My Mate is A Rogue (Completed)

By TEUMES06

359K 10.8K 896

2nd Book of Unwanted Series Jacob Vansrod is the Alpha of Black Wolf Pack. He was ruthless and never did show... More

Authors Note
Prologue
🐺 Chapter 1 🐺
🐺 Chapter 2 🐺
🐺 Chapter 4 🐺
🐺Chapter 5🐺
🐺Chapter 6🐺
🐺Chapter 7🐺
🐺Chapter 8🐺
🐺Chapter 9🐺
🐺Chapter 10🐺
🐺Chapter 11🐺
🐺Chapter 12🐺
🐺Chapter 13🐺
🐺Chapter 14🐺
🐺Chapter 15🐺
🐺Chapter 16🐺
🐺Chapter 17🐺
🐺Chapter 18🐺
🐺Chapter 19🐺
🐺Chapter 20🐺
🐺Chapter 21🐺
🐺Chapter 22🐺
🐺Chapter 23🐺
🐺Chapter 24🐺
🐺Chapter 25🐺
🐺Chapter 26🐺
🐺Chapter 27🐺
🐺Chapter 28🐺
🐺Chapter 29🐺
🐺Epilogue🐺
Authors Note
Special Chapter

🐺Chapter 3🐺

11.8K 365 3
By TEUMES06


◇□◇□◇□

Ngayon ang araw na gaganapin ang bisperas ng aming kasal ni Zeus, kinakabahan man ay pinapa tatag ko ang aking loob ngayon din kasi ang araw na kung sakaling palarin ay makakamit na namin ni Jenna ang aming kalayaan.

Alas singko ng hapon ng iabot sa akin ni Jenna ang isang puting summer dress na susuutin ko para sa pag titipon. Kung hindi sana sa sitwasyon namin ngayon ay tiyak na magugustuhan ko ang damit na aking isusuot.

Alas otso pasado ang oras ng pag titipon kaya naman dapat bago sumapit ang oras na iyon ay makalayo na kami sa lugar na ito.

Dahil abala ang lahat ay iilan lamang ang naatasang mag bantay sa paligid.

Nang maisuot ko ang aking bestida ay matiyaga akong nag hintay sa pag balik ni Jenna.

Eksaktong alas siyete ay bumukas ang pinto at tila naka hinga ako ng maluwag dahil akala ko ay hindi na matutuloy ang plano namin.

''Ria ito na ang tamang oras wala na halos nag babantay sa mga hangganan, lahat sila ay nasa pag titipon na naka ayos na rin ang lahat'' agad akong tumayo at sumunod sa kaniya.

Kahit isa ay wala kaming bitbit dahil ayaw naming may mag hinala, at isa pa hindi namin nais mag dala ng gamit na mula rito.

Umakto kami na tila sabik sa magaganap na kasiyahan kaya naman walang naka halata na imbis sa harapan ay sa likod na bahagi kami papunta. Ng matiyak naming walang tao sa likod ay doon lang kami nag usap.

''Dito sa parteng ito ng gubat ay nakita kong dalawa lamang ang bantay ang isa ay si Joshua'' si Joshua yung may gusto sa kaniya naisip ko bigla, yun yung may itsurang bantay na nag papa-pansin lagi kay Jenna.

''Masuwerte tayo kung ang makaka salubong natin ay ang lalaki na yon, dahil kung yung isa ay tiyak na mag re-report agad yon kay Zeus'' tumango lamang ako saka nakinig pa sa plano ni Jenna.

Lumakad ito patungo sa isang puno at kinuha ang isang puting damit.

''Kanino iyan?'' tanong ko, inilapit niya sa akin ito saka iniabot.

''Kay Andrew yung isa pang nag babantay, ng matanaw kong siya ang isa pang mag babantay ay pumuslit ako sa kwarto niya upang kumuha ng damit. Suotin mo yan para pag malapit na tayo kay Joshua ay hindi ka niya maaamoy dahil ang scent na malalanghap niya ay ang kay Andrew'' mangha akong napatitig kay Jenna, paano niyang naisip ang lahat ng ito sa maikling panahon lang.

