Story of A Campus Girl

Mnemonicss tarafından

4.1M 50.8K 4.8K

"Love at first sight". Yan ang tawag sa mga taong naiinlove sa isang taong nakasalamuha nila sa unang pagkaka... Daha Fazla

Prologue
Chapter 1: Meet the Sarmiento
Chapter 2: Welcome to Xavier School of Arts
Chapter 3: First Encounter
Chapter 4: Meet Mr. Almost Perfect
Chapter 5: Meet Ashley and Kristoff
Chapter 6: Love at first sight?
Chapter 7: Seat mate
Chapter 8: Meet the other friends
Chapter 9: Phone Call
Chapter 10: Long Lost Cellphone
Chapter 11: Unexpected Visitor
Chapter 12: Class Activity
Chapter 13: When They Become Closer
Chapter 14: Jealous?
Chapter 15: Unexpected Bonding Moment
Chapter 16: Waterpark Bonding (Part 1)
Chapter 17: Waterpark Bonding (Part 2)
Chapter 18:Mr. Heart throb meets Mr. Almost Perfect
Chapter 19: Marjorie's Threat (Part 1)
Chapter 20: Marjorie's Threat (Part 2)
Chapter 21: Finding Nikki
Chapter 22: Piece of Shattered Memory
Chapter 23: Say Hello to Nikki's Friends
Chapter 24: Battle for Nikki's Heart
Chapter 25: First Heartache
Chapter 26: Student Assistant (Dance Instructor)
Chapter 27: Student Assistant (Vocal Coach)
[Warning: This is not an Update]
Chapter 28: Vinci, Watchout!
Chapter 29: The Loveteams
Chapter 30: Xander's Secret
Important: Must Read
Chapter 31: Nikki's Broken Heart (Part 1)
Chapter 32: Nikki's Broken Heart (Part 2)
Chapter 33: Tomorrow is Another Day
Chapter 34: Make Her Happy (Part 1) [Nikki's POV]
Chapter 35: Make Her Happy (Part 2) [Vinci's POV]
Chapter 36: Acting Club President
Chapter 38: Friend or Love (Part 2)
Chapter 39: Friend or Love (Part 3)
Chapter 40: Friend or Love (Part 4)
Chapter 41: Twist of Fate
Chapter 42: It's Time to Move On
Chapter 43: Vinci's Unexpected Move
Chapter 44: Detention
Chapter 45: James Vs. Vinci
Chapter 46: Nikki's not my type
Chapter 47: Unexplained Emotions
Chapter 48: Nicole Sarmiento (Beast mode version)
Chapter 49: Other Side of Mr. Almost Perfect
Chapter 50: The Unexpected Auditionist
Chapter 51: Unforgettable Audition for A Campus Girl
Chapter 52: Confession of the Heartthrob of All Campuses
MAJOR ANNOUNCEMENT!
Chapter 53: Marius' Weakness
Chapter 54: Result of Desperation
Chapter 55: The Bitch is Back
Chapter 56: Lovesick (Part 1)
Chapter 57: Love Sick (Part 2)
Chapter 58: Strange Noise (Part 1)
Chapter 59: Strange Noise (Part 2)
Chapter 60: I choose you
Chapter 61: Mystery Girl (Part 1)
Chapter 62: Mystery girl (Part 2)
Chapter 63: The Incoming Rival?
Chapter 64: Meeting the Rival

Chapter 37: Friend or Love (Part 1)

58.5K 1.1K 254
Mnemonicss tarafından

Short Message:

This chapter is dedicated to @JayNamoca.(hello hello sayo!) At dahil sinabi nya sakin nun na 3 or more times na daw nyang binabasa ng paulit-ulitang SACG, natuwa ako.. Kaya ayun, dinedicate ko siya ngayon.. haha.. ^_^


Anyways, HAPPY 1MILLION+ READS, SACG! Yehey! *sabog confetti

 

So ayun, Let the chapter begins.. ^_^

 

_____________

 

Chapter 37: Friend or Love (Part 1)

 

Nikki’s POV

Nandito na  ako ngayon sa loob ng campus ng Xaviers School of Arts. Napaaga din kasi yung gising ko kaya naman naisipan ko nalang na pumasok ng maaga. Gusto ko din kasing maglakad lakad eh. At the same time, trip kong magmoment muna dito before class since maganda ang atmosphere.

*inhale exhale

Alam nyo ba, mukhang ok din pala na nagopen ako kay Vinci nung time na nasa amusement park kami. Yung nasa ferris wheel kami. Yung time na sinabi ko sa kanya yung about kay Xander.

Kahit papaano kasi, nabawasan ng konti yung bad vibes na naramdaman ko. Tapos, parang napalitan pa ng saya yung lungkot na naramdaman ko nun dahil sa mga rides na sinakyan namin..

 Kaya ayun, masasabi ko na ngayon na mas magaang na ng konti yung feelings ko compare sa kahapon. ^_^

Nga pala, speaking of Vinci and amusement park, alam nyo rin ba na kaya napaaga ang gising ko ngayon ay dahil hindi ako masyadong makatulog kagabi. Magdamag ko din kasing pinagisipan yung mga nangyari kahapon eh. Tapos, isama mo pa yung sinabi ni Vinci sakin nung time na papasok na kami sa kwarto namin. 

Flashback..

 

“Ay, Vinci. Wait!”

Napalingon naman si Vinci sakin nung tinawag ko siya.

“Pwede bang magtanong? Last nalang” sabi ko.

Ngumiti naman siya sakin ng konti. “Sure. Ano yun?”

“Sino nga pala yung girl na gusto mong pasayahin dapat kanina? Ahmm.. Kilala ko ba siya?”

Nabawi naman yung ngiti nya nung sinabi ko yun. Tapos, sa nakikita ko, parang nag-iisip pa siya kung anong sasabihin nya..

At that time, ineexpect ko na sabihin nya sakin na---

“Wala yun. Wag mo na siyang intindihin.” Ngiting sabi nya

Akmang bubuksan na yung door knob ng kwarto nya nang bigla akong nagsalita..

“Pero bakit?” sabi ko.

Medyo hindi din kasi ako sa satisfied sa sagot nya. Siguro dahil iba yung ineexpect ko na sabihin nya. Or iba yung nasa isip ko.

Napahinto ulit siya nung sinabi ko yun. Then, tumingin siya mga mata ko.

Hindi ko masyadong maexplain, pero ayon sa nakikita ko ngayon, medyo kakaiba yung mata ni Vinci. Para bang nangungusap. I mean, parang may gustong sabihin. Basta kakaiba talaga..

Maya-maya, slightly ngumiti ulit siya then sinabing..

“Hmmm.. Wala lang. Because she’s nothing..” then tumingin siya sa pintuan ng kwarto nya. “But such a wonderful girl that I’ve ever met”

Sabay pasok sa kwarto nya.

*end of flashback

Actually, nung time na yun, biglang sumagi sa isip ko na baka ako yung sinasabi nyang gusto nyang pasayahin nung araw na yun...

Kaya nga kung aalalahanin nyo yung mga nangyari kahapon, dalawang beses kong tinanong sa kanya yung tungkol dun. Isa sa ferris wheel at isa nung nasa bahay na kami. In other words, gusto ko lang iconfirm. Napansin ko din kasi na nung after naming kumain sa amusement park, halos patapos na yung araw pero parang wala naman talaga siyang hinihintay. Binalewala ko lang kasi.. ayun nga, masyado akong naaliw sa mga rides..

Bale, naalala ko nalang ulit nung paakyat na kami sa kwarto..

Kaso naisip ko rin na baka hindi din ako yun..At baka mali rin yung nasa isip ko.

Alam nyo ba kung bakit?

Kasi sabi nya, nung nasa ferris wheel na kami, hindi ko naman daw nabanggit sa kanya yung about kay Xander nung time na nalasing ako eh.. So, kung hindi nya alam ang tungkol dun, ibig sabihin, hindi nya rin alam kung bakit ako malungkot nung araw na yun. At kung hindi nya alam na malungkot ako nung araw na yun, ibig sabihin hindi ako yung tinutukoy nya sa word na “someone” sa “I want to make someone happy”.

Gets nyo ba? Ako din eh, hindi ko din gets. Haha. Joke =P

Nakakadugo din kasi siya ng utak.. Kaya nga, sabi ko sa inyo, hindi ako masyadong nakatulog kagabi.. magdamag ko din kasing pinagisipan yan.. Hihihi..

Anyways, basta kung hindi nyo man maintindihan yung sinasabi kong logic, iback read nyo nalang ng paulit-ulit hanggang sa maintindihan nyo na yung sinasabi ko. Okeis? Hehehe..

Hmm..

Alam nyo, siguro kung sinabi nya man sakin na ako yun, eh di sana naappreciate ko talaga yung ginawa nya nung araw na yun. Super nagenjoy din kasi ako. Kaya nga paulit-ulit akong nagthathank you sa kanya dahil sinama nya ako dun..

