VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]

De MajorSin

476K 15.2K 2.7K

Bata palang kalaban na ni Virgel ang mundo. Lumaki siyang punong puno ng kalampahan sa buhay. Siya yung tipon... Mai multe

PROLOGUE
NOTE
Episode 1: The Missing Son
Episode 2: A Villain or Not
Episode 3: Questions
Episode 4: The 6th Diablo
Episode 5: You're a Mafia Boss
Episode 6: The Fuego Mafia
Episode 7: The Surprising Mafia Group
Episode 8: His Decision ( Part 1 )
Episode 9: His Decision ( Part 2 )
Episode 10: The Head Boss
Episode 11: Agnes
Episode 12: Awaken
Episode 13: Preparing
Episode 15: Wake Up
Episode 16: The Chess Pieces ( Part 1 )
Episode 17: The Chess Pieces ( Part 2 )
Episode 18: The Elfame King's Decision
Episode 19: Behind the Mask
Episode 20: Behind The Mask ( Part 2 )
Episode 21: The News
Episode 22: The Devil's Eye
Episode 23: Jin del Fuego
Episode 24: Training
Episode 25: Invitation
Episode 26: Vengeance
Episode 27: Meeting of the Five Families
Episode 28: Next Target
Episode 29: Crosser
Epesiode 30: Bad Plan
Episode 31: The Hitman's Weakness
Episode 32: Hostage
Episode 33: Flashbacks
Episode 34: Catching Bullets
Episode 35:Third Target of Elfame Mafia
Episode 36: The Sniper Assassin : Nero Guzman
Episode 37: Sad Death
Episode 38: The Master and The Apprentice
Episode 39: Whisper of the demon
Episode 40: Helena's KISS
Episode 41: The Demon and the Unknown
Episode 42: Crossing Paths
Episode 43: Rise and Fall
Episode 44: The 5th Assassin
Episode 45: Replacement
Episode 46: Lily Valdez
Episode 47: Achilles Heel
Episode 48: Capturing the Bait
Episode 49: Tears
Episode 50: Mafia War ( 1st Battle ) Part 1
Episode 51: Mafia War ( 1st Battle ) Part 2
Episode 52: Reunion ( 2nd Battle )
Episode 53: The 3rd Battle ( Part 1 )
Episode 54: 3rd Battle ( Part 2 )
Episode 55: The 4th Battle ( Part 1 )
Episode 56: The 4th Battle ( Part 2 )
Episode 57: The Last War
EPILOGUE
FAQs and Trivias
Important Announcement

Episode 14: Benjamin

7.3K 253 45
De MajorSin

Episode 14:  Benjamin 



--SAVING AGNES ARC--


*********


[ Virgel's PoV ]


"Wooah"

Yan lang ang tanging lumabas sa bibig ko nung makita na namin ang hideout ng 'El Satans'.

"Ang dami nila." Dagdag ko habang nagtatago dito sa halamanan. Si Benz at Kael naman ay kalmado lang na nakatayo at nakatingin sa halos isang batalyong kalaban na nagbabantay sa labas ng Abandunadong budega. Parang sanay na sanay na sila sa ganito. 

"Uy magtago kayo, baka mahuli nila tayo dito." Bulong ko pero natawa lang sila. Anong nakakatawa? Kinakabahan nanga ako ditoo. 

"Walang mangyayari kung magtatago lang tayo dito, Bossing. Sige na, ako na ang bahala sa mga yan. Kukunin ko lahat ng atensyon nila tapos pumasok na agad kayo sa budega." Presenta ni Benz kaya napatayo nalang ako.

"Hindi pwede Benz! Walang magpapaiwan dito! Lalaban tayo ng--"

"HOY!! ANONG GINAGAWA NIYO JAN?!" Mabilis akong napalingon sa harap namin nung may biglang sumigaw. Nakatingin na silang lahat samin ngayon. 

Anak ng! Napasigaw na pala ako ng wala sa oras. Kahit kailan talaga Virgeeel! 

