Vandals (Short Story)

By katenicooole

144 2 0

"..Those vandals, made my world colorful." - Katherine All Rights Reserved. 2014, CupKateNicole More

Part II

Vandals (Short Story)

123 1 0
By katenicooole

Vandals (Short Story)

Copyright © CupKateNicole, 2014

All Rights Reserved.

-

Duh. Super hirap-slash-boring naman ng subject na 'to? Fundamentals of Accounting? Nakakadugo naman. Hemorrhage na ang abot ko rito eh. E sana 'di ko na lang 'to kinuha.

"Class listen."

*Yawn* "Ahhhhhhwhwh."

"Sleepy, Miss Lopez huh?"

"Sorry ma'am."

Wenks. Muntikan na ako masapol doon ah. Buti na lang, nako buti na lang.

Kinuha ko yung ballpen ko at nagsulat sa armed-chair na inuupuan ko ngayon which is made of wood kaya keri naman.

First person ata ako na magvavandal dito? Hahaha. Bawal ba 'to sa kolehiyo? Eh, wala eh. Newbie lang ako dito. Freshmen lang po. Sorry.

At nagvandal nga ako. Isinulat ko roon ang pangalan ko.

KATHERINE :)

With smiley pa 'yan ah. Kung 'di niyo naitatanong isa akong rule breaker noong hayskul. Bago ako grumaduate eh nagvandal kaming magkakaibigan sa c.r., sa benches, walls at ultimo sa ilalim ng mesa namin.

But still, hindi naman ako ganoon kasama. Grade concious pa rin naman ako kahit papaano 'no. Syempre, hayskul 'yon eh. Tema naming magkakaibigan ay "Living young, wild, and free."

At ngayon. Feeling ko hindi na uubra ang ganoong pananaw ngayong college. Dahil first and last vandal ko na ata 'to hanggang maka-graduate ako dito dahil--

"Miss Lopez? What're you jotting down?"

"Uh-err-notes ma'am! Yes notes po." tuliro kong sagot sa aking prof.

Thanks sa diary ko na nakalagay sa may armed-chair ko. Agad kong tinapkan yung vinandal ko at nagmistulang nagsusulat nga ako at nakikinig sa klase.

"Tsk. Tsk. That's all class. Goodbye. See you next..."

"Next year." pabulong na sinabi ng katabi kong babae.

"See you next meeting."

Sa isip ko, loko 'tong katabi kong 'to ah. Buti na lang mahina pagkakasabi niya. At I think magkakasundo kami.

"Um. Hello!" masiglang bati ko sa kanya.

"Hi! Ikaw si Katherine alam ko, at ako si Kate."

"How d'you know mah name?" maarteng kong tanong.

"Nagsulat kah kanina sa upuan moh keya." sagot nito na naka-maarteng tono rin sabay nguso sa may desk ko.

"Ay hehe. Kate pala ikaw."

"Oo Kate ako. Katherine ikaw. He-he-he."

Kung kalog ako, etong babaeng kaharap ko, na-KALOG ata ang utak.

"Hi-hi. Ano next class mo?" pagtatanong ko.

"Communication. Ikaw?"

"Same!" ngiting-nguti kong sagot.

At nag-umpisa ang aming friendship. Charut lang.

"Gumora na tayo sa next class natin." sabi ko kay Kate.

"Okiedokie!"

*boooogsh*

Shutang inerns. Nahulog yung envelope ko. Nabuksan tuloy at nagkanda kalat-kalat mga papeles ko sa may sahig. (Papeles ang term?! Taray.)

Kainis naman ih. Nandoon yung checklist ko tapos copy ng schedule ko. At pati na rin ang--SHOOT. Identification Card ko. (Isa pa Katherine, simply just say I.D. Okay?)

"Fuk. Nawawala I.D. ko Kate!"

"Teka tih. Help kitang ma-find ang i.d. mo."

5 mins left. Malapit na ang susunod naming klase. Tae.

