Ruthless Desire

By Kass-iopeia

1.4M 22K 839

WARNING: R18!! Callum was against his father's marriage to Katharina, who was nearly his age, or worse, much... More

Prologue
002: Never seen a sunflower before?
003: Useless Mouth
004: Manila
005
006
007
008
009
010
011
012
013
014
015
016
017
018
019
020
021
022
023
024
025
026
027
028
029
030
031
032
033
034
035
036
037
038
039
040
041
042
043
044
045
046
047
048
Epilogue

001: How much is your rate?

62.3K 741 13
By Kass-iopeia

Kabanata 1
How much is your rate?

"Dump that woman, father," Callum said firmly to his father when it was just the two of them. His father's expression became serious and cold when he said that.

"Pati ba naman ikaw ay tumututol sa pagpapakasal ko?"

"Do you not see it? You're being used by that woman. It is clear that she does not love you. Pera niyo lang ang siguradong pakay ng babaeng iyon."

"Don't say that, son! You don't even know her. Hindi mo alam kung ano ang mga pinagdaanan niya at hindi mo alam kung gaano siya kabuting tao. Hindi mo dapat hinuhusgahan ng ganyan ang Tita Katharina mo. Hindi mo siya kilala." Mariing sambit ng matandang Montemayor. Umiling-iling ang binata, tila hindi makapaniwala sa mga pinagsasabi ng kanyang ama.

"Tita? Are you fvcking kidding me, Dad?" nakangisi at puno ng insultong sabi ni Callum sa kanyang ama.

"I look older than her, so how the hell can I call her that? Dad, para mo ng anak ang babaeng 'yon hindi man lang ba kayo nahihiya?"

"Wala kang karapatang sabihan ako ng ganyan, Callum Nicholas!"

"I just don't want you to fall behind. That woman will leave you once she has what she wants. She will just drop you, I swear to you," may kalakasang sabi ng anak.

"Nang iniwan niyo akong mag-isa dito ng iyong ina at ng iyong mga kapatid, may narinig ka bang panunumbat sa akin, ha, Nicholas?"

Doon natigilan ang binata. Mula kasi din na maghiwalay ang mga magulang ay pati ang dalawang kapatid niyang babae ay umalis na din ng mansyon at parehong sumama sa kanilang ina.

"Noong iniwan niyo akong lahat, si Katharina ang nag-alaga at nagpuno ng puwang na iniwan ng iyong ina sa puso ko. Anak, alam kong hirap kang magtiwala at alam ko ding kapakanan ko lang ang iniisip mo ngunit maniwala ka... mabuting tao si Katharina. She's the only woman I've met who has a pure and soft heart. Please make an effort to get to know her first."

"Dad, oo maaring iniwan ka namin dito sa hacienda pero hindi kami kailanman nawala para sa inyo. Palagi lang kaming nandito kapag kinakailangan niyo. Pupuntahan ka namin basta magsabi ka lang. Pamilya mo kami kahit nasaan pa kami."

"Hindi niyo na kailangan gawin iyon ngayon dahil may mag-aalaga na sa akin. Ayaw niyo ba iyon? Hindi niyo na ako kailangan pang isipin, maari ninyo nang gawin ang mga bagay na gusto niya sa Manila. 'Wag mo na lang akong diktahan sa bagay na ito, Nicholas. Huwag niyo na akong pakialaman pa dahil alam ko kung ano ang ginagawa ko." May kadiinang sabi ng ama. Napapailing na nasapo ng anak ang kanyang sintido. Hindi na niya alam kung paano pa makukumbinsi ang ama na hiwalayan ang babae.

"I know it's selfish, but I want you to make a decision. Choose between us, your children, and that woman. You make your choice, Dad," malamig na sambit ng binata.

Nanlaki ang mga mata ng Don sa sinabi ng kanyang panganay na anak. Hindi siya makapaniwalang pinapipili siya nito sa dalawang bagay na parehong mahalaga sa kanya.

"Bakit mo ginagawa sa akin ito Nicholas? Noon ba ay pinapili ko kayong mga anak ko kung kanino niyo gustong sumama? Nagalit ba ako nang mas piliin ninyong mapalapit sa inyong ina kaysa sa akin? Kahit kailan hindi ako nagtanim ng galit o kahit sama ng loob sa inyong mga anak ko kahit na naiwan ako ditong mag-isa. Inintindi ko kayo kahit na masakit sa akin na mahiwalay sa inyong lahat. Nagpaubaya ako dahil alam kong iyon ang gusto niyo. Hindi ko kayo tinutulan na makasama ang inyong ina. Kaya sana naman anak, hayaan niyo na akong maging maligaya. Ito na lang ang kaisa-isa kong hiling mula sa inyo."

