ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of...

By angelodc035

43.7K 2.2K 550

FILIPINO READERS CHOICE AWARD 2022 OFFICIAL FINALIST(Consistent #1 in Heroes) (#8 in Mythology) (#18 in Magic... More

ANG NAKARAAN....
PROLOGUE
Chapter 1: FAILURE
Chapter 2: THE AWAKENING
Chapter 3: A WEREWOLVES NIGHT
Chapter 4: THE DUEL
Chapter 5: BLAKE
Chapter 6: A NEW DAWN
Chaptet 7: THE MAN ON A BLACK CLOAK
Chapter 8: THE ISLAND OF SEVEN KINGDOMS
Chapter 9: FIRE, ICE AND PROPHECY
Chapter 10: PILUNLUALAN (MYSTIC TUNNEL)
Chapter 11: CAREN'S FATE
Chapter 12: THE NEW ALPHA
Chapter 13: SAKAYA
Chapter 14: DIYOSANG TALA
Chapter 15: SAKAYA'S TEST
Chapter 16: ANILAOKAN
Chapter 17: STRIGOI
Chapter 18: QUEBALUAN TREE
Chapter 19: CHASING MEMORIES
Chapter 20: AWAKENING
Chapter 21: AWARENESS
Chapter 22: THE FATE
Chapter 23: BLOOD BY BLOOD
Chapter 24: A DECISION MADE
Chapter 25: ANILAOKAN'S LOVE
Chapter 26: BEHEMOT
Chapter 28: DRAGON PHOENIX
Chapter 29: DESPERATION
Chapter 30: INTERROGATION
Chapter 31: BATHALA
Chapter 32: THE RETURN
Chapter 33: THE ELEMENTAL WORLD
Chapter 34: BLAKE, LAUREA, DIYOSANG TALA AND CLAUDIUS
Chapter 35: THE FALLEN GODDESS
Chapter 36: MANGGAGAWAY (SPELL CASTERS)
Chapter 37: CITY OF THE DEAD
Chapter 38: BLOODY GHOULS DAY
Chapter 39: BLOODY BATTLE
Chapter 40: BLOODY DEATHS
Chapter 41: DEATH BY BLOOD
Chapter 42: DEAD EVERYWHERE
Chapter 43: LOSS
Chapter 44: BATHALA'S DEATH
Chapter 45: QUINTA FOREST
Chapter 46: BALINTATAW
Chapter 47: CHAOS
Chapter 48: HUKLUBAN
Chapter 49: DARK POWER
Chapter 50: CAPTURE
Chapter 51: ERISE
Chapter 52: HOTEL MORTE
Chapter 53: DIYOSANG BULAN
Chapter 54: BABAGUA
Chapter 55: REVELATION
Chapter 56: INFESTATIONS
Chapter 57: THE ESCAPE
Chapter 58: LOVE AND BETRAYAL
Chapter 59: A SISTER'S DEMISE
Chapter 60: A NEW HOPE
Chapter 61: LAMUIAN FOREST
Chapter 62: PALACIO LUNAR TOWER
Chapter 63: MOTIVES
Chapter 64: FORCES OF NATURE
Chapter 65: APOCALYPSE
Chapter 66: DEATH IS THE BEGINNING
EPILOGUE
PASASALAMAT

Chapter 27: REDEMPTION, REVENGE AND REUNION

554 35 15
By angelodc035

Hawak pa rin ang tungkod ni Bathala ay patuloy pa rin sa paggalugad si Diyosang Tala sa masukal na kagubatan ng Ilaya. Makakapal ang mga naglalakihang mga puno na bumabaybay sa mga gilid ng mala-kristal sa linaw na tubig ng ilog.

Tila nagyayaya sa kanya ang napakalinaw na tubig para uminom at magtampisaw dito. Ngunit, hindi siya nakakasiguro kung ligtas siya sa panganib ng kagandahan nito dahil na rin sa mga engkantong tubig na maaaring nananahan sa ilog.

Muntik na rin siyang mapatay ng kanyang kapatid na si diyosang Bulan. Kung hindi dahil sa tulong ng tungkod ng kanyang amang si Bathala, nagawa niyang makatakas sa mga kamay ng kanyang malupit na kapatid. Hindi niya inakala na kayang patayin ni diyosang si Bulan ang kanilang sariling ama ng dahil lamang sa galit nito sa kanya.
Nais rin ni diyosang Bulan na palitan sa pamumuno si Amang Bathala upang magawa niya ang lahat ng kanyang kagustuhang kontrolin lahat ng nilalang sa sanlibutan.

