VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]

By MajorSin

476K 15.2K 2.7K

Bata palang kalaban na ni Virgel ang mundo. Lumaki siyang punong puno ng kalampahan sa buhay. Siya yung tipon... More

PROLOGUE
NOTE
Episode 1: The Missing Son
Episode 2: A Villain or Not
Episode 3: Questions
Episode 4: The 6th Diablo
Episode 5: You're a Mafia Boss
Episode 6: The Fuego Mafia
Episode 7: The Surprising Mafia Group
Episode 8: His Decision ( Part 1 )
Episode 9: His Decision ( Part 2 )
Episode 10: The Head Boss
Episode 11: Agnes
Episode 12: Awaken
Episode 13: Preparing
Episode 14: Benjamin
Episode 16: The Chess Pieces ( Part 1 )
Episode 17: The Chess Pieces ( Part 2 )
Episode 18: The Elfame King's Decision
Episode 19: Behind the Mask
Episode 20: Behind The Mask ( Part 2 )
Episode 21: The News
Episode 22: The Devil's Eye
Episode 23: Jin del Fuego
Episode 24: Training
Episode 25: Invitation
Episode 26: Vengeance
Episode 27: Meeting of the Five Families
Episode 28: Next Target
Episode 29: Crosser
Epesiode 30: Bad Plan
Episode 31: The Hitman's Weakness
Episode 32: Hostage
Episode 33: Flashbacks
Episode 34: Catching Bullets
Episode 35:Third Target of Elfame Mafia
Episode 36: The Sniper Assassin : Nero Guzman
Episode 37: Sad Death
Episode 38: The Master and The Apprentice
Episode 39: Whisper of the demon
Episode 40: Helena's KISS
Episode 41: The Demon and the Unknown
Episode 42: Crossing Paths
Episode 43: Rise and Fall
Episode 44: The 5th Assassin
Episode 45: Replacement
Episode 46: Lily Valdez
Episode 47: Achilles Heel
Episode 48: Capturing the Bait
Episode 49: Tears
Episode 50: Mafia War ( 1st Battle ) Part 1
Episode 51: Mafia War ( 1st Battle ) Part 2
Episode 52: Reunion ( 2nd Battle )
Episode 53: The 3rd Battle ( Part 1 )
Episode 54: 3rd Battle ( Part 2 )
Episode 55: The 4th Battle ( Part 1 )
Episode 56: The 4th Battle ( Part 2 )
Episode 57: The Last War
EPILOGUE
FAQs and Trivias
Important Announcement

Episode 15: Wake Up

7.2K 268 19
By MajorSin

Episode 15: Wake Up


--SAVING AGNES ARC--


**********


[ Virgel's PoV ]


"Boss dito" Bulong ni Kael kaya dali dali akong sumunod sakanya.

Nakapasok na kami ngayon sa loob ng budega. At tulad ng inaasahan ko, ang daming myembro ang nandito.

Nagtatago kami ngayon sa isang malaking wooden box sa gilid.

"Ano ng gagawin natin ngayon, Kael? "

May kinuha naman siya sa bulsa ng pantalon niya. "Oh heto Boss." Sabay abot niya sa'kin ng sampung mini bombs.

"Uy h-hala teka. Di ko to alam gamitin uyy." Taranta kong usal sakanya. Baka sumabog nalang to dito bigla!

"Para lang yang bato, Boss. Ihagis mo lang yan sa kalaban at automatic na yang sasabog." Paliwanag niya. Ehh. Madali lang siya pakinggan. Pero baka magkamali parin ako. Alam mo naman ako, may pagka lampers. 

 "Nakikita mo yung pintuan na'yun?" Tanong niya sabay turo sa nag iisang pintuan sa itaas. Bale dadaan ka pa sa hagdanan na nasa gitna bago ka makapunta dun sa pintuang 'yun.

Tumango ako. "Paniguradong anjan si Agnes nagtatago. Dyan ka pumunta. Ako na ang bahala dito sa baba. Magtatapon ako ng smoke bomb para di nila tayo makita. Tapos samantalahin mo na agad ang pagkakataong umakyat." Usal niya na ikinatutol ko agad. 