"Pero mali! Mali ito! She's twice your age! Hindi ba kayo nahihiya? Isipin niyo naman ang iskandalong pinapasok niyo."

"Wag mong gamitin sa akin ang tonong iyan Nicholas. Anak lang kita. Wala kang karapatang pagtaasan ako ng boses!"

"I'm staying here. Patutunayan ko sa inyong hindi siya karapat-dapat para sa inyo. At kapag napatunayan ko... you have to promise me na hihiwalayan niyo ang babaeng iyon," 'yon lang at umalis na ito sa harap ng ama.

Pabalibag na binuksan nito ang guest room. Agad na kinuha ang cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon upang idial ang numero ng kanyang nobya. Nakatatlong ring din ito bago sinagot ng nobya. Halata pa sa boses nitong kagigising lang.

"Hello?"

"Hey babe. Nagising ba kita?" Medyo gumaan ang pakiramdam niya matapos marinig ang boses ng kasintahan.

"Medyo. Bakit ka ba napatawag ng ganitong oras?"

"Babe, nasa hacienda ako ngayon. I am planning to stay here for quite some time... Please take good care of yourself while I'm away. Hell! Once I get back, we're getting married."

Napangiti si Pauline sa sinabi ng nobyo mula sa telepono. Matagal na din niyang gustong magpakasal sa nobyo kaya abot tainga ang ngiti niya ngayon sa naririnig sa nobyo.

"Are you sure?"

"Yes, babe. I have never been this sure in my entire life," malambing at punong-puno ng pagmamahal na sabi ng binata sa nobya. Ilang sandali pa silang nag-usap ng nobya bago nito patayin ang tawag.

Napabuntong hininga siya pagkatapos. Pinapangako niya sa sarili na hinding-hindi siya aalis sa mansyon na iyon hanggat hindi niya napapalayas dito ang babae ng kanyang ama. Hindi siya kailanman mapapaniwala nito na malinis ang kanyang intensyon sa pakikipagrelasyon sa kanyang ama. Sigurado siyang pera lamang ang habol nito sa kanyang ama at wala ng iba pa.

Pag nagawa na niyang mapaalis ang babae sa mansyon ay mapapanatag na siyang babalik sa Manila upang pakasalan ang babaeng pinakamamahal.

Kinabukasan ay tanghali na nang magising si Callum. Masyado siyang napuyat sa pagbiyahe kagabi kaya hindi na siya nakagising ng maaga. Naabutan niyang nagluluto na ng pananghalian ang nobya ng kanyang ama. Agad na binati siya nito pagkakita sa kanya.

"Gising ka na pala," nakangiting sambit ng dalaga.

"Gusto mo na bang kumain? Sandali at matatapos na rin itong niluluto ko," sambit ng dalaga sa maliit na boses. Hindi kumibo ang binata at matamang sinipat na lamang ng tingin ang babaeng nakatalikod sa kanya at masaya sa kanyang ginagawa sa kusina. Muli nanaman siyang napatitig sa magandang hubog ng katawan ng dalaga. Hindi niya maitatangging maganda talaga ang katawan nito, hindi lang iyon, maganda at napakaamo din ng mukha ng dalaga. Sa itsura nito ay tila ba hindi nito kayang manakit o manlamang. Ngunit hindi siya pwedeng magpadala sa panlabas na anyo ng dalaga. Alam niyang sa likod ng mga magagandang katangian nito ay may itinatago ito.

Shaking his head, Callum went straight to the refrigerator to get some cold water.

"May kailangan ka ba?" Muling tanong ng babae bago siya nito lingonin. Nakangiti at maaliwalas ang mukha nito malayo sa nakita niyang itsura nito kagabi. Naisip niyang baka palabas lamang nito ang nangyari kagabi para magpaawa sa kanyang ama.

"Nasaan si Dad?" Tila walang kagana-ganang tanong ng binata.

"Kapag ganitong oras nasa opisina niya lang siya at nagtatrabaho," sabi ng dalaga habang ipinagpapatuloy ang ginagawa sa kusina.

