Revenge of My Two Ex-Girlfrie...

By MyNameIsJAN

1.1K 0 12

More

Revenge of My Two Ex-Girlfriends
Chapter 1: Present
Chapter 2: My First Ex-Girlfriend
Chapter 3: The Start of Something New
Chapter 4: The Courtship
Behind The Scenes #1
Chapter 6: Wrong Send
Chapter 7: My Second Ex-Girlfriend
Chapter 8: IV-Romans
Chapter 9: Nutrition Month

Chapter 5: Twenty-five Days of Love

91 0 0
By MyNameIsJAN

Hey Guys! Yung mga readers ko na may account, please "FAN" me by just clicking "BECOME A FAN" then "VOTE" for my stories or leave a "COMMENT". THANK YOU! ENJOY READING. :)

----------------------------------------------------------------------------------

Chapter 5

Twenty-five Days of Love

Saturday, March 6. FIELD TRIP! Alam na kung sino ang katabi ko. Well, dapat si Jonar Dave, kaso nagrequest ako nap alit nalang kami ng katabi. IBA na ang MALAKAS sa KAIBIGAN. Haha. Nakapaligid kami sa mga mapang-asar na mga tao. COUPLES kasi ang magkakatabi! Si Eliza at si Warren, si Joanne at si Gerald, si Angelica at si Gio, si Abby at si Rizalde. Haha. OK! Kung alam lang nila. DAPAT LANG NA KASAMA KAMI DYAN! Nagrequest ako sa kanya na doon ako malapit sa bintana, I LOVE SCENERIES! :) Payag naman siya. Pero nagpalit din kami after ng first stop. BORING! Haist!

“Ui! OK ka lang?”

“Wag mo akong kausapin.” Hala! Wala akong ginagawang masama ah!

“Bakit?”

“GUSTO MO BANG SUKAHAN KITA DYAN!!!” sabay hampas pa sa akin. WILD talaga siya.

“Ok! Soundtrip nalang tayo!”

(NP: I Lay My Love On You by Westlife)

Ankyut niya kapag nakapikit, para siyang mahinhin. Haha! Sana lagi nalang siyang tulog! Joke!

“Oi JM! Pahiram nga ako ng Book 7!” ano ba naman to! Istorbo ka ah! Natutulog ang mahal ko eh!

“Ha? Wala sa akin.”

“Ui, ako pahiram naman ako ng mga sinusulat mo! Nakakatamad eh!” haha. BOSS ako?!

“Bawal! Hindi mo nabasa yung simula! Ang tamad mo kasi!” ako pa talaga? Ikaw tong maramot eh!

“Ok.” Sad face tayo, baka maawa! Haha.

“Oh eto nalang basahin mo!” woooooooow! Effective! Haha.

“Book 5, Part 2. Bakit eto?” Book 1 nga hindi ko nabasa tapos Book 5 ipapabasa mo? Haha. (Author’s Note: Hindi ko maalala kung Book 2 o Book 5 un, basta ang alam ko may PART 2!)

“Basta, hawig niyan yung ginawa naming sa youth camp.” Ayun naman pala. Haha!

Eto basa, basa basa. Napaghahalataang tamad akong magbasa, ANG BAGAL KONG MAGBASA! Manipis na nga yung notebook pero ang bagal ko talaga. Haha.

“OK! Nandito na tayo sa MOA! Please be back at the bus before 6:30 pm”

“Yes Ma’am!”

Ayan! Mob kaming naglalakad pero syempre kasama ko siya. Haha! Boring! Wala kaming magawa. Puro lakad lakad lang.

“SCOOPERY! BILI TAYO! FAVORITE KO MGA ICE CREAM NILA!” no doubt kung bakit ganyan ang body figure mo. Haha. Joke! Alam ko mababasa niya ito! Hehe.

No choice! Bibili ako para sa aming dalawa. Haha! Pagkatapos nun, nagpalipas kami ng oras sa seaside. Well, ganda ng sunset! Pero mas maganda parin siya. Haha! Banat pa? LELS!

Busy sila sa baba, yung malapit sa tubig, pero naiwan kaming dalawa sa taas. Usap usap lang. Haha. Pero ang talas ng mata niya.

