Secretly (Candy Stories #2) (...

By TheCatWhoDoesntMeow

1.4M 54.2K 21.7K

Lulubog, lilitaw--ganyan ang feelings ni Diane Christine para kay Jesuah. Pero paano kung sa isang iglap ay m... More

Copyright
Teaser
Hello! This story is under Wattpad Originals.
Chapter 01: Ice cream and beer
Chapter 02: Thump, thump
Chapter 03: Between us (part 2)
Chapter 04: Promises (part 1)
Chapter 04: Promises (part 2)
Chapter 05: Little fuzzy feelings
Chapter 05: Little fuzzy feelings (part 2)
Chapter 06: Let me see you smile
Chapter 06: Let me see you smile (part 2)
Chapter 07: If I see you happy
Chapter 08: What do you wish on stars?
Chapter 08 : What do you wish on stars? (part 2)
Chapter 09: Out of my touch
Chapter 10: The space beside you
Chapter 10: The space beside you (part 2)
Chapter 11: From afar, I look at you
Chapter 12: I wish the stars all fall down
Chapter 12: I wish the stars will all fall down (part 2)
Chapter 13: Where your heart lies
Chapter 13: Where your heart lies (part 2)
Chapter 14: Take over you
Chapter 14: Take over you (part 2)
Chapter 15: Some love are silent
Chapter 15: Some love are silent (part 2)
Chapter 16: If you let me hold you
Chapter 16: If you let me hold you (part 2)
Chapter 16: If you let me hold you (part 3)
Chapter 17: Secretly
Chapter 17: Secretly (part 2)
Epilogue
Epilogue (part 2)
Epilogue (part 3)
Epilogue (last)

Chapter 03: Between us (part 1)

41.1K 1.4K 446
By TheCatWhoDoesntMeow

***

"Martilyo."

Lumusot ang kamay ni Jepoy sa walang bubong na parte ng tree house. Nakasaklang siya sa mas mataas na bahagi ng puno, halos nakayakap sa malaking sanga para bumalanse at umabot sa inaayos na bubungan.

Kinuha ko sa toolbox na nasa tabi ko ang martilyo at iniabot. Nag-abot din ako ng pako.

" 'Yung mas maliit sa uno," tukoy niya sa pako. "Tatlo."

Ibinalik ko sa box ang de uno at nag-abot ng tatlong piraso na mas maliliit.

"Salamat."

Natuon ang atensyon niya sa pagpukpok sa ipinapalit na yero.

"Usog ka. 'Wag kang tumapat sa ginagawa ko, baka malaglagan ka ng kung ano," sabi niyang sandaling sumulyap sa'kin.

Humakbang ako nang ilan paatras at napalinga sa loob ng kubo. Nakasiksik sa parteng may bubong ang lahat ng mga gamit doon—mesa, drawers, cushions, unan, atbp. Nakatabi rin ang ilaw na binaklas ni Jepoy bago tanggalin ang sirang bubong kanina.

Nakikita ko na kung ano ang mangyayari pagkatapos kong maging tagaabot ng gamit ng lalaking nagkakarpintero. Mapipilitan naman akong maglinis ng tree house. I should have said no to him earlier when he told me to help with the repairs. Ipinagluto ko na nga ng fried chicken, hiniritan pa 'kong mag-assist dahil libre naman daw ako. Si Mi kasi, pagbungad ko pa lang sa kuwarto slash mini-recording studio na ginawa nila ni Warren sa bahay nina Auntie Mona, ang lakas pumigil. Busy raw siya. Kahit sabihin kong hindi ako mag-iingay, itinaboy ako. Kinuha lang 'yung meryenda na binitbit ko para sa kanya.

Oh well. Wala na rin naman akong magagawa. Nag-a-assist na 'ko.

"Pako, Yanyan."

Tumingala ako at iniabot ang hinihingi ni Jepoy.

"Thanks," wala sa loob na bulong niya at nagpatuloy sa ginagawa.

Pinakinggan ko ang pwersa ng martilyo niya sa bubong. Isang yero na lang ang ilalatag niya at tapos na kami. Ngalay na rin siguro siya sa pagsabit sa puno.

Pinanood ko siya. Gusto ko siyang tinitingnan kapag ganitong seryoso siya. Nakapokus lang sa iisang bagay ang atensyon niya at halos hindi siya nakangiti. Gumagalaw ang panga niya kapag nag-iingat o nagtatantiya siya sa gagawin. At dahil mainit, pinagpapawisan siya. Gumagapang sa balat niya ang ilang butil ng pawis. Pababa sa linya ng mata niya. Pababa sa panga. Pababa sa adam's apple.

