Ang Lihim ng Lunangayin

By FilipinoFiction

74.9K 3.3K 719

Ito ay nobela tungkol sa sinaunang paniniwala na patuloy na ginagawa sa isang liblib na barrio sa Norte. Mist... More

Ang Lihim ng Lunangayin
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Epilogo 1.1
Epilogo 1.2

Chapter 27

1.3K 63 10
By FilipinoFiction

"Ate!" sigaw ni Luna nang buksan niya ang pintuan ng driver's seat. "Anong ginagawa mo sa kaniya?" galit na tanong nito. Sasampa na sana siya sa loob ng sasakyan upang hablutin ang kamay ni Nina para ilayo sa labi ni Marvin ng mapansin niya ang basang kamay ng kapatid at basang mukha ng kaibigan - na bahagyang nangintab nang kaniyang maaninag (dala ng mahinang liwanag ng ilaw sa loob ng sasakyan). Dahil dito, saglit siyang natigilan. Ngunit dahil sa kakaibang amoy, biglang na lang niyang naitanong, "Bakit... bakit amoy alak dito sa loob?" sabay ng paglukot ng kaniyang mukha.

Sumulyap si Nina sa kapatid na para bang hindi alintana ang galit na hitsura nito, at matapos non, muli niyang hinaplos-haplos ang bibig ng tulog na si Marvin hanggang umabot ang kaniyang kamay sa leeg nito.

"Pinapahiran ko ng alak ang mukha at leeg ng kaibigan mo," mahinang sagot ni Nina, at ipinakita ang hawak na bote sa kaniyang kaliwang kamay. "Tapos na siya," bahagya siyang lumayo at tumindig ng maayos. Bagamat hindi nalalayo ang taas niya kay Luna, may kalakihan naman ang katawan niya kumpara sa kapatid, "at itong matabang lalaki sa likuran niya. Yung mga babae naman ang isusunod ko," dagdag niya sabay sara sa pintuan ni Marvin.

Nang umikot siya tangan ang bote at tinungo ang kabilang gilid kung saan naroon si Luna, buong pagtataka siyang tinanong nito.

"Anong ginagawa mo?"

Huminto si Nina sa harap ni Luna at sinabi ng pabulong, "Kailangan nating palabasing lasing ang mga kaibigan mo. Ito lang ang naisip kong paraan upang hindi magduda ang mga tao doon sa tutuluyan natin ngayong gabi. Kung hindi natin ito gagawin, magtataka sila kung bakit may mga kasama tayong apat na taong walang malay. Baka maging dahilan pa ito para magtawag sila ng pulis. Magiging malaking problema yon."

Hindi na umimik si Luna. Naging maliwanag na sa kaniya ang ginagawa ng kapatid. Sinundan na lamang niya ng tingin si Nina nung ito'y dumiretso sa dalawang kaibigang nakapwesto sa likuran ng pick-up, at pinagmasdan ang pagpahid nito ng alak kay Sabel na nakaupo sa gitna.

"Ate," mahinang tawag ni Luna sa kapatid. "Kailangan ko rin bang magpahid ng alak sa mukha at leeg ko?"

"Hindi na," sagot ni Nina habang patuloy na pinapahiran ng alak si Sabel. "Baka pag may nakaamoy sa'yo sabihin pang nagmamaneho ka ng lasing."

"Eh paano ka, ate? Mukang kumapit na sa'yo ang amoy ng alak."

"Maghuhugas ako sa banyo pagkatapos nito at magpapalit ng t-shirt," sagot ni Nina. "Siya nga pala, punasan mo yung natuyong dugo sa mukha ng kaibigan mo. Yang nakaupo sa harap. Baka makwestyon pa tayo ng tungkol sa sugat niya sa noo."

Agad na umikot si Luna sa kabilang gilid at pinunasan ng binasang tisyu ang tuyong dugo sa mukha ni Marvin. Gusto sana niyang inspeksyunin ang sugat ng binata, ngunit dahil sa pag-aalalang baka ito'y maimpeksyon ng marumi niyang kamay, hinayaan na lamang niya ang sugat.