Noon pa man, batid na ni diyosang Tala ang pagtutol ni diyosang Bulan sa espesyal na turing ni Amang Bathala sa mga tao. Higit na pinapaboran ng kanilang ama ang mga tao na lalong nagpasidhi sa galit ni diyosang Bulan kay Bathala lalo na sa mga taong mortal na wala namang ginagawang masama sa kanya.

Minabuti ni diyosang Tala na magpahinga na muna mula sa halos ilang oras na ring paglalakad sa loob ng kagubatan. Hindi niya kabisado ang kagubatan ng Ilaya kaya pagkakataon na rin niyang pag-isipan ang kanyang mga susunod na hakbang upang mailigtas ang kanyang amang si Bathala bago pa man mahuli ang lahat.

Sa mga sandaling iyon ay halos maiyak siya sa kinahihinatnan ng kanyang ginawa. Kung hindi dahil sa kanya hindi dapat nasukol ni diyosang Bulan ang kanilang ama. Hinding-hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kapag tuluyang namatay ang kaniyang ama lalo na ang paghahari ni Bulan sa buong sanlibutan. Hindi rin niya alam kung mapapatawad pa siya ng kanyang ama pagkatapos ng kanyang ginawa sa kanya. Pero, tatanggapin niya kung ano mang parusa ang igagawad ni amang Bathala sa kanya kung saka-sakaling magawa niyang iligtas ito sa kamay ng kanyang kapatid.

Napatingin siya sa hawak na tungkod ng kanyang ama. Napanganga siya ng maalalang wala pang sino mang nilalang ang nakahawak nito ng hindi namamatay o di kaya naman ay malubhang nasasaktan. Tanging si Amang Bathala lamang ang nakakahawak nito na walang ano mang nangyayari sa kanya. Pero, kanina pa niya hawak ang tungkod ng ama at walang ano mang masama ang nangyari sa kanya. Mayroon bang ibig ipahiwatig si Amang Bathala sa kanya kaya nagamit niya ang tungkod nito?

Lalong nagkaroon ng dahilan si diyosang Tala na iligtas ang kanyang ama kahit itataya pa ang kanyang buhay. Tumayo siya sa kinauupuan at nasagi sa kanyang isipan ang babae na tinutukoy sa propesiya. Ang makapangyarihang babae na nagmula sa mundo ng mga tao ang makakapagligtas sa kanyang ama at lilipol sa napipintong paghahari ng kasamaan sa sanlibutan.

Nabuhayan ng loob si diyosang Tala. Pero hindi niya kilala ang babaeng tinutukoy sa propesiya. Kailangan niyang hanapin ang babaeng iyon para mailigtas ang buhay ng kanyang amang si Bathala. Pero saan? Paano? Saan siya magsisimula gayung ni hindi niya alam maging ang hitsura ng babae sa propesiya?

Kailangan ng simulan ni diyosang Tala ang paghahanap sa babae na siyang tinutukoy ng propesiya ng mga ermitanyong manggagaway ng Banahaw. Kailangan na niyang simulan ngayon ang paghahanap sa babae.

Gamit ang tungkod ni Bathala ay buong puwersa nitong ipinukpok ang bahaging puwitan ng tungkod sa lupa. Sa isang iglap ay isa-isang naglitawan mula sa lupa ang sanga-sangang maninipis na kidlat na pumalibot kay diyosang Tala at sa isang kisapmata ay tila may kung anong puwersa ang humigop sa kanya mula sa kalangitan at naglaho sa kanyang kinatatayuan.
-----------------------
Matiyagang naghihintay pa rin si Laurea sa tore ng palasyo na kung saan siya iniwan ni Anilaokan kanina. Hindi pa rin niya kayang pigilan ang kapangyarihang bumabalot sa kanya para maging sunod-sunuran kay Anilaokan. Malapit ng lumubog ang araw sa kanluran at wala pa rin ang pinuno ng mga itim na diwata.

Alam ni Laurea na noon pa man ay nagkagusto na sa kanya si Anilaokan. Hindi niya ito pinansin sapagkat wala naman siyang narardamang pag-ibig para sa lalake. Ipinakilala siya ng kanyang kapatid na si haring Sinukuan nang minsang bumisita sa kanila si Anilaokan sa bundok ng Arayat.

Simula noon ay naging masugid niyang manliligaw ang lalaking diwata. Pero ang puso ni Laurea ay pagmamay-ari na ng isang lalakeng mortal.

