KIRSTEN: Half Human-Half Vamp...

By Dream_Secretly

110K 3.8K 226

She is KIRSTEN ORTEGA. A Half human-Half vampire. Buong buhay nya, Isa lang tangi nyang hinahangad yun ay ang... More

KIRSTEN: Half human-Half vampire
SIMULA
VAMPIRE 01
VAMPIRE 02
VAMPIRE 03
VAMPIRE 04
VAMPIRE 05
VAMPIRE 06
VAMPIRE 07
VAMPIRE 08
VAMPIRE 09
VAMPIRE 10-11
VAMPIRE 12
VAMPIRE 13
VAMPIRE 14
VAMPIRE 15
VAMPIRE 16
VAMPIRE 17
VAMPIRE 18
VAMPIRE 19
VAMPIRE 20
VAMPIRE 21
VAMPIRE 22
VAMPIRE 23
VAMPIRE 24
VAMPIRE 25
VAMPIRE 26
VAMPIRE 27
VAMPIRE 28
VAMPIRE 29
VAMPIRE 30
VAMPIRE 31
VAMPIRE 32
VAMPIRE 33
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
EPILOGUE
ESPESYAL NA KABANATA

VAMPIRE 34

1.4K 48 0
By Dream_Secretly

WARNING: tuyo ang utak ko nong isulat ko 'to😂😂 nai-inspired na namo-motivate po kasi ako sa mga comment niyo. Thank you po sa inyong lahat 😂 love you guys qnd godbless 😇😍😍

NAPABALIKWAS ako nang bangon nang magising ako. Nasapo ko na lamang ang dibdib ko at napahagulgol. Bumalik lahat ng sakit, lahat ng pinagdaanan ko. Parang kahapon lang nangyari ang lahat.

"Kirsten!" Lalo akong napahagulgol nang makita ko si mama sa harapan ko.

"Ma..." Niyakap ko siya nang mahigpit. Hinayaan naman niya akong umiyak sa mga bisig niya. Hindi ko maisip ang mga hirap niya dahil sa pagkawala ni papa. Alam kong siya ang mas nasaktan sa 'min.

"Shhhh....okay lang anak. Okay lang..." Pag aalo niya sa 'kin.

Hindi. Hindi magiging maayos ang lahat. Magiging maayos lang kung babalik tayo sa dati, 'yong kumpleto tayo at masaya. 'Yong kasama natin si papa.

I'm sorry papa, nagalit ako sayo kasi akala ko iniwan mo kami dahil hindi mo na kami mahal. Patawarin mo ako papa. Hindi ko alam.

"Ang sakit mama. Ang sakit sakit...."


KAREN POV

NAAAWA AKO sa anak ko. Kanina pa siya tulala pagkatapos niyang umiyak. Hindi ko na rin siya masyadong makausap, hindi ko tuloy alam kung ano talaga ang problema niya.

"Kirsten? Ano ba talagang problema?" Pang-sampong tanong ko na ata ito sa kaniya.

Umiling lang siya at tumagilid ng higa patalikod sa 'kin. Napabuntong hininga nalang ako at hinaplos ang buhok niya. Nang silipin ko siya ay wala na namang tigil sa pagtula ang mga luha niya.

"Ano bang nangyayari sa 'yo anak?" Alalang tanong ko.

Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito pagkatapos ng ilang katok. Ngumiti ako ng pumasok si rhian kasama ang anak niya, ang aking apo na hindi ko man lang nasubaybayan ang paglaki.

"Ma, kamusta na po siya?" Tanong ni rhian sabay sulyap kay kirsten na wala pa rin sa sarili.

Makahulugang umiling na lamang ako. Sinenyasan ko si carlo na lumapit sa 'kin atsaka ko siya kinandong at niyakap.

"Bat po malungkot si auntie lola?" Inosenteng tanong niya.

"Masama lang ang pakiramdam niya, apo."  Sabi ko nalang.

"Wawa naman pala si Auntie ko." Sabi niya. Hindi ko na siya pinigilan ng umalis siya pagkaka-kandong ko at lumapit kay kirsten. "I love you auntie. Wag kana sad. Sad din kasi si carlo 'tsaka sila mommy at lola." Malungkot na sabi ng bata.

