===DANIEL'S POV===
Katatapos lang ng training namin kaya naman napagpasiyahan kong maglakad-lakad muna total sina Venice naman daw ang magbabantay sa booth namin.
Wala kasi sina Neil dahil magbabantay sila sa booth niya, si EJ naman nagpapahinga nalang para sure na makapaglaro talaga siya bukas, si Kiray naman pinuntahan daw si EJ, at si Kuya Diegs naman at si Julia ay nasa booth din. Kaya, ako na talaga ang loner.
Pumunta ako sa iba't ibang booth. Maraming pakulo ang bawat years and sections kaya naman marami kang pagpipilian. May mga marriage booth, destiny booth, horror booth, photo booth, at madami pa. Naglakad pa ako hanggang sa makarating ako sa personalized and customized booth ng mga 3rd years.
"Hi Daniel."bati sakin ni Krista, kaklase namin
"Uy."yan lang iyong sagot ko habang tumitingin-tingin sa mga customized accessories nila. May mga bracelet na pwedeng lagyan ng name, mga mugs, hats, plates, at t-shirt.
"Bili ka na DJ o. Konti palang kasi itong benta namin."sabi niya na parang nag-aalala
"Sige. Ah customized shirt nalang siguro."sabi ko at kinuha iyong wallet ko
"It's a couple shirt ha? Paalala ko lang. Pero mura lang naman siya. Anong design?"tanong niya habang kinukuha iyong pair ng black shirt
"Ikaw na bahala."sabi ko habang tumitingin pa sa ibang items
"Sige."siya
Medyo mabagal siya kasi iyong special design daw iyong ilalagay niya sa shirt dahil ako daw ang unang customer ng mga shirts ng booth nila.
"Pare, manood tayo ng swimming competition. Nadon si Kath pare!"
"Seryoso? Sige. Sige."
Napatingin naman ako sa mga lalaking nagkukwentuhan kanina pero paglingon ko sa kanila ay naglalakad na sila paalis para pumunta sa swimming area.
"Heto na Daniel."sabi ni Krista sabay abot ng paperbag kung saan nakalagay iyong binili ko
"Salamat."sabi ko at umalis na
Lalaban siya? Wala naman ang barkada dun ah. Tss. -_________-
Dumaan muna ako sa isang food booth.
"Milk tea po, isang bottled water, and 3 cheesecakes."sabi ko kay Ateng tindera
"Eto oh."sabi ng tindera at binayaran ko naman ito agad
Naglakad na ako papunta sa may swimming area. Nasa may entrance palang ako pero rinig na rinig mo na dito ang cheer ng mga tao. Umupo ako dito sa may likod para hindi ako mapansin. At para hindi niya ako makita.
"Alright. Now, the finals of swimming competition. Karla Vella as the representative of Hills University, Rizza Hurt of Twitter University, Yannie Drun of Soundcloud University, Lianne Cruz of Tumblr University, and the defending champion since first year..Kathryn Cahndria Bernardo of Bernardo-Padilla University!"bigla namang lumakas ang hiyawan ng mga tao
Puro: 'GO KATHRYN' ang nakikita ko sa mga banners at balloons ng mga manonood dito. Pati na rin ang sigawan ng mga tao ay puro pangalan niya.
Napatingin naman ako sa pwesto niya. She's relaxed kung titingnan mo. Pero kapag napapakagat na iyan sa labi niya, panigurado, kinakabahan na iyan.
"Babes, manonood ka ha?"
Bigla naman akong naitigilan noong maalala ko iyon. Nangako ako sa kaniyang manonood ako ng competition niya. Nanonood nga ako, pero iba na ngayon.
Kitang-kita ko kung paano umikot ang mata niya. Kaya naman noong tumingin siya sa may gawi ko ay agad naman akong yumuko.
===KATHRYN'S POV===
"Oo naman babes. Manonood ako."
Bigla nanamang nangilid ang luha ko. Efff -____- Ano ba Kath? Wag ka munang magdrama, please lang. May laban ka pa oh.
Nag-stretch na ako ng katawan ko at nagready na dahil mag-s-start na. Kailangan ko munang magfocus ngayon. Kailangan kong mai-defend iyong trophy and karangalan ng University.
"One..Two..Three..GO!"