"Ano?! Hindi pwede! Tutulungan kita dito!" Bakit ba ang hilig nilang magpaiwan? Si Benz nagpaiwan na kanina, tapos ngayon si Kael naman.

"Pero Boss--" Napatingin naman siya sa Box na pinagtaguan namin at agad nanlaki ang mata niya. " DAPA!! " Sigaw niya sabay higit sa'kin padapa.

At wala pang isang segundo, nawasak na yung malaking box na pinagtaguan namin.

Agad kaming lumayo sa wooden box na yun. Nahuli ba nila kami?

Pagtingin namin sa harap, isang lalaking nakatayo ang tumambad sa'min tapos may suot suot itong dalawang malalaking gaunlets sa magkabilang kamay niya. Mukhang siya ang sumuntok nung box kaya nawasak.

"Anong ginagawa niyo dito sa teritoryo ko?" Kalmadong tanong niya. Mukhang siya na ata ang tinatawag nung lalaki na Boss Victor nila.

"Nasaan si Agnes?! Pakawalan mo siya!" Ganti ko na ikinasalubong ng mga kilay niya. 

"Si Agnes? Tinatanong mo kung nasaan si Agnes? Sigurado ka ba jan sa tanong mo? Kasi parang tinatanong mo lang rin sa'kin.." Agad nitong pinakita samin ang gaunlet niya habang sobrang talim ng tingin sakin. "Kung pwede ba kitang patayin ngayon mismo."

Napalunok tuloy ako ng laway dahil sa sinabi niya. Nakakatakot naman 'tong isang 'to. Mukhang hindi nga siya isang ordinaryong gangster lang. 

"Hindi mo kilala kung sino yang kinakausap mo kaya wag kang pakasisiguro jan." Biglang singit ni Kael kaya napatingin ako sakanya. Nakangiti lang siya.

"Uy ano ba." Awat ko sakanya pero 

"Anong gusto mong palabasin?" Mas sumeryoso na tuloy lalo yung mukha niya. 

"Gusto kong palabasin na wala kang binatbat sakanya dahil isa ka lang Boss na isang pipitsuging Gang samantalang itong katabi ko? " Sabi niya sabay tingin sa'kin. " Ito ang Batang Boss Virgo Mafia." Nakangising sagot ni Kael at kita ko nalang natulala saglit si Vic.

"Tama na Kael, baka lalo siyang magalit." Nasabi pa naman nung lalaki sa ospital na ayaw na ayaw nito sa mga Mafia. Lagot ako neto :(  

"Virgo Mafia.." Nung makabawi, nginisihan niya kami. "Kung ganun mga Mafia kayo.." Usal niya habang nakangisi. " Sige, pag nakalampas kayo sa lahat ng mga tauhan ko dito, Dumiretso na agad kayo sa pintuang 'yun. Dun ako maghihhintay." Pagkasabi niya nun, Isa-isa ng nagsilabasan ang iba pang mga tauhan niya na may hawak na Axe, Kutsilyo at iba pang matatalim na bagay. Mas lalo pa silang dumami.

Tumalikod na si Victor at nag umpisa ng maglakad sa hagdan

"Ako ang tatapos sa mga buhay niyo kaya siguraduhin niyong makakaligtas kayo dito." Pahabol niya. Kalmado lang siya, pero yung paraan ng pagsasalita niya. Parang balot na balot ng galit. 

Seryoso siya sa sinabi niyang siya ang tatapos sa mga buhay namin. Sigurado ako dun. 

"Saan kayo nakatingin mga bata?" Rinig kong usal ng isang lalaki kaya napatingin ako sa paligid ko.

Anak ng, napapalibutan na pala kami.

"Boss umakyat kana, ako na ang bahala dito." 

"Hindi pwede! Masyado silang madami. Tutulungan kita!" Giit ko. Sa sobrang dami ng mga nandito, imposibleng makaya 'to ni Kael ng mag isa. Kailangan niya ng tulong dito. 