Nangilid na lamang ang mga luha sa mata ko. Namumugto naman ang mga matang hinarap siya ni kirsten. Hindi niya natiis ang pamangkin.

"Yakapin mo nga si auntie para hindi na siya ma-sad...." Napahikbi ako nang muli ko siyang marinig magsalita. Ano bang problema mo anak? Bakit hindi kana nagsasabi sa 'kin?

Napatingin nalang ako kay rhian nang pumunta ito sa tabi ko. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at inalalayang tumayo. "Labas muna tayo, ma? Hayaan muna natin siya." Sabi niya. Tumango naman ako.

Sumulyap muna ako kay kirsten na nakapikit na ngayon habang nakakulong sa kaniyang bisig si carlo. Hinalikan ko muna sila sa noo bago ako lumabas kasama si rhian.

"Gusto po pala kayong makausap ni keiji, ma. Nag aalala kasi 'yon kay kirsten." Sabi ni rhian nang makalayo na kami sa kwarto ni kirsten.

"Sabay na tayong pumunta sa kaniya," Pagod akong ngumiti. Kung sana naging bampira nalang rin ako, siguro kahit papano ay may naitulong ako sa pamilya ko. "Ang mama mo pala?" Tanong ko pa.

"Nasa kwarto po ng tagabasa. Sinusubukan niyang basahin ang libro ng hindi siya nalalason." Malaki nga pala ang gulong dinala nang biglaang pagkamatay ng tagabasa. Sana ay makakita sila ng bagong nilalang na kayang hawakan at basahin ang libro ng hindi namamatay.

"Wala pa ba kayong nahahanap na tagabasa?" Tanong ko.

"Ayon kay ina, ang namatay na tagabasa nalang ang natitira sa mga lahi niya. Ang diyos na lamang daw ang magde-desisyon kung may pagbibigyan siya nang ganong klase ng kapangyarihan."

Napabuntong hininga ako. "Bakit ba kasi biglaang namatay ang tagabasa gayong konektado ito sa libro? Bakit ngayon pa kinuha ng libro ang buhay niya kung kailan natin higit na kailangan ang tulong nito?"

Huminto sa paglalakad si rhian atsaka ako hinarap. "Dalawa lang ang posibilidad na dahilan niyan ma," Bumakas ang takot sa mga mata niya. "Una, pinapatay ng libro ang kaniyang tagabasa kapag sumanib ito sa kapangyarihan ng dilim. At ang pangalawa, namamatay lang ang tagabasa kapag gusto na nitong magpahinga at ipasa sa iba ang kaniyang kakayahan."

"Kung gayon, alin sa dalawa ang dahilan?"

"Hindi ko alam, ma." Aniya.

Muli kaming nagpatuloy sa paglalakad. May mga kawal kaming nadadaanan sa bawat paghakbang namin sa mahabang pasilyo, ngunit hindi na namin sila napagtuunan ng pansin dahil pareho kaming nalunod na sa malalim na pag-iisip.

Ang pagkamatay ng tagabasa ay nagdulot ng malaking problema sa aming lahat. Lahat ng mga nasasakupan ng hari't reyna ay nag-aalala na at natatakot, ibig sabihin kasi nito ay wala nang gagabay at magbibigay ng senyales sa mga posibleng masamang mangyari.

Hindi ko alam kung ano nga ba talaga ang plano ng libro para patayin niya ang tagabasa pero isa lang ang nasisigurado ko, may plano ito na wala sa isa sa'min ang nakakaalam.

"Ma..." Nagtatakang bumaling ako kay rhian nang hawakan niya ang kamay ko at pinigilan sa paglalakad. "Nandito ang makasariling prinsepe." Malamig niyang sabi. Hanggang ngayon pa rin talaga ang galit pa siya kay dark.

Napabuntong hininga na lamang ako at pilit na ngumiti sa prinsepeng saglit na yumukod sa aming harapan para magbigay galang. "Magandang gabi." Bati niya.

"Kung itatanong mo sa'min kung kamusta na siya, hindi ang sagot namin. At wag mo nang itanong kung bakit dahil kasalanan mo naman."