May maliit na opisina ang ama niya sa loob ng mansyon at madalas itong doon maglagi. Inaasikaso nito ang pagpapalakad sa buong hacienda. Kung minsan naman ay nasa farm ito upang panoorin ang mga trabahador nitong nag tatrabahao doon. Hindi pa gaanong katanda ang ama pero may dinaramdam na itong karamdaman kung kaya't minsan na lamang ito naglalalabas ng mansyon. Madalas ay siya na lang ang pinupuntahan ng mga trabahador niya upang mag report sa kanilang mga trabaho.

"Maupo ka na muna d'yan, C-Callum," medyo ilang pa ang dalagang bigkasin ang pangalan ng binata, hindi din kasi talaga siya sanay makisalamuha sa ibang tao lalo na't sa mga lalaking tulad ni Callum.

"Ipaghahanda na kita ng makakain mo."

Hindi sumagot si Callum at naupo na lamang sa isang upuang naroon. Mukhang disenteng babae naman ang babaeng nasa harap niya ngayon pero alam niyang nagpapanggap lamang ito upang makuha ang loob niya.

"Saan mo nakilala si Dad?"

Natigilan sandali ang dalaga sa kanyang ginagawa. Natahimik ito sandali at halos mamutla ng maalala kung saan niya unang nakilala ang nobyo. Nanginig ang buong katawan niya nang maalala ang araw na una niyang nakilala ang Don. Iyon din ang araw kung kailan namatay ang kanyang mga magulang. Hindi niya magawang sagutin ang tanong ng lalaking nasa harapan, iyon ay dahil ayaw na niyang balikan pa ang madilim na nakaraang iyon. Binaon na niya sa limot ang araw na iyon ngunit kapag may nagpapaalala sa kanya ng mga nangyari noon bumibigat ang kanyang dibdib at tila hindi siya makahinga. Epekto ito ng trauma na dinanas niya noon.

"Sabihin mo nga sa akin, saang lupalop ka ba niya napulot?" May panghuhusga at panghahamak sa tonong sabi ng binata. "Sa beer house? Sa club? Saan ba?"

Mas lalong natahimik ang babae sa sumunod na sinabi ni Callum. Hindi siya makapaniwalang ganoon ang tingin sa kanya ng anak ng Don. Ang buong akala niya ay mabait ang binata katulad ng kanyang ama ngunit tila nagkamali yata siya. Noong nagkukwento ang Don tungkol sa mga anak nito ay parang napakabubuting mga anak nito, kaya naman hindi siya makapaniwalang ganito ang trato sa kanya ng panganay na anak. Hindi ganito ang inasahan niyang magiging trato sa kanya ng binata.

Ang alam niya din kasi ay tanggap siya ng mga ito para sa kanilang ama. Iyon kasi ang sabi sa kanya ng Don. Sa pagkakaalam niya kasi ay naipakilala na siya nito sa kanyang mga anak, ngunit tila nagsisinungaling lamang sa kanya ang Don upang hindi na siya mangamba pa tungkol sa bagay na ito.

Nang hindi sumagot ang dalaga ay muling nagsalita si Callum. Madilim ang ekspresyon nito habang pinagmamasdan ang dalaga sa kanyang harapan na halatang hindi na kumportable sa tinatakbo ng kanilang usapan.

"How much is your rate?" nakangising sambit ng lalaki. Biglang naasiwa ang babae sa mga binibitawang salita nito. Hindi niya alam kung anong nagawa niya upang insultuhin siya ng ganito ng binata. Hindi naman niya ito pinakitaan ng masama para maging ganito ito sa kanya.

"Ilang taon ka na ba Katharina?"

"T-Twenty." Nanginginig ang boses na sagot ng dalaga. Agad na nagsalubong ang kilay ng lalaki sa nakuhang sagot sa babae.

"Fvck! Napakabata mo pa. Bakit mo naisipang pumatol sa lalaking may pamilya na?" May bahid na galit na sabi ng binata. Twenty-five na siya at mas lalong ikinagulat niya pang mas bata pa pala sa kanya ang balak pakasalan ng ama. Mukhang kaggraduate pa lang yata ng babae ng kolehiyo. Nakaramdam ng kaunting pang hihinayang si Callum sa babae. Maganda ito at napakabata pa talaga.

