El Destino desde 1870

By Im_Vena

32.9K 2.1K 377

Completed In modern-day Philippines, Ten, a reclusive mystery writer, release the book "Arrow Pen". As he pen... More

Disclaimer
Logline
Simula
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Kabanata 71
Kabanata 72
Kabanata 73
Kabanata 74
Kabanata 75
Kabanata 76
Wakas
Liham
ANNOUNCEMENT
THANK YOU!
El Destino desde 1870
Sequel of El Destino desde 1870

Kabanata 1

2.7K 97 66
By Im_Vena

Kabanata 1

Ayun kay Maya Angelou, “There is no greater agony than bearing an untold story inside you,” and as a reader and aspiring writer kung papalarin ay naniniwala ako sa katotohanang ito. Para siyang tawa na mahirap pigilan, hangin sa tyan na hindi mailabas o kaya naman kati na hirap pigilang kamutin. Ganon ang bawat story, to be precise once na simulan mo there is some tendency na ang story mismo at ang ugali ng karakter ang magdedesisyon ng kahahantungan ng mga pangyayari. And maybe, just maybe that time... in that moment... he might also think that way.

Tahimik akong napapahikbi nang matapos kong basahin ang Blow by the Wind ni TEN. Napakamapanakit naman kasi, but at the same time ang daming learning.

Si Ten nga pala ang paborito kong author sa iba't-ibang writing platform. Napakagaling niya talaga at sa katunayan nga niyan, lahat na ata ng 24 niyang akda ay nabasa ko na. Bukod doon ay may mga nagawa na rin siyang libro under the unknown publishing company. Ang totoo niyan ay napaka-private at mysterious ng manunulat na ito pero dahil doon at sa husay niyang magsulat ay minahal siya nang mga tao. 

Isa ako sa mga followers niya na nagmamahal sa kaniya. Hindi lang 'yon, dakilang stalker niya pa ako pero in a good, wise and silent way naman. Maraming chismis na isa raw multong manunulat si Ten. Like duh! As if namang may multo talaga. Meron ding nagsasabi na isang matandang babae na mga 50 years old daw si Ten base raw kasi sa pagkakasulat niya nang librong 'Off the Wall' ay parang marami na siyang karanasan tungkol sa mga buhay. Ang genre kasi ng OTW ay action na may pagka-tragic. Apat na raan din ang bili ko sa librong iyon, ang ganda-ganda kasi napakahaba pero sulit naman. 

Subalit para sa'kin naniniwala akong isang gwapong lalaki si Ten, isang maginoo na gentleman pa. Teka? Parehas yata 'yun ah? Basta!

Basang-basa ang kumot ko, maging ang unan ay ganon din dahil sa walang tigil kong ka-iiyak. Medyo masakit kasi iyong nangyari sa dalawang bida. Tipong Hindi kayang hilumin ng isang ice cream lang.

Ganito kasi iyan—

Hindi ko pa man nasisimulang ipaliwanag ang aking nabasang istorya ilang minuto lang ang nakalilipas nang biglang malakas na sinipa ng magaling kong kapatid ang kama ko. Bale double deck kasi ang kama namin. Obviously, ako ang nasa itaas.

"Ano ba 'yan! Ate naman kung wala kang balak matulog please! Magpatulog ka naman!" Bakas ang iritasyon sa kaniyang sinabi. Doon na ako napanguso, gayunpaman ay hindi napigilang hindi mapairap. 

Nakakainis naman ang isang 'to panira ng moment. Tsk! Napaka-kill joy.

"Bakit 'di kana lang matulog, nangingialam ka pa sa'kin!?" pasigaw ko ring banat sa kaniya. Kung kaya niya akong sigawan syempre ako rin kaya ko rin siyang bulyawan.

"For pete sake, ate! Don't you know that it's already 1 am in the morning? Please let me sleep!" mas malakas na niyang hiyaw ngayon. Kaya naman natahimik na ako. Kilala ko ang kapatid ko at kapag ganiyan na siya at nag-e-english na badtrip na talaga siya non.

She's my little sissy Lairre Ricarte, 13 years old at freshman student ng Southern Academy. For more info isa lang naman siyang gamer. Mahilig siya sa mga panlalaking laro like COC, Dota, at iba pa. Wala siyang hilig sa pag-aaral at hate na hate niya ang mga libro.

Ibi-nack ko na ang cellphone ko at pinatay na iyon para matapos na ang isyu nang napaka-epal kong kapatid at natulog na lang.

Naglalakad lang ako sa kahabaan nang isang madilim na pasilyo na ang sahig ay gawa sa kahoy at tila ba makaluma na ito na siyang tanging nakikita nang aking mga mata. Hindi ganon kalinaw ang buong paligid sa paningin ko. Parang kahit ata anong gawin ko ay blur pa rin. Hanggang sa isang babaeng nakaitim na damit ang dumaan sa harapan ko, 'yung tipong nakapangmadre siya. Nakabelong itim din siya na para bang isa siyang black lady sa isang horror film kaya naman hindi ko makita ang mukha niya. Imbis na makaramdam ng takot ay tinamaan ako nang kyoryusidad kaya sinundan ko siya. Dahan-dahan lang ang paglalakad niya hanggang sa tumigil siya. Nanlaki ang mata ko. Teka hindi kaya naramdaman niyang sinusundan ko siya?