Pero kung sinabi nya naman sakin na hindi daw ako yun, ok lang. Maniniwala ako sa kanya. Siyempre, ayoko din namang ipilit na ako yun kung hindi man talaga ako yun..

Hmmm…

Pero kung hindi ako yun, sino naman kaya yun?

Saka bakit parang ayaw nya sabihin sakin yung tungkol dun?

Kilala ko ba yung babaeng tinutukoy nya sa “She’s nothing but such a wonderful girl that I’ve ever met” kaya ayaw nyang sabihin sakin ang tungkol dun?

Or baka--

Teka nga!

Bakit nga ba ‘ko napapaisip sa sinabi ni Vinci nung araw na yun?

Hmm….

Anyways, hayaan na nga lang nga.. Siguro curious lang din talaga ako kaya ko nasabi yun.. Aminado din naman kasi ako na may pagkachismosa ‘kong tao eh.. hehehe (Oy, wag kayong magmalinis ah. For sure, kayo din, na-cucurious na..)

“BUDS!!!”

 

“Ay putik na Buds!”

Nagulat naman ako nang may biglang unknown species na sumigaw ng pagkalakas-lakas sa tabi ko. Tapos pagtingin ko, si Ian pala yun na nakangiti ng malapad sakin.

“Aish! Buds naman eh. Ba’t ka ba nanggugulat dyan, ha?! Alam mo bang muntik nakong atakihin sayo!” asar na sabi ko kay Ian.

Paano naman kasi mangugulat nalang, with matching sigaw pa. At sa mismong tenga ko pa talaga tinapat ah. Sino ba naman ang hindi maasar dun?

Atake kaagad? Hindi ba pwedeng nagulat muna? Hahaha. Wala lang. Mukha kasing malalim na malalim yung iniisip mo eh. Hahaha..” natatawang sabi ni Ian “Saka kung nakita mo lang yung itsura mo kanina nung nagulat ka, matatawa ka..Hahaha.. Ang epic kasi eh. Hahaha”

“He-He.. So, ganun? Natawa ka pa talaga sa ginawa mo sakin kanina ah?” asar na sabi ko “Sige, bahala ka dyan sa buhay mo”

After kong sabihin yun, nagmadali nakong maglakad palayo sa kanya. Nakakaasar kasi eh.  Tinawanan pako sa ginawa nya. Kala mo, nakakatuwa..

Agad naman nya akong hinabol nung ginawa ko yun..

“Hala, Buds. Sorry na. Joke lang yun eh..” *pout sabi nya habang pilit na hinahabol ako.

“Hindi naman kasi lahat, jinojoke eh. Paano nalang kung nabingi ako sa sigaw mo. Ang lakas pa naman..” sabi ko habang naglalakad pa rin.

“Wag kang mag-alala. Hindi ko naman hahayaang mangyari yun eh. And besides, ayoko rin kayang magkaroon ng binging girlfriend in the near future noh. Paano nalang kung nag-I love you ako sayo, eh di hindi mo naririnig yun”

Napahinto naman ako bigla sa sinabi nya.

“Anong sabi mo?! Paki ulit?” taas-kilay na sabi ko.

“H-Ha? Ah ehh. Wala. Joke lang yun. ‘To naman. Hindi na mabiro. He-he” sabi nya then bigla naman nya akong inakbayan. “Kaya sorry na Buds, please..”

Hayss.. Pasalamat ‘tong si Ian, hindi ako katulad ni Jas kundi bugbog ang aabutin nito sakin..

Ni-rolled ko naman yung eyes ko tapos nagbuntong hininga. “Fine,pinapatawad na kita sa ginawa mo kanina. May magagawa pa ba ako?” sabiko

“T-Talaga?” sabi ni Ian.

“Oo. Pero wag mo na ulit gagawin yun ah” sabi ko

“Okay! Sige!” sabi ni Ian. “Woooh.. ang lakas ko talaga kay Buds. Haha. Thank you.”

Akmang yayakapin nanaman nya ako pero pinigilan ko siya gamit yung kaliwang kamay ko.

“Oy, ayan ka nanaman ah. Mangyayakap ka nanaman..” sabi ko. Kala nya kasi hindi ko napapansin yun eh. Palagi nalang siyang ganyan pag natutuwa siya ng sobra..

“Ay, Sorry., Buds. Hehehe.” Sabi ni Ian. “Ok. Sige, akbay nalang.”

Tapos inakbayan nya ko..

Hayss.. pasaway talaga.. -_-

Anyways, pabayaan ko na nga lang nga,.

After that, naglakad na ulit kami sa loob ng campus..

“Siya nga pala, ba’t parang aga mo ata ngayon, buds? Anong meron?”

Napatingin ako bigla kay Ian nung sinabi nya yun..

“Ah.. Hmm.. Wala naman. Napaaga lang din kasi yung gising ko eh.” Sabi ko sa kanya “Saka hindi rin ako masyadong nakatulog kagabi. Kaya ayun.”

Bigla naman siyang napahinto sa paglalakad nung sinabi ko yun. Tapos nagulat ako nang bigla nya akong hawakan sa magkabilang balikat.

“Hala? Bakit buds? Anong meron? Anong nangyari sayo? May iniisip ka ba? May umaway ba sayo? Sino yung umaway sayo? Si Vincent Romero ba? Inaway ka ba nya?  Anong ginawa nya sayo? Pinagsamantalahan ka ba nya? Ano? Sabihin mo lang, uupakan ko yun para sayo”

Ay, pambihira naman.. Tignan mo ‘to. Umatake nanaman yung pagkaexaggerated nya.  -_-

“Sira! Ano ka ba?! Hindi ako inaway ni Vinci noh! At mas lalong wala siyang ginawa sakin, ok? ” sabi ko sabay alis ng kamay nya sa magkabilang balikat ko. “Kaya tigilan mo nga yang pagkaexag mo. Umaatake nanaman kasi.”

“Ahh.. g-ganun ba? Hmm.. okay. Sorry” Sabi nya tapos nagkamot pa ng ulo. “Kala ko kasi, may ginawa na sayo yung lalaking yun eh”

“May sinabi ba ako? Ang sabi ko lang naman, hindi ako masyadong nakatulog kagabi tapos napunta na kay Vinci yung usapan..”

“Eh kasi naman eh.. Alam mo naman na ahmm.. *whisper* nagseselos ako sa lalaking yun eh..”

“Ha? Ano ulit yun?” sabi ko.

“Ah wala!” sabi nya  “Pero basta! Pag may ginawa sayo yung lalaking yun, sumbong mo sakin kagad ah!”

Tapos hinawakan ulit ako sa magkabilang balikat. Pambihira. -_-

“Fine! Oo na. Sige na.” yun nalang yung sinabi  ko sabay alis ng kamay nya.

“Ok!” ngiting sabi ni Ian tapos inakbayan nanaman ako..

Hay naku, Lord. *hawak sa noo Bakit nyo ba ginawang ganito si Ian? At bakit ba ako nagkaroon ng kaibigan na ganito kaexag. Minsan kasi nakakastress na eh.. T_T

I’m bulletproof.. Nothing to lose.. Fire away.. Fire away...

Napahinto naman ako sa paglalakad nang biglang tumunog yung cellphone ko.

“Ay, wait lang ah! May tumatawag sakin” sabi ko kay Ian.

Kinuha ko yung cellphone sa bulsa ko then tinignan ko kung sino yung tumatawag sakin..

Jasmine Ortiz Calling..

Huh? Si Jas?

*answering phone call

 “Hello?”

“Hello, Niks.” sabi ni Jas sa kabilang linya. “Nasaan ka?”

“Ahmm. Nasa school na. Bakit?” nagtatakang sabi ko.

“Ah. Ok. Good. Nandito kami ni Kyl sa school garden. Pumunta ka dito.”

“Huh? Bakit? Anong meron?”

“Basta. Wag nang maraming tanong pa. Pumunta ka na dito. Dali.”

“Pero wait. Bakit mu---“

*tootootoot

“Hello? Hello?!”

*tingin sa phone

Ay, tignan mo ‘tong si Jas. Babaan daw ba ‘ko ng phone..  *pout

“Sino yun?”

Napatingin naman ako kay Ian nung bigla siyang nagsalita..

“Ah, si Jas.” Sabi ko “Pinapapunta nya ko sa may school garden. Nandun daw sila ni Kyl”

“Oh? Bakit daw?” nagtatakang sabi ni Ian. “Saka teka, bakit nasa school garden sila? Ba’t di nalang sa tambayan”

“Ewan ko nga din eh. Hindi naman niya sinabi” sabi ko. “Actually, binabaan nga ako ng phone oh”

Tapos pinakita ko pa sa kanya yung cellphone ko..

“Ay Ganun? Tsk. Si Jas talaga. Kahit kailan, bastusing bata.”sabi ni Ian with matching iling-iling pa.