"Kate, umm."

"Yiiz mahdear?" sagot niya habang naghahanap sa mga sulok.

"Tara na sa next class. Later na lang natin i-resume ang paghahanap. Malay natin baka ma-lost and found si I.D." sabi ko na lang.

"Sabi mo e. 'Di bale na. Basta. Pag naharap ko rin yung lalaking bumangga sa'yo isusungalngal ko muna 'yong I.D. mo sa bibig niya."

"Lalaki? Bumangga? Sa akin?"

"Ayjuskomaryano. Oo teh. Nagkabanggan kayo shumabog ang inbilop mo."

Uu nga pala 'no. Nalimuts ko 'yon ah. Pisting lalaki. 'Di man nag-offer ng help?! Nakaka-stress.

"Lagot talaga 'yon sa atin, sa akin! GRRR!"

At padabog kaming umalis with taas-kilay look kaming dalawa.

-

The next day.

"Kat!" tinawag ko si Kate sa palayaw na ibinigay ko sa kanya. Naglalakad siya sa may corridor.

"Theri huy!" bansag naman niya sa akin from my name kaTHERIne.

Kasalukuyang late kami sa una naming klase na Fund.of Accntng.

"Late na tayo!!!" sigaw namin habang magkaharap.

And we, two, joined hands and run as fast as we can. Climb the stairs swiftly. At sa wakas. Nakaabot na rin kami sa fifth floor room 408A kung saan kami patungo.

Hingal na hingal kaming naggreet sa aming prof.

Safe! Good vibes si prof. Nag goodmorning din at pinaupo na kami. Mayroon kaming seating arrangement. Bwiset. Uso pa rin ba 'to sa kolehiyo? O trip lang netong ma'am namin?

Pero thank goodness. Si ateng Kate katabi kows. Rember nung unang klase? Katabi ko na kasi siya. Hindi na kami pinaalis doon sa mga chair namin. Yung iba hindi din, yung iba naman pinalipat.

Anyways, umupo na kami ni Kate. At nagchikahan ng pasikreto.

"Charos ka 'te. Phone call ba naman hanggang 2 a.m.?"

"Kinaya naman ng powers natin makahabol eh. Besides, we were just 10 mins late 'no." sabi ko.

Habang pinipilit kong intindihin ang leksyon, 'di ko pa rin maiwasang maghikab. Payuko na ako sa desk ko nung nakita ko na may nagsulat sa upuan ko! Aha! 'Di lang ako ang iresponsableng estudyante sa unibersidad na ito!

Ang sabi niya,

Katherine what a pretty name.

Maliit lang ang mga sulat niya. Kaya kahit medyo mahaba marami pang espasyo para makapag-reply ako sa sinabi niya. Dejoke. Magrereply nga ba ako?

Why not coconut? Walang mawawala.

The girl who owns that name is pretty too.

The feels~ Hoho. Ang effort ko magreply. Mas mahaba pa sa sinabi niya. At sa lahat ng feelingera ako na ang dabest. Eh? 'Di ko naman kilala 'tong kausap ko eh. Pero I'm not that ma-feeling talaga ha? (Komo-konyo lang eh 'no?)

At pasalamat siya. Ang precious teddy pen ko pa ang ginamit ko para replyan siya.

-

"Ma. Alis na ako. Mwaa!"

"Ingat ka 'nak."

Nagtext muna ako. Group message.

Off to Loading/Unloading sign.

Good Morning world! :))

Take care fellas. Ü

Gm.

Finally, nakarating na rin ako sa tinutukoy kong Loading/Unloading sign.

Ito ang sakayan at babaan ng mga tao.

Patapak na ako papuntang loob ng jeepney nang nagvibrate ang phone ko sa bulsa.

Hahablutin ko na ito nang--ini-snatch ito--joke--nang biglang may nakasagian ako ng balikat. At ang sabi ni kuyang full of rudeness.

