Story of A Campus Girl

By Mnemonicss

4.1M 50.8K 4.8K

"Love at first sight". Yan ang tawag sa mga taong naiinlove sa isang taong nakasalamuha nila sa unang pagkaka... More

Prologue
Chapter 1: Meet the Sarmiento
Chapter 2: Welcome to Xavier School of Arts
Chapter 3: First Encounter
Chapter 4: Meet Mr. Almost Perfect
Chapter 5: Meet Ashley and Kristoff
Chapter 6: Love at first sight?
Chapter 7: Seat mate
Chapter 8: Meet the other friends
Chapter 9: Phone Call
Chapter 10: Long Lost Cellphone
Chapter 11: Unexpected Visitor
Chapter 12: Class Activity
Chapter 13: When They Become Closer
Chapter 14: Jealous?
Chapter 15: Unexpected Bonding Moment
Chapter 16: Waterpark Bonding (Part 1)
Chapter 17: Waterpark Bonding (Part 2)
Chapter 18:Mr. Heart throb meets Mr. Almost Perfect
Chapter 19: Marjorie's Threat (Part 1)
Chapter 20: Marjorie's Threat (Part 2)
Chapter 21: Finding Nikki
Chapter 22: Piece of Shattered Memory
Chapter 23: Say Hello to Nikki's Friends
Chapter 24: Battle for Nikki's Heart
Chapter 25: First Heartache
Chapter 26: Student Assistant (Dance Instructor)
Chapter 27: Student Assistant (Vocal Coach)
[Warning: This is not an Update]
Chapter 28: Vinci, Watchout!
Chapter 29: The Loveteams
Chapter 30: Xander's Secret
Important: Must Read
Chapter 31: Nikki's Broken Heart (Part 1)
Chapter 32: Nikki's Broken Heart (Part 2)
Chapter 33: Tomorrow is Another Day
Chapter 34: Make Her Happy (Part 1) [Nikki's POV]
Chapter 35: Make Her Happy (Part 2) [Vinci's POV]
Chapter 36: Acting Club President
Chapter 37: Friend or Love (Part 1)
Chapter 38: Friend or Love (Part 2)
Chapter 39: Friend or Love (Part 3)
Chapter 40: Friend or Love (Part 4)
Chapter 41: Twist of Fate
Chapter 42: It's Time to Move On
Chapter 43: Vinci's Unexpected Move
Chapter 44: Detention
Chapter 45: James Vs. Vinci
Chapter 46: Nikki's not my type
Chapter 47: Unexplained Emotions
Chapter 48: Nicole Sarmiento (Beast mode version)
Chapter 49: Other Side of Mr. Almost Perfect
Chapter 50: The Unexpected Auditionist
Chapter 52: Confession of the Heartthrob of All Campuses
MAJOR ANNOUNCEMENT!
Chapter 53: Marius' Weakness
Chapter 54: Result of Desperation
Chapter 55: The Bitch is Back
Chapter 56: Lovesick (Part 1)
Chapter 57: Love Sick (Part 2)
Chapter 58: Strange Noise (Part 1)
Chapter 59: Strange Noise (Part 2)
Chapter 60: I choose you
Chapter 61: Mystery Girl (Part 1)
Chapter 62: Mystery girl (Part 2)
Chapter 63: The Incoming Rival?
Chapter 64: Meeting the Rival

Chapter 51: Unforgettable Audition for A Campus Girl

1.7K 84 8
By Mnemonicss

Author's Note: Hi guys! Ito na po yung pinromise kong second part ng update ko this week. Sana magustuhan nyo po.. ^_^

And WARNING: Make sure na may earphones kayo pag binasa nyo to. At pag sinabi ko pong i-play nyo yung video na nasa link, paki-play nalang po. Kung bakit ko pinapa-play??

SECRET! ;) Haha.. basta malalaman nyo din po.. ^_^

Anyways, enjoy! ^_^

-----------------


Chapter 51: Unforgettable Audition for A Campus Girl


Nikki's POV

Mag sorry ba ako sa kanya?


O..hindi?


Makikipag ayos ba ako sa kanya?


O.. hindi rin?


*sigh*


Napabuntong hininga ako sa kinahihigaan ko habang nakatitig lang sa puting kisame ng kwarto ko. Actually, 4am palang, gising nako. Kahit ang pasok ko, mamaya pang 8am.


Honestly, hmm.


..medyo hindi kasi ako gaanong mapalagay eh. After kasing nung..n-nung sagutan namin ni Vinci kagabi, hindi nako nakatulog ng maayos.


Para bang..alam nyo yun.


Sobrang naging out of control din kasi ako kagabi. He-he.


Tapos.. Kahit gustuhin ko mang pairalin ang pride ko hanggang ngayon, at kahit pilitin ko man ang sarili ko na kalimutan na lang lahat ng nasabi ko sa kanya kagabi, hindi ko pa rin yun magawa dahil..


.. narealize ko din nung pagkagising ko na kahit bali baligtarin man ang situation, ako pa rin ang may mali.


*sigh*

Dapat kasi hindi ko na sinabi yun sa kanya eh.


Dapat kasi hindi ko na muna pinairal ang init ng ulo ko nung nalaman ko yun..


Dapat kasi hindi na rin ako nagalit ng ganun eh..


Dahil kung tutuusin naman, wala talaga akong karapatang magalit ng ganun. Diba?


Kasi una sa lahat..


..kaibigan ko naman silang dalawa.


Tapos.. Pangalawa..


.. kaibigan lang nila akong dalawa.


At pangatlo..


P-pangatlo..


Wala naman akong karapatang makielam sa kung ano ang meron sa kanila.


Kaya kung tinanggi man nya yun nung una, dapat inintindi ko nalang kasi paniguradong may dahilan naman kung bakit nya tinago yun. Hindi yung sinigaw-sigawan ko siya na parang..


Parang...


*flashback*


"Nagseselos ka ba?"


*End of flashback*


Ugh. *iling* tsk.


 Impossible.


 Malabo.


Malabong malabo talaga yang sinasabi ni Xander sakin.


Besides, normal naman siguro yun. I mean yung kapag nagsinungaling sayo yung taong pinagkatiwalaan mo, magagalit din kayo. Baka nga kayo din eh ganun ang maging reaksyon pag sa inyo nangyari yun.


*sigh*


*titig sa kisame*


Tsk.


*pikit*


Ayoko na ngang isipin to.


Sumasakit na ulo ko.


Sinimulan ko nalang na hilutin ang noo ko at bumangon na ako sa higaan ko. Pagkatapos, nag-focus nalang ako sa pag aayos ng higaan ko para mawala tong mga bagay na gumugulo sa isipan ko.


Tama, mas mabuti pang ituon ko nalang yung sarili ko sa pagpasok sa school.


Matapos kong mag ayos ng kama, dumiretso ako sa banyo at nagsimulang maligo. Pagkatapos, lumabas ako para magpalit ng pamasok at sinimulang magblower ng buhok.


After kong ayusin ang dapat kong ayusin sa sarili ko, tumingin ako sa salamin. Tinitigan ko ang itsura ko at pagkatapos..


..sinimulam kong kausapin ang sarili ko.


"Ok Nikki. Behave na ah. Bawal ng mabad vibes ngayon" 


yun nalang ang sinabi ko.


Huminga ako nang sobrang lalim. Pagkatapos, ngumiti ako at naglakad na palabas ng kwarto.


Habang naglalakad na ako papunta sa hagdan, napalingon ako sa gilid ko kung saan ang kwarto ni Vinci.


At..


*sigh*


*iling iling*


Mali. Wag mo ng isipin yun.


Saka mo na siya kausapin pag lumamig na ang situation. Basta magfocus ka nalang sa pagpasok. At tama! Yun nalang muna ang gawin mo.


Lumingon nalang ako pabalik sa harapan ko at binilisan ko nalang ang paglalakad pababa ng hagdan.


Nang makababa na ako sa may dining area..


"Good morning, madlang people!"


Binuhos ko sa pagsigaw ang negative vibes na nararamdam ko at bumati ng full energy sa mga taong nakaupo sa..


Sa..


Huh?


*kunot-noo*


Teka?


*lingon sa paligid*


N-nasaan sila?


Bakit walang tao?


