Taming Mr. Homophobe 2

Por shinomatic

166K 5.5K 892

[COMPLETE | TMH Book 2 | TheBlogger Series #1] Ngayong nasa kolehiyo na sina Joel at Jake, alam nilang hindi... Más

PROLOGUE
ENTRY #01
ENTRY #02
ENTRY #03
ENTRY #04
ENTRY #05
ENTRY #06
ENTRY #07
ENTRY #08
ENTRY #09
ENTRY #10
ENTRY #11
ENTRY #12
ENTRY #13
ENTRY #14
ENTRY #16
ENTRY #17
ENTRY #18
ENTRY #19
ENTRY #20
ENTRY #21
ENTRY #22
ENTRY #23
ENTRY #24
ENTRY #25
ENTRY #26
ENTRY #27
ENTRY #28
ENTRY #29
ENTRY #30
ENTRY #31
ENTRY #32
ENTRY #33
ENTRY #34
ENTRY #35
ENTRY #36
ENTRY #37
ENTRY #38
ENTRY #39
ENTRY #40
ENTRY #41
ENTRY #42
ENTRY #43
EPILOGUE (Part 1)
EPILOGUE (Part 2)
WHAT'S NEXT?
WHAT'S NEXT? [2]

ENTRY #15

3.5K 124 20
Por shinomatic

ENTRY #15

Deal

[JAKE:]

Fuck. Kung noong high school ay nakakaya pa naming magpaka-easy mode, sa college hindi. Punyeta lang. Halos magka-migraine na ako kakaaral at kaka-catch up sa mga lessons namin. Kahit nga yata ‘yong mga putang inang minor subjects na ‘yan, nakikipagsabayan din, e. Tss. Mapapamura ka na lang talaga ng wala sa oras. Since kakatapos lang ng huli naming exam ngayon, naisipan ko munang lumabas at pumunta sa canteen para bumili ng pagkain. Para man lang bago kami sumabak muli sa isa pang examination, may laman ang utak ko.

“Saan ang punta, Fafa Jake?” malanding tanong sa akin ni Simeon--- isa sa mga kaklase kong bakla.

Tang ina, oo nga pala. Nasabi sa akin ng mga kaklase kong lalaki na may gusto raw ito sa akin. Well, hindi naman ako nakaramdam ng inis, since kaparehas niya si Joel. Respeto ko na lang sa syota ko. Napailing na lang ako noon sa kanya, saka naglakad na palabas sa building namin. Nasalubong ko pa noon si Calvin sa labas ng room nila, habang tinatapos ang project nila for prelims.

“Busy?” mapang-asar kong tanong sa kanya.

Mainam na rin ito para na rin ma-divert ang atensyon niya. Nakwento kasi sa akin ni Joel noong minsan ang nangyari sa kanila ni Ciara. Kung ako rin naman ang nasa posisyon niya, ganoon din ang mararamdaman ko. Mahal mo, e. Awtomatikong masakit talaga. Pero anong magagawa natin? Alangan namang magpaka-The Script tayo---The Man Who Can’t Be Moved. Tss. Korni.

Sinamaan naman niya ako ng tingin. “Nope. I’m just playing around here.”

Sarcastic na pala siya ngayon. Tss. Iniwan ko na lang siya roon since mukhang ayaw niyang magpaistorbo. Malapit na ako sa canteen nang mamataan ko ang grupo nina Chloe na mukhang may pinag-iinitan na naman. Kawawang nilalang. Napag-initan ng wala sa oras. Imposibleng si Joel naman iyon since sagsag din ng exam ang isang iyon at hindi iyon mag-aaksaya ng oras na lumabas at tumambay sa canteen. Nagdire-diretso lang ako noon sa counter since wala naman akong balak kumain dito. Doon ako sa rooftop ng campus tatambay, ano. Mas tahimik doon. Akma na akong lalabas noon nang mamukhaan kung sino ‘yong binu-bully nina Chloe kanina. Tang ina! Umiiyak si Joel! At ang mas masaklap pa roon, si Max pa ang umaalo sa kanya. Awtomatiko akong napalakad papalapit sa kanila noon. Halos hindi ko na alam pa ang pinaggagagawa ko noon---to the point na natulak ko na palayo si Max kay Joel. Selos? Maybe. Boyfriend’s instinct.

“What the fuck!? Anong problema mo, pare?” paanas nitong daing.

Halata ang pagkabigla sa mga mata ng mga kasama nila noon. Mabuti na lamang at wala nang masyadong tao rito, dahil kung hindi, agaw-eksena kami.

Agad kong niyakap noon si Joel, saka humingi ng pasensya kay Max. May mali rin naman ako, e. Inalalayan ko rin siyang tumayo noon, kahit pa labag sa loob ko.