''Alam ko na yang nasa isip mo, na bibilib ka sa akin ano? well kailangan kong paganahin ng matindi ang utak ko para maligtas tayo at wag ka munang mamangha d'yan di ko pa nga alam kung gagana ba 'tong plano natin'' saad ni Jenna sa mahinang tinig.

''Balik tayo sa plano, lalapitan ko ang bantay na iyon at susubukan ko siyang akitin, alam naman natin na matagal ng may gusto sa akin ang papansin na iyon kaya gagamitin natin iyon para ma distract siya. Sa oras na nahulog na siya sa bitag ay saka ka papasok at iturok mo sa leeg niya ang pang pa tulog na ito.'' inilabas niya mula sa kaniyang bulsa ang isang syringe na nag lalaman ng clear na liquid.

''Saan mo nakuha iyan?'' takang tanong ko sabay turo sa hawak niya.

''Nang mag linis kasi ako sa kwarto ni Zeus ay nakita ko yung box sa ilalim ng kama niya, may mga syringe at vial na pang patulog yun yung ginagamit nila upang makatulog ang mga dinudukot nila.'' huminto ito saglit saka lumingon ng makitang wala namang ibang tao doon bukod sa amin ay nag patuloy ito.

''Kaya naman kumuha ako ng isa mabuti na lamang at hindi niya napansing kulang na iyon'' pag papaliwanag niya, nabuhayan ako ng loob dahil hindi pala namin kailangan makipag laban mababang porsyento lamang kasi ang pag asa namin kapag nakipag laban kami sa mga bantay ni Zeus.

Ng matapos mag paliwanag si Jenna ay nag punta ako sa likod ng puno at don nag palit pagkatapos ay dahan-dahan naming tinahak ang kagubatan, ilang minuto na rin kaming nag lalakad ay wala pa kaming nakaka salubong.

Huminto saglit si Jenna at inamoy ang paligid. Matalas ang pang amoy ni Jenna kahit pa nasa malayo ay naamoy niya. Naisip ko tuloy na baka ang pamilyang pinanggalingan niya ay mga tracker, dahil sa husay ng pang amoy niya. Ng huminto siya ay agad niya akong hinatak patungo sa kanang bahagi ng kagubatan.

''Nandito si Joshua sa bahagi ng gubat na ito'' sinundan ko lamang si Jenna hanggang sa huminto ito.

''Akyatin mo ang punong ito'' tukoy niya sa punong nasa tapat ko.

''Ito kunin mo'' ini abot niya sa akin ang syringe saka ako hinawakan sa balikat.

''Susubukan kong dalhin sa bahaging to si Joshua, at sa oras na tumigil kami dito sa tapat ng puno na ito kailangan mong tumalon at dapat eksakto mong maiturok sa leeg niya ito para mas madali ang epekto at hindi na siya makapag padala ng mensahe sa mga kasamahan niya.'' tumango ako saka akmang aakyat ng puno ng bigla akong yakapin ni Jenna.

''Kailangan maging maayos ang lahat Ria dito naka salalay ang buhay at kalayaan natin, at isa pang paalala kung sakaling ikaw lang ang makatakas paki usap-'' pinutol ko ang sasabihin niya dahil ayokong ako lang ang makatakas

''Hindi ako makakapayag na ako lang ang tatakas, dapat dalawa tayo Jenna'' mangiyak-ngiyak kong sabi umiling ito saka ngumiti.

''Gusto ko rin naman na mag kasama tayong makaka takas kaya lang gusto lang kita ihanda sa ganoong sitwasyon. Kailangan ay isa man lang sa atin ay maka takas dahil kung hindi masasayang ang lahat ng ito, pero pipilitin kong dalawa tayong tatakas ok?'' mabilis kong pinahid ang aking mga luha na kusang umagos.