Hindi nagtagal at natapos din si Nina sa pagpahid ng alak sa mga kaibigan ni Luna. Nang tinungo niya ang banyo dala ang bote, isinara na ni Luna ang kaniyang pintuan. Malakas ang amoy ng alak na umiikot sa loob ng sasakyan - kahit nakabukas pa ang kaniyang bintana - kung kaya't hindi maiwasan ni Luna ang pagpisil-pisil ng kaniyang ilong. Nang bumalik ang kapatid, kinausap s'ya nito.

"Alam kong hindi ka sanay sa amoy ng alak," wika ni Nina habang sinisilip sa bukas na bintana ang mga kaibigan ni Luna sa loob ng sasakyan. "Pero kailangan mong isara itong bintana para hindi mawala ang amoy ng alak. Pagtiyagaan mo na lang muna ang amoy. Trenta minutos na lang naman ang ibibiyahe natin."

Tumango si Luna at isinara na ang bintana, samantalang si Nina naman ay pumasok na sa loob ng van at binuhay na ang makina.

Makalipas ang kalahating oras, bumagal ang takbo ng sasakyan ni Nina at dahan-dahan itong lumiko papasok sa entrada ng isang maliit na inn. Sinundan ito ni Luna at sila'y pumarada sa mabato at bukas na likurang bahagi ng maliit na gusali. Bumaba ng van si Nina at kinausap ang patpatin na matangkad na lalaking sumalubong sa kaniya. Samantalang si Luna ay piniling manatili sa loob ng pick-up habang sinisilip ang kapatid na nasa likurang bahagi ng kaniyang sasakyan.

Maya-maya pa'y, nakita niya ang kapatid at ang lalaking kausap na lumalakad papalapit sa kaniya.

Kumatok si Nina sa bintana ng sasakyan at binuksan ito ni Luna. Guminhawa ang paghinga ni Luna nang pumasok ang sariwang hangin mula sa labas.

"Patayin mo na ang makina at ibababa na natin sila," sabi ni Nina sabay sulyap sa mga kaibigan ni Luna.

Matapos isarang muli ang bintana, pinatay ni Luna ang sasakyan at saka bumaba mula rito.

"Kuya," wika ni Nina sa lalaking kausap. "Paki tulungan na lang kaming ibaba ang mga kaibigan namin ha? Sobrang nalasing kasi kaya ayan hindi na namin magising-gising."

Sinilip ng lalaki mula sa pintuan ni Luna ang mga kaibigan nito sa likod ng sasakyan na nangangamoy alak. Halos malaglag na sa kinauupuan ang dalawang babae, at ang matabang lalaki naman ay nakasubsub na't halos sakupin na ang kalahating parte ng upuan. Kung hindi dahil sa mga bag na nakaharang sa magkabilang gilid, maaring nauntog na ang dalawang pasahero sa gilid ng sasakyan.

Dahan-dahang binuksan ni Nina ang pintuan sa tabi ni Tina. Pagkabukas nito, agad niyang hinawakan ang bag na muntikan ng malaglag. Ganito rin ang ginawa niya noong binuksan niya ito kanina lamang; noong pinahiran niya ng alak ang mga kaibigan ni Luna.

"Kami na ang bahalang magbitbit sa mga babae, kuya. Paki tulungan na lang kami sa mga kasama naming lalaki," wika ni Nina.

"Osige, pero mukang mahihirapan ako dito sa isang ito," tugon ng matangkad na lalaki sabay turo kay Randy. "Pagkapasok ko sa kaibigan n'yong nasa harapan, tatawag ako ng isang kasama para mabuhat namin itong isa."

"Salamat, kuya," sabi ni Nina.

Tatlong silid ang kinuha nina Luna. Ang isa ay para sa kanilang magkapatid, ang ikalawa ay para kina Marvin at Tina, at ang ikatlo naman ay para kina Randy at Sabel.

"Ate, hindi ba't mas maganda kung ang magkasama sa kuwarto ay sina Tina at Sabel, tapos sa kabila naman sina Randy at Marvin?" halos pabulong na sabi ni Luna nang isara ang pintuan ng kanilang silid. Inilibot niya ang mga mata sa maliit na silid. Tanging ang kamang pang dalawahang tao, isang bukas na wall-fan, isang upuan at maliit na lamesa lamang ang laman ng silid. Sa kabilang gilid naman makikita ang bukas na pintuan ng maliit na banyo.