Labis na dinamdam iyon ni Anilaokan kaya gumawa ito ng paraan para mawala sa landas niya ang lalaking mortal na nagmamay-ari na sa puso ng pinakamamahal niyang si Laurea. Pinatay ni Anilaokan ang kauna-unahang pag-ibig ni Laurea kaya gayon na lamang ang galit nito sa lalaking diwata.

Makapangyarihan si Laurea. Higit na mas makapangyarihan kaysa kay Anilaokan kaya kahit gaano pa ang pagpupumilit na makalapit ito sa diwata ng Alaya ay di nito magawa.  Hanggang sa pinamunuhan nito ang pag-aaklas laban kay Bathala at pinarusahan siya bilang kauna-unahang aswang sa mundo ng mga tao.

Nakaramdam ng kasiyahan si Laurea ng mabalitaan niya ang kinahinatnan ni Anilaokan. Tila nabunutan siya ng tinik at nagkaroon rin ng hustisya sa pagpatay ni Anilaokan sa kanyang mortal na kasintahan na ipinagluksa rin niya ng mahabang panahon.

Pero ngayon ay naging bihag siya ni Anilaokan at higit na mas makapangyarihan kaysa noong una itong nagpakita ng interest sa kanya. Matatakasan pa ba niya si Anilaokan? Hindi siya puwedeng mawalan ng pag-asa at alam niyang makakawala rin siya sa kapangyarihan ng itim na diwata.

Mula sa himpapawid ay naaninag niya ang isang nilalang na hirap sa kanyang paglipad. Pamilyar sa kanya ang nilalang na iyon at hindi siya maaaring magkamali.

"...Anilaokan?.. " ang pabulong na wika ni Laurea habang nakatitig sa nilalang na lumilipad papalapit sa kanyang kinaroroonan.

Sugatan si Anilaokan sa kanyang mga kamay at paa. Muntikan na itong matumba pagtunton ng mga paa nito sa sahig ng tore ng kastilyo. Mabilis namang sinalubong ni Laurea si Anilaokan kahit labag ito sa kanyang kagustuhan. Kung tutuusin puwede niyang samantalahin ang pagkakataong mahina si Anilaokan para ito'y patayin o kaya ay tumakas, ngunit wala siyang lakas para labanin ang kapangyarihang kumokontrol sa kanya.

"Mahal ko, tulungan mo ako!" ang wika nito kay Laurea.

"Anong nangyari sa'yo mahal na Anilaokan?" ang tanong ni Laurea habang tinutulungan sa paglalakad si Anilaokan. Kitang-kita niya ang mabilis na pagdaloy ng maitim na dugo sa mga kamay at paa ng diwata.

Imbes na sagutin ni Anilaokan ang tanong ni Laurea ay mahigpit na yakap ang naging tugon nito sa kanya.

"Mahal na mahal kita Maria, hindi ko hahayaang may gawin silang masama sa'yo. Kahit buhay ko itataya ko huwag ka lang nilang papatayin." ang sabi ni Anilaokan at hinalikan niya ang noo ni Laurea ng buong pagmamahal.

"Anong ibig mong sabihin, mahal na Anilaokan? " ang nagtatakang tanong ni Laurea.

Hinawi ni Anilaokan ang buhok ni Laurea papunta sa likuran ng kanyang tenga at ipinako nito ang kanyang mga mata sa mga mata ng babaeng diwata.

"Basta kahit na ano mang mangyari, ako ang magiging tagapagtanggol mo at hindi ko hahayaang dumampi kahit man lamang ang kamay ni diyosang Bulan sa iyong katawan. Poprotektahan kita kahit kay kamatayan. Ganyan kita kamahal Mariang Sinukuan. Mahal na mahal kita. "

Tila nag-iwan ng kurot sa dibdib ni Laurea sa narinig nito kay Anilaokan. Hindi niya mahal ang lalaki at hindi niya masusuklian ang pagmamahal na iyon. Hinding-hindi pa rin nito nakakalimutan ang pagpatay nito sa kanyang pinakamamahal niyang si Rafael, ang una niyang pag-ibig na isang mortal na tao.

"Kung mahal mo ako, bakit hindi mo ako pakawalan at hayaan na lamang mamuhay kasama ng aking kapatid na si Odessa?"

"Hihindi, hindi ko magagawa iyan!" ang matigas na tugon ni Anilaokan at inalis nito ang pagkakayakap kay Laurea.

