A/N: Okay pa ba yung takbo ng story? T__T
Ynna's POV
After nung nakakalokang whatever na yun ni Grey, hindi na ako nakapag isip ng maayos. Ikaw ba,makakapag isip ka pa nun?! Considering na mamayang hapon may general assembly pa! Makikita ko nanaman siya. >////<
Sa totoo lang, I’ve always found Grey to be the boy-next-door type. Ideal boyfriend ng bayan. Mabait, kalog, gwapo, matalino. Ano pa bang hahanapin mo? Kaya naman never in my wildest dreams na naisip ko na maririnig ko siyang sabihin sakin yung mga yun.
Sino ba naman ako?Eh mahirap lang ako, at hindi ako maganda. Minsan ang balahura ko pa at kung ano anong salita ang lumalabas sa bibig ko. Kaya nga lagi kaming nag aaway ng demonyo na yun eh.
Hala!!! Eh diba nga boyfriend ko yun?! Hala! Ano yun? Nakalimutan ba ni Grey?T___T Naman ehhh! Nagkaka totoong progress na ang lovelife ko tapos may pekeng love life pala ako. :( Di bale, sasabihin ko na lang kapag magkikita kami mamaya.
General Assembly, 3 pm, Gymnasium
Nagsimula na ang general assembly sa Gym at nag explain lang naman sila ng mga school rules and policies tapos yung location ng classrooms. Sinabi pa saming mga 4th year na dahil mag graduate na rin naman kami in 6 months, hindi na kami mag me-merge sa 4th year ng AIA.
Hay salamat.
Bakit ba kinakabahan pa rin ako? Kasalanan kasi ni Grey ehhh! T__T
Natapos na yung general assembly mga 5 pm kaya karamihan samin eh umuwi na rin. Makauwi na rin nga. Mukhang ang sama ng pakiramdam ko eh. T_T
“hoy.”
Demon Alert. Umandar nanaman yung radar ko. Wag kang lilingon Ynna. Wag kang lilingon.
“baket?” T__T Lumingon pa din ako.
“Yung bag ko, naiwan ko sa Gym.”
“Hintayin mo dyan, baka maglakad yun papunta sayo. Bye. Uwi na ko.”
“Kunin mo dun. Nandun yung susi sa apartment.”
“May susi ako, ge bye.”
“Wala, nakita ko kanina sa mesa, iniwan mo.”
ANO DAW???? Bigla kong hinalukay yung bag ko at wala nga yung susi. T___T SANHI KA TALAGA NG MALAS DEMONYO KA!! Wala akong choice, kung gusto kong umuwi, kelangan kong sundin tong sugo ni santanas.
“San sa gym?”
“Sa locker room.”
Ano ba naman kasing ginagawa nito sa locker room? Leche. Inirapan ko na lang tsaka naglakad pabalik ng gym. Haaaayyy.
5:10 pm
Nasan na ba yung bag na yun? Yoohoo! Bag! Where art thou? Ang dilim dilim na dito eh. >__<
*TSHKKKKKK*
Ano yun?!
Teka teka… hindi kaya… O__O
Hindi kaya mag surprise sakin yung demonyo na yun? Like biglang may mag peperform ditto sa stage tapos mag a-appear sya na may dalang bulaklak-- AHHH!! Ano ba?! Baliw nako, baliw, baliw baliw.
Bag, bag, bag. Ayun!
May kung anong ingay akon narinig, pero di ko na pinansin. Baka mag imagine pa ako at kung anong multo ang lumabas. Di ba nga sabi nila, ang mga multo ay sanhi lang ng imagination ng tao, kaya hindi ako ag iimagine! Muahahah!
“Ano ba ‘to? Ang dilim dilim na dito. Brr. Lagot ka talaga saking demonyo ka pag nakalabas ako dito!!!” tapos sinipa ko yung pinto ng locker room sa sobrang inis.
At sa sobrang gulat ko…
Nasira yung pinto ng locker room.
That guy really is a demon. Nasa mundo na niya ako ngayon.
Ry’s POV
Hahahha! Nakakatawa talaga siya! Kinuha talaga niya yung bag ko. Eh nandito naman yung susi sa bulsa ko e. Wala lang! Gusto ko lang siyang pagtripan! Hahah!
Hay nakooooo! Ang sarap talaga ng feeling inisin nung babaeng yun. Woooo! Feeling ko kumpleto na ang araw ko. Nahirapan kasi akong hanapin siya kanina. San kaya nagtago yun?
Maka-uwi na nga. >:D
“Ry! Chase!”
Nakita ko sa harap ko si Grey. Tch.
“Oh?”
“Nakita mo ba si Ynna?”
Bakit naman kaya hinahanap ng gag*ng ‘to yung panget na yun? Whatever. Pakialam ko ba.
“ewan, nasa gym siguro, binabaliktad na yung mga locker kakahanap ng bag ko. Haha!” Napatawa na lang ako iniisip kong nagkakanda ugaga yung panget na yun kakahanap ng bag ko. Hahahah!
*BOOGSH*
“G*go! Para san yung suntok na yun?! Aba g*g* ka ah!” sigaw ko sa kanya.
“I really don’t think this is the time for you to be laughing right now.” Tapos bigla na lang siyang tumakbo paalis.
I really hate the guts of that guy.
“OMG!” sigaw ng isang babae sa di kalayuan. Hindi lang isa, isa isa silang sumigaw ng sumigaw habang may tinuturo sa kalangitan.
“Yung Gym, nasusunog!”
“Students! Please vacate the school grounds now!!”
Isang janitor ang lumapit sa isang professor, “Sir! May isang babaeng naka brown na uniform na pumasok kanina sa gym!’
“WHAT?!” sigaw ng isang professor. “Students! Please leave now!!!”
Lahat sila natataranta na.
I really deserved that punch.
Napatakbo na lang ako. Maybe I am a demon after all.