Nagising si Denden dahil sa ingay sa baba.
Ano bang gulo yung nasa baba. Parang may sunog ah.
Pupungas-pungas syang tumayo. 3am na din sya nakatulog kanina. Medyo masakit pa ang ulo nya.
10am na?!
Tumingin sya sa katabing kama kung natutulog pa rin si Alyssa. Nakahinga sya ng maluwag nang makitang wala ito doon. Although sinabi nyang mag-uusap sila ngayon, hindi pa rin sya handang makita ito.
Bumaba sya para tingnan kung anong nagkakagulo sa baba. Nanonood pala ang mga mga teammates nya ng horror movie. Kung makasigaw naman ang mga ito e ke-aga-aga pa naman.
Tiningnan nya muna kung kasali sa umpukan ng mga ito si Alyssa. Nang makitang wala ito doon ay dumiretso sya sa mga ito para makanood. Tumabi sya kay Ells.
“Yo Ella. Bakit wala si Alyssa?” Pabulong lang ang tanong nya dahil mukhang engrossed na engrossed ang iba pa sa panonood.
“Hindi ko alam. Diba kayo ang magkasama sa room? Bakit sa akin mo itatanong.” Kahit kailan talaga badtrip tong tanungin.
“Hindi nyo nakitang umalis?”
“Hindi. Kanina pa akong 6 gising kaya dapat alam ko. Naku siguro maagang umalis. Himala ha. Hindi ata nagpaalam sayo.” Tiningnan sya nito nang nakakaloko.
“Wala kang pakels, Ells.” Hinampas nya ito sa braso sabay takbo sa kwarto nila.
Kinuha nya ang cellphone nya para tawagan si Alyssa. Halos 10 minutes nya munang tinitigan ang number nito habang iniisip kung tatawagan nya nga ba ito o hindi.
Ano namang sasabihin ko? “Hi Ly. Kumusta?”
Shiz. Ganon na lang yon? Kumustahan na lang?
Aaaaaah! Bahala na si naruto.
Hindi rin sya nakatiis. Pinindot nya ang call button. Kabadong-kabado sya habang nagriring ang telepono sa kabilang linya.
“Hello?”,napatuwid sya ng upon g marinig nya ang boses ni Alyssa.
“Uh. Uhm. Hello? Ly. Uh. Si Denden to.”
“Uh. Den. Hey.”
“Uhm. Pinapatanong ni Ate Jia kung asan ka ba daw kasi ang aga mong umalis sa dorm.” Naks Den! Sobrang talino mo! Galing ng palusot. Yari ka kay ate Jia kapag nalaman dinamay mo pa sya.
“Talaga? Pakisabi kay ate Ji, sorry. I’m with, uh, Jovee. Lumabas lang kami sandali. I’ll be right back naman after lunch.”
“Oh. Uh. Okay. M-makakarating.”
“Okay. Thanks. Bye.”
“Bye.”
Napatulala sya.
Magkasama pala sila ni Jovee ngayon.
Baka malapit na nyang sagutin.
Iniisip nya pa kaya yung nangyari kagabi?
Siguro hindi na. Sabi nya naman kalimutan na namin diba.
Pero baka naman nalimutan na nya since lasing na lasing sya nun.
Pero bakit ako hindi ko malimutan?---“Kasi ikaw ang nagsimula Dennise. Ikaw ang nag-initiate. May malisya sayo.”
“What?! Nooooo---”, natutop nya ang bibig nya. Patay!
Naririnig na nya ang pag-akyat ng mga kasama nya papunta sa kwarto nila. Napapikit sya nang mariin nang bumukas ang pinto.
“What happened Lazaro?!”, narinig niyang tanong ng team captain nila.
Iminulat nya ang isang mata. Tama nga sya. Lahat ng teammates nya ay nasa tapat ng pinto nila.
“I-I’m sorry ate Jia. W-w-wala namang nangyari. May nabasa lang kasi ako. Si Kris Aquino na daw kasi at si Herbert Bautista e. Crush ko pa naman si Piolo Pascual.”
