My Lucky Boy

By tickettomyheart

170K 2.9K 536

A girl of mystery and bad luck and a boy with a hideous past. Push and pulls drive people in love crazy. Lov... More

My Lucky Boy [JulNiel]
Chapter One: Bad Day
Chapter Two: Bad Day 2
Chapter Three: Tampuhan
Chapter Four: Fight
Chapter Five: Founder's Day
Chapter Six: Jail Booth
Chapter Seven: Wash thy clothes
Chapter Eight: Mahawk? Bu-hawk? [buhok]
Chapter Nine: It will Rain~!
Chapter Ten: Lagnat plus Problema
Chapter Eleven: Fried Rice
Chapter Twelve: Fried Rice 2
Chapter Thirteen: Passed out, Allergies and LUNCH
Chapter Fourteen: Passed out, Allergies and LUNCH (2)
Chapter Fifteen: Children's Park
Chapter Sixteen: Children's Park [2]
Chapter Seventeen: BitterSweet
Chapter Eighteen: Library, Low Pressure Area & Lullaby
Chapter Nineteen: Library, Low Pressure Area & Lullaby [2]
[tickettomyheart's NOTE] - {semi-important?}
Chapter Twenty: Nightmares & Agreement
Chapter Twenty-One: The Reunion
Chapter Twenty-Three: The Contract [2]
Chapter Twenty-Four: The Date and The Master
Chapter Twenty-Five: A day with Paolo Villena
Chapter Twenty-Six: Ano yung 'Dug Dug' na tunog?
Chapter Twenty-Seven: Ano yung 'Dug Dug' na tunog? [2]
Chapter Twenty-eight: Galit ba siya?
Chapter Twenty-Nine: After Practice
Chapter Thirty: ChrisVin? NOOO!
Chapter Thirty-One: Mahal ko na nga ba siya?
Chapter Thirty-Two: Change, Sweet Call & ENGAGEMENT?!!
Chapter Thirty-Three: The Game...and AFTER.
Chapter Thirty-Four: The Game...and AFTER [2]
Chapter Thirty-Five: I cried for him...strange.
Chapter Thirty-Six: SELOSO/A?
Chapter Thirty-Seven: LIGAW
Chapter Thirty-Eight: Phone Call
Chapter Thirty-Nine: Picture Perfect
Chapter Forty: Picture Perfect II
Chapter Forty-One: Christmas Ball
Chapter Forty-Two: Roadtrip & Dreams
Chapter Forty-Three: Dense
Chapter Forty-Four: Dense II
Chapter Forty-Five: Debut
Chapter Forty-Six: A Prayer for Love
Chapter Forty-Seven: Memories and A Kiss
Chapter Forty-Eight: Mahal Kita
Chapter Forty-Nine: Unwanted Feelings&Scene
Chapter Fifty: Babalik siya diba?
Chapter Fifty-One: Facing the Inevitable
Chapter Fifty-Two: Starting Again
Chapter Fifty-Three: Wrong Guy
Chapter Fifty-Four: Sweet Escape
Chapter Fifty-Five: Sweet Escape 2
Chapter Fifty-Six: The Truth
Chapter Fifty-Seven: Airplanes
Chapter Fifty-Eight: Sound of your Voice
Chapter Fifty-Nine: A breath of hope
Chapter Sixty: Great day
Author's note
EPILOGUE
Special Chapter I
Special Chapter II
Special Chapter III
2 and a half years later...

Chapter Twenty-Two: The Contract

3.1K 52 6
By tickettomyheart

Julia’s POV

“Goodmorning, Julia.” Lumingon ako at nakita si Enrique sa likod ko na sumusunod pala sa akin. “Goodmorning din.” Sagot ko.

“kumusta?” tanong niya sa akin habang sabay na kami ngayon na naglalakad papunta sa locker ko.

“Ayos lang naman.” Medyo ang awkward nung atmosphere. Ikaw ba naman kasi ang kumustahin ng crush mo? Diba?

