Ang Lihim ng Lunangayin

By FilipinoFiction

74.9K 3.3K 719

Ito ay nobela tungkol sa sinaunang paniniwala na patuloy na ginagawa sa isang liblib na barrio sa Norte. Mist... More

Ang Lihim ng Lunangayin
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Epilogo 1.1
Epilogo 1.2

Chapter 14

1.5K 75 13
By FilipinoFiction

Ikaw ang ligaya ko, panaligan mo, O giliw ko
Ngayon at kailan pa man
Ang aking pag ibig, di magbabago

Ang kundimang awiting ito ang bumungad kina Luna sa pintuan ng kusina. Bumitiw siya kay Marvin pagkapasok ng kusina, ngunit  nakita niya ang mabilis na mata ni Tina na tila ba napansin ang pangyayari. May kabang pumasok sa kaniyang dibdib, nag-aalalang baka magalit sa kaniya ang kaibigan dahil sa nakita.

"Naku, ang tagal n'yo," wika ni Sabel kina Luna at Marvin habang papalapit. Walang kamalay-malay ang tatlo sa saglit na gulong kinasangkutan nina Luna sa labas. "Mauubos na ni Randy ang pagkain. Hi, Lino. Happy birthday," bati ni Sabel ng mapansin si Lino na pilit nagtatago sa likuran ng kapatid.

"Appy ber–dey!" sabi ni Randy habang sumusubo ng kanin. Samantalang si Tina ay ngumiti lamang sa bata.

Biglang tumakbo papuntang sala si Lino.

"Lino!" ang tanging nasambit ni Luna.

"Uy, ma–po na kyo. K–main na ta–yo," pag-aaya ni Randy habang ngumunguya.

"Kumain? Eh kanina ka pa kumakain d'yan," sabat ni Sabel sabay tapik sa braso ng kasintahan.

"Sige, mauna na kayo. Maya-maya na ako. Sasabay na lang ako kina inay," tugon ni Luna. "Teka at pupuntahan ko lang ang kapatid ko."

Tinungong ni Luna ang sala ngunit wala roon ang kapatid. Ang naabutan lamang niya roon ay si Rita na abala sa pagpupunas ng lamesita sa gilid ng sofa. Lumabas siya sa beranda at nakitang naglalakad palabas ng bakuran si Lino.

"Lino!" sigaw ni Luna.

Huminto ang bata at lumingon. At si Luna nama'y lumakad ng mabilis patungo sa kapatid.

Nang marating ni Luna ang kinaroroonan ni Lino, kinuha niya ang kamay ng bata at marahan itong hinila papunta sa lilim ng mga ipil-ipil.

"Lino, pasensiya ka na sa nangyari kanina," panimula ni Luna. Yumuko siya at pinagmasdan ang malungkot na mukha ng kapatid. "Alam kong natakot ka sa inasal ko," bumuntong hininga ang dalaga. "Nagulat lang kasi ako sa sinabi sa'yo ni Isko. Yung tungkol sa butong ibinigay niya sa'yo? Um... Naniwala ka ba sa sinabi niya? Yung..." hindi magawang ituloy ni Luna ang gustong sabihin.

"Yun nanay ko daw yon?" inosenteng tanong ni Lino. "Di man toto yon. E pano manyari yon e tampu pa daliri ni nanay. Taka, tawa-tawa pa nga ti kuya Itko nun tabi nya takin yon eh. Di ba biro lan yon?" nalilito niyang tanong.

"Ah, oo. Nagbibiro lang sya," alanganing sagot ni Luna.

"Eh bat ka galit kanya? Nitulak mo pat ya?"

"Ha? Eh kase," tumingin sa malayo si Luna.

"Ambait naman kuya Itko ah. Nibigyan nya pa ko galo, oh." Muling ipinakita ni Lino sa kapatid ang hawak na laruan.

"Oo, mabait naman," mahinang tugon ni Luna nang siya ay muling tumingin sa kapatid. "Pero 'wag ka basta-basta maniniwala sa mga sinasabi niya ha? Kasi mahilig magbiro 'yon. Hindi totoo yung mga iba niyang sinasabi."