''Basta ang paalala ko sayo, kahit saan mapadpad ka na wag lang sa Black Wolf pack'' pag ka dinig ko pa lamang ay kinilabutan na ako kahit na sino ay nakikilala si Jacob ang Alpha ng pinaka malupit na pack na iyon at ang matinding galit nito sa mga Rogue.

''Kahit papaano sa iba ay maaaring ikulong ka lang nila pero kung sa Alpha na yon ka mapadpad...'' napalunok ng wala sa oras si Jenna kaya naman mas lalong nag tayuan ang balahibo ko.

'' basta iwasan mo ang alpha na 'yon kahit sobrang gwapo pa raw niya tandaan mo Ria, mag iingat ka''

''Naiintindihan ko, mag iingat ka rin Jenna'' pag ka tango ni Jenna ay lumakad na ito paalis upang puntahan si Joshua, ako naman ay mabilis na inakyat ang malaking puno.

Paki ramdam ko ay ilang oras na akong nag aabang mula sa puno na ito pero ang totoo ay minuto pa lang ang lumipas mula ng umalis si Jenna. Kahit malamig ang simoy ng panggabing hangin ay pinag papawisan pa rin ako dala na rin ng mag kahalong nerbyos at excitement.

Kinkabahan ako sa mang yayari, paano kung pumalpak kami? ano na lang ang gagawin sa amin ni Zeus?

Ipinilig ko ang aking ulo, hindi ito ang oras para mag isip ako ng mga negatibong bagay. Ipinag dasal ko na lang na sana ay umayon sa amin ni Jenna ang gabi na ito.

Maya-maya ay natatanaw ko na si Jenna kasama si Joshua at ang nakaka bigla ay ang mag ka hawak nilang mga kamay.

Kung hindi lang sa sitwasyon ay matatawa ako sa itsura ni Jenna hindi mo malaman kung naka ngiti ba 'to o naka ngiwi.

Tumingin siya ng bahagya sa kinaroroonan ko at muling ibinalik ang paningin kay Jacob na tila ba isang diwata si Jenna kung titigan.

Nang tumapat sila sa ilalim ng puno ay pinilit kong wag lumikha ng anumang ingay kung maaari nga lang maging ang pag hinga ay wag ko ng gawin.

Ng tingin ko ay ito na ang tamang oras hinawakan ko ng mahigpit ang syringe at tumalon papunta kay Joshua na abala sa pakikipag usap.

Kaunti na lang ay maisasaksak ko na ang pang patulog sa leeg niya.

Ngunit tila hindi kami inayunan ng pag kakataon dahil humarap siya sa aking direksiyon.

Agad niyang nahawakan ang aking kamay kaya naman nabitawan ko ang syringe.

Nanlaki ang mata kong naka titig sa mukha ni Joshua, napa baling ako kay Jenna na bakas na ang takot sa mukha.

Hanggang dito na lang ba talaga? tanong ko sa aking sarili.

''Anong akala niyo sa akin? madaling malinlang?'' naka ngisi nitong saad.

''Pero kung mag papaka bait ka sa akin Jenna ay hindi ito makakarating kay Zeus'' baling nito kay Jenna.

Napatingin ako kay Jenna at nakita kong hawak siya sa bewang ni Joshua ng bigla itong ngumiti sa akin ni hindi man lang nito pinansin ang sinabi ni Joshua.

Nag tataka akong napa titig sa kaniya.

Biglang tinuhuran ni Jenna ang nasa pagitan ng hita ni Joshua kaya naman namilipit ito sa sakit sapat na para lumuwag ang pag kaka hawak sa akin.

Agad kong dinampot ang syringe at tinurok sa leeg ni Joshua.

Ng mawalan na ng malay si joshua ay hinawakan ko ang kamay ni Jenna at hinahatak palayo ng tila hindi ko ito mahila ay nilingon ko siya.

''Jenna halika na, habang wala pa siyang malay!'' natataranta kong saad,ngunit umiling lamang ito.