"Hindi na, kaya ko na silang lahat. Umakyat kana Boss." Pilit niya. 

"Sabay tayong aakyat Kael." Madiin kong ganti kaya sa huli ay sumuko nalang siya sa pakikipagtalo.

"SUGOODDD!!" Nakita namin ang sabay sabay nila na pag sugod kaya agad na naming hinanda ang sarili namin. 

Bumunot si Kael  sa bulsa niya ng mga mini bombs at tsaka inihagis niya ito sa mga kalaban. Ganun nadin ang ginawa ko.

Hindi gaanong malakas ang mga bomba, pero sapat na ito para mapuruhan ng sobra ang kalaban at di na magawang makalaban pa. 

Kaso sa dami nila, hindi sapat yung hinagis naming bomba para patumbahin lahat. Wala na kaming nagawa kaya napilitan nalang kaming makipaglaban ng mano-mano.

Lahat ng hinahampas ng mga kalaban sa'kin ay naiilagan ko pero si Kael..isa siyang long range fighter dahil sa kakayahan niya kaya medyo nahihirapan siya sa ganitong madikitang labanan.

"Kael sa likod mo!" Sigaw ko nung makita kong may lalaking umatake sa likuran niya.

Masysado akong malayo para maabutan yun. 

Hinde..

May isang samurai ang sumangga ng atake na yun kaya di natamaan si Kael. Pagtingin ko sa may hawak "Benz!" Buti naman at ligtas siya.

"Huli na ba ako mga repa?" Agad niyang inatake ang mga kalaban na malapit kay Kael gamit ang dalawa niyang samurai. Nung magkaron ng spasyo si Kael, nakabunot na ulit siya ng mga bomba at tsaka isa isang inatake ang iilan. Ang gagaling nila. 

"Hoy bata!" May napansin akong isang patalim sa harap ko kaya napatingin ako dito.

Ang bagal.. 

Bago pa man ito tumama sa mukha ko, kinuyom ko na ang kamao ko at tsaka iyon inilagan. Kasabay ng pag ilag ko ay ang pag bwelo ng suntok ko. "Arrrggghhhh!" At kita ko nalang ang takot na expresyon sa mukha niya bago ko pinakawalan ang suntok ko. 

Tumilapon ang katawan niya at nabangga sa isang wooden box. Lahat ay natigilan sa nagawa ko. Wasak yung wooden box sa lakas ng pagkakabangga nung lalaki dahil sa suntok ko. 

Maski ako ay di rin makapaniwala. Napatingin tuloy ako sa kamao ko.

Ako ba ang may gawa nun?   

"Ang lakas mo talaga Bossing!" Lumapit sila Kael at Benz sa gawi ko kaya napatingin ako sa kanila. Dun ko lang napansin ang kaliwang mata ni Benz.

"Anong nangyari jan sa kaliwang mata, Benz?" Nakabalot kasi ito ng tela.

"Mahabang kwento bossing. Sige na, umakyat kana, kami na ni Kael ang bahala dito. Susunod kami agad pag natapos namin tong mga cancer na 'to. " Sagot niya at tsaka hinanda ang hawak niyang mga samurai. Ayan na naman ang seryosong mukha niya.

"Sigurado kayo?"

"Oo Boss. Ihahagis ko na ang Smoke bomb. Tandaan mong maigi ang dadaanan mo papuntang hagdanan ha?" Sabi ni Kael kaya tumango ako.

"Heto na.." Kinuha niya ang isang parisukat na bomba at tsaka ito pinagulong sa sahig. At dun nag umpisa ng nagkalat ang mga usok, kasabay nun ay inumpisahan ko naring takbuhin ang daan na tinandaan ko.

At sa kabutihang palad, nakalampas ako. Nakarating ako sa hagdanan.

"May tiwala ako sainyo." Usal ko bago tinahak ang hagdanan. Kailangan ko ng bilisan. Naghihintay si Agnes sa silid na yun. 

