VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]

By MajorSin

476K 15.2K 2.7K

Bata palang kalaban na ni Virgel ang mundo. Lumaki siyang punong puno ng kalampahan sa buhay. Siya yung tipon... More

PROLOGUE
NOTE
Episode 1: The Missing Son
Episode 2: A Villain or Not
Episode 3: Questions
Episode 4: The 6th Diablo
Episode 5: You're a Mafia Boss
Episode 6: The Fuego Mafia
Episode 7: The Surprising Mafia Group
Episode 8: His Decision ( Part 1 )
Episode 9: His Decision ( Part 2 )
Episode 10: The Head Boss
Episode 11: Agnes
Episode 12: Awaken
Episode 14: Benjamin
Episode 15: Wake Up
Episode 16: The Chess Pieces ( Part 1 )
Episode 17: The Chess Pieces ( Part 2 )
Episode 18: The Elfame King's Decision
Episode 19: Behind the Mask
Episode 20: Behind The Mask ( Part 2 )
Episode 21: The News
Episode 22: The Devil's Eye
Episode 23: Jin del Fuego
Episode 24: Training
Episode 25: Invitation
Episode 26: Vengeance
Episode 27: Meeting of the Five Families
Episode 28: Next Target
Episode 29: Crosser
Epesiode 30: Bad Plan
Episode 31: The Hitman's Weakness
Episode 32: Hostage
Episode 33: Flashbacks
Episode 34: Catching Bullets
Episode 35:Third Target of Elfame Mafia
Episode 36: The Sniper Assassin : Nero Guzman
Episode 37: Sad Death
Episode 38: The Master and The Apprentice
Episode 39: Whisper of the demon
Episode 40: Helena's KISS
Episode 41: The Demon and the Unknown
Episode 42: Crossing Paths
Episode 43: Rise and Fall
Episode 44: The 5th Assassin
Episode 45: Replacement
Episode 46: Lily Valdez
Episode 47: Achilles Heel
Episode 48: Capturing the Bait
Episode 49: Tears
Episode 50: Mafia War ( 1st Battle ) Part 1
Episode 51: Mafia War ( 1st Battle ) Part 2
Episode 52: Reunion ( 2nd Battle )
Episode 53: The 3rd Battle ( Part 1 )
Episode 54: 3rd Battle ( Part 2 )
Episode 55: The 4th Battle ( Part 1 )
Episode 56: The 4th Battle ( Part 2 )
Episode 57: The Last War
EPILOGUE
FAQs and Trivias
Important Announcement

Episode 13: Preparing

7.7K 250 17
By MajorSin


Episode 13: Preparing


(Patingin sa media. Pic nila Virgel at Agnes. Kirisaki Chitoge as Agnes :) Check niyo nalang sa google ibang pics niya hahah ) 


EditedOct2018



*******


[Virgel's PoV]


Mukhang ganito na ata talaga ang kapalaran ko. Itong mundo na'to na nga ata talaga ang iikutan ko. Nangyayari ang lahat ng bagay dahil sa rason. At sa lahat ng mga nangyari sa buhay ko, siguro ito na nga yung rason nun. Ang mapadpad dito at masanay. 

Sinubukan kong bumangon kaya agad umalalay sila Ish. "Dahan dahan, Boss."

"Siguro nga tama ka." Tinignan ko si Hell na seryoso lang na nakatingin sakin habang nakahalukipkip. Kahit siya ang pinaka seryoso sa kanila, siya lang rin ang may kayang ipamukha sa akin ang mga bagay bagay. "Dapat na akong masanay."

Tinignan ko si Ish. "Ish, pakiusap dalhin mo ako sa lalaking 'yun. May itatanong lang ako." Tumango naman siya at inalalayan akong makatayo sa kama. Mejo mabigat parin yung ulo ko pero kailangan ko ng makausap yung lalaking yun. 

Pagkarating namin sa room niya, nakita ko siyang nakahiga lang sa kama niya at parang ang layo ng iniisip.