“Kasi Julia...”

“Hmmm?” tumigil kami sa harap ng locker ko at saka ko siya hinintay na ituloy yung sasabihin niya.

“Sabay tayong mag-lunch, mamaya? Ulit?”

“Ah Kasi—“ hindi ko na naituloy yung sasabihin ko, nang may biglang umakbay sa akin mula sa likod. Hindi ko na kailangan pang lumingon para makita kung sino iyon. Dahil, obvious naman kung sino.

“Ang aga-aga Enrique ha, nag-aaya ka na naman sa best friend kong si Julia-ness.” Sabat ni Christopher kay Enrique. Hindi naman naka-sagot doon si Enrique. Siniko ko naman si Christopher pero hindi ganun kalakas.

“Bakit? Totoo naman ha?” tugon pa sa akin ni christopher.

“Nagka-ayos na pala kayong dalawa...” biglang sinabi ni Enrique.

“Bakit, nag-away ba kaming dalawa?” tanong at sagot naman ni Christopher. Inalis niya yung pagkaka-akbay niya sa akin at saka tumayo ng diretso,at ang mga kamay niya ay nasa bulsa niya.

“So inaaya mo si Julia na sumama sa’yo na mag-lunch?” sambit na naman ni Christopher matapos ang mahabang katahimikan dahil sa hindi pag-sagot ni Enrique sa huling tanong ni Christopher.

“Oo, kung okay lang sakanya.” Sagot naman ni Enrique habang nakatingin sa akin at ngumiti pa. Nginitian ko siya pabalik. Pigil na pigil naman ako sa kilig ko.

“Ah...ganu’n ba.” Tumingin sa akin si Christopher at nakita ko siyang ngumisi. Delikado ‘to.

“Kung gusto mong maka-sabay si Julia na mag-lunch, e di fine...payag ako.” Napangiti ako doon. “Pero sa isang kundisyon...” pagpapatuloy niya. Na-simangot ako doon. Christopher talaga kahit kailan.

“Ano iyon?”

“Sasama ako sa inyo, at ililibre mo rin ako ng lunch.” Pinanlakihan ko ng mata si Christopher. Pero hindi siya nagpapa-awat. So ngayon, si Christopher na ang bagong Daniel. Singit sa amin ni Enrique.

“sige, ayos lang sa akin iyon.” Naka-ngiti pa rin si Enrique. Ito ang gusto ko sakanya e. Hindi siya tulad ng ibang tao na mabilis mainis.

“Pasensya ka na kay Christopher.” Sabi ko sakanya kahit na nasa tabi ko pa rin si Christopher.

“Wala ‘yun. Basta makasama ka lang. Sige, una na ako sa classroom ko. Mamayang lunch nalang.” Ngumiti siya ulit sa akin.

“Sige.” Nag-wave nalang ako sakanya at ngumiti din saka pinanuod siyang maglakad palayo papunta sa classroom niya.

“Yes! Libre ang lunch ko mamaya! Bwahaha!” binatukan ko naman si Christopher matapos siya magsi-sigaw ng ganun.

“Walanjo ka! Para lang maka-libre ginanun mo pa yung tao.” Sabi ko sakanya habang kinukuha yung mga libro na kailangan ko.

“Para-paraan lang iyan no. Haha, libre ang lunch ko mamaya. Hohoho.”

“Hay naku.” Tawa lang ng tawa si Christopher habang may kinukuha din sa locker niya. Pagbukas ko naman ng locker ko, may nahulog na kapiraso ng papel. Pinulot ko iyon, at awa ng diyos hindi nakita ni Christopher.

Binasa ko ang kung anong laman ng papel na iyon.

Pumunta ka mamayang Recess sa stock room. May mga dapat pa tayong tapusin. Hindi pa kasi tayo tapos sa CONTRACT. Kilala mo na siguro kung sino ako.Have a good day ahead!

Napa-lunok ako. Agad kong tinupi iyong papel at saka linagay sa palda ko nang biglang magsalita si christopher.