“Ui! Hahahahaha! Hindi ako ang nagsulat niyan ah! Wala akong dalang pentel pen!”

“Haha! Ankyuuuuuut! Maybe its DESTINY na magkatabi tayo at makita natin ito. Hehe.” IN SHORT, DESTINY NA MAGING TAYO! Haha. Assuming!

Curious kayo kung anong nakasulat sa bato? Haha. Secret lang natin ito ha! Wala akong kinalaman dito! Ang nakasulat ay “MARCH 4, 2010 <3” Haha. Ang araw na sinagot niya ako. Dahil tawanan kami ng tawanan at na curious ang mga kasama namin, inupuan ko yung nakasulat sa bato at nagkilitian kami. Haha. Palusot! Effective naman. Ayun, nagpicture picture kami at bumalik na sa bus.

Ang ganda ng araw ko! Dahil katabi ko siya. Pag tingin ko sa MP5 ko, aba, puro picture niya. Haha. Ok lang. Namili ako ng best picture niya at ginawa kong wallpaper. PAKE NILA! AKIN NAMAN TO AH! Haha.

After nun, ayun, back to normal, yung parang dati lang. Lumalabas tuloy ang SWEETNESS namin sa katawan. At medyo tinatamad kaming mag-aral ngayon, inaantay naming ang Junior and Senior Promenade. Well, excited ako, may susuotin na kasi ako. BLUE na long sleeves with black coat at black pants and leather shoes. Alam kong bawal mag-blue dahil third year pa lang ako, PAKI NILA? I’m the BOSS! Haha.

“Ui! Sasama ka ba sa prom? Can you be my partner?” Wow! Lakas ng loob!

“Ayoko! Hindi kasi ako sasama!” Awts! Bakit? ENEBENEMENYEN!

“Paano na ako? Wala akong partner?” Paawa effect! Tinatamad lang ito! Haha.

“Problema ba iyon? Edi maghanap ka ng partner.” GRABE talaga to! WALANG PUSO! Huhu. IPAMIGAY DAW BA AKO SA IBA!

Sad ako, MALAMANG! Pero sasama pa din ako sa prom, nakapagbayad na eh! Sayang pera, hindi ko naman ma-eenjoy ang gabi, wala kasi siya. DRAMA! Haha.

Ilang oras nalang at magsisimula na ang JS PROM, alam niyo naman ako, DAKILANG MASIPAG – LAGING LATE! Nakakahiyang lumabas ng naka-formal attire, inantay kong magdilim. Haha. Pagdating sa gate, nakasalubong ko ang pinsan/bestfriend niyang si Mara.

“Ok ka lang? Bakit malungkot ka?” Kasi wala siya! Sana siya nalang ang sumama at hindi ikaw! Haha. Biro lang.

“Wala kasi siya.”

“Loko-loko talaga yun! Nasa room niyo na siya! Humabol siya sa pagbayad. Haha. Ginood time lka lang nun.” Wew? Di nga? UUPAKAN kita pag hindi ko siya nakita sa taas!

“Wew? Haha! Sige akyat na ako! Istorbo lang ako sa pila.”

Nagmadali akong umakyat. Hindi ko inintindi yung pawis. At pag akyat ko sa Third floor, bumagal ako, kunwari hindi ako excited na makita siya, kunwari wala akong alam. Pagpasok ko sa room, may isang babae na nakakuha ng aking atensyon. Naka-blue siya na cocktail dress, naka-white na high heels. May braided hair sa magkabilang gilid na nagkakasalubong sa gitna Light make-up lang ang ginamit niya. Na starstruck ako habang lumalapit siya sa akin at nang nilapitan niya na ako, ang nasabi ko lang ay…

“YOU TONIGHT GORGEOUS LOOK.” Boooooom! Napaghahalataan na mahina sa English. Pero dahil sa isang magandang nilalang ang nasa harap ko, nakakahiyang NGUMANGA sa harap niya.

“Ok… Hahahahahaha! ANU DAW?! GANYAN BA KAPAG HONOR STUDENT?!” Pahiya ako doon ah.”