Lumunok ako. Kumurap. What am I doing?

"Pawis mo," sabi ko sa kanya. "Baka matuluan ako."

Malakas siyang pumukpok bago tumingin sa'kin. May makintab na pangungulit sa mata niya.

"Pawis ba?"

Sumimangot ako. Ganito ang mukha niya bago mang-asar.

Sandali siyang umupo nang tuwid sa puno at ipinilig ang ulo niya para maghasik ng pawis. Umatras ako agad.

"Nakakainis ka! Ano ba?!"

Dinig ko ang pagtawa niya. "Sobra ka, sungit. Hindi naman aabot 'yun sa'yo."

Pagtingala ko uli, hinubad niya ang kamiseta niya, at ipinunas sa katawan niya—sa dibdib, sa likod, sa sikmura.

Sa sikmura niya huminto ang mata ko. Bakit meron siyang abs? Bakit gano'n ka-prominent? Nang huling outing namin, linya pa lang 'yun. Saan sa maikling oras niya sa pagitan ng trabaho at pag-iipon ng mga pangit na joke siya nakapagsingit na magpatubo no'n?

Abs for visuals are overrated but damn...

Lumunok ako. Ito ang ayoko kapag dalawa lang kami. Kung anu-ano ang nakikita ko. Nalilito pa 'ko sa gagawin. Gaya ngayon, I had a feeling I should close my eyes but I acted against it. Siya naman ang naghubad sa harap ko.

Nang magtama ang mata namin, kumunot din ang noo niya. Sinipat niya ang sariling katawan at tumingin uli sa'kin.

"Ang talim ng tingin mo, sungit," sabi niya at pinunasan ang batok niya. "Parang labag sa loob mo 'yung nakita mo, ah."

Hah! Hindi naman labag sa loob ko pero... walang warning. Hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang mata ko.

Pero ang weird ikatwiran no'n, kaya iba ang sinabi ko. "Mukha kang unggoy diyan sa sanga."

Nangiti lang siya. Inihagis sa'kin ang kamiseta niya. "Catch."

Umangil ako nang masalo ang basa sa pawis na damit niya. Isinampay ko 'yun sa bintana para matuyo.

"May shirt ka ba rito sa kubo?"

"Wala," sabi niya at bumalik sa pagyakap sa puno. "Pahinging pako."

"Magtatrabaho ka nang ganyan?" tanong ko.

"Oo. Ang init, eh. Mapapawisan din naman kahit magpalit ako ng kamiseta."

"Baka masugatan ka," paalala ko.

"Wala namang nakausling kung ano rito sa sanga," sabi niya. "Pako."

Nag-abot ako ng isa. "Baka may langgam diyan sa puno."

"Wala," sabi niya at ngumiti. "Cute ng concerns mo, Yanyan."

"Hindi ako concern," sangga ko.

"Cute ng hindi ka concern. Okay na ba?"

Sumimangot ako. Pumalatak siya.

"Sabi nang 'wag titingin nang matalim, Diane," sabi niya. "Baka masugatan ako."

"Ang corny mo."

Nakangiti lang siya. "Atras ka. Baka malaglagan ka ng kung ano."

Umatras na lang uli ako at nanood sa kanya.

***

Matagal ka pa ba? text ko kay Mi.

Muntik akong tubuan ng pasensiya sa tagal niyang mag-reply. Matagal pa, Yanyan.

Mauna na ba kong umuwi?

Iniunat ko ang paa ko habang nakasandal sa gawing bintana ng kubo. Ayos na uli ang bubong ng tree house, naibalik ko na ang mga gamit sa dating pagkakaayos, at naikabit na uli ni Jepoy ang ilaw. Dalawang oras pa at pababa na ang araw. I was so bored.

Anong oras na naman kaya darating ang reply ni Mi? Dapat pala, inisang text ko na lang 'yung mga tanong ko.

Narinig kong may umaakyat sa hagdan. Tapos, may kumatok.

"Yan?"

Napatuwid ang likod ko. What is it this time? May gagawin na naman ako kasama si Jepoy?

"Ano?" tanong ko.

Bumungad si Jepoy sa entrance ng kubo. Medyo basa pa ang buhok niya. Bagong-ligo.

"Tara," sabi niya.

"Saan?"

"Hindi ba nag-text si Mi o Warren?"