Galit parin ako sakanya dahil sa ginawa niya kay Kael pero may parte sa'kin na naaawa rin ako dahil sa kalagayan niya ngayon.

Nung makita niya kaming pumasok, biglang napalitan ng sobrang takot na may kasamang galit ang mga mata niya. Na para bang nakakita siya ng halimaw sa harapan niya.

"B-baket ka nandito?! Papatayin mo din ba ako, ha?! Halimaw ka--arghhh!" Napahawak siya sa dibdib niya nung napalakas ang sigaw niya. Sabi nila halos mabali na rin daw ang ribs niya sa tinamo sakin. Napayuko nalang ako. 

"May baril ako dito ungas. Sigawan mo pa ulit si Boss at pasasabugin ko yang bunganga mo." Seryosong banta ni Ish kaya agad ko siyang inawat."Tama na, Ish." Ayoko ng lumaki ang gulo. 

Lumapit ako sa gawi nung lalaki kaya halos mapaatras siya sa hinihigaan niya. Di ko akalain na dadating ako sa puntong may matatakot ng makakita sa pagmumukha ko."Hindi ako pumunta rito para manggulo. May itatanong lang ako sayo." Sabi ko. Hindi siya kumibo kaya nagpatuloy ako. "San dinala ng mga kasama niyo si Agnes?" Tanong ko pero parang pinipigilan niyang sumagot.

"Tinatanong ka ni Boss! Sumagot ka!" Sigaw na naman ni Ish kaya sininyasan ko lang siya na tumigil.

"Pakiusap sabihin mo sa'kin, kailangan kong iligtas si Agnes." Pagmamakaawa ko. Tinignan lang niya ako sa mata at sobrang tagal sumagot. Pero maya maya pa'y nakumbinse ko rin siya. 

"Andon siya sa kamay ni Boss Victor ngayon."

"Saan? Anong lugar? Pakiusap sabihin mo sa'kin." Bigla naman siyang natawa sa tanong ko.

"Tinatanong mo kung nasaan siya ngayon? Hindi mo alam kung sino ang kakalabanin mo bata. Ang El Satans Gang ang pinakamalakas na Gang dito sa lugar natin. Pinamumunuan ito ni Boss Victor Casero. Isang dating myembro ng Elfame Mafia kaya sigurado akong hindi mo siya kaya." Pagkasabi niya nun, si Ish naman yung biglang natawa.

"Hindi mo rin kilala yang kinakausap mo ngayon adik. Kaya wag mo siyang mamaliitin." Bigla namang nangunot ang noo niya sa sinabi ni Ish.

"Sino kaba?"

"Hindi mo na kailangang malaman pa. Kaya sige na, bigyan mo na ako ng lugar kung saan ko mahahanap si Agnes." 

"Kasapi rin ba kayo ng Mafia?" Natatawa niyang tanong "Kung ganun mas lalong manganganib lang ang mga buhay niyo. Sigurado akong pupulbusin kayo ni Boss Vic pag nalaman niyang parte kayo sa isang Mafi--."

"Wala akong pakealam." Di ko alam kung ano ang nag udyok sakin na maging bastos na naman ang bibig ko. Nakita ko namang napalunok siya sa sariling laway habang nakatitig sakin. "Lugar ang gusto kong susunod na marinig jan sa bibig mo." 


**********


--4 Days Later--


[3rd Person's PoV]


Apat na araw ng nakakulong si Agnes sa isang malaking hawla dito sa silid kung saan tahimik lang na nakaupo sa sirang trono si Victor na kaharap lang niya.

"Bakit hindi mo pa ginagalaw yang pagkain mo?" Kung gaano kalambing ang boses nito noon, ay siya namang ikinalamig nito ngayon. Sobrang laki na talaga ng pinagbago nito. "Kinakausap kita, Agnes." Muling usal niya pero nakayakap lang ito sa dalawang tuhod niya habang nakaupo.

"Dalawang araw ka ng hindi kumakain. Gusto mong mamatay sa gutom?"

