El Destino desde 1870

By Im_Vena

32.9K 2.1K 377

Completed In modern-day Philippines, Ten, a reclusive mystery writer, release the book "Arrow Pen". As he pen... More

Disclaimer
Logline
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Kabanata 71
Kabanata 72
Kabanata 73
Kabanata 74
Kabanata 75
Kabanata 76
Wakas
Liham
ANNOUNCEMENT
THANK YOU!
El Destino desde 1870
Sequel of El Destino desde 1870

Simula

4.6K 144 56
By Im_Vena

Simula


Tahimik ang paligid at tanging ang pagkaluskos lamang ng pagtama ng palaso sa isang lata ang nagpapukaw sa katahimikan. Humulma ang nagmamayabang na ngisi sa labi ni Olivia na ikinatawa naman ni Carlos.

"Magaling Olivia, kahanga-hanga. Napakaganda mo na nga ay napaka galing mo pang mamamana. Tunay nga na ika'y nagtataglay ng pambihirang karikitan," bigay na bigay na papuri ni Carlos sa dalaga matapos ay marahan itong humithit ng tabako.

Sa paghihit na iyon ay hindi sinasadyang napalingon si Carlos sa kaibigang si Leonardo na tahimik na nagsusulat sa kabilang gilid ng silid. Tila ba wala man lamang itong pakialam sa magandang ipinakikita ng bago nilang kasamahan. Marahil iyon na rin ang naging dahilan ni Carlos upang punahin ang nananahimik na Ginoo. "Kaibigan, ano ang iyong masasabi sa galing na ipinapamalas ni Olivia?" mapangasar na tanong nito. Alam ni Carlos na abala ang kaniyang kaibigan sa pagsusulat ng nobela at lubos nitong ayaw magpaabala ngunit binuska niya ito upang maging katuwaan.

Hindi napigilan ni Leonardo ang mapabuntong hininga. Gayunpaman ay nagawa pa rin niyang sagutin ang kaibigan. "May maibibigay pa ba akong papuri kung nasabi mo na ang lahat ng papuri sa kaniya, Carlos? Aksaya lamang sa oras at panahon." Inangat ni Leonardo ang paningin at seryoso niyang binalingan si Carlos ng tingin. Hindi naman ito nagpatalo at taas noong nakipagtitigan sa kaniya habang mayroong malokong ngiti sa labi.

Isang malakas na kalabog sa ibabaw ng lamesa ang namutawi sa buong paligid. Napalingon si Leonardo sa dalagang lakas loob na ibinagsak ang bago nitong pana sa ibabaw ng lamesa na kaniyang sinusulatan.

"Batid mo ba kung ano ang ipinangalan ko sa panang ito?" bakas ang pagmamalaki sa boses ni Olivia. Kaya naman napangisi si Leonardo at bahagya niya pang inayos ang salaming gamit. Dinampot pa nito ang kaniyang orasang pambulsa (pocket watch) na nasa ibabaw ng lamesa. Matapos ay binulsa niya iyon at napiling mag-angat ng tingin sa dalaga.

Mula sa malaporselana nitong kutis na tila isang marmol sa kinis. Ang ilong nitong kay tangos na walang kawangis. Ang mapilantik na kilay na binabagayan ng mga malalim niyang mata na tila hinahalukay ang buo niyang kaluluwa. Ang mamula-mulang pisngi at ang labing tila singpula ng mansanas na bagong pitas. Maging ang mahaba at kulot nitong buhok ay talagang lubos na nagdudulot ng kakaibang dating sa kahit na sinong maglalapat sa kaniya ng tingin.

"Ano?" Mababakas ang kabagutan sa sagot ni Leonardo na pawa bang pinalalabas ng binata na sinasayang lamang ni Olivia ang oras niya. Napanguso na lamang si Olivia sa naging sagot ng kaniyang kaibigang pinaglihi sa sama ng loob.