“Can you be my partner tonight?” Pambawi. BAKA SAKALING MAKABAWI. Haha.

“SURE!” Yes! Haha.

“GUYS! FALL IN LINE NA DAW!”

Pumila na kami, ayun, doon ko nahawakan ang kamay niya kaso may preferred niya na nagka-cling ang braso niya sa braso ko.

Nagsimula nang maglakad at pumunta sa designated na table. Ayun, nauna ang kain kaysa sa sayaw, dahil mga patay-gutom ang nagsama-sama sa aking table, ang bilis naming kumain. Medyo maharot silang kumain kaya natabig ko ang baso ko na may iced tea. Dahil siya ang matatapunan, ginawa ako ang lahat ng aking magagawa wag lang siyang matapunan. At iyon… BLAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAGG! Tumumba ako sa kinauupuan ko at muntik na sa akin tumapon ang iced tea. Buti nalang medyo madilim na, ok lang.

Pumunta ako sa CR para maglinis at pagbalik ko, nagsisimula na silang magsayawan. Parang party lang, puro rock song ang mga kanta. Pero, bakit wala siya? Nasaan na kaya iyon? Gusto ko siya ang first dance ko. Kaya naman pumunta ako sa dance floor. Papalit-palit na ang kanta mula sa rock naging sweet, kaya may nagyayang isayaw ko daw siya. OO nalang ako, baka sakaling makita ko siya.

Marami-rami na akong nakasayaw pero hindi ko pa siya nakikita.

“Ui Monique, nakita mo si JM?”

“Di ba ikaw si JM?” WEW? Kailangan ko bang tumawa?! SERYOSO AKO! “Nandoon siya oh! May kasayaw, kanina niya pa yun kasayaw.” AWTS naman men!

Bumalik nalang ako sa table naming, halos lahat naman ng classmate kong babae nakasayaw ko, BUKOD SA KANYA!

“OK! THIS IS THE LAST DANCE FOR TONIGHT! GRAB YOUR PARTNER NOW!” Whatever! GUSTO KO NG UMUWI! NAKAKASAMA NG LOOB! Yumuko nalang ako. At hawak ko pa rin yung blue na rose na ibibigay ko dapat sa kanya.

(NP: Can I Have This Dance by High Scool Musical 3 Casts)

“HOY! ISAYAW MO NGA AKO!” Bossy?! Ayoko! Wala ako sa mood! AKO LANG ANG BOSS!

“ANU BA?!—“ Hinablot niya yung rose na hawak ko at pinukpok sa ulo ko. SIYA NAMAN PALA ANG NAGYAYAYA. PERO TAMPO PARIN AKO SA KANYA! Grrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr!

“Para sa akin ba ito? Tara! Isayaw mo ako!” Hinablot niya ang braso ko dinala ako sa gitna.

“Buti naman naisip mo ako.”

“Bakit malungkot ka?” Tinatanong pa ba yan? NAGTATAMPO AKO SA IYO!

“Hindi kasi ikaw ang first dance ko. May kasayaw kang iba at mukhang ang sweet niyo at ang saya-saya niyo.”

“Ah! Yun ba? Bestfriend ko yun, fourth year na kasi siya, ilang araw nalang ga-graduate na siya kaya sinusulit ko yung oras na makakasama ko siya.”

“OK.” Snob pa din ako at malungkot. Nagulat ako…

“Bakit mo ako niyakap?”

“Wag ka nang malungkot, hindi man ako ang first dance mo pero ako naman ang last dance mo.” Natouch naman ako, sana mag LAST din tayo at ang ating relasyon. “Ok ka na ba? Wag ka nang malungkot ha! Mas lalo kang PUMAPANGET! Hahahahaha!”

“Thank you for the dance. I LOVE YOU.” At nag-uwian na.

Naging OK na rin ang araw ko. Medyo nagselos at nagtampo pero OK lang.

Isang Linggo nalang ang pasok sa school kaya sinusulit sulit ko na. Pero hindi ko siya malapitan, bakit kaya? Lagi niya nalang akong iniiwasan. At wala na siyang kausap kundi si Zaldy. Kaya…

“Hoy Zaldy! Anong pinag-uusapan ninyo ni JM?” OO ako na ang mananambang! Haha. Sinabayan ko siya sa pag-uwi.

