[[A/N]]
Flashback pa rin po ang chapter na ito..
sana po wag lang tayo puro basa, vote and comment din po :)
Pagpasensyahan ang typos :)
Kevin on the side --->
Kristina's POV
We're never meant for each other Kevin. NEVER!
Yes! Its true. Hindi kami meant to be.
Nalilito na ba kayo sino talaga si Kevin?
He's my ex-boyfriend!
Pero hindi sa personal.. Sa fb lang yun and that was thousands of years ago (eksaherada).. Hindi din nman kami nagtagal kasi ayaw ko sa pagiging chickboy nya.
Yun lang ba talaga ang dahilan?
Utang na loob kung sino ka mang nagsasalita sa loob ng utak ko umalis ka! Shupeee!
Nakakabaliw! Di naman talaga ako ganito dati eh ! Actually, mas malala pa ako dati.. Playgirl kasi ako eh.. nakikipag relasyon ako and i will just break up with them pag na bored ako.. ganyan lang ako hanggang dumating si Kevin -- my biggest karma..
Buong akala ko kasi seryoso sya sa akin, but f*ck the word seryoso dahil di yan totoo lalo na't si Kevin ang pag uusapan.
What happened to us?
Nothing. Kasasabi ko lang di ba we're not meant to be?
Pumunta nlng ako sa may vacant room sa top floor ng Accounting Department. Wala kasing tao palagi dun kaya dun ako palaging tumatambay..
Ikaw lang ba?
Shuddup, brain!
Nilibot ko ang paningin sa room and memories were brought back. Napaiyak ulit ako. Napaupo ako sa sahig at iyak lang ako ng iyak habang nakayuko ang ulo sa isang upuan.. Hanggang di ko namalayan nakatulog na pala ako.
BAAANNG!
"Hello?"
I said when I heard a loud bang from an empty room in the end of this deserted corridor here on the top floor of Accounting Department. Hinahanap ko kasi si Mommy, ang Dean ng Accounting Department at may nakapagsabi na baka andito daw sya. Pero kanina pa ako ikot ng ikot wala nman hanggang narinig ko ang ingay na yun..
Sino kayang andito?
Dahan-dahan akong lumapit doon sa room na pinanggalingan ng ingay ng..
WHOOOSH! BAAAANG!
AAAAHHH!
May kung anong bagay ang lumipad sa gilid ng ulo ko at bumagsak sa sahig.. Buti nalang nakaiwas ako..
"Sino ka?" sabi nung taong nasa harap ko. Di ko pa rin maiangat ang ulo ko at nakayuko pa rin ako sa sahig hanggang ngayon sa sobrang takot.. Bigla akong nakaramdam ng kamay na humapit sa braso ko. Nabigla ako ng malaman kung sino yun.
Ang pinakagwapo at hot sa buong campus. Ang boyfriend ko. Ay mali. Cyber boyfriend lang pala. Oo, sa FB ko lang sya boyfriend pero di kami nagkikita sa personal. Actually this is my first encounter with him. 1st year college na kasi sya habang ako Senior High pa lang. Ahead kasi sya sa akin ng isang taon.
"You're Kristina, right?"
Di ako nakasagot. Napatango na lang ako habang tinititigan sya mula ulo hanggang paa. Bagay na bagay sa kanya ang longsleeve polo shirt na uniform ng College kahit mejo na out of place to kasi ewan anong ginawa nya kanina. Nakadagdag point ang di nya pagsara ng mga butones nito na ibinabalandra ang pawisan at fitting nyang white shirt. Yung slacks nya na hindi naman hapit na hapit at di rin maluwang. Sakto lang talaga sa mga paa nya. Ang sexy nya tingnan kahit mejo madungis na.. At yung mukha nya. SHET! ang gwapooo! BF ko ba talaga to. Ang kinis ng mukha nya. Yung mga mata nya na kahit may eyeliner ay ang ganda pa rin dahil lutang ang brown eyes nya. Yung lips nya -- Ohlala! Ang shalap meen! Tapos yung leeg nya.. May tumutulo pang pawis na pababa mula sa mukha nya patungo sa leeg nya patungo sa loob ng shirt nya, Why sooo Hot??
"Are you done checking me out?"
Natigilan ako sa pagpapantasya ko sa katawan nya ng magsalita sya ulit.. Natunganga lang ako sa pagmumukha nya.
"I didn't expect na ganito kapangit ang cyber gf ko.. HAHA!" sabi nya sabay talikod sa akin.
Angas ng taong to. Ako ba sinasabihan nya ng pangit ha ?
Matangkad nman ako ah? Maputi, mayaman, mejo may utak, mabait pag tulog.. At ang ganda ng eyelashes at dimples ko na nagpapaganda sa akin lalo.. Tapos, sasabihin sa akin ng taong ito na pangit ako? Aba! Di pwede yan..
"Oh? Andito ka pa rin?"