Subalit mali ang aking konklusyon. Tumigil lamang ito para alamin kung may tao ba sa paligid matapos ay pumasok siya sa isang pintuang gawa sa pawid na kaharap niya. Teka, hindi niya ba ako napansin? 

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bigla na lamang akong napunta sa posisyon ng babae kanina. Ngayon, ako ang tumatahak papasok sa silid at tinutungo ang direksyon ng isang lalaking nakaharap sa isang study table at patuloy sa pagsusulat. Batid kong makalumang-makaluma talaga ang lugar kung nasaan ako. Kahit na tanging isang bakanteng silid lamang ito at wala nang ano pa mang gamit bukod sa study table at sa lalaking nagsusulat gamit ang ink.

Nagulat ako nang biglang may pana na akong hawak. Ramdam ko kung paano manginig ang kamay ko dahil sa nangyari. Nakatutok ito sa lalaking nakatalikod. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero kahit anong pilit kong gawin na ibaba ang kamay ko ay wala rin namang nangyari.

Biglang humarap ang lalaki subalit malabo ang mukha niya nang masilayan ko siya kaya't hindi ko rin sigurado kung sino siya.

Nagulat na lang ako nang bigla na lamang kumalas sa kamay ko ang palaso at tumama ito sa bandang puso nang lalaking kaharap ko. Tuluyang tumulo ang luha ko sa hindi ko maipaliwanag na sakit sa dibdib na nararamdaman ko nang dahil sa ginawa ko.

Pinatay ko sya! Pinatay ko pero sino ba siya at bakit? Bakit ko siya pinat

"Ate ano ba gising binabangungot ka na!" Sa hudyat na 'yun ay bigla na lamang akong napabangon. Ramdam ko ang lakas ng tibok nang puso ko. Napakabilis nito na para bang nakipaghabulan ako sa mga toro. Hindi ko alam kung paano patitigilin iyon. Tuluyan nang sinakop ng kaba ang daloy nang paghinga ko. Sumisikip ang dibdib ko kaya naman para na tuloy akong hinahapo ngayon.

"Hey! Are you alright?" Bakas ang pag-a-alala sa tono ng kaniyang pananalita. Subalit tanging tubig lang ang salitang nasambit ko. "Yes! Yes! Sige ikukuha kita at tatawagin ko na rin sila 'Nay at 'Tay. Wait ka lang ate, okay?" Tinanguan ko na lang siya kaya dali-dali na siyang lumabas. Rinig ko pa ang sinigaw niyang pagtawag kila Nanay at Tatay. 

"Nay! Tay! Si ate binangungot na naman!"

Oo, hindi ito ang unang beses na napanaginipan ko ang weirdong panaginip na iyon. Dahil mula pa ata nung bata pa ako ay napapanaginipan ko na iyon. Noon pa man malimit ko nang sinasabi sa mga magulang ko ang panaginip na iyon. Nung una ay tanging ang salitang 'Panaginip lang iyon anak hindi iyon totoo' ang malimit nilang isinasagot sa akin. Subalit kalaunan ay ikinatakot na nila iyon. 

Kwento pa nila sa akin isang araw raw nung bata pa ako. Sinabi ko raw nang paulit-ulit ang katagang 'Pinatay ko siya'. Sinubukan na nilang ipatingin ako sa isang psychiatrist pero wala naman daw akong sakit sa utak kaya parang nagsayang lang sila nang pera. Kada napapanaginipan ko iyon ay paulit-ulit ko lang nararanasan ang pagsikip nang dibdib ko at ang pakiramdam na hindi makahinga. 

Huling beses kong napanaginipan iyon ay noong nakaraang taon pa at talagang ipinunta na nila Nanay ako sa isang magaling na albularyo dahil muntikan ko na talagang ikamatay iyon. Ang sabi ng albularyo ay isa raw itong karma o di kaya ay bangungot mula sa nakaraan. Walang sino man kila nanay at tatay ang nakaunawa sa sinabi nang albularyo, maging ako ay ganoon din. 

Noon nga ay nagalit pa si Tatay sa albularyo dahil para raw pinapalabas nito na isa akong malas. Sabi pa ni Tatay manloloko lamang daw ang albularyo. Matapos kasing sabihin ang katagang iyon ay hindi na ito umimik pa, literal kasi mula sa araw na iyon ay bigla na lamang itong naging pipi sa hindi malamang dahilan. Naglaho ang albularyong iyon na parang bula nang makuha niya ang bayad nila Tatay.