"Edi mamatay. Mas okay nga yun eh." Biglang napakuyom ng kamao si Victor dahil sa inaasal nito sakanya. Sa sobrang galit ay tumayo siya at lumapit sa hawla. "Gusto mong pinipilit ha." Binuksan niya ang hawlang yun at tsaka pumasok rito. Agad namang nakaramdam ng kaba si Agnes dahil sa pagpasok nito. 

Kinuha ni Victor yung pagkain at tsaka lumapit kay Agnes. Marahas nitong hinawakan ang bibig niya at tsaka pilit na binubuka. "Wag kang titikom!" Nanlilisik ang mga mata nito. Kinamay nito yung pagkain at tsaka sapilitan pinakain kay Agnes. "IBUKA MO!" Sigaw nito pero pilit paring tinitikom ni Agnes ang bibig niya. Sobrang dungis na ng bibig niya dahil sa ginagawa ni Victor. At habang tinitignan niya ang mukha ng dating taong minahal niya, di niya maiwasang mapaluha. 

Di niya inakalang aabot sa puntong makikita niya ang taong 'to na mag iiba ng ganito. 

Natigil naman sa ginagawa si Victor nung makita niyang tumutulo ang mga luha ni Agnes. Parang maski siya ay nabigla sa pinaggagawa niya. Narealized lang niya yun nung makita ng umiiyak ang taong mahal niya. 

Dahan dahan siyang napaatras. Hindi siya makapaniwala sa nagawa niya. Ilang beses na niyang natatrato ng masama si Agnes pero yung sakit sa tuwing nakikita niyang umiiyak ito dahil sakanya, napaka sariwa parin ng sakit. 

Tinignan niya ang hawak niyang pagkain, at sa sobrang galit niya sa sarili, tinapon niya ito ng sobrang lakas "ARRRGGHHH!!" Napahawak na siya sa sintido niya dahil gulong gulo na siya sarili niya. 

"Ano na bang nangyayari sayo, Vic?" Napipiyok na ang boses ni Agnes dahil sa pag iyak. 

"Hindi ko alam." Tanging nasagot nalang nito at tsaka yumuko. Ngumiti ito ng sobrang pait "Hindi ko na alam, Agnes." Huling sagot nito bago lumabas sa hawla at muling itong nilock. 

Anim na taon ang agwat ng edad nilang dalawa, pero di naging hadlang ang kahit ano sakanila nung maituring na nilang mundo ang isa't isa. Lahat masaya noon. At wala silang kaide ideya na dadalhin lang pala sila ng tadhana sa ganito klaseng mapait na sitwasyon. 


*******


[ Virgel's PoV ]


Apat na araw na ang nakalipas simula nung nangyari sa hospital. At ewan ko ba, apat na araw ko na rin siyang iniisip. Hindi padin mawala sa isip ko yung ginawa kong kabastusan kay Agnes

Andito ako sa rooftop ngayon nagpapahangin. Iniisip kung anong gagawin ko mamaya.

Mabuti at sinabi din sakin nung lalaki ang lokasyon ng Hideout nila. 
At ang sabi pa niya, para lang daw kaming nagpapakamatay kung pupunta kami dun.

Isang banta yun para sakin, pero sa ngayon hindi na ako nagpadala pa sa takot ko. Kailangan kong iligtas si Agnes kahit na ano pa ang mangyari sakin.

Plano ko na siyang sagipin mamayang gab kasama sina Kael. Hindi makakasama si Hugo dahil busy siya sa companya, pati rin si Ish busy, may nireresearch daw kasi siya. Si Elsa naman gusto sanang sumama kaso ako yung may ayaw. Baka kasi mapahamak pa siya eh. At nung tinanong ko si Hell kung pwede ba siya, masyado daw baduy ang isang gang para patulan niya. 

Kayang kaya na daw namin yun dahil anjan naman si Benz. Hindi ko alam pero sa sinabi nila parang ang laki ng tiwala nila sa makwelang tao na yun. Hindi naman sa nagdududa ako sa kakayahan niya, pero kasi kung pagbabasehan mo yung ugali niya, parang hindi kasi seryoso e. 