"Sige na Bossing, doon na kayo dumaan sa gilid. Pipigilan ko sila sa abot ng makakaya ko." Ngayon ko lang napagtanto na mas maangas pala tignan si Benz kesa kay Hell kapag seryoso ang mukha niya. Ngayon ko lang siya nakita ng ganito kaseryoso. Bigla ko tuloy naalala kung gano ka kampante sila Ish sa misyon na'to dahil kasama daw namin si Benz. 

"Ikaw na ang bahala kay Bossing, Kael. Protektahan mo siya. May tiwala ako sayo." Bilin niya kay Kael. Di maalis yung tingin ko kay Benz. Ba't parang may kakaiba sakanya? 

 "Ako na ang bahala."


*****

[ Benz's PoV ]

"Ako na ang bahala."

"KALABAAAN!!!" Napansin ko ang limang kalaban na papalapit sa amin kaya agad ko na silang pinaalis. 

"Umalis na kayo! Susunod nalang ako sa inyo!" Sigaw ko kaya hinigit na ni Kael si Bossing.

"Benz.." Tawag ni Bossing saglit kaya napatingin muna ako sakanya.

 "Sumunod ka samin ng Buhay. Utos ko yan bilang Boss mo." Bilin niya kaya di ko mapigilang ngumisi.

Nagthumbs up ako sakanya sabay sabing "Alriiighht~!" 

"Ikaw nga talaga yan. Hehe." Napakamot pa siya sa ulo niya habang sinasabi yan kaya nagtaka ako. Di ko na nagawang itanong kung anong ibig niyang sabihin dahil dali dali ng hinigit ni Kael si Bossing palayo.

Ngayon ay binaling ko na ang tingin sa limang mga panget na papalapit sakin. Dahan dahan kong nilabas ang dalawang samurai sa kanilang mga lungga. 

"Excited na ba kayo ha, Upin? Ipin?" Tanong ko sa dalawa kong samurai. At syempre, hindi sila sumagot. Ewan ko nalang kung sasagot sila ng 'Yes Boss!' Baka maitapon ko pa to ng wala sa oras pag ganun hahahaha. 

"Poon Poon? Relax ka lang jan ah? Gagamitin rin kita mamaya pag nagka aberya. Sleep ka muna jan." Bilin ko sa isa ko pang samurai na nakasabit sa balakang ko. At syempre, hindi rin siya umimik mehehe. 

"ARGGHHH!!" Nakita ko ang pag bwelo nilang lima papalapit sakin gamit ang mga itak na hawak nila. Pero bago pa sila makalapit sa'kin, nakalagpas na ako sa kanila.

Tumba lahat ng katawan ng lima matapos kong hampasin ang mga batok nila gamit ang puluan ng mga samurai ko.

Napapikit nalang ako sa sobrang sarap sa pakiramdam. Matagal-tagal narin akong hindi nakakasabak sa mga ganito. 

"Hoy totoy, ang lakas ng loob mong pumasok sa teritoryo namin ah. Mahal ka ba ng nanay mo?!" May narinig akong sumigaw sa unahan ko kaya napamulat ulit ako.

Pagtingin ko sa paligid, napapalibutan na pala nila ako. DI ko tuloy mapigilang matawa. 

"Anong nakakatawa?!" Sigaw nung isa.

"Wala, ang papanget niyo lang kasi. Para kayong mga extra goons sa isang comedy action ng mga 90's na palabas." Sagot ko bago ngumisi ng nakakaloko--dahilan para magmarka ang mga ugat nila sa noo sa galit. 

May nagtangka pang lumapit sakin pero gaya ng nauna, bago pa man siya makaatake sakin ay nahampas ko na yung puluan ng samurai ko sa batok niya na ikinawala niya rin ng malay. 

Hindi ako pumapatay ng tao dahil bad yun heheh simpleng ganito lang ayos na sakin. Basta mapigilan ko silang makalapit kay Bossing ayos na. 

Nginitian ko silang lahat.

"May pagod pa ba sainyo? Pila lang kayo, patutulugin ko kayo isa isa." Pagkatapos kong sabihin yan, sumugod na agad silang lahat papunta sa'kin kaya mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak ko kila Upin at Ipin. Alam ko excited nadin sila ih hehe.

"SLEEP TIME, MONKEYS!" 