"Nakikiusap ako kung mahal mo talaga ako, pakawalan mo na lamang ako at hayaang mamuhay ng tahimik sa Alaya." ang pagsusumamo ni Laurea at hinawakan niya ang kamay ni Anilaokan.

"Hindi ko magagawa yan mahal ko. Hinding-hindi ko na hahayaang mawala ka pa. Ilang libong taon kitang hinintay para makasama lamang ng ganito."

"Nakikiusap ako. Kung totoo talaga ang inilalaan mong pagmamahal sa akin." ang halos maiyak sa pagmamakaawa si Laurea.

Tumayo lamang si Anilaokan at nagsimulang lakarin ang hagdan ng tore pababa sa palasyo. "Tumayo ka na riyan at gagamutin mo pa ang mga sugat ko, pinakamamahal kong Mariang Sinukuan."

"Oo aking mahal na Anilaokan." ang naging tugon ni Laurea at sumunod ito kay Laurea patungo sa hagdan ng tore kahit labag ito sa kanyang kalooban. 
---------------
Ilang oras na rin ang paglalakad nina Demetria, Randy kasama sina Sagaway at Alimog sa kahabaan ng Mc Arthur High way sa bahaging iyon ng Malolos, Bulacan. Sumama na rin sa kanila sina Caren, Alex at ang magkapatid na sina Margaux at Adrian na paika-ika dahil na rin sa mga natamong sugat sa katawan.

Tahimik ang lahat sa kanilang paglalakad at kapwa hindi alam kung saan ang kanilang destinasyon. Sa gawing kanluran ay kitang-kita na nila ang ginintuang araw na unti-unting sumisilip sa mga mabababang ulap.

Huminga ng malalim si Margaux na namumugto pa ang mga mata. Pagod, gutom at puyat ang kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon na natitiyak din niyang ganoon din ang nararamdaman ng kanyang kuya Adrian. Namamaga ang paa ng kanyang kuya at dumadaing na ito ng mainit na pakiramdam. Sabi ng kanyang Tito Alex ay hahanap sila ng gamot kapag may madaanan silang botika sa kalsada.

Iginala ni Margaux ang kanyang paningin at ilang oras na rin niyang hindi nakikita si ate Caren niya. Saan nga ba siya nagpunta? Tumingala siya sa himpapawid at kitang-kita niya ang Malakat na si Alimog na tila isang napakalaking ibon na lumilipad-lipad upang masigurong ligtas ang paligid na nilalakaran nila.

Ilang saglit lang ay may nakakasalubong na silang mga iilang mga tao sa kalsada na gustong lumapit para makahingi ng limos na pagkain, pero sa tuwing makita si Sagaway at ang lumilipad na si Alimog ay kaagad na kumakaripas ng takbo ang mga ito para magtago.

Napatingin si Demetria kay Sagaway at palihim na ngumiti. Kumindat siya kay Randy at sinuklian din niya ito ng ngiti. Tinapik ni Randy si Sagaway para tawagin si Alimog para bumaba muna at gayon nga ang ginawa ni Sagaway.

Pagkababa ni Alimog sa lupa ay saka sumakay si Sagaway sa Malakat para hindi na matakot sa kanila ang mga taong matagal-tagal na ring nabubuhay sa takot simula ng lumusob ang mga anak ng buwan. 

Pagdating nila sa pinaka sentro ng lungsod ng Malolos ay minabuti na muna nilang magpahinga sa harapan ng simbahan ng Barasoin para doon muna magpahinga ang mga bata at makapahanap ng pagkain.  Wala pa rin si Caren at nababahala na rin si Margaux na baka iniwan sila nito.

Halos mayroong isang daang katao ang naroroon sa loob ng makasaysayang simbahan. Karamihan sa mga ito ay nakapila para sa rasyon ng lutong pagkain na ipinamimigay ng pari at iilang mga opisyal ng lungsod.

"Margaux, Adrian. Dito muna kayo kasama sina tito Randy at tita Demetria ninyo. Ikukuha ko muna kayo ng makakain at ihahanap ko ng gamot sa lagnat at impeksiyon si Adrian." ang sabi ni Alex sa dalawang bata.

"Tito Alex, bakit wala si Ate Caren? " ang tanong ni Margaux.

"Naghahanap siya ng makakain natin. Hinahanapan rin niya ng gamot at tubig na maiinom si Adrian." ang tugon ni Alex kay Margaux.

