My Four Homophobic Stepbrothe...

By GoddessOfSevenColors

2.8M 109K 20K

Highest Rank Achieved: #1 in HUMOR CATEGORY! • • • • • • Pauper turned into Princess. Ganyan ang naging buhay... More

Author's Note
Prologue
Paaakkk 01
Paaakkk 02
Paaakkk 03
Paaakkk 04
Paaakkk 05
Paaakkk 06
Paaakkk 07
Paaakkk 08
Paaakkk 09
Paaakkk 10
Paaakkk 11
Paaakkk 12
Paaakkk 13
Paaakkk 14
Paaakkk 15
Paaakkk 16
Paaakkk 17
Paaakkk 18
Paaakkk 19
Paaakkk 20
Paaakkk 21
Paaakkk 22
Paaakkk 23
Paaakkk 24
Paaakkk 25
Paaakkk 26
Paaakkk 27
Paaakkk 28
Paaakkk 29
Paaakkk 30
Paaakkk 31
Paaakkk 32
Paaakkk 33
Paaakkk 34
Paakkk 35
Paaakkk 36
Paaakkk 37
Paaakkk 38
Paaakkk 39
Paaakkk 40
Paaakkk 41
Paaakkk 42
Paaakkk 43
Paaakkk 44
Paaakkk 45
Paaakkk 46
Paaakkk 47
Paaakkk 48
Paaakkk 49
Paaakkk 50
Paaakkk 51
Paaakkk 52
Paaakkk 53
Paaakkk 54
Paaakkk 55
Paaakkk 56
Paaakkk 57
Paaakkk 58
Paaakkk 59
Paaakkk 60
Paaakkk 61
Paaakkk 62
Paaakkk 63
Paaakkk 64
Paaakkk 65
Paaakkk 66
Paaakkk 67
Paaakkk 69
Paaakkk 70
Paaakkk 71
Paaakkk 72
• THE ENDING •
ANNOUNCEMENT 😘
MFHSB - Extended Chapterrr 💋

Paaakkk 68

24.6K 956 213
By GoddessOfSevenColors

Sorry for this supah late update.
Sobrang stress lang ako. 😷

Kayo na pong bahalang umintindi sa update kong ito. Medyo sabog lang ako ngayon. 😲

Enjoy Reading! ✌




---


• FITA'S POV •




"So? Nag-date pala kayo ni Axe kahapon?" Tanong ni Ethan habang kami ay nasa loob ng sasakyan nya. Ayaw nyang pa ring paandarin yung kotse. Megeed!

"D-date?! Lumabas lang kami ni Kuya. Pinasyal nya lang ako." Sagot ko.

"Ganun na din yun. So saan ba kayo pumunta?" Intriga nya ulit. Goossh! Ang dami nyang tanong. Kaloka!

"Sa ocean park." Sagot ko.

"Real talk? Sa ocean park?" Gulat nyang tanong.

"Oo. Bakit? Maganda nga dun eh. Tsaka nag-enjoy ako. Ang saya pala dun." Sagot ko.

"Hehe. Nagulat lang ako. Hindi ko in-expect na doon ka dadalhin ni Axe." Nakangiti nyang sabi.

"Ako nga din eh nagulat. Pero in fairness kay Kuya Axe, he knows what I like. Ganun." Nakangiti ding sagot ko.

"So? Ngayon? Pwede tayo naman ang mag-date?!" Nakangiti nyang tanong! Mygaassshh!

"D-date? Ta-tayo?" Gulat kong sambit. Kaloka!

"Yup. Magde-date tayo." Sagot nya sabay kindat sa akin at pinaandar nyang na ang sasakyan.

"Sa-saan mo naman ako dadalhin?" Tanong ko.

"Sa amusement park." Sagot nya.

"A-amusement park? Yung parang perya ba yun?" Tanong ko!