"Aro Pin!" (Arrow Pen) Bakas na hindi bihasa sa pagsasalita ng wikang Ingles ang dalaga. Ikina-kunot iyon ng noo ni Leonardo. Isa iyong salitang ingles na kamakailan lang ay itinanong din nito sa kaniya. "Napakaganda hindi ba? Pinag-isipan ko iyang mabuti." Napapa-iling na napangisi na lamang si Leonardo sa sinabi ni Olivia. Sa pagkakaalam niya ay siya rin naman ang nagsabi sa dalaga na ang Ingles sa pana ay arrow at sa pluma ay pen. Subalit kahit ganon ay minabuti ni Leonardo na sakyan na lamang ang pagmamalaki ng nakababatang kaibigan.

"Bakit mo naman naisipan na pangalanan ang bagay na iyan ng ganiyan?"

"Sa aking palagay kasi Ginoo, mas nakamamatay ang pluma kaysa sa pana at palaso. Kaya naman, pinangalanan ko itong Aro Pin (Arrow Pen) upang masasabi kong, walang mas nakamamatay pa bukod sa panang mayroon ako," pagmamayabang nito.

Napailing na lamang muli si Leonardo at napahalakhak naman ng malakas si Carlos. Parehong kinagigiliwan ang binibini.

Likas na talaga sa pagkatao ng dalaga ang pagiging mahangin at pagiging positibo sa lahat ng bagay. Marahil ay dahil na rin ito sa lumaki siya sa pagbabalatkayo bilang isang lalaki.

"Kaya naman Leonardo, sana ay huwag mong hayaan ang sarili mong sumulat para lamang kilalanin at dumugin ng mga binibini. Sumulat ka para sa kasiyahan mo dahil kagaya nga ng sinabi ko, talo ng pluma mo ang pana ko." Ngumiti ito ng malawak na ikinaseryoso ni Leonardo. Batid ni Olivia na nawawalan na ng ganang sumulat ng panibagong akda ang kaniyang kaibigan. Nag-aalala siyang makalimutan na ni Leonardo ang dahilan kung bakit siya nagsusulat. Walang nagawa si Leonardo kung hindi ang tumango at pasimpleng mangiti.

"Señor Carlos, Binibining Olivia, Ginoong Leonardo, nakahanda na ang hapunan!" masiglang hiyaw ni Agnes sa kaniyang pagpasok ng silid. Subalit hindi nila iyon inasahan at sa sobrang gulat ay inakala nila na kung sino na ito.

Mabilisang nadampot ni Carlos ang kanyang maskit (Musket; old long barrel gun) at itinutok dito. Ganoon din si Leonardo, mabilis niyang nailabas ang baril mula sa isang maliit na kahon sa gilid ng mesa. Habang si Olivia ay naitapat na agad ang kaniyang palaso. Sa puntong nagkagulatan ay agad na nagtaas ng kamay ang bagong dating na si Agnes na tila ba sumusuko. Gulat siya sa nagawang aksyon ng mga kaibigan.

"M-Maaari ba na i-ibaba ninyo iyan? A-Ako lamang ito, si Agnes."

Ako si Olivia at ito ang aming kwento.. sa loob ng talaarawan ko.

Arrow Pen
nobelang isinulat ni TEN

Isang pahapyaw sa nakalimutang Kasaysayan.


Ito ang simula ng katuparan ng aking pangako. — Ten

I M _ V E N A

Continue Reading

You'll Also Like

52.9K 2.5K 29
Clover Gil was a highschool student girl who did nothing but to make a trouble, break the rules and make fun of others. Her grade in English subject...
387K 10.8K 60
'FEAR' The word that I'd hate the most a very LONG LONG time ago. But as time passed by, it became like a drug that makes me so HIGH together with BL...
Socorro By Binibining Mia

Historical Fiction

1.2M 73.2K 27
De Avila Series #1 "Wattys 2022 Grand Prize Winner" Known as the most stubborn and troublemaker daughter of the De Avila family, nothing stops Socorr...
29.7K 1.7K 34
Nexus Series #8 Adira Maude Serano - Astaseul's story. Started: August 10, 2021 Completed: May 29, 2022