Natawa naman ako bigla nung sinabi nya yun..

“Bastusing bata talaga ang term, Buds? Hahaha” natatawang sabi ko.

“Oo, bastusing bata nga..” Sabi nya. “Binabaan ka kasi ng phone.”

 

Tapos tinuro nya yung cellphone na hawak ko..

“Ganun ba yun? Hahaha.” Sabi ko tapos nagbiro ako. “Oh, sige ah. Sasabihin ko kay Jas mamaya, “Uy, Nay. Alam mo bang bastusing bata ka daw.  Sabi ni Yan-yan. Hahaha..”

“Hala,buds. Wag! Baka Upakan ako nun.. hahaha..”

“Haha. Joke lang” sabi ko. “Oh siya, sige na. Una nako sayo ah. Punta na ko sa school garden. Baka kasi magwala pa yun pag pinag-antay ko ng matagal.. Alam mo naman si Jas, di ba? Hehehe.”

“Ay oo nga. Magwawala talaga yun  paghindi ka pa pumunta dun.. hahaha..” sabi ni Ian. “Sige! Bye Buds!”

 

“Bye din, buds” ngiting sabi ko kay Ian

Paalis na sana ako nang biglang--

“Ay, wait” sabi ni Ian

“Oh, bakit?”

“Hatid na kaya kita. Narealize ko kasi na dun din pala yung way ko.”

“Ah ganun ba? Hmm..” sabi ko. “Ok. sige”

Vinci’s POV

“Aish.. Bakit hindi pa siya bumababa? Anong oras na ah”

Yun ang paulit-ulit na sinasabi ko sa sarili ko.

Kasalukuyan akong nakaupo sa sofa. As a matter of fact, kanina pa ako nandito.. And I’m waiting for “her” to come down.

Time check: 6:45am

According to my wrist watch, it’s already 6:45am. And I was expecting na dapat, nandito na siya sa baba ng mga oras nato..

Pero bakit hanggang ngayon, hindi pa rin siya bumababa?

Tulog pa kaya siya? Or baka hindi maganda ang pakiramdam nya?

Or baka naman, hanggang ngayon, iniisip nya pa rin yung tungkol sa lalaking yun..

Hayy.. *buntong hininga*

Pag naiisip ko yun, hindi ko pa rin talaga maiwasang mag-alala sa kanya..

Hmm…

What if katukin ko nalang siya sa kwarto nya ngayon?

But isn’t it quite obvious na parang gusto ko talagang sumabay sa kanya pumasok?

Pero kung hindi ko gagawin yun, baka magdamag na siyang magmukmok sa kwarto nya…

Hmm…

Aish.. Bahala na nga.. *brush-up ng hair

“Waitin’ for something?”

Napatigil ako sa pag iisip nang biglang may nagsalita. Then, nakita ko si Dad na nakatayo sa may hagdan.

“Or someone?” he said while grinning at me.

Hindi ko masyadong pinansin yung sinabi nya. I just keep staring into a space as if he was invisible, like I usually do when he was there.

As I expected, lumapit siya sakin. Then, umupo pa sa tabi ko. Tsk. Ano namang kailangan nito sakin?

“What do you want?” seryosong tanong ko sa kanya. And I am not looking at him.

“Wala naman. Bakit? Masama bang umupo sa tabi ng anak ko?” sabi nya.

I smirk.

“Tsk. Hindi ka uupo sa tabi ko nang wala kang kailangan sakin.” Sabi ko “Now tell me, what do you want?”

“Hayyy.. Ang sungit mo talaga kahit kailan. Kaya ka nasasabihan na Mr. Antipatiks eh” sabi nya.

So? Who cares? Tsk.

“Well, anyway. If you’re waiting for her, then you’re just wasting your time. Kanina pa siya umalis. Mga 6:15am”

Bigla naman akong napatingin sa kanya nung sinabi nya yun

“What?! Kanina pa?” gulat na gulat na sabi ko

Mukhang natawa naman ‘tong Dad ko nung sinabi ko yun. But wait, why is he laughing? May nakakatawa ba sa sinabi ko?

“Looks like my hunch is right! You’re waiting for her”

Then, tumingin sakin.

“And I can say na unti-unti ka na ngang nagbabago simula nung dumating tayo sa bahay na’to” natatawang sabi nya.

I was embarrassed nung sinabi nya yun. And because of my embarrassment, iniwas ko bigla yung tingin ko.

“W-Well, that stupid hunch is not right! And I’m not waiting for her.” I said “So, Stop thinking non-sense,ok?  And mind your own business.”

“Non-sense? Hmmm..” he said while grinning at me. “Talaga lang ha?”

 

Bago pa ako makareact sa sinabi nya, nagulat ako nang bigla nya ‘kong akbayan..

“Now tell me, paano nangyari na napalambot ng isang Nikking Makulit ang cold-heart ni Mr. Antipatiks?”

“What?! Anong---“

“Don’t  worry, hindi naman makakarating kay Greg kung ano man yung mapag-uusapan natin. Kaya dali, sabihin mo na sakin anak”

Then, hinigpitan nya yung pagkakaakbay sakin. At dahil sa ginawa nya, lalo akong nainis sa kanya..

“Hey! Ano ba?! Don’t touch me, ok! And would you please get off me!” sabi ko then tinulak ko siya palayo sakin.

Mukhang nagulat naman siya sa sinabi ko.

“Woah! Tama ba yung narinig ko? Nag-‘please’ ka sakin?” sabi nya “Nagbago ka na nga talaga,anak. Hahaha.”

Tinignan ko naman siya ng masama.

“And I can also say na nagbago ka na rin talaga! Because you’re even crazier than I thought!”

After kong sabihin yun, tumayo ako sa kinauupuan ko. Padabog kong kinuha yung backpack ko then nagmadali nakong maglakad papunta sa pintuan. Ayoko na siyang kausapin because he’s totally insane.

“Hey, son. Where are you going?” pang-asar na sabi nya.

Hindi ako tumingin sa kanya. Pero sinagot ko yung tanong nya

In outer space. Kung saan kita hindi makikita!” sabi ko then binukas ko na yung pinto.

Before ko isarado yung pinto, narinig ko pa yung huling sinabi nya..

“Pati yung lines nya, na-adopt mo na rin. Haha. It’s really funny”

 Nang makalabas ako ng pinto, dumiretso ko sa garahe para kunin yung bike ko. Then after that, pinatakbo ko na ng mabilis yung bike para makaalis na sa lugar na’to..

Bwisit! Pati ba naman yun, napansin pa?! Ba’t ba lahat nalang ng ginagawa ko ngayon, pinapansin nya? Naloloko na ba talaga siya? O wala na talaga siyang magawa sa buhay nya?!

Tsk. Mas tahimik pa buhay ko pag wala yun eh. Badtrip talaga!

When I see your face. There’s not a thing that I would change. Cause you’re amazing. Just the way you are..

Napahinto naman ako sa pagbibike nang biglang tumunog yung cellphone ko..

Aish! Sino ba ‘to? Istorbo naman..

*tingin sa cellphone

Hendrix Romero calling….

 

Tsk. At tumatawag pa talaga ah. Nang-aasar ba talaga siya?

*answering phone call

“Hey son. I think you forgot to---“

“Stop calling, ok?!”

*end of phone call

Bwisit. Bahala siya sa buhay nya..

I was about to turn off my cellphone nang may mapansin akong envelope logo sa screen..

1 message receive..

Huh? Sino naman ‘to..

Don’t tell me, nagtext pa siya.. pambihira..

*opening message

From: Kylie

Hi Vinci! Goodmorning. Sorry sa abala. But pakisabi kay Nikki girl na dumaan siya dito sa school garden. We need to talk about some matters kasi eh. And I KNOW na magkasama kayo right now. Ayiee. Anyways,Thanks! See yah! ;)

Ah. Ok. Si Kylie pala.. I thought that it was my dad.

But wait, Kanina pa ba ‘tong message na’to?

After kong basahin yung message ni Kylie, tinignan ko kung anong oras ko narecieve ‘to.

Received: 7:05am

*tingin sa wrist watch

 

7:12am

Tama nga ako, kanina pa ‘to.. And mukhang narecieve ko siya nung time na nakipagusap ako sa dad ko kaya hindi ko napansin na may nagtext.

Pero wait.. 

Bakit nila biglang pinapapunta si Nikki sa school garden? And anong ibig sabihin ni Kylie sa text message about dun sa important matt—

Wait a minute!

Hindi kaya….

Nikki’s POV

After naming magusap ni Ian, dumiretso na kami sa may School garden. Malapit lang yun sa building kung saan yung first class ko. At the same time, malapit din yun sa Arts building kung saan magpupunta si Ian. Mukhang magpapapraktis siya ng sayaw dun. Habang naglalakad kami, pinagmamalaki nya sakin na may bago daw siyang natutunan na dance moves. Kaya ko nasabi.