"Hmm Daddy? Tito Henry?" sabi ko at sinimulang iligid ang paningin ko.


Teka. Bakit wala pa sila dito sa dining area? Dapat ngayon nandito na sila ah.


Hmm. Maaga ba silang pumasok sa work ngayon?


"Oh. Ma'am Nikki. Gising ka na pala"


Bigla akong tumingin sa likuran ko nang may nagsalita mula sa kusina. Pagkakita ko, si Manang Beth yun na nakangiti sa akin at may hawak na sinangag.


"Hello, Manang Beth. Good morning po." ngiting sabi ko at nilapitan siya. Tinulungan ko siya kasi ang dami nyang bitbit eh. "Hmm. Asan po si Daddy at Tito Henry? Maaga po ba silang pumasok sa work?"


"Naku, hindi sila umuwi kagabi eh. Sinabi ng daddy mo, May tinatapos pa daw kasi silang project ng tito Henry mo" sabi ni Manang Beth atbuti nalang binigay nya sakin yun iba. Siguro di nya na rin kaya.


"Ay ganun po ba? *pout* Ok po."sabi ko at sabay na kaming naglakad.


Nang makarating kami sa dining area, umupo nalang ako sa isa sa mga upuan at inilapag ang bitbit kong sinangag sa hapag kainan. Tapos, si Manang Beth naman, patuloy na inaayos ang ibang pagkain na kakainin ko.


Habang pinagmamasdan ko ang paghahain ni Manang Beth, napahawak nalang ako ng kutsara't tinidor at napatitig nalang sa harapan.


Hays.


Mukhang mag isa lang pala akong kakain ngayon. Hehe.


Habang patuloy kong tinititigan ang breakfast na nasa harapan ko, unti unting sumagi sa paningin ko ang bakanteng upuan sa tapat ko.


Bakanteng upuan..kung saan umuupo si Mr. Antipatiks.


" Yung nakaupo dyan hindi mo ba hahanapin?"


Bigla akong natigilan sa pagtingin sa tapat nang narinig kong magsalita si Manang Beth. Pagkatapos, binaling ko kaagad ang tingin ko sa sausage na hinain nya sakin.


"Naku, hindi na po. Malaki na siya" sabi ko nalang at sinimulan ang pagkain ng almusal.


"Ganun ba? Pft. Ok sige" ngiting sabi ni Manang Beth.


Pagkatapos nyang ayusin ang lahat ng pagkain na nasa harapan ko, nagtimpla naman siya ng juice sa tabi ko.


Habang patuloy akong kumakain ng sausage, unti-unti ulit kong ibinalik ang tingin ko sa tapat ko.


Hmm. Bakit nga ba wala pa yung Mr. Antipatiks na yun?


Tulog pa ba siya?


*flashback*


[Chapter 41]

"No, it's ok, Kyl. I understand. Bye"


*end of flashback*


Tsk. Tinatanong pa ba yan?


Malamang tulad ng dati baka may morning talk pa muna sila ni Kylie.


Baka nga ngayon, nagbabatian pa yung mga yun ng"Hi baby. Good morning. I love you"


Tss. Korny nila.


"Sigurado ka bang hindi mo siya hinahanap?"


Muntik nakong mabulunan sa kinakain ko nang biglang magsalita si Manang Beth. Nagulat kasi ako, nasa likod ko napala siya.


"H-Hindi ah. Di ko naman po siya hinahanap eh. Di nga po ako nagtatanong eh"palusot na sabi ko at uminom nalang ng maraming tubig.


Eh totoo naman kasi eh. Hindi ko naman siya hinahanap. Diba?


"Pft. Anyways, maaga siyang umalis kanina. May dala dala pa ngang gitara eh"


Bigla akong napalingon sa kanya


"T-Talaga po? Maaga siyang umalis?!" gulat na sabi ko. "Hala.P-Pero bakit? Ang alam ko walang klase yun ngayon ah?"


"Ewan. Basta umalis ka agad eh" sabi niya at tumingin sa akin. "Oh akala ko ba hindi mo siya hinahanap? Pft."


Bigla akong natigilan sa sinabi ni manang Beth. Pagkatapos, binalik ko nalang ang tingin ko sa sausage at pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko.


"Ahh.Ehh.Hindi naman po talaga. Di po talaga" giit na sabi ko habang kumakain.


Pero habang kumakain ako, nakikita ko sa gilid ng mata ko na iba yung tingin ni Manang Beth sakin.


"Pft. Ok sabi eh. Haha" sabi nya at tinapik ang balikat ko. "Oh siya, kumain ka na. Baka ma-late ka pa"


"Hmm. O-Ok po. Sige po" yun nalang ang nasabi ko at binilisan ko pa ang pagkain.


Nang makita kong bumalik na si Manang Beth sa may kusina, tumigil ako. Pagkatapos, uminom ako ng maraming tubig at sinubukang lunukin yung sobrang dami ng sinangag na nasubo ko sa bibig ko kanina.


*burp*


Ah. Muntik nako dun ah. Buti nalang di ako nabulunan eh. hehe.


Pagkatapos kong dumighay..


..unti unti nanaman akong napatingin sa bakanteng upuan na nasa tapat ko.


Tsk.


Siguro nakipagkita nanaman yun kay Kylie?


At ngayon may dala pa talaga siyang gitara ha. Eh di wow. Tss.


Ewan. This time, di na talaga ako makikielam sa buhay nila. Magsama pa sila.


Binilisan ko nalang ang pagkain ko at tinapos ko nalang ang agahan ko. Pilit ko nalang na kinalimutan ang iniisip ko kanina para maiwasan ko ang badvibes ko ngayon araw.


Tama.ganun na nga lang ang gagawin ko. Ang kalimutan sila.


Pagkatapos kong kumain, tumayo na ako sa kinauupuan ko at dumiretso na sa may sala. Sinukbit ko na ang body bag ko habang nagpapalit ng sapatos at nagpaalam na kay Manang Beth.


"Manang Beth, alis na po ako"


"Sige, ingat ka Ma'am Nikki ah"


"Ok po salamat po" energetic na sabi ko.


After kong magpaalam, lumabas na ako ng bahay at pumunta sa bike ko. Pagkatapos, nilabas ko na ito sa may gate at sinimulang magpadyak papunta sa school.


Ayan. Good start. Medyo nakakalimutan ko na sila. Hehe.


Nang makarating ako sa Xavier School of Arts,


"Good morning! Good morning!"


Bukod kila kuya guard, binati ko isa isa ang lahat ng dumadaan sa paligid ko


Kahit medyo naweweirduhan sila kung bakit ko sila binabati, ayun ok lang kasi syempre kailangan ko magood vibes ngayon. Kaya whether they like it or not, babatiin ko sila. Haha


Anyways, ayun.nakarating na pala ako ngayon dito sa may school grounds. Tapos, pinarada ko na ang bike ko sa may parking lot na malapit sa soccer field at nagpalukso luksong naglakad papunta sa Arts building kung saan ang first class ko.


Habang naglalakad ako, nilanghap ko ang simoy ng hangin at sinimula kong singhutin ang lahat ng goodvibes na nasa paligid.


Wooh.At least maaliwalas ang panahon, masayang maglakad-lakad.


Kaya sana..


Wala akong makitang di kaayaya aya sa paningin ko.


*toot toot*


Ay palakang siomai.


Teka.


Ano yun?


Ah oo nga pala. Nakasilent nga pala yung phone ko


Napahinto ako bigla sa paglalakad nang maramdaman kong nagvibrate ang phone ko. At dahil siyempre, nagvibrate siya, agad kong kinuha ito sa bulsa ko at tinignan ang nakalagay sa screen.


Hmm sino kaya to?


*bukas ng phone screen*


1 message received from Xander mylabs


Eh? Si Xander? Ano nanamang meron? Bat biglang nagtext?


*open*


From: Xander mylabs

Go to auditorium after class. Be there at 9:30am. Or else.


Huh? Or else?


Or else what?


-------


Ashley's POV


"Ano Kyl? Nakausap mo na ba?"


"Babaguhin na ba nila yung article?"


"Pumayag ba sila na alisin ang article?"


"Binalak ba nila na palitan nalang yung article na naka post dun??"


"Ano Kyl? Sagutin mo kami! Ano? Ano??"