**


[ Ish's PoV ]

"Sigurado ka bang okay lang talaga na silang tatlo lang ang pumunta dun? Diba sabi mo napakarami ng myembro ng Gang na'yun?" Nag aalalang tanong ni Elsa. Actually pang sampu na niyang tanong yan kaya mejo nauurat na ako. Mga babae talaga. 

"Kanina kapa jan eh. Sabi ng oks na oks lang sila dun. Mababang uri lang ang mga gangster na yan kaya wag kanang mabahala jan." Sumandal ako sa inuupuan kong couch at tsaka napatingin sa kawalan.

"Eh pero marami ang kalaban. Tatlo lang sila. imposibleng hindi sila mahirapan dun." Napangisi nalang ako sa sinabi niya.

"Basta, magiging okay din ang lahat."


****


[ Benz's PoV ]

Hindi naman sila ganun kabilis para mahirap iwasan, pero ang problema, sobrang dami nila na hindi mo na alam kung saang banda ka iilag habang umaatake ka. Ang hirap pag nagpipigil ka. 

Sa kakailag ko, may napansin akong umatake sa kaliwa ko kaya agad kong nabwelo ang samurai ko ng kusa. Tatama na sana yung patalim sa leeg niya nung bigla kong marealize ang galaw ko. Mabilis kong binaliktad yung samurai kaya yung likod lang yung tumama sa leeg niya at hindi ito nahiwa. 

De baliktad yun baliktad. Ginaya ko lang si Battousai mehehehehe.

Pero muntik na. 

Muntik na akong makapatay. 

Hangga't pwede ay di ko kikitilan ang mga buhay nitong mga 'to. Hangga't kaya kong magpigil, magiging okay lang ang lahat. 

Pero ena, sobrang dami talaga nila. 

Tumigil ako saglit kaya napatigil rin sila sa kinatatayuan nila. 

"Anong problema, totoy? Pagod ka na ba?" Tanong na naman nung isang kalbo.

"Hindi naman, ang totoo niyan mas lalo niyo pa akong ineexcite eh" Ngisi ko sakanila.

"May tanong lang ako. Sino ka ba at ang lakas ng loob mong kalabanin ang grupo namin?" Tanong ni Kalbo.

"May tanong rin ako, kalbo. Anong Gel gamit mo?" Tanong ko pabalik at may ibang mga kasamahan niya yung nagtawanan kaya mas lalong nanlisik ang mga mata

"HANGAL KA!!" Sigaw niya at sumugod na naman ang isang batalyong panget papunta sakin.

Game na ulit! 


*****


[ 3rd Person's PoV ]

Naalimpungutan bigla si Agnes nang maramdaman niya ang mga haplos ng kamay sakanyang buhok. Dahan dahan niyang binuksan ang mga mata galing sa isang mahabang pagkakatulog. 

Unan?

Yun ang unang pumasok sa utak niya dahil nakasandal ang ulo niya ngayon sa isang parang unan. 

Sinubukan niyang tignan ang nasa harap niya at tuluyan nalang napawi ang antok niya nang makita niya si Victor na hinahaplos ang buhok niya. Nakahiga siya ngayon habang unan unan ang hita ni Victor na kasalukuyang pinagmamasdan lang siya habang hinahaplos ang buhok niya. 

Mabilis siyang bumangon sa pagkakahiga dahil sa gulat. "Anong ginagawa mo dito?" DI niya namalayan ang pagpasok nito sa hawla niya at pagtabi nito sakanya. 

"Gusto lang kitang makitang natutulog, Agnes." Sagot nito sa isang mababang tono. Parang mejo nasaktan ito sa ginawa niyang paglayo agad na para bang isa siyang halimaw sa paningin niya. 

"Pwede mo naman yang gawin sa labas." Giit ni Agnes

"Ng malapitan. Tulad nung dati. Habang hinahaplos ko ang maganda mong buhok." Ngumiti ito ng pilit sa harap niya. Madalas nila yang ginagawa dati pag naglalambingan sila. Hihiga siya sa hita ni Vic at tsaka sila magkkwentuhan hanggang sa makatulog siya. Tapos pagmamasdan lang siya ni Victor habang hinahaplos yung buhok niya. 

