El Gobernador General De Mi C...

By MariaEljey

1.7M 90.3K 49.3K

Wattys 2019 Winner in Historical Fiction Category Dahil sa isang pagkakamali, out of nowhere ay bumalik sa ta... More

Munting Paalala
Kabanata 01
Kabanata 02
Kabanata 03
Kabanata 04
Kabanata 05
Kabanata 06
Kabanata 07
Kabanata 08
Kabanata 09
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70 (Wakas)

Kabanata 17

25.3K 1.6K 818
By MariaEljey

NAGSIMULANG mailang si Choleng sa kanyang sarili sapagkat sila ni Lucas ang kabisera ng pansin ng mga taong naroroon sa malawak na sala mayor. Kung ano-anong mga papuri ang natatanggap ni Lucas ngunit sa loob-loob niya ay naiinis siya sa binata. Dinala lamang marahil siya roon ni Lucas sa birthday party na iyon upang gawing pananggala sa kababaihan na lumalapit sa kanilang puwesto. Sa tuwing sasabihin ni Lucas na siya ang kasintahan ay nakaririnig siya ng kapaklaang mga komento mula sa ibang panauhin na may lihim na pagtatangi sa binata.

"Buong akala ko pa naman ay pagkaganda-ganda ng kasintahan ng Gobernador-Heneral. Hitsura naman pala siyang tagapagsilbi gaya ng kanyang muchacha."

"Napakalayo sa inaasahan natin ang magiging hitsura ng kanyang kasintahan. Mas ibig ko pang si Lolita ang maging kasintahan ng Gobernador-Heneral."

"Ako man ay sumasang-ayon sa iyong mga sinabi. Isang magandang insulares si Lolita habang ang babae namang iyan ay hindi ko mawari kung saang estado ba siya nabibilang."

"Eh, kung batuhin ko kaya kayo ng suot kong bakya? 'Tapos pagandahan tayo." Naiinis at nanghahamon na bulong ni Choleng sa kanyang sarili na hindi naman nakaligtas sa pandinig ni Lucas.

"Binabalaan kita, Maria. Huwag kang gagawa ng anumang gulo rito." Mahina lamang ang pagkakasabi nito ngunit nasa himig ang pagbabanta.

"Nilalait nila ako!" She hissed.

Humigpit rin ang pagkakaabrisiete ni Choleng sa braso ni Lucas sa labis niyang pagkaasar sa kanyang mga basher.

"Narinig mo ba ang sinabi ng grupo ng mga impaktang 'yon doon?" Isinenyas pa ni Choleng ang kanyang ulo sa direksyon ng kababaihan na kanilang nilagpasan. "Napagkamalan na naman akong tagapagsilbi at papayag ka ba na lait-laitin ng mga bruhang 'yon ang kasintahan mo? Ipagtanggol mo kaya ako sa kanila hindi iyong pinababayaan mo ako."

"Hayaan mo na lamang sila. Magsasawa rin ang mga iyan." Payak nitong komento sa kanyang hinaing.

"Pero kasi─"

"Gobernador-Heneral Rueda!" Isang masiglang pagbati ang natanggap ni Lucas mula sa babaeng Espanyola na sumalubong sa kanilang dinaraanan. "Mabuti naman at nakarating ka sa kaarawan ng aking unica hija."

Maganda at mestiza ang babaeng ginang. Matangos din ang ilong, maputi, at matangkad. Maganda rin ang suot nitong Victorian gown at kumikinang din ang mga sikuwensiyang nakadikit sa kasuotan. Batay sa ayos ng ginang, masasabi ni Choleng na mahilig sa magagarbong kasuotan ang babaeng bumati kay Lucas.

"Buenas tardes, Donya Chiquita." Magalang na pagbati naman ni Lucas. "Hindi ko ugaling hindi tumupad sa mga sinabi kong pangako."

"Matutuwa ang aking anak kapag ikaw ay kanya nang nakita. Sa ngayon ay nasa loob pa siya ng kanyang silid at inaayusan pa. Batid mo naman, kaarawan niya ngayon kaya ibig kong siya ang maging pinakamagandang dilag sa lahat ng kababaihang naririto sa aming hacienda." Buong pagmamalaking sambit ng ginang.

Si Choleng naman ang binalingan ni Donya Chiquita. Tumaas pa ang isang kilay ng ginang matapos siya nitong pasadahan ng tingin mula ulo hanggang saya.

"Ikaw na ba ang sinasabi ng mga tao na kasintahan ng Gobernador-Heneral?" May katarayan ang katanungan sa kanya ng ginang. Halata rin sa tono ng pananalita na hindi naiibigan ng Donya ang kanyang presensiya.

"Ah, opo. Ako po si Maria—"

Marahang itiniklop ni Donya Chiquita ang mamahalin nitong pamaymay. Ang payak na kumpas na iyon ni Donya Chiquita ay isang senyales na walang interes ang ginang na mabatid ang pangalan ni Choleng o kahit na ano tungkol sa kanya.

