Pilosopong Boyfriend (To be p...

由 girlikeher

2.6M 28.4K 5.6K

Suitor to fiancé real quick.. except it isn't her suitor she's engaged to. Beatrice Louise Alvarez never wan... 更多

01: Guy at the Cafeteria
02: Cady's Pad
03: Soccer
04: Rugby Team
05: Ocean
06: Understudy
07: Feud
08: The Question
09: I'm her boyfriend
10: Do you wanna go on a date with me?
11: Confession
12: Annual University Fair
13: Battle of the Bands
14: Debut in Theatre
15: Keep the Change
16: Bet
17: The first time we met
18: Dinner hell
19: Some Beer and Chicks
20: Retreat
21: Charades and an Osculate
22: Birthday Planning
23: The Unexpected Arrangement
25: Undermining the Arrangement
26: Partners by Destiny
27: The Realization
28: Break Free from the Chains
29: Flavors of Love
30: Facing the Gordian Knot
The Final Chapter
Please Read Me
Special Chapter #1 - Cloud Vander Concepcion
Special Chapter #2 - Cloud Vander Concepcion

24: The Liar and the Fool

35.5K 424 103
由 girlikeher

If you are an old reader, I would suggest reading from the beginning since there has been a couple of changes in the flow of the story and characters as well. Thank you :)

THIS CHAPTER HAS BEEN EDITED.

- -

CHAPTER 24: THE LIAR AND THE FOOL


I was wearing a red bodycon knitted gown with a slit going all the way up to a sheer mesh waist insert, adding an alluring detail to the strapless dress finished with a v-shaped neckline, interior elasticized grip, princess seams, maxi length, and concealed back zipper.

My hair is styled in a textured half-up style. Nakalugay ang loose curls nito samantalang may mga ipit rin na nakalagay dito para ma-secure ang tresses sa likod, leaving a few pieces to fall in my face.

"Wow," my dad breathed out, looking at me through the mirror in front of me. "You look beautiful, sweetie."

Nilingon ko siya at nginitian. "Thanks Dad."

Para namang nanunubig ang mga mata niya kaya dali-dali ko siyang hinampas.

"Dad! Huwag kang iiyak dahil maiiyak din ako. Baka masira ang make-up ko."

"Sorry sweetheart. Na-realize ko lang na eighteen ka na pala. Dalaga na ang anak ko." I grunted when he pulled me into a hug. Napailing nalang ako at pinigilan ang mga luha ko. I returned his hug.

"Ano ba yan Dad, birthday lang 'to hindi pa naman kasal si Bea." Napahiwalay kami ni Dad sa isa't isa at parehas na sinamaan ng tingin si Skype na nakaupo sa sofa habang naglalaro ng PSP niya. Tulad ni Dad ay naka-suit din 'to at nakaayos. 

Agad naman siyang nilapitan ni Dad at inagaw ang hawak niyang PSP.

"Hey! I was playing that!" 

Binatukan naman siya ni Dad. "Sabi kong tawagin mong ate ang ate mo eh! Icoconfiscate ko muna ang PSP mo hangga't sa mag-tino ka. Birthday ng kapatid mo pero naglalaro ka lang dyan."

Inis namang napalingon saakin si Skype. Napangisi ako at binelatan siya.

"Eighteen na siya pero bata parin kung umasta! Dalawang taon lang naman ang tanda nyan saakin bakit kailangan ko pa siyang i-ate--Aray! Dad naman!" Bigla kasi siyang binatukan ulit ni Dad.

"I said respect your sister!" Galit na bulalas ni Dad.

Napabuntong hininga naman si Skype at napakamot nalang sa ulo.

Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok ang birthday coordinator. Nasa isa kasi kaming private room at dito daw muna ako hangga't sa hindi pa ako tinatawag.

"Nandito po sila Ma'am." Mas lalong bumukas ang awang ng pinto at pumasok naman dito si Mom na nakaayos rin. Napakaganda niyang tignan, mukha siyang model.

She smiled when she saw me. Nilapitan niya ako at niyakap. "You look stunning, Louise!"

"Salamat po. Kayo rin po." I answered.

Napalingon siya kay Dad at Skype. Napansin kong parang hindi maganda ang tingin ni Dad kay Mom, na para bang pinipigilan niya ang sarili niyang mag-salita. Napalingon siya sa direksyon ko at napansin ko ang saglit na pagrehistro ng pagsisisi sa mata niya. Pagkurap ko ay wala na iyon at napalitan na ng isang ngiti.