"Oh, bakit nariyan kayo?"

Lumingon si Luna sa kaniyang likuran at nakita ang mga magulang. Hindi niya napansin ang kanilang pagdating dahil sa lumilipad niyang isip.

"Nariyan na ho pala kayo," bati ni Luna. Tumayo siya ng maayos at hinarap ang mga magulang.

Tinanggal ng kaniyang ama ang soot na salakot at pinunasan ng kamay ang noong puno ng pawis. "Tayo na sa loob at mainit dito."

Sabay-sabay na bumalik ang apat sa bahay.

"Rita!" sigaw ni Barbara pagpasok ng beranda. "Rita!" Tinanggal nito ang soot na salakot at ipinaypay sa kaniyang nangingintab na mukha. Samantalang naupo naman sa mahabang bangko sina Lino at Berto.

"Nariyan na po, ante!" Mabilis na sumalubong ang kasambahay sa mga dumating.

"Nakakain na ba ang mga kaibigan ni Luna?" tanong ni Barbara.

"Katatapos lang, ante," sagot ni Rita habang ipinupunas ang mga basang kamay sa gilid ng kaniyang palda.

"Si Lisa, nariyan pa ba?" hinanap ni Barbara ang isa pang kasambahay.

"Nakaalis na po, kanina pa," tugon ni Rita.

"Oh s'ya sige, maghain ka na at nang tayo'y makapananghalian," utos ni Barbara.

"Wen, ante," sagot ni Rita bago siya muling pumasok ng bahay.

"Ano yang hawak mo, anak?" tanong ni Berto sa katabi.

"Bigay po kuya Itko. Galo daw nya takin," tugon ng bata habang hawak sa ere ang laruan at pinapaikot ang gulong nito.

"Maganda ha," sabat ni Barbara. "Mabait talaga yang si kuya Isko mo." Naupo siya sa tabi ni Lino.

Muling naramdaman ni Luna ang pagkagiliw ng kaniyang ina kay Isko. Bata pa lamang siya, madalas siyang sabihan ng ina na si Isko lamang ang gusto niyang maging kasintahan ng anak. Sa paglipas ng panahon, unti-unting naisip ni Luna na ang nais ng kaniyang ina na makatuluyan niya si Isko ay isang paraan nito upang hindi siya umalis ng barrio.

Matalik na kaibigan ni Barbara ang namayapang ina ni Isko na si Mona. Noong isinilang si Isko, napagkasunduan ng magkaibigan na kung ang susunod na anak ni Barbara ay babae, ipagkakasundo nila ang dalawa. Nasa kaugalian sa kanilang bario na sa bawat magsing-irog, nararapat lamang na mas matanda ang lalaki kaysa sa babae. Kung kaya't hindi naisipan nina Barbara at Mona na ipareha si Isko sa panganay ni Barbara na si Nina.

Nang namatay si Mona at ang asawa nito, mas lalong napalapit ang loob ni Barbara kay Isko. Bukod sa mag-asawang Tonio at Angela, tumulong din sina Barbara at Berto sa pag-gabay sa naulilang magkapatid. Noong hindi pa bumubukod ang magkapatid, at nasa pangangalaga pa sila ni Angela, madalas si Juan sa bahay nina Luna. Nakikipaglaro ito kay Lino, kaya naman madalas din ang pagbisita ni Isko sa kanila.

Pilit na inilalapit ni Barbara si Luna kay Isko. Palagi nitong ibinibida ang binata sa anak. Isang mabait at mapagmahal na anak at kapatid si Isko, masipag at matiyaga. Magiging maswerte ka, anak, pagdating ng araw na kayo'y mag pamilya, sapagkat kaya ni Isko na bigyan ka ng magandang buhay.

Ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan, hindi magawang gustuhin ni Luna ang binata. Bagama't pinakikisamahan niya ito ng mabuti, hinaharap ng maayos, hirap siyang tanggapin sa sarili na ito ang makakatuluyan pagdating ng araw.