"Ako naman si Donya Chiquita Trastamara y Emerencia." Buong pagmamalaki na pakilala sa kanya ng ginang. "Hindi ko inaasahan na ikaw pala ang nakabili sa kasuotan na iyan na para sana sa aking anak. Kaya nagpatahi na lamang ako ng kasuotan na higit na mas maganda pa riyan." Wika ni Donya Chiquita habang pinapasadahan ng tingin ang kasuotan ni Choleng na may bahid kapaklaan ang mukha.

Ay gano'n? Kaya naman pala kung makatingin at palihim siyang tarayan ng Donya ay sapagkat para nawa ang kasuotan niyang iyon sa anak nito. Halata rin sa ugali ng Donya na ayaw nitong may kakabog sa unica hija nito.

"Ahm, ang babe ko po kasi ang bumili nitong suot kong damit para sa akin. Kaya paumanhin po kung kami ang unang nakabili." Pagdidiin pa ni Choleng sa Donya na may halong kaplastikan habang nakapaskil ang mapagpanggap niyang ngiti.

"Beyb?" Salubong ang kilay ni Donya Chiquita na tila ba wala kaide-ideya sa sinabi ni Choleng.

"Babe po ang tawag ko sa Gobernador-Heneral. Tanda ng pagmamahal ko sa kanya." Binigyan pa ni Choleng ng ngiting nang-iinggit si Donya Chiquita. Subalit sa loob-loob ay ibig niyang tumakbo sa loob ng palikuran at sumuka. Eew!

Sooooo overly baduy, Choleng! Pagtatawanan ka ni Rachelle kung sakaling narinig niya ang sinabi mo. Haha!

"Saka kaano-ano niyo po si Chikito? Asawa niyo po ba siya?"

"Sino naman si Chikito?" Salubong ang kilay na tanong ng Donya kay Choleng.

"Iyong paborito ko pong chichiria sa tindahan ni Aling Bebang."

"Hindi ko kilala ang Chikito na iyong tinutukoy. Subalit ako ang kabiyak ni Don Francisco." Pag-imporma sa kanya ni Donya Chiquita.

"Ah! Ikaw po pala ang asawa ni Don Francisco. Nice to meet you po─este, ikinagagalak ko po kayong makilala, Donya Chiquita. Sayang, akala ko magkaka-love life na si Chikito. Wala pala talagang forever."

Isang kakatwang tingin lamang ang ibinigay ni Donya Chiquita kay Choleng bago nito muling binalingan si Lucas.

"Ang mabuti pa, Gobernador-Heneral, ay tatawagin ko muna ang aking anak upang sa ganoon ay makapag-usap na kayong dalawa." Nasasabik na pahayag nito kay Lucas. Pagkatapos ay binuksan muna ni Donya Chiquita ang magara nitong pamaypay saka tinarayan si Choleng bago lumakad upang tunguhin ang silid ng anak.

"Matapobre ang isang 'yon." Komento agad ni Choleng nang malayo na ang nailalakad ni Donya Chiquita.

"Batid ko." Payak na komento sa kanya ni Lucas na tila ba sanay na sa pag-uugali ni Donya Chiquita.

"Kung makapagsalita akala mo anak lang niya ang may karapatang maging maganda. Siguraduhan niya lang na hindi mukhang bibe ang anak niya, talagang pagtatawanan ko siya. Saka bakit gustong-gusto kang makita ng anak niya?" Bahagyang nakaramdam siya ng kaunting selos, eh.

Selos? Hmph! Bakit naman ako magseselos sa anak ni Donya Chiquita na asawa ni Chikito?

"Dito ka muna, Maria." Wika ni Lucas nang huminto sila sa kanilang paglalakad. Ganoon din si Clarita na nakasunod lamang sa kanilang likuran.

"Saan ka naman pupunta?" Takang tanong ni Choleng.

"Kakausapin ko muna ang mga kakilala ko roon." Tukoy ni Lucas sa pangkat ng nakaunipormeng opisyales na kalalakihang nasa kabilang bahagi ng sala mayor.

Nice idea, Lucas babe!

"Mabuti naisip mo 'yan, Lucas. Sige na, puntahan mo na sila at kami na ang bahalang umubos ng mga pagkain dito." Nasa himig ni Choleng ang labis na kasabikan. Nagsalubong tuloy ang kilay ni Lucas. "Este, manonood muna kami ni Clarita ng mga sumasayaw roon bago kami kumain." Paglilinaw ni Choleng sabay turo sa direksyon ng mga mananayaw na indio sa gitna ng sala habang ang ibang mga panauhin ay masayang nanonood sa munting pagtatanghal na nagaganap.

Tila nakuntento naman si Lucas sa kanyang dahilan. Pagkatapos ay saka nito binalingan ang nananahimik na si Clarita mula sa kanilang likuran.

"Inaasahan kong babantayan mo nang buong husay ang iyong Senyorita, tagapagsilbi." Mahigit na bilin ni Lucas kay Clarita.