Sunod sunod ang tanong namin kay Kylie nang magkita kita kami dito sa coffee shop na malapit sa Xavier's School of Arts. Nagtext kasi siya samin kagabi ng "emergency meeting. Tomorrow"kaya ng makareceive kami ng text mula sa kanya, kumaripas na kami ni Jasmine ng takbo para makita namin siya.


Kailangan din kasi namin na malaman ang side nya sa nabasa naming article. At kung ano ang nangyari sa kanya after nyang sugurin ang headquearter's ng Xavier's Acting Club.

"Hay nako! Kayong dalawa ah. Magsitigil nga kayo ng kakatanong sakin ng ganyan" sabi ni Kylie habang sinusuklay pa ang buhok nya. "And besides, girls. Before ko sagutin yang mga so non-sense nyong katanungan, uunahan ko na kayo. Hindi ko kayo pinatawag ng sobrang aga because of that bluffy article na yan."


"H-huh?"


Nagulat naman kami ni Jas sa sinabi nya


"Eh bakit mo kami pinapunta dito ng sobrang aga kung hindi dahilsa article na yan? Ano to? Trip trip lang?"Agad na sumabat si Jas.


"Aish. Ikaw Nay ha! Kahapon ko pa napapansin na sobrang HB mo eh. Kalma ka nga dyan" sabi nya."Anyways, ok. May kinalaman naman din kasi sa article yung sasabihin ko. Pero the bottomline is..


..may kinalaman din ito kay Nikki girl! Kyaaaa!!"


At tumili siya bigla na pinagtaka namin ni Jas.


"Huh?"


Lalo kaming naguluhan ni Jas


"Paanong may kinalaman sa article at may kinalaman kay BFF yan?"Kunot noong sabi ko. "Medyo di ka kasi namin maintindihan, Kyl eh."


"Well, Ashley girl. Ganito kasi yan"sabi ni Kyl.


Nilabas nya ang ipad nya sa harap namin at binrowse sa harapan namin ang website ng Xavier's Headline. Pagkatapos, lumapit siya sa amin at sumenyas na lumapit din kami sa kanya. Kaya yun ang ginawa namin ni Jas.


"After mo kasing basaging ang eardrums ko kagabi, Jas" sarcastic na tumingin si Kyl kay Jasmine then tumingin sa akin. "Tumawag sakin si Papa Vinci. So nakausap ko din siya regarding sa article nato."


"Tapos?" Sabay naming tanong ni Jas.


"Tapos..." mas lumapit pa samin si Kyle at bumulong. "Sinabi nya sakin na galit na galit daw si Nikki girl sa kanya. And may hunchy hunch daw siya..


..na nabasa daw ni Nikki girl yan"*sabay turo sa article*


Natigilan kami ni Jas nang marinig ang sinabi ni Kylie. Pagkatapos, nagtinginan kami sa isat isat at ibinalik ang tingin kay Kylna nakangiti na ng sobra.


"You mean..?"sabi ko at pinagalaw galaw ko ang kamay ko


"Exactly" kindat na sabi ni Kylie.


Muli kaming nagkatinginan ni Jas dahil dun. Pagkatapos, ibinalik ulit namin kay Kylie na ang tingin na mas lumawak ang pagngiti samin.


Nagkatinginan kami ni Jas tapos tumingin kami kay Kylie na naka-grin din sakin at..


"KYAAAAH!"


Sabay-sabay kaming tatlo na napatili dito sa coffee shop. Lahat ng tao napatingin samin pero this time wala na kaming paki dun kasi siyempre!


Waaaah! Kinikilig kami! Kinikilig kami sa Vicol Love team! Hahaha


"Syet!Kylie kinikilig ako!" Sabi ko habang niyuyugyog ko yung kamay nya.


"I know right. Kinikilig din ako girl! Haha"


"Minsan nakakainis yung pagmamaganda mo eh" sabi ni Jas "Pero this time. Syet Kylie. Mukhang may naidudulot pala na maganda yan. Haha!"


"I know right? At kahit kelan blessing talaga tong ganda ko! Haha"at nag flipped hair pa.


Nagtawanan lang kaming tatlo dito sa coffee shop. At oo hanggang ngayon kilig na kilig pa rin kami! Haha


Grabe kahit kailan talaga si BFF oh.Ganun pa din ang ugali kapag nagseselos. Pfft


"So what's your next plan? Ano na balak nyo?"


Natigilan sa pagtawa si Kylie nang marinig ang sinabi ni Jas


"Balak namin?"


"Oo. Balak nyo ni Vinci. Sa article na yan" sabi ni Jas.


"Well. Hmm.To be honest with you?"Napaisip pa si Kylie."I don't know"


"I dont know?!"


Nagtinginan kami ni Jas dahil sa sinabi ni Kylie. Dahil sa pagtataka namin, tumingin kami ng pabalik sa kanya.


"Anong i don't know?" Sabi ko


"Oo nga. Anong I don't know? Hahayaan nyo nalang na ganito to?"


"Yeah! Parang ganun na nga. Eh sa hindi ko alam eh" sabi ni Kyl at ng sip ng coffee. "Pero kung need ni papa Vinci ang beauty ko? Well nandito lang ako.."


Tinignan namin ng weird si Kylie. Pero wala talaga siyang balak na ayusin to?


"And besides, isa lang naman ang sigurado ko" sabi nya at tumingin sa amin.


"Na malakas ang sense kong may exciting na mangyayari ngayon *chuckle*"


----


Nikki's POV


"Ok, Class dismissed"


Pagkatapos ng Basic Acting class namin, sinimulan ko ng iligpit ang gamit ko at nagmadaling bumaba mula sa roof deck kung saan naganap ang class namin. Nagmamadali ako ngayon kasi sobrang late na na kami diniismiss ni Sir eh. 9:15 na. Eh kailangan ko pa namang makarating sa auditorium ng 9:30am kasi yun nga, biglang nagtext sakin si Xander kanina.


Pero..


Bakit nga ba ganun ang pagkakatext nya sakin kanina?


Go to auditorium after class. Be there at 9:30am. Or else.


Tapos may "Or else" pa. Eh pag ganun pa naman ang text ni Xander, may pagkaseryoso na siya.


Naku parang nakakatakot na tuloy pumunta ah. Tutuloy pa ba ko?


Pero pag hindi naman ako tumuloy, malalagot naman ako sa kanya.


Hays. Bahala na nga. Di bale malalaman ko naman yun kapag nandun na ko eh.


Kaya sige bibilisan ko nalang ang paglalakad ko. Para makarating nako dun.


"Hi Nikki"


Natigilan ako sa iniisip ko nang maramdaman kong may sumasabay na pala sakin. Pero dahil nagmamadali ako, hindi ko tinigil ang paglalakad ko. Lumingon lang ako sa tabi ko at....


Uh-oh.


"James. He-he. Ikaw pala"


Yun nalang ang nasabi ko habang pilit na nakangiti sa kanya.


Sinasabayan kasi ako ngayon ni James Stambough. Yung classmate ko sa Basic Acting na nakapartner ko dati sa Class Activity .Yung talented man pero medyo..hmm alam nyo na,. papansin. He-he.


Kaya ayun. Ganun ang reaction ko nung nakita ko siya ngayon.


"Kamusta ka na? Mukhang nagmamadali ka ata ah" sabi nya at..ayan. nagsisimula nanaman siya sa pagpapansin nya.


"Ah. Ehh.Oo eh. Hmm medyo hinahanap na din kasi ako sa pupuntahan ko" sabiko nalang sa kanya at tumingin sa nilalakaran ko. Pagkatapos, tinapik ko ang balikat nya sabay sabing "Uy sige na ah. Una na ko sayo. Bye!"


.. sinubukan ko ng bilisan ang lakad ko para maunahan siya.


"Wait Nik--"


Hindi nako nag attempt na hintayin yung sasabihin niya. Basta binilisan ko nalang yung lakad ko para maunahan ko na siya.


Nang maramdaman kong sinusubukan nyang bilisan ang lakad nya para masabayan ako ulit, tumakbo nako ng sobrang bilis para di nya ako maabutan. Lumiko kaagad ako sa may soccer field at kunwari nagmamadali ako pero deep inside intensyon ko talaga na iwan siya. Medyo di kasi ako comfortable sa ginagawa nya eh. At medyo nakakairita.