“May balak ka bang sagutin yung mokong na iyon?”

“Sino?”

“Aba, nagtanong ka pa.” Kinuha ko na yung mga libro na kailangan ko.

“Hindi naman siya nanliligaw, Christopher.” Sinara ko yung locker ko at saka tumingin sa kanya.

“Talaga lang ha?!” Tinaasan ko siya ng kilay bago isara yung locker ko.

“Talaga.” Sagot ko. At sabay na kaming pumunta sa classroom. Katabi ko pa rin si Aria.  At doon parin si Christopher kay Vinea. Mas maganda na siguro iyon. Kailangan ko rin mag-seryoso sa pag-aaral, at ang isang madaldal na katulad ni Christopher ay hindi makakatulong sa akin.

Masaya, masaya ang start ng klase. Bakit? Kasi ang pinaka-pelo lang naman na adviser ko ay...mabait na sa akin. Tinatawag niya ako tuwing recitation. Maganda ata gising niya, kasi iba ang aura niya.

“Why so active, Ms. Haleco?” tanong pa nga niya ng naka-ngiti. Tumingin ako kay Christopher at nag-ngitian lang din kami.

“Okay, I’ll leave you with and assignment on page—“ kukunin ko na sana yung ballpen ko na nasa bulsa ko, nang bigla kong maramdaman yung isang papel na naka-fold. Yung saya na nararamdaman ko kanina habang nagre-recite ako, na-drain lahat. Binalutan ako ng kaba. Tungkol doon sa Contract namin ni Daniel... bakit ba ako natatakot sakanya?

Teka nga Julia, hindi ka natatakot. Mali iyan e. Nape-pressure ka lang siguro sa agreement ng Daddy mo kaya...kaya ganyan ang nararamdaman mo kay Daniel, na parang ayaw mo siyang harapin. Kasi alam mong...alam mong isa lang siyang...destruction! tama! Isang destruction lang si Daniel. Kaya naman, iset-aside mo nalang siya. Or better, tapusin mo na lahat ng unfinish business mo sakanya. Tama...yun na nga. Iyan ang sinasabi ng sarili kong utak sa sarili ko.

“Julia, tayo nalang ang partners sa Research project ni Sir?” ang tanong na iyon ni Aria ang nagpabalik sa akin sa realidad.

“A-ah. O-oo. Sige.” Ngumiti nalang ako sakanya. Napahawak ako sa ulo ko. Grabe. Ibang klase ang effect sa akin ng mga bagay na nangyari for the past few days, tungkol kay Christopher, Daniel, Enrique, kay Dad...sa lahat ng tao. Parang ang hirap i-register?

“Okay ka lang ba, Julia?” tanong ulit ni Aria sa akin.

“Ah, Oo naman. Okay lang ako.” Pinilit ko ulit ngumiti.

Daniel’s POV

“Pare, ano naman iyang buhat-buhat mong malaking paperbag? Patingin naman ng laman. Pagkain ba?!! Pahingi naman.” Pagdating ko palang ng classroom, iyan na agad ang bungad sa akin ni Paolo.

“kahit kailan talaga, mukha kang pagkain!” inilayo ko sakanya yung paper bag.

“Okay na yung mukhang pagkain, at least sexy pa rin.” Pagmamayabang niya.

“Edi ikaw na ang nag-gi-gym.” Sabi ko sakanya habang linalagay yung bag ko at paper bag sa upuan ko.

“Patingin na kasi. Hindi ako nag-almusal kanina e.”

“Hindi nga iyan pagkain! Ano akala mo sa akin? Kailan pa ba ako nag-baon ng pagkain?!”

“E malay ko ba! Ito talaga!” hindi na ako sumagot pa, kakagaling ko lang sa locker ni Julia. May naisip na akong paraan. Gusto niya akong iwasan? Wala siyang magagawa.