"M-Masusunod po, Gobernador-Heneral." Nasa himig ni Clarita ang kiming sindak.

"Sandali, Lucas." Pigil agad ni Choleng sa kamay nito nang akmang tatalikuran na sila.

"Bakit?" Salubong ang kilay na tanong ni Lucas kay Choleng.

Hindi nagsalita si Choleng. Bagkus ay lalo pa siyang lumapit kay Lucas saka niya pinagpagan ang uniporme sa magkabilang balikat nito. Pagkatapos ay pinunasan niya gamit ang kanyang panyo ang namumuong pawis sa noo nito. Makikita sa mukha ni Lucas na hindi nito inasahan ang kanyang ginawa. Subalit hinayaan lamang siya ng binata sa kanyang ibig gawin.

Rinig na rinig din ni Choleng ang bulungan ng mga taong nasa paligid nila kung gaano raw sila ka-sweet ng Gobernador-Heneral. Huh! Dapat lamang na managhili sa kanya ang mga babaeng naroroon sapagkat siya ang kasintahan ni Lucas! Fake nga lang. Subalit ganoon pa man ang kanyang ganap sa mga oras na iyon, gustong-gusto ni Choleng ang ginagawa niyang pagpupunas sa pawis ng Gobernador-Heneral. Iyong pakiramdam na kay sarap alagaan ni Lucas.

Baka nakalilimutan mo na, Choleng, ang totoo mong misyon kung bakit ka nagbabait-baitan kay Lucas? Pagpapaalala ng kabilang bahagi ng kanyang isip.

"Tagalan mo na ring makipagkuwentuhan sa kanila, ha?"

"Bakit naman?" Salubong na naman ang kilay ni Lucas.

"Ano ka ba? Halata namang ngayon mo lang uli makakausap ang mga taong kakilala mo. Manonood lang kami sa ng mga nagsasayaw." Dahilan niya sa binata.

Isang tango lamang ang naging tugon ni Lucas. "Muli kong ipinapaalala sa iyo, Maria, na huwag na huwag kang gagawa ng anumang gulo na ikapapahamak ng aking pangalan."

Sumaludo pa si Choleng kay Lucas. "Aye! Aye! Captain!"

"Binibini?" Tawag sa kanya ni Clarita.

"Bakit, Clarita?" Abot-tainga ang ngiti ni Choleng habang hinahatid ng kanyang tingin ang direksyong tinahak ni Lucas patungo sa pangkat ng mga opisyales.

"Ngayong wala na sa iyong tabi ang Gobernador-Heneral, ano na ang sunod mong gagawin?" Mahina ang tinig na tanong sa kanya ni Clarita na tanging sila lamang ang makaririnig.

"Kakain."

Yeah, kain muna bago takas. Haha!

"Po?" Sambit ni Clarita kung seryoso ba si Choleng.

"Kanina pa ako nagugutom, baks. Hindi sapat ang mga kinain ko kanina sa loob ng dalawang araw na walang kain-kain. Kaya kakain muna tayo." Paliwanag niya kay Clarita.

Hindi naman nagtagal ay may nakita siyang tagapagsilbi mula sa di-kalayuan.

"Halika, Clarita. May pa-free taste si Ateng doon! Tara!" Yaya niya sa kanyang kaibigan.

Hindi na rin nakatutol sa kanya si Clarita sapagkat hinila na niya ito patungo sa tagapagsilbi na may dala-dalang bandeha ng masasarap na panghimagas. Humarang kaagad sina Choleng sa daraanan at humingi ng panghimagas. Kaso ayaw silang bigyan ng tagapagsilbi. Para daw iyon sa mga panauhing humiling ng panghimagas.

"Ako ang kasintahan ng Gobernador-Heneral. Kapag hindi mo kami binigyan ng chocolate bread na 'yan, sasabihin ko sa Gobernador-Heneral na isilid ka sa loob ng sako." May halong pananakot pa ni Choleng.

Bumadha naman ang pagkabahala sa mukha ng babaeng tagapagsilbi.

"Naku! Paumanhin po, Binibini. Hindi ko po batid na ikaw pala ang kasintahan ng Gobernador-Heneral. Heto po ang mga tinapay. Sa inyo na po ang lahat ng mga iyan. Huwag ninyo lamang akong parusahan sa aking kapangahasan. Paumanhin." Inilapag pa ng tagapagsilbi sa ibabaw ng mababaw na kabinet ang bandeha ng mga chocolate bread.

"Talaga? Sa amin na ito ng kaibigan ko?" Tanong niya sa tagapagsilbi habang nilalantakan na ni Choleng ang tinapay. Inabutan pa niya si Clarita ng tinapay na hindi mawari kung matatawa o ibig sapukin ang sariling noo sa nadarama nitong hiya sa ginagawa ni Choleng.

"O-Opo, Binibini. Ikukuha ko na lamang po ng bagong tinapay ang mga panauhin."

"In fairness, ang sarap ng tinapay na ito. Ikuha mo na rin po kami ng juice—este ng maiinom, ha?"