Agad akong tumalon noong narinig kong pinaputok na ang baril as a sign na nagsisimula na ang game.
Wala akong ibang naririnig kundi puro pangalan ko. Ayos na sana sa akin kahit wala iyang mga nag-che-cheer na iyan e, basta nandito lang si Daniel.
As I reached the finish side, agad akong umikot para bumalik na sa dati kong pwesto dahil iyon and finish line.
Habang ginagawa ko ito, wala akong ibang naiisip kundi siya. SIYA. SIYA. SIYA. Kagabi ko pa ito napagplanuhan e. At bukas, sigurado na ako sa gagawin ko. I will take the risk at isasantabi ko ang aking PRIDE.
"Woaaaaaaahhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"the crowd gets wild when I reached the finish line.
Oh yeah. I got it again. Thank you Lord.
~
Pagkatapos ng mga picture-picture and congratulations statements ay pumunta na ako sa CR para magbihis. Dumiretso ako sa locker ko dito sa may swimming area. Pero nagulat ako noong pagbukas ko nito ay may nakapatong na Milk Tea, bottled water at cheesecake.
Kinuha ko ito pero wala namang nakalagay kung kanino galing. Hindi kaya... Imposible. Bakit niya naman gagawin iyon diba? Hindi nga siya nanood e.
Kinuha ko muna ang damit ko at nagbanlaw na. Pagkatapos kong magbanlaw at magbihis ay kinuha ko iyong pagkain at kinain ito.
Ang galing naman ng taong nagbigay nito sa akin dahil alam niya ang paborito ko. Babes, ikaw ba ang nagbigay nito? Sana nga ikaw ;(
~~~~~~~
BASKETBALL CHAMPIONSHIP GAME
"Just text us Kath."sabi ni Ate Juls
"Sige Ate, Salmat."sagot ko
Nah. I can do it.
===DANIEL'S POV===
"Brad, ayos ka lang ba? Sama ng laro mo ah."sabi sa akin ni EJ habang nainom ng tubig
Sh*t! Sh*t!
Kanina pa ako palinga-linga dito pero hindi ko talaga siya makita.
"Oo naman Babes. Ako ang #1 fan mo doon no."
"Sh*t."sabi ko sabay inom ng tubig
"Okay guys. Back to game. Daniel, ayusin mo na. Tandaan mo, finals na ito."sabi ni coach at pinapasok na kami sa court
Kanina pa talaga ako hindi makapagconcentrate. Tsk. Bakit ba kasi ako umaasang dadating siya? E baka nga galit sa akin iyon dahil hindi niya ako nakita noong swimming competition niya. At saka, anong gagawin niya dito? Rebound lang ako diba? Pinag-aaksayahan ba ng oras iyong mga rebound? Hindi naman diba?
"Fvck."pabulong kong sabi as the kalaban shoot the ball.
"Brad. It's 4th quarter, ano ba? Umayos ka nga."pabulong sa akin ni Neil habang magkatabi kami dito sa may ring side
"I know."sagot ko
"Hinahanap mo ba siya?"tanong niya habang dinedepensahan ang kalaban
"Ano bang sinasabi mo?"iritado kong sabi
"Umaasa kang dadating siya no?"sabi niya pa na halatang nang-iinis
"Shut up."sabi ko
"Sa tingin mo ba matutuwa siya kapag nanonood siya? Tss. E di ka nga makashoot e."pang-aasar niya kaya naman naagaw ng kalaban ang bola at nakapasok pa ito ng 3 points.
Damn. Bwisit itong si Neil. Ugh.
"Alam mo pare, I think, you really need this."di ko nagets ang sinabi ni Neil pero noong lumapit si Neil sa may announcer ay bigla nalang itong nagdeclare ng time out.
"Ahem. Ahem. Mic test. Goodevening everyone!"Neil
Ano bang ginagawa ng lalaking ito?
"Kilala niyo naman po ako diba?"tanong niya and the audience says: "Yes" in chorus.
"Gusto niyo bang makapanood ng concert?"tanong niya at nag-'yes' naman ulit ang audience
Para akong tanga dito na nakakunot lang ng noo at hinihintay ang mangyayari.