“Pasensya na,” nasabi ko lamang sa kanya, saka hinarap si Joel. “Okay ka lang ba? Hindi ka ba niya sinaktan physically.”

Imbes na sumagot ay niyakap ako nito ng mahigpit saka umiyak ng umiyak. Wala na rin akong naisagot noon, kaya inalo ko na lamang siya. Napansin kong naupo si Max sa kabilang bahagi ng mesa, katabi ‘yong kaklase nilang bading. Nang mahimasmasan si Joel ay agad nag-offer ng tubig ang kaklase nilng babae.Tinanguan ko lamang siya noon, saka ini-offer iyon kay Joel.

“Okay ka na ba?” tanong ko ulit sa kanya.

Tumango naman siya.

Agad kong binalingan ng tingin si Max.

“Sinaktan ba siya nina Chloe?” tanong ko rito.

Seryoso pa rin ito. “Physically or emotionally?”

Tss. Kapag ganitong mainit ang ulo ko, huwag siyang gaganyan-ganyan, ha. “Tss,” naisagot ko na lang.

“Emotionally, Jake,” biglang sabat ni Gabby.

Napailing na lamang ako noon. Mukhang kailangan kong kumprontahin si Chloe, ha. Hindi ko alam kung anong kasalanan ni Joel sa kanya, pero hindi deserve ng mahal ko ang ginagawa niyang treatment para rito. Sinabihan ko na lamang sila na doon na lng nila ituloy sa room nila ang ginagawa nila. Hinatid ko rin si Joel sa room nila. Wala na rin akong pakialam kung ano man ang maging reaksyon nila, since hindi na rin naman namin tinatago ang relasyon namin. Hindi pa rin siya nagsasalita hanggang ngayon. Ganito naman siya since noong highschool pa lang kami. Mamaya pa siguro siya iimik niyan. Sinabihan ko na lamang siya noon na suabay kay Gabby pag-uwi at huwag ng hihiwalay. Mukhang narinig naman ako ni Max.

“Pare, hindi sa nanghihimasok ako, ha? Pero p’wede ko silang ihatid ni Gabby sa apartment ninyo since hindi naman kalayuan ang bahay namin doon. Friendly suggestion lang naman,” aniya.

Tatanggapin ko ba? Kung sabagay, may point naman siya, e.Advantage din naman iyon kina Joel. Saka kasama naman si Gabby kaya hindi makakapuntos itong gago na ‘to. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon.

“Alam mo naman ang limitasyon mo, ‘di ba? Pumapayag ako para na rin makauwi sila ng maayos,” nasagot ko.

Tumango naman siya, bago pumasok sa room nila. Tss, magka-seat mate nga pala sila ni Joel. Hindi bale na nga. Alam naman ni Joel ang ginagawa niya, saka nangako naman na kami sa isa’t-isa, e.

Kung archi na lang din sana kinuha niyang kurso, hindi ako naprapraning ng ganito. Tss. Siyempre biro lang iyon.

________________________________________________________________________

[MAX:]

Napapakamot na lang ako sa aking batok habang naglalakad papunta sa p’westo ko---katabi ni Joel. Pambihira? Ako ba talaga ‘yong kausap ng gunggong na Jake na iyon? At nagawa ko pang makipag-deal sa kanya, ha? Nahihibang na nga talaga ako. Mukhang nahimasmasan na si Joel, sa tingin ko. Balik-review na kasi ito, e. Bigla akong nakaisip ng paraan para ma-uplift naman kahit papaano ang mood niya. Hindi ko lang alam kung mag-wo-work pero...bahala na.

“Malas, nakapag-review ka na?” asar ko sa kanya.

Naalala ko tuloy ‘yong first day of class namin, kung saan hindi gaanong maganda ang una naming encounter. Doon nagsimula ang moniker niyang “malas”. Well, hindi naman iyon totoo.

Tiningnan naman ako nito ng masama. “Maka-malas ka, akala mo naman napakaswerte mong nilalang.”

Natawa naman kami ni Gab sa kanya noon. Good thing, mukhang maayos na nga siya. Sana lang, tuloy-tuloy na.

“Oo, napakaswerte ko kaya. Wanna bet?” paghahamon ko sa kanya. Nothing serious about that. I just want to cheer him up.

“O sige nga.” Pumangewang pa ito, na mukhang interesado rin naman.

Saglit akong nag-isip ng p’wedeng i-challenge. Since prelims ngayon, mayroong idea na pumasok sa isip ko.

“Okay, ‘pag na-perfect ko ang exam natin sa College Algrebra bukas, ililibre mo ako. Deal?” paghahamon ko sa kanya.