"Rhian!" Saway ko sa kaniya. Nahihiyang ngumiti ako kay dark. "Dark, ang mabuti pa'y wag mo muna siyang dalawin ngayon." Sabi ko. Alam ko kasing doon siya patungo ngayon. Kilala ko si dark, hindi niya matitiis si kirsten.

Napangiti ako nang maalala ang mga ginawa niya noong nilayo namin si kirsten dito. Kahit delikado noon ay talagang dinadalaw niya si kirsten at binabantayan. Mahal na mahal niya talaga ang anak ko.

Sa totoo lang ay hindi naman ako nagalit sa mga ginawa niya noon. Nagawa niya lang naman 'yon dahil sa sobrang pagmamahal. Minsan kasi ay nakakabulag talaga ang matinding pagmamahal, nakakasama ito sa'tin lalo na kung sobra sobra.

"Masusunod po." Malungkot niyang pagsang-ayon.

Tinapik ko siya sa balikat at nginitian. "Wag mo siyang susukuan dark. Hanggat maaga pa ay sabihin mo na sa kaniya ang lahat bago pa mahuli ang lahat." Sabi ko bago ko siya nilampasan.

Nang makalayo na kami ay nagsalita na naman ulit si rhian. "Kasalanan niya lahat ma! Kung hindi niya pinakawalan ang hari ng dilim sa kulungan nito, hindi sana nito makukuha ang katawan ni papa! Payapa pa sana ang pamumuhay natin hanggang ngayon." She hissed.

"Rhian....."

"Ma, sinumpa niya si keiji at kirsten. Dahil sa kaniya nahiwalay kami ni carlo sa inyo." Nanginig ang boses niya. "Hindi rin sana makakalimut sila kirsten at rina."

"Ginawa niya lang ang tama rhian." Paliwang ko. "Wala siyang pagpipilian kundi ang patawan ng sumpa sila keiji, mamamatay silang dalawa kapag hindi niya 'yon ginawa." Sabi ko. Nang mga panahong dalhin ni keiji si kirsten pabalik sa bahay at walang malay ay nataranta na ako lalo na nang makita ko ang unti unting pagbagsak ni keiji. Iniwan lang nila ako sa bahay nang makipaglaban sila sa hari ng dilim, wala rin naman akong matutulong kung nandon ako. Magiging pabigat lamang ako sa kanilang lahat.

"K-Keiji!" Mabilis ko siyang dinaluhan ng unti unti siyang bumagsak habang nasa bisig niya pa si kirsten. "A-Anong ginawa ng demonyong 'yon sa inyo?" Hikbi ko.

"Tita!" Napatingin ako sa nanghihina ring si rina. Duguan din ito tulad ni kirsten pero mukhang kaya niya pa naman.

"Nasan ang iba?" Alalang tanong ko.

"Naiwan sila doon tita. Pinapunta nila ako dito para tulungan sila kirsten." Aniya.

Muli akong bumaling kela kirsten. Hindi ko sila mahawakan dahil parang may kuryenteng bumabalot sa katawan nila. Napahagulgol ako. Ano ba itong nangyayari sa'min? Nakakaawa ang mga anak ko.

"Isang lason para sa mga kalahating bampira't tao." Sabi ni rina. Naguguluhang napatingin ako sa kaniya.

"A-Anong ibig mong sabihin?"

"Nilason sila tita. Isang lason na para lamang sa mga kalahating bampira't tao." Bakas ang takot sa kaniyang mga mata.

"L-Lason?" Di makapaniwalang bulalas ko. Napahilamos ako ng mukha gamit ang dalawa kong palad. "Paano sila malalason?! Purong bampira si keiji at isang purong tao lamang si kirsten! Paano nangyaring tinatablan sila ng ganong klase ng lason?!" Di ko mapigilang singhal.

"Ibig sabihin...." Suminghap siya. "Ibig sabihin nito ay may ilang porsyento sa dugo ni kuya keiji ay dugong tao at gayon din ang kay kirsten na may porsyento ng dugo ng bampira."