"Hiwalay na si Chris sa inyong ina nang makilala ko siya..." nanginginig ang boses na sabi ng dalaga, tila takot sa maaaring maibatong salita sa kanya ng binata. Hindi niya alam kung ano ang hindi magandang nagawa niya dito para husgahan siya nito ng ganito.

Napamura si Callum.

"Kahit na! Ilang taon ang agwat ng edad niyo pero pumatol ka pa din? Pwede ka ng maging anak ng ama ko sa edad mo!"

Hindi nakapagsalita ang dalaga sa ibinatong mga salita ni Callum sa kanya. Hindi niya din kasi alam kung paano siya napunta sa ganitong sitwasyon.

"Hindi ako naniniwalang malinis ang intensyon mo sa aking ama," naiiling na sabi ni Callum habang may masamang tingin sa dalaga.

"Wala akong masamang intensyon sa Dad mo," nakayukong sambit ng dalaga. Hindi na magawang mag-angat ng tingin sa binata dahil sa pagkapahiya at sakit na nararamdaman. Hindi niya akalain na ganito pala kasakit magsalita anag panganay na anak ng Don.

"Magkano pa ba ang kailangan mo?"

"Hindi ko alam ang sinasabi mo." Iiling-iling na napataas siya ng tingin sa lalaki. Diretso sa mga mata nito ang tingin niya na para bang gusto niyang ipaintindi sa binata na hindi naman talaga pera ang habol niya sa ama nito.

Napangisi ang lalaki at tinapunan siya ng masamang tingin. Tingin na may halong panghuhusga at panunuya.

"Oh, come on, woman! Huwag na tayong maglokohan pa dito. Sabihin mo na kung magkano ang kailangan mo. Magkano ka ba?" Medyo napapalakas na ang boses ng binata.

"Hindi pera ang habol ko kay Christopher. Wala akong intensyon na perahan siya. Ang tanging gusto ko lang ay tumanaw ng utang na loob... Maniwala ka, malinis ang intensyon ko. Hindi ko kailanman magagawang perahan ang iyong ama."

Tumawa ng malakas si Callum na animo'y isang nakakatawang biro ang sinabi ng dalaga.

"Malinis ang intensyon my ass! Wag mo ko pinaglololoko. Alam natin pareho na pera lang ng dad ko ang kailangan mo!"

"Hindi yan totoo." Maluha-luhang sambit ni Katharina. Tumalikod na ito kahit na nanginginig pa din ang buong katawan dahil sa mga masasakit na sinasabi ng binata. Pinilit niyang alisin sa isipan ang mga sinabi nito at pinagpatuloy na lamang ang pagluluto kahit sobrang bigat ng kanyang dibdib. Wala siyang magawa kundi ang tanggapin na lang lahat ng masasakit na salitang binibitawan ng binata.

"Hinding-hindi ko hahayaang makapasok ka sa buhay ng pamilya ko. Tandaan mo 'yan." May halong pagbabantang sambit nito bago sila madatnan ng Don.

"Anong nangyayari dito?" Litong tanong ng Don nang maabutan ang anak at ang nobyang tila may malalim na pinag-uusapan.

Agad na nataranta si Katharina sa kanyang ginagawa. Ayaw niyang malaman ng Don ang mga masasakit na sinabi sa kanya ng anak nito dahil alam niyang hindi ito matutuwa doon at baka mauwi pa iyon sa pagtatalo ng mag-ama.

"Ah, Chris, maupo ka na. Tapos na itong niluluto ko. Ipaghahain ko na kayong mag-ama."

Inis na tumayo sa pagkakaupo si Callum at lumabas ng kusina ng walang sinasabing kahit ano sa dalawa. Nagkatinginan ang dalawang naiwan sa kusina.

"Pasensya ka na sa aking anak."

Ngumiti lang si Katharina at ipinaghain na ang Don ng kanyang niluto. Wala naman siyang magagawa kung ayaw sa kanya ng binata. Normal lang naman sigurong kaayawan siya nito dahil hindi pa naman siya nito lubos na nakikila.

"Hayaan mo. Dadalhan ko na lang siya sa kwarto niya baka pagod pa iyon dahil sa biyahe niya kagabi."

Ngumiting pabalik ang Don sa dalaga. Kaya naman labis-labis ang paghanga niya sa dalaga ay dahil sa kabutihan ng puso nito.