Sasagot na sana ako pero di ko mahanap ang dila ko. Ano ba to? Ba't ba ako natatameme? Dahil nakatunganga pa rin ako di ko napansin na palapit na sya sa akin.
"Speechless ka ba sa kagwapuhan ko?"
"H-Hindi ah. A-ano kasi.. A-a-"
"A-e-i-o-u? Marunong ako nyan.. Wag mo na akong turuan."
"Hindi ko naman sinas-"
"Shhh!"
Nabigla ako ng bigla nya akong hilain at iupo sa may upuan habang nakaharang yung katawan nya sa harap ko at ang kamay nya sa gilid ko.
"A-anong g-ginagawa m-mo?"
"Ano ba ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?" sabi nya habang palapit ng palapit ang mukha nya. Hmm! Ang bango naman nya. Gosh! Nakakahumaling!
"Hindi ah! Hinahanap ko kasi yung mama ko?" defensive na sabi ko.
"Haha! Wag mo nga ako lokohin. Paano makakarating Mama mo dito sa school?"
"Si Mrs. Lopez ang mama ko!"
"Yung dean? Talaga? Haha! Di halata!" pang-aasar na sabi nya. Umalis na sya sa harap ko at umupo na.
Matagal din kaming nag-uusap at di ko napansin na gumabi na..
"Ilan na ba naging boyfriend mo?" tanong nya bigla sa akin.
"Ahm. Yung personal bf o yung fling o yung cyber lang?"
"Lahat." simpleng sagot nya. Tinitigan ko sya sa mata. Pero binaba ko din ang tingin ko bago sumagot.
"Marami na. I lost count."
"Haha.. You a play girl huh?"
"Hindi naman. I don't play with their feelings. I just easily get bored."
"Ganun ba?"
Biglang tumahimik ang paligid namin. Tanging ang ingay ng mga hininga namin ang naririnig ko at doon ko na-realize kung gaano kami kalapit sa isa't isa. Nakaupo ako sa armchair habang sya nakaupo namn sa armrest. Tapos magkahawak kamay namin.
"Ikaw ba? Ilan na naging gf mo?"
"Uhm, marami na din. Magkatulad naman tayo eh. We play with their feelings."
"I told you I don't play with them."
"Pareho lang yan."
"Ilan na naging seryoso mo?"
"What do you mean?" tanong nya habang nakataas ang isang kilay nya.
"Ilan na ang seryosong minahal mo?"
"Isa." natahimik ako sa sagot nya. "Yung mama ko lang." Mas lalo akong nabigla sa sagot nya.
"Yung naabutan mo akong galit dito kanina, dahil yun sa mama ko. Death anniversary nya ngayon. Bata pa lang ako ng namatay sya at iniwan ako mag-isa." patuloy nya sa pagkwento.
"Nasaan ba yung papa mo?" tanong ko
"Iniwan nya kami ni mama ng malaman nyang buntis sya."
"Yung mama mo.. Sya ba ang dahilan na naging.. alam mo na?" hindi ko masabi yung salitang playboy baka masaktan sya.
"Playboy? No! Ganito na ako ever since. Kasi sabi ni mama, love is just a stupid word."
"Ang bitter ng mama mo!" sabi ko.
" hahaha.. broken hearted sya eh. Kaya nga sya namatay." biglang nawala ang pagtawa nya.
"Bakit may sakit sya sa puso?"
"Gabi na umuwi na tayo." sabi nya sabay hila sa akin palabas ng room. Hindi ko na sya pinilit pa na sagutin yung tanong ko. Pakiramdam ko nagiging sensitive sya sa ganoong topic. Palabas na kami nun ng gate ng..
"KEVIN!" sigaw ng isang babae na papasok ng gate. Matangkad sya. Maganda, maputi at tingin ko may pagka maarte. Ang gara ng pananamit nya pati yung bag nya, mukhang mamahalin. Sino kaya sya?
"R-Ri-Rizza? A-Anong ginagawa mo dito? Kailan ka lang bumalik?" nauutal na sabi ni Kevin. Kitang-kita ko sa pagmumukha nya ang kaba, pagkabigla at.. TAKOT. Teka? Bakit sya takot sa babaeng nagngangalang Rizza?
"Is she one of your girls?" kalmadong tanong nung babae habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.
Ang sakit nman makapagsalita ng babaeng to. Alam ko naman na isa lang ako sa mga 'girlfriend' ni Kevin, pero ganito pala kasakit pag harap harapan kang sinasabihan ng 'kabit'? Hindi nama nya literal na sinabi pero yun pa rin ang ibig iparating nya di ba?
Bakit ba ako apektado? Hindi ko naman sya siniseryoso di ba? Oo, sweet kami sa FB pero hanggang doon lang yun. Cge, idagdag na natin yung kanina. Pero yung lang yun di ba?
Dugdug.Dugdug.Dugdug.
No! No! No! Not to the heartbreaker please. Bakit ngayon ka pa tumibok sa maling tao?