Pagkarating ko sa ikalawang palapag, kitang kita ko na yung pintua--

Natigil ako sa pagsasalita nung may bigla akong maramdamang papalapit sa mukha ko. Sa sobrang bilis nito ay hindi ko na yun nagawang ilagan. Tumilapon ako at nabangga sa pader. 

Ba't di ko namalayan 'yun?

Napatingin ako sa harapan ko.

"Bangon." Usal nitong matangkad na patpating lalaki na may pulang buhok. Isa ba siya sa mga tauhan ni Victor? Pero ba't wala siyang dalang armas? 

"S-sino ka?" Tanong ko at babangon pa sana, pero di pa man ako nakakatayo ay nakalapit na naman siya sa'kin tapos sinipa niya ako sa tagiliran. "Arkkk!" 

"Sino ako? Ako si Tron. Ang nagbabantay sa palapag na 'to. Di ka makakapasok sa pintuan na yun hangga't hindi mo ko natatalo dito. " Sagot niya sabay sugod niya sa'kin at pinakawala ang suntok niya. Buti nailagan ko ag--"Argh!" Grabe, parang sa isang segundo dalawang suntok ang pinapakawala niya. Nailagan ko yung isa pero may sumunod pa na suntok niya sa sikmura ko kaya tinamaan ako dun.

Mabilis pa ang mga atake niya sa tennis ball na binabato nila Ish kaya ang hirap iwasan.

"Boss ng isang Mafia? Patawa." Usal niya habang palapit sakin. "Bangon! Akala ko mag eenjoy ako sayong bata ka." 

Dahan dahan naman akong tumayo. Pero gaya kanina, Sinukmura na naman niya ako bago pa ako makatayo. 

"Ang lakas ng loob mong pumasok sa pintuang yun eh sakin nga nahihirapan kana. Pano pa kaya pag si Boss na ang kinalaban mo?" 

"Oh ano? Hindi kana makabangon?" Habang nakahiga ako, tinapakan niya ang tiyan ko ng malakas habang nakapamulsa pa kaya napadaing na naman ako sa sobrang sakit. Tapos inilapit niya pa ng konti ang mukha niya sakin.

"Oh, ano ng gagawin mo ngayon?" Ngumisi pa ito ng mapang asar kaya biglang uminit yung ulo ko. Hinawakan ko ang paa niyang nakapatong sakin at tsaka hinigpitan ang kapit rito. 

Ang liit ng binti niya kaya sobrang dali lang hawakan. Nakita ko sa mukha niyang nasaktan siya sa ginawa ko kaya mas lalo ko pa itong hinigpitan. "Ano bang ginagawa mo?!" 

Halos ramdam ko na yung buto niyang tumutunog na kaya agad na siyang umaksyon. "Binatawan mo ang paa ko!" Sigaw niya bago pinunterya ang mukha ko. Di ko yun naiwasan kaya halos lumubog yung ulo ko sa sahig sa lakas nito. 

Sinubukan niya pang ngumisi pero yung kamay naman niya yung hinawakan ko gamit ang kaliwa kong kamay. At dun, binwelo ko yung kanan kong kamay at tsaka buong pwersang sinuntok ang braso niya. "AAAAAARRRRRGHHHHHH" Ang lakas ng pagkakasigaw niya nung mabali ko ang braso niya. Tagilid na ito dahil sa ginawa ko. Binitawan ko ito kaya agad siyang umatras at tsaka panay hawak sa braso niya "Ang braso ko!!" 

Nakaramdam ako ng konting hilo dahil sa suntok niya. Pero nakaya ko parin ang tumayo. "Masyadong malambot ang mga buto mo. Kumain ka kasi ng tama." Usal ko at ako naman yung dahan dahang lumapit sakanya.

"HAYOP KA! ANONG GINAWA MO SA BRASO KO?!"

"Bakit? Ilang beses mo nga akong sinuntok sa sikmura e. Nagtanong ba ako?" Kusa na namang nagsasalita ang bibig ko. At ewan, yung kalamnan ko, umaandar na naman. 