Since may dala siyang electric guitar, kahit subukan man nya akong habulin, hindi nya magagawa. Lugi siya sakin eh.body bag lang ang bitbit ko. Siya mabigat ang dala nya.


Nang maramdaman kong unti unti na siyang tumitigil sa pagsunod sakin,


Whew.



Nakahinga na ako ng maluwag at sinubukan nang bagalan ang paglalakad ko.


Hays.muntik na yun ah. Akala ko talaga hanggang sa makarating ako ng auditorium, makakasabay ko eh. He-he.Ayoko pa naman kasabay yun.


Anyways, di bale. Tumigil naman na siya eh. Kaya makakalakad nako ng walang nagpapansin.


Since bumilis ang pagtakbo ko kanina, hindi ko na namalayan na nakarating na pala ako dito sa auditorium. Tapat lang kasi ng soccer field yung auditorium kaya medyo tanaw na siya sa kinalalagyan ko ngayon.


Nang makita ko na ang entrance ng Auditorium,


hmm


Tinignan ko muna ang paligid.


*kunot noo*


Anong meron?


Bakit may mga nakapilang madlang people dito?


Tapos ang haba pa mula sa main entrance. Siguro mga 20 people ata to at pawang naghihintay sa--Ay!


Oo nga pala noh.


Last day na nga pala ng audition ngayon. Hehe. Bakit ko nga ba nakalimutan yun? *sampal sa noo*


Hmm.


Pero wait.


Siguro ito yung dahilan kung bakit ako pinapapunta ni Xander ng maaga. Last day na din kasi eh.


Anyways, sige. Pasok na ako dun. Baka hinahanap na rin ako sa loob eh.


Since member nako ng acting club, di na ako nakipila dito sa labas. Dire-diretso nalang ako sa main entrance at tinulak ang..


Wait.


Hmm.


Naku, nakasarado pa pala ang pinto dito.


Ibig sabihin mukhang hindi pa pala talaga sila nagpapasok. Naka lock pa yung main entrance eh. Eh pag nagstart ang audition, usually bukas na to at may tao ng nag aabang para magtawag ng auditionist.


Bakit kaya di pa sila nagpapasok?


Hmm


Anyways, sige na nga.


Dun nalang ako dadaan sa may gilid. Tutal naman malalaman ko din yun pag nasa loob nako.


Since sarado ang main entrance, dumiretso nalang ako sa may left entrance ng auditorium. Dun ako sa left dumaan kasi kaliwete ko eh. Saka dun yung entrance papunta sa backstage area.


Nang makapasok na ako sa loob ng auditorium mula sa entrance na pinasukan ko..


Hmm.


Teka.


Asan na yung mga tao dito? Bakit wala ni isang tech team?


Nagtaka ako sa nakikita ng mga mata ko ngayon dahil literal na bakante ang backstage. Usually kasi dapat nag aayos na sila dito ngayon. Pero since wala nga akong nadatnang tao dito, sobrang linis pa ng lugar at medyo madilim pa sa part ng "light and sound area"


Pero asan nga ba yung mga yun? Bakit di pa nila binubukas yung area na tinutukoy ko?


Anyways, dahil wala naman akong mapapala dito at napapaisip rin ako kung nasaan ang mga tao, naglakad lakad nalang ako sa paligid habang hinahanap sila. Dumaan ako sa may gilid ng backstage at hinakbang hakbang ko nalang ang mga paa ko hanggang sa makarating nako ngayon dito sa front stage. Kung saan makikita ang mga bleachers.


Since nakabukas na ang spotlight sa kinatatayuan ko, medyo di ko na maaninag yung mga nasa bleachers. Kaya kinusot ko nalang ang mata ko at sinubukan ko nalang na linawan ang paningin ko.


Niligid ko ang tingin sa paligid ng stage. At..ayun!


Sa wakas may nakita rin akong tao. Haha!


Kaya naman pala walang tao sa backstage eh. Kasi lahat sila nasa may gilid ng stage. I mean yung buong technical team at iba pang members ng acting club. Tapos ayon sa nakikita ko ngayon, nagtutumpukan sila at para bang lahat sila ay naguusap ng masinsinan.


Hmm..


Siguro nag-me-meeting muna sila bago magstart ang audition.


Anyways, sige. Lalapitan ko na sila. Para makasali na rin ako sa kung ano man ang pinaguusapan nila.


"Hello!"bati kong sinabi sa buong members nang makalapit ako sa kanila."Ano yang pinagmemeetingan nyo? Pwede bang sumal--"


"N-Naku. Andyan na siya. A-andyan na siya"narinig kong bulong nasabi nila at..


Hala.


A-anong nangyayari?


Bakit sila lumalayo sakin? *gulat na gulat*


Teka.


M-May..


May baktol ba ako ngayon? N-Nakalimutan ko bang magdeodorant?


*singhot sa sarili*


Hala. Hindi naman ah.Tsaka naligo kaya ako ng maigi kanina.Kaya bakit sila lumalayo?


"HULI KA!!"


"Waaaaah!!"


Bigla akong napasigaw sa kinatatayuan ko nang maramdaman kong may sumulpot sa likuran ko. Tumingin kaagad ako at nakita kong si Jacob yun na sinunggaban ako at--


T-Teka?


Ano to?!


B-Bakit.. Bakit nya ko sinuotan ng bawang sa leeg?!


"Jacob! Ano to??" Sumigaw ako at tumingin sa kanya. "B-bakit mo ko sinabitan ng-"


"Kung sino ka mang kumulam sa crush kong napakacute, UMALIS KA DYAN!" Sigaw na sabi nya at bigla siyang tumingin sa paligid. "Mga kapatid!Sabay sabay tayong mag "Uhhhmmm!"


"Uhhmmmm" sabi naman ng ilan at..


Teka. Anong ginagawa nila?


Bakit sila nagfoform ng semi circle sa tabi ko??


"Wait what?! Anong 'uhmmm' kayo dyan?" Gulat na sabi ko sa kanilang lahat at..


"SHIT!!! INALIS NYA ANG BAWANG! Mga kapatid, LAYOOOOO!!!"


"Layoooo!!"


Bigla silang nataranta nang alisin ko yung bawang sa leeg.


"T-Teka. Teka! A-Ano bang nangyayari?! Bakit ba kayo nagkakaganyan?!" napasigaw na rin ako sa pinaggagawa nila. "Saka ano ba tong sinasabit nya sakin?!Bawang?!Mukha ba akong aswang?!"


"W-Wait"


Natigilan bigla si Jacob dahil sa mga sinabi ko. Pagkatapos, tumigil din sa pagsasalita ang ilan sa mga members.


"C-crush?N-nikki?Ikaw na ba yan?" Sabi nya sakin at dahan dahan pang lumapit sakin. Sinundot sundot pa ang balikat ko.


"Aba oo naman! Siyempre! Tinatanong ba yan?" Sabi ko sa kanya at pinapagpag pa ang sarili ko.


Nang marinig nila ang sinabi ko, tinignan nya ang ibang members ng acting club. Tapos nagtinginan pa sila habang ako naman naweweirduhan sa kanila.


Ano ba kasing meron eh.Bakit ba nagkakaganito sila?


"S-S-Sige nga!"


Bigla kong ibinalik ang tingin ko kay Jacob nang magsalita siya sa kinatatayuan nya. Tapos dahan dahan pa nyang kinuha sa lapag ang inalis kong bawang habang tinitignan ako. "Kung.. K-kung ikaw si Nikki.. S-Sino kami?" at mabilis na tinuro ang mga sarili nila.


"H-Huh?" lalo akong naweirduhan sa sinabi nya. "Anong---"


"BASTA!!SINO NGA KAMI?!"


Waaah!


Bigla nanaman siyang sumigaw at agad na tinutok sakin ang bawang.


Dahil sa pagkataranta ko sa sigaw nya.


"I-Ikaw si Jacob! Tapos s-siya si Lincoln! Then yung nakatayo sa bandang bleacher si Joseph yun! At yung iba, hindi ko na alam pero sigurado akong member sila lahat ng acting club!" panic na sinunod ko naman ang sinabi nya. "Kaya ano ba? Ano ba talagang nangyayari sa inyo??? Bakit ba kayo nagkakaganyan? Bakit hindi ko talaga kayo maintindihan?"