''Hindi Ria, tumakas ka na kailangan kong iligaw ang iba dahil siguradong naka pag mind link pa tong hinayupak na to kay na Zeus at paki usap wag ka ng makipag talo hanapin mo ang iyong mate at mamuhay ng maligaya'' base sa pananalita nito ay tila ba inaasahan na nitong ako lamang ang makaka takas.

''J-jenna'' mahina kong saad

''Ria ano ba! tumakbo ka na hindi ikaw ang susundan nila dahil damit ni Andrew ang suot mo'' lumapit ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit

''Babalikan kita Jenna'' tumango ito saka tumakbo palayo.

Naluluha man ay pilit kong tinahak ang kabilang daan.

Moong goddess paki usap ingatan niyo po ang aking kaibigan.

Jenna pangako, babalikan kita.

Pasikat na ang araw pero heto at tumatakbo pa rin ako palayo sa impyernong kinasadlakan ko.

Masaya ako dahil sa wakas ay makakalayo na rin ako kay Zeus subalit kasabay non ay ang lungkot dahil naiwan ko ang tangi kong kaibigan.

Naka takas din kaya siya? o nahuli siya nina Zeus? kamusta na kaya ang matalik kong kaibigan? pinilig ko ang aking ulo sa dami ng tanong na tumatakbo sa aking isipan.

Alam kong hindi ka papabayaan ng Moon goddess Jenna.

Pinipilit kong iwasang madaanan ang mga pack dahil baka yun na ang maging katapusan ko. Dahil sa mundo namin itinuturing na agad na kriminal ang mga Rogue kahit pa wala naman itong ginawang kasalanan.

Kahit pagod at gutom ay hindi ako nag aksaya ng oras at nag patuloy sa pag takbo. Kung makaka pag anyong lobo lamang sana ako kaya lang ay hanggang ngayon ay hindi pa rin ito lumalabas.

Sa hindi kalayuan ay may naamoy akong ilog, at dahil sa tindi ng uhaw ko ay di ko namalayang naka pasok na pala ako sa isang teritoryo.

Habang umiinom ay bigla na lang may humatak sa aking buhok at puwersahan akong pina tingala.

''Rogue'' saad niya sa tila ng didiring tinig.

Napalunok ako ng wala sa oras dahil tila nalalapit na ang aking kamatayan.

''Let her go'' ani ng isang ma-awtoridad na boses agad binitawan ng lalaki ang aking buhok kaya naman napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.

Base sa tindig at awra nito ay masasabing mataas ang katungkulan ng werewolf na ito. May katangkaran ang lalaki nasa anim na talampakan ang taas nito at may kalakihan ang pangangatawan napaka guwapo rin nito.

Ano ba yan mamamatay na lang ako ay ang pisikal na anyo pa nito ang binigyan ko ng pansin

''Beta'' saka yumuko ng bahagya ang kaninang humatak sa aking buhok.

Beta..kaya pala

''Nag mind link na ako sa aming Alpha at siya na ang bahalang tumapos sayo'' walang emosyon nitong saad.

''A-anong pack ito?'' lakas loob kong tanong

''Black Wolf pack, mutt''

Pag sinusuwerte ka nga naman, bakit sa pack pa na ito ako napadpad.

Tiyak kung nandito si Jenna nakurot na ko ng pliers non sa singit.

●●●●●

#69 on whats hot!!!

Vote and follow guys :)

#WattyWolvesPh join na kayo mga beshie :)

Continue Reading

You'll Also Like

495K 19.2K 30
This book is a sequel to His Miracle Mate. *** **** *** Orla learns the secret of her ancestry, a secret that will make her a target if reveal...
388K 7.9K 46
He was gigantic. The 7'0 monster of a man towered over her, even though he was sitting. Bright cyan eyes gazed down at her unreadably. He gestured w...
175K 3.3K 38
How would you feel when you got your beloved happy, overwhelmed right? But it is not in the case of vampire prince Xander. He met his beloved after w...
16.3M 545K 35
Down-on-her-luck Aubrey gets the job offer of a lifetime, with one catch: her ex-husband is her new boss. *** Aubrey...