Magical Tale: Pure De Luxe (o...

Od simplegorgss

17K 429 45

She's no one to someone, she's no where to be found and she's out of love by all. A girl wants to find hersel... Více

Author's Note (Read)
Prologue
Introduction of the 5 castle
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 5.1
Chapter 7
Chapter 7.1
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 12 Real
Chapter 13
Chapter 14

Chapter 6

708 22 1
Od simplegorgss

(Kabilang dako ng mundong Madrinadia)

"Ama maaari ba akong lumabas sa ating kaharian?" paalam ko sa aking ama na si Hari Emerus. Tumango lang ang aking ama. Yes! Ang aking ama ay di palasalita dahil sa bansag samin na tahimik lamang. Ewan ko ba bakit ako napabilang sa kahariang Trissac Isles, dahil masyado akong maingay at madaldal. Hindi ko alam kung saan ako nagmana! 

Magpapakilala ako, ako nga pala si Prinsesa Dayna (see on the right) Ang ganda ko ba? Alam ko yon. Ako ang nag iisang anak ni Hari Emerus at Reyna Ladea. Kami ang taga pangalaga ng dyamante ng lupa. Excited na nga ako na ibigay sakin iyon ng amang Hari. Dahil wala na sila ibang choice kundi sakin ibigay, sa pilya nilang anak. Ha-ha.

Lumabas na ako ng palasyo para manlinlang ng mga madrina/madrino. Lagi ko tong nagagawa! Lalo na sa aking mga kaibigan hayop at halaman. Hindi lang iyon. May mga kaibigan din ako sa palasyo ng Gaseuze at Molleze. Ang prinsipeng si Sky na napaka yabang at si prinsesa Aeya.

Sila ang mga taga pagmana ng mga dyamante ng kanilang palasyo. Sa palasyong Velleitari, alam kong may prinsesa doon dahil dakila akong chismosa ngunit kahit anong gawin niya ay hindi daw siya pinapalabas sa kanilang palasyo dahil nga sila ay kaaway ng tatlong kaharian. Pagkakarinig ko pa ang pangalan niya ay Prinsesa Adena.

At sa De luxe Kingdom, usap-usapin ang anak daw ng Hari at Reyna ay pinatapon dahil sa ito ay malas sa buong Madrinadia. Lahat ng imortal ay mamamatay, so ibigsabihin mamamatay ako? Nako! Dapat lang pala na tinapon siya. Pero... hmm kawawa naman. 

Teka nga, san ba ako pupunta? Lakad ako ng lakad at kwento ng kwento sainyo. Dun nalang ako sa Beau talon pumunta, at baka andun si Aeya. Lagi kasi siya andun e!

Syempre, alangan namang nasa himpapawid siya? E tubig ang kapangyarihan niya. Ang bobo ko talaga. 

Ginamit ko ang kapangyarihan kong maglaho para mapabilis ang pagpunta ko sa beau talon. Ang pagiging abo ay para lang sa mga babaeng maharlika, ang mga babaeng may dugong bughaw.

shingg (sound effect)

*Beau Talon

Naglakad muna ako ng kaunti bago makapunta sa talon na iyon. Agad naman akong nakasiguradong andun si Aeya dahil sa napaka ganda niyang boses. Mahinhin at malambing si Aeya. Lihim lang natin to, may lihim na pagtingin siya kay Sky na napaka arogante. Ewan ko ba bakit niya nagustuhan yun. Buti pa ako, masaya na sa sarili.

"Aeya" tawag ko sakanya. 

"Dayna!" masayang bati niya sakin pero napaka lambing pa rin ng boses. Walang sinoman ang makakatanggi sa boses niya, bukod sa mahinhin ay napaka ganda niya. Para siyang tubig sa talon, tahimik. 

"Kamusta, buti pinayagan ka ng amang kahoy mo" sabi niya sakin, nakalimutan ko palang sabihin. Isa din siyang dakilang laitera. Kaya niya tinatawag na kahoy ang ama ko dahil sa tahimik ito.

"Tumigil ka! pero Okay lang naman ako. kailan ba ako di naging okay. Kahit masugatan ako, kayang kaya ko gamutin sarili ko" sabi ko sakanya sabay tawa pa.

"Si Sky ba nakita mo?" tanong niya sakin. Hmm. 

"Hindi e." sagot ko naman agad sakanya, pero tumingin muna siya sakin na parang di naniniwala kaya tinitigan ko siya lalo. Babaeng to! Napaka amp! 

"Di ko nga alam! Di ako nag sisinungaling sayo, pangako!" sabi ko sakanya para maniwala siya, binaling naman niya ang atensyon niya sa tubig hanggang sa may narinig kaming isang pag sabog maliit sa talon kaya agad kami napatingin sa isa't isa.

Naglakad kami papunta sa kinaroroonan ng pagsabog. Gulat kaming dalawa dahil puro apoy ang nasa paligid. Naaawa ako sa mga kaibigan kong halaman, dahon at puno.

Naagaw naman ng atensyon ko ang isang babaeng nakapulang hood na nakaupo sa puno.

Inutusan ko naman ang kahoy na yun na paikutan ang babaeng iyan ng mga sanga niya.

Gulat na gulat ang babae at sinusubukang makawala.

"Sino ka!" sigaw ni Aeya. Inilapit ko naman ang ulo ko sakanya at bumulong.

"Inunahan mo naman ako sa pagtanong e!" -ako

"Ay patawad" - siya

"Sino ka!" ulit ko naman. Di pa rin niya sinasagot ang tanong namin kaya hinigpitan ko ang pag ipit sakanya.