"Maigi na yung babae't lalaki ang magkasama. Baka kasi pag-interesan ng mga bantay dito yung dalawang babae kung sila lang ang magkasama sa kuwarto." Ipinatong ni Nina ang may kalakihang bag na dala sa ibabaw ng lamesa.

"Ha?" gulat na sagot ni Luna sabay tingin sa kapatid. "Eh paano tayo? Baka pag-interesan tayo ng mga yon. Wala tayong kasamang lalaki?"

"Hindi yon ang ibig kong sabihin," tugon ni Nina habang kinakalkal ang loob ng bag. "Wala kasing malay yung mga kaibigan mo. Kung hahayaan nating magkasama yung dalawang babae, eh nag-aalala akong baka samantalahin ng mga bantay dito yung kalagayan nila. At least kung may kasamang lalaki yung mga babae, maaaring mawalan ng interes yung mga bantay sa mga kaibigan mo. Eh tayo naman," naglabas si Nina ng dalawang oversized-tshirt at saka umupo sa gilid ng kama. Ipinatong dito ang dalawang damit at saka nag-alis ng gomang sapatos. "Alam nilang hindi tayo lasing kaya sa tingin ko hindi maglalakas loob ang mga yon na gawan tayo ng hindi maganda."

Hindi na nagsalita pa si Luna. Tulad ng kaniyang ate, nagpalit na lamang siya ng tshirt na bigay ni Nina at saka inihanda ang sarili sa pagtulog.

Pagod nga marahil si Nina, sapagkat wala pang sampung minuto pagkahiga niya, agad na nakatulog ito. Samantalang si Luna, kahit ramdam ang pagod at panghihina ng kaniyang katawan at kalooban, tila ba ayaw s'yang dalawin ng antok. Habang nakahiga at patay ang ilaw, nakatitig ang kaniyang mga mata sa madilim na kisame.

Inisip niya kung anong mangyayari bukas. Hihintayin ba nilang magising ang kaniyang mga kaibigan bago umalis, o basta na lang nila iiwan ang mga ito ng walang paalam? Bukas, bago sumapit ang tanghali, mawawalan na ng bisa ang nainom nilang pampatulog na karaniwang umeepekto lamang sa loob ng halos dalawampu't apat na oras. Magigising na lang ang mga kaibigan niyang gulat sa kung saan sila naroroon at kung bakit sila naroroon.

Makakabuti nga siguro kung aalis na lang kami ng walang paalam, sabi ni Luna sa isipan. Hindi ko kayang harapin sila at magsabi ng malaking kasinunghalingan. Tiyak kong marami silang katanungan at mahihirapan akong sagutin iyon... kaya mas mabuti ngang umalis na lang kami ng walang paalam...

Ngunit dahil alam ni Luna'ng karapatan din ng kaniyang mga kaibigan na malaman ang nangyari, inisip niyang gumawa ng isang liham na maaari niyang iwanan upang doon magpaliwanag: ipaliwanag lamang ng bahagya ang nangyari.

Ngunit dahil wala siyang dalang panulat at papel, naisip na lang niyang i-mensahe sa text sina Tina at Sabel.

Kaya naman agad na bumangon si Luna at kinapa-kapa sa dilim ang kaniyang telepono na ipinatong niya (ng magbihis) sa lamesang malapit sa kaniyang tabi.

Nang bumalik sa higaan si Luna, binuhay niya ang kaniyang telepono at sinimulang pindutin ang mga letra rito. Ang mahinang ilaw mula sa telepono ay nagbigay ng kaunting liwanag sa kanilang kuwarto.

Continue Reading

You'll Also Like

12.8K 847 73
Nakabasa ka na ba ng Kakaibang Istorya? Kahindik Hindik? Pero hindi nakakatakot? Nakakatawa pero maiiyak ka? Magulo pero MAKAKARELATE ka!? Sundan nat...
692K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...
29.7M 988K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.
106K 1.8K 11
The suffering of humans ended when an Angel came down to Earth and punished Vampires. Hindi sila pinatay ng anghel na yon sabi ni Mama, kundi inalis...