"Yup. Matagal na din akong hindi nakakapunta sa ganung lugar. And besides, I know you'll like that place." Sagot nya.

Bigla akong na-excite!
Ohmygaaaddd!
Amusement Park!
Perya! Perya! Perya! Basta ganun!
Gosshhh. I'm excited na!
After so many years makakapunta ulit ako sa ganong lugar, wala kasing ganun sa isla namin eh. So I'm excitedly excited! Ganun.

"Parang may sumusunod sa atin." Puna ni Ethan.

"Ha? Sumusunod?"

"That blue car sa likod natin, feeling ko sinusundan tayo." Sagot nya. Kaya napatingin ako sa side mirror at nakita ko nga ang blue na kotse na sumusunod sa amin.

Peroooo waaaiiit!
Kilala ko kung kaninong kotse yun!
Kay Kuya Axe yun!

"Ka-kay Kuya Axe yung kotse na yun." Kuda ko.

"Talaga? Sa kanya yun? Sinusundan nya ba tayo?" Gulat na Tanong ni Ethan. Naloka ako nang bigla nyang hinarurut ang sasakyan nya.

Napahawak ako sa flat kong boobs sa sobrang kaba! Mygaad.




Ilang saglit pa, hininto na ni Ethan ang kotse nya. Napatingin ako sa labas, at nakita kong nasa tapat na kami ng amusement park! Ang taray! Ang bilis!

"Tara na sa loob." Aligagang sabi nya sabay bukas ng pinto ng kotse. Paglabas namin ng sasakyan, naloka ako nang mahigpit nyang hinawakan ang kamay ko. "Let's go." Nakangiti nyang pang sabi Kaya nag-umpisa na kaming maglakad.

Pero may isang boses na nagpatigil sa amin. ...

"Fita!" Sigaw ng isang pamilyar na boses at paglingon namin ni Ethan sa likod, natanaw namin doon si Kuya Axe! Mabilis syang nag-run forward palapit sa amin.

"A-anong ginagawa mo dito Kuya?" Tanong ko.

"Wa-wala. Napadaan lang ako." Sagot nya.

"Talaga? O baka naman sinusundan mo kami?" Tanong naman ni Ethan.

"Totoo ba Kuya? Sinusundan mo kami? Kanina nakita namin yung kotse mo na naka sunod sa amin." Kuda ko naman.

"Oo na. Nahuli nyo na ako. Sinundan ko nga kayo. Hinahanap kasi kita kanina sa room nyo, but you're not there. So I tried to find you, then nakita ko kayong magkasama kaya sinundan ko kayo." Sagot nya.

"You have to leave bro, may date kami ni Fita ngayon." Sambit ni Ethan na ikina-beast mode naman ni Kuya Axe!

"Date!" Galit nyang sabi.

"Yeah. So just leave now, nakapag-date na naman kayo kahapon ni Fita diba? So now its my turn. Iwan mo na kami." Sabi naman ni Ethan! Kaloka!

"Fine!" Labas sa ilong na sagot ni Kuya Axe at mabilis syang nag-walk out!

"Bye Kuya! Ingat ka wah!" Sigaw ko. Pero mukhang hindi nya na ako narinig dahil hindi man lang sya lumingon. Grrrr.

"Tara na?" Pag-aya ni Ethan at nagsimula na kaming maglakad papasok sa loob.







Lingon dito. . .

Lingon doon. . .

Halos ma-ikot ko na ang ulo ko dahil hindi ko mapigilan ang mga mata ko na titigan ang mga magagandang bagay na nasa paligid namin ngayon ni Ethan.




Pero nagulat ako nang biglang tumigil si Ethan sa paglalakad. At nang tignan ko sya, naloka ako sa hitsura nya! Para syang nakakita ng multo! Dahil nag-expand talaga ng bongga ang mga mata nya habang nakatingin sya sa isang direksyon.

"Ethan? Ano yun? Ayos ka lang ba?" Tanong ko.