"Ako si Prinsesa Adena." nakayukong sabi niya at nung umangat ang ulo niya, pula at lumiliyab ng apoy ang kanyang mata.

"Prinsesa Adena ng Velleitari Palace" sabay naming sabi ni Aeya. Pinakawalan ko naman siya dahil ngayon lang namin siya nakatagpo. Paano at nakatakas siya sa palasyo nila.

"Patawad. Hindi namin alam" sabi ko kay Adena. Ngunit bigla nalang siya naglaho sa harapan namin.

"Ako nga pala si Prinsesa Dayna ng Trissac Isles!!" sigaw ko pa baka sakaling marinig niya pa ako. Mukha namang mabait siya. Hmm pero nang makita ko ang mga abo na halaman, ay masama pala pa rin siya. Nasa dugo na nila iyon.

"Ikaw ay nanggaling sa Trissac Isles?!" bigla siyang sumulpot sa likuran namin kaya mabilis kaming napatingin sakanya. Mukhang galit siya dahil sa tono ng boses niya.

"Ako nga pala si Prinsesa Aeya ng Molleze Palace." pakilala naman ng katabi ko. Tinignan lang siya ni Adena at bumalik sakin ang masamang tingin.

"Sagutin mo ko!!" pasigaw na sabi ni Adena sakin. Ano bang problema neto at papatulan ko talaga to.

"Oo galing nga ako sa palasyong iyon. Bakit?" takang tanong ko sakanya at galit na galit siya.

"Dahil sainyo. Nawala ang kapatid ko! Mga taksil! Mga kaaway!" at bigla siyang naglabas ng bolang apoy papunta sa pwesto ko. Agad naman ako nakailag at biniak ang lupa para lamunin siya neto.

"Wala akong alam sa sinasabi mo!!" -ako

Ngunit bago ko magawa ang binabalak, pinigilan ako ni Aeya.

"Wag" at umiling iling pa. Nasa dugo pa rin talaga ang pagiging salbahe ng mga taga Velleitari. Nakita ko namang napabagsak si Adena.

"Anong ginawa mo?" takang tanong ko kay Aeya.

"Nag alis lang ako ng kaunti tubig sa katawan niya para mapagod siya" sagot naman niya sakin. Aba't ang galing.

Lumingon ako sa kinaroroonan ni Adena. Nakahawak siya sa may leeg niya na parang uhaw na uhaw.

"Sa susunod na magkita tayo Adena. Di na kita papalagpasin pa." matapang na sabi ko sakanya.

"Umalis na tayo Dayna!" sumunod naman ako kay Aeya.

Ang layo na namin sa lugar na pinag awayin namin ni Adena. Hindi ko alam kung saan ito at ang ganda. Umupo ako sa may puno at pumikit. Pinapakiramdaman ang mga buhay ng mga puno at halaman. Ang sarap sa pakiramdam.

"Kami ang my dahilan sa pagkawala ng kapatid niya?" tanong ko sa isip ko. Ngunit wala akong alam sa sinasabi niya, pano ko nga ba malalaman kung di ako nagtatanong sa aking ama at ina.

Hindi ko pa rin siya bigyan ng kaawaan dahil duon, sinira niya ang mga nananahimik kong halama at puno. Gusto pa niyang lamunin ako ng bolang apoy niya kanina. Di ko siya mapapatawad.

"Ang lalim ng iniisip ah" isang lalaking sumulpot sa harapan namin kaya naman si Aeya ay tuwang tuwa. Oh kilala nyo na?

"Ano ginagawa mo dito Sky?" tanong ko sakanya.

"Ayaw nyo ba akong makasama? Sa gwapo kong ito?" ayan nagmamayabang nanaman siya.

"Walang may pake" bara ko pa sakanya. Sinamaan naman ako ng tingin ni Aeya kaya tumahimik na ako.

"Sky, nakita na namin si Prinsesa Adena" pagkasabi ko nun agad siyang lumapit sakin at tumabi na parang higad.

"Maganda? Sexy?" tanong niya kaya napahawak nalang ako sa noo ko.

"Masama ang ugali" singit ni Aeya. Nagseselos na yan! Sus sa dami ba namang babae ni Sky di pa siya sanay.

"Di na mawawala yun sa dugo ng mga Velleitari" pag sasang ayon ni Sky kay Aeya kaya ang bruha tuwang tuwa! Pag ibig nga naman. Natahimik naman kami pagkatapos naming pag usapan si Adena. Nabwibwisit lang ako kapag naaalala ko siya.

"Ako din may ike-kwento!" dahil alam na namin ang ike kwento niya kunwari natulog ako at si Arya tumayo na parang aalis. Isa lang naman lagi e, ang babaeng nakikita niya! Ayun lang.

"Iba to mga kaibigan. Iba ang kutob ko sakanya! Maganda siya pero parang pakiramdam ko isa siyang dugong bughaw." agad akong napalingon sa sinabi niya at si Aeya naging interesado din.

"Paano mo nasabi isa siyang dugong bughaw ha?" tanong ni Aeya sakanya.

"Dahil ang kanyang mga mata ay napaka ganda, magiging dugong bughaw na siya dahil papakasalan ko siya" pagkasabi niya nun, binatukan namin siya ni Aeya ng napakalakas! Kaya napasimangot siya habang hinihimas ang ulo niya.

(Sky's mind: ayoko sabihin sakanila ang nakita ko dahil kilala ko si Dayna, hindi niya titigilan ang taong iyon. Saka na kapag sigurado na ako sa nakita ko)


------
A/N: Ang kukulit ng mga prinsesa at prinsipe. Agree ba kyao guys? Keep reading.

VOTE*COMMENT*BE a FAN
- simpl

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

173K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...