Nakita nyang kumunot ang noo ng mga chismosa nyang teammates.
“What are you saying? We thought something happened to you.” Nakakunot pa rin ang noo ng kapitan nila.
“Sorry ate Ji. Wala lang po talaga yun. Sorry kung natakot kayo.”
“Lakas ng tama mo Den! Nag-away kayo ni Alyssa noh?”, narinig nyang sabi ni Marge.
“Quiet Tejada.”
Isa-isa nang nag-alisan ang mga teammate nya sa tapat ng kwarto nila.
“Looks like you didn’t get enough sleep Lazaro. Try to get some. We’ll wake you up for lunch.”
“Thanks ate Jia. I will. Sorry talaga.”
Tumango lang ito. Malakas itong makaramdam kaya alam siguro nitong may mali sa kanya.
- - - - - - - - - -
Nakaupo si Alyssa ngayon sa opisina ng papa nya. Nasa meeting kasi ito. Dito nya naisipang pumunta kanina para tumambay. Maaga kasi syang umalis sa dorm para makapag-isip.
“Ly.”
Ah shit! Bakit ba yun ang nagre-replay sa utak ko? Pero infairness ha. Ang lambot ng mga labi nya. Ilang beses ko na bang napanaginipang ginawa nya sa akin yun?
Napangiti sya sa naisip.
Shucks Ly. Para kang manyak.
Napailing sya.
What? No. Mahal ko lang talaga sya.
Naalala nya ang pagtawag ni Denden kanina sa kanya. Dahil walang maisip na dahilan ay sinabi nyang kasama nya si Jovee. Muntik na syang matawa nang sabihin nitong pinatatanong ni ate Jia nila kung nasan ba daw sya. Paanong hindi ay dito sya nagpaalam nang umalis kanina sinabi nya rin dito kung saan sya pupunta.
Ang team captain nilang si Jia lang ang nakakaalam kung anong tunay na nararamdaman nya para kay Denden. Ito lang ang nakakaalam na higit pa sa pagmamahal ng isang kaibigan ang nararamdaman nya para sa bestfriend nya.
Simula nang mapalapit sya kay Denden ay unti-unting nahulog ang loob nya dito. At tatlong taon na nya iyong itinatago (sobrang galing kasi nya). Ayaw nyang masira ang pagkakaibigan nila dahil yon na lang ang pinanghahawakan nya. Pero hanggang ngayon ay umaasa pa rin sya. Umaasa pa rin syang kahit papaano ay maramdaman niyang minamahal na din sya ni Denden katulad ng pagmamahal nya para dito.
Narinig nyang nag-ring ang telepono nya.
“Hello? Ate Jia?”
“Ly. What happened between you and Lazaro?” Sa apelyido sila madalas i-address ng kanilang captain pero kapag ganitong sila lang dalawa ang magkausap ay “Ly” na lang tawag nito sa kanya. Close kami e. Ha-ha.
“Pano nyo nalamang may nangyari sa amin? She told you?”,naitanong nya.
“No. Pero alam mong malakas ang pakiramdam ko kapag nag-aaway kayo o nagkakatampuhan.”
Tama naman ito. Ito nga ang unang nakakaalam kapag nangyayari ang mga ganon. Hindi sa sinasabi nya, kundi napapansin nito. Keen observer ito e.
“Well. True. Bakit ano bang nangyari?”
“She freakin’ scared the hell out of me when I heard her scream earlier. I thought something happened. Then nung tinanong ko kung anong nangyari, she told me some scrap of nonsense. And I can tell that she didn’t get enough sleep to think na sabado naman ngayon. So what happened between the two of you?”
Napatawa sya.
“Talaga? Hahahaha.”, natatawa pa rin sya.
“Stop laughing Ly. Tell me what happened.”
“Okay. Okay. Chill.” Tumigil na sya sa pagtawa. “We kissed. Last night.”
“Oh really? You initiated?”
“What?! No! Alam mong mahal ko si sya pero hindi ako gagawa nang kahit ano mang dahilan para masira ang friendship namin noh.”
“So, how did it happen?”