Pero ewan lang, may sabi sabi na kung sino pa yung pinaka makwela sa grupo, yun pa yung sobrang nakakatakot galitin.

Anjan rin naman si Kael. Isa sa malalakas na Walong Diablo kaya wala na dapat akong ikaproblema.

At syempre, andito din naman ako. Marunong naman akong tumakbo e. 

Hehe. 


*****


-Virgo's Mansion-

7:26 pm.


"Ready na ba kayo?" Tanong ni Ish samin. Andito na kaming anim ngayon sa sala. Wala si Hugo dahil may inasikaso pa siya sa companya.

"~Alriiightt!! Readyng ready na ako!" Masiglang sigot ni Benz at ngumiti lang kami ni Kael.

Sa totoo lang kinakabahan talaga ako ngayon. Ito ang magiging unang misyon ko bilang kasapi ng Mafia. Dati assignment lang naman yung pinagkakaabalan ko tuwing gabi. Tapos ngayon paglusob na ng isang hideout. Anak ng tokwa naman talaga.

"Boss, relax lang ah. Maliligtas mo din yang Girlfriend mo." Tinapik pa ni Ish ang balikat ko habang ngumingisi ng nakakaloko.

"Hindi ko nga yun Girlfriend. Kanina pa kayo e." Kamot ulo kong sagot kaya napatawa nalang sila. Inassume nila na girlfriend ko daw yun kasi ang desidido ko raw na maligtas siya.

"Eh ba't ganyan ka nalang kadesididong iligtas yung Agnes na'yun?, ha Boss? " Pang asar na naman ni Ish kaya napaisip ako.

Baket nga ba?

"Oh tignan mo! tignan mo! hindi makasagot ooh! Waaaaa! Lumalandi na pala kayo Bossing!" Sabi naman ni Benz kaya mas lalo pa sila natawa. Kainis naman eh :( 

"Huwag nga kayo! Hindi ko 'yun Girlfriend! Gusto ko lang siyang iligtas kasi kailangan niya ng tulong natin! yun lang naman yun!" Sigaw ko. Ba't kailangan ko pang depensahan 'tong sarili ko amp. 

"Pano mo nasabi?" Tanong ni Benz at tuloy na naman sila sa pagtawa. Napailing nalang ako. Abugbugin ko kaya 'to. 

"Maghaharutan nalang ba kayo jan?" Singit ni Hell habang naka de kwatro na upo sa isang couch. Napakamot rin tuloy sila Benz sa ulo. Pft. 

"Virgel." Tawag niya sakin kaya tumingin ako sakanya. "Ngayon mo patunayan sa'min na karapat dapat ka nga jan sa posisyon mo na yan." Ang seryoso niya talaga. Pero ewan, nasanay na ata ako kaya ngumiti ako sakanya 

"Pangako. Papatunayan ko yan. Iuuwi ko dito ang ulo ng Boss nila." Sagot ko dahilan para matulala sila saglit. Dun ko lang napagtanto yung mga nasabi ko.

Anak ng..

Kusa nalang talagang sasagot tong bibig ko ng mag isa minsan kahit wala sa isip ko. "Ahh ehh..hinde..ano.."

"WOOAAAAAAHHH!!" Binasag ni Benz ang katahimikan sabay tulak sa'kin ng pabiro. Tapos tumalon talon pa sila Ish habang niyuyugyog ako.

"Tae ang cool ng Bossing natin nakaka horny!" Sigaw ni Benz sabay akbay sa'kin at tsaka tumalon talon pa. Nagtawanan tuloy silang lahat. 


**


Nung humupa ang tawanan ay dinouble check na namin ang sarili. "Oh sige na, umalis na kayo. Baka wala na kayong abutan na Agnes dun." Sabi ni Ish kaya kinuha na namin ang mga pwede naming dalhin.