Parang ikakamatay ko ata ang mga naririnig ko ngayon. Ang mga kaawa awa kong mga anak.....bakit nila ito nararanasan?

Nataranta ako ng biglang manginig ang katawan nila. "A-Anong nangyayari rina?!" Takot kong tanong.

"Kumakalat na ang lason tita...."

Napahagulgol ako. Nang muli kong subukang hawakan sila ay nabigo na naman ako. Mas lumalakas ang kuryenteng bumabalot sa katawan nila.

Napatingin ako sa sugatang si dark na kapapasok lang ng bahay, kasunod nito ay si darwin na kaagad kaming inalo ni rina.

"Kirsten!" Bakas sa mukha ni dark ang pag-aalala.

"Kailangang mabuhay ng mga halimaw sa loob nila para makaligtas sila." Biglang sabi ni darwin.

Mabilis namang nag-angat ng tingin sa kaniya si rina."Hindi mo naman siguro iniisip na isumpa sila, hindi ba?"

"Kailangan rina," Sagot ni darwin.

Napatingin ako kay dark na parang anumang oras ay bibigay na, pero nanatili pa rin itong kinukulong sa kaniyang bisig si kirsten.

Nanghihinang napaluhod na lamang ako. "Gawin niyo ang lahat para mailigtas sila...." Hagulgol ko.

"Tita...." lumuhod si rina sa harap ko. "Kapag po sinumpa sila, posibleng buong buhay nila 'yong dalhin pati na rin ng kanilang mga supling. Magiging halimaw sila." Pagpapaintindi niya sa 'kin.

Nanghihinang napayuko na lamang ako. Kung may iba pa sanang paraan....pero wala na, eh. Wala na....ayokong mawala ang dalawang anak ko. Hindi ko kakayanin.

"Kung mabubuhay sila, gawin niyo." Nanghihinang sabi ko.

Natahimik sila ng ilang minuto bago nagsalita si dark. "Ako ang gagawa." Napatingin kami sa kaniya. "Kasalanan ko 'tong lahat kaya ako ang sasalo ng lahat. Ako lang ang dapat sisihin kaya ako nalang." Nakayuko niyang sabi.

Napailing ako. "Dark....." lalapitan ko sana siya nang biglang humangin ng malakas. Namula ang mga mata niya at nabalot ang buong katawan niya ng apoy.

"Ginagawa niya na...." Mahinang sabi ni rina. "Hindi ko pa kabisado ang lahat ng mahika kaya pati ako ay mawawalan ng alaala." Ngumiti ng mapait si rina. "Sana pala pinag-aralan ko muna ang pangontra rito."

"Rina..."

"Wag po kayong mag-alala, sa'ting lahat ako lamang ang mawawalan ng alaala dahil isa akong mangkukulam. Ang mga ganitong klase ng sumpa ay apektado ang alaala ng isang mangkukulam." Paliwanag niya.

"Hanggang sa muling pagkikita...." Sabi niya bago siya nawalan ng malay.

Naging mabilis si darwin at kaagad siyang nasapo ng akmang matutumba na siya. Niyakap siya nito at hinalikan sa noo. Napayuko na lamang ako at napahagulgol nang marinig ko ang binulong ni darwin sa kaniya sa kabila ng ingay ng paligid namin dahil sa ginagawa ni dark.

"You are my mate. Remember that you are mine rina. I will always watching you. Kapag tapos na ang lahat ay pakakasalan kita tulad ng matagal mo nang gusto. Mahal na mahal kita. And I am sorry for being a jerk."

Continue Reading

You'll Also Like

15M 483K 51
He is cursed. He is in heat and he wants you. *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden, ang misteryosong lalaki na kulay berde...
3.8M 135K 36
The day he chose her is the day that her fate was already sealed. *** 'Yong guwapong lalaki na pasyente mo sa mental hospital, na wala kang alam na s...
2M 69.4K 51
A school where different kinds of vampires such as pure bloods, noble vampires and hybrids study and train to be a true vampire. It all started with...
14.3M 622K 56
Para kay Hezira ay isang kathang-isip lamang ang mga bampira. Hindi siya kailanman naging interesado sa mga ito. Pero lahat ay nagbago matapos ang is...