Tatlong beses kumatok si Katharina sa pinto ng guest room bago siya pagbuksan ng binata. Ngumiti siya ng malapad sa binata pagbukas nito ng pinto. Bahagyang itinaas ni Katharina ang hawak-hawak na tray ng pagkain.

"Naisip ko baka gutom ka na. Hindi ka pa kumakain mula kaninang umaga kaya hinatiran na kita. Masarap 'yan," nakangiti paring sabi ng dalaga. Tila wala lang dito ang mga masasakit na salitang binitiwan sa kanya ng lalaki.

Ngunit ganun na lang ang ikinagulat niya ng sanggain ni Callum ang bitbit-bitbit niyang tray. Lahat ng laman na pagkain nito ay natapon sa kanya. Napasinghap siya ng maramdaman ang init ng sabaw na niluto niya sa kanyang katawan. Napangisi ang lalaki tila tuwang-tuwa pa sa ginawa.

Tumaas ang dalawang kilay ng lalaki habang may naglalaho pa ding ngisi sa mga labi nito.

"Anong tinatayo-tayo mo pa d'yan? Kumuha ka ng panibago."

Walang nagawa si Katharina kundi sundin ang binata at kumuha na lang ng panibago ngunit bago iyon ay nagpalit na muna siya ng malinis na damit sa kanyang silid. Matapos hatiran ng makakain ay nagtungo siyang muli sa kusina upang kumuha ng cube ice at idinampi iyon sa napasong balat sa itaas lamang ng dibdib.

Gusto niyang kaawaan ang sarili pero pinili niyang magpakatatag. Ito nalamang ang tangi niyang magagawa para sa don. Matapos siya nitong tulungan. Kahit mahirap ay dapat niyang pakisamahan ang binata. Alang alang lamang sa nakatatandang Montemayor.

Mula ng mawalan siya ng mga magulang dalawang taon na ang nakakalipas ay ang don na ang tumulong sa kanya sa lahat kaya napaka laki ng utang na loob niya rito kaya nuong mag tapat ito sa kanya ng nararamdaman nito ay madali niya itong tinanggap ng walang pinag sisisihan. Naisip niyang baka sa ganuong paraan man lang ay makabawi siya sa don.

"Napaano yan?" Biglang dating ng mayordoma ng mansyon na nakasanayan na niyang tawaging manang Loleng.

"Manang kayo ho pala. Nagulat naman po ako sa inyo." Sabi ng dalaga ng nakangiti pa at hindi iniinda ang hapdi sa itaas ng dibdib na napaso ng sabaw. Kagagaling lang nito mula sa isang bakasyon. Isang lingo rin itong nawala kaya hindi pa nito alam na bumalik na ang kaisa isang anak na lalaki ng don.

"Ang tanong ko anong nangyari dyaan?"

"Naku wala naman to manang. Natapunan lang ng sabaw."

"Sigurado kaba?"

"Opo naman. Nga pala manang nandito ho ngayon ang panganay na anak ni Chris."

"Talaga? Nandito si Nicholas?" Gulat na tanong ng matanda dahil ngayon nalamang ulit ito napadpad duon matapos ang dalawang taon. Madalas kasing ang ama na lang ang dumadalaw sa mga anak nito sa manila dahil mukhang nakalimot na raw ang mga itong dalawin siya.

"Manang ganun ho ba talaga iyong panganay ni Chris?"

"Bakit anong meron kay Nicholas?"

"Medyo masungit ho eh."

Natawa ang matanda.

"Naku ganuon talaga iyong batang yun kapag hindi pa siya komportable sa isang tao. Pero kapag gumaan na ang loob nuon sayo ay makikita mo kung gaano kabuting tao iyon."

Ngiti na lamang ang naisagot niya sa matanda.

Continue Reading

You'll Also Like

79.7K 4.5K 39
Khloe Emerald was born and raised in a wealthy family. She was treated like a Princess... a precious gem in their family so saying no to her parents'...
519K 11.5K 35
LOVE AFFAIR BOOK 3 Si Deviree Shantal o Ruby Montero. Isang makapangyarihang babae na nagtatago sa katauhan bilang si Deviree. Punong puno ng pagkamu...
236K 10.5K 61
He is the most powerful leader of Andromida Conglomerate, Asia's largest business empire and the supreme commander of an elite organization called...
32.4K 506 33
After her heart was shattered by the man she thought loved her, Khiana went to Vista Verde Resort to forget, but then she met and caught the attentio...