Kapapatay mo lang ng TV sa sala pagpasok mo sa kwarto mo nang makita mo si Taehyung na hawak-hawak ang phone mo.
"Naglalaro ka nanaman?" tanong mo sakanya pagkasarado mo ng pinto.
"'Di ah." Sabi niya, busy'ng-busy, na hindi ka man lang niya magawang tingan.
"Himala." Nilapitan mo siya. "Eh anong ginagawa mo?"
"Nagdi-delete ng contacts mo."
Nagising ka bigla at napagtaasan siya ng boses. "ANO?!"
"'Di lahat. Mga lalaki lang naman. Pwera lang din yung family mo, siyempre."
"Taehyung, ibalik mo 'yang phone ko! Isa-"
"-Dalawa, tatalo, apat." Pagbabalewala niya sa banta mo. "Apat na lang, wait..."
"Taehyung, galit na ko." Pamewang mo.
"Ayan, ok na!" nakangiti pa niyang ibinalik ang phone mo. "Tara, tulog na tayo!" Yaya niya, sabay tago sa ilalim ng kumot mo. Ilang segundo lang ay ibinaba niya uli ang kumot, pero para lang makita ang mga nakangiti niyang mga mata. Wala. Naudlot ang galit mo. Madaya talaga 'yang pagmumukha niyang 'yan eh.
Kaya lang, 'di mo pwedeng palampasin 'yong ginawa niya.
"Para sa'n 'yon, Taehyung?" kalmado mong tanong matapos mong bumuntong-hininga.
"Para sa'n?" inosente niyang ulit. "Para 'di na ko magselos." Ngiti niya uli sa'yo.
"Eh anong balak mo? Babakuran mo ko sa lahat ng lalaki sa mundo?"
Tumango siya. "Ba't hindi? 'Di naman ako busy eh..."
Napa-facepalm ka. "Grabe, hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo."
"Try mo 'kong tabihan. Ngayon na. Dito, o." tapik niya sa katabi niyang espasyo sa higaan mo.
Hanggang ngayon, inaalayan ka pa rin nila Namjoon ng ilang segundong katahimikan at pagsaludo dahil nakakayanan mong tabihan sa pagtulog si Taehyung.
"Dali, kakantahan na kita para makatulog ka." Ngumiti pa uli siya sa'yo. Tumabi ka na lang sa kanya, pumikit, at ipinagpabukas na lang ang pagharap sa konsumisyon. Inaantok ka na rin talaga kasi.
Ilang saglit ay nagsimula nang kumanta si Taehyung. Kakaiba ngunit pamilyar na lyrics, pero 'di ka na nagtanong dahil maayos at kalmado naman ang pagkanta niya. "I wanna be the very best like no one ever was..." kaya lang, sa pagprogreso papunta sa chorus ng kanta, naging hyper siya bigla at dinama ang pagka-upbeat ng kinakanta. Saka mo na rin naalala kung bakit ito pamilyar sa'yo. "You teach me and I teach you, POKEMOOOOON! Gotta catch them aaall-"
"Kim Taehyung, ano nanamang-"
"Pokemon!" tapos niya sa kanta. "Bakit? Ayaw mo ba ng Pokemon theme song? Ang ganda kaya. Tungkol sa friendship..." inosente niyang pangangatwiran.
"Taehyung, please. Gusto kong matulog."
"Ah, e di 'yong pampatulog na lang 'yong kakantahin ko..." napaisip siya nang kaunti. "A, alam ko na!" natutuwa niyang sabi. He cleared his throat and feigned a little girl's voice. "Jigg-a-ly-puff~ Jigg-a~ly-"
"Ano 'yan?!"
"Kanta ni Jigglypuff. Pampatulog kaya 'yon? Matulog ka na, para ma-drawing-an na kita sa mukha gamit ang pentel pen."
Naganap ang ilang pagtatalo na for some reason, nauwi sa paramihan ng pag-e-enumerate at pagkanta ng anime theme songs. Natalo ka siyempre. Solid Otaku eh. Pero actually, nakapandaya rin siya dahil natawagan niya si Jin para makapagtanong.
Sa huli, nagawa ka niyang patulugin gamit ang ballad rendition niya ng Pokemon theme. He kissed the corner of your mouth right before falling asleep himself.
--------------------------------------------------------------------------------------
Copyright © 2014 by amusingmurdermachine