Dati gustong gusto ni Agnes ang pakiramdam na yun, pero ngayon tila iba na sakanya ang lahat. Dahil sa mga nagawa nitong pananakit sakanya, parang puro takot nalang yung nararamdaman niya pag lumalapit itong taong 'to sakanya.

"Madalas naman natin yang ginagawa dati hindi ba, Agnes?" Tanong pa nito kaya napaiwas nalang siya ng tingin. 

"Huwag mo ng ikumpara kung ano tayo dati sa kung ano na tayo ngayon, Vic." Dahil sa sinabi niya ay bigla na namang nagbago ang expresyon nito. Mula sa isang malungkot ay bigla nalang nanlisik ang mga mata nito. "Nagbago na ang lahat. Di na natin yun maibabalik pa hangga't ganyan ka."

"Ano pa bang gusto mo?!" Napatayo ito sa sobrang inis. "Ginagawa ko naman lahat para maging maayos tayo! Pero sayo.." Mula sa inis, bigla na namang tumamlay ang mukha nito "Ba't parang kulang parin?"

"Hindi ganyang Victor ang minahal ko dati. Hindi ganyang Victor yung nakilala ko." 

"Ano bang nawala sakin?!" 

Tinignan niya si Vic sa mga mata bago sumagot "Ba't ganyan na yang mga mata mo? Ba't parang puno na ng puot at galit?" Nanlaki ang mga mata ni Vic sa narinig niyang tanong. Hindi niya inaasahan ang mga katagang yun kaya di siya nakailag. Napaiwas siya ng tingin kay Agnes at inis na kinuyom ang kamao.

Isang nakakabingin katahimikan ang bumalot sa dalawa matapos yun. Walang may gustong magsalita. Hindi makasagot si VIc. 

Mabuti nalang ay may biglang pumasok sa silid na yun "B-oss.." Tawag ng isang tauhan niya. "May tatlong lalaki po ang umaatake ngayon sa teritoryo natin." Balita nito.

"Susunod ako." Tanging sagot lang ni Vic kaya muli na itong lumabas para tulungan yung mga nasa baba. 

Maya maya pa ay lumabas nalang si Vic sa hawla bago ito nilock. "Iiwan muna kita. Babalik rin ako agad." Sa pagkakataong 'to, si Agnes naman ang natigilan. Nanlaki ang mga mata niya at napatakip nalang sa bibig dahil sa kung anong emosyon ang biglang bumalot sakanya.

Ang mga katagang yan..

.

-Flashback-

Napahawak nalang si Agnes sa tiyan niya dahil sa sobrang kabusugan. Di mapigilan ni Victor ang mapangiti habang pinagmamasdan niya ito. "Woaa help. Ang hirap huminga." Usal nito kaya tuluyan ng natawa si Vic.

"Ikaw kasi. Ba't kasi ang dami ng inorder mo."

"Eeeeehhhh. Ansasarap ng pagkain nila dito eh." 

"Pagdating talaga sa pagkain eh no."

"Namaaaaan! Hehehe"

"Oh saan mo pa gustong pumunta?" Ngiting tanong ni Vic. Dito talaga mas lalong nahulog si Agnes sa taong 'to e. Yung ngiti niyang hindi mo kayang makita sa iba. Napaka puro at napaka natural lang. Pinagtitinginan man sila minsan dahil sa agwat ng kanilang edad, wala siyang pakialam. Basta ang importante sakanya, makasama niya 'tong taong mahal niya. 

"Kahit saan, basta kasama kita." Nag ngitian lang silang dalawa pagkatapos nun. Ayaw man nilang sabihin, alam na nila sa sarili nilang kuntento na sila sa isa't isa. Di man sila masabing perpekto, pero nagiging perpekto naman ang lahat sa tuwing magkasama sila.

Biglang nag ring ang phone ni Vic kaya sinagot niya ito saglit.

"Hello, Frost?"

[Na'san ka? Kailangan ka ngayon dito! May nagtatangka sa buhay ng King! Nasa panganib si Rain!]