          “Ang tagal mo naman ata.” Naka-sandal lang ako doon sa stock room hinihintay si Julia. Kitang-kita sakanya na napagod siyang pumunta sa stock room.

“May...may inutos lang sa akin si Ma’am—“ pinutol ko na yung sasabihin niya sana at saka tinoss sa kanya yung paperbag.

“A-ano ito?” tanong niya.

“Buksan mo ng malaman mo.” Pinanuod ko lang siyang buksan iyon.

“Y-yung bag at uniform ko pala.”

“Hindi mo man lang ba naalala na naiwan mo yung bag at uniform mo sa BAHAY ko?” tanong ko ulit sakanya. Nag-pout siya sa akin.

“E wala namang importanteng laman ito, at saka marami akong reserba na uniform at bag sa unit ko. Kaya nawala na siguro sa isip ko.” Yumuko lang siya, “Salamat nga pala.” Tapos bigla siyang tumalikod at maglalakad na sana paalis.

“Diba sinabi ko naman sa’yo na hindi pa tayo tapos sa Contract?” binilisan ko yung paglakad at hinawakan yung isa niyang kamay para mapigilan siya. Humarap naman siya sa akin.

“Magkano ba kailangan mo? Babayaran nalang kita. Name your prize. Wala akong pakialam kung ilang libo ang kailangan mo para lang ipawalang-bisa iyang contract na iyan.” Anong meron kay Julia? Bigla-bigla nalang nagkakaganun. Kanina mahiyain effect tapos ngayon amazona effect naman.

“Hindi ko kailangan ng pera, okay? Kailangan mo lang naman kumpletuhin ito. Ano bang mahirap doon?”

“Kailangan ko mag-focus sa studies ko Daniel! Lagi nalang akong absent, halos walang natututunan sa school...dahil sa iyo, at dahil sa contract na iyan.”

“Fine, let’s make an arrangement. Let’s fix the schedule.” Suggestion ko.

Julia’s POV

Ano? Arrangement? Schedule?

“Ayoko! Kung ayaw mo ng pera ko, then don’t! Basta ayoko ng ituloy yung contract.”

“Paano kung sabihin ko sa Enrique mo na natulog tayo sa iisang bubong ng tatlong beses. At sa iisang kwarto ng isang beses. At paano kaya kung sabihin ko sakanya na mas madalas tayo magkita kaysa sa inyong dalawa? Ano kaya magiging reaksyon niya?!! Hmmm.” Nanlaki ang mga mata ko sakanya.

“Nakakainis ka talaga! Malas! Malas! Malas!” huminga ako ng malalim pagkatapos kong isigaw iyon habang siya tumatawa lang.

“Shall we talk about the new arrangement and scheduling? How about lunch? Mamaya?” aya pa niya.

“may kasabay na akong mag-lunch, sina Enrique.” Sagot ko naman ng mahinahon.

“Fine. Uwian?”

“I suppose there’d be a lot of homeworks—“

“Sandali lang naman iyon. At the sweet scent cafe?” I bit my lip. Kailangan kong ipaalam ito mamaya kay Christopher or else magkakagalit na naman kami. Help me God. Help me please.

“fine.” Iyon ang sagot ko. At saka tinalikuran na siya at naglakad na.

“Have fun sa lunch niyo ni Enrique mamaya.” Narinig kong pahabol niya. Face palm. Hingang malalim. Kaya mo ito Julia, malalagpasan mo din itong pagsubok na ito.

          “Oh, bakit ang tahimik niyong dalawa, ha?” pang-aasar pa ni Christopher habang kumakain kami. Salita kasi siya ng salita, habang kami ni enrique nag-titinginan lang. Number one na dahilan, dahil sa meron si Christopher kaya hindi kami makapag-usap at number two...wala ako sa mood magsalita. Iniisip ko pa din kasi yung nangyari kaninang recess.

“Hoy julia, magsalita ka naman.”  Hindi ako umimik at kumain lang.