"M-Masusunod po, Binibini."

"Madali naman palang kausap si Ate. Tingnan mo, may na-ransack na agad tayong tinapay, Clarita." Komento agad ni Choleng nang tuluyang makaalis ang tagapagsilbi upang ikuha sila ng maiinom.

"Ikaw ba naman ang pagbantaan, sino ang hindi kakabahan at matatakot?" Naiiling na komento sa kanya ni Clarita.

Natawa naman si Choleng. "Ano ka ba, baks? Charot lang naman 'yon." Pagkatapos ay inisang subo ni Choleng ang huling bahagi ng chocolate bread bago uli kumuha ng bago. "Malay ko bang seseryosohin ni Ate. But look at the bright side, masarap ang tinapay nila─"

"Sino naman ang nagbigay sa iyo ng pahintulot na pumunta rito?"

Nagpalinga-linga pa sina Choleng at Clarita upang hanapin ang nagsalita. Mula sa kanilang likuran ay nakita nila si Lolita na nakabihis ng Victorian gown. Sa ayaw at sa gusto ni Choleng, kailangan niyang aminin sa kanyang sarili na sobrang ganda talaga ni Lolita.

Higit pang lumutang ang iwing kagandahan ni Lolita sa buhok nitong coiffure hairstyle na nilagyan din ng aguhilya na ang mga bato niyon ay kumikinang bilang dagdag palamuti. Nasa kaliwa at kanan naman ni Lolita ang dalawa nitong alipores na nagmukhang segunda mano ang mga gown. Naiinis din si Choleng sapagkat tila magkaka-crush pa siya sa impaktang bruha! Kainis!

"Kami ba ang kinakausap mo?" Paniniyak pa ni Choleng sabay kagat sa tinapay na kanyang hawak. Maaari kasing may iba pang kausap si Lolita. Nakahihiya naman kung makikisabad siya.

"Kayo nga ang aking kinakausap!" Mainit ang ulong tugon sa kanya ni Lolita. "Ano ang ginagawa ninyong dalawa rito?"

"Wala kaming nagugunitang kasama kayo sa mga inanyayahan para sa kaarawan na ito." Nakataas kilay na pag-imporma sa kanila ni Enriquetta.

"Ang kasiyahang ito ay para lamang sa aming mga mayayaman at hindi kayo kabilang dito." Dagdag naman ni Fonseca.

"Oy! Bawal magkalat ng bad vibes sa hacienda na ito." Tugon ni Choleng na hindi tinatablan ng mga pangmamaliit na pinamumukha sa kanya ng dalawang alipores ni Lolita. "Saka isinama kami rito ni Lucas. Kaya sa ayaw at sa gusto ninyo, makikikain kami rito." Inalok pa niya si Lolita ng tinapay. "I'm sharing the blessings."

"Wala rin akong sinabing kainin ninyo ang mga tinapay na iyan! Hindi iyan para sa inyo!" Naiinis na wika ni Lolita kahit walang naintindihan ang dalaga sa ibang pinagsasabi ni Choleng.

"Pakialam mo ba kung kainin namin itong tinapay? Ina-appreciate lang namin ang mga handa rito. Ano naman sa 'yo kung kainin namin ang tinapay na ito? Hindi naman ikaw ang may kaarawan kaya 'wag kang madamot diyan. Kung gusto mo, magpakuha ka na lang sa tagapagsilbi ng makakain ninyo. Hindi iyong naninira kayo ng appetite ng iba, okay?" Mataray niyang komento kay Lolita.

"Hindi ka ba nasabihan ng Gobernador-Heneral kung sino ang may kaarawan ngayon, tagapagsilbi?" Taas-kilay na tanong sa kanya ni Fonseca.

Grr! Hindi na talaga siya tinigilan ng mga alipores ni Lolita na tawaging tagapagsilbi!

"Ang sabi sa akin ni Lucas, kaarawan ngayon ng unica hija ni Don Francisco kaya isinama niya ako rito."

"At ako ang unica hija ni Don Francisco." Galit na komento Lolita.

Alipalang inihit ng ubo si Choleng matapos iyong marinig. Mabuti na lamang at dumating na ang tagapagsilbing kanyang inutusan saka dali-dali niyang kinuha mula rito ang baso ng tubig saka iyon ininom.

"I-Ikaw na naman?" Hindi makapaniwalang sambit niya nang maka-recover siya sa sakit ng kanyang lalamunan. Takaw kasi niya!

"Bakit ba ikaw ay gulat na gulat? Batid naman ng buong lungsod na ngayon ang aking kaarawan."

"At kay lakas pa ng iyong loob na kainin ang mga handa rito! Nakahihiya ang iyong ugali!" Naiinis na segunda naman ni Enriquetta.

"Oy! Alam niyo, grabehan kayo. Tinapay lang kaya itong kinakain namin."

"Kahit na! Hindi ka pa rin inanyayahan dito!" Sabi pa uli ni Enriquetta upang ipamukha kay Choleng na isa siyang gate-crasher.