Humarap ito sakin habang galit na galit. Pero nanlaki lang ang mga mata niya nung nakabwelo na ako sa harap niya. Isang suntok ang pinakawala ko sa mukha niya at kitang kita ko ang pagtirik ng mga mata niya bago bumagsak. 

Habang tinitignan ko ang walang malay niyang mukha, parang may nag uudyok na naman sakin na tuluyan ko na siya. 

Kumukurba na naman sa pag ngisi ang mga labi ko ng kusa.

Sa lahat ng ginawa niya sakin kanina, kailangan ko siyang mapatay..

kailangan...

"Arghh!" Mabilis kong pinigilan ang sarili kong makapag isip ng ano. Hindi pwede. 

Agad ko nalang tinahak ang daan papunta sa pintuang yun para maalis ko na sa utak ko yung mga naiisip ko. 



*****


Pagkarating ko sa pintuan. Di na ako nagdalawang isip na buksan ito.

At pagbukas ko, isang lalaki na nakaupo sa sirang trono ang tumambad sa'kin. Si Victor

"Ba't ikaw lang? Asan na ang kasama mo?"

"Nasan si Agnes?" Tanong ko lang pabalik sakanya.

Agad naman siyang tumayo at sinipa yung inuupuan niyang sirang trono. At dun nakita ko si Agnes na nakakulong sa isang hawla. Lumapit siya rito at tsaka ito binuksan. "Nandito ang hinahanap mo."

"V-virgel?" Takhang tanong niya nung makita niya ako. Sobrang tamlay ng itsura niya ngayon kumpara nung araw na makilala ko siya. 

"Anong ginawa mo sakanya?!" Napasigaw na ako sa sobrang inis. Paano niya nagagawang ikulong ang isang babae sa isang hawla na parang isang hayop lang? 

Napakuyom ako sa mga kamao ko dahil sa naisip ko. 

"Ba't ka narito? Umalis kana dito!" Yung itsura niya, parang takot na takot. Ganito ba siya pinapahirapan rito para magkaganito siya? "Victor! Pakiusap wag mo na siyang idamay. Hayaan mo na silang makaalis rito." Pagmamakaawa nito kay Vic. 

"Siya na ba ang bago mo? Kaya ba hindi mo na ako kayang mahalin pabalik dahil may minamahal ka ng iba?" Tumingin si Vic sakin saglit at tsaka kita ko ang mapait na pag ngiti nito kay Agnes. Ano bang pinagsasabi nito? 

"Hindi. Kakilala ko lang yan. Kaya pakiusap. Wag mo na silang patulan, Vic." Tumingin muli si Agnes sakin "Tumakas kana! Pakiusap iligtas mo ang sarili mo!"

"Ako ang protector mo, hindi ba?" Nanlaki naman ang mga mata niya sa sinabi ko. "Kaya ba't ako tatakas na hindi ka kasama? Kailangan kitang iligtas rito sa ayaw mo o sa gusto.

"Pinapalala mo lang ang sitwasyon. Umalis kana rito! Di mo kilala si Victor!" Sigaw niya. Nakita ko namang umabante si Vic sa gawi ko. "UMALIS KANA!"

Suot suot niya parin ang dalawang gaunlets sa mga kamay niya. Sigurado akong masakit yan pag tumama yan sa'kin

"Tama ba yung sinabi ng kasama mo kanina? Na isa kang Mafia Boss? " Tanong niya habang naglalakad palapit sa'kin. Nakakatakot ang awra niya sa totoo lang.

"Oo." Tipid kong sagot. Agad namang nanlisik ang mga mata niya. Gusto kong matakot at tumakbo nalang pauwi pero hindi pwede. Nandito na ako. Di na pwedeng umatras pa.

"Alam mo bang..." Huminto siya saglit sa paglalakad. At dun, nakita ko nalang ang isang malademonyong ngiti sa mukha niya.

At sa isang kisapmata ko lang, nakalapit na agad siya sa'kin ng napakabilis. "KINAMUMUHIAN KO KAYONG MGA MAFIAAA!!!" Binwelo niya ng sobrang lakas ang suntok niya at pinakawala ito sakin. Nasangga ko yun gamit ang kamay ko pero tumilapon parin ako dahil sa sobrang lakas ng impak ng suntok niya.