Nang makarating na kami sa school garden..

“Wait! Ba’t kayo yung magkasama ngayon? Anong meron?” gulat na sabi ni Kylie samin.

Nagkatinginan naman kami  ni Ian nung sinabi ni Kylie yun. Tapos, tinignan ulit namin si Kylie na ayun! Nakangunot pa rin yung noo sa aming dalawa..

“Huh? Bakit? Bawal na ba kami magsama ni Buds ngayon?” nagtatakang sabi ni Ian kay Kylie

Hmm. Hindi naman” sabi ni Kyl “Pero supposed to be kasi, dapat, si papa Vinci yung kasama nya ngayon eh. Pero bakit ikaw?”

 

Dahil sa sinabi ni Kylie, napataas naman ng kilay si Ian..

“Huh?! Anong papa Vinci ka dyan?!” sabi ni Ian. “Saka, teka nga. Anong supposed to be dapat, yung Vincent Romero na yun yung kasama ni Buds ngayon at hindi ako? Bakit sila na ba ni Buds? Hindi naman diba?!

“Hindi. Pero kasi naman.. ahmm—Aish! Never mind na nga lang nga..” sabi ni Kylie. “Well,anyway, since nandito na rin lang si Nikki girl, then, you should go ahead na. Kaya Yanny. Rain, rain. Go away. Come again, another day na! Choo!”

Tapos sumenyas si Kylie na parang nang-chochoo talaga..

“Hala, grabe ka namang maka-choo, Kyl. Parang hindi kaibigan ah!” reklamong sinabi ni Ian kay Kylie.

“Ay, sorry naman. I’m just trying to---“

 

“Aish. Tama na nga yan! Naasar nako sa inyo!” Asar na sabi ni Jasmine sa kanilang dalawa. “Anyway, Ian. Tama nga si Kylie. Shupi ka muna dito. Kailangan lang naming makausap si Nikki. At kailangan naming mapagisa kaya kami nandito.”

Napatingin naman ako bigla kay Jas nung sinabi nya yun.

“Huh? Para saan naman?” nagtatakang sabi ko kay Jas.

Bigla namang sumabat si Ian.. “Oo nga. Para saan?”

“Sorry, Yanny boy. But it’s a secret” sabi ni Kylie. “And besides, ‘girl thing’ po ito, right Jas?”

“Right” sabi ni Jas “Kaya hindi ka namin kailangan dito, Ian. okay?”

“Ay, ganun? Ang daya naman” sabi ni Ian. “Anyway, fine! Girl thing na kung girl thing. At kung ano man yan, sige. Iiwan ko na kayo”

“Ok, buti naman at nagkaintindihan tayo” sabi ni Jas.

After nilang magusap, aktong aalis na si Ian. Pero bago siya umalis, nagulat ako ng bigla siyang humarap sakin. Tapos, may binulong.. 

“Uy, buds! Pag-inaway ka nila, sumbong mo kaagad sakin ah. Akong bahala sayo.”

Napatingin naman ako kila Jas at Kyl after sabihin ni Ian yun. Feeling ko, masyadong malakas yung bulong nya. Biglang kasing napataas yung kilay nung dalawa eh. Lalo na si Jas.

“At kahit si Jas pa yung makalaban ko, ok lang sakin. Alam mo naman yan, may pagka-amazona ang datin---“

 

*pok

 

“Awww!” reklamong sinabi ni Ian habang hawak nya yung likod nya. Jas. Ba’t mo naman ako binato ng sapatos?”

“Anong palagay mo samin?! Cannibal?! Kakainin ng buhay si Nikki?!” asar na sabi ni Jasmine.

“Joke lang naman eh” *pout sabi ni Ian kay Jas “Oh siya. Sige na nga, aalis na nga ako. *sabay ngiti* Bye girls! See you later sa cafeteria.”

(Tingin ulit si Ian kay Nikki)

“Basta buds. Yung sinabi ko sa---“

“CHRISTIAN JIMENEZ!” *hawak sa sapatos with glare look*

“Waahh! Jas. Ayan na nga eh. Aalis na oh! *sabay takbo palayo. BYE ULIT, GIRLS!”

 

Natawa naman ako kay Ian nung ginawa nya yun. Haha.. Ayan kasi eh, ang kulit kulit..

 

Anyways, nang makaalis na si Ian..

“Lokong yun ah!  Kung hindi pako naghawak ng sapatos ulit, hindi aalis. Pambihira.” sabi ni Jas habang nakatingin pa rin sa dinaanan ni Ian.

“Oo nga eh. Tsk. Buti nalang talaga, nay. Pinanganak kang Dragon” sabi ni Kyl habang nakatingin rin sa dinaanan ni Ian.

(Tingin si Jas kay Kyl)

“Anong sabi mo?!” asar na sabi ni Jas kay Kyl.

“Ha? Ah.. ehh. Wala!” sabi ni Kyl kay Jas “Ang sabi ko, mukhang dragon si Yanny kanina. Hehe”

 

“Ahh.. ok. Kala ko ako..” sabi ni Jas

Magsasalita pa sana si Kylie nang bigla nakong sumingit sa usapan nila.

“Ahmm.. girls. Bakit nyo nga pala ‘ko pinapunta dito? Anong meron?”

Sabay silang napatingin sakin nung nagsalita ako. Then, after that, nagkatinginan naman silang dalawa.

Napansin ko na may parang sinignal si Kylie kay Jas then tumango si Jasmine.

Maya-maya, sabay na ulit silang tumingin sakin..

“Niks” sabi ni Jasmine

“Oh?”

 

“Halika dito.”

Tapos naghandsignal siya na parang nagsasabing lumapit ako sa kanya..

“Ha? Bakit?” nagtatakang sabi ko.

“Basta. Halika dito.” Sabi nya tapos naghand signal ulit.

Kahit hindi ko alam. Lumapit naman ako sa kanya.

“Bakit? Ano ba kasing mero ---‘

*pak

“AWWW!” sabi ko habang nakahawak sa ulo ko. “Aish. Jas naman eh! Ba’t mo naman ako binatukan?”

Paano kasi, biglang namamatok eh..  Ang sakit kaya.. Huhuhu… Ano ba kasing ginawa ko sa kanya? *pout  =(

“Ba’t ka naglasing nung isang araw? Aber?”

Napaangat naman bigla yung ulo ko nung sinabi ni Jas yun..

Hala! Paano nila nalaman yung tungkol dun? Wala namang nakakaalam ng tungkol dun bukod kay Vinci ah..

Waahh.. lagot na. anung gagawin ko.. Huhuhu… =(

Wait!

Kung magpalusot.com kaya ako?

Tama! Yun nalang yung gagawin ko..

Nang maisip ko yun, tumingin ako kay Jas. Tapos, kunwari nakangunot yung kilay ko na parang nagiisip..

“Ha? Naglasing? Hmm.. Wala naman akong matandaang naglasing ako ah. Saan nyo naman nakuha yung balitang yun? He-he..” palusot na sabi ko. “S-Saka ako? L-Lasing? Kailan pa ‘ko naglasing? Alam nyo namang hindi ako umiinom, diba? K-kaya paano mangyayari yun?”

“Oy, Nikki girl ah! Wag ka ngang echuserang froglet dyan!” sabi ni Kyl “Ako kaya yung naghatid sayo nung naglasing ka nung isang araw..”

Nanlaki naman yung mata ko sa sinabi ni Kylie.

“Y-you mean, ikaw yung naghatid sakin?” gulat na gulat na sabi ko kay Kyl.

“Oo, ako nga.” Sabi ni Kylie “Kaya wag ka nang magpalusot dyan. Dahil caught on the act ka na..”

Natameme naman ako bigla sa sinabi ni Kylie..

Pero wait! I-Ibig sabihin, siya pala talaga yung naghatid sakin nun?

Shocks.. grabe!!! Kaya pala pag gising ko, nasa bahay na ko tapos katabi ko na si---

O/////O

Waaah!!! Erase erase.. Ayoko nang maalala yun. >///<

“And FYI, alam mo ba na halos mawindang ang beauty ko nun dahil sa kalasingan mo” sabi ni Kyl. “At take note ha! As in capital, T-A-K-E N-O-T-E with triple exclamation point! Muntik mo pa ‘kong matapunan ng vomit mo!”

“T-Talaga?” gulat na gulat ko ulit na sinabi kay Kylie

“Oo. As in talagang talaga.” Sabi nya. “Urgh! You’re so disguisting kaya nun!

“Waah! Hala.. Sorry, Kyl! Hindi ko naman alam na.. na.. ano eh.. ahmm.. Waahh! Basta sorry talaga. Sorry!” sabi ko.

 Actually, napahawak pa talaga ako sa kamay nya habang sinasabi ko yun.