"At tingnan mo, Lolita, ang kanyang suot. Hindi ba, iyan ang paborito mong kasuotan na ibig mong bilihin subalit nabili na ng kung sinuman?" Puna naman ni Fonseca.

Lalong sumama ang mood ni Lolita nang pasadahan nito ang kasuotan ni Choleng. "Una, ang Gobernador-Heneral. Ngayon naman ay ang kasuotan na iyan na dapat ay para sa akin! Mang-aagaw!"

"Wala akong inaagaw, okay? Si Lucas ang bumili nito kaya sa kanya ka magreklamo kung bakit naunahan ka niyang bilihin itong paborito mong damit. Sa susunod kasi magpa-reserve ka at nang hindi ka naaagawan." Tinarayan niya uli si Lolita.

Aba! Hindi porke si Lolita ang may kaarwan, eh, ito palagi ang bida. Hindi siya papayag na apihin ng bruhang ito!

"Ang kapal ng iyong mukha!"

"Yeah, proud to be pa. Manang-manang ka nga sa ugali ng nanay mo. Inggitera!" Tuwiran niyang pahayag kay Lolita.

"Bawiin mo ang iyong sinabi!"

"Wala na. Nasabi ko na. Wala ng bawian." Asar pa niya kay Lolita. "Mabuti na lang pala hindi ako nagdala ng regalo. Kung ganyan din ba naman ang pag-uugaling bibigyan ko ng regalo, 'wag na lang." Muli niyang tiningnan si Lolita with matching katarayan na. "Alam mo, Lolipoop? Panauhin ako rito at kasintahan ng Gobernador-Heneral. Kaya bawasan mo 'yang katabilan ng dila mo. Isang hiling ko lang kay Lucas, manganganib ang mga ari-arian ninyo."

Ngunit echos lamang iyon ni Choleng. Ibig lamang niyang subukan kung paano ba mang-api ng isang mayamang insulares na gaya ni Lolita. Haha! Hindi na rin nagkaroon pa ng pagkakataong ipagtanggol ni Lolita ang sarili kay Choleng sapagkat dumating na si Lucas kasama si Don Francisco.

"Kanina pa kita hinahanap, Maria. Naririto ka lamang pala." Ani Lucas nang makalapit sa kanyang tabi at hinawakan ang kanyang kamay. Harap-harapang holding hands! My goodness!

Kaagad namang lumukot ang magandang mukha ni Lolita matapos nitong masaksihan ang lantarang holding hands nila ni Lucas.

Huh! Mainggit ka!

"Lolita, anak. Ibig kong ipakilala sa iyo si Binibining Choleng. Siya ang kasintahan ng Gobernador-Heneral." Pagpapakilala ni Don Francisco kay Choleng.

"Kilala ko na po ang babaeng iyan, Ama. Kaya hindi mo na po siya kailangang ipakilala pa sa akin." May halong kapaklaan sa tinig na komento ni Lolita.

"Feliz cumpleaños, Lolita." (Happy birthday, Lolita.) "Ako ay natutuwa na ikaw ay muling makita." Malugod na pagbati ni Lucas.

Mabilis naglaho ang lumbay sa mukha ni Lolita nang batiin ni Lucas. Tss! May ikinukubli rin palang kalandian itong si Lucas, eh! Siya nga ang kasintahan nito ngunit nasa ibang babae ang pansin at sa isang Lolipoop pa!

"Muchas gracias, gobernador general. Hangad ko na maging maligaya ka sa kasiyahang ito." Wika ni Lolita na hindi maikubli ang kiming ngiti.

Tss! Ang feeling talaga ng bruhang ito!

"Ang mabuti pa ay magtungo na tayong lahat sa komedor. Nakahanda na rin ang hapunan kaya batid kong nagugutom na kayo." Mayamaya ay magiliw na yaya sa kanila ni Don Francisco na hindi naman nila tinanggihan.


PALIPAT-LIPAT lamang ang tingin ni Choleng sa mga taong kasalo nila sa hapag. Habang kumakain kasi sila ay nagpapalitan ng usapan ang mga panauhin. Siyempre, ang kabisera ng usapan ay ang anak ni Don Francisco. Si Lolita kasi ang may kaarawan kaya ang dalaga dapat ang bida sa araw na iyon. Halata namang kulang sa pansin si Lolita kaya tiniis na lamang ni Choleng ang makinig sa nakaka-out of place na usapan ng mga panauhin sa hapag.

Spanish kasi ang usapan kaya hindi talaga makaugnay si Choleng sa nagaganap. Marurunong namang managalog subalit mas bet pa ng mga taong kasama nila na magsalita ng Spanish. Eh, ano ba ang alam niya sa Spanish? Kahit na mayroon siyang kaunting kaalaman, eh, nabobobo pa rin siya. Kaya itinuon na lamang ni Choleng ang kanyang pansin sa kinakaing adobo. At least, naa-appreciate niya ang pagkain hindi gaya ng Spanish. Nakaka-nosebleed ng utak!