"E love scene?"tanong ulit ni Neil at sumagot naman itong mga uto-utong audience
"Sige. Meron kami niyan. Teka, 300 ang bayad nito a. May promo, 600 nalang siya buy 1 take 1, dejoke lang."nagtawanan naman iyong mga audience at biglang tumingin sa akin si Neil at idinuro ako
"Hoy ikaw, wag kang aalis diyan ha? Wag kang kukurap brad."pagkasabi noon ni Neil ay bigla nlang namatay ang ilaw at may tumutok na spotlight sa akin.
Woaaaah. What's wrong with them?
NOW PLAYING: Kismet
Didn't mean to take you for granted
Didn't mean to show you I don't care
Didn't mean to throw away this once in a lifetime of chance
Being with you
Palinga-linga ako kung saan ba galing iyong boses na iyon. Pero alam kong sa kaniya iyon. Alam kong boses niya iyon. Pero nasan siya?
And I'll drive for 2 hours
To bring butterfingers
I don't mind the distance
This kismet's a dance
Biglang bumilis iyong tibok ng puso ko noong may nagflash na pictures sa may malaking white board na nilagay nila sa center ng court. Pictures na punong -puno ng mga magagandang memories namin ni..ni babes.
This time I surrender
My everything forever
Life doesn't matter
Just our souls together
The photos makes me feel sad. Sh*t. Ayaw kong umiiyak. Hindi ako bakla mga brad.
Pride no longer has room in me
On bended knees in public I cry
Your name for everyone to know that I love you, I love you
Please hear me now
Naramdaman kong parang biglang nagcrack iyong boses niya, pero she managed to sing. Bakit ganito? Bakit parang sapul na sapol ako sa kantang ito?
And I'll drive for 2 hours
To bring butterfingers
I don't mind the distance
This kismet's a dance
Kitang-kita ko kung paano i-open ng mga audience ang kanilang mga phones at iwinawagayway ito. Bakit ba ganito? Bakit lahat ng ginagawa mo para sa akin, tagos sa puso ko?
This time I surrender
My everything forever
Life doesn't matter
Just our souls together
As the song stopped, the lights are turning on. I looked to the audience and I can saw their emotions and reactions. Dahan-dahan kong inikot ang aking paningin hanggang sa mahanap ko ang babaeng kanina ko pa hinahanap.
Tumingin siya sa akin and I can see that her eyes are you know, namamaga. Pero agad naman niyang binawi ang tingin niya at kinuha ang isang papel sa bag na dala niya.
MY PARTNER IS...
1. He's very annoying. Sino ba namang hindi maiinis sa kaniya? Bigla-biglang mangungulit. Naalala ko pa noong first meeting namin. He's aksing my name e alam niya namang nagkaklase si Ms. Ortega. This guy is very,very annoying iyang ang tumatak sa isip ko tuwing makikita ko siya.
2. He has a golden voice. Nagulat ako noong marinig ko siyang kumanta noon sa rooftop. Di ko alam pero talagang narelaxed talaga ako sa boses niya.
3. He's a waiter and delivery man. Ngayon nga lang ako naka-encounter ng gwapong, mayaman, matalinong delivery man at waiter e. Akalain mong siya ang taga-hatid at order ng food ko? Grabe, tiba-tiba.
4. He's gentleman. Kahit naman bad ang impression ko sa kaniya, he's still a good man, a very gentleman. He will help you if he thinks that you are suffering, he's shoulder is ready to leaned your head on it, and he is ready to offer his own heart just to make you feel that you are loved.
5. He's thoughtful. Siya na ata ang nagpauso ng daysary. Halos araw-araw ata iyang nagbibigay ng surprise sa akin e. Babati siya ng 'happy daysary babes' kahit wala naman kaming commitment. But he kept on telling me that it's not a sin naman daw kapag binibilang diba? Kaya gumaya nalang ako sa kaniya.
6. He's a performer. Isang sabi mo lang na tumugtog siya for you, mag-aala-one direction iyan na kakanta with matching sayaw at patalon-talon pa.
7. He's a part time joker. Sa mga naghahanap ng joker para sa birthday paties, pwedeng-pwede siya. Why? Because he makes all the people around him smile with his magical words and jokes even banats.
8. He's a soft hearted person. H trust everyone, he help everyone, and he loves everyone even if not all of them are love him back.
9. He's smile is enermatic. Ewan ko ba, basta kapag ngumi-ngiti siya, napapangiti na din ako. I really can't explain. But he is magical.