"E-excuse nga."

Duh. Wala man lang 'Sorry poooo.' ni Chichay, akong marinig mula sa kanya! Napaka-rude talaga. Siguro isang deliquent ang isang 'to. Napakabastos na lalaki e.

At ayun. Pumasok ako nang bad mood.

"Oh? Bat nakabusangot ang aga aga?"

"Naasar ako nung pasakay ako ng dyip eh."

"Bakit?"

'Di ko na nasagot ang tanong ni Kat nung pumasok na ang prof namin sa Fund.of Accntng.

Umayos kami ng upo.

Tingnan ko ang desk ko.

Pero walang reply. Shotaks. Asar nomon.

Aba aba Katherine. Naasar ka dahil hindi ka nireplyan? E napaka-nonsense lamg naman 'yon.

Mas na-bad mood talaga ako. Haaaist.

After an hour and a half natapos rin maglecture. May naintindihan dinnako for today at ginaganahan na sa Accntng.

Kukunin ko na sana ang bag ko sa may back chair ko nang makita ng dalawang mata ko na may vandal!

Nakasulat roon,

By the way, Rince is my name. ♥

Astig neto ah? Ay mali, hindi astig. Ang gay. May heart ba naman sa dulo. Okay na sana eh. Formal ang pagkaka-intro niya, napaka-manly, tapos sa dulo? May puso?

Cute ng name ah. Rince. Parang bisaya pronounciation lang ng Renz. Hahaha. Rince as in parang rinse? O baka Rayns? E basta. Lalaki siya. At eto pa ang hypothesis ko, baklush ang loko. May heart ba naman sa dulo?

Na-good vibes ako rine.

Nga pala. 'Di ko na lang nireplyan. Para sa huli. Tinta niya ang nasayang.

Kung ako ACC I-B, siguro siya ay ACC I- A. Magkakasunod lang kasi ang time/subjects namin.

-

Lumipas ang isang linggo.

Wala na ding nagreply. Yun na ang pinaka-last na sinulat niya. Yung may heart. Pffft. Hahaha.

"Huy. Natawa ka kanina pa? Bakit?"

"Ah. Wala teh. Nevermind. Hahaha."

"Share share?!!" sambit sa akin ni Kate.

"Ganito kasi yan..."

At sinimulan ko nang ikwento lahat lahat ng about sa vandals.

She was like --->

(O.O)

(*.*)

( <3 - <3 )

Na-amazed ang loka si kinwento ko.

"Theri, push mo yan! Pang wattpad ang story mo/niyo. Yiiz may love life na."

"Loka. Tara na nga. Ma-late pa tayo!"

"Woshuu. Kilig ka naman diyan."

"Bakla 'yong chorvang 'yon 'no."

Tapos nagmake face lang si Kate.

Nasa room na kami.

Binaba ko yung books ko sa armed-chair ko at nagulat.

0916******* - Rince

Biro mo? Binigay ang number? Hahaha. Bading talaga 'to.

Paano kaya kapag may ibang nakakita nito dito. Pero sabagay, matalino 'to. Naka-lapis eh. Pwedeng burahin. Hahaha.

Syempers na-curious ako kung sino 'to. Tinype ko sa phone ko ang number niya.

'Di naman siguro hazardous 'tong pinasok ko ano?

At dahil nga may natatangi akong kabaitan binura ko na yung number niya sa desk. Baka kasi kumalat. Ito ang hazardous. Hahahaha.

"Ket. Huy Ket."

'No ba 'tong katabi ko masyadong abala sa pakikinig sa lesson.

"Ket!" sigaw kong pabulong. Hahaha. Na-apply ko na rin ang tinatawag nilang sigaw na pabulong.

"Kabayo ka! Ginulat mo ako. Wala ako sa wisho makipagchizmax. Bakit ba?"

"Sinulat niya number niya rito sa may desk oh."

"Shota--mmm.. Hmpmm!"

Tinakpan ko bunganga. Kamuntikan na kami marinig.

"Ssshhh!" pagsaway ko kay Kate.

Tumango lang siya at sumenyas na ibigay ko raw number ni Rince sa kanya.

At nag lip sync lang ako ng 'Latuur.'

-

Pagdating sa bahay, nahiga ako kagad. Napagod ako. Akala ko keribam ko ang PE. Battery testing palang sumakit na katawan ko. How much more kung basketball na?

Hinablot ko ang cellphone ko.

Pinindot ko ang sign ng Create Message.

At heto. Ewan ko kung anong elemnto ng mundo ang nagpush sa akin na magtext kay Rince.

Hello. Katherine nga pala.

Binura ko. Nagtype ulit.

Um. Hello?

Mali. Mali! Binura ko ulit.

Hey Rince! :)

Erase. Erase. Just simply---

Hello.

send to *Baklush*

Message sent!

Viola!

After two minutes,

My phone vibrates.

1 message received

Binuksan ko ang mensahe.

"Shotaks." tinapon ko ng mahina ang pohone ko sa kama dahil sa pagka-dismaya.

From: 4438

TM ASTIG REWARDS: May 24.60 available points ka as of April 24, 2014. Load lang nang load para makaipon ng points pang-redeem ng rewards. Text ITEMS to 4438 para malaman ang mga rewards na maaaring ma-redeem.

-

Another 2 minutes,

My phone vibrates, again.

(Talagang every after 2 mins ha? Ano 'to naka-sched?)

1 message received

From: *Baklush*

Hi. Who's this?

Oo nga pala 'no. 'Di niya alam na ako yung vandalmate niya. Hahaha.

It's me. Katherine.

send to *Baklush*

Message sent!

After 15 minutes. Oh-yes. It took him 15 minutes just to reply...

From: *Baklush*

.

A dot? A period?! E walang ni isang sentence or word, bakit siya gumamit ng punctuation na ito?!

Tapos nag vibrate ulit yung cellphone ko.

From: *Baklush*

Your simple text made me smile. You made my day. I don't know why. :)

Napangiti rin ako sa sinabi niya. Aba eh kayo ba naman may mapangiting tao? At makabuo ba naman ng araw ng iba? 'Di ba't karangalan na iyon?---

T-teka. Did he just said I made his day? GM ba 'yon?

Ahh. 'Di ko na lamg nireplyan. Medyo kinilig kasi ako. Hehehe. Dejoke. Landi ko talaga.

Itulog ko na nga lang 'to!

After 3 hours. Mulat pa rin mga mata ko.

Pisti kang Rince ka! Bumabagabag ka sa utak ko! I can't sleep.

Siguro tama nga si Kate. HIndi siya bakla.

-

At syempre dahil bangag ako, inaantok ako sa unang klase ko. Nagvibrate bigla yung phone ko. Nako buti na lang naka-silent mode 'to.

From: *Baklush*

Good morning Katherine. Hehe. :)

Naks naman 'tong Rince na 'to. Replyan ko na nga.

Goodmorning rin. :]

Message sent!

"Hoy. Text pa po. Para mahuli ka. Inlababo kasi." pang-aasar sa akin ni Kate.

"Tigilan mo 'ko ha? Nako. 'Di ako inlove." sabay belat ko sa kanya.

Break time! Yiiz. Makaktulog na rin ako. Kung nagtataka kayo na imbes lumamon eh matutulog ako, eh puyat talaga ako. Rince kasi eh. Charot. Hanu kaya hitsura ni koya? Wafuu kaya? O wafez?

Uh. Anyways. But ko nga ba iniintindi 'yon? Hahanap na ako ng bench na mahihigaan. Yung kakaunti lang ang pipols.

At after 15 mins ginising na ako ni Kate dahil may next class na kami. So, ayun. Normal afternoon for me. Wala namang bagong vandal sa upuan ko sa room na 408A. Well, life goes on.

Umuwi ako ng bahay, nagluto, naglinis ng kwarto, at napagdecide-an ko na matulog na. pero wag ka, nagvibrate ulit ang selpon ko.

From: *Baklush*

Katherine. Hi?

Puro PM's natatanggap ko mula sa lalaking 'to ha? HIndi ba uso ang GM sa kanya? Nyaaaks.

Reply ko,

Oh. Hello!

Tapos...

From: *Baklush*

How's your day? :D

Me:

Keri lang. Ikaw?

From: *Baklush*

Sad. :(

Me:

Why naman Rince?

From: *Baklush*

Di kita nakita eh.

Me:

Ha?

From: *Baklush*

Absent kasi ako. 'Di tuloy kumpleto araw ko.

Me:

Haha. :D Ano ako Centrum? Loko.

From: *Baklush*

NO. Ikaw ay isang Araw.

Me:

Araw? As in Sun? Huh?

From: *Baklush*

Absolutely. :))

Me:

Bakit naman?

From: *Baklush*

Kasi you light up my day. :)

Me:

Banatero. :D

***

Hindi pa diyan natatapos ang convo namin. Hanggang 11 pm na natapos ang usapan namin. Nag good night na ako para naman bukas ma-lessen ang pagkapuyat at medyo makabawi ng sleep.

Dami namin napagkwentuhan ni Rince. Ultimo yung prof namin sa Fund.of Accntng. Hahaha. Tama ang hinala ko dati, ACC I-A siya. At nakakatuwa dahil parehas pala kami ng lugar na pinagsasakyan ng jeep. Nag-offer pa nga siya na sabay naman kami minsan. Sabi ko okay lang. Pero sana naman ang first naming pagkikita eh yung casual naman. I mean sa school kung pwede. 'Wag naman sa sakayan ng dyip.

So ayun. Medyo magaan napakiramdam ko sa kaniya dahil sa ilang oras naming magkatext todo spill out siya kung sino siya, kung anong faves niya, mga ganoon ba. Nakakatuwa nga dahilsa mga simpleng bagay tulad ng food, places, color ay pare-parehas kami ng gusto. Minsan super contrast naman. Tulad na lang ay naniniwala siya sa gabito, ako naman hindi. We are getting to know each other nga talaga.

Oras na ba para palitan ko na ang name niya sa contacts ko? Kasi... Definitely. He is a boy.

-

Kinabukasan, isang unos na naman ang aking hinarap.

"Ma'am until now naman hinahanap ko pa rin 'yon ma'am eh. Actually kulang na lang po pati sulok dito, at mga basurahan kalkalin ko na po."

"None of your excuses Miss Lopez."

"Sorry ma'am."

Ni-report lang naman ako ni kuyang guard sa isang non-teaching staff dahil ilang linggo na nawawala ang I.D. ko. Gosh. Kailngan ko talaga mahanap iyon! Wala pa rin hanggang ngayon sa Lost and Found. So sad. Full of dismay every single day. Chariiing~

Wala ako nagawa. Nag-group message na lang ako sa lahat ng kakilala ko dito sa university na may numero sa akin.

Hey guys!

Sinong nakakita ng i.d ko na nawawala mahigit dalawang linggo na ata?! Crap!

Please. PM me. :(

- Katherine

After 3 minutes, my phone beeps.

From: *Rince*

After ng last period mo kita tayo. Sa may gym. :) Hope to see you Kath.

--> Part II

Continue Reading

You'll Also Like

141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
171M 5.6M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
71.5K 2.3K 19
Dylan had only three goals: beat Yno, crush Yno, and surpass Yno. It was always about Yno. Ever since high school, Dylan had a strong dislike for him...
41.4K 838 43
Ekaanta is a nobody in their school at ang gusto lang niya ay mag-aral ng maayos at tahimik, pero hindi niya inaasahan na sa dinami-rami ng estudyant...