"S-s-s-stella!" Sambit nya!

Waittt?!

Tama ba ang narinig ko?
Stella ba ang sinabe nya?!!!




Naloka ako nang biglang tumakbo ng mabilis si Ethan papunta sa direksyon kung saan sya nakatingin kanina. Wala na akong nagawa kundi sundan sya. Tumakbo din ako! Mygassh! Ka-haggard!

"Ethan! Wait! Saan ka ba pupunta?" Tanong ko habang hinahabol ko sya.

Napunta kami sa likurang bahagi ng amusement park kung saan wala ng tao ang nandoon maliban sa amin.

"Stella!" Sigaw ulit ni Ethan at may babae na syang kasama. Hawak hawak ni Ethan ang braso ng babaeng iyon. Naglakad ako palapit sa kinaroroonan nila at nagulat ako nang makita ko si Ate Stella!

Ohmygaaadd!
Akala ko ba nasa isang bansa si Ate Stella? Bakit nandito sya? Nakauwi na ba sya???

"Bitiwan mo ako." Kuda ni Ate Stella sabay bawi ng braso nya na mahigpit na hawak ni Ethan.

"Akala ko ba nasa ibang bansa ka? Akala ko ba hindi kana babalik dito?" Sunod sunod na tanong ni Ethan.

"Pwede ba Ethan, stop asking me! Hindi ko masasagot yang mga tanong mo! Please! Umalis kana." Sagot ni Ate Stella.

"Hindi ako aalis hanggat hindi mo sinasagot ang mga tanong ko." Matigas na saad ni Ethan sabay hawak sa magkabilang braso ni Ate Stella.

"Bi-bitiwan mo sabi ako!" Pagpupumiglas ni Ate Stella pero hindi pa rin sya binibitiwan ni Ethan.

"Hindi!" Sigaw ni Ethan. "Sinaktan mo ako ng sobra Stella, Totoo ba? Totoo ba lahat ng sinabi mo? Totoo ba lahat ng nakita ko? Na may iba kana? Na pinagpalit mo na talaga ako? Na ayaw mo na sa akin? Totoo ba?!" Dagdag nya pa.

Hindi sumagot si Ate Stella, nakatingin lang sya sa ibaba habang nakayuko. "Sagutin mo ako! Totoo ba?!" Sigaw ulit ni Ethan.

"Please Ethan. Bitiwan mo na ako. Ginagawa ko lang to dahil ito ang makakabuti para sa ating dalawa." Saad ni Ate Stella at naloka ako nang makita kong umiiyak na sya.

"Ginagawa ang alin? Hindi kita maintindihan!" Ani Ethan.

"Wala. Kalimutan mo nalang yung sinabi ko. Bitiwan mo na ako." Lumuluhang sagot ni Ate Stella.

Gossshhh.
Ano ba itong nangyayari.
Pati ako naluluha na rin.
Wala akong maintindihan sa mga nangyayari.

"Stella! Please! Sagutin mo naman yung mga tanong ko! Gusto kong maging malinaw sa akin ang lahat!" Sigaw ulit ni Ethan.

"H-hindi pwede. Hindi pwede Ethan." Sagot nya.

"Bakit ba hindi pwede! T*ng*na naman Stella! Sagutin mo naman ako please! Gulong gulo na yung isip ko!" Galit na saad ni Ethan.

Iyun yung unang pagkakataon na makita kong ganoon si Ethan! Nakakaloka pala syang magalit.

"Hi-hindi totoo. Hindi totoo ang lahat ng sinabi ko sayo noon. Palabas lang ang lahat ng iyon dahil iyon lang ang naisip kong paraan para magalit ka sa akin at para makalimutan mo na ako."

"Bakit? Bakit mo ginawa yun?" Tanong ni Ethan.

"Dahil iyon ang mas makakabuti sa ating dalawa." Sagot ni Ate Stella.