Waah.. grabe talaga. Pati pala si Kylie, na-perwisyo ko nun. Nakakahiya. Huhuhu.. Hinding hindi na talaga ako iinom. Promise! Mamatay man ako.. =(

Uy, Lord! Pero wag muna ah! Tatapusin ko muna yung story ko. Kundi magagalit yung readers. =P

“Anyway, it doesn’t matter naman na eh.” Sabi ni Kylie. “Kaya don’t worry, wala na sakin yun. As in, past is past na. Okay?” *wink

 

“Promise? As in hindi ka galit?” sabi ko kay Kyl

“Yes. Promise!” ngiting sabi ni Kyl.

Nakahinga naman ako ng maluwag nung sinabi ni Kylie yun. Whew! Buti nalang. Kala ko talaga galit siya sakin. May pagkameticulous din kasi si Kylie eh. At alam kong ayaw nyang nasisira yung poise nya..

“And besides, ok lang din naman sakin yung nangyari sayo dahil…

(Sabay hawak ng mahigpit sa kamay ni Nikki)

…AT LEAST, NAKA-SCORE YUNG KNIGHT IN SHINING ARMOR MO SAYO!!! KYAAAAH!!!”

Napabitaw naman ako bigla sa kamay ni Kyl nung sinabi nya yun. Tapos tinignan ko siya ng “what-are-you-talking-about” look.

“Huh? Sinong knight in shining armor ka dyan?” taas kilay na sabi ko.

“Hay nako, Nikki girl! Ang super duper mega slow mo na talaga ah!” sabi ni Kylie “Anyways, sino pa, eh di si papa Vinci MO! Ayiee!”

Tapos pilit na inaabot yung bewang ko para kilitiin.

“Ha? Wait! Anong papa Vi---“

“So kamusta? Nagenjoy ba kayong dalawa kahapon?” sabi ni Kylie habang nakangiti ng malapad “Saka, ano palang nangyari? Naka-first base ba siya? Second?  Third? Or baka naman forth na! Kyaaa! Dali, Nikki girl. Sabihin na sami---OUCH!”

Napatingin naman ako bigla kay Jas habang hinahatak nya yung buhok ni Kylie.

Nang makabitiw na siya sa buhok ni Kyl, tinignan siya ng masama nito.

“Aish! Nay naman eh! Ba’t ka ba nanghihila ng buhok?” asar na sabi ni Kylie kay Jas “Hindi mo ba alam na bagong treatment ko lang ulit ‘to sa Tony and Jackey’s!”

“Wala akong paki kung bagong treatment yan or what” sabi ni Jas “Saka anong first base, second base yung pinagsasasabi mo dyan?! Ikaw talaga, puro ka kalokohan!”

 

“Hay nako, Jas. Ang sabihin mo, KJ ka lang talaga. Hmpf. Nagtatanong lang naman ako eh” sabi ni Kylie sabay cross arms

“Hindi ako, KJ noh! Sadyang baliw ka lang talaga..” sabi ni Jas “At teka nga, baka nakakalimutan mo, may agenda tayo dito kaya natin kinakausap si Nikki ngayon”

 

Nang marinig ni Kylie yung sinabi nya, napatakip naman siya ng bibig..

“Ooppss. Oo nga pala” sabi ni Kylie sabay ayos ng upo.. “Sorry naman. Nacarried away lang. Maganda kasi ako eh..You know!” *flipped hair

“Tsk. Ano namang konek nun. Pambihira”sabi ni Jas.

Napailing nalang si Jas habang si Kylie, ayun! Nagpepeace sign nalang sa kanya..

Then,after that, tumingin na siya sakin.

“At ikaw naman, Nikki Sarmiento. Hindi mo pa nasasagot yung tanong ko kanina ah..” nakataas-kilay na sabi ni Jas. “Bakit ka uminom nung isang araw? At kailan ka pa natututong uminom? Ha?!”

Tapos tinignan nya ako ng serious yet deadly look nya.

At that time, hindi ko alam kung paano sasagutin yung tanong ni Jas. Hindi ko din kasi pwedeng sabihin sa kanila yung dahilan kung bakit ako naglasing dahil…

Dahil baka pag nalaman nila yung tungkol dun, maaaring makarating kay Ashley yun. At pag nakarating kay Ash yun, possibility na lumala pa yung situasyon..

Which is ayoko sanang mangyari pa..

Mukhang napansin ni Jas na may ilang segundo na ang nakakalipas pero hindi ko pa rin masagot yung tanong nya. Siguro, nakahalata siya na parang naghehesitate akong sabihin sa kanila yung dahilan kung bakit ako naglasing, which is totoo naman..

“Look, Nikki..” sabi ni Jasmine “Kung ano man yun, sabihin mo na samin. Alam mo bang nag-aalala lang din kami sayo kaya ka namin hinohot seat ngayon?”

“Oo nga. Kaya sabihin mo na samin, Nikki girl.. Please.” sabi ni Kylie “Promise. We’ll keep it nalang as a secret, if you want”

Napatingin lang ako kay Jas at Kyl habang sinasabi nila sakin yun. At nakita ko sa mga mata nila na habang sinasabi nila sakin yun, nagaalala sila.. lalo na si Jas. Mukha lang siyang matapang pero sa lahat ng kaibigan ko, siya yung pinaka-concern sa lahat..

P-Pero..

Paano yan? Anong gagawin ko? Sasabihin ko ba sa kanila yung totoong dahilan? Or magpapalusot nalang din ulit ako?

Pero kung hindi ko naman sasabihin sa kanila, baka lalo lang silang mag-aalala sakin.?

*inhale exhale

Ok, bahala na nga. Tutal, wala naman si Ashley ngayon eh. Siguro naman, susundin nila ako kung pakikiusapan ko sila na wag nalang sabihin kay Ashley ang tungkol dun..

Nang maisip ko yun, tumingin ulit ako sa kanila. Then, niready ko yung sarili ko.  Nagbuntong hininga ako bago magsalita..

“G-Girls. Ahmm.. pag sinabi ko ba sa inyo yung dahilan, hinding hindi nyo ba talaga pagsasabi kahit kanino?” sabi ko sa kanila.

“Oo naman. Basta sabihin mo lang samin yung totoo” sincere na sinabi ni Jasmine

“As in kahit kanino na WALA DITO?” paguulit na sabi ko.

“Yes. Kahit kanino na wala dito. Promise. Mamatay man si Kristoff ni Jas” sabi ni Kylie habang nakataas pa yung kanang kamay nya.

(tingin ng masama si Jas kay Kyl)

“Oy, anong Kristoff ni Jas ka dyan?” sabi ni Jas

“Bakit, hindi ba? *wink” sabi ni Kyl

 

Magsasalita pa sana si Jas nang bigla akong sumingit..

“Ok, s-sige. Sasabihin ko na yung totoo..” sabi ko

Tumingin naman sila sakin at mukhang ready na silang makinig sa sasabihin ko..

Maya-maya, huminga na muna ulit ako ng malalim bago ako nagsalita ulit..

“A-Ang totoo nyan---“

“Girls!”

Halos ma-froze ako sa kinauupuan ko nang marinig ko yung boses na nagsalita mula sa likuran ko.. At dahil dun, hindi ko na magawang ituloy yung sinasabi ko..

“Hay nako, Ash! Late ka nanaman sa girl’s meeting natin ah” sabi ni Kylie kay Ash.

“Hala, sorry talaga, girls! Nagloko kasi yung alarm clock ko eh. Kaya hindi ako nagising ng maaga.” narinig kong sinabi ni Ashley mula sa likuran ko. “Buti nalang talaga pumasok yung ate ko sa kwarto ko kaya nagising ako. Kaya sorry talaga ah..”

“Well, anyways. It’s okay. Pa-start palang naman kami ng panghohot seat kay Nikki girl eh.” sabi ni Kyl. “Kaya umupo ka na dyan sa tabi nya”

“Ah, ganun ba? Ok sige. Buti nalang. Kala ko nga, wala na kayo dito eh” sabi ni Ashley then umupo na siya sa tabi ko.

Nakaramdam ako ng “awkwardness” nung umupo siya sa tabi ko. Hindi ko rin kasi maiwasan dahil sa tuwing nakakarinig ako ng tungkol sa kanya, parang naalala ko ulit yung mga sinabi ni Xander sakin. Eh lalo na ngayon na katabi ko na siya. Double awkwardness na yung nafefeel ko. Actually, sa mga oras na ‘to, pinipilit ko nalang nga na wag ipahalata yun sa kanya.

“So, ano? Kamusta? Natanong nyo na ba si BFF kung bakit siya naglasing kagabi?”

Yun yung narinig kong sinabi ni Ashley kay Kylie at Jasmine. Hindi ko talaga siya magawang lingunin lalo na’t katabi ko na siya dahil iniiwasan ko na magtama yung mga mata namin. Madali nya kasing malalaman kung ano yung kilos ko pag ginawa ko yun since matagal na kaming magkakilala..

Pero..

Pero anong gagawin ko? Makakasurvive ba ako ng ganito?