Parang cue, pumasok ang text ni Mi sa cellphone ko. Wag ka munang umuwi. Pabili muna kami ni Warren ng cable ng condenser mic. Sabihin mo lang, para sa BM800 unidirectional condenser mic. Meron sa e-store sa mall sa bayan. Saka, blueberry cake.

"Si Mi na 'yan?" tanong ni Jepoy.

Naisikad ko ang paa ko sa inis. Anong alam ko sa cable ng condenser mic ng kung anong BM800 etchetera? Iisang klase lang ba 'yun? I'm bored but it's too much to make me run another errand.

May humabol na text. Please, Yanyan. Sorry, urgent. Thanks. Love you. Miss you. :*

Umirap ako sa screen ng cellphone ko. Nag-love you pa talaga.

"Ano? Tara."

"Tinatamad ako," sabi ko kay Jepoy.

"May magagawa ka ba laban sa kapatid mo?"

"Wala."

Ngumiti siya. Ang generous niya talaga sa ngiti. I can't believe people like him. Kung ako 'yun, ngalay na siguro ang panga o pisngi ko. Lalo akong napasimangot.

"Bakit itinext ka rin nila?" tanong ko pa.

"Para may taga-drive ka," sabi niya. " 'Lika na."

Matamlay akong tumayo. "May pera ka diyan? Wala akong dalang masyadong cash. 'Di ko alam kung magkano 'yung pinapabili ni Mi."

"May pera ako."

"Bili rin tayong..." Nag-isip ako ng gusto ko pero wala akong maisip.

"Kahit anong maisipan mo, oo, sige," sabi niya.

"Sigurado ka?"

"Yes, Diane."

Bumaba kami sa tree house.

***

"Anong tinitingnan mo diyan?" usisa ni Jepoy nang tumabi sa'kin. May hawak na siyang paperbag na may naka-stapler na resibo.

"Okay na?" tanong kong ang tinutukoy ay ang cable na pinabibili ni Mi. Siya ang pumila sa electronic store para magbayad.

Tumango siya. Nakisilip sa loob ng clothing store na hinintuan ko. "Anong meron?"

" 'Yung dress kasi..." sabi ko at itinuro sa kanya ang isang mannequin na may makulay na quilted dress, "Tingnan mo, bagay kay Iya. Magsi-spring na sa New York, masusuot niya 'yan. Magpapadala tayo ng kahon sa kanya next month, 'di ba?"

Tinitigan ni Jepoy ang damit. "Pwede, pwede. Sandali, tawagan ko si Hakob."

Nailing ako. "Ipapabili mo na naman. Tapos, ako na naman ang may kasalanan dahil may itinuro akong damit na bagay kay Iya."

"Matik 'yun," sabi niyang nakatawa. "Masaya na 'yun si Hakob 'pag nakikita niyang isinusuot ni Ishayana 'yung mga ipinag-o-overtime niya."

"Bilhin mo para sa kapatid mo. Lagot ka 'pag nalaman nina Tita na puro si Jacob ang bumibili ng ipinapadala n'yo," sabi ko. "Sumbong kita."

"Hayaan mo si Hakob sa pag-ibig niya. Sa ganyan na nga lang sumasaya 'yung tao, isusumbong mo pa."

Umiling ako. "Ikaw na lang kasi ang bumili kaysa si Denise ang pinag-aaksayahan mo ng sahod mo," sabi kong maliit ang mata sa kanya.

"Ang lakas ng imagination mo, sungit. Hindi ko ibinibili ng damit si Denise."

"Hindi raw. Taste mo 'yung mga naka-shorts eh."

Nangunot ang noo niya. "Sinong nagsabi?"

"Walang kailangang magsabi. 'Yung mga niligawan mo, lahat mahilig mag-shorts. Lahat, mahilig mag-sleeveless. Lahat, mahaba ang buhok. Yuck. Ang obvious kaya ng taste mo."

Nag-isip siya sandali tapos natawa. "Oo nga, 'no?" Umiling siya. "Hindi, nagkataon lang 'yun. 'Di ko nga napansin 'yung pagkakapare-pareho."

Lahat din malandi, gusto ko pa sanang idagdag kaso baka masaktan siya. Maaawa ako nang kaunti.

"Iba ang tinitingnan ko sa babae," sabi niya.

Babawi pa talaga siya eh. "Ano?"

"Interesado ka, sungit?"

"Actually, hindi."

"Gusto ko 'yung smart," sabi niya.

Eh 'di bakit mo girlfriend si Denise? Smart na 'yun sa'yo?