After ng sunod sunod na tanong ko sa kanila, biglang hinto si Jacob sa pagtutok sakin ng bawang.


Then, nagkatinginan nanaman sila at parang natigilan ang lahat.


Nang magkatitigan sila sa isat isa, bigla nilang ibinalik ang tingin nila sakin. Tinitigan nila ko nang matagal kaya medyo napapalunok nako sa kinatatayuan ko.


Pagkatapos nang ilang segundong pagtitig..


"Waaah!! Ikaw nga yan, Crush!! Hahaha!!"


Nagulat ako nang dali dali nila akong sugurin tapos..


Teka? G-Ginroup hug ba nila ako sa sobrang tuwa??


"Welcome back, Ms. VP!!"


"Oo nga! Welcome back! Haha!"


"Huh? W-Welcome back?" nagtaka ako sa mga pinagsasasabi nila kaya medyo dahan dahan ko silang tinulak. "T-Teka.Teka guys. A-Ano bang nangyayari? I mean..sorry kung inaalis ko yung pagkagroup hug nyo sakin. Hindi naman sa ayaw ko pero hindi ko kasi kayo maintindihan eh. Ano bang meron at nagkakaganyan kayo?"


Binigyan naman nila ako ng space after kong sabihin yun. Tapos, nagsimulang magsalita si Jacob


"P-Paano kasi--"


"Beast mode ka daw kahapon. Pft"


Natigilan ang lahat nang biglang may sumabat mula sa audience area. Mukhang kapapasok lang ng taong yun at nang lumingon kaming lahat..


"PRESIDENT!"


Biglang sumigaw si Jacob at nagsisuguran naman silang lahat kay Xander.


Since naiwan ako magisa sa pwesto ko ngayon, lalo akong nagtaka sa mga kinikilos nila.


Bakit parang masyado silang kapit kay Xander ngayon?


Saka..


Teka.


Anong..sabi nya?


"Ako? Beast mode kahapon?" pagtatakang sabi ko at tumingin kay Xander "Bakit?"


"Aba malay ko sayo. Ibang tao ka daw kahapon eh. Haha" natatawang sabi nya at nagsimula na silang lumakad papunta sakin. "Saka oo nga. Ramdam ko din nga yun nung kausap rin kita sa phone kahapon. Pft"


"T-Talaga?"


Nagulat naman ako nung sinabi niya yun. Dahil sa sinabi nya, agad akong tumingin kila Jacob at sa ibang members ng acting club.


"Y-You mean..ibang tao ako kahapon?"


Sabay sabay silang tumango.


"Hala"hindi makapaniwalang sabi ko. "P-Paanong iba?"


Sumagot si Jacob."Paano kasi Crush, sobrang seryoso mo kahapon. Tapos, ang cold mo pa. Tapos..."


"Tapos 9 of 10 ang binagsak mo sa audition kahapon!" agad na sumabat si Joseph at--


O_O


"W-WHAT?! 9 OUT OF 10???"


Napasigaw ako sa sobrang gulat nang marinig ko ang mga sinasabi nila. "T-Teka.Teka?!S-Sure yan?*tingin sa members* 9 out of 10 talaga??"


Mabilis silang tumango-tango


"As in?"


*tango tango*


"As in talagang talaga???"


"As in oo. Talagang TALAGA!" sabi ni Jacob.


"Waaah!! Sorry!!"


Bigla akong napahawak sa ulo ko sa sobrang hiya. Waah! Bakit ganun? Akala ko dalawa or tatlo lang? Huhu.Tama ba talaga sila ng bilang? Baka naman namiscounted lang yung iba. T^T


"Pero wait. Teka. T-Teka" bigla pakong humirit sa kanila. "Bakit ko pala binagsak? I-I mean.. Sorry. Hindi ko na talaga matandaan. Sobrang black out talaga ako sa nangyari kahapon eh."


"Actually, hindi nga rin namin alam kung bakit mo pinagbababagsak eh" sabi ni Jacob.


"P-Pero isa lang ang napansin namin" sabi ni Lincoln.


"Na lahat ng binagsak mo, mga magaganda, medium blonde ang buhok at postura kung manamit!" sabay sabay na sabi nilang laha--


O_O


"WHAT?!!!"


Napasigaw na naman ako sa sobrang gulat.


"A-As in.. nag-base ako sa appearance?"


*tango tango*


"As in.. h-hindi talaga sa performance???"


*tango tango*


"As in talagang talaga yan?"


"Oo!! Isang malaking talagang talaga yan!" sabi ni Jacob


"Waaah!!!"


bigla nanaman akong napahawak sa ulo sa sobrang hiya. "Shocks! Sorry guys! Sorry talaga!" hiyang hiya na sabi ko sa kanilang lahat.


Waaaaah!! Nakakahiya!! As in nakakahiya talagaaaa!!


Huhu. Kaya ayoko talagang sumasagad yung galit ko eh. Kung ano ano nalang yung nagagawa ko na hindi ko alam. T^T


"Kaya mag-uusap tayo mamaya, Nicole Jane Sarmiento ha"


Bigla akong lumingon kay Xander nang sumabat na siya sa usapan.


Dahil dun..


"O-Ok po. Sige po"sabi ko at napayuko nalang sa sobrang hiya sa kanilang lahat.


Hayss. Kainis naman eeeeh..


Minsan na nga lang maging panel sa audition, ganun pa ang nangyari. :(


"Oh siya!"


Pumalakpak na si Xander sa kinatatayuan nya at kinuha ang atensyon ng lahat. "Since madami na ang nakapila sa labas at masyado na tayong over time dito, pft. Tara na. Mag-start na tayong lahat nang maaga tayo makapag pack up mamaya!"


"Ok. President!"


Tumugon naman ang lahat at nagpunta nasa mga pwesto nila.


Pagkatapos na kausapin ni Xander ang mga members ng acting club, lumakad na siya papunta sa may panel area. Umupo na siya sa pagitan ni Jacob at Joseph.


Since, ayun nga alam ko naman na ang karumal-dumal na pinaggagawa ko kahapon, hindi ko na inaasahan ang sarili ko na pauupuin nila ako sa dun. Kaya nagsimula nalang akong lumakad papunta sa bleachers kung saan uupo yung mga mag aaudit na members.


"Oh. Saan ka pupunta?"


Natigilan ako sa pag akyat sa may bleachers nang bigla akong kausapin ni Xander. Dahil dun, lumingon ako sa panel area.


"Uhmm. S-Sa deluxe area?" sabi ko at tinuro ang taas. Tinutukoy ko yung seat sa pinakalikod.


"Huh? Sa deluxe?" Pagtatakang sabi nya at tumingin pa sa bandang likod.


Tapos, ibinalik nya ang tingin nya sakin."Bakit dun?"


"Dahil sa alam kong hindi mo na ako pauupuin dyan? After what happened? Kahapon?" sabi ko at tinuro naman ang panel seat na kinalulugaran nila sa harapan.


"Hmm.."


Tinignan naman niya ang Panel Area at nakitang inuupuan na ni Joseph at Jacob ang magkabilang seat sa tabi nya.


"Pft.I see" tumango tango siya at ibinalik ang tingin sakin."Pero wag ka sa deluxe. Masyadong malayo."


"Eh?"Pagtatakang sabi ko at niligid ang tingin ko."Eh saan po ako uupo, mr. President?"


"Dun. Dun ka umupo"sabi nya then tinuro ang second row na nasa likod ng panel area."Bandang gitna ah"


"Huh? Bandang gitna?" pagtatakang sabi ko at tumingin sa lugar na tinuturo nya. "Bakit naman dun? Eh pwede namang-"


"Ayaw mo ba?"


Natigilan ako biglan nang makita kong medyo naging seryoso ang boses nya. Dahil sa medyo naging seryoso rin ang mukha ni Xander..


*pout*


"Ahh ehh. Sabi ko nga eh. He-he"


Yun nalang ang nasabi ko.


"Good" ngumiti na siya at bumalik na sa may panel area.


Kahit hindi ko alam kung bakit nya ako pinapaupo dun, wala na akong ibang choice kundi ang maglakad nalang papunta sa second row. Tapos pumwesto ko sa bandang gitna. Kung saan nasa likod nila ko. Sinunod ko nalang si Xander kasi siyempre, may atraso pako sa kanila eh. Kaya ayun *pout* kailangan kong bumawi.