"Por cierto, mi hija también puede cantar. Así que contraté a un buen instructor para que mejorara su talento." (By the way, my daughter can sing too. So I hired a good instructor to improve her talent.) Buong pagmamalaki ni Donya Chiquita kay Lolita kaya namangha ang lahat ng mga kasalo nila sa hapag.

Tss! Share mo lang? Nagmamalditang komento ng isip ni Choleng.

"¿Cuándo escucharemos tu hermosa voz cantando, Lolita?" (When will we hear your beautiful singing voice, Lolita?) May halong kasabikan na tanong ni Eustaquio sa dalaga.

Ang sabi sa kanya ni Clarita, eh, isa raw mahusay na manunulat si Eustaquio at bukod sa angking husay nito sa pagsusulat ay marami ring kababaihan ang nagkakagusto sa binata. Isang nagpipigil na ngiti ang namutawi sa mukha ni Lolita na tila ba nahihiyang mabatid iyon ng lahat.

"Ang aking Ina talaga. Hindi na ninyo dapat ipinagsasabi ang ganyan bagay."

Asus! Kunwari pa ang bruha na pa-humble! Naiiritang komento ng isip ni Choleng habang inaabala ang kanyang sarili sa pagkain.

"Aba'y bakit hindi, hija? Mahusay ka naman talagang umawit at hindi mo iyon dapat ikahiya sa lahat ng mga panauhing naririto lalo na sa ating Gobernador-Heneral."

Palihim na nilingon ni Choleng si Lucas. Subalit ni isang komento ay wala siyang narinig mula sa binata. Katabi kasi niya si Lucas bandang kaliwa at sa kanan naman niya ay si Clarita na tahimik lamang sa kanyang tabi at kanina pa nao-OP.

Pero deadma ang lolo niyo! Ah-Uhm! Ramdam din ni Choleng na tahimik na napahiya si Donya Chiquita sa pande-deadma ni Lucas. Subalit hindi na lamang ipinahalata ng masungit na Donya. Halata naman sa mukha ni Lolita na ibig din nitong marinig ang opinyon ni Lucas. Ngunit gaya ng Donya ay palihim ding nakaramdam ng pagkapahiya si Lolita. Agad namang inilihis ni Donya Chiquita ang usapan kay Lolita at lumipad ang tingin nito kay...Choleng.

"¿Qué hay de ti, señorita? Esta es la primera vez que te veo con el gobernador general. ¿Podría presentarse a nosotros?" (What about you, miss? This is the first time I saw you with the Governor-General. May you please introduce yourself to us?) Nakangiting tanong ni Donya Chiquita kay Choleng.

Dahil sa tanong na iyon ni Donya Chiquita kay Choleng ay naagaw niyon ang buong pansin ng lahat sa hapag. Lahat sila ay naghihintay sa magiging tugon ni Choleng. Shucks! Ang awkward!

Isang alanganing ngiti ang ibinigay ni Choleng sa lahat bago siya nagsalita. "A-Ano nga po uli ang sinabi ninyo?"

May ilan sa mga kasama nila sa hapag ang nagpigil na matawa. Wait! What's funny? Wala namang nakatatawa sa sinabi niya, eh! It was now Lolita's turn to speak.

"Ina, hindi nakaiintindi ng wikang Kastila ang kasintahan ng Gobernador-Heneral."

Aba teka! Pailalim din kung mamahiya ang Lolipoop na ito, eh! So what kung hindi siya makaintindi ng Kastila? Big deal masyado?

"Hindi ko inasahan, Gobernador-Heneral, na kukuha ka ng iyong kasintahan na mangmang sa kaalaman pagdating sa wikang Kastila. Kung ganoon, isa palang indio ang babaeng iyan." Natatawang naiiling na may halong aglahi ang pahayag ni Padre Hurtado na sa mga oras na iyon ay nakaupo sa kabisera ng mahabang mesa.

Ang sakit naman magsalita ni Father! Sarap sungalngalin ng tinidor ang bunganga nito! Hindi lamang marunong magsalita ng Kastila, eh, indio na agad ang tingin nito sa kanya? Grabe! Hindi niya akalain na usong-uso na rin pala ang mga judgerista, toxic, at immature sa panahong iyon!

Subalit isinantabi na muna ni Choleng ang inis niya sa prayle sapagkat higit niyang inaalala si Lucas. Wala pa nga siyang ginagawang kalokohan, eh, mukhang napahiya na niya si Lucas sa mga panauhing kasalo nila sa hapag.

"Sapagkat siya ay nagmula pa sa ibang bansa kaya hindi niya maintindihan ang wikang Kastila." Narinig ni Choleng na komento ni Lucas kay Padre Hurtado. Kaya hindi niya naiwasang lingunin ang gawi ng binata.