Bigla akong napatingala noong narinig kong suminghot siya. Psh. Wag kang iiyak Kath. Please. Baka hindi ko mapigil ang sarili ko at mayakap kita. Bigla naman niyang pinunasan ang mata niya at tumingin ulit sa papel na hawak niya.
10. And last, he said that he loves me...but I love him more.
Sa sinabi niyang iyon bigla nalang lumakas ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam pero bakit ba kahit sinaktan na ako ng babaeng ito, hindi ko pa ding maiwasang mahalin siya?
"Daniel John Ford Padilla, inaamin kong naging masama ako sayo. Inaamin kong ginawa talaga namin ni Ate Julia iyon."bigla naman siyang napasinghot at tumingin muli sa akin
"..pero bawat oras na lumilipas na kasama kita, alam ko sa sarili kong hindi na pagkukunwari ang ginagawa ko. Lahat ng nakita mo habang kasama mo ako, walang halong biro iyon. Akong-ako iyon. Si Kathryn Bernardo iyon. Si babes mo iyon."lalo nanamang bumilis iyong tibok ng puso ko sa huling sinabi niya
"Kaya sana mapatawad mo ako. Kasi hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko mula noong magalit at mawala ka. Palagi na akong late magising, wala ng tagasundo, miss na miss ko na iyon. Pero ayos lang kahit hindi na mabalik iyong dati nating closeness, basta mapatawad mo ako, ayos na ako."tumingin siya sa akin ng diretso at wari'y naghihintay ng sasabihin ko.
"Mapapatawad mo pa ba ako Daniel?"tanong niya na parang maiiyak na. As I look in her eyes, I can see the sadness, pain, and pity. Fvck. Why are you doing this to me Kathryn?
"Siguro nga wala ng kapatawaran iyong ginawa ko. Pero, gusto ko lang malaman mo na totoo lahat ng sinabi ko ngayong gabi. Mahal na mahal kita babes."napayuko nalang ako noong tumalikod siya at nagsimula ng maglakad palabas ng gym
Napatingin ako sa pwesto ng barkada. Lahat sila nakatingin lang sa akin at parang nagmamakaawa.
Tsss. Alam kong hindi ko kayang tiisin itong babaeng ito. Ito pang titiisin ko? E ito nga iyong babaeng mahal ko diba? Tsk. Di ko kaya iyon no. Kinuha ko iyong mic na iniabot ni Neil kanina at nagsalita.
"Ganon-ganon nalang iyon? Hindi mo man lang ba ako pagsasalitain...babes?"pagkasabi ko noon ay agad akong lumapit sa kaniya.
I grabe her arms and put my hands on her chin.
"Hindi ko ba alam dito sa puso ko kung bakit ang lakas lakas ng tibok kapag kasama kita. At sigurado ako na kapag hinayaan pa kitang mawala sa akin ngayon, panigurado, sasabog na itong puso ko. Mahal na mahal kita babes. Mahal na mahal kita higit pa sa buhay ko."with that I gently pull her closer to me.
I stared at her eyes and as I leaned down closer to her face, she closed her and eyes and then.. our lips met. Yeah, we kissed. Our first kiss.
Lahat ng tao dito sa court ay nagwala. Puro sigawan at asaran matapo ang nangyaring mala-telenovelang scene namin ni Kath.
"Diyan ka lang babes ha? Tatapusin ko lang itong laban na ito. Para sayo ito, tandaan mo."sabi ko
"Goodluck babes."sabi niya at umupo na sa may bleachers kasama ang ibang girls.
"Sabi na e, si Kath lang talaga ang katapat mo."pang-aasar ni Neil at nagsimula na kaming lumaban ulit.
~
"Congrats Babes."sabi ni Kath as she walk down in my car
"Thank you. Sabi ko naman sayo, para sayo iyon e."sagot ko at inalalayan siya papunta sa gate nila
"Pano, goodnight babes."ako
"Sige. Mag-iingat ka. Love you."
"I love you too Babes."sagot ko
Hinintay ko muna siyang makapasok sa bahay nila bago ako umalis pauwi ng bahay. Hays. Eto ba iyong tinatawag nilang love? Grabe, parang ayaw ko ng matapos kung eto nga iyon.