“So, diretsahan nga Enrique. Nililigawan mo ba itong si Julia? Kasi tinatanong ko siya, sabi niya hindi e. Mas mabuti na siguro na ikaw nalang sumagot. Ano? Nililigawan mo ba siya?” tanong naman ni Christopher kay enrique. Walang sagot si Enrique sakanya.

“So ano ito? May kasama akong dalawang pipi? Ganunan?” wala paring umiimik.

“Fine.” Iyon na ang huling sinabi ni Christopher. Napatingin ako kay Quen at ayun, nakatingin din siya sa akin, nakangiti. Napa-ngiti din ako.

“Tapos ngayon magngi-ngitian kayong dalawa? Hay naku naman.” Umiling-iling lang ako habang kumakain.

Iniisip ko. Nung huling beses na nag-usap kami ni Daniel sa may Tree house sa Children’s Park. Ang sabi ko sakanya, kaya kong lumipat ng school hangga’t gusto ko. Pero ngayon, na-realize ko na kapag aalis ako sa school ko ngayon, iiwan ko si Enrique, si Christopher at higit sa lahat yung agreement namin ni dad ay hindi na magiging effective. Dahil once na lumipat na ako ng school, hindi na ako sa pilipinas mag-aaral...sa ibang bansa na.

Ewan ko ba, pero simula pa nung bata ako, parang sobrang halaga ng school na ito kay papa.Ang weird na nga e. Naalala ko nung bata ako, bago pa man ako pwede mag-aral, pinapasyal niya ako dito...sa hindi ko na maalalang dahilan.

“Anyway, may lakad ka ba mamayang uwian, Julia?” tanong na naman ni Christopher.

“H-ha? Bakit?”

“Nase-sense ko kasi na aayain ka na naman ni Enrique mamaya e.” Tumingin ako kay enrique. Ngumiti lang siya.

“M-may...may lakad ako e.” Sagot ko naman.

“Ah ganun ba. Hindi ba ako pwedeng sumama diyan? O kahit man lang si Enrique?” sagot naman ni christopher.

“H-hindi e. M-masyadong private yung pag-uusapan namin.”

“Ninyo? Sino ba kasama mo?” tanong na naman ni Christopher.

“W-wala, basta. About doon sa company ni Papa. Oo tama, sa company ni papa.” Pagsisinungaling ko.

“ganun ba. Sayang naman.” Si enrique ang nagsabi nun.

“Next time nalang siguro.” Ngumiti naman siya. Pero si Christopher, nakatingin lang sa akin. Na para bang sinasabi ng mga mata niya na explain it to me later. Siyempre, sasabihin ko naman sakanya mamaya. Mamaya, wag lang nakaharap si Quen.

Note:

SUPER SORRY SA SOBRANG TAGAL NA UPDATE GUYSSSS! UMULAN KASI NG SOBRANG LAKAS AT NAGALAW ATA YUNG ANTENA NG INTERNET. KAYA WALANG INTERNET FOR 2 DAYS. SORRY TALAGA.

I'LL BE POSTING THE OTHER HALF OF THE CHAPTER TOMORROW DUE TO SOME APPOINTMENTS. :D

THANKS ANYWAY SA MGA NAG-COMMENT AT NAG-VOTE.

:D HAPPY READING JULNIEL FANS, HAPPY HATING BASHERS :P

^_^ BYE FOR AWHILE - RIN ^o^

Continue Reading

You'll Also Like

28.5M 854K 79
Every embraces has its own journey. Written in Filipino #1 highest rank Book...
4.9K 80 41
When you love, maraming circumstances kung saan you decide on taking chances. Chances kung saan magiging masaya ka, or o mananakit ka ng iba. Sabi ng...
3K 72 16
What is the real meaning of love? Marami sa atin may kanya-kanyang version pagdating sa meaning ng love yung iba based sa experiences nila, yung iba...
27.6K 10.9K 60
METANOIA SERIES 2 [COMPLETED] "No. It's the other way around. Because when God made you, He must have been thinking about me." -Ladyma I am Lady Mari...