"Ok! Since ready na ang Tech team, Officers and Members of Acting club na mag aaudit sa likod, at ang lahat ng nabanggit ko ay nakapwesto na sa designated areas kung saan sila naka assign, simulan na natin ang pinakahuling araw ng Acting club audition" sigaw ni Xander habang nasa panel area at nilibot ang tingin sa lahat. "Break-a-leg, everyone!"


"Break-a-leg! Wooh!" Sigaw ng lahat at nagsipalakpakan na.


Pagkatapos nyang kausapin ang lahat ng members, tumingin naman siya sa taong nasa bandang pintuan. "Mark. Buksan ang pinto..


..then papasukin na ang lahat ng auditionist."


Huh?


Papasukin na ang lahat ng auditionist dito?


"Ok president" sabi ng taong nasa pinto at binukas na ang main entrance.


Nagsimulang pumasok ang lahat ng auditionist at nagkaroon ng mahinang ingay sa loob ng auditorium. Pagkatapos, ni-lead sila ng mga ushers at pinapwesto ang ilan sa bandang likuran namin.


Habang unti-unting nakakapasok ang lahat ng nasa labas, tumingin ako kay Xander na nag aayos ng papel na gagamitin para sa evaluation.


Hmm. Ang weird.


Bakit na nya pinapasok yung mga mag aaudition? Dahil ba sa last day na?


"Oh. prepare na kayo ah" rinig kong binulungan niya si Jacob at Joseph. Pagkatapos, "At ikaw.Magprepare ka na rin ah." nagulat ako nang tumingin siya sakin at bigla akong tinuro.


"H-Huh?" Pagtatakang sabi ko. "Para saan naman?"


"Para sa audition syempre" sabi nya at inabutan nya rin ako ng papel at lapis. "Mukhang magiging exciting ang audition natin ngayon kaya kailangan prepare ka."


"Exciting?" kunot noong sabi ko at kinuha ang inaabot nya. "Paanong exciting?"


"Basta" kinindatan nya lang ako habang pilit nyang binibigay sakin ang hawak nya.


Since binibigay nya sakin yung papel, kinuha ko nalang ito tapos umupo na siya sa may panel area. Nasa pagitan na siya ni Jacob at Joseph. Tapos, kinuha nya ang maliit na walky talky na nakapatong sa mesa nila at nagbigay ng signal kila Lincoln.


"Technical team!" Tumingin na siya sa harapan. "Prepare the sound, focus the spotlight in the middle of the stage..


..then camera on!"


Eh?


Kumunot naman ako nang marinig ko yun.


Camera on?


Bakit may ganun na sa audition?


Dahil sa sobrang pagtataka ko sa sinabi ni Xander sa technical team, di ko natiis ang sarili ko. Medyo yumuko ako sa bandang harapan para abutan at kalabitin si Jacob.


"Psst. Jake"bulong na sabi ko. Lumingon naman siya sakin. "Bakit may cam? Anong meron?"


"Di ko nga rin alam kay President eh. Wala naman din siyang nabanggit sakin"bulong rin na sabi nya."Basta tignan nalang siguro natin, crush"


"Hmm. Oh-kay" yun nalang ang sinabi ko.


Kahit naweweirduhan pa rin talaga ako sa buong set-up ng audition ngayon, tumingin nalang ako sa harapan at umayos nalang ng upo.


Kung sabagay. Tama naman si Jacob eh. Tignan nalang siguro namin kung ano ang mangyayari.


"Good morning, auditionist!" Nagsimula ng magsalita si Xander sa maliit na microphone na nasa harap. Kaya nakafocus na ang lahat sa kanya. "This is Alexander David, president of Xavier's Acting club. And I would like to announce that this day will be the last day of audition. So give all your best shots and never waste this opportunity. Break-a-leg!"


*clap clap clap*


Pumalakpak ang lahat sa sinabi nya. Pagkatapos, inayos na nya ang pagkakaupo nya sa pagitan nung dalawa at kinausap si Jacob.


"Jake. Paki-mention na ang first applicant"


"Ok president" tumango naman si Jacob at binasa na ang list na hawak nya. "May we call on our first auditionist...


Mr. Michael Jay Ortega.."


Nang matawag na ni Jacob ang first auditionist, tumingin ang lahat sa bandang likuran. Tumayo na ang auditionist mula sa bleachers at tahimik ng bumaba hanggang sa makarating sa stage area.


Nang makarating siya sa may stage area, nagprepare na siya sa harapan at sinimulang tumingin sa panelist.


"State your name, age, section and course" sabi ni Joseph na nasa tabi ni Xander.


"My name is Michael Jay Ortega, 24, 2-B, Theater Arts"


Since nagsstart na ang audition at binigyan rin ako ng papel ni Xander kanina, sinimulan ko na ang pagfifill up ng panel's evaluation form at sinulat ang mga info na sinasabi ng auditionist.


Habang sinusulat ko ang pangalan ng auditionist..


Unti unti kong naalala..ang isa sa mga "karumaldumal" na sinabi nilang nagawa ko sa audition kahapon.


*Flashback*

"Basta isa lang ang masasabi namin. Na lahat ng binagsak mo, magaganda, medium blonde ang buhok at postura kung manamit!"

*End of flashback*


After kong maalala yun, tumingin ako sa lower part ng panel's evaluation at tinignan kung saan nakalagay ang "Remarks"


Hmm.


Maganda..medyo blonde at sosyal manamit?


Bakit nga ba ganun ang description ng mga binagsak ko kaha--


*flash back*


"Sorry for the interruption, sir Rodriguez. Pero pwede po ba akong makisuyo? Kakausapin ko lang po sana si Vincent Romero"


*end of flashback*


Oh s-shocks!! *takip ng bibig*


Ibig sabihin ba nun..binagsak ko sila d-dahil..


..Nakikita ko sa kanilang lahat ang itsura ni Kylie??!!


*flashback*


"Aww. Ang taas pala ng standards ni Vincent Romero noh?"

"Oo nga eh. Gorgeous Kylie ba naman ang trip. Jusko wala tayong panama dyan"


Waaaaaahhh!!! Nakakahiya!!! *takip sa mukha*


Ibig sabihin. P-pati pala mga inosenteng tao, nadamay sa pagkabeast mode ko kahapon??


Waaah!! Nakakahiya talagaaa! *napahilamos ng mukha*


Shemay, O-Ok lang kaya sila? yung mga binagsak ko kahapon?


Aish, tinatanong pa ba yan? Malamang hindi. Binagsak ko nga eh. T^T


Waaah! Nakakakonsensya talaga ko. Huhu. Sana talaga mapatawad nila ko. T^T


"Hello Nikki"


Natigilan ako sa pag kabangag ko nang marinig kong may nagsalita mula sa tabi ko. Dahil dun, nabalik ang ulirat ko at lumingon sa taong..


O_O


Syet!


"Ikaw nanaman?!"


Muntik nang mapalakas ang boses ko nang makita ko si James.


H-Hala bakit nandito siya?Diba,Tinakasan ko na yan kanina?


"Oo.Ako nanaman. Pft" ngising sabi naman nya sakin at..


Ayan. Wala na. Umupo na siya sa tabi ko ngayon. Tsk.


Bakit ba kasi dito pa siya umupo eh. Ang luwag luwag naman kay dun sa may likod.


"So kamusta? Andito ka din pala ha. Haha.Kaya naman pala nagmamadali ka kanina eh. Tapos..iniwan mo pako"natatawang sabi nya at nilagay pa ang braso nya sa likod ng sandalan ko.


"Ahh ehh.O-Oo naman. Vice president ako ng acting club na to eh.Kaya..hmm.. kaya obvious talaga na nandito ako. He-he" yun nalang ang sinabi ko at pasimpleng inalis ang braso nya sa likuran ng sandalan ko. "Ikaw? Ano namang ginagawa ng..hmm. Ng isang tulad mo dito?He-he."


"Anong ginagawa ng isang tulad ko dito? Hmm. Well bukod sa nagbabaka sakali akong makita ka, nandito ako para makinood ng audition. Pft. Part na kaya ako ng Acting club, remember? So I guess pwede na rin ako makinood ng audition..nang kasama ka." ngising sabi nya sakin at..