"Ano?!"  Nagulat si Agnes sa biglaang pagsigaw nito. 

"Nasan kayo?!" 

[Sa palasyo. Bilisan mo!] Sagot nito bago binaba ang phone. Tulala lang si Vic habang pilit na sinisink in sa utak niya ang sinabi ni Frost. Lalo na nung sinabi niyang nasa panganib si Rain.

"May problema ba?" Alalang tanong ni Agnes dahil kita niyang parang balisa ito.

"P-pasensya na Agnes pero..."

"B-bakit? Ano bang nangyari?" Tanong niya pero di na ito sinagot pa ni Vic at dali dali nalang itong tumayo. Hinalikan siya nito sa noo at tsaka ngumiti ng pilit. 

"Iiwan na muna kita. Babalik rin ako agad."

-End of Flashback-


Yung mga katagang yun ang huling narinig niya kay Vic bago ito tuluyang umalis noon. 

At hanggang ngayon..

Hanggang ngayon hindi parin bumabalik ang Victor na yun sakanya. 


****


[ Benz's PoV ]


Kaasar!

Nakakaramdan na ako ng pagod pero hindi parin sila maubos ubos. May mga tinamo narin akong daplis na sugat sa braso at pisngi ko. 

"AAARGGHHH!" May tatlong kalaban na sabay na umatake sakin sa harap kaya umatras muna ako para makaiwas, pero sa pag iwas ko, may nahagip ang kaliwa kong mata sa gilid na paatake rin sakin. 

"Totoy.." Napatingin rito saglit at di ko na alam ang sunod na nangyari. Dahil sa pagod ay masyado ng bumagal ang mga galaw ko. 

"Argh!" Napahiyaw nalang ako sa sakit habang hawak hawak ang kaliwang mata ko. Susubukan ko pa sanang gumanti pero tatlong hampas ng bat ang sunod sunod na tumama sa likuran ko. Tuluyan na akong napaluhod dahil dun. 

"HAHAHAHA OH ANO?! ISA NALANG ANG PANINGIN MO NGAYON TOTOY!" Sigaw nung kalbo. At dun nalang ako napakagat ng labi sa sobrang inis. 

Mukhang wala na akong magagawa. DI ito matatapos kung masyado akong magiging mabait.

"Pinilit niyo akong gawin to. Wag niyo sanang pagsisihan 'to sa huli." Bulong ko 

Sinubukan pang lumapit ng iilan sakin pero hinigpitan ko ang pagkakahawak ko kila Upin at Ipin at tsaka winasiwas ito sa harap ko. 

Agad napaatras ang iilan nung makita nilang gumulong sa sahig ang dalawang ulo ng kasamahan nila.

"Anong.."


"A-ang mga ulo nila!" 


"Gising ka na ba, Poon Poon?" Tanong ko habang dahan dahang binunot ang isa ko pang samurai


***

[ Ish's PoV ]


"Okay lang kaya si Boss ngayon? Unang misyon pa lang niya yung gagawin nila. Baka mapahamak agad siya." Di na talaga 'to natigil sa pag alala.

"Wala ka bang tiwala kay Boss?"

"Meron naman syempre, pero kasi..diba? first time palang niyang makipaglaban."

"Alalahanin mong tatlo sila Elsa. Anong silbi ng kanang kamay niya? Andun si Kael, at tandaan mo, isa yun sa Walong Diablo kaya sinisigurado kong hindi 'yun mapapahamak si Boss. At tsaka.." Napatingin nalang ako sa kisame at napangisi. "Baka nakakalimutan mong andun din si Benz? Ang nag iisang abnormal na nagbibigay ng mga weirdong pangalan ng mga samurai niya." Natawa tuloy ako sa nasabi ko.

"Alam ko engot 'yun. Pero pagdating sa labanan, siya yung tipong ayaw na ayaw mong makaharap pag nagseryoso na." Dagdag ko. Hindi siya kukunin ni Boss Vlad dahil lang sa wala. Kung sino man dito sa amin ang maraming alam kay Benz tungkol sa buhay niya at sa nakaraan niya, ako yun. 