"Pakiabot nga yung isa kong samurai, Ish." Pakiusap ni Benz kaya kinuha ito ni Ish at inihagis sakanya.

"Tatlong samurai? Sigurado ka ba jan, Benz? Ang alam ko dalawa lang ang ginagamit mo. " Tanong ni Elsa. Nag smirk naman si Benz

"Pang kulangot ko lang yung isa, Elsa heheh." 

"Hahahahahaha! Siraulo!" -Ish 

Napailing nalang ako. Kahit kailan talaga kausap to si Benz hahaha 

"Ano yang nilalagay mo, Kael? " May nilalagay kasi siyang parang mga holen sa bag at sa bulsa ng pantalon niya.

"Mga bomba to Boss, Itong parang holen, mini bombs tawag dito at ito namang parisukat smoke bombs, pampatakas kung magka aberya man tayo." Paliwanag niya. Napansin niya atang nakanganga lang ako kaya natawa siya. 

"Eto ang specialty ko sa pakikipaglaban Boss. Ang paggamit ng ibat ibang klase ng Bomba. " Nakangiti niyang sabi. 

Grabe, kahit magkaedad lang kami alam na agad niyang gumamit ng mga ganyan. Sa watusi pa nga lang takot na ako e. Tas siya..haay, kunsabagay, di naman siya magiging kasapi ng Walong Diablo kung pagtakbo lang yung alam niya tulad ko e hehe.

"Anong armas pala ang gagamitin mo, Boss?"  Tanong naman niya kaya napakamot ako sa ulo.

"H-hehe ang totoo niyan wala eh. Di pa kasi ako marunong gumamit ng baril." Di pa kasi ako nakakapag umpisa dun sa shooting training eh.

Lumapit naman si Ish sa'min. "Wag kayong mag alala, naresearch ko ang ilang impormasyon ng El Satans Gang kanina. At based sa research ko, hindi sila gumagamit ng mga baril. Kutsilyo, Blade, Batuta, at iba't ibang klase na pwedeng ipanghampas lang ang mga armas na ginagamit ng mga myembro nito." Paliwanag ni Ish.

"Walang dapat ikabahala? Eh may armas padin sila eh, pwede parin yung makapatay pag tinamaan ka." Giit ko.

"Sa mga nakaraang tennis ball training na ginawa natin, masasabi kong namaster mo na ang focus Boss. Pati ang reflexes mo nag enhanced narin ng husto. Kaya sigurado akong maiilagan mo na lahat ng atake na gagawin nila sayo. Pwera nalang kung baril ang armas nila. Mahirap ilagan ang bala. Pero gaya nga ng sinabi ko, wala silang mga baril kaya wag ka ng mabahala pa." Sagot ni Ish sabay tapik sa balikat ko. Sabagay, nagiging slowmo nga talaga ang kalaban ko pag inaatake nila ko. Gaya nalang nung nangyari sa rooftop.

"Oh pano? Tara na. Anong oras na." Nakita kong handa na sila Benz kaya huminga muna ako ng malalim. 


Heto na. Di na ako pwedeng umatras pa.


Kung ano man ang magiging kalalabasan ng misyon na 'to, isa lang ang sini sigurado ko. 



Makakaligtas si Agnes sa lugar na yun. 



"Tara."



-To Be Continued..


-MajorSin

Continue Reading

You'll Also Like

199K 1.7K 47
One accident leads to another. Star captains of each section solved mystery cases in Hell Booth to prove that they are worthy of their position in th...
57.7K 5.6K 35
[ Grimm Series #1] After a string of misfortunes in the mortal world, orphaned Vaniellope Kiuna 'Una' Gomez finds herself surrounded by strange creat...
109K 6.9K 33
Highest ranks reached: #3 in Zombie #2 in Zombieapocalypse #8 in Survival #3 Horror-Thriller "They die feeling unlucky, but I consider them the lucki...
540 69 7
[ TRANSGRESSOR SERIES #8 ] If Cinderella got her Prince Charming because of her beauty and her radiant glass shoe and dress, Genesis...well, it looks...