Hay Jusko! Ayan nanaman siya.Nagpacute nanaman sakin. Tsk.


Masahol pa to kay Kristoff eh. Akala ba nya cute siya sa ginagawa nya?


"Ah. He-he.Ganun ba? Hmm. Oo nga pala" yun nalang ang sabi koat sumipleng nilayo naman ang sarili sa kanya.


Bago pa nya ako kausapin ulit, binalik ko ang tingin ko sa sinusulatan kong papel kanina at nagsimulang magsulat ulit. Pinapaobvious ko talaga sa kanya na busy na ako ngayon para di nya na ako kausapin ulit.


Pero..


Since siya si James Stambough..


"Psst. Nikki"


Argh! Sabi na nga ba eh. Bigla nanaman nya akong kinausapin!


Hays. Ano ba kasi problema nito? Hindi ba siya makaramdam na ayoko siyang kauusapin?


"Ano?" sabi ko nalang pero ang totoo medyo naasar nako sa kanya.


"May kasama ka bang maglunch mamaya? Kung wala, tara! Kain tayo! Libre ko" sabi nya at..


Ayan peste! Kinindatan nanaman ako. Hays.


Eh kung tusukin ko nalang kaya mata nito. Para di nya na ako ganyanin. Tsk.


"Ahh.He-he. Meron na akong kasama eh" yun nalang ang sabi ko at nagsimulang magsulat nalang.


Pero sa mga oras na to, nagtitimpi lang ako. Tsk.


"Ah ganun ba? Sayang naman" pout na sabi nya at nagpaawa pa ang itsura."Pero kung may kasama ka, sino naman yung sinasabi mong yun?*smirk*Baka naman...


..nagdadahilan ka lang kasi eh?"


"Uy hindi ah!"


Dahil sa sinabi nya, agad kong dinepensahan ang sarili ko."M-May hmm. May kasama naman talaga ako eh."


"Eh sino yun?"Ngising sabi nya.


Dahil sa pag titig nya sakin, medyo kinilabutan ako. At medyo..


Medyo..


Shocks! Namemental block ako.


Patay. Sino nga ba? S-Sino nga ba yung sasabihin ko?


"Ano Nikki? Sino kasama mo mamaya?" Sabi nya habang papalapit pa ang mukha nya sakin.


"A-ahh eh. Ano uhm. S-si.. si--"


"Vinci"


"Vinci!"


Iniwas ko ang mukha ko sa kanya atnapapikit nalang ako dahil hindi ko alam kung ano ang lumabas sa bibig k-


W-wait.


Anong sabi ko?


S-Si..


*lingon ng dahan dahan*


"V-Vinci?!!"


Muntik nanaman akong mapasigaw nang makita ko ang taong sumabat samin ni James. Nakaupo siya ngayon sa may likuran namin at..


T-Teka.


A-Anong ginagawa nya dito?


Bakit pati siya nandito?!


"Pft. Ikaw?"


Nabalik ang ulirat ko nang marinig kong biglang nagsalita si James sa tabi ko. Lumingon ako sa kanya at nakita kong nakatingin na pala siya kay Vinci na..


N-na..


"Sure ka bang ikaw ang kasama nya? O sinasabi mo lang yan dahil nag-aassume ka nanaman?"


Shock ayan nanaman sila!


Nagtitinginan na naman ng sobrang talim!


Tsk.


Bago pa makasagot ng pabalik si Vinci..


"Ahh ehh.O-Oo. Totoo yun, James. Siya talaga kasama ko" agad na akong sumabat sa usapan nila at nagmadaling ligpitin ang gamit ko. Baka magtalo sila dito eh.Makita pa ng iba."Sige, diyan ka nalang muna ah. Andito na pala siya eh. He-he. Bye!"


Hindi ko na hinintay na magsalita si James. Tumayo na ako sa kinauupuan ko at bago pa tuluyang magkaroon ng iringan sa pagitan ng dalawa, dali dali na akong lumakad palabas ng second row. Tapos, lumipat ako sa third row kung saan nakaupo si Vinci ngayon.


"Uy!" Sabi ko nang makarating na sa tabi nya. "Bakit ka nandito? Anong meron?


Napansin kongpara siyang nagulat sa sinabi ko. Tinignan nya lang kasi ako ngayon pero hindi siya nagsasalita.


Dahil sa pagtataka ko, kumunot ang noo ko.


"Huy" bigla akong pumitik sa harap nya na kinagulat nanaman nya. "kako bakit ka nandito? Anong mero--"


"H-Hindi ka na galit sakin?"


Agad na sinabi nya bago ko matuloy ang sinasabi ko.


"Huh?" dahil naman sa tanong nya, ako naman ang nagtaka sa kanya. "Ba't naman ako magagalit sa..


..sayo?"


Unti-unti akong natigilan nang marealize ko ang sinabi ko.


Shocks.


O-oo nga pala.


Nagalit nga pala ako sa kanya ng bongga kahapon. *lipbite*


"Hmm dahil sa-"


"Ahh!Yun ba??!"


Pinutol ko agad ang sinabi nya dahil ayokong marinig ang susunod na sasabihin nya.


"He-he. Naku. W-Wala. Ok na. Di nako galit"ngiting sabi ko sa kanya pero sana hindi nya mahalatang pilit.


Bago pa niya kwestyunin ang sinabi ko,."Anyways, a-ano nga?Bakit ka kako nandito?"


Mabilis kong iniba ang topic.


Dahil sa pagtatanong ko, napansin kong hindi nanaman nya ako sinagot. at ayon sa nakikita ko, para bang takang taka pa rin siya na kinakausap ko na siya ngayon


Since wala nanaman siyang response sa tanong ko at baka ituloy nyananaman ang topic namin kanina, niready ko na ang pagpitik ng daliri ko.


"Huy, Vinc--"


"Dahil sayo.."


Bigla akong natigilan sa kinauupuan ko nang marinig ko ang sinabi nya.


Hindi ko alam kung tama ang narinig ko pero..


Dahil sa lumabas sa bibig nya, unti unti kong nababa ang daliri ko at..


..biglang naging abnormal ang tibok ng puso ko.


"H-ha?"

Yun nalang ang lumabas sa bibig ko habang patuloy lang na nakatingin sa kanya.


Tinignan ko ang mga mata nya. Nakatitig lang sakin ng matagal pero hindi nya man lang sinagot ang tanong ko. At habang patuloy lang siya sa pagtitig sakin,


..medyo nakaramdam ako ng pagkailang..


P-Pero..


Bakit ganun?


Bakit parang.. hindi ko nanaman maalis ang tingin ko sa mga mata nya?


"Pft"


Para bang nawala ang mga iniisip ko kanina nang mapansin kong bigla siyang napangiti. At..


Teka.


B-bakit?


"M-May nakakatawa ba?" Pagtatakang sabi ko.


"Pft. Wala naman" sabi nya at bigla nalang tumingin sa harapan.


Dahil sa ginawa nya,


Tsk


Medyo sinamaan ko talaga siya ng tingin..


Aish! ayan nanaman siya.


Bukod sa word nyang "wala" nya, nag-jojoke nanaman siya ng wala sa oras. Tss.


Anyways, bahala nga siya sa buhay nya!*irap*


"May we call on the next auditionist... Vincent Romero"


After ko siyang irapan sa kinauupuan ko, tumingin nalang ako kila sa Xander nang tawagin nila ang next auditio--


*natigilan*


Next Auditio..


..nist?!


Dahil sa narinig ko, agad kong binalik ang tingin ko sa katabi ko.


"I-Ikaw yung next auditionist?!" gulat na gulat na sabi ko kay Vinci.


Nang mapansin nya ang reaksyon ko, napangiti lang siya ng konti at tahimik na siyang tumayo sa kinauupuan nya. Pagkatapos, kinuha na niya ang gitara na nasa tabi pala nya kanina pa at seryosong dumiretso sa harap ng stage kung saan nagpeperform ang mga auditionist.


Pero..teka!


A-anong ginagawa nya?


Bakit bigla siyang nag-audition dito sa acting club?!


"Ok" rinig kong sabi ni Xander mula sa panel area at tumingin sa auditionist na si...


