ang pagpatak ng mga luha sa mga maga niyang mata. Nang tumalikod siya, muli niyang narinig ang pagtawag ng binata.

"Luna..."

"Pakiusap..." wika ni Luna habang nakapako ang paningin sa pintuan ng silid. "Sa pag-alis ko ngayon, huwag n'yo nang subukan pang makipag-ugnayan sa'kin sa anumang paraan. Simula ngayon, pinuputol ko na ang pagkakaibigan natin. Hindi ko na gustong makarinig pa ng anuman mula sa inyo. Kalimutan n'yo na ako."

Hindi na hinintay pa ni Luna na magsalitang muli si Marvin. Mabilis niyang tinungo ang pintuan at mabigat ang loob na lumabas dito. Matapos niyang kabigin pasara ang pinto, siya'y napasandal dito.

Pilit na nilabanan ni Luna ang masakit na damdaming ibig kumawala. Minarapat niyang maging matatag sa mga sandaling iyon kung kaya't kinabog niya ang kaniyang dibdib at lumagok ng hangin. Pinahid niya ang basang mukha at tumingala upang pigilan ang muling pagpatak ng mga luha.

Nang kumalma ng bahagya ang kaniyang pakiramdam, tinungo niya ang sumunod na pintuan at binuksan ito gamit ang dalang susi sa kuwartong iyon. Agad na dumiretso si Luna sa malinis na lamesa at ipinatong doon ang susi at maiksing liham. Nang lingunin niya ang magkasintahang nakahiga sa kama, napansin niya ang dahan-dahang paggalaw ni Randy. Malapit na rin gumising si Randy. At upang makaiwas rito, hindi na nagtagal pa si Luna at siya'y lumabas na. Nang mai-lock niya ang pintuan, tinahak na niya ang pasilyo patungo sa maliit na lobby. Doon, nakita niya ang kapatid na nakaupo't naghihintay.

"Halika na," sabi ni Nina sabay tayo. Bagama't hindi maitago ni Luna ang namumulang mata at ilong dahil sa pag-iyak, hindi niya naringgan ang kapatid na magtanong ukol dito.

Sinundan niya palabas ng gusali si Nina na bitbit ang bag. Dumiretso sila sa likurang bahagi at tinungo ang kanilang mga dalang sasakyan.

"Pupunta tayo sa junkshop na malapit dito. Sundan mo lang ang sasakyan ko," wika ni Nina.

Hindi na nagtanong pa si Luna sa kapatid kung ano ang pakay ng pagpunta nila sa junkshop, at kung paano inihabilin ni Nina ang mga naiwan niyang kaibigan sa namamahala ng inn. Basta't ang alam niya, may nakahanda ng plano ang kapatid sa araw na iyon kung kaya't nanatili na lamang siyang walang imik.

Makalipas ang ilang minuto, matapos ipasok ng magkapatid ang dalang sasakyan sa isang mabatong daan, huminto sila sa tapat ng isang makalawang na gate. Bumaba si Nina sa van at kinatok ang pintuang bakal na nakauwang. Lumabas mula rito ang isang morenong maskuladong lalaki na hindi gaanong katangkaran.

Binuksan ni Luna ang bintana ng pick-up saka pinatay ang makina nito. Mula sa kaniyang kinauupuan, dinig niya ang pag-uusap ng kapatid at ng maskuladong lalaki.

"Eto ba yung sinasabi mo?" tanong ng lalaki. Sa malamig na boses nito, maaaring mapagkamalang siya'y isang mang-aawit.

"Eto nga. May kalumaan na pero maganda pa ang takbo ng makina n'yan. Kaya pumayag ka na sa singkwenta mil. Napakamura na non," wika ni Nina.

"Kinse lang ang pwede kong ituring d'yan," tugon ng lalaki sabay lagay ng mga kamay sa kaniyang baywang.

"Masyado namang maliit yon."

"Ganun talaga, wala naman kasing papel yan," sagot ng lalaki. "Kung dadalhin mo yan sa talyer babaratin ka rin nila."

"Baka naman pwedeng kahit trenta man lang?" pakiusap ni Nina. "Hindi naman yan nakaw. Sa'min talaga yan, hindi lang namin mahanap kung saan nailagay ng kamamatay lang naming itay ang rehistro n'yan," kinilabutan si Luna sa pahayag ng kapatid. "Kung di lang talaga namin kailangan ng pera, hindi namin planong ibenta ito."

Saglit na tumahimik ang lalaki. Sinundan ni Luna ng tingin ang lalaki habang iniikutan at sinisipat ang sasakyan. Matapos iyon, muli siyang nagsalita.

"Hanggang bente lang ang kaya kong ibigay. Iyon lang din ang meron ako. Kung ayaw mo, sa iba mo na lang dalhin yan."

"Sige, payag na ako sa bente," napilitang sagot ni Nina.

"Osige, ipasok mo na yan at kukunin ko lang yung pambayad. Dingdong!" sigaw ng maskuladong lalaki. Hindi nagtagal at lumabas sa pintuang bakal ang isang binatilyong may hawak na maruming basahan. "Buksan mo ang gate at ipapasok itong pick-up." Nang tumango ang binatilyo, pumasok na sa loob ang maskuladong lalaki.

Habang binubuksan ang gate, kinuha ni Nina ang kaunting gamit na nakalagay sa loob ng pick-up at inilipat ito sa van. Matapos iyon, inutusan niya si Luna'ng ipasok na ang sasakyan sa loob ng bakuran.

Nang maiabot na ang bayad kay Nina, nilisan na ng magkapatid ang lugar na iyon.

"Ate, saan tayo pupunta," mahinang tanong ni Luna habang nagmamaneho ang kapatid. Bagama't katabi lamang niya sa upuan si Nina, hindi niya ito tinitignan. Ang mga mata niya ay nakapako sa mahabang daan.

"Sa Pangasinan. Doon ang tungo natin," sagot ni Nina.

Continue Reading

You'll Also Like

110K 2.9K 36
Hihiling ka ba sa singsing kahit buhay ang kapalit? Susuotin mo ba? Handa ka na ba? Read at your own risk. - Highest rank#11 (Horror) Date Started:...
GRETA [COMPLETED] By SOULID

Mystery / Thriller

108K 2.5K 14
Si Greta ay isang asawa na gagawin ang lahat para lang maging mapayapa at buo ang kanilang pamilya. Ngunit paano kung malaman niyang pinagtataksilan...
20.1K 690 49
Ngayong magkasama na ulit ang magkababatang si Kyouko Yukito at Ren Austort. Anong mangyayari? Manatili kaya ang galit nila sa isa't isa o magkapataw...
106K 1.8K 11
The suffering of humans ended when an Angel came down to Earth and punished Vampires. Hindi sila pinatay ng anghel na yon sabi ni Mama, kundi inalis...