"Mas makakabuti? Sh*t! Nasaktan ako Stella! Dahil dyan sa ginawa mo! Sinaktan mo ako!" Galit na sabi ni Ethan.

"I-I'm sorry. Ayoko lang mawala ang lahat ng kung anong meron ka. Ayokong itakwil ka bilang anak ni Mr. Salvador ng dahil lang sa akin."

"So Dad has something to do with this sh*t! May kinalaman sya dito?!" Galit na tanong ni Ethan.

"Ethan. Tama na. Please. Bitiwan mo na ako. Wala na tayo. Tapos na. Kalimutan nalang natin lahat. Dahil iyon ang mas makakabuti sayo at sa akin." Sagot ni Ate Stella.

"Kalimutan?! T*ng*na Stella! Hindi yun ganun kadaling kalimutan! Mahal pa rin kita! Kahit na sinaktan mo ako, hindi iyon nawala!" Galit na sabi ni Ethan. "Isang tanong, isang sagot! Mahal mo pa ba ako?!" Tanong nya pa.

Parang may kung anong bagay ang sumaksak sa puso ko nang marinig ko ang mga sinabing iyon ni Ethan. Tama nga ako. Si Ate Stella pa rin ang mahal nya. Kahit na sinabi nya sa akin na gusto nya ako, hindi pa rin mapagkakailang si Ate Stella pa rin ang taong nasa puso nya. Bakit ba ako umasa?! Umasa na mamahalin din ako ni Ethan gayong alam kong si Ate Stella lang naman ang nag-iisa para sa kanya. Ang tanga ko. Sobrang tanga ko.

"Ethan. Please, huwag mo naman ako tanungin ng ganiyan." Lumuluhang sagot ni Ate Stella.

"Sagot! Sagutin mo ako! Mahal mo pa ba ako?!" Sigaw ni Ethan.

"O-Oo. Oo. Mahal pa rin kita." Nakayukong sagot ni Ate Stella.

Biglang niyakap ng sobrang higpit ni Ethan si Ate Stella. "Ngayong alam kong mahal mo pa rin ako, hinding hindi na kita papakawalan pa. Mawala na lahat sa akin huwag ka lang. Wala akong pakialam kung anong kayang gawin ni Dad. Basta hinding hindi na kita papakawalan pa." Saad ni Ethan at mas humigpit pa ang yakap nya kay Ate Stella.

"Pero Ethan, hindi pwede. Kaya nga ako nagtago at pinakawalan kita dahil natatakot ako sa kayang gawin ni Mr. Salvador sayo at sa akin. Binantaan nya ako na kaya nyang alisin ang lahat ng meron sayo at gagawin nya ang lahat mapahirapan lang ako. "

"Wala akong pakialam. Ako ng bahala kay Dad. Kung kailangan ko syang kausapin tungkol dito gagawin ko. Basta hinding hindi na kita papakawalan pa. Dito ka lang Stella, dito kalang sa tabi ko."




Naramdaman ko nalang ang unti-unting pag-agos ng luha sa aking mga mata. Para akong nanuod ng KDrama! Ang drama ng eksena nilang dalawa.

Pero ang sakit, sobrang sakit ng lahat ng nasaksihan ko ngayon. Parang unti-unting pinupunit ang puso ko sa pira-pirasong piraso.

Pinunasan ko ang luha ko.
Kailangan ko ng umalis. Alam kong sabik na sabik sila sa isa't isa kaya kailangan ko ng mag-walk out dahil hindi naman ako kailangan sa eksenang ito.




Tumakbo ako, kahit hindi ko nakikita ang daan, tumakbo pa rin ako ng mabilis. Ilang saglit pa naramdaman ko nalang ang isang kamay na mahigpit na nakahawak sa braso ko.

"Saan ka pupunta?" Tanong ng taong ito na nakahawak sa braso ko.