Ang totoo niyan, mas gusto ko pang sabihin na makipag-date siya sa akin kapag na-perfect ko iyon. Ang kaso nga lang, may asungot aka, Jake Pangilinan. Tsk. Hindi bale na nga.

“Deal.” Bigla nitong in-offer ang kamay niya, na siya ko rin namang inabot. “‘Pag mas mataas pa rin ako, regardless kung perfect ako or hindi, ako ang ililibre mo.”

“Deal,” ani ko.

Natawa naman sa amin ang iba naming kaklase. ‘Yong mga pasaway na lalaki, kinakantiyawan kami.

“Huy, Maxwell! May syota na ‘yan, ha? Hahahaha!” kantiyaw ng isa sa akin.

“Oo nga! Baka umasa ka naman!” gatong pa ng isa.

Napailing na lamang ako roon. Tsk, oo na. Alam ko naman. Kailangan pa bang ipaalala? Tsk.

“Tingnan niyo na, mga galawan niyong dalawa kasi,” asar naman ni Gab sa amin ni Joel.

“Tse! Isa ka pang babaita ka!” nakangusong reaksyon naman ni Joel.

Shit, ang cute niya roon! Dagli kong kinuha ang phone ko sa aking bulsa saka pasimple siyang ni-picture-an. Good thing, hindi niya napansin. Palihim ko iyong ginawang wallpaper ng phone ko. Masama ba?

Pagkauwi sa bahay ay agad akong sinalubong ng mga bata---na siyang lagi naman nilang ginagawa. Dahil nakaugalian ko na ang pagdaan sa grocery shop bago umuwi, agad kong binigay sa kanila ang binili kong snacks. Masaya naman silang nagpasalamat sa akin noon. Agad naman silang pinabalik ng katulong sa study room nila since mayroon daw silang mga assignments na tinatapos. Ako naman ay dumiretso sa aking kwarto para magbihis saglit. Halos patapos na ako nang tawagin ako ni Papa. Bahagya pa akong nabigla dahil kasama niya ‘yong syota niyang bading, na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matandaan ang pangalan. Well, kahit wala na ‘yong ilangan sa aming mag-ama, hindi ko pa tuluyang nabubuksan ang isip ko sa bago niyang relasyon. Sa nakikita ko naman, mukhang masaya naman sila sa set up nila.

“Dito siya sa atin matutulog hanggang weekends,” tila nahihiyang paalam ni Papa sa akin.

Akala yata niya ay magagalit ako. Well, naiilang lang ako pero wala naman akong galit na nararamdaman, ano. Basta masaya si Papa, okay lang.

Tumango naman ako. “Huwag niyo na akong isipin, ‘Pa,” ani ko.

Inakbayan naman niya ako, at sabay na naming tinahak ang daan papunta sa dining area. Agad naman akong binati ng syota niya, na tila nahihiya pa sa akin.

“G-Good evening,” naiilang kong sagot sa kanya.

Biglang nagsalita si Papa. “Ate Korina, pakitawag na po ang mga bata para makakain na tayo.”

Agad naman kaming naupo. Agad din namang naupo sa hapag ang mga bata. Dahil nakilala na nila si Tito, agad nila itong binati. So far, maayos naman ang naging hapunan namin. Agad bumalik ang mg bata sa study room para tapusin na ang mga assignments nila, habang ako naman ay bumalik na sa kwarto ko para makapag-review na para sa exam namin sa College Agebra bukas. Third to the last na kasi ito sa iti-take namin, at ‘yong dalawa ay sa Sabado pa naman. Hindi p’wedeng matalo sa deal namin ni Joel.

Either way, p’wede ko namang isipin na date pa rin iyon since magkasama naman kami no’n habang kumakain, ‘di ba?

________________________________________________________________________

[JOEL:]

“Kung tapos na, p’wede nang ipasa ang test paper ang you may go,” biglang sabi ng NSTP instructor namin habang nasa gitna kami ng exam.

Since tapos naman na ako, agad akong tumayo saka pinasa ang papel ko. Halos kasabay ko rin noon si Gavin. Nangisi pa ang gago habang nagpapasa ng papel. Inismiran ko lamang siya noon, saka lumabas na. Dito ko na lang sa labas hihintayin si Gab. Sasabay kasi ako sa kanila nina Justin at Kuya Julius. Susunduin daw kami ng huli. As for Jake, sabay na raw sila ni Calvin uuwi. By the way, doon sila---si Tita, siya at si Kendrick, sa amin matutulog. Boyfriend na kasi ni Tita ‘yong kaopisina niyang malapit lang din sa amin ang tirahan at naisipan niyang magpatayo ng sarili nilang bahay doon sa subdivision namin. Isa iyon sa pina-prioritize niya ngayon. Back to the topic, bigla ba naman akong tinabihan ng hinayupak.