Pakiramdam ni Choleng ay tila ba tumaba ang kanyang puso mula sa narinig. Kaswal lamang ang naging tugon ni Lucas. Subalit pakiramdam niya ay tila ipinagtanggol siya ng binata. Ibig niya tuloy yakapin sa harap ng madlang people si Lucas. Hindi naman nagtagal ay muling bumaling si Choleng sa lahat ng mga panauhin upang sakyan ang sinabi ni Lucas.

"Opo. Tama po si Lucas, galing ako sa hinaharap."

"Hinaharap?" Sabay-sabay na sambit ng lahat.

"A-Ano...ang ibig ko pong sabihin ay galing po ako sa Amerika." Paglilinaw ni Choleng nang mapagtanto ang sinabi.

Agad namang napatango-tango ang ilan sa mga kasalo nila sa hapag at halatang naniwala agad kay Choleng.

Bobo mo talaga, Choleng! Sige! Ibuko mo sarili mo sa lahat, ha?

"America? So, you speak English?" Namamanghang tanong naman sa kanya ni Anderson, ang guwapong dalubhasang manggagamot na may lahing Kastila at Amerikano.

"Yes!" Sa wakas! Nakatagpo rin siya ng matinong kausap! "I can speak English. Nice to meet you, Mr..."

"Call me, Anderson. You don't need to call me in that way. I'm still a young man and unmarried." Isang magandang ngiti ang ibinigay nito sa kanya.

"Oh, sure, Anderson and I'm Choleng. Do you have your cellphone number so we could have our chitchats after this party?"

Galawang Choleng 101.

"Cellphone number?"

Saka lamang nagunita ni Choleng na hindi pa pala uso ang cellphone sa panahon na iyon. Masyado siyang nadala sa excitement na kanyang nadarama.

"Nevermind. But it's nice to meet you, Anderson."

Doon lamang napuna ni Choleng na lahat ng mga panauhin ay halatang na-out of place sa usapan nila ni Anderson lalo na sina Donya Chiquita, Lolita, at Padre Hurtado.

Huh! Oras na upang gumanti ang api!

"Paumanhin, nakalimutan ko palang hindi kayo nakaiintindi ng wikang Ingles." Isang kaplastik-plastik na ngiti ang iginanti ni Choleng sa mga namahiya sa kanya.

Indio pala, ha? Geh, payt dat, mga bish! Nagmamalditang hamon pa ng isip ni Choleng habang isa-isa niyang tinutusta ng kanyang tingin ang kampo ng mga namahiya sa kanya. Aba! Hindi siya pinalaki ng kanyang nanay upang apihin ng mga basherista ng nineteenth century!

Mayamaya ay dinumog na ng mga katanungan si Choleng mula sa ibang mga panauhin. Ang iba sa mga ito ay natuwa sa kanyang pagsasalita ng English. Kaya siya na ngayon ang kabisera ng usapan. Sinimulan na rin siyang ng mga panauhin tungkol sa relasyon nila ni Lucas at kung paano sila nagkakilala ng binata.

"Sa katunayan ay nakilala ko po si Lucas nang magbakasyon ako sa Madrid. Iniligtas niya po ako sa mga lalaking pinagtangkaan ako ng masama..." nakangiting pagkukuwento ni Choleng.

Totoo naman ang kanyang tinuran. Iniligtas naman talaga siya ni Lucas sa mga manyak na guwardiya sibil. Pero echos lamang ni Choleng ang una niyang sinabi. Haha!

"Ang sungit-sungit nga po niya noong makilala ko siya. Alam niyo ba? May gusto na talaga si Lucas sa akin the first time he laid his eyes on me. Eh, mahiyain siya kaya ako na ang nanligaw sa kanya."

"Hesusmaryosep! Ikaw ang nanligaw sa Gobernador-Heneral?" Hindi makapaniwalang sambit ni Padre Hurtado.

"Opo, Padre Hurtado." Ipinulupot pa ni Choleng ang braso niya sa braso ni Lucas at hinilig pa niya ang kanyang ulo sa balikat nito. Palihim pang sinubukang bawiin ng Gobernador-Heneral ang braso nito sa kanya subalit hindi niya iyon hinayaan. Hmph! Bahala si Lucas!

Napaantada naman si Padre Hurtado maging ang ilan sa kababaihan na kasalo nila lalo na si Donya Chiquita.

"Anyway, sinagot din naman agad ako ni Lucas kaya kasintahan ko na siya. 'Di ba, babe?" Nakangiting tiningala pa ni Choleng si Lucas. Ngunit isang nagbabantang tingin lamang ang ibinigay sa kanya ng binata. "Hay naku, kahit kailan talaga, Lucas, ang kalat mong kumain."

Nakita kasi niyang may kaunting sarsa ang gilid ng bibig ni Lucas mula sa kinakain. Kaya si Choleng na ang nagkusang kumuha ng puting serbilyeta at siya na rin ang nagpunas ng mumunting sarsa. Wala naman siyang narinig na anumang hinaing o pagsalangsang mula kay Lucas. Subalit mabilis ding nag-iwas ng tingin sa kanya ang binata at hinayaan siya sa agaw-tagpo na kanyang ginagawa. Sus! Pabebe!