Nabangga ako sa may pader kaya umikot saglit ang paningin ko. Ang lalaki ng hawak niyang gaunlets pero ang bilis niya paring kumilos

"Itong gaunlet na'to" Usal niya sabay taas ng kanang kamay niya. " Ito ang papatay sa lahat ng Mafia sa buong mundo!" Sigaw niya tapos tumakbo na naman papalapit sa'kin ng sobrang mabilis.

Ang bilis niya masyado! Mukha hindi ako makakailag suntok niya.

"AAAARGHH!!"

Kailangan ko umila--"Arrrrk!!"

Sa sobrang lakas ng suntok niya sa sikmura ko, nagsilaban na ang dugo sa bibig ko.

Bakal yung gaunlet niya kaya para narin akong nahampas ng isang pole sa bawat suntok na pinapakawala niya.

Nahihirapan na ako huminga.

Agad naman niyang hinawakan ang suot ko tapos inangat niya ako ng walang kahirap hirap.

"Vic! Tama na!" Rinig kong sigaw ni Agnes.

"Ngayon, kilala mo na kung sino ang binangga mo!" Sigaw niya tapos inihagis niya ako sa ere.  At nung pabagsak na ako, sinuntok na naman niya ang sikmura ko ng napakalakas. Di ko na naman ito nasangga kaya tumilapon  na ako at nabangga dun sa may pintuan. Sa sobrang lakas ng impak ng pagkakatama ko sa pintuan, napabulwak na naman ako ng dugo.

Ang sakit na ng katawan ko. Ang hirap ng huminga.

Ito naba ang katapusan ko?

"Gamitin mo ako"

Ganito ba kapag malapit ka ng mamatay? makakarinig ka nalang ng kung anu-anong boses.

"Virgel.."

Mukhang tinatawag na ako ng sundo ko.

Mukhang nabigo ako sa una at pwedeng maging huling misyon ko.

Kaasar. Nagsisimula palang ako pero mukhang minalas agad. Sobrang malas ko talaga sa buhay. 

At si Agnes, sila Kael nalang siguro ang bahala. 

"Kailangan mo ako, hindi ba?" At isang nakakakilabot na tawa ang narinig ko. 

Napapikit nalang ako at ngumisi ng pilit.

Akala ko si kamatayan ang naririnig ko. Isang demonyo pala na natutulog sa katauhan ko.

"Sige na, pakawalan mo na ako. Kayang kaya ko ang pesteng yan."

"H-hindi mangyayari y-yan."

"Oh sinong kausap mo? Sinusundo ka na ba ni kamatayan? " Nakarinig ako ng boses kaya napatingin ako sa harap ko.

Andito pa pala si Victor. Tapos parang susuntukin na naman niya ako.

Hanggang dito nalang ata talaga ang buhay ko.

......


..........


....................


Pero..


Ang dami ko pang gustong patunayan..


Ang dami ko pang gustong itama..


"Ngayon mo patunayan sa'min na karapat dapat ka nga jan sa posisyon mo na yan."  


"Paalam na sayo." Nakita ko ang pagbwelo ng braso niya. "AAARGGGHHH!"


Hinde pwede..


Di ko sila pwedeng biguin..


"MAMATAY KA NAAAAA! "


Kailangan kita..





"Pakiusap, Gumising ka."




-To Be Continued...


-MajorSin

Continue Reading

You'll Also Like

52.7K 4.4K 61
In an uncharted island called Dijon Island, humans are classified into three races: the avaries, the mafias, and the cannibals. MAFIAS, the richest a...
256K 16.4K 55
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH After an unexpected apocalypse, Amira and her friends found themselves trapped inside the border of Luzon, in which the vir...
199K 1.7K 47
One accident leads to another. Star captains of each section solved mystery cases in Hell Booth to prove that they are worthy of their position in th...
1.4M 27.1K 37
Lahat po ng author's note dito ay OUT DATED, Just ignore it.