V-Vinci.


"State your name, Age, Section and Course"


"My name is Vincent Romero, 25 years old, 4-A, Creative Musical Theater" panimulang sabi ni Vinci at nakikita kong sinusulat na nila Xander ang info nya. "And to make it clear..


..I'm not here to audition in this Acting club"


H-Ha?


Ano.. raw??


Lalo akong naguluhan nang marinig ko ang sinabi nya. At dahil sa narinig naming lahat, nagsimulang magbulungan ang lahat ng tao sa paligid. Mukhang pati sila, nagulat din talaga sa sinabi ni Vinci ngayon.


Eh kaso..kung hindi siya nandito para maging auditionist..


..anong pa ang ginagawa nya dito?


"Really?" pagtatakang sabi ni Xander kaya nanahimik ang lahat. "Uhm. So.. what was the reason kung bakit ka nandito?"


After ng tanong niya, lahat ng tao ay napatingin kay Vinci.


"I have two reasons" sabi ni Vinci na nakatingin lang kay Xander. "One, to clarify things. And two..


..to confess my feelings"


Huh?


A-Ano ba tong pinagsasabi nya sa lahat?


"You want to clarify things and you want to confess your..feelings?" lalong nagtaka si Xander sa sinabi nya. "Hmm. What do you mean by that? Can you..specify this.. things?"


After nung tanong ni Xander, hindi na sumagot si Vinci. Tahimik lang nyang kinuha ang gitara nya na nakalagay sa balikat nya at huminga ng malalim. Pagkatapos, tahimik nyang inayos ang mic na nasa harapan nya at muling nagsalita sa harap ng audience.


"Well..hmm. For the past few days, may kumalat na palang article about samin ni Kylie Sheantiel Prescott. Na we are both in a relationship. And that it was official."


Ahh.


He-he.


Y-Yun lang pala.


Nang marinig kong about pala sa kanila ni Kylie yung sasabihin nya, kinuha ko nalang ang papel na hawak ko at nagsimulang magsulat nalang. May part kasi sa akin na ayoko talagang makinig ngayon..


At kung ano man ang sasabihin nya,


Wala na akong paki yun.


"Yes. Kylie is the most appealing woman that I've ever known. She's beautiful, elegant, does have a very good sense of fashion, and most of all, an ideal girlfriend for every man in this campus"


Hays. kailangan ba talaga sabihin yan dito? Acting club audition kaya to.Hindi naman True love confession. Tss.


"She was the woman who I can always count on in times of my doubts and needs. But inspite of this positive characteristics .


.. I dont have any romantic affection for her.


..Not because she's not a very attractive woman, but because the truth is..she was the only person who knew everything about my true feelings for..


..Nicole Sarmiento"


Bigla akong natigilan sa pagsusulat nang marinig ko ang sinabi nya.


At..


T-T-Tama ba ako ng rinig sa sinabi nya?


"And yes. You are the only woman I love, Nicole Jane Sarmiento"


Para bang huminto ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang sinabi nya at agad kong inangat ang ulo ko.


Nakita kong lahat ng tao ay nakatingin na pala sa akin.


At..


Nang mapunta kay Vinci ang tingin ko..


Nagsimulang bumilis ulit ang tibok ng pusodahil tinititigan na pala nya ako.


Dugdug...dugdug


Pero T-Teka.Ano nangyayari?


J-Joke ba to????


N-n-nasa..wow mali ba ako??????


"Si Nicole Jane Sarmiento?Pft." Rinig kong sabi ni Xander at biglang lumingon sa kinaroroonan ko. "Yung nakaupo ba sa bleachers ngayon?"


"Yes." agad na sabi ni Vinci at muling tumingin sakin. "S-Siya nga"


Naramdaman ko nalang na biglang uminit ang pakiramdam ko nang marinig ko ang sinabi niya. At dahil sa narinig ng mga tao..


Bigla silang naghiyawan sa paligid ko.


Lalo kong naramdaman ang pamumula ng pisngi dahil sa mga hiyawang naririnig ko. At this time, hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari ngayon.


P-Pero..


Bakit?


B-Bakit ako?


"Pft. I see."nangingiting sabi ni Xander at ngumisi na naman sakin. "Ok..so.. hmm. Anong gagawin mo today, Mr. Vincent Romero? Itutuloy mo pa ba ang audition ngayon..or kakantahan mo lang si Nicole Jane Sarmiento?"


Tumingin si Vinci kay Xander.


"Yes. I'll proceed this audition" sabi niya at hinawakan ang gitara nya. "And at the same time..


..I will dedicate this song for her"


---


Vinci's POV


"Yes. I'll proceed this audition. And at the same time...I will dedicate this song for her"


After these words comes from my mouth, sinimulan kong hawakan ang gitara ko at tumingin sa audience area.


And Yes. honestly, my hands are shaking right now.


But..


Inspite of all this nervousness,


For Nikki..


Sinusubukan kong i-overcome ang fear na nararamdaman ko.


I looked at the people around the audience area. Then, while my hands are still shaking, inayos ko ang microphone in front of me, then tumingin ako sa area kung saan nakaupo si Nikki.


"Nicole Jane Sarmiento." nagsalita ako sa mic at tumitig sa mata nya. "This one is for you."


"Ayiiieeeee!!"


Nag simulang mang-asar ang mganasa paligid pero hindi ko sila inintindi. I just began to strum my guitar..


.. andstarted to sing as if no one was in here.


Except me..


..and her..


(A/N: Pakiplay yung video then paki-imagine po na si Vinci yung kumakanta. Thanks)


*Vinci's strumming the guitar*


*starts singing while looking at her*


"Di ko man maamin. .ikaw ay mahalaga sa akin."


"Yiheee!"


*strum guitar*


"Di ko man maiisip..sa pagtulog ikaw ang panaginip.."


*tingin kay Nikki*


"Malabo man ang aking pag-iisip sana'y pakinggan mo.. ang sigaw nitong damdamin."


*stop playing guitar*


*titig sa mata ni Nikki*


"Ako'y alipin mo kahit hindi batid.. A-aminin ko, minsan ako'y manhid.."


"Ayieeee!"


"Sana ay..iyong naririnig.. *close eyes* sayong yakap ako'y nasasabik"


"Pagka't ikaw lang ang nais makatabi..malamig man o mainit ang gabi"


*breaks the guitar strum*


"Nais ko sanang iparating..


*harap kay Nikki*


.. na ikaw lamang.. ang siyang aking..


*titig sa mata*


..Iibigin"


KYAAAAHH!!!


WOOOH!!


VINCENT! NIKKI! VINCENT! NIKKI!!


KINIKILIG AKO SA INYO! KYAAAAAAH!!


Lumakas ang hiyawan ng lahat ng tao sa buong paligid. Lahat sila ay masasabi kong tuwang tuwa sa napapanood nila.


Pero hindi ko sila iniintindi.. dahil nakatingin lang ako kay Nikki, na matindi ang pumumula ng pisngi.


Pagkatapos kong kumanta, huminga ako ng malalim at lumunok muna ng ilang seconds. Then nilagay ko na ang gitara ko sa likuran ko and I took my courage para bumaba sa stage at lapitan siya.


Habang humakbang ako papunta sa kinaroroonan nya, lumalakas ang tibok ng puso ko. At the same time, mas lumalakas rin ang mga hiyawan na nasa paligid.


Nang makarating ako sa tapat nya,


..tinitigan ko ang mga mata nya. At pagkatapos..


..simula ko namang hawakan ang dalawang kamay nya.


"V-Vinci"


Ramdam kong nabigla siya ng sobra ginawa ko. Pero instead na bitawan siya, pinagpatuloy ko lang ang paghawak sa mga kamay nya at..


.. sincere na tumingin ng diretso sa mga mata nya.


"N-Nikki" panimulang sabi kowhile looking through the eyes of..


..the woman I will always love for the rest of my life.


"I'm sorry for two reasons..


One..


.. For lying to you the other day.


And two..


..For letting myself falling in love with you each day"


--------> See you in next Chapter 52: The Confession


----------


Don't forget to vote. ^_^ Thank you.

Continue Reading

You'll Also Like

13.4K 813 25
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
24.7M 558K 156
This is not a love story. This is a story about LOVE.
304K 21.2K 93
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...