“Nag-inuman kami kagabi. Pero dahil mahina kami parehas sa alak ambilis namin nalasing. Lalo na ako. She was about to get up and sleep when I told her na mamaya na lang. I pulled her arms para umupo sya pero na-outbalance sya. She fell straight into me. I was laughing hard dahil sabi nya lasing na daw ako pero sya itong natumba sa akin. Tapos nagtaka ako nung hindi sya nagsasalita. Nakatitig lang sya sa akin. Then all of a sudden she kissed me. I was shocked. Hindi ko alam ang gagawin ko. Pero di ako nakatiis e. I kissed her back. Pero natakot ako kasi baka makahalata sya. Tapos sabi nya mag-usap kami ngayon pero maaga naman akong umalis ng dorm. Aaand that’s it.” Kumpletong-kumpleto ang mga detalyeng ikinwento nya dito. Hindi kasi sya tulad ng iba na nakakalimutan ang mga nangyayari kapag nakakainom. Isa pa, malaki ang tiwala nya dito.
“I’m telling you Ate Ji. She was the one who kissed me first. Tao lang ako. Natutukso.”
Inantay nyang magsalita muli ito pagkatapos ng pagkekwento nya. Alam nyang kapag natahimik ito ay nag-iisip ito.
Sa wakas ay nagsalita rin ito. “Congratulations Ly.”
Napakunot sya ng noo.
“What? Why?”
“It’s not an unrequited love anymore.”
“What do you mean?”
“Find out yourself. Pero ngayon umuwi ka na dito at gisingin mo sya for lunch. I told her to sleep dahil para syang lutang. I have this feeling na ikaw ang gusto nyang gumising sa kanya.”
Napangiti sya. Malakas ang sampalataya nya dito dahil minsan lang ito pumalya sa mga pakiramdam nito.
“Aye aye captain. Thanks. Babalik na ako dyan. Bye.”
TInapos na nito ang tawag. Dali-dali syang tumayo at lumabas para bumalik ng dorm. Sa kotse na sya mag-iisip kung anong gagawin mamaya pag nakaharap nya ito.
Dumaan muna sya sa desk ng secretary ng Papa nya.
“Ate Jo, pakisabi kay Papa babalik na ako ng dorm. Dun na lang ako kakain ng lunch.”
“Yes ma’am.”,sabi nito sa kanya.
“Thanks.”
- - - - - - - - - -
30 minutes pa lang ang nakakalipas ay nasa labas na agad sya ng dorm. Hindi kasi masyadong traffic dahil sabado. Nagtaka sya dahil hindi maingay ang mga teammates nya ngayon. Karaniwan kasing magugulo ang mga ito lalo na kapag ganoong weekend. Pumasok sya sa loob.
Kaya naman pala. Nanood ng horror. Ke-aga-aga ang duduwag.
Tumabi sya kay Ella na syang pinakamalapit sa kanya.
“Where’s ate Jia?”,pabulong na tanong nya dito. Wala kasi ito sa umpukan na iyon.
“Oh hey. Andito ka na. Hinahanap ka ni Denden kanina tapos si captain oh captain naman ang hinahanap mo. Nag-away ba kayo?”
“Hindi ah. Asan ba si ate Ji?”
“Sus. Andun sa kitchen si kap. Nagluluto ng lunch.”
“Yown. Salamat.”
Pumunta sya sa kitchen.
“Oh hey. You’re already here. Basta si Lazaro ang involve ang bilis mo ah.”, ngumisi pa ito sa kanya ng nakakaloko.
“Wag kang maingay! Mamaya marinig ka nila. Tapos na ba yang niluluto mo?”
“Ahuh. Wake her up.”, tiningnan sya nito ng makahulugan. “Congrats uli.”
Tiningnan nya lang ito ng masama. “Whatever.”
- - - - - - - - - - -
Anong kaya mangyayari kapag nagkita uli sina Alyssa at Denden? Abangans.
Napaaga ang update guys. Biglang nagkaroon ng sobrang supply ng creative juices kaya may bago nang chapter. Enjoy!:) Comment kayo ng suggestions o violent reactions:D