“Loves, nakakatampo ka, ha?” asar niya sa akin.

Hay nako, ako na naman ang napag-trip-an ng lalaking ito. Saka, duh, e hindi ko na nga siya pinapansin, nagpapaka-KSP pa. Tch.

“Ewan ko sa’yo, Gavin,” naisagot ko na lamang noon, saka tingin sa malayo.

Good thing, walang pasok sa lunes kaya mahaba-haba ang bakasyon namin. Nami-miss ko na ring matulog sa kwarto ko---namin ni Calvin, rather. Wala ring asungot, katulad nitong si Gavin.

“Hindi ko alam kung bakit ka naaasar sa akin, pero makikita mo, mapapasaakin ka rin,” bigla niyang untag, na siyang kinabigla ko.

What the heck? Anong pinagsasabi nito? Sa tono pa lang ng pananalita niya, hindi ko na nagugustuhan. Sa tingin ba niya, maaayos ng mga statement niyang iyon ang gap? No! Hindi lang iyon gano’n basta-basta. Tapos, ako pa ang babalaan niya? Ha!

Hindi na lamang ako nagsalita pa noon. Agad kong kinuha sa bag ko ang phone ko, saka isinalpak sa tenga ko ang headset. Mas mainam pang makinig ng music kaysa makipagdiskusyon sa kanya. Heck, magkaka-migraine yata ako dahil sa kanya. Marahil ay napansin niya na wala akong balak na makinig sa kanya, kaya umalis na lamang siya. On the other hand, bigla akong nakaramdam ng konsensya. By just seeing him walk silently, para akong nakaramdam na parang may mali rin sa treatment ko sa kanya. Ay, ewan! Pati ba naman sa kanya, makokonsensya pa ako. Tch. Ilang saglit pa ay isa-isa nang lumalabas ang mga kaklase namin. Halos sabay namang natapos sina Gabby at Max. Agad nila akong nilapitan, especially ‘yong huli.

“Hina-harass ka ba ni Gavin?” tila nag-aalalang tanong nito sa akin.

“Oo nga, Joel. Ang laki ng ngisi ng gago sa’yo,” dagdag pa ni Gabby.

Ngumiti naman ako ng pilit. “A-Ano ba kayo? Anong harass? Nakikipag-usap lang ‘yong tao sa akin,” palusot ko. Sala totoo naman, e. Hindi naman niya ako hina-harass. Saan naman kaya nila nakuha ‘yong idea na ‘yon?

“O-Okay,” Max replied. “Just to remind you, next week na rin ang pasahan ng project natin sa Management.

Ay shit! Oo nga pala! Bakit nga ba nawala sa isipan ko ‘yon!?

“So, saan natin gagawin ‘yong atin?” tanong niya sa akin.

Sumabat pa ulit si Gabby. “Sabi ko naman sa’yo, Joel, may nakakalimutan ka.”

“Sorrnaman,” sagot ko lang sa kanya. “Sa amin na lang, okay lang ba? Sa San Fernando nga lang ‘yong amin,” baling ko naman kay Max.

“Deal. Sa inyo na lang. Sa Lunes na lang natin gawin para makapagpahinga ka pa bukas. I’ll just text you for the direction,” untag niya bago magpaalam sa amin.

Nasapo ko na lamang ang sentido ko noon. Akala ko pa naman, makakapagpahinga ako since long weekend ngayon. Tch. Malas nga yata ako.

[Itutuloy..]

_____________________________

A/N: Salamat po sa lahat ng naghihintay ng UD nito. Comment kayo ng mga violent reactions ninyo dali! HAHAHAHAHA.

PS: Ipagdasal ninyo na matapos this weekend yung Entry #16. HAHAHAHA.xD

Seguir leyendo

También te gustarán

839 57 20
CRUSH- ang tawag sa mga taong iyong inaadmire na alam mong hanggang panaginip mo lang makakamit. Ngunit kung ang iyong crush halos araw araw mo nang...
57.1K 1.6K 43
This is a BL Story Para kay Greg, ang bangungot ng kanyang nakaraan ang siyang naging dahilan para isarado niya ang kanyang puso. Puso na ngayo'y nat...
121 3 4
Two hearts. One secret. And a feeling left unnoticed. Noah just wanted to keep his head down sa bagong school-simple lang, tahimik, at kung pwede, wa...
223K 6.4K 60
Planado na ni Paul ang lahat; mag-aral ng mabuti, makapagtapos, at magkaroon ng trabahong magpapaginhawa ng buhay nya. Ang hindi nya napaghandaan ay...
Wattpad App - Desbloquea funciones exclusivas