"Para ka talagang bata kung kumain, Lucas. Pero cute ka pa rin naman kahit ang kalat mong kumain." Bumungisngis pa siya nang mahina.

Subalit kaagad din niyang narinig ang pagtikhim ni Padre Hurtado. Kitang-kita sa hitsura ng prayle na tila ba naalibadbaran sa kanila kaya nang wala na ang sarsa sa gilid ng bibig ni Lucas ay tumigil na rin si Choleng.

"Paumanhin po. Ganyan ko lang talaga alagaan si Lucas." Isang nang-iinggit na ngiti ang ibinigay ni Choleng kay Lolita na katapat lamang niya sa kabilang panig ng mesa na kulang na lamang ay maging dragon at bugahan siya ng apoy sa labis na inis.

"Alam na ba ito ng iyong mga magulang, Gobernador-Heneral?" Tanong naman ni Don Francisco kay Lucas. "Paano na si Lolita gayong ikaw ay mayroon nang kasintahan? Paano na ang inyong napagkasunduang kasal?"

Sa pagkakataong iyon ay doon na tumahimik si Choleng at hinihintay ang magiging tugon ni Lucas. Oo nga pala. Kay Lolita pala nakatakdang ikasal si Lucas at ngayong sumingit siya sa pagitan ng dalawa, mukhang batid na niya kung saan hahantong ang tugon ng Gobernador-Heneral.

"Paumanhin, Don Francisco at Lolita. Ngunit kung may pakakasalan man ako ay walang iba kundi ang aking kasintahan."

Boom panes! Harap-harapang ni-reject ni Lucas si Lolita sa harap ng mga panauhin. Ang masakit pa roon ay sa kaarawan pa ni Lolita inanunsiyo na walang kasalang Lucas-Lolita ang magaganap. Palihim naman tiningnan ni Choleng si Lolita.

Wala na sa mukha nito ang magandang ngiti kanina. Hindi na rin nito ginagalaw ang sariling pagkain. Halata namang nawalan na ito ng gana kumain nang dahil sa naging anunsiyo ni Lucas. Sino ba naman ang hindi mawawalan ng gana kung ganoon ba naman ang maririnig sa mismong kaarawan pa nito?

Ibig niyang mahabag kay Lolita sapagkat siya pa ang naging dahilan kung bakit walang kasalang magaganap. Ngunit sa kabilang bahagi ng kanyang nagmamalditang isip ay higit pa niyang naiibigan ang nagaganap. Matapos siyang insultuhin ng mag-ina kanina? Aba'y tama lamang ang ginawa ni Lucas! Kahit na sabihin niyang bagay na pag-umpugin sina Lucas at Lolita sapagkat kapwa pangit ang ugali ay mas papanigan pa rin niya ang Gobernador-Heneral.

"Mayroon akong sariling isip at pagpapasya kung ano ang mas makabubuti para sa akin." Patuloy pa ni Lucas.

"Ibig mo bang ipahiwatig sa iyong tinuran na walang kabutihang maidudulot sa iyo ang magpakasal sa aming unica hija?" Hindi makapaniwalang sabad ni Donya Chiquita na tila ba nainsulto sa naging pahayag na iyon ni Lucas at tila ba hihimatayin sa labis na pagkadismaya.

"Ang ibig kong ipakahulugan, Donya Chiquita, ay may iba pang lalaki ang higit na karapat-dapat para sa inyong anak na si Lolita na batid kong handa siyang mahalin at pahalagahan." Paglilinaw ni Lucas sa iniisip ng ginang.

"Ako na ang nagsasabi, Gobernador-Heneral, na hindi maiibigan ng iyong mga magulang ang iyong naging pasya." Si Choleng naman ang binalingan ni Donya Chiquita. "Ano ba ang mayroon sa babaeng iyan na hindi mo maibigan kay Lolita?─"

Narinig kasi nilang lahat ang pagtayo ni Lolita. Bakas sa mga mata nito ang panunubig. Senyales na anumang oras ay luluha na.

"Mawalang galang sa inyong lahat. Patutungo muna ako sa aking silid. May nakalimutan lamang akong kunin ngunit tuloy pa rin ang kasiyahan." Iyon lamang ang sinabi ni Lolita bago tuluyang nag-walkout.

Ipinaskil: September 10, 2017

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 43.7K 30
Sakura Lee is the queen bee of Strafford University. She's beautiful, smart, athletic and overall popular. No one can mess with her. But when she mee...
1.7M 90.3K 71
Wattys 2019 Winner in Historical Fiction Category Dahil sa isang pagkakamali, out of nowhere ay bumalik sa taong 1855 si Choleng. Nalayo man nang tul...
348K 14.2K 61
[Epistolary] "I'm addicted to you like a powerful drug. With you by my side, you are my euphoria."
5.2M 41.4K 30
[prev My Nerdy Tutor] She is running away from a secret. He is living in her secret.