“Actually, kakatanong ko palang din yun sa kanya ngayon..” sabi ni Jasmin kay Ashley.

Tumingin naman sakin si Jasmine after..

“So, ano na, Niks? Ituloy mo na yung sinasabi mo. Bakit ka naglasing nung isang araw?”

Narinig ko yung sinabi ni Jasmine sakin pero parang hindi na magawang lumabas ng mga salita mula sa bibig ko. I mean, hindi ko na magawang magsalita lalo na’t katabi ko si Ashley ngayon.

“Niks, ano na?”

Pero paano yan? Ano na yung gagawin ko?

“Niks?”

Saka ano na yung sasabihin ko sa kanila?

Nikki girl?”

At paano ko sasabihin ang tungkol dun lalo na’t katabi ko na si Ashley ngayon?

“Huy, BFF? Ano na?”

Nagulat ako nung naramdaman ko yung pagyugyog ni Ashley sa tabi ko. Tapos nagulat ako. Hindi ko kasi namalayan na nakatingin na pala sila sakin.

“Oh? Ano na nangyari sayo? Bakit nanahimik ka dyan?” sabi ni Jas habang nakangunot yung kilay nya.

“Ahh ehh.. S-sorry ah” sabi ko Ahmm.. P-Pinakiramdaman ko kasi yung tiyan ko. Feeling ko kasi, mauutot ako eh.. Hehehe”

 

Tapos, hinawakan ko yung tiyan ko…

Hindi ko alam kung bakit yun yung nasabi ng bibig ko. Pero pinanindigan ko nalang..

Napansin ko na parang natawa si Kyl at Ashley sa sinabi ko. Pero si Jas, nakita ko na tinignan nya ako ng “glare-look”. At dahil dun binawi ko kaagad yung sinabi ko.

“P-Pero feeling ko lang pala yun.. hehehe.. Wala ka namang naamoy, diba?” ngiting sabi ko kay Jas. Pero sana, hindi mahalatang pilit.

Napailing nalang si Jas sa sinabi ko…

“Hay nako, Ikaw talaga!” sabi ni Jas “So, ano na? Sasabihin mo ba yung dahilan kung bakit ka uminom? Or sasabihin mo yung dahilan kung bakit ka uminom?!”

Tapos tumingin na ulit ng serious sakin..

“Ahh ehhh.. Pwede bang none of the above nalang yung sagot, Jas?”

“AISH! NICOLE JANE SARMIENTO!”  *glare look

“Waaaa! Jas.. Eto na.. Sabi ko nga eh.. sasabihin ko na.”

Nakikita ko kasi na mukhang nawawalan na ng pasensya si Jas kaya yun nalang yung nasabi ko..

“Ok. Buti naman” sabi ni Jas then nagcross arms.. “So, ituloy mo na yung sinasabi mo kanina..”

After gawin ni Jas yun, tinignan ko na silang lahat. Mukhang seryoso na silang nag-aabang kung ano yung isasagot ko..

Pero, hala. Paano yan? Ano na’ng sasabihin ko? Wala nakong maisip na delaying tactics.. At kung makaisip man ulit ako ng delaying tactics, ganun din.. Tatanungin at tatanungin pa rin nila ako..

Actually, kinakabahan na talaga ako ngayon.. Hindi ko na rin kasi alam kung anong yung sasabihin ko sa kanila eh. Right now, parang gusto ko na talagang tumayo sa kinauupuan ko at maglakad palayo sa kanila.

Pero pag ginawa ko naman yun, lalo lang silang magtataka..

Waah.. Ano na yung gagawin ko?

Kailangan ko na ba talagang sabihin sa kanila yung totoo kahit nandito si Ashley?

Pero ayoko namang magkagalit kami ni Ashley dahil dito..

Waahh.. Hindi ko na talaga alam yung gagawin ko.. =(

*buntong hininga*

Mukhang wala na talaga akong choice kundi sabihin sa kanila yung totoo.. Feeling ko kasi, checkmate nako. At kailangan ko na talagang sumuko..

Tumingin nalang ulit ako sa kanila.. Then, yumuko ako at nagbuntong hininga..

Lord, kayo na pong bahala sakin ah. Siguro, will nyo talaga na sabihin ko sa kanila yung totoo.. At alam ko naman na alam nyo yung ginagawa nyo kaya naeexperience ko ‘to ngayon.. Basta, kayo na rin po bahala sa masasabi ng bibig ko ah.. Hindi ko din kasi kaya ‘to ng magisa.. =(

After kong magdasal kay Lord. Inangat ko na yung mukha ko. Huminga ulit ako ng malalim.. Saka ako nagsalita…

“Girls..” seryosong sabi ko dun sa tatlo..

 “Oh?” sabi nila.

“Ang totoo nyan.. Ahmm…”

 

“Ang totoo nyan, ano?” sabi nila..

 

“Ang totoo nyan, uminom ako nung isang araw dahil.. ahmmm..”

“Uminom ka nung isang araw dahil?? Dahil ano?” sabi ni Jasmine.

“Uminom ako nung isang araw dahil…

*hinga ng malalim

…….Dahil-----“

 

“CURIOUS SIYA KUNG ANO’NG LASA NG SOJU ..”

 

Dahil curious ako kung anong lasa ng soju!” *sabay yuko ulit

 

O_O

Wait! What?! Ano yung nasabi ng bibig ko?

Para kasing may narinig akong nagsalita kaya yun yung nasabi ko.. Pero wait? Sino yun?

*tingin sa langit

 

Lord? Ikaw ba yun?

“Papa Vinci?”

Napatingin naman ako bigla kay Kylie nung sinabi nya yun. Tapos, nakita kong nakatingin siya sa bandang likuran ko.

Nang makita k o yun, agad akong lumingon sa likuran ko tapos nakita kong si—

Vinci?

*kusot mata

 

Shocks! Si Vinci nga..

Nakikita ko ngayon si Vinci na nakatayo malapit sa lugar na inuupuan namin.. P-Pero anong ginagawa nya dun? Kanina pa ba siya nandun?

Nang makita ko siya, binalik ko kaagad yung tingin ko sa mga kaibigan ko. Mukhang nagulat din sila na nandun si Vinci..

Maya-maya, lumapit  na si Vinci sa amin…

Nang makarating na siya sa tabi ko,

“Sorry for the eavesdropping. But looks like I overheard your conversation”

Yun ang sabi nya habang nakatingin sa mga kaibigan ko..

“Anong ginagawa mo dito?” nagtatakang sabi ko.

Mukhang hindi nya pinansin yung sinabi ko. Sa halip na sagutin nya yung tanong, tumingin siya kay Jas.

“By the way. It’s because of curiousity. Kaya uminom si Nikki”slightly ngiting sabi nya kay Jas.

Nga-nga lang ako sa kanya habang sinasabi nya yun.. . Pero wait? Bakit yun yung sinabi nya?

Tinignan ko naman si Jas after sabihin ni Vinci yun. Tapos nakita ko na medyo bakas sa mukha nya yung confusion. Ay, hindi pala medyo, as in bakas talaga..

After kong tignan si Jas, tumingin ako kay Kylie. Ganun din ang itsura nya. Iba nga lang yung itsura nung kanya compare dun kay Jas. Kay Jas kasi, with matching kunot-noo. Kay Kylie, with matching slightly ngiti. Yung kay Ash, hindi ko alam dahil hindi ko naman siya tinitignan.. Pero for sure, katulad din yun nung tingin ni Jas.

Magtatanong na sana ako ulit kay Vinci kung bakit siya nandito nang biglang magsalita si Ashley sa tabi ko.

“Pero wait, paanong curiosity?” narinig kong sabi ni Ash

Hinarap naman siya ni Vinci..

“Nakausap ko na siya after nung araw na nalasing siya, which is kahapon.” Sabi nya. Tapos, tumingin siya sakin. “And sinabi nya sakin nung araw na yun na sobrang curious lang talaga siya kung anong lasa nung soju.”

Speechless lang ako habang sinasabi nya yun..  Hindi ko din kasi alam kung anong sasabihin ko eh..

“Pero bakit sa sobrang dami ng pagkakacurious nya, sa soju pa..” nagtatakang sabi ni Jasmine.

“Mahilig si Nikki sa Korean series, right? And for sure, alam nyo yung tungkol dun since kaibigan nyo siya ” sabi ni Vinci “Kaya wag na kayong magtaka kung bakit dun siya na curious..”

Nagulat naman ako nung sinabi nya yun. Pero paano naman nya nalaman na mahilig ako dun

After sabihin ni Vinci yun, napatingin naman ako dun sa tatlo. At ayon sa nakikita ko, medyo hindi sila satisfied sa sagot ni Vinci..

Maya-maya, nagsalita ulit si Vinci..

“Well, I’m not sure if you are going to believe me or what” Sabi ni Vinci “But if I were you, I’d prefer to believe the witness rather than the defendant.”