Bago tumungo sa pila si Alex ay sinalat muna niya ang noo at leeg ni Adrian. Pakiramdam ni Alex ay lalong tumaas ang lagnat ng binatilyo. Naging maputla ito at medyo bumilis ang mabababaw na paghinga. Tuyo ang maputla nitong mga labi at namumula ang naluluhang mga mata. Awang-awa si Alex sa kalagayan ng bata. Hindi niya hahayaang may masamang mangyari ito sa kanya kaya hahanap siya ng paraan para bumuti ang lagay ni Adrian.

Nababahala na rin si Randy sa kalagayan ni Adrian kaya pinuntahan niya si Alex para tulungan ito sa pagkuha ng pagkaing ipinamimigay sa simbahan.

"Kumusta na ang anak mong lalake, brod? " ang usisa nito kay Alex.

"Lalong tumaas ang kanyang lagnat, marahil ay nagsimula ng kumalat ang impeksiyon sa kanyang katawan. Kailangan niya ng doktor na titingin sa kanya, pero sa sitwasyon ngayon mahirap humanap ng doktor. Ang pag-asa lang ay makahanap ako ng antibiotics para mawala ang impeksiyon sa katawan niya. Saka hindi ko anak si Adrian, hindi ko sila mga anak. Pero, ganon na rin ang turing ko sa kanila." ang tugon ni Alex.

"Tutulong ako sa'yo na makahanap ng doktor at gamot na antibiotics para kay Adrian. Si Demetria na muna ang titingin sa mga bata."

"Salamat... " ang tugon ni Alex at pilit na ngumiti.

"Alex!" ang tawag sa kanya ng isang boses ng babae.

"Ate Caren!" ang sigaw ni Margaux.

Napalingon si Alex at nakita si Caren na may dala-dalang mga pagkain at mga gamot. Patakbong nilapitan niya si Caren na tila nabunutan ng tinik sa kanyang dibdib.

"Salamat at nakarating ka na. Kanina pa nag-aalala sa'yo si Margaux. Saan ka ba nagpunta?" ang may pag-aalalang tanong ni Alex.

Lumapit na rin sina Demetria at Randy sa kanila upang malaman kung saan nagpunta si Caren.

"Nanguha ako ng mga pagkain lalo na sa mga bata. May mga iilang mga groceries ang hindi pa napapasok ng mga tao at marami-rami ring mga de latang pagkain at instant noodles ang aking nakuha. Kumuha na rin ako ng sabon at mga bagong damit na maisusuot. Siyempre yung antibiotics at pang-linis ng sugat na para kay Adrian." ang kwento ni Caren na natutuwa na nakabalik na rin siya sa kanila.

"Salamat Caren, salamat at mapapanatag na ang aming loob para sa kaligtasan ni Adrian." ang wika ni Alex.

Ngumiti lamang si Caren sa pasasalamat ni Alex. "Siya nga pala kumuha na rin ako ng gamit na paglulutuan at mga camping tent na magagamit rin natin sa ating paglalakbay. " ang dagdag pa ni Caren.

"Ha? Pa...paano mo nadala ang lahat ng iyan?" ang nagtatakang tanong ni Randy.

Muli ay ngumiti si Caren na tila kinikilig tulad ng isang teenager. "Sa tulong niya, ihhhh!!!" sabay turo sa pamilyar na mukha na patungo sa kinaroroonan nila. Halos magkandakuba ito sa pagbuhat sa malaking kahon sa kanyang balikat.

Sabay-sabay namang tumingin sina Alex, Randy,  Demetria at ang dalawang bata sa lalaki.

"Father Mexo?" ang sinambit na pangalan ni Margaux ng masiguro kung sino ang lalaking papalapit sa kanila.

Nakangiti lamang si Caren habang pinagmamasdan ang guwapong pari, habang mabilis namang sinalubong ng dalawang lalaki ang hirap na hirap sa pagbuhat na si Father Mexo.

Continue Reading

You'll Also Like

79K 2.4K 39
Stone Academy. Ito ay nakatampok sa Stone World; ang mundo na binuo ng labing-dalawang gemstones. Ang Stone Academy ay ang paaralan kung saan itinutu...
243K 6.1K 35
Zanelli Terrington has a few more months to live. Just like her past lives, nothing changes as she is still the 2nd princess of the Kingdom of Hawysi...
3.5K 71 53
Girlie Justine Samalca is a secret agent who disguised as an assistant detective. As a request from his twin brother, Ignacio Santiago, she enters th...
37.5K 922 45
(SHINEYA BOOK 2. For further information and details, read first the FIRST BOOK!) The SEARCH is over. When the secrets are unleashed, she is revealed...