Biglang bumukas ang pinto at doo'y bumungad sa akin ang nag-a-alalang mukha nang aking mga magulang.

"Jusmiyo!" anas ni Nanay at patakbong lumapit sa'kin. Umakyat siya para makalapit. "Ireng dalian mo kinakapos na ang ate mo!" 

"Huwag kang masindak Lita alalayan mo si Enang at ilalabas natin siya rito sa kwarto." 

Gayun nga ang ginawa ni Nanay, inalalayan akong makababa nang katre at si Tatay na ang umalalay sa akin palabas. Dinala nila ako sa likod bahay at kita ko kung papaano kandarikdikang inilagay ni Lairre ang isang bangko sa labas para aking maupuan. Pinaupo nila ako roon tsaka bahagyang hinagod-hagod ni Nanay ang likod ko.

"Tay! Ito na ho ang tubig!" Agad na kinuha ni Tatay ang basong may tubig mula sa kamay ni Lairre at inabot iyon kay Nanay para ipa-inom sa akin.

"A-Ayos kana ba anak?" Mangiyak-ngiyak si Nanay sa pag-aalala sa akin kaya kahit na hindi pa talaga ako okay ay pinilit kong ngumiti. 

"Namumutla ka Enang anak," saad ni Tatay sabay pahid sa mukha ko. Batid kong pinahid niya nanaman ang mga luhang nakatakas mula sa mata ko nang hindi ko namamalayan at hindi ko alam ang dahilan. Enang ang palayaw ko at tanging ang pamilya ko lamang ang tumatawag sa akin noon. Ang baho diba? Pero mas mabaho pa rin ang kay Lairre kasi Ireng 'yung palayaw niya.

"Ate okay kana ba talaga?" Sa tanong na iyon ni Lairre ay doon ko na lang napansin na naka-uniform na pala siya. Nagmumukha siyang mabait kapag naka-uniform siya.

"A-Ayos na ako, by the way pangit, n-nagmukha kang m-matino sa hitsura mo n-ngayon Ireng." Pilit kong pagbibiro. Kaya imbes na mainis ay natawa na lang siya. Nakahinga naman nang maluwag sila Nanay at Tatay.

'Magandang umaga po, nandito nanaman ako upang magbigay nang trivia sa inyo. Alam niyo bang bukod sa katipunan ay may iba pang rebolusyonaryong grupo ang nauna pa rito. Sinasabing sa pagitan nang taong 1860 hanggang 1870 nabuo ang rebolusyonaryong grupo na nabanggit ito ay ang Cagabong Alliance—'

Sa hindi malamang dahilan ay napukaw nang balitang iyon ang atensyon ko. Saglit akong natigilan lalo na nang marinig ko ang nabanggit na pangalan nang grupo. Naramdaman ko ang unti-unting pagkirot nang puso ko sa hindi malamang dahilan. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa TV na mula sa posisyon ko ay tanaw ko pa rin.

'Layunin ng alyansang ito na palayasin ang mga Espanyol sa bansang pag-aari nila. Pinapalooban ito nang halos isang daang myembro. May mga Tsinoy na kasapi ang samahan at karamihan ay mga Filipino na nilapastangan ng mga Espanyol. Muntik-muntikan na nilang maisakatuparan ang kanilang nais subalit natalo pa rin sila ng mga Espanyol. Walang sino man ang nakaaalam kung sino ang pinuno ng alyansang nabanggit. Sa kadahilanang lahat ng opisyales na nakakaalam ng totoong katauhan ng pinuno ng alyansang iyon ay pinatay tatlong buwan ang nakakaraan mula sa pagkatalo. Hindi man nila naisakatuparan ang layunin ay binuhay nila ang damdamin ng mga Pilipino. Ito po si Tino Carpio, magandang araw'

Ang balitang iyon ay nagbigay kilabot sa akin. Ang weird lang kasi ito ang unang beses na nagkaroon ako ng pake sa history ng Pilipinas. Hindi mawala ang kaba ko na para bang kunting kabog na lang ay sasabog na iyon ng bonggang-bongga. Ngunit hindi ko na iyon ipinahalata dahil ayoko naman na bigyan pa ng higit na alalahanin ang aking pamilya.


I M _ V E N A

Continue Reading

You'll Also Like

387K 10.8K 60
'FEAR' The word that I'd hate the most a very LONG LONG time ago. But as time passed by, it became like a drug that makes me so HIGH together with BL...
64.7K 4.2K 50
REALM SERIES #2 // COMPLETED Trying to find her missing husband, Rhianna Dione ended up again inside the magical kingdom of Azinbar but this time, sh...
6.5K 622 32
Missus is a messenger between Living and Dead. She's a go-between. Pinapadala ang mga mensahe ng mga patay sa pamamagitan ng panaginip at mga mensahe...
52.9K 2.5K 29
Clover Gil was a highschool student girl who did nothing but to make a trouble, break the rules and make fun of others. Her grade in English subject...