Biglang binitawan ni Kevin yung kamay ko na kanina nya pa hinahawakan. At doon ako nakaramdam ng sobrang sakit dahil basta basta nalang nya ako binitawan dahil mas maganda yung nasa harap namin. Pero ang mas masakit, yung sunod na sinabi nya,
"She's just a nobody! Nawawala kasi sya kaya tinulungan kong makauwi. Hindi ako pumapatol sa bata pa. Tsaka ang pangit nya naman para maging fling ko. Ni wala nga syang harapan, eh! Let's go home, babe!"
No! Hindi! Hindi nya sinabi yun. Napatingin ako sa hinaharap ko at dun sa babae at nasabi kong tama sya. Katawan lang yata habol nya, dinamay nya pa ako. Gusto ko magalit sa sarili ko. Bakit ko ba yun naging bf? At bakit ko hinayaan ang sarili ko na mahulog sa kanya sa loob ng maikling panahon? Tama ba to?
Of course MALI ito ! May girlfriend nga sya di ba? Tang*nang puso naman oh, wrong timing pa.
Bakit Kevin? Kevin? Kevin, bumalik ka! KEVIIIN!
Nakita ko silang naglalakad palabas ng gate habang yung babae ay nakayakap sa braso ni Kevin. At mas masakit yung nakita kong hinalikan nya sa labi yung babae.
Dahil sa sakit na naramdaman ko bigla nalang sumakit yung dibdib ko at sumunod ang pagpatak ng luha ko. Sunod-sunod ang pagtulo ng mga ito. Hanggang sa bumagsak ako sa sahig.
"Kristina! Kristinaaaa!"
Hindi! Hindi nya ako binalikan di ba? Sumama sya dun sa babae nya? Pero bakit ko naririnig yung boses nya? Bakit?
"Kristina, ano ba? Gumising ka na!" rinig kong sabi nung boses.
Dinilat ko ang mata ko at sumalabong sa aking nakakunot-noong pagmumukha ni Kevin. Bakit sya andito? Nananaginip pa yata ako. Sinara ko ulit yung mata ko at nagbabakasakali na sa pagmulat ko ulit ay wala na sya.
"Tanga! Di ka nanaginip!" sabi nya sabay pitik sa noo ko.
"Aray ko naman!" sabi ko sabay nag-pout. Naniniwala na ako na sya to. Ang sakit kaya nun. Nilibot ko yung paningin ko sa paligid at doon ko na-realize na andito na naman pala ako sa room na ito. Where all the pain started.
"Were you having a nightmare? Kanina ka pa umiiyak eh?" sabi nya sabay pahid ng luha ko sa pisngi ko gamit yung thumb nya. Nanginig ang buong katawan ko sa paghawak nya. Why did he act suddenly concerned?
"It was just a dream.." sabi ko sabay alis ng kamay nya.
"I think it was a sweet dream, right? O baka naman hindi? Bakit ka iiyak kung sweet dream nga yun di ba?" sabi nya at umalis na sya sa harap ko.
Ayoko na dito! Lagi kong naaalala yung nakaraan namin. Tapos mas malala ngayon dahil napaniginipan ko na. Aaminin ko. Masakit pa rin hanggang ngayon. I can't bear this pain anymore. Dapat pinilit ko yung mama ko na pumunta na ko ng States eh.
Aalis na sana ako ng room ng bigla nyang sinara ang pinto.. He pushed me hard towards the door and pinned me there.
"Were you dreaming about our past? I heard you calling my name." bigla nyang nilapit yung bibig sa tenga ko at hinipan yun which brought shivers to my whole being.
"I also dream of you!" Totoo ba sinasabi nya? Nasasaktan din sya at napapanaginipan yung nakaraan namin? Nagsisisi na kaya sya?
"I also dream of you.. in my wet dreams!"
PAAAAK! Bigla ko syang nasampal pero di sya nag react. Hinawakan nya yung pisngi nya na nasampal ko.
"Ang bastos mo!" sabi ko saka sinampal sya ulit pero sa kabilang pisngi naman.
"Ganito ang bastos, Kristina!"
He pinned me again to the door and kissed me on the lips. What the hell is he doing to me? Pinilit kong makawala pero ang higpit ng hawak nya. Hindi ako nag rerespond sa mga halik nya kaya mas diniinan nya pa yung halik. I felt his tongue caressing my lips. Maya maya bigla nyang kinagat yung lower lip ko at napasigaw ako.. But he took that opportunity to enter his tongue inside me. Sh*t! Bigla ko syang tinulak at pinagtatampal yung dibdib nya.
He took my first kiss! And it was not just a kiss. He.. He.. Noooo!
Napahagulhul na lang ako kasi nawala yung first kiss ko.
"Now you know what bastos means?"
"I hate you! I hate you all my life, Kevin Oliver Lee! Curse you!" At dali-dali akong lumabas sa room na iyon.