****

[ Benz's PoV ]


Kinagat ko ang puluan ni Poon Poon at tsaka ko hinigpitan ang paghawak kila Upin at Ipin.

"Abaaa, may bagong pakulo si totoy." Usal nung kalbo at tsaka sila nagtawanan. 

"L@#&$T!" ( Lapit! ) Sigaw ko

"Ano? Huwag mo kasing kagatin yang espada mo! Para kang tanga jan eh!" At muli na naman silang nagtawanan. 

Ayaw niyong lumapit ah. Maya maya pa'y ako na mismo ang lumapit sakanila at sinugod lahat ng mga nagtawanan.

Sa isang bwelo at hampas ko, tatlong ulo agad ang napapatumba ko. Mas binilisan ko pa lalo ang paggalaw ng tatlong samurai ko sa paligid ko kaya madali ko sila naubos lahat.

Nakita ko ang iilang natulala nung makita nila ang nangyari sa mga kasamahan nila. May nagbabalak pang tumakas pero di na ako kasing bait kanina para pagbigyan sila. 

Isang ikot ko lang pugot agad ang mga ulo nila. 

Nakasanayan ko na ang ganito dahil sa nakaraan ko kaya di na 'to bago sakin..

Isang nakaraan na pilit kong binabaon sa limot..

Sa maikling oras lang, nakahandusay na lahat ng mga tauhan dito maliban sa kalbong 'to na may kagagawan ng magkakahiwa ng kaliwang mata ko. 

Nilagay kong muli si Poon Poon sa balakang ko para makapag salita na. At habang tinitignan ko ang pagmumukha niya, parang gusto ng kalamnan ko na pagpira pirasuhin ang buong katawan niya. 

"P-paano mo nagawang ubusin sila eh isa nalang ang mata mo?" Parang maiihi na sa sobrang takot ang itsura nito ngayon.

"Walang imposible sakin kalbo. Kahit nakapikit pa ako.." Mas lalong nanlaki ang mga mata niya nung nanlisik ang mga mata ko. "Kaya ko kayong ubusin lahat." 

"A-anong klaseng mat--" Bago pa man niya matapos ang sasabihin niya, bumaon na si Upin sa sikmura niya. "Arrkk"

"Tinatanong mo ako kung sino ako kanina, diba? Hayaan mong ibigay ko sayo ang sagot.."

"Ako ang nasa pangatlong ranggo ng Virgo Mafia. Ako si..." Usal ko sabay bwelo sa hawak-hawak kong si Ipin.

"Roronoaaa~~ Zorrooo!!!~~" At sa isang iglap, bagsak agad ang ulo niya. 

"Dejoke " Ngisi kong dugtong sabay balik kina Upin at Ipin sa mga lungga nila. Pumunit rin ako ng tela sa damit ni Kalbo at tsaka ito itinakip sa kaliwang mata to. 

"Ang totoo nyan kalbo ako talaga ang maalamat na ninja ng konoha na si Inuyasha mehehehe."

"Pft. Dejoke lang ulit~" Ano ba'yan. Mukhang ako lang ata ang natatawa dun sa joke ko eh hahahhahaha

Nakarinig ako bigla ng pagsagog sa loob ng budega kaya nabalik ako sa wisyo. Sila Bossing nga pala. Kailangan ko silang tulungan



Sana ay maayos lang sila.





-To be continued..




-MajorSin

Continuă lectura

O să-ți placă și

49K 3.3K 52
Every human is sinful. We were born destroyers and killers. God gave us the resources we needed to survive but being a congenital ungrateful skunks...
4.3M 121K 110
Nemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from...
31.9K 1.9K 56
𝗠𝘆𝘀𝘁𝗶𝗰 𝗦𝗮𝗴𝗮 𝟮 | Scars of Chaos 𝘐𝘯 𝘵𝘩𝘦 𝘣𝘢𝘵𝘵𝘭𝘦𝘧𝘪𝘦𝘭𝘥... It's been a year since that day happened-the day...
57.7K 5.6K 35
[ Grimm Series #1] After a string of misfortunes in the mortal world, orphaned Vaniellope Kiuna 'Una' Gomez finds herself surrounded by strange creat...