Napansin ko na biglang nagkatinginan yung tatlo nung sinabi ni Vinci yun. Samantalang ako, ayun. Nga-nga pa din. Hindi lang nga-nga, nosebleed pa..  Ang lalalim kasi ng mga sinasabi ni Vinci eh. At hindi ko alam kung saan nya nahuhugot yung mga salitang yun..

After namang magkatinginan nung tatlo, nagulat ako nang bigla silang tumingin sakin. At masasabi ko na, kinabahan talaga ako nung ginawa nila yun.. Alam nyo yun. Para bang nasa korte kami ngayon. Yung tatlo yung judge tapos si Vinci yung abogado ko..

Maya-maya, nagsalita si Jasmine..

“Totoo ba yun, Niks?” sabi nya

Hindi ako kaagad nakasagot sa tanong ni Jas. Nasa state of shock pa rin kasi yung utak ko. At hindi ko talaga alam ang isasagot ko..

Pero ano nga ba ang isasagot ko? Hindi ko na din kasi maintindihan yung mga nangyayari eh..

Tumingin muna ako kay Vinci bago magsalita. Hinihintay ko din kasi na baka may sabihin ulit siya.

Pero bigo ako. Hindi na talaga siya nagsalita nung time na yun. Kaya mukhang wala na talaga akong choice kundi ang magsalita.

After that, tumingin ako kay Jas. Ay, hindi lang pala sa kanya, kundi pati na rin dun sa dalawa. Mukhang lahat sila, nagaantay na ng isasagot ko.

“O-Oo. Totoo yung sinabi ni Vinci..”

 Yun nalang yung nasabi ko sabay yuko

.

Naghintay ako ng ilang seconds after kong sabihin yun. At habang umaandar yung oras, lalo akong kinakabahan.  Ni isa kasi sa kanila, wala pa ring nagreact sa sinabi ko.

Actually, before ko sabihin yun, nagdoubt na talaga ako. Hindi ko din kasi alam kung maniniwala sila pero..

Pero..

Haysss.. bahala na nga.. pag wala pa rin talagang effect, sasabihin ko na talaga yung totoo..

“Aish! Pambihira ka naman, Nikki! Bakit hindi mo naman kaagad sinabi samin yung totoo kung yun lang talaga yung dahilan mo?”

 

Napaangat naman bigla yung ulo ko nung marinig ko yung sinabi ni Jas.

I-Ibig sabihin, naniwala sila na yun nga yung dahilan ko?

“H-Ha? Ano ulit yun?” sabi ko

“Ang sabi ko, ba’t hindi mo naman kaagad sinabi  samin yung totoo kung yun lang talaga yung dahilan mo?” pagulit na sinabi ni Jas

“Oo nga. Eh di sana, hindi na kami kinabahan ng bongga sayo, Nikki girl” sabi ni Kylie

“S-sorry talaga, girls” sabi ko. “Nahihiya din kasi akong sabihin sa inyo yung totoo dahil alam ko na pagagalitan nyo ko..”

Yun nalang yung sinabi ko. Tapos ngumiti nalang ulit ako para hindi nila mahalata na hindi totoo yung sinabi ko.

“Pero kahit na. Dapat sinabi mo pa rin para hindi kami nagaalala sayo.. pambihira” sabi ni Jas

  

“Ahh ehh. Ok. S-sige! Next time, magsasabi nako ng totoo sa inyo” sabi ko. “Sorry ulit”

 

“Hindi bale. At least, naconfirm namin na wala kang problema. Kaya ka uminom” sabi ni Jas.

  

Napatingin nalang ako kay Jas nung sinabi nya yun. Then, after that, tumingin ako kay Vinci.

Nakita kong ngumiti siya sakin kaya napangiti na rin ako. Pero slight lang kasi hanggang ngayon, kinakabahan pa rin ako sa nangyari kanina. Actually, ramdam ko pa nga yung heart beat ko oh.. 

“Nga pala, papa Vinci. Ba’t bigla ka nalang sumulpot sa tabi namin?”sabi ni Kylie. “Don’t tell me, nandito ka para kay Nikki girl ah.. Ayieee.."

 

“H-Ha? Hindi ah.” Sabi ni Vinci “Pinapatawag kasi si Nikki ng professor namin. At nandito lang ako para tawagin siya”

Napatingin naman ako bigla kay Vinci nung sinabi nya yun..

“Talaga?! Si sir?”gulat na gulat na sabi ko. “Bakit daw?”

“Ewan. Baka may kailangan sayo” sabi nya. “Anyway, uupo ka nalang ba dyan or gusto mong pagalitan ka pa ni sir dahil pinaghintay mo siya?! For sure, sa tagal natin kanina, malalamang nagagalit na yun.”

 

Naalarm naman ako sa sinabi ni Vinci kaya bigla akong tumayo..

“Hala, eh ba’t ngayon mo lang sinabi?” asar na sabi ko.

“Malamang, busy ka eh” sabi nya.

“Aish, ikaw talagang, Mr. Antipatiks ka!” sabi ko then tumingin ako sa mga kaibigan ko. “Anyways, sige girls! Una nako ah. Pinapatawag pala ako ni Sir eh”

 

“Hayss.. ano pa nga ba magagawa namin?” sabi ni Jasmine then ni-rolled yung mata nya. “Oh siya, kita nalang mamaya sa canteen ah"

 

“Ahh.. Ok sige.” Sabi ko sa kanila 

Paalis na sana kami ni Vinci nang bigla akong tawagin ni Jas.

 

“Wait, Nikki!”

Lumingon naman ako. “Bakit?”

“Oras na ulitin mo pa yung ginawa mong paglalasing dahil sa gusto mo lang tikman yung soju, babanatan na kita ah” sabi nya “At please lang. Pakibawas-bawasan yung pagkacurious pag may time”

“Ah..Ok. S-sige” yun nalang ang nasabi ko..

“Papa Vinci, Ingatan mo si Nikki girl ah. Alam mo na. Ayiee! Fighting! *wink” ngiting sabi ni Kylie kay Vinci.

Napansin kong umiwas kaagad ng tingin si Vinci kay Kylie nung sinabi nya yun. Tapos biglang nauna ng maglakad palayo sakin.. Pero bakit?

Saka teka, kailan pa naging close ‘tong dalawang ‘to at pumapayag si Vinci na ganun yung tawag sa kanya ni Kylie?

“Oy! Nikking Makulit!”

Napatingin naman ako bigla nung sumigaw na si Vinci.

“Ano ba? Tara na!” sabi nya.

 “Ay, sige. Andyan na.” sabi ko then tumingin sa mga kaibigan ko. “Bye, girls. See you nalang later!”

 

Ashley’s POV

“Bye, girls. See you nalang later!”

  

After sabihin ni BFF yun, tumakbo na siya papunta kay Vinci at naglakad na papalayo samin..

Hindi ko alam kung bakit.. pero parang bigla akong kinabahan.. Napansin ko kasi na medyo may something na kakaiba sa kilos ni BFF eh.  At kilala ko si Nikki, kaya ko nasabi yun.

“OMG! KYAAAAA!”

Nagulat naman kami ni Jas kay Kyl nung bigla siyang tumili. At dahil sa tili na yun, tinignan siya ng masama ni Jas..

“Nak nang! Kylie Prescott! Ba’t ka ba sumisigaw dyan? Ang sakit ah!” asar na sabi ni Jas kay Kyl.

“Ay, sorry naman! I’m just so kinikilig lang kasi eh.. Kyaaaaa!” sabi ni Kyl tapos tumili ulit.

 

“Huh? Bakit?” sabi ko kay Kyl.

  

“Hay nako, Ashley girl. Nahahawa ka na sa bff mo ah. Slow ka na din” sabi ni Kyl “Anyways, kasi naman, as you can see, mukhang close na close na yung Vicol Love team.. ayieee..”

 

After namang sabihin ni Kylie yun, napatingin naman si Jas kung saan dumaan sila BFF..

“Sabagay. May tama ka nga!” sabi ni Jas kay Kylie. “Napansin ko din yan base sa kilos nila kanina”

 

“See? Akala ko, ako lang yung nakapansin. Ikaw din pala, Jas!” sabi ni Kylie tapos tumingin sa langit.. “Hayyy.. I’m wondering tuloy kung anong ginawa nilang kababalaghan kahapon. Saka nakailang base kaya si papa Vinci kay Nikki girl”

Tinignan naman ni Jasmine si Kylie ng masama.

“Aish, ayan ka nanaman sa base base mo, Kyl ah!” sabi ni Jas.

“Hay nako, ang manang mo talaga kahit kailan, Jas. Hmpf” *flipped hair sabi ni Kylie kay Jasmine.

“Anong manang ka dyan? Ang sabihin mo, ang dumi kasi ng isip mo!” sabi ni Jas “At sa tingin mo ba magagawa ni Vinci kay Nikki yung bagay na ganun? Ni hindi nga marunong dumiskarte eh. Nagpapaturo pa sayo”

Napaisip naman si Kyl..