"Iwan mo ako. Kung sino ka man please! Iwan mo ako. Gusto kong mapag-isa." Sagot ko sa taong ito. Hindi ko magawang idilat ang mga mata ko para tignan kung sino ang taong ito dahil kapag dinilat ko ang mga ito, baka umagos na parang baha ang mga luha sa aking mga mata.

Nagulat ako nang bigla akong yakapin ng taong ito! "Alam kong nasaktan ka sa nakita mo kanina. Nakakagulat na may mahal na pala ang gagong Ethan na yun! T*ng*na nya! Sinabi nya na gusto ka nya tapos ano ito?! Sino ang babaeng yun?! Gagong yun! Bigla ka nalang iniwan nang makita nya ang babaeng yun!"

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. At pagdilat ko, nasilayan ko ang mukha ni Kuya Axe. Halata ang galit sa mga mukha nya.

"Ku-kuya? A-anong ginagawa mo dito?!" Tanong ko sabay punas sa luha ko.

"Sinusundan ka. Kanina pa ako naka sunod sa inyo, hindi naman ako umalis. Nakita ko rin kung anong nagyari kanina." Sagot nya.

"Umuwi na tayo Kuya. Gusto ko ng magpahinga." Kuda ko.

"Hindi pa tayo uuwi. Makakatikim muna sa akin ang gagong Ethan na yan!" Galit nyang sabi at hinila nya ako pabalik sa kinaroroonan nila Ethan.

"Kuya ayoko! Huwag na. Alam kong mahal nila ang isa't isa kaya hayaan na natin silang dalawa. Huwag na natin silang guluhin." Pagpigil ko.

"What?! Ganun mo nalang kadaling patawarin ang gagong yun! Iniwan ka nya sa ere para habulin ang babaeng yun. Tapos sabi nya gusto ka nya? Pero ano? May mahal na pala syang iba! Ano yun?! Pinaglaruan ka lang nya! T*ng*na nya!" Galaiti ni Kuya Axe at bigla nalang nya akong binuhat at mabilis syang naglakad pabalik sa likod ng amusement park!

"Kuya! Ibaba mo ako! Huwag na natin silang guluhin! Ano ba!" Kuda ko. Pero huli na ang lahat. Nakabalik na kami sa lugar kung nasaan sila Ethan.

"Ethan!" Galit na sigaw ni Kuya Axe at ibinaba nya na ako mula sa pagkakabuhat nya.

Parehas na nagulat sina Ate Stella at Ethan sa sigaw na iyon ni Kuya Axe!

"Axe?! Fi-fita?!" Gulat na saad ni Ethan.




Mabilis na naglakad si Kuya Axe palapit kay Ethan! At naloka ako nang bigla nya itong suntukin!!!!




Natumba si Ethan sa sobrang lakas nun.




Tumakbo ako nang mabilis para awatin si Kuya dahil nang tumumba si Ethan, pumatong sya sa ibabaw nito at sunod sunod nya pa rin itong pinagsusuntok! Juskoooo!

"Kuya! Tama na!" Pagpigil ko. Pero buong pwersa lang ako tinulak ni Kuya Axe na ikinatumba ko!

"Gago ka! Sa dinami rami ng pwede mong paikutin, paglaruan si Fita pa!" Galit na sabi ni Kuya at muli nyang sinuntok si Ethan.

"Hoy! Itigil mo yan! Ano ba!" Saad naman ni Ate Stella kay Kuya Axe pero tulad ng nangyari sa akin, tinulak din sya ni Kuya Axe na ikinatumba nya!

Napatingin ako kay Ethan at naloka ako nang makita kong marami na syang dugo sa mukha! Kaya nag-isip ako ng paraan para patigilin ang halimaw na to! May nakita akong malaking kahoy. At mabilis ko iyong kinuha.

Sorry Kuya! Kailangan ko tong gawin! I'm sorry!

Buong pwersa kong hinampas si Kuya Axe sa likod nya. Dahan dahan syang tumumba at nawalan sya ng malay.