Gustong ipagtapat ni Luna sa mga magulang ang ginawa ni Isko na pagbibigay ng buto ng daliri sa kapatid, at pagsabi rito na ito ang kaniyang ina. Ngunit dahil kasama nila sa pagkakataong iyon si Lino, hindi niya magawang magsalita ukol dito.

"Nakahain na, ante," sabi ni Rita ng dumungaw sa pintuan.

"Oh, halika na," wika ni Barbara sabay tayo. "Mangantayon." Kumain na tayo.

Pumasok ang lahat sa loob at dumiretso sa hapag-kainan.

"Manang Rita," tinawag ni Luna ang kasambahay. "Ang mga kaibigan ko ba, umakyat na sa itaas?"

"Wen," mabilis na sagot ni Rita sabay iwas ng tingin sa kausap. "Pagkakain, umakyat na sila't mag-aayos pa raw ng gamit. Ay teka, yung tubig." Dali-dali siyang tumalikod at pumunta sa mga banga.

"Halina, Luna. Maupo ka na," pag-aaya ni Berto.

Habang kumakain ang pamilya, kasalo si Rita, natanong ni Berto ang tungkol sa mga kandila.

"Rita, naibigay mo ba kay Isko 'yung mga kandila?"

"Wen, uncle," sagot ni Rita matapos uminom ng tubig.

Tumingin si Luna sa ama. "Itay,"

"Ano 'yon, Luna?" tanong ni Berto.

"Sinong pamilya ho ba ang nakatakda ngayon para sa pag-aasikaso ng Lunayin? Bakit sa atin galing ang mga kandila? Hindi ba't obligasyon 'yon ng pamilyang napiling maghahandog?"

Nabigla si Berto sa tanong ng anak. Natigilan siya sa pagkain.

"Ah, anak," sagot ni Barbara. "Bale kase..."

Nakaramdam ng kilabot si Luna sa reaksyon ng ina. Ang hindi maliwanag na sagot ni Barbara at ang bigla niyang pag-alala sa tinimplang matamis na inumin ni Rita ay isang babalang hindi maaaring isawalang bahala.

Matinis na kumalansing ang tinidor at kutsara sa plato ni Luna nang siya ay dagling tumayo. Kahit kita sa mga mukha ng ina at ama ang gulat, hindi sila umimik. Tumakbo paakyat ng hagdan si Luna at tinungo ang silid nina Tina at Sabel. Sa kaniyang pagbukas ng pinto, nadatnan niya ang dalawa na walang malay na nakahiga sa kama sa alanganing posisyon.

Nakalaylay ang kaliwang paa at kamay ni Tina sa gilid ng higaan, samantalang nakasubsob naman ang mukha ni Sabel sa kama.

"Tina? Sabel?" tawag ni Luna habang papalapit sa mga dalaga. Nanginginig ang kaniyang mga kamay ng hawakan niya ang balikat ni Tina at alugin ito. Paulit-ulit niyang tinawag ang pangalan ng kaibigan, ngunit wala man lamang kahit maliit na indikasyon na naririnig siya nito.

Unti-uting tumulo ang mga luha sa pisngi ni Luna habang inaayos ang katawan ng mga kaibigan sa pagkakahiga. Sumagi sa kaniyang isipan ang maaaring maganap sa mga ito sa pagsapit ng gabing iyon. Isang karahasang naghihintay sa paglutang ng bilog na buwan.

Continue Reading

You'll Also Like

25.3M 848K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)
623K 32.1K 77
Anim na taon mula nang magbago ang nakalakhang buhay ni Stella Daprisia, inisip niyang isang malaking pagkakamali na ang lahat ng nangyayari sa kanya...
12.8K 847 73
Nakabasa ka na ba ng Kakaibang Istorya? Kahindik Hindik? Pero hindi nakakatakot? Nakakatawa pero maiiyak ka? Magulo pero MAKAKARELATE ka!? Sundan nat...
110K 2.9K 36
Hihiling ka ba sa singsing kahit buhay ang kapalit? Susuotin mo ba? Handa ka na ba? Read at your own risk. - Highest rank#11 (Horror) Date Started:...