“Hmm.. sabagay.. gentleman nga pala si Papa Vinci” sabi ni Kyl. “Pero kyaaaa! Kinikilig talaga ko sa kanila!”

 

Tapos sabay yugyog ni Kylie kay Jas..

“Aish, ano ba?! Kylie Sheantiel Prescott! Hindi ka ba titigil sa pagtili?! Pambihira!”

Habang naguusap sila Kylie at Jasmine, bigla akong napaisip. Hindi dahil sa pinaguusapan nila ngayon kundi dahil sa nangyari kanina..

  

Yun ba talaga yung dahilan kung bakit uminom si BFF. Yung dahil nacurious lang siya kung anong lasa nung soju? Para kasing masyadong mababaw kung yun nga talaga yung dahilan..

Hmm…

 Pero sabagay, pwede rin. May pagka curious din kasi si BFF minsan eh. I mean, di pala minsan, palagi. In short, adventurous masyado.. Ganun na din kasi siya since grade school kami..

 Kaya palaging napapahamak..

“Ash?”

 Napatingin naman ako bigla kay Jasmine nung tinawag nya ako..

“Ha?”

 

“Bakit ka tahimik dyan? Anong meron?” sabi nya.

“Ahh.. Wala” ngiting sabi ko “May naisip lang ako bigla”

  

KRRIIIINGGGGG!!!!!

Napatingin naman kami bigla sa orasan namin nung biglang magring yung bell..

8:00 am na pala..

“So, paano? Gorabels na us? Time na eh” sabi ni Kylie

Sumang-ayon naman kami ni Jas then tumayo na kaming tatlo..

“Sige. Daan muna ako sa Cr ah. Alam nyo na, magreretouch” sabi ni Kylie “Bye, girls! See you later”

 “Geh, Bye!/ Bye, Kyl” sabi namin ni Jas

Nang makaalis na si Kylie, tumingin naman si Jas sakin “Geh, Ash! Una na rin ako ah. Bye! See you later”

“Ah. Ok. Bye, Jas” ngiting sabi ko kay Jas.

After magpaalam ni Jas, dumiretso nako sa building kung saan ang first class ko. Pero bago yun, dumaan muna ako sa locker ko para kunin yung librong gagamitin ko para mamaya..

 Nang makarating ako sa locker ko, pinindot ko na yung password ng lock hanggang sa mabukas ko na yung pinto. Tapos, kinuha ko na yung librong kailangan ko..

Isasarado ko na sana yung locker ko nang biglang---

“Uy, si Xander David. Dadaan.. Kyaaa!”

 Nagulat ako nang marinig ko yung sigaw nung babaeng student sa tabi ng locker area. Agad akong napasilip at nakita kong dadaan nga si Xander David.

Shocks, dapat hindi nya ako makita. Baka kasi pag nakita nya ko ngayon, bigla nya nakong tanungin tungkol kay BFF.

Nang maisip ko yun, agad kong tinago yung mukha ko sa pintuan ng locker ko para hindi nya ako mapansin. Kunwari, may kinukuha ako. Tapos hinintay ko munang dumaan siya bago ko isara ng tuluyan yung pintuan ng locker ko.

“Awww.. wala na siya”

Nang marinig ko yung sinabi nung babae, dahan-dahan akong sumilip sa may pintuan ng locker. At nang  makita kong wala na nga si Xander, nakahinga naman ako ng maluwag..

Whew. Buti nalang, hindi nya ako nakita..

 After that, sinarado ko na yung pinto ng locker ko. Then, nagmadali na akong maglakad palayo sa locker area. Mahirap na din kasi. Baka makita pa ako..

Nang makarating na ako sa room kung saan ang first class ko, umupo na ako sa upuan ko. Then, nilabas ko na yung librong kinuha ko sa locker kanina. May recitation nanaman kasi kami ngayon. Kaya kailangang magreview..

Bago ko pa simulan ang pagbabasa, narinig ko na may biglang tumawag sakin..

“Ash!”

Napalingon naman ako. Then, nakita ko na si Jam pala yun. Yung classmate ko.

 “Oh, Hi Jam!” ngiting sabi ko. “Bakit?”

Nagulat naman ako nang may bigla siyang iabot sakin.

 “Here oh. May nagpapabigay sayo” sabi nya.

 “Nagpapabigay?” nagtatakang sabi ko “Sino?”

 “Hindi ko alam eh. Basta may lalaking pumunta dito. Tapos inabot sakin yan. Wala ka pa kasi kanina kaya pinabigay nya lang sakin. Sabi, ibigay ko daw sayo” sagot ni Jam sa tanong ko.

 

“Ahh.. ganun ba? Hmm…” sabi ko then kinuha ko yung binibigay nya “Ok, salamat”

“Walang anuman” sabi nya then bumalik na siya sa upuan nya.

Nang makabalik na si Jam sa upuan nya, tinignan ko naman yung sobre na hawak ko..

Hmm… ano kaya ‘to? At bakit parang..

Wait, love letter ba ‘to?

Nakita ko kasi na may Stationary sa loob. Manipis lang yung envelope kaya maaninag mo kung ano ang  nasa loob. Lalo na kung may kulay yung papel.

Agad ko naman binuksan yung envelope na hawak ko then binasa ko kung ano yung nakasulat..

Nang mabasa ko yun, na-confirm ko nga na love letter yun para sakin. At inaamin ko na medyo kinikilig ako dahil sa mga nababasa ko ngayon..

Pero wait? Kanino naman galing ‘to?

Tinignan ko naman yung end nung letter…

Love, Marius…

Huh? Marius?

Sino si Marius???

------------> See you in Next Chapter 38

Author’s Note:

Hi readers! (May readers pa ba ako dito? Hahaha)

Ayun. Pasensya na kung natagalan ulit yung UD ko. Ang dami ko kasing activities ngayong summer eh. Bukod sa work, may acting workshop pako. Tapos, pag weekend, choir practice naman sa church yung inaatupag ko.. hihi..  (ako na talaga ang batang active)

Anyways, hope you’ll like it. And super duper mega THANK YOU talaga sa inyo! “1 million+ reads”  na kasi ang SACG! Yehey! *sabog confetti Natutuwa ako kasi kahit unti-unti ng nagmumutate yung mga “Bashers/Haters” ng SACG, mas marami pa rin yung mga readers na patuloy na sumosupporta sa gawa ko. (Kahit matagal ako magupdate.. hihi). At alam ko na hindi makakarating ang SACG sa ganitong lugar kung hindi dahil sa inyong mga “tunay na CAMPERS”! Ayiie..  Kaya love ko kayo eh.. hihi.. <3

Basta, thank you2 talaga! Godbless.. Mwuahugsss! ^_^

-Ms. Author

PS: Sorry pala sa mga readers na nagmemessage sakin sa MB ko at inbox. I mean, sorry kung hindi ko kayo narereplyan. (baka kasi sabihin nyo, snobber ako.. haha) Bihira ko na rin kasing buksan yung wattpad ko kasi yun nga, dumadami ang “bashers”.. at ayokong makita yung message nila. Nababad vibes ako.. nyahahaha.. ayun, kaya pasensya na. Pero rereplyan ko na kayo ngayon! Tiwala lang! ^_^ 

Sa mga “SACG bashers/haters” naman out there! Hello sa inyo! Hohoho.. Inaamin ko, nagtatampo ako sa inyo. Ang sakit nyo din kasi magsalita eh.. Alam nyo yun. Tao din ako (kahit hindi halata. Hahaha. Joke).. Kaya pakibawas bawasan ang pagkarude pag may time, okeis? Pero anyways, thank you pa rin sa inyo kasi at least, sinubukan nyong basahin ung SACG. At nakaabot kayo sa chapter na ‘to. Pero, kung ayaw nyo talaga sa gawa ko, mas mabuti pang tigilan nyo nalang yung pagbabasa. Kaysa naman nakakasakit kayo ng damdamin ng author.. tapos pati yung “author note” kong walang kamalay-malay, binabash nyo na rin. Ano ba talaga gusto nyo, away or gulo? (Gulo nalang oh, para wala ng away.. nyahaha..joke) #AngCornyNiAuthor

Eto na nga lang nga yung communication ko sa inyong mga readers ko, tapos pinakikielaman nyo pa.. wag ganun! Hindi nakakayaman yun.. hehehe. (inuulit ko po, hindi ako masyadong galit, nagtatampo lang.. haha) Anyways, ayun lang. Thanks.. ^_^

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

2.2M 56.2K 58
| QBMNG BOOK 1 | Meet Andrea Jansen Lorenzo a.k.a 'Blandina'. The rich, the popular, and the gorgeous self-proclaimed Queen Bee ng campus nila. "May...
11.9K 767 24
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
28.3M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
572K 15K 45
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...