"Ethan! Are you okay?!" Alalang Tanong ni Ate Stella kay Ethan. Ipinatong nya ang ulo ni Ethan sa mga hita nya.

"F-fita." Saad ni Ethan. Kaya naglakad ako palapit sa kanya.

"Ayos ka lang ba Ethan?" Tanong ko.

"I-I- I'm sorry." Sabi nya. " I deserve this." Dagdag nya pa sabay ngiti. "I deserve this! I deserve this!" Paulit ulit nya pang sinabi.

"Fita? Sino ba yang lalaking kasama mo?!" Tanong ni Ate Stella.

"Si-si Kuya Axe po. Stepbrother ko po Ate." Sagot ko.

"Bakit nya ginawa to kay Ethan?!" Tanong nya pa.

Hindi ako nakasagot.
Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong nya.

"It's my fault. Ako ang may kasalanan. I deserve this." Pag-eksena ni Ethan.

"Ha? Hindi ko maintindihan? Ano bang nagyayari?" Gulong gulong tanong ni Ate Stella.

"Si Fita ang laging nasa tabi ko noong panahong iniwan mo ako. Sya lagi ang nasa tabi ko. And I realized na unti unti ko na syang nagugustuhan. At dumating sa puntong nagtapat ako ng nararamdaman ko para sa kanya. And I started courting him. Sya ang kasama ko kanina, dapat may date kami, but then I saw you kaya iniwan ko sya para sundan ka." Sagot ni Ethan.

Halatang nagulat si Ate Stella sa mga sinabing iyon ni Ethan. Hindi sya makapaniwala.

"Kanina pa pala tayo sinusundan ni Kuya Axe. Hindi nya inalis ang paningin nya sa ating dalawa. Kaya nakita nya lahat ng nangyari. Alam mo namang maintain ang ulo ni Kuya. I'm sorry, nasaktan ka tuloy nya." Kuda ko pa.

"Hindi mo kailangang humingi ng sorry. Ako dapat, ako dapat ang nag-so-sorry dahil iniwan kita kanina. Bagay lang to sa akin." Saad nya. "I'm sorry Fita. I'm sorry. Sorry kung mahal ko pa rin si Stella, sorry kung umasa ka, sorry kung naging paasa ako. I'm sorry, hindi ko alam na mangyayari ang lahat ng to. Pero yung sinabi kong gusto kita, totoo yun. But I'm sorry, mahal ko pa rin si Stella. I am really really sorry." Dagdag nya pa.

Naluha ako sa sinabing iyon ni Ethan.

Kahit masakit, kailangan ko iyong tanggapin. Gusto lang ako ni Ethan, pero mahal nya naman si Ate Stella. Ang sakit. But I need to accept everything!

Bakit ba lagi ko nalang nararanasan ang ganito? Na may taong magpaparamdam sa akin na gusto nila ako tapos iiwan lang din ako sa huli dahil mas pinili nila ang taong mahal nila kaysa sa akin. Hanggang pagkagusto nalang ba yung feelings na matatanggap ko mula sa iba? Kailan ba darating yung panahaon na may magmamahal sa akin? Yung totoong mahal ako at hindi ako iiwan?













-----

Itutuloy. . .

Continue Reading

You'll Also Like

2.1K 140 33
From the hierarchy of top and gorgeous personalities in the campus. There is an outstanding person of them all. And he is Rance Alarcon. The campus'...
20.1K 565 70
[COMPLETED] ( TAGALOG ) KAHIT ANONG MANGYARI AT MALAMAN KO IKAW AT IKAW PADIN ANG MAMAHALIN AT MAHAL NA MAHAL KO !!-SOONIE Date Started : 02-21-18 D...
29.8K 1.5K 79
Shun never dared to dream of having a family of his own, but that dream became a reality. Despite not sharing blood ties, they embraced their childre...