"Skype, you'll escort your sister." Sabi ni Mom bago ibaling ang tingin kay Dad. "Henry, we'll be going down together."

Hindi umimik si Dad pero tumango siya. Alam kong mahirap para sakanila na umaktong parang ayos lang ang lahat ngunit ni-request ko kasi na kung pwede ba kahit ngayon lang, mag-act kami na para bang masaya kaming pamilya.

Wala lang, na-miss ko lang yung pakiramdam na maayos pa kaming lahat. Ngayon lang naman.

Bigla ulit pumasok ang birthday coordinator. "Ma'am Venus, magsisimula na po ang event in 5 minutes. Pagbigay ko po ng cue ay sabay kayong bababa ni Sir." Binaling niya ang tingin saakin. "Kayo naman po Ma'am Louise, kapag narinig niyo po ang cue ay bumaba narin po kayo kasama ang escort niyo."

Matapos magbigay ng instructions ay umalis narin siya. Nilapitan naman ako ni Dad at hinawakan sa magkabilang balikat.

"Bea, anak. Whatever happens, know that I only did it for you and your brother." Mahina niyang giit saakin.

"Ano pong ibig niyong sabihin Dad?" Naguluhan naman ako sa inaakto niya.

"Henry, it's our cue." Biglang singit ni Mom na matalim ang tingin kay Dad.

Dad smiled and kissed me on the forehead. Binitawan niya na ako at nilapitan si Mom. Inangkla ng huli ang braso niya sa braso ni Dad. Tinawag na sila at sabay silang lumabas.

I bit my lip. Bigla akong na-tense.

"Bea--Ate." Napalingon ako at nakitang nakatayo na si Skype sa tabi ko. "May sinabi ba sa'yo si Dad?"

Mabilis akong napalingon sakanya. "Anong ibig mong sabihin?"

"Wala lang. Napansin ko kasi nitong mga nakaraang linggo, parang iba siya umakto. Para bang laging puno ng pagsisisi ang mukha niya.."

Muling sumiklab sa dibdib ko ang kaba. Mag-sasalita na sana ako nang marinig kong magsalita ang emcee.

"Tonight is a celebration of adulthood and a thanksgiving of the life God has given to our lovely celebrant. Let us direct our attention, as we welcome the main highlight of this celebration, and as she stepped into a higher level of life, ladies and gentlemen, our debutant, Beatrice Louise Alvarez, with her escort, Skype Martin Alvarez!"

Inangkla ko ang braso ko sa braso niya at sabay kaming lumabas. Nakatapat ang spotlight saamin habang pababa kami ng hagdanan. Puno ng hiyawan at palakpakan ang naririnig ko.

Bahagyang kumunot ang noo ko nang mapansin ang iilang hindi pamilyar na mga tao. Karamihan dito ay mga may edad na at mukhang seryoso sa buhay. Nilibot ko ang paningin ko at napansin ang mga kaibigan ko. Sina Yian ay nasa iisang lamesa at napansin ko rin na hindi kalayuan sa pwesto nila ay sina Landell. Ininvite ko rin ang iba kong mga high school friends na ka-close ko. 

"Be--Ate, smile." Bulong saakin ni Skype habang nakangiti ng pilit. Sinundan ko ang tinitignan niya at nakita si Mom na matalim ang tingin saamin.

Napilitan naman akong ngumiti.

Dumiretso ako sa stage kung nasaan ang Emcee at si Skype naman ay dumiretso sa pwesto nila Dad.

"Wow, blooming and lovely, indeed! Saan nga ba siya nagmana? Kay Mommy ba? Or kay Daddy? Or baka both?" Tumigil ang Emcee sa pagsasalita nang magtawanan ang mga guests. "Evidently, before tonight, Beatrice has had happy years in a very happy home. The love of a family will always be God's greatest blessing. Sabi nga nila, in life we can have several friends, classmates, and social circles, but there is only one family who is always willing and ready to welcome us no matter what. Ladies and gentlemen, please welcome Daddy Henry Alvarez to welcome all of us to their lovely daughter's 18th birthday party!"

Nagpalakpakan naman ang lahat at umakyat si Dad sa stage. He cleared his throat before looking at me. 