"Ano 'yang ganyang tingin?" usisa niya.

"Wala," sabi ko. "Tawagan mo na si Jacob."

Pero nagpatuloy lang siya. "Kung hindi gano'n ka-smart, okay 'yung masarap kasama."

Siguro nga, masarap kasama. Lahat ng lalaki, sumasama sa kanya eh, naisip ko.

"Gusto ko rin 'yung magaling magluto."

Pigil na pigil na 'kong paikutin ang mata ko. Ni hindi nga alam ng babae niya na ayaw niya ng mustard.

"Hindi na nga ako interesado," sangga ko. "Sa iba mo na lang sabihin 'yan."

"Saka 'yung madaling tumawa."

Bumigay na sa pagrolyo ang mata ko. "Oo. Kailangan mo 'yun. Actually, 'yun dapat ang number one requirement mo dahil walang pag-asa 'yung mga jokes mo."

Lumalapad lang ang ngiti niya kahit nagsusungit ako.

"At dapat, faithful," magaang sabi niya. "Ayoko ng babantayan ko kung sino ang kasama o kung anong oras uuwi sa bahay. O 'yung iisipin ko kung anong oras magre-reply sa text o bakit hindi sumasagot ng mga tawag."

Natahimik ako. Gusto naman pala niya ng faithful, bakit on and off pa rin sila ni Denise? Napaka-contradicting.

Pumalatak siya. "Pero walang silbi ang preferences kapag na-in love ka na. Kaya ingat ka, sungit. 'Wag kang mai-in love sa mga gago gaya no'ng kasama mo kahapon. Nakakasira ng kamao 'yun."

Inirapan ko siya. So, in love pa rin talaga siya kay Denise? Sana pala, may charge ang love na parang sa battery. 'Yung tipong kapag hindi nacha-charge, nalo-lowbat hanggang ma-dead bat. Kung gano'n sana, matagal na sana siyang naka-move on sa sumpa ni Denise.

"Hindi ako in love kay Jorem, don't worry."

"Buti naman."

"Tumawag ka na kay Jacob," sabi ko na lang.

"Sige, sandali."

Ibinalik ko ang mata ko sa damit. Bagay talaga kay Iya 'yun. Sa huling video call namin sa kanya, nagpaikli siya ng buhok para mas maikli ang oras niya sa pag-aayos. Marami kasi siyang terror professors ng third year. Puro unang subjects pa niya. Bawal siyang ma-late.

Sa tabi ng mannequin ng damit na para kay Iya, may flowy dress naman na muted blue. Bagay kay Mi.

Dahil nakikipag-usap pa si Jepoy sa cellphone, pumasok ako sa store. In-inquire ko ang bust size at waist size ng damit. Kinuha ko sa mas malaking size para kay Mi. Nagbabayad na 'ko nang pumasok si Jepoy.

"Binili mo 'yung dress ni Iya? Bibilhin ni Hakob 'yun," sabi niya.

"Hindi. Kay Mi ang binili ko." Itinuro ko sa kanya 'yung katabing mannequin. "Bagay kay Mi 'to."

"Ah. 'Yung sa'yo?"

Napatanga ako sa kanya. "Anong sa'kin?"

"Anong binili mo para sa'yo?"

Umiling ako. "Wala. Bakit ako bibili?"

"Wala kang nagustuhan diyan sa mga damit para sa'yo?" usisa niya.

Iginala ko ang tingin ko sa loob ng store—sa mga naka-hanger na damit sa racks at sa mga mannequin. "Hindi ko naisip tumingin eh. Next time na lang."

"Ikaw ang mas may kailangan ng damit dahil walang uniform sa university n'yo, 'di ba? Turo ka nang turo para sa iba," sabi niya.

Nagkibit-balikat ako. "Next time na lang. Wala akong ganang tumingin para sa sarili ko. Tara sa cake." #

Continue Reading

You'll Also Like

2.4M 2.6K 1
Clover Duology #2. She wanted to be remembered as a good person who lived a good life. She made it happen. Disclaimer: This story is in Taglish Statu...
29.4K 1.9K 9
COMPLETED/ under revision She wasn't satisfied. She's always hoping that someday she will be more than happy, sticking to what she thinks is destined...
1.1M 48K 152
Pa-like po ng status, miss maam. An epistolary.
16.8M 210K 31
Mars Ochoco wishes for nothing but to have her treasured first kiss with her crush, Ezekiel Bautista. Just as she thought her chance finally came, he...