“Yun ba? About lang yun sa bestfriend niya.” LAGI NALANG ITONG BESTFRIEND NIYA! GRRRRRR!

“Ano naman ang pinag-usapan niyo?”

“Humihingi kasi siya ng payo sa akin…”

“Para saan daw?”

“Eto na pala ang sakayan, bukas ko nalang sasabihin sa iyo. Bye! Ingat!” Ano ba yan! BITIN!

March 29, Recognition Day. Syempre kailangan kong umattend! Top 3 kaya ako. Haha. Place ko na ata iyon forever. Masaya ako dahil magkakaroon na akong ng bagong cellphone, N73! Haha. Sayang dapat nag Top 1 ako para may laptop ako. Hehe. Ok lang! Magkakaroon din ako niyan.

Tapos na ang Program at tinext ko siya…

*Texting BHS-JMB

Salamat sa pagiging inspirasyon ko. :) I love you! :* Paramdam ka naman. I miss you na eh. :/

---

Message sent!

Wala siyang reply, good thing nakasalubong ko si Zaldy…

“Ui! Tuloy mo na yung sinasabi mo sa akin kagabi.”

“Ayun na nga, mahal niya daw kasi yung bestfriend niya kaso may masasaktan daw, anu daw ba dapat ang gawin niya…” AWTS! Saklap! Mahal niya ang Bestfriend niya. Hindi ko alam ang gagawin kaya bumalik nalang ako sa loob ang tumulong sa pag-ayos.

Mag-isa ako sa may lababo, umiiyak. Dinaan ko nalang sa hilamos kasi patapos naman na.

Nasa bahay na ako at bago na ang CP ko at may bago na akong number. Nakalimutan ko yung isa kong phone, lowbat na kasi kaya medyo nawala sa isip ko. Buti nalang hindi ko nagamit yung extra battery ko. Pagbukas ko, eto ang una kong nabasa…

From: BHS-JMB

Ui. Sorry. Nakikipag-break na ako sa iyo?

---

Huh? Joke ba ito? Grabe! Ang sakit! Wala akong ginawa kundi umiyak. Ang tanging natanong ko lang ay…

*Texting BHS-JMB

Ok. Salamat. Pero bakit?

---

Message sent!

From: BHS-JMB

Hindi ko na mababawi ang nasabi ni Zaldy, pero totoo ang lahat ng iyon. Mas mahal ko talaga ang bestfriend ko. Sorry talaga.

---

AWTS! Grabe! ANG SAKIT PALA ANG MAGMAHAL!

*END OF FLASHBACK

(Author’s Note: OPO! Isang MAHABANG FLASHBACK lang iyon! Kinain nito ang ISANG ORAS at KALAHATI KONG BREAKTIME!)

“AWTS! Grabe! ANG SAKIT PALA ANG MAGMAHAL! Akala ko ba SIMILAR ATTRACTS sabi dito sa pinapabasa sa amin ng English Teacher namin…”

“Tae-tae Michael? Dapat daw bang mag day dream sa field habang inaaral ang ‘Why Relationships Develop and What Makes Them Last’ by Benjamin Lahey?”

“Ay PUSA! ADIK KA TALAGA JOYCE ANN!” nagulat talaga ako.

“GANDA KO NAMANG PUSA! Well! Hahahaha! Economics na! Walang balak pumasok?” oo nga pala, irregular student ako dahil sa course ko, minsan classmate ko ang mga ka-blockmates ko nung first sem.

“Eto na! Hahaha! Tae-tae ka talaga! Anung ginawa niyo sa English?” Haha. Sila ang kodigo ko, pareho kami ng Professor sa English kaso magkaiba ng oras pero pareho lang ang ginagawa. Haha. Para-paraan lang yan.

“Edi ano pa, edi yung binabasa at inaaral mo kanina…” sabi na eh, malakas talaga ang kutob ko. Haha.

“Salamat!”

Continue Reading

You'll Also Like

106K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...