"Bea, sweetheart, you have grown into a kind and lovely woman. I am a proud father of an amazing daughter like you. Simula nang ikaw ay sinilang sa mundong ito, ang kaligayahan mo na ang hangarin ng buhay ko. Ang mga ngiti mo ang dahilan kung bakit patuloy parin akong nabubuhay." Naramdaman ko ang pagtutubig ng mga mata ko. "Alam ko balang araw ay maaabutan mo rin ang pangarap mo sa buhay. Pag napagod ka at kailangan mo nang masasandalan, tandaan mong nandito lang ako para sa'yo. Gaano ka man kalayo, mahahanap mo akong nasa tabi mo."

I bit my lip to prevent myself from crying and ruining my make up. Kahit pang waterproof ang make up na 'to ay ayokong i-risk.

"Ngayon palang ay mag-sosorry na ako kung kinulang man ako." I immediately shook my head nang sabihin niya ito. "Kung may pagkukulang ako bilang ama mo, pasensya na. Kung may magawa man ako sa hinaharap na hindi mo hinahangad, pasensya na. Ngunit alalhanin mong ang lahat ng ginagawa ko ay para sainyo ng kapatid mo." He heaved a deep breath before continuing, "anak, huwag na huwag kang mapapagod habulin ang pangarap mo. Kahit nawawalan ka na ng pag-asa at sa tingin mo ay pati ang mundo ay kontra sa'yo, tandaan mong nandito ako lagi para sa'yo, sinusuportahan ka at tutulungan kang makamit ang pangarap mo."

He turned his attention to the crowd. "At para sa mga gustong manligaw sa anak ko, dadaan muna kayo saakin." Nagtawanan naman ang crowd sa sinabi niya. Pati ako ay napatawa kahit wala namang nakakatawa. Tumikhim naman si Dad. "Para sa isang espesipikong tao dyan.. sana ay alagaan mo ang anak ko at huwag na huwag kang mapagod na intindihin siya. You both will be facing a problem that I'm not sure you both will be able to surpass. Pero huwag kayong paghinaan dahil darating ang araw na magiging maayos rin ang lahat."

Nagtaka naman ako sa huli niyang sinabi. Para kay Cloud ba iyon? 

Nagpalakpakan naman ang lahat at nang bumaba na siya sa stage ay umakyat naman ang Emcee. Nag-opening prayer na at matapos iyon ay kainan na. Bumaba ako mula sa stage at nilapitan ang mga kaibigan ko.

"Happy birthday! Ang sexy mo naman Bea! Dalagang dalaga na!" Sabi ni Yian at niyakap ako. Tinignan ko ang kabuuhan niya at napansin ang umaapaw niyang ganda.

"Thank you. Ikaw din, ang ganda mo ngayon." Pagpuri ko sakanya.

"Ay, ngayon lang?" Napailing nalang ako at natawa sa sinabi niya.

Grineet din ako nila Clay, Crime, at Phael. Napatingin ako kay Cloud dahil siya nalang ang hindi pa bumabati saakin. Tinaasan ko siya ng isang kilay.

Tinignan niya ako mula paa hanggang mukha. Matagal niya naman akong tinitigan kaya medyo nailang na ako.

"A-ano? Gandang-ganda ka naman saakin?" Pang-aasar ko sakanya para hindi niya mahalata ang pagkailang ko.

He smiled. "Happy birthday, Bea." 

Napatigil ako dahil parang umaliwalas ang mukha niya dahil sa pag-ngiti niya. Parang mas gumwapo siya sa paningin ko. Lihim kong tinignan ang kabuuhan niya at napansing naka suit rin siya. 

Napailing nalang ako at nahihiyang nagpasalamat sa pag-bati niya. "Thanks, Cloud."

"You look beautiful." Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko dahil sa sinabi ni Cloud. Nagkantyawan naman sina Yian na narinig rin pala ang sinabi niya. Hinawakan ni Cloud ang kamay ko, not minding the stares of others. "Can we talk? May importante akong sasabihin sa'yo."

"N-ngayon na?"

"Kahit mamaya na." Sagot niya at prenteng binulsa ang dalawang kamay.

I just nodded at saktong tinawag ako ng birthday coordinator para daw batiin ko isa-isa ang mga guests ko. Nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko at sinundan ang birthday coordinator.

Isa-isa kong pinuntahan ang mga bisita ko at nakipagkwentuhan. 

"Girly!" Sigaw ni Zoey at niyakap ako. "Happy birthday! You look so pretty!"

I giggled. "Thanks, Zoey. You look pretty as well."

"Happy birthday Bea!" Napalingon ako at napangiti nang makita si Landell. Isa-isa akong binati at niyakap nila Daniel, Topher, Eric at Aaliyah. Si Elijah at Aria ay binati rin ako at binigyan ng isang tipid na ngiti. 

"Happy birthday." Sabi ni Vinny at niyakap ako. Nagulat naman ako nang may bigla siyang binulong saakin. "Leave while you still can.."

Nung humiwalay na siya ay napansin kong normal lang ang ekspresyon niya sa mukha, na para bang wala siyang kababalaghang sinabi saakin.

"Happy birthday." Blankong sabi ni Logan. Nag-titigan kaming dalawa, para bang may sinasabi ang mata namin sa isa't isa.

Napakurap ako at napailing. "Thanks, Logan."

Tinawag ako muli ng birthday coordinator at iginiya na ako sa iba pang mga lamesa. This time ay kasama ko na si Mom habang pinapakilala niya ako sa mga matatandang hindi pamilyar saakin. 

Napakunot naman ako ng noo. 

Sabi niya hindi siya nag-invite ng mga taong nasa line of business niya, kaya bakit nandito sila sa birthday celebration ko?

"Good Evening everybody! I hope you are all enjoying your meals." Panimula ng Emcee. "I'd like to request the debutante to please go up the stage."

Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko. For some reason, I feel like something bad is going to happen.

"Louise, go." Nandidilat na sabi saakin ni Mom. Wala naman akong nagawa kundi umakyat nga ng stage. 

"Now, I'd like to request Logan Davis to join us here in stage." Pagpapatuloy ng Emcee.

I felt my heart stopped. Naramdaman ko ang panlalamig ng mga kamay ko at ang pagbilis ng paghinga ko.

Nagkatinginan kami ni Logan habang mahinahon siyang tumabi saakin sa stage. Napansin ko ang pagtataka mula sa mukha ng mga kaibigan ko ngunit iniwas ko ang tingin ko sakanila, lalo na kay Cloud. Hindi ko siya kayang tignan.

"Ano nga ba ang kahulugan ng pagiging eighteen? Ibig sabihin lamang nito ay umapak na sa legal na edad ang taong iyon. In this case, Beatrice is finally at the legal age. Now, we may not have been fully honest with all of you tonight.." The Emcee paused, "..because tonight, we are not just celebrating Beatrice's 18th birthday party, but also another event."

Lumingon ang Emcee saaming dalawa ni Logan at ngumiti. Binalik niya ang tingin sa audience na ngayon ay nagtataka na. "We are also celebrating Beatrice and Logan's engagement. Please, give the new couple a round of applause!"

Kahit may kutob na ako ay nagulat parin ako sa sinabi ng Emcee. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at hindi ako makagalaw. 

"Fuck." Rinig kong mahinang bulong ni Logan, "mukhang naisahan nila tayo." Nakangising sabi niya habang mahinang napapailing.

I bit my lower lip and closed my eyes. Tanging palakpakan at hiyawan lang ang narinig ko mula sa audience.

Napadilat ako at hinanap ng mata ko si Cloud. Seryoso ang tingin niya saakin at napansin ko ang pag-kuyom ng mga kamao niyang nakapatong sa ibabaw ng mesa.

Hinanap naman ng mata ko si Dad at nang magsalubong ang mga tingin namin ay napansin ko ang pagsisisi sa mukha niya.

Eto ba 'yung sinasabi ni Skype? Ibig sabihin matagal nang alam ni Dad at hindi niya sinabi saakin? Sinabi niyang tutulungan niya ako. Kinausap niya si Mom kaya akala ko okay na ang lahat. Anong nangyari?

I clenched my jaw.

Niloko niya ako. Isa siyang malaking sinungaling.

He lied to me and I was a fool to believe him.

- - -

END OF CHAPTER

Disclaimer: Yung speech ng emcee hindi saakin hehe I just altered a few words. ctto.

继续阅读

You'll Also Like

52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
79.2K 1.2K 71
"For you, a thousand times over." A Juan Gomez de Liaño epistolary novel.
10.9K 778 39
[ RADIO DRAMA ADAPTATION IN KUMU ] Promises are never for certain. Katulad nga ng kasabihan, don't make promises you can't keep. Because in the end...
1.1M 20.8K 30
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...