Ang Lihim ng Lunangayin

By FilipinoFiction

74.9K 3.3K 719

Ito ay nobela tungkol sa sinaunang paniniwala na patuloy na ginagawa sa isang liblib na barrio sa Norte. Mist... More

Ang Lihim ng Lunangayin
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Epilogo 1.1
Epilogo 1.2

Chapter 20

1.6K 59 16
By FilipinoFiction

Kalaunan, tinawag ang mga alay na Lunayin. Ang Lunayin ay galing sa salitang Luna na ang ibig-sabihin ay buwan, at Nayin na tumutukoy sa pangalan ng bundok. Pinaniniwalaan na ang mga espirito ng alay ay nakikipag-ugnayan sa mga nilalang ng kabundukan na siyang tumutulong na magbantay sa lupain ng Lunangayin.

Nagpatuloy ang tradisyon sa mahabang panahon. Ang kasunduan ukol sa pag-aalay ng mga asawa ng may-ari ng lupain sa barrio – sa taon ng kanilang apatnapung kaarawan – ay nagsimula sa panahon nina Krisanto. Bukod sa kadahilanang lahat ng mga asawang naging Lunayin ng panahong iyon ay nagkataong nasa edad na apatnapu, pinaniniwalaan na ang bilang na apatnapu ay sumisimbulo sa sakripisyo, pagluluksa at kamatayan. Kung kaya't ito na ang sinunod ng mga sumunod na henerasyon. Ngunit sa mga ordinaryong taon ng pag-aalay, kung saan ang mga karaniwang magsasaka ang maghahandog, walang panuntunan sa edad ng Lunayin.

Makalipas ang dalawang henerasyon, nagkaroon ng bagong kasunduan ang mamamayan sa barrio. Pinili nilang bahagyang magluwag sa patakaran para sa mga asawang Lunayin. Maaari nang mailigtas ang mga ito kung mayroon silang maiaalay na buntis na nakatakdang magluwal ng babaeng sanggol sa pagsapit ng bilog ng buwan sa tag-init. Maaaring ihandog ang alay na ito bago pa man tumuntong sa edad kwarenta ang nararapat na Lunayin.

Tulad ng nangyari sa unang ina na nagsilang ng anak sa gitna ng bukirin, hahayaang mamatay ang alay na ito sa panganganak kasama ng kaniyang sanggol. Subalit, kung ang magiging anak nito ay lalaki, nararapat na muling kumuha ng bagong Lunayin ang pamilya sa taon ng pagtuntong ng asawa sa edad na apatnapu. Ngunit hindi na kinakailangan na ang susunod na alay ay nagdadalang-tao.

Eto ang nangyari sa tunay na ina ni Lino, walong taon na ang nakalipas.

Nakilala nina Barbara at Berto si Melba sa isang bayan na may kalayuan sa barrio. Disyembre noon, malamig ang hanging dumadampi sa mukha ng mga tao. Habang naglalakad pabalik sa kanilang sasakyan ang mag-asawang Berto, napansin nila ang isang batang babaeng may katabaan na nakaupo sa kabilang gilid ng kalsada na tila ba ginawang balabal ang dyaryong nakabalot sa kaniyang katawan. Para bang nadurog ang puso ni Barbara sa nakita niya. Kaawa-awa ang hitsura ng maruming batang babae na mukhang hindi nalalayo sa edad ng panganay nilang anak na si Nina.

Nilapitan nila ito at tinanong. Doon, napag-alaman ng mag-asawa ang kaniyang pangalan at edad. Labing limang taon lamang ang babaeng si Melba – matanda lamang ng dalawang taon kay Nina – galing sa malayong lugar na napadpad lamang sa bayang iyon sa dahilang itinanan siya ng kasintahang hindi naman pala siya kayang panagutan. Isang lingo na siyang nanghihingi ng limos at palibot-libot sa bayang iyon dahil iniwanan siya ng kasintahan sa hindi maliwanag na dahilan. Sa kasamaang palad, naiwan siya sa lugar na iyon ng walang pera, walang kakilala at walang sariling tirahan. Pinalala pa ang lahat ng kaniyang maselan na kalagayan. Si Melba ay limang buwang buntis sa kaniyang kasintahan.

Naawa si Barbara sa kalagayan ni Melba, kung kaya't hinimok niya itong sumama sa kanila at doon na manirahan sa kanilang tahanan. Nais sana ni Melbang humingi na lang ng kahit maliit na tulong pinansyal upang makauwi na lang sa kanilang lugar. Ngunit dahil sa sobrang layo nito, mahihirapan siyang maglakbay mag-isa lalo na sa kaniyang kalagayan. Kung kaya't pumayag na siya sa alok ng mag-asawa na sa kanila na muna manirahan hanggang makapanganak. Lubos ang pasasalamat ni Melba sa kabutihang pinakita nina Barbara at Berto.

Kinupkop nina Barbara si Melba at ipinakilala ito sa kanilang mga anak. Naging maayos ang turing ni Nina dito ganoon din ang kapatid na si Luna. Sa loob ng ilang buwang pamamalagi ni Melba sa bahay nina Berto, naging malapit na magkaibigan sila ni Nina.

Maayos ang naging kalagayan ni Melba sa piling ng pamilyang kumupkop sa kaniya. Binihisan siya, pinakain, inalagaan, binigay ang pangangailangan ng isang buntis. Ngunit nang sumapit ang buwan ng Marso, sa ika-walong buwang pagbubuntis ni Melba, isang malagim na kaganapan ang nakatakdang mangyari.

"Parang hindi ko kaya," iling ni Barbara sa kaharap na asawa.

"Hindi ba't kaya nga natin siya kinupkop ay para pumalit sa'yo bilang Lunayin?" tugon ni Berto. Bumaling ito ng tingin sa mga nakapaligid na sako-sakong palay na nakaimbak sa malaki nilang kamalig. "Tapos na ang anihan. Bukas ihahatid na itong mga palay sa kabilang bayan. Ilang araw mula ngayon sasapit na ang kabilugan ng buwan. Dapat na tayong magsimula ng preparasyon sa makalawa para sa itinakdang araw."

"Ngunit, napakabata pa ni Melba," muling umiling si Barbara. "At sa ilang buwan niyang paninirahan dito, parang magulang na rin ang turing niya sa atin, at parang anak na rin ang tingin ko sa kaniya."

"Hindi ba't sinabihan na kita noon na huwag mong hayaang mapalapit ang loob mo sa kaniya?" kunot noong sabi ni Berto. "Tandaan mo, hindi mo siya anak. Wala kang obligasyon sa kaniya."

"Hindi ka ba naaawa sa bata?"

"Hindi na siya bata," masungit na tugon ni Berto.

"Hindi ka ba nakokonsensya sa gagawin sa kaniya?"

"Hindi!" mariing sagot ni Berto. "Lalo na kung ang magiging kapalit ng buhay niya ay ang kaligtasan mo!" Huminga siya ng malalim. "Hindi namin kailangan ng mga anak mo si Melba. Ikaw ang kailangan ng pamilyang ito."

Saglit na natahimik ang dalawa. Ngunit maya-maya, ang hindi inaasahang pagpasok ng isang babae sa nakabukas na kamalig ay ikinagulat ni Barbara. Napahawak siya ng mahigpit sa silyon na kayang inuupuan.

"Naku, ikaw pala, Lisa," gulat na wika ni Barbara sa dalagang kasambahay. Noong una, inakala niyang ito si Melba dahil sa kaniyang pangangatawan, dahil ang katabaan ni Lisa ay maikukumpara sa buntis na si Melba.

Ang kanilang kamalig ay nasa bandang gilid ng kanilang malawak na bakuran. Hindi ito masyadong nalalayo sa kanilang tahanan, kung kaya't ang kanilang mga anak at si Melba ay madalas ring pumupunta rito upang mamahinga sa malapad na duyan.

"Wen, ante," sagot ni Lisa. "Pinatawag raw ako ni uncle sabi ni Rita."

"May iuutos ako sa'yo, Lisa" biglang sabi ni Berto sabay tayo sa kinauupuan.

Hinawakan ni Barbara ang kamay ng asawa. "Berto..." pag-aalalang wika nito.

"Ako na ang bahala sa lahat," sagot ni Berto.

* * *

Makalipas ang apat na araw, natagpuan ni Barbara ang sarili sa bahay ng matandang kumadrona sa kanilang barrio. Pilit niyang itinatago ang kaba habang nakaupo sa kahoy na silya katabi si Lisa. Matapos ang maagang hapunan, sinamahan niya at ni Lisa si Melba rito. Hindi niya nais masaksihan ang preparasyong gagawin ng kumdrona, subalit hindi niya magawang tanggihan ang malambing na pagpilit ni Melbang samahan siya nito.

Walang kaalam-alam ang buntis sa totoong pakay ng pagpunta sa kumadrona, ang tanging sinabi lamang ni Barbara ay ang pagpapahilot ng kaniyang tiyan, para sa paghahanda sa kaniyang panganganak sa susunod na buwan.

Ang malayo-layong paglalakad na ginawa ng tatlo patungo sa kumadrona ay nagdulot ng pagod kay Melba. Kung kaya't pagdating sa lugar ng kanilang pakay, agad siyang nanghingi ng maiinom.

Matapos niyang pinilit ubusin – sa utos ng kumadrona – ang maanghang na isang basong salabat na binigay nito, siya ay pinahiga sa isang papag na nasa gilid na bahagi ng bahay. Ang maliit na bahay ay walang dibisyon at walang kuwarto. Pagkapasok, bubungad agad ang hapagkainan na may dalawang upuan. Sa kabilang gilid makikita ang maliit na kusina, at sa isang sulok naroon ang isang papag. Bagamat ang sahig ay sementado, yari naman sa kahoy ang dingding nito at yero naman ang bubungan. Ang kumadrona ay walang anak, ang tanging kasama niya sa buhay ay ang asawang tumanda na sa pagsasaka na noong gabing iyon ay tahimik na nagpapahangin at nakaupo sa labas ng kanilang tahanan.

Sumulyap si Barbara kay Melba habang ito'y nakahiga at nakabuka ang mga binti. Nang iangat ng kumadrona ang maluwang na palda ni Melba at ito'y silipin, bumaling ng tingin si Barbara sa katabi.

Pinisil ni Lisa ang malamig na kamay ni Barbara. "Ante..." bulong ng dalaga.

Alam ni Barbara na hindi niya maitatago sa kasambahay ang pag-aalala na kita sa kaniyang kilos. Tumango na lamang si Barbara sa katabi at saka yumuko at pinagmasdan ang magaspang na sahig.

Makalipas ang ilang minuto, nagsalita ang kumadrona. Tumingin dito si Barbara.

"Ika-walong buwan pa lamang ang tiyan nito," sabi niya sa garalgal na boses. "Kaya siguradong mahihirapan ito sa panganganak."

"Bakit? Manganganak na ho ba ako? Hindi ba't sa susunod na buwan pa?" balisang tanong ni Melba. Sinubukan niyang bumangon ngunit pinigilan siya ng matanda.

"Huwag kang tumayo," inis na wika ng kumadrona. "Umayos ka't hihilutin ko pa ang tiyan mo. At huwag kang malikot nang hindi mo masagi ang gasera sa paanan mo."

Sumunod si Melba na tila ba napipilitan. Hindi na siya muli pang umimik ngunit kita sa kaniyang mga mata ang pag-aalala. Umiwas muli ng tingin si Barbara rito at bumaling muli sa sahig.

Makaraan lamang ang ilang sandali, biglang sumigaw si Melba. Ikinagulat nina Barbara at Lisa ang paghiyaw nito. Sabay silang napabalikwas sa kanilang upuan at napatingin sa buntis na nakahiga sa papag.

"Nay..." wika ni Melba sabay ungol at kapit sa gilid ng papag. Ang mukha niya ay lumukot sa sakit na nararamdaman.

Napatayo si Barbara. Sa maraming beses na pagtawag sa kaniya ni Melba ng inay, iyon ang unang pagkakataon na hindi niya lubusang mawari kung siya ba ang tinatawag nito o ang kaniyang tunay na ina.

"Mabilis pa rin ang epekto ng kumbinasyon ng pag-inom ng salbat at pagpahid sa pwerta ng dinikdik na dahon ng prambuwesas upang mapwersa ang panganganak," kumento ng matandang kumadrona na tumayo mula sa pagkakaupo sa gilid ng papag. Tinungo niya ang lamesa at inilapag dito ang boteng naglalaman ng dinurog na dahon.

"Mahi – hirapan – ba siya sa – pagluwal ng sanggol?" pautal-utal na tanong ni Barbara nang hinarap ang matanda.

"Katulad ng sinabi ko kanina, nasa ika-walong buwan pa lamang ang kaniyang tiyan, tiyak na magiging lubos na mahirap para sa kaniya ang panganganak lalo na't ito ang una," pag-uulit ng kumadrona.

"Hindi n'yo ba pwedeng... padaliin ang kaniyang – panganganak?" pag-aalalang bulong ni Barbara. "Hindi ba't may ginagamit kayong pamahid upang mapabilis ang pagbuka ng matris?"

"Hindi niya iyon kailangan," sagot ng kumadrona. "Hindi ba't ang mga Lunayin na tulad niya ay hinahayaang –"

"Nakikiusap ako," pagputol ni Barbara sa nais sabihin ng matanda. "Pakiusap. Ayaw kong –maghirap siya ng matagal." Pagpipilit niya.

Bagamat kita sa matalas na tingin ng matanda ang pagtutol, tahimik nitong tinungo ang baul sa tabi ng upuan ni Barbara at inilabas mula rito ang maliit na kristal na bote na naglalaman ng puting likido. Matapos iyon ay muli siyang pumunta sa papag at inis na sinabihan si Melba na ibuka ang kaniyang mga binti. Kahit na tila nasasaktan si Melba, wala siyang nagawa kundi ang sumunod.

Matapos pahiran ang pwerta ni Melba ng madulas na likido, nagsalitang muli ang kumadrona. "Maaari n'yo nang tawagin ang mga magbubuhat sa kaniya para dalhin sa bukid."

Tumayo si Lisa at mabilis na lumabas ng bahay na walang paalam. Samantalang si Barbara ay naiwang nakatayo sa harapan ng lamesa. Hindi nagtagal at nagdatingan na ang mga sundo ni Melba. Inilagay siya sa isang kamilya na binuhat ng apat na kalalakihan. Bago ito tuluyang makalabas ng bahay, tahimik na sumulyap si Barbara rito. Ang mga mata ni Melba na nalulunod sa luha ay tila ba sumisigaw sa pagmamakaawang siya'y tulungan.

Continue Reading

You'll Also Like

106K 1.8K 11
The suffering of humans ended when an Angel came down to Earth and punished Vampires. Hindi sila pinatay ng anghel na yon sabi ni Mama, kundi inalis...
98K 2.2K 46
Muling magbabalik sa pangatlong pagkakataon ang librong inyong tinangkilik at minahal hindi lang sa una kundi ganun rin sa pangalawa. Ang ikatlong ak...
20.1K 690 49
Ngayong magkasama na ulit ang magkababatang si Kyouko Yukito at Ren Austort. Anong mangyayari? Manatili kaya ang galit nila sa isa't isa o magkapataw...
GRETA [COMPLETED] By SOULID

Mystery / Thriller

108K 2.5K 14
Si Greta ay isang asawa na gagawin ang lahat para lang maging mapayapa at buo ang kanilang pamilya. Ngunit paano kung malaman niyang pinagtataksilan...