When she met Mr. Gangster(COM...

By MiYuRi

901K 7.9K 530

Lilinawin ko lang ha, hindi siya gangster na katulad ng nasa isip niyo. Ang "Gangster" sa panahon ngayon ay h... More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
EPILOGUE

Chapter 21

17.6K 182 6
By MiYuRi


Napapadalas ang mga labas namin ni Josh. Nagiging thrice a week na. Madalas para takasan ang mga responsibilidad niya, ginagamit niya ako. Hindi niya naman na ako iniwanan katulad ng ginawa niya noon. 

Naglakad kami sa park ng mga alas-syete ng gabi para pagmasdan ang mga ilaw ng mga buildings. "Ano nanamang rason mo ngayon?", tanong ko. "Bakit ka nanaman tumakas?"

"Wala. Ngayon, gusto ko lang lumabas.", sabi niya. Hindi na ako sumagot at tahimik na pinagmasadan ang mga buildings. "Malapit nang matapos 'tong pagpapanggap mo, alam kong excited ka na."

"Oo naman.", sabi ko. "Pero maniwala ka man o sa hinde, kahit hindi mo ako tinuturing na utusan at hired worker mo lang ako, I found a peculiar peace in you. Naeenjoy ko 'yong parang ako lang mag-isa kapag kasama kita. Kumbaga, may kasama akong mag-isa. Gets mo?"

"Oo." 

"Walang drama, maliban kapag napaguusapan ang sensitive topic. Just pure, peace.", sabi ko. " So believe it or not, I already see you as a friend."

"Me too.", sabi niya. Nagulat ako.

"Totoo nga?!", tanong ko. Tumango siya.

"You better be honored because not all people I meet could be counted as my friend. I admire your determination and wit."

"Wow, parang nag-aaward ang ah.", sabi ko. "Gutom na ako. May alam akong malapit na bilihan ng streetfoods diyan. Kumakain ka ba nun?"

"Oo naman ano bang tingin mo sa akin?", sabi niya na may annoyed expression. Ang bilis talaga magbago ng aura nito. Tumayo kami at naglakad papuntang stall nang may limang lalakeng naka itim ang lumapit sa amin. 

"Devil Slayer.", sabi nung isang mamang may mahaba ang buhok. May dalawa siyang kasamang malusog na lalaki at dalawang payat na lalaki. 

"Silas.", sabi ni Josh at tinago ako sa likod niya. "Anong kailangan mo?"

"Wala, nangangamusta lang? Sino 'to? Bago mong girlfriend?"

"Wala kang pakialam."

"Ano ka ba, parang hindi naman tayo naging magkatrabaho noon. Naalala ko noon, halos magpakamatay ka na sa bugbog dahil kay Kaye ah, iyak ka pa ng iyak."

"Umalis na kayo."

"Oh bakit? Ayaw mo bang maglaro?", sabi niya. Hinawakan ako ni Josh sa braso at itinago pa ako sa likod niya. 

"Josh, tara na.", bulong ko. Tinignan niya ako na para siyang nag-aalala. Anong gagawin nila sa amin? 

"Oh bakit miss natatakot ka ba? Hindi mo ba kilala 'yang boyfriend mo?", tanong niya.

"Sino ka ba?", tanong ko. 

"Ako?", tumawa siya. "Kaibigan."

"Hayop ka mamamatay tao.", sabi ni Josh. Tumawa uli ang lalaki. 

"Accuse me all you want, it was her fate to die at that moment. Kung hindi siya nangingialam, eh di hindi sana magagalit sakanya ang diyos. Ayaw ng diyos sa mga pakialamero." Naririnig ko ang mabilis na paghinga ni Josh. Namumuo uli ang kamao niya at nanlilisik ang mga matang kinakausap 'yung lalaking parang hindi nagsh-shampoo. Kinakabahan na ako, baka magbugbugan sila! 

Lumapit sa amin ang lalake, at hinawi ang buhok ko. Tinabig ko ang kamay niya at sinampal siya. Tumawa siya. 

"Ah, feisty." Nagulat ako ng sinampal ako nung lalake. Nag-init ang mukha ko at napaupo sa sahig. Ilang segundo akong nawala sa isip dahil sa sakit. Pagbukas ko ng mata ko, nakikipag suntukan na si Josh. 

"Joshua!", sigaw ko. 

"Diyan ka lang!", sigaw niya. 'Yan din ang sinabi niya sa akin nung nasa bahay nila ako at nag-aaway sila ng pamilya nila. Hindi ko kayang umupo lang doon at tumayo. Kinakaya pa ni Josh pero alam kong ilang minuto pa manghihina rin siya. Tumawag ako sa pulis at papunta na raw sila pero baka mapatay pa nila si Josh bago sila dumating, hindi pwede 'to! 

Napaupo na si Josh at pinagsisipa na siya ng mga lalake. Nagtatalo ang isip ko kung susugod ba ako. Ano bang kaya ko eh matagal na akong hindi nakakasipa. Bahala na! Sumugod ako at sinipa at pinabaliktad sila. Nasuntok ako ng mga limang beses pero wala akong naramdaman. Adrenaline? Anong ginagawa ko at nakikipagaway ako? 

Nakahiga na ang dalawa at etong isang panget na to nalang ang matibay. Sa buhok niya kayang mahaba siya kumukha ng lakas? 

Susugod na sana siya nang narinig na namin ang sigaw ng mga pulis. Tinulungan niyang makatayo ang mga kasama niya at tumakbo. Hinabol sila ng mga pulis habang may ilang pulis na tinulungang makatayo si Josh. 

"Dadalhin namin kayo sa ospital? Okay ka lang miss?" Nakatanggap ako ng suntok pero wala akong maramdaman. Baka bigla akong mag collapse mamaya kapag kumalma ako. Sumama ako sakanya. Hiningan ako ng ID at tinawagan si Dad. Lagot na. 

Tinawagan naman nila ang tatay ni Josh. Lagot na, magkakaalaman na! 

Dumating kami sa ospital at nandoon si Dad na nakatayo kasama si Tita Cynthia. Bumaba kami ng police mobile at nararamdaman ko na 'yung sakit ng suntok sa braso ko tsaka sa tiyan ko pati na rin ang sampal sa mukha ko. 

"Anak!" Naiiyak si Dad na sinalubong ako. "What happened? Who did this to you?" Nakita nila si Josh na nakahiga sa stretcher, puro pasa at may konting dugo sa mukha. "Who is that?"

Hindi ako nakapagsalita. Nanginginig ako, si Josh usually ang sumsagot sa mga ganitong tanong lalo na kung mabubuko kami. Anong gagawin ko?! 

"She's her boyfriend." Lumingon ako at nagsalita ang tatay ni Josh. Gusto kong lamunin ng lupa. This is the worst thing that could happen. Please let this be a dream! 

"Boyfriend?" Umarte akong nanghihina. Dinala ako agad sa loob at ginamot. Sana gamutin nalang nila ako habang buhay para hindi ko na kailangang kausapin si Dad. Hindi ko pa nakikita si Josh simula noong dumating kami. Sana okay lang siya. 

Lumabas ako ng treatment area at nadatnan ko si Dad at yung Papa ni Josh na nag-uusap. 

"Dad.", sabi ko. Umupo ako sa tabi nila. "I'm sorry, I kept this from you." Huminga siya ng malalim.

"I'm very disappointed Cassie.", sabi ni Dad. "But if you really like him to the point that you hid this from me, then I'll give him a chance. For old time's sake." Tumingin si Dad sa papa ni Josh. Magkakilala sila?

"He was my senior back in college, it's surprising na dito pa kami magkikita."

"I'm so sorry that this happened. I will take care of the complaint against those men. Josh is a good kid, they were just in the wrong place, at the  wrong time. Don't worry." Hindi ba talaga niya alam kung anong pinaggagawa ni Josh?

"Thank you.", sabi ni Dad. 

"How's Josh po?", tanong ko. 

"He's resting. He has to spend the night here and he needs to take some tests just to make sure." Tumango ako. "You can take a rest now. Bukas nalang kayo mag-usap, you can visit him at home." 

Umalis na kami ni Dad pero hindi niya ako kinausap sa buong byahe namin pauwi. Nauna niyang pinauwi niya si Tita Cynthia para kalmahin si El dahil gusto niyang sumugod sa ospital. 

Pagpasok namin, nadatnan ko si El na umiiyak. "Cassie!" sumigaw siya at niyakap ako. "What happened?"

"I'll tell you later.", sabi ko. 

"Sit down.", sabi ni Dad na may seryosong tono. Ito na ang totoong sermon.

"You are not allowed to go out with him unless he asks permission from me.", sabi ni Dad. Gusto kong sabihing peke lang eto pero hindi ako makapagsalita. "I have to know him first."

"Yes Dad."

"What happened? Why did you meet those people?"

"I don't know, they were just random guys. Wala lang sigurong magawa sa buhay. We intended to flee but one of the guys touched me and Josh only defended me.", sabi ko. 

"And when he was not able to withstand it, you threw yourself in there and took them down yourself? Ano ka gangster?", sabi ni Dad.

"You let me take multiple classes to defend myself and now that I was able to use it you're angry? Are you not happy that your money didn't go to waste?", sabi ko nang pabiro pero mukhang hindi siya nakikipagbiruan. "Dad look, anyone who was there might have experienced the same thing. What if it was not us and they're not able to defend themselves? Baka may murder news na tayo sa TV.", sabi ko. Hindi siya nagsalita. "I'm okay Dad, thank you for letting me train how to defend myself."

"I'm just worried. Promise me next time tatakbo ka?"

"Okay, I promise." Natapos ang family meeting at naririnig kong pinapagalitan ni Tita Cynthia si Dad dahil masyado siyang harsh sa akin. 

"Really? "'Yun ang nangyari? So totoo ba 'yung mga balitang sumali ka na sa Wild Slayers?", tanong ni El. Umiling ako. "Then why are you punching people now?"

"I'll tell you sometime. I'm too tired." Nahiga ako at pumikit. Kamusta na kaya si Josh?

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 19.8K 52
|COMPLETED| [1st book of Secrets] Isang Campus nerd na may tinatagong BIG secrets??? Si Mara Chara Sy, isang nerd na nag-aaral sa isang elite prestig...
509K 9.7K 39
Wala akong balak na mapabilang sa isang groupo ng mga lalaki na minsan ko lang nakilala. at wala rin sa plano ko na bumalik sa pilipinas para lang ma...
3M 98.7K 93
Si girl ay isang simpleng babae lamang. Masiyahin, matalino, mabait, palakaibigan at higit sa lahat may pagka-isip bata ito. Almost perfect na sana e...
99.3K 4.5K 46
DEATH IS EVERYWHERE!never trust anyone...do not tell them a secret because if you do,you will die! What